Professional Documents
Culture Documents
Filipino 6 Activity Sheets W6
Filipino 6 Activity Sheets W6
Filipino 6 Activity Sheets W6
FILIPINO 6
Q1-WEEK 6-GAWAIN BLG. _2_
Name of Learner: _____________________ Date: _____________________
Grade Level/ Section: __________________ School: Tayabas West Central School II
Teacher: ____________________________
MELC: Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa binasang/napakinggang talata
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang talata. Bigyan ito ng angkop na pamagat. Gawin ito sa
inyong sagutang papel.
1. Ang pating ay isang uri ng karniborong isda. Sa kasalukuyan, mayroong mahigit na limangdaang
uri ng pating. Karamihan ng uri ng pating ay nananatili sa tubig-dagat ngunit may iilang nabubuhay
sa tubig tabang. Ang pinakamaliit na pating ay may habang anim na pulgada. Ang pinakamahaba
naman ay ang butanding. Ito ay umaabot sa haba na labindalawang metro.
Angkop na pamagat: _________________________________________
A. Ang pating B. Ibat-Ibang uri ng Pating
C. Ang pinakamaliit na pating D. Limandaang uri ng pating
2. Sabik na sabik si Julia na pumasok sa paaralan ngayong araw na ito. Gabi pa lamang ay inihanda
na niya ang kanyang uniporme. Nakaayos na rin ang kanyang bag at baunan. Pagtunog ng kanyang
relo, mabilis na bumangon si Julia upang maligo na. Dali-dali siyang nagbihis at pumunta sa silid-
kainan. "Julia, mukhang handa ka na para sa unang araw ng pasukan," ang bati ng kanyang nanay.
"Opo! Sabik na po akong pumasok!" ang sagot ng bata.
Angkop na pamagat: _________________________________________
A. Unang araw ng pasukan B. Sabik pumasok sa paaralan
C. Ang pagpasok sa paaralan D. Handa na sa pasukan
3. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalaganginstitusyon. Sa gitna ng maraming suliranin,
dapat umiralang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upanglalong tumibay ang
pagsasamahan ng isa’t isa. Ano mang problema ang dumating, kailangang mapanatiling buo
atmatatag ang pamilya. Bukod dito biyaya ng Diyos ang ating pamilya kaya’t patuloy mong ingatan.
Angkop na pamagat: _________________________________________
A. Ang Pamilyang Pilipino B. Ang Pamilya
C. Ang Problema sa Pamilya D. Biyaya ng Diyos ang Pamilya
4. Ang niyog (cocos nucifera) ay may karaniwang taas na 6 nametro o higit pa. Natatangi sa lahat ng
puno ang niyogsapagkat bawat bahagi nito ay maaari ring sangkap sapaggawa ng sabon, shampoo, at
iba pa.
Angkop na pamagat: _________________________________________
A. ang niyog B. Ang Niyog
C. Ang mga Gamit ng Niyog D. ang mga gamit ng Niyog
5. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan.Ang bawat lugar sa ating bansa ay
may kapistahang ipinagdiriwangbilang pasasalamat sa kanilang patron.
Isa pang kilalang tradisyon natin ay ang bayanihan. Angbayanihan ay ang pagtutulungan ng
mga tao para sa isang gawain.May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong
tradisyonlalo na sa mga lalawigan.
Angkop na pamagat: _________________________________________
A. Tradisyon ng mga Pilipino B. Kapistahan ng mga Pilipino
C Ang Bayanihan D. Mga Kapistahan sa lalawigan