Noli Me Tangere

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Gingoog City Comprehensive National High School

Gingoog City

Banghay Aralin sa Filipino 9

I. LAYUNIN: Pagkatapos ng isang sesyon, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nasusuri ang pagkasunod-sunod ng mga mahahalagang pangyayari sa


kabanata;
B. Naibabahagi ang sariling damdamin batay sa pangyayaring naganap sa
buhay ng tauhan; at
C. Naisasagawa ang iba’t ibang gawain tungkol sa mga pangyayaring
naganap sa kabanataa.

II. NILALAMAN:
Kompetensi: F9PN-IVd-58, Naibabahagi ang sariling damdamin batay sa
pangyayaring naganap sa buhay ng tauhan.

Paksa : Aralin 3: A Noli Me Tangere – Mga Mahahalagang Pangyayari sa


Buhay ni Crisostomo Ibarra – Kabanata V,VII,IX at X.
Pagsasama-sama: -Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP). Huwag natin
gamitin ang ating katayuan sa buhay upang maliitin at gawing sunod
sunuran ang ibang tao.
Estratehiya : Kolaboratibong pagkatuto
Kagamitan : Grapikong pagsasaayos, marker, pandikit, gunting, at aklat
Sanggunian : Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal
Isang masusing pag-aaral ni Aida M. Guimarie

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
2. Pag-ayos ng upuan
3. Pag-tsek ng atendans
4. Pagkuha ng mga takdang Aralin
5. Pagbabalik aral :

B. Pangganyak:(Picture Analysis)

 May ipapaskil na larawan sa pisara


 Tatawag ng mga mag-aaral upang magpahayag ng kanilang
opinyon tungkol sa larawan.
Tanong: Ano ang napapansin ninyo sa larawan?
Ano kaya sa tingin ninyo ang kaugnayan nito sa ating
paksang tatalakayin?

C. Paghawan ng Sagabal:
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga salitang nasa
hanay A. Gamitin ito sa pangungusap pagkatapos.

A B
1. Karumal-dumal kaawa-awa

2. Masinsinan seryoso

3. Nabighani Naakit

4. Mayabong masagana

5. Nagbuklat nagbukas

D. Paglalahad:

 Hahatiin sa apat na pangkat ang klase, babasahin at susuriin nila


ang mga mahahalagang pangyayari sa kabanatang itinalaga sa
kanila. Pagkatapos ay pipili ng isang kasapi sa bawat pangkat
upang magbahagi ng kanilang opinyon o damdamin batay sa
binasang kabanata.

Pangkat 1 – Kabanata 5
Pangkat 2 – Kabanata 7
Pangkat 3 – Kabanata 9
Pangkat 4 – Kabanata 10

E. Talakayan:

1. Bakit lubhang hindi mapakali si Ibarra sa loob ng kaniyang


tinutuluyan?
2. Paano pinatunayan nina Ibarra at Maria Clara na hindi nila nalimot
ang isa’t isa?
3. Anong pagpapahalagang Pilipino ang ipinakita ni Ibarra at Maria
Clara sa binasang kabanata?
4. Sa iyong palagay, bakit nagsadya at nakipag-usap si Padre Damaso
kay Kapitan Tiyago?
5. Anong magagandang katangian ang ipinamalas nina Don Rafael at
Don Saturnino? Taglay pa ba ito ng mga Pilipino ngayon?

F. Pangkatang Gawain:

 Sa parehong pangkat ay may gawaing nakatalaga sa kanila.


Bibigyan lamang sila ng tatlong minuto sa paghahanda at
dalawang minuto sa paglalahad.

Unang Pangkat – (kabanata 5)Sa pag-iisa ni Ibarra, ano ang mga


bagay na bumabagabag sa kaniyang isipan? Isulat sa bawat
speech balloon ng hinihinging kasagutan. Ilahad sa klase.

Pangalawang Pangkat – (Kabanata 7)Isulat sa dayagram ang


pagbabalik-tanaw sa nakaraan nina Maria Clara at Ibarra. Ilahad
sa klase.

Pangatlong Pangkat – (Kabanata 9)Gamit ang grapikong


pagsasaayos, itala ang mga mahahalagang pangyayari sa
kabanata. Ilahad sa klase.

Pang-apat na Pangkat – (Kabanata 10)Ibigay ang mga positibo at


maaaring negatibong epekto ng kaunlaran sa isang lugar. Itala sa
tsart
Pamantayan
Nilalaman -------20 puntos
Presentasyon ---10 puntos
Kooperasyon---- 5 puntos
Paggamit ng Oras 5 puntos
Kabuuan ---------- 40 puntos

G. Pagsasama-sama:
Maglahad ng isang pangungusap na kaisipan na magbubuod sa
buong pangyayari sa bawat kabanata.
H. Paglalahat:
Tanong: Ano ang aral na napulot ninyo sa bawat kabanata na
inyong binasa?

IV. EBALWASYON:
PANUTO: Suriin at tukuyin ang tamang pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kabanata. Lagyan ng 1-5 bilang ang bawat patlang.

___1. Nawala na parang bula ang matanda at natagpuan lamang ang


nabubulok na bangkay nito sa sanga ng isang puno ng baliti.
___2. Isang magagandang tanawin ang makikita sa San Diego. Pinaliligiran ito
ng mga mayayabong na punong kahoy, sagana sa mga pananim tulad ng
kape at asukal.
___3. Nabighani ang isang matandang kastila sa kalikasang ito kaya binili niya
ito kapalit ng alahas at salapi.
___4. Don Saturnino ang pangalan nito na anak raw ito ng namatay na
matandang kastila. Pinayabong ni Saturnino ang kaalaman tungkol sa
pagtatanim at pangangaso.
___5. Makaraan ang ilang buwan ay may isang binatang tila mistisong Kastila
ang dumating doon.

V. TAKDANG ARALIN:
Panuto: Gumawa ng isang repleksyon ukol sa mga pangyayaring naganap sa
kabanatang iyong nabasa. Isulat sa isang buong papel.

Pamantayan
Nilalaman ------------------- 15 puntos
Kalinisan --------------------- 5 puntos
20 puntos

Inihanda ni:

SHIRLEY L. PAGARAN GNG.EMMA ANNA A. ADOLFO


Nagpapakitang Turo Cooperating Teacher

You might also like