Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Alamat ng kulay Rosas

o sa wikang ingles, The Legend of the color pink

Noong unang panahon, Sa malayong bayan ng Camsur, ay may isang sitio na punong-puno
ng makukulay at magagandang bulaklak, ang sitio Naga. Biniyayaan ito ng mga likas
na yaman gaya ng tanim, puno, at lalong-lalo na sa bulaklak. Makulay ang bawat
sulok ng lugar na ito, pati ang mga bahay at mga tao dito ay makukulay din.
Tinatawag itong ang “Nakatagong sitio balangaw”, dahil sa ganda nitong mala
bahaghari.

Isang araw, may pamilya na bagong lipat sa sitiong ito. Isa silang pamilya na
nabiyayaan ng maraming pera, galing sa syudad sa Socoli. Dahil kilala sila na
mayaman, nagpakitang gilas ang mga ito, at nagbigay ng mga gamit at pera sa taga
Naga. Ngunit higit sa lahat, nagdala ang mga ito ng isang maitim na bulaklak.

“Huwaww, isa naman iyang kakaibang bulaklak” ayon sa isang bata na namangha sa
bulaklak na ito.

“Hindi pa ako nakakita nang iyan, kahit paman ako’y naka punta na sa madaming
lugar” Sabi ng isang Tatay.

Tinanim nila ang kakaibang bulaklak na ito sa taniman kung saan nandun ang
napakadaming makukulay na bulaklak. Talagang ito’y kakaiba, sapagkat kapansin-
pansin ang naiibang kulay nito. Namangha at hinangaan ng mga taga Naga ang
panibagong bulaklak na ito, itinuring nila itong bago at dagdag na kulay sa
balanghaw.

Hindi nag tagal ng ilang araw, at biglang umitim ang kulay sa mga bulaklak na
nakapalibot nito. Dahil sa celebrasyon ng pagtanggap na idiniwang nila sa bahay ng
bagong pamilya, naging abala ang taga sitio at hindi napansin ang kakaibang
pangyayari. Pagsapit ng gabi ay tuluyan ng naging itim ang mga bulaklak sa taniman
na iyon, dahil pagod ang mga tao at di nila namalayan ito. Kinabukasan ay nagiba na
ang kulay ng buong sitio.

“Ahhhh, bakit kulay itim na ang aming tanim, ang aming bahay, at ang aming damit”
Gulat na sabi ng isang mamayan.

“Ano ang nangyari sa ating makulay na sitio? Tila nandilim ang ating paligid”
Pagaalala ng isa pang mamayan.

“Siguro kasalanan ito noong itim na bulaklak!” Galit na pang aakusa ng isang
dalaga.

“Hindi yan totoo, hindi nila yun magagawa sa atin.” Pagtatanggol ng isang mamayan

“Bata ka pa, wala ka pang kaalaman” Dagdag ng isa pang mamayan

Tuluyang umitim ang sitio Naga. Kaya nawalan na din ng kulay ang kanilang mga puso,
at tuluyang naging malungkot at madilim na ugali ang mga taga rito. Naapektohan sa
pangyayari, at nabago ang kanilang buhay. Ang dating makulay ay ngayo’y makupas at
nagiisa na laman ang kulay, ang kulay itim. Sa paglipas ng panahon, nawalan na ng
kasiyahan ang mga tao doon, at tila walang emosyon.

Ngunit makalipas ang ilang taon, isang himala ang nangyari. May isang bulaklak na
maaliwalas ang kulay na tumubo sa bahay ng isang dalaga na nag ngangalang Leonor.
Kahit sa nangyaring trahedya sa sitio nila, at kahit nasa mababang gulang pa lamang
siya, nanatiling matatag at umaasa si leonor, kaya siya nabiyayaan ng bulaklak.
“Natupad na ang aking hiling, mababalik na sa dati ang aming buhay, uuwi ka na rin
dito aking inay.” Mapasalamatin na sabi ni Leonor.

Lumaki si Leonor na wala tatay, at tanging silang dalawa lamang ng kanyang nanay.
Ngunit noong nangyari ang trahedya, lumisan ang kaniyang ina upang maghanap buhay
sa ibang lugar. Simula noon hindi na siya nakarinig mula sa kanyang ina, pero
nanatili parin siyang positibo at umasa na sumigla ulit ang kanilang buhay.

Sa takot na baka mahawaan at mangitim din ang bulaklak na iyon, hindi niya ito
pinagsabi sa iba at inalagaan ito ng sekreto.

Isang gabi, bigla nalang umilaw ang bulaklak na iyon. Nagsilabasan ang mga tao
dahil sa kaliwanagan na nagmula sa bahay ni Leonor. Himala ang nangyari nang mas
lalo pa itong lumiwanag, kaya napapikit ang mga tao. Pagmulat ng kanilang mga mata,
ay biglang nagliwanag ang paligid. Bumalik bilang makulay ang mga tanim, puno, at
ang mga bahay. Unti-unting bumalik ang makulay na pananaw at sigla ng mga tao,
namulat na ang mga matang nakapikit sa kadiliman, nakita ang tunay na pagasa.

Sa pangyayaring iyon, humanga at naging magmapasalamat ang mga tao kay leonor at sa
bulaklak na iyon. Pinangalanan ni Leonor ang bulaklak na “Rosas”. “Ito ang
bulaklak na nagpamulat sa ating mga mata, ang bulaklak na sanhi sa pagbabalik sa
ating matiwasay at makulay na buhay. Ang ating Liwanag sa Dilim, Ang bulaklak na
kulay Rosas.” At doon nag simula ang alamat ng kulay Rosas.

You might also like