Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“Paglalakbay sa Baguio”

Isa sa mga patok na puntahan sa Pilipinas ay ang Baguio, City na kilala bilang
"Summer Capital of the Philippines". Napagpasyahan ng aming pamilya na bisitahin ito
dahil saktong-sakto na tag-init noon at hindi pa nagkakaroon ng pandemya.

Pagdating naming sa Baguio ay mainit kaming tinanggap ng


mga tao roon. Dumiretso muna kami sa “Old Orangewood
Bed & Breakfast” na aming nirentahan na apartment sa
Baguio nang 3 araw. Pagkapahinga namin ay agad kaming
naglibot-libot muna at aming sinubukan ang pinakasikat at
dinadayo na flavor ng taho rito, ang strawberry taho. Sulit
na sulit ang presyo nito sa lasa ng taho. Malalasahan mo
talaga ang fresh strawberries at saktong-saktong tamis na
sakto sa malamig na kilma rito sa Baguio.

Sa ikalawang araw, una naming pinuntahan


ang Burnham Park. Kasama ng aking mga pinsan, sinubukan namin ang boating at
biking, at tunay nga na napakasaya sa pakiramdam na makapag-bonding kasama ang
pamilya. Bumili rin kami ng samu’t saring pagkain na nadaanan namin sa tabi ng
kalsada habang kami’y naglilibot-libot sa lugar. Kinagabihan, napagpasyahan naming
puntahan ang “Laperal White House” na isang sikat na haunted na bahay dito sa
Baguio. Gabi kami pumunta upang mas maramdaman namin ang takot ng pagiging
haunted nitong bahay. Pagpasok pa lamang namin sa pintuan ay ramdam na agad
namin ang kakaibang presensya sa lugar. Halong kaba at kaunting takot ang aming
naramdaman nung nandon na kami mismo sa lugar, kaya naman pag-uwi namin sa
apartment ay hindi agad kami nakatulog dahil sa katatakutan at hindi malilimutang
karanasang ito.

You might also like