Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

CAGAYAN STATE UNIVERSITY

Kampus ng Sanchez Mira


Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
S.Y 2023-2024

Pamagat ng Pananaliksik: "Kahirapan sa Bansa"


Petsa: May 2, 2023

I. PAMBUNGAD
Bakit patuloy paring naghihirap ang mga mamamayang Pilipino sa kabila ng lahat ng
pagsusumikap nila sa buhay? Bakit mayroon tayong walang katapusang kakulangan o kakapusan
sa buhay? At ano ang kailangan nating gawin upang mahantungan ang paghihirap nating lahat?.
Ang kahirapan ay isa sa mga problema na kinakaharap ng mga Pilipino. Ito ay isa rin sa
problema na hindi matapos tapos at hindi rin mabigyan ng solusyon. Mahigit kumulang 48% o
11.1 milyon ang bilang ng mga pamilyag pilipino na nagsasabi at itinuturing ang kanilang sarili
bilang mahirap. Ito ay batay sa ikalawang ‘survey’ na ginawa ng SWS o Social Weather
Stations.

A. ANO ANG MAAARING SANHI NG KAHIRAPAN?


Isa sa sanhi ng kahirapan ay ang pagkakaroon ng mababang antas ng edukasyon. Marami
ang nag sasabi na ang edukasyon ang ating puhunan para sa ating kinabukasan ngunit marami rin
ang hindi nakakapag aral dahil nagkakaroon ng kakulangan sa pera na ipangbabayad sa paaralan
na papasukan pati na rin pangbili ng kagamitan na kakailanganin ng isang mag-aaral. Ang ibang
mag-aaral naman ay nagtratrabaho habang nag aaral. Ito na rin ang magsisilbing tulong nila sa
kanilang mga magulang at matustusan ang kanilang sariling pag-aaral. Isa rin sa sanhi ang
maraming Pilipino ang nalululong sa masamang bisyo. Ito ay maituturing dahilan rin sa
kahirapan. Ang paggamit ng alak at sigarilyo ay nakakasira ng ating kalusugan , pamilya,
kabuhayan at kinabukasan dahil kung ito ay iyong makasanayan ay mahirap na itigil. Ang iba ay
ginagastos ang pera sa pagbili ng mga alak hanggang sa wala na silang maiuwing pera sa
kanilang pamilya dahil naubos na sa pag inom at pagsusugal. Ito rin ang dahilan ng hindi
pagtratrabaho dahil nauubos na ang oras sa bisyo at hindi na magawang pumasok at mag
hanapbuhay. Ang resulta ay ang kawalan ng sweldo o kita na maaaring magamit sana sa
pangtustos ng pangangailangan ng kanilang pamilya. At higit sa lahat ang Kurapsyon. Ang
kurapsyon ay isa sa mga dahilan at nagiging ugat ng kahirapan lalo na dito sa Pilipinas.
Maituturing na itong sakit ng lipunan, mistulang kanser sa loob ng ating mga pamahalaan. Ang
Korapsyon o pangugurakot ay tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan. Ito ay
karaniwang tumutukoy sa pampolitika na korupsiyon na nangyayari kapag ang isang indibidwal
na nasa posisyon sa pamahalaan o isang empleyado ng pamahalaan ay umaasal para sa sariling
kapakinabangan. Ang korupsyon ay ang pagnanakaw sa kaban ng bayan ng mga taongganid na
nakaposisyon sa ating lipunan.

B. ANO ANG EPEKTO NG KAHIRAPAN SA BANSA?

Ang kahirapan ang isa sa mabigat na problema na kinakaharap ng ating bansa. Sa


kabilang dako, madami ang nagiging epekto ng kahirapan sa ating bansa. Una na dito ay ang
maagang pagbubuntis. Maraming kababaihan ang maagang nabubuntis sapagkat wala silang
sapat na kaalaman at impormasyon ukol sa pagbubuo ng pamilya at ang mga responsibilidad ng
kanilang aksyon. Ito rin ang nagiging epekto kaya mas lalong tumataas ang bilang ng populasyon
at nagdudulot ng kahirapan. Ayon sa 2014 datos ng Philippine Statistical Authority (PSA), kada
oras, 24 na sanggol ang isinisilang ng mga kababaihan na maagang nabuntis. Bunga ng
kahirapan, maraming kabataan ang namamalimos sa isang tabi upang sila ay may makain. Dahil
hindi sapat ang pagkain na kinakain nagdudulot ito ng iba’t ibang sakit. Ang malnutrisyon ang
pangunahin at kadalasang sakit ng mga taong nakararanas nito. Marami silang pangangailangan
na hindi matugunan katulad ng kawalan ng tirahan, kasuotan, inumin at kawalan ng
masusustansiyang mga pagkain. Isa pa sa epekto ng kahirapan ay maraming kabataan ang
nagtatrabaho at hindi makapag-aral.

C. ANO ANG SOLUSYON NG KAHIRAPAN?

Isa sa solusyon ng kahirapan sa ating bansa ay ang pagbibigay ng sapat na trabaho para sa
mga mamamayan. Kailangan ding bigyang pasin ang transportasyon sa sating bansa sapagkat
nagdudulot din ito nang kahirapan sa mga taong nakatira sa malalayong lugar. Dapat din bigyan
nang sapat na pansin ang edukasyon sa Pilipinas sapagkat maraming mga kabataan ang hindi
nakakapagtapos na pag aaral na nagiging sanhi ng pagaasawa ng maaga sapagkat wala silang
sapat nakaalam sa pagaasawa na nagiging dahilan ng karagdagang kahirapan ng ating bansa
sapagkat nadadagdagan ang mga taong walang trabaho.

Pangalan ng Miyembro:
Patrick R. Gabbaoan
BSE FIL-1A

You might also like