Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Agu

stin
o

Ang unang dumating na mga paring misyonera o mga prayle sa Pilipinas ay


kabilang sa religious order ng Augustinians, o mga prayleng Agustino. Kasama sila sa
expedition ni Miguel Lopez de Legaspi noong 1565.
Lima sa kanila ay nagmula sa Mexico: sina Padre Andres de Urdaneta, Padre
Diego de Herrera, Padre Andres de Aguirre, Padre Martin de Rada at Padre Pedro de
Gamboa.
Mabubuting misyonero ang limang ito. Masisipag sila at masisigasig sa
pananampalataya.
Nanirahan sa Cebu ang mga unang Augustinians. Itinayo nila ang isang munting
simbahan at kumbento sa karangalan ng Santo Niño. Dahil dito, ang Cebu ang naging
duyan ng Kristiyanismo sa Pilipinas.
Pinalampas nila ang ilang taon bago nagbinyag ng mga katutubo, dahil hindi sila
segurado sa desisyon ng Espanya na manatili sa Pilipinas. Nang maging malinaw na
magtatagal ang mga Kastila sa ating bansa, naging masigasig sila sa pagpapalaganap ng
pananampalatayang Kristiyano.
Nang maitatag ang lungsod ng Maynila noong 1571, itinayo ng mga Augustinians
ang San Agustin Church at kumbento (nasa Intramuros ngayon).
Simula doon, taun-taon ay nagmi-misyon sila sa iba’t ibang lugar.
Nakarating sila sa Pampanga, Cagayan, Laguna, Batangas, Ceby, Panay at Maynila.
Napakarami nilang nabinyagan bilang mga bagong Katoliko.Sila ang tanging mga
misyonero sa Pilipinas hanggang noong 1578 dumating ang mga Pransiskano.
Fra
ncis
can
o

Ang katagang Franciscano ay karaniwang tumutukoy sa mga kasapî ng


ordeng relihiyoso na sumusunod sa isang katawan ng mga alituntuning
tinatawag na "Ang mga alituntunin ni San Francisco",[1] o ng isang miyembro ng
isa sa mga ordeng ito sa Simbahang Katóliko Romano, mga komunidad ng mga
Anglikanong Franciscano at mga mumuntíng pangkat na Lumang Katóliko.
Ang pinakatanyág na pangkát sa mga ito ay ang Orden ng mga Prayleng
Menor (karaniwang tinatawag na mga "Franciscano"). Ang Orden ng mga
Prayleng Menor ay ordeng nagpapalimos, alinsunod sa halimbawâ ni San
Fransisco.
Jesu
ita

Kasabay ng unang Obispo sa Pilipinas, dumating ang mga unang Jesuits sa


bansa noong 1581. Ang superior nila ay si Padre Antonio Sedeño na unang superior sa
Florida, unang superior sa Mexico at unang superior ng mga Heswita sa Pilipinas.
Nagtayo sila ng simbahan sa Intramuros malapit sa Puerta Real.
Nangaral sila sa Taytay, Antipolo, Iloilo, Samar, Leyte, at Bohol, gayundin sa Cebu.
Sa Maynila, itinatag nila ang Santa Cruz, San Miguel, at Quiapo. Sa Cavite naman, ang
Silang, Maragondon at Cavite Viejo.
Masipag nilang nilapitan ang mga katutubo upang mangaral ng Mabuting
Balita.Nagsimula sila sa Mindanao noong 1635. Nagdusa sila sa mga pagsalakay ng mga
Moro sa mga pamayanan nila sa Mindanao.
Pinalayas ang mga Jesuits sa Pilipinas noong 1768 at ang mga misyon nila ay
napasakamay ng ibang mga orden ng mga pari.
Malaking kawalan ang pagpapatalsik sa kanila, lalo na sa larangan ng edukasyon
at misyon. Ang itinayo nilang University of San Ignacio ay naglaho kasama nila. Sa
kanilang pagbabalik, masipag nilang ipinagpatuloy ang kanilang misyon.
Dominikano

Dominican, ang pangalan ay Black Friar, miyembro ng Order of Friars Preachers,


na tinatawag ding Order of Preachers (OP), isa sa apat na dakilang medicant order ng
Roman Catholic Church, na itinatag ni St. Dominic noong 1215. ... Mula sa simula ang
pagkakasunud-sunod ay isang synthesis ng buhay mapagnilay-nilay at ang aktibong
ministeryo.
Ang Dominican Order ay isang relihiyosong orden ng Romano Katoliko, na binubuo
ng mga pari, madre, kapatid na babae, at mga layko. Kilala ito sa kanyang pangako
sa holistic na edukasyon at paghahanap ng katotohanan (Veritas).
Ang mga miyembro ng Dominican Order (Order of Preachers) ay nasa misyon sa
Estados Unidos nang higit sa dalawang siglo. Ang misyon na ibinigay sa kanila ni
Dominic de Guzman (1170–1221) mula sa pagkakatatag ng Orden ay ang ipahayag
ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng pangangaral, pagtuturo at halimbawa,
habang sila ay itinataguyod ng buhay na magkakatulad.
Ang motto ng Dominikano: ' Benedicere, Laudare, Praedicare ' (magdasal,
magpala, at mangaral) ay lumago mula sa isang pangunahing pangako sa apostolikong
ministeryo. Dahil ang mga tao ay kailangang hikayatin at suportahan, ang buhay
komunidad ay isang priyoridad para sa mga Dominikano.
Rekoleto

Ikalimang dumating sa Pilipinas ang mga Rekoleto (Order of Augustinian


Recollects, na nanggaling sa mga Agustino) noong 1606. Itinayô nilá ang
Simbahang San Sebastian, at nag-iisang neo-gotikong simbahang bakal sa
bansa at sa Asia. Itinatag nilá ang San Sebastian College at ang University of
San Jose. (PKJ).
Ang mga unang misyonero ang unang sumulat ng bokabularyo,
gramatika, at mga saliksik pangkultura sa kanilang destinong lalawigan o
rehiyon. Silá ang nagtayô ng mga unang pamayanang kolonyal at ng mga
unang simbahan at mga paaralan. Sila din ang nagpasok ng mga kaalamang
pang-agham at pang-inhenyeriya mulang Europa. Gayunman, naging kapuna-
puna ang lubhang pakikialam ng mga naging kura paroko sa politika at ang
hindi pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga paring Filipino o paring sekular
nitóng ika-19 siglo. Nauwi ito sa kilusan para sa sekularisasyon, at isa sa
malaking usaping tinuligsa ng mga Propagandista sa pangunguna nina Rizal at
Plaridel. (VSA)

You might also like