Detalyadong Banghay Aralin Sa Filipino 10

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
Schools Division of DAVAO DE ORO
MONKAYO EAST DISTRICT
Paaralan ULIP NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang 10
Guro NELSON M. PORRAS Asignatura FILIPINO

Petsa Pebrero 20, 2023 Kwarter IKATLO

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

-F10PN-IIIc-78
Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan

F10WG-IIIc-73
Nauuri ang iba’t ibang tula at ang mga elemento nito

II. PAKSANG- ARALIN


A. Paksang Aralin
Panitikan: Tula mula sa Uganda, “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay”,
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora mula sa Salin sa Ingles ni Jack H. Driberg ng A
Song of a Mother To Her Firstborn
Gramatika at Retorika: Wastong Gamit ng Simbolismo at Matatalinghagang Pananalita
B. Sanggunian: Filipino 10- Panitikang Pandaigdig sa TG mp. 110-114
Kagamitang Mag-aaral mp. 274- 284
PLUMA :Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan;Ikalawang Edisyon (Baitang
7). Pahina 77-78
C. Mga Kagamitan: Projector,manila paper,laptop,musika at kopya ng tula
D. Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Ina

III. PAMAMARAAN

A. Balik- Aral
Sa Venn Diagram,isulat pagkakatulad at pagkakaiba ng sanaysay sa talumpati.

B. Pagganyak
Tanungin ang mga mag-aaral kung batid nila ang awitin ni Gary Granada na“Magagandang
Anak. Ipaparinig ito sa kanila. Alamin ang nauunawan ng mga mag-aaral tungkol sa ipinahihiwatig
ng koro
ng awitin. Pagkatapos ay magbigay ng kaunting input. Magbabahaginan ng saloobin at karanasan sa
kadakilaan ng ina.

Magbigay ng mga matatalinhagang pananalita at simbolismo sa salitang nasa puso.

INA
C. Pagtalakay
KASANAYANG PAMPAGKATUTO -F10PN-IIIc-78 Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa
napakinggan

A. Pag- uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin: Ipabasa ang dalawang


tula.Pagkatapos ay pangkatin ang mga mag-aaral upang mabisang maisagawa ang
Gawain 3. Ipasuri at paghambingin ang dalawang tula na nakalahad sa Gawain 3. Bigyan
ng sapat na oras ang mga mag-aaral sa pagsasagawa nito.
B. Magbibigay ng maikling input tungkol sa tula at sa nilalaman nito.
C. Basahin ang tulang pag-aaralan “ Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay”.Pagkatapos ay
sagutin ang mga Gabay na Tanong.

D. Paglalapat

Sasagutin ang katanungan batay sa kung anong talento mayroon ang isang mag-
aaral:
Sasabihan ang mga estudyante na pupunta sa pangkat batay sa gusto nila.
(Differentiated instructions)

Pangkat 1: Drama
Pangkat 2: Aawit
Pangkat 3: Sasayaw

Paano mo maipapakita ang pagmamahal at pagpapahaga sa iyong Ina?


E. Paglalahat ng Aralin
Ipagawa ang Gawain 6,KM.pahina 282 gamit ang grapikong representasyon.

IV. PAGTATAYA

KASANAYANG PAMPAGKATUTO - F10WG-IIIc-73-Nauuri ang iba’t ibang tula at ang mga elemento
nito

Ipabasa ang tulang “ Ang Matanda at ang Batang Paruparo ni Rafael Palma pagkatapos
pasagutan ang isang grapikong representasyon,gawain 7 sa pahina 284 ng KM.

ELEMENTO NG TULA PAGSUSURI

a.Sukat

b. Tugma
c. Kariktan
d. Talinghaga
Ito ba’y tulang tradisyonal o malaya? Patunayan.
Nasalamin ba sa tula ang kultura ng bansang pinagmulan nito? Sa
paanong paraan?Patunayan.
V. TAKDANG- ARALIN

Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno.

1. Ano ang layunin ng tulang binasa? Anong uri ito ng teksto?


2. Paano naiba ang unang tulang binasa sa ikalawang tula? Magkatulad ba ang pagiging
masining ng dalawang tula? Patunayan.

Inihanda ni:

G. NELSON M. PORRAS
Guro

You might also like