Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

PAARALAN ANTAS UNA

GURO ASIGNATURA MTB-MLE


PETSA/ORAS MARKAHAN IKALAWA

I. LAYUNIN Pagkatapos ng 60 minutong aralin, 75 porsiyento ng mga mag-aaral ay


inaasahang may 80% na pagkatuto sa paksang tinalakay.

A. Pamantayang Ang mag-aaral ay..


Pangnilalaman Nakapagpapamalas ng husay sa pagbasa ng teksto na naaayon sa baitang
1 na may sapat na kawastuan, bilis, at pagpapahayag na tumutulong sa
pag-unawa.
Nakapagpapamalas ng pag-unawa sa mga salaysay at tekstong
nagbibigay ng kaalaman ayon sa antas o lebel.
Nakapagpapamalas ng pangunahing kaalaman at mga kasanayan sa
pakikinig, pagbasa at pagsulat para sa tiyak na mga layunin.
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay..
Pagganap Nababasa nang may sapat na bilis, kawastuan, at tamang pagpapahayag
sa pagbasa ng tekstong ayon sa antas o lebel.
Nauunawaan at napahahalagahan ang mga salaysay at mga tekstong
nagbibigay ng kaalaman ayon sa antas o lebel.
Nakapakikinig, nakababasa at nakasusulat batay sa layunin nito
C. Mga Kasanayan sa Nakalalahok nang masigla habang binabasa ang kuwento sa
Pagkatuto. Isulat ang pamamagitan ng pagbibigay ng mga puna at pagtatanong.
code ng bawat MT1OL-IIa-i-6.1
Nakababasa ng salita, parirala, at pangungusap na angkop sa unang
kasanayan
baitang na may tamang bilis at kawastuan sa pagpapahayag.
MT1F-IIa-i-1.2
Nakatutukoy ng sanhi o bunga ng mga pangyayari sa kwentong
napakinggan.
MT1LC-Iic-d-4.2
Nakikinig nang mabuti at may positibong reaksiyon habang binabasa ang
kwento.
MT1ATR-Iia-i-1.1
Nakahihiling na mapakinggang muli ng
maraming kuwento.
MT1ATR-IIa-i-3.1
Nakapagbibigay ng interpretasyon sa mapa ng silid-aralan/paaralan.
MT1SS-Iia-e-3.1
I. NILALAMAN Sanhi at Bunga

II. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian CG Pahina 37-38 ng 155

B. Mga pahina sa
Gabay ng Guro

C. Mga pahina sa
Kagamitang Pang
Mag-aaral
D. Mga pahina sa
Teksbuk
E. Karagdagang
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resource
F. Iba pang Kwento, mga larawan, tsart, worksheets.
Kagamitang Panturo
III. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa Ipapakita ng guro ang larawan. Integrasyon sa


nakaraangaralin at / o Asignaturang Araling
pagsisimula ng Panlipunan at Filipino.
bagong aralin (Direksyon – Mapa)

Itanong:
Ano-ano ang mga bagay na makikita sa harapang bahagi ng silid-aralan?

Hayaang sambitin ng mga mag-aaral ang panuntunan sa pakikinig.

Umupo ng maayos.
Makinig nang mabuti.
Sumali sa talakayan.

Pagkukwento ng guro ng, Integrasyon sa


“Okey Ka, Beybi” Asignaturang ESP at
B. Paghahabi sa layunin MATH.
ng aralin Sa Baryo Timbuktu ay may nakatirang pamilya. Magsasaka si Mang (Kasapi ng pamilya at
Tinoy at nag-aasikaso sa kanilang tahanan si Aling Tinay. Paminsan- Bilang ng pamilya)
minsan, nagluluto si Aling Tinay ng mga kakanin at itinitinda niya sa
paligid-ligid ng baryo.

Noong una ay si Aling Tinay at Mang Tinoy lang. Sa ikalawang taon ng


kanilang pagsasama ay dumating si Totoy. Sa ikaapat na taon ay isinilang
naman si Ineng. Pagkatapos ng anim na taon ay sumulpot na si Beybi.
Ang pamilyang nagsimula sa dalawa ay may limang miyembo na
ngayon.

Apat na taon na muli ang nakalipas. Si Totoy ay sampung taon na. Si


Ineng ay walong taon at si Beybi ay anim na taon na. Nakakatulong na sa
trabaho sina Totoy at Ineng. Si Totoy ang kasa-kasama ni Tatay sa
pagtatanim lalo na kapag walang pasok. Gayundin si Ineng na
tumutulong kay Nanay sa pagtitinda. Tanging si Beybi na lang ang hindi
pa pumapasok dahil wala pa siyang pitong gulang. Siya na lang ang hindi
pa nakakatulong masyado sa trabaho ni Tatay at Nanay. Pero alam ba
ninyo na sa gabi, kapag pagod na pagod na sa trabaho at sa pag-aaral ang
lahat ay si Beybi lang ang masiglang-masigla pa rin? Siya naman ang
mag-isang nagtatrabaho. Si Beybi ang tagapunas ng pawis ni tatay. Si
Beybi ang taga-abot ng tsinelas ni nanay. Si Beybi ang tagapagpatawa
kay ate at kuya sa pamamagitan ng pagsayaw at pagkanta kahit wala siya
sa tono. Siya ang nagsisilbing telebisyon ng pamilya. Sa madaling salita,
si Beybi ang taga-aliw ng pamilya.

Hindi pang-araw ang trabaho ni Beybi pero siya ang bida sa gabi. Okey
si Beybi, di ba?
C. Pag-uugnay ng mga Talakayan: Integrasyon sa
halimbawa sa bagong Asignaturang Filipino.
aralin (Talasalitaan)

Integrasyon sa
Asignaturang ESP.
(Pagmamalasakit at
pagmamahal sa pamilya)

Basahin ang mga pangungusap. Ano ang magiging bunga ng sumusunod


na mga sitwasyon.
1. Dumami bigla ang pamilya?
2. Nag-aaral mabuti sina Ate at Kuya?
3. Maaga pa ay nasa bukid na si Tatay?
4. Tumutulong sa pagtitinda ni Nanay si Ate?
5. Sumasayaw at kumakanta si Beybi?
D. Pagtalakay ng bagong Mula sa kasagutan ng mga mag-aaral, ipaliwanag ang konsepto ng sanhi
konsepto at at bunga gamit ang mga sumusunod na larawan.
paglalahad ng bagong
kasanayan #1

E. Pagtalakay ng bagong Pagsasagawa ng Pangkatang Gawain:


konsepto at a. Pagtawag sa bawat lider ng pangkat.
paglalahad ng bagong b. Paggawa nang bawat pangkat ng tahimik sa kanilang nakatakdang
kasanayan #2 lugar.
Unang Pangkat Ikalawang Pangkat

Ikatlong Pangkat Ikaapat na Pangkat

c. Pag-uulat ng bawat lider ng pangkat.

F. Paglinang sa Balikan natin ang ginawa ng bawat pangkat.


kabihasaan
Kung inyong mapapansin, sa mga sitwasyong magkatambal, kalimitan na
( Leads to Formative ang isa ay sanhi at ang isa ay bunga. Ang sanhi ay tumutukoy sa dahilan
kung bakit naganap ang isang pangyayari. Ito ay ang nauna sa dalawang
Assessment ) kaganapan. Ang bunga naman ay ang naging resulta o epekto ng naunang
pangyayari.

Katulad na lamang ng,

“Kumain si Lito ng maraming kendi kaya sumakit ang ngipin niya.”

Sa sitwasyong ito, ano ang sanhi? Bakit sumakit ang ngipin ni Lito? Ano
naman ang bunga?

“Tumatakbo ang bata kaya siya ay nadapa.”

Sa sitwasyong ito, ano ang sanhi? Ano ang bunga?


G. Paglalapat ng aralin
sa pang araw-araw na
buhay

H. Paglalahat ng Aralin Hayaang buuin ng mga mag-aaral ang kaisipan sa araw na ito.
Ano ang sanhi at bunga?

Ang sanhi ay tumutukoy sa _________ kung bakit naganap ang isang


pangyayari.

Ang bunga ay tumutukoy sa naging ___________ ng pangyayari.


I. Pagtataya ng Aralin

J. Karagdagang Gawain Sumulat ng 5 pangungusap na mayroong sanhi at bunga.


para sa takdang- Gawin ito sa inyong kuwaderno.
aralin at remediation
MGA TALA
PAGNINILAY
Bilang ng mga mag-aaral 5–
na nakakuha ng 80% sa 4–
pagtataya 3–
2–
1–
0–
Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation.
Nakatulong ba remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation.
Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
ng lubos ? Paano ito
nakatulong?
Anong suliranin ang aking
naranasan
na solusyon sa tulong ng
aking punong guro at
suberbisor?
Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

You might also like