Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO GRADE 8 COT1

Gurong mag-aaral Carene A. Cordova Grade & Seksyon Grade 8 Walnut


Petsa ng Pagtuturo November 11/09/23 Filipino 8
Oras ng pagtuturo 7:45-8:45 quarter 2nd
Pangkasanayang Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa tungol sa buhay ni Jose P. Laurel na may kaugnayan sa
Pang Nilalaman katutubong kulturang Pilipino.
Kasanayang sa Ang mag-aaral ay nauunawaan ang isang paksa upang makita at mabigyang-halaga ang katutubong
Pagganap kulturang Pilipinong magagamit para sa mga poyektong panturismo ng bansa.
Kasanayan sa Naipaliliwanag ang tema at mahahalagang kaisipang nakapaloob sa akda. F8PB-IIf-g-26
Pampagkatuto
I-Layunin  Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa buhay ni Jose P. Laurel.
 Napahahalagahan ang mga mabubuting nagawa ni Jose P. Laurel sa ating bansa.
 Nakilala ang buhay ni Jose P. Laurel.
II-Paksa JOSE P. LAUREL (Pangulo sa Panahon ng Panganib) ni Teodoro A. Agoncillo
a. Kagamitan: Batayang aklat, Laptop, at Pantulong na biswal.
b. Online References: Sanggunian: (larawan)www.google) Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag,
et. al
c.Sanggunian: Batayang aklat pahina 127-135 Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et.al
Bilang ng Araw: 8 Sesyon
III- Pamamaraan
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Alituntunin
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
BALIK-ARAL
Ano ang ating pinag-aralan sa nakaraang talakayan?
PANGGANYAK (JUMBLED LETTERS)
PAanuto: Isaayos ang mga ginulong letra upang makabuo ng isang kilalang pulitikong
Batangueño. Ibigay ang tamang sagot. Ito ay may kaugnayan sa paksang tatalakayin.

LERUALPESOJ
PAGBABASA NG LAYUNIN:
a. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa buhay ni Jose P. Laurel
b. Napahahalagahan ang mga mabubuting nagawa ni Jose P. Laurel sa ating bansa.
c. Nakilala ang buhay ni Jose P. Laurel
TALASALITAAN
Pagtatalakay ng bagong aralin: Jose P. Laurel: Pangulo sa Panahon ng Panganib ni Teodoro A.
Agoncillo
AKTIBITI Pangkatang gawain 5 MINUTO
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari.
Panuto: Ayusin ang mga paksa o pangyayari sa buhay ni Jose P. Laurel ayon sa wastong
pagkasusunod-sunod. Isulat ang titik A hanggang titik F sa kalahating papel (1/2).

_______1. Si Laurel ay napiling mamuno ng isang komisyon na maghahanda ng saligang batas.


_______2. Inihalal siya ng mga delegado ng Asamblea bilang pangulo ng Republika ng Pilipinas.
_______3. Si Laurel ay nagbitiw sa kanyang tungkulin dahil sa hindi makatarungang pasiya
_______4. Hinirang siyang pinuno ni Gobernador Heneral Wood bilang kalihim-panloob.
_______5. Si Jose P. Laurel ay naging pinuno ng kataas-taasang Hukuman.
_______6. Nabaril siya na naging dahilan ng muntik-muntikan niyang pagkamatay.
ANALISIS GAWAIN 2 TANONG KO! SAGOT MO!
1. Sino si Jose P. Laurel?
2. Mahalaga ba na pag-aralan ang buhay ni Jose P. Laurel? Bakit? Ipaliwanag
3. Paano mapahahalagahan ang mga mabubuting nagawa ni Jose P. Laurel? Ipaliwanag
ABSTRAKSYON GAWAIN 3 SAGOT MO! ISULAT MO! (5 MINUTO)
KILALANIN NATIN!
Panuto: Kilalaning mabuti si Jose P. Laurel sa pamamagitan ng pagsulat ng iba’t-ibang
katangian. Magbigay ng limang katangian lamang. Isulat sa isang kalahating papel ang inyong
mga sagot.
IV-EBALWASYON GAWAIN 4
Panuto: Basahin at piliin ang titik ng tamang sagot sa inyong papel.

1. Sino ang Pangulo sa Panahon ng Panganib?


a. Manuel L. Quezon b. Rodrigo R. Duterte c. Jose P. Laurel d. Bongbong Marcos
2. Sa palagay niyo bakit kailangan malaman natin ang tungkol sa buhay ni Jose P. Laurel?
a. Para may mabasa tayo
b. Para maliwanagan tayo
c. Para may gabay tayo kung paano mamumuhay ng tahimik
d. Para may magagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.
3. Ano ang tawag sa ating bansa sa taong 1942 hanggang 1945?
a. Panahon ng kasiyahan
b. Panahon ng kadiliman
c. Panahon ng tag-init
d. Panahon ng tag-ulan
4. Sa anong edad o gulang si Jose P. Laurel na siya ay hirangin ni Gobernador Heneral Leonard
Wood na kalihim panloob?
a. Dalawampung taon
b. Sampung taon
c. Tatlumpung taon
d. Limampung taon
5. Pang-ilan si Jose P. Laurel bilang pangulo ng Pilipinas?
a. Pangatlo b. Pangalawa c. Panlima d. Pang-apat
V. KASUNDUAN Takdang Aralin:
Panuto: Basahin sa aklat ang pamagat na Isang punongkahoy (pahina 148). Ito ang susunod nating
tatalakayin.

XI-REMARKS

XII-REFELECTION

Prepared by:

Carene A. Cordova
Gurong mag-aaral

You might also like