Blog

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BLOG

Likas-Kayang Kaunlaran para sa Abot-kaya at Malinis na Enerhiya

Ang Likas-Kayang Kaunlaran ay naglalayong matugunan ang mga layunin sa pag-unlad ng tao
habang nagbibigay-daan sa mga natural na sistema ng pagbibigay ng mga kinakailangang likas
na yaman at serbisyo sa bansa pati na rin sa mga tao nito. Batay sa Sustainable Development
Commission, ang Likas-Kayang Kaunlaran ay ang pag-unlad na tumutugon sa mga
pangangailangan sa kasalukuyan sa paraan na hindi nalalagay sa kapahamakan ang kalagayan ng
mga susunod na henerasyon. Ayon sa diskusyon ng isang lathain noong 1987 na may pamagat na
"Our Common Future" o kilala rin bilang Brundtland Report, sila ay mayroong dalawang
pangunahing konseptong nakapaloob sa Likas-Kayang Kaunlaran, ito ay ang matugunan ang
pangangailangan ng mga tao, lalo na na ng mahihirap na dapat bigyang priyoridad, at ang
kalagayan ng lipunan at kalikasan sa kasalukuyan at sa hinaharap. Ang Sustainable Development
Goals (SDGs), na kilala rin bilang Global Goals, ay pinagtibay ng United Nations noong 2015
bilang isang unibersal na panawagan sa pagkilos upang wakasan ang kahirapan, protektahan ang
planeta, at tiyakin na pagsapit ng 2030 ang lahat ng tao ay magtamasa ng kapayapaan at
kasaganaan.

Ang Likas-Kayang Kaunlaran ay pinalalaganap upang masolusyonan at masagot ang mga


pangangailangan na may kaugnayan sa kalagayan ng ating kalikasan, lipunan, at ekonomiya.
Ayon sa datos, ang Pilipinas ay ang ika-158 sa 180 na bansa sa 2022 Environmental Performance
Index sa tuntunin ng pag-unlad tungo sa pagpapabuti ng kalagayan ng kapaligiran, pagprotekta
sa ekosistema, at pagpapababa ng kaso ng pagbabago ng panahon. At ayon sa isa pang datos, sa
2022 Sustainable Development Report, ang Pilipinas ay nagraranggo sa ika-95 sa 163 na bansa
sa kabuuang pag-unlad tungo sa pagkamit ng 17 SDGs, at inilarawan na may banayad na
priyoridad ang pamahalaan sa pagbibigay ng pansin sa mga layunin nito. Ang mga datos na ito
ay nagmumungkahi na marami ang kailangang makamit sa pagbabagong-anyo ng institusyon at
pagpapaunlad ng patakaran ng bansa. Nararapat na bigyang pansin ang layunin ng pagtugon ng
Likas-Kayang Kaunlaran sapagkat maaari itong magdulot ng pandaigdigang suliranin tulad ng
climate change na nagbubunga sa polusyon at sobrang paggamit ng enerhiya na nagmumula sa
fossil fuels. Ang labis na paggamit ng enerhiya ay nagbubunga ng labis na pagbabago ng klima,
kung saan nagdudulot ng negatibong epekto sa pananim, mga alagang hayop, kabuhayan,
kalikasan, at tao dahil sa matinding init ng araw gayundin ang malakas ng mga bagyo at kasabay
ng pagkasira ng kalikasan ang pagkaubos ng likas na yaman. Sa pagitan ng 2000 at 2018, ang
bilang ng mga taong may kuryente ay tumaas mula 78 hanggang 90 porsiyento, at ang mga
bilang na walang kuryente ay bumaba sa 789 milyon. Gayunpaman habang ang populasyon ay
patuloy na lumalaki, gayundin ang pangangailangan para sa murang enerhiya, at ang isang
ekonomiyang umaasa sa fossil fuel ay lumilikha ng matinding pagbabago sa ating klima. Ang
pagsunog ng mga fossil fuel ay gumagawa ng maraming greenhouse gases tulad ng carbon
dioxide, na nagdudulot ng global warming at pagbabago ng klima. Ang mga fossil fuels naman
na nanggagaling sa mgha transportasyon ay maaaring negatibong makaapekto sa mga
ekosistema, at magdudulot ng pinsala sa marine at terrestrial flora at fauna. Ang mga fossil fuel
ay maaari ring magdulot ng polusyon sa hangin at tubig. Kapag sinunog ang mga fossil fuel,
naglalabas ito ng mga nakakalason na gas tulad ng carbon monoxide, sulfur dioxide, at nitrogen
oxides, na nakapipinsala sa kalusugan ng tao at sa kapaligiran. Bukod pa rito, ang paggalugad at
produksyon ng fossil fuel ay maaaring makasira ng mga tanawin at mga natural na tirahan. Ang
pagtotroso ay kadalasang kinabibilangan ng pagputol ng malalaking lugar ng kagubatan at iba
pang natural na ekosistema, na maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa biodiversity ng
bansa. Ang lahat ng mga sanhing ito ay tinutugunan ng isa sa mga layunin ng 17 SDGs na
tinatawag na Likas-kayang Kaunlaran para sa Abot-kaya at Malinis na Enerhiya.

Ang Likas-kayang Kaunlaran para sa Abot-kaya at Malinis na Enerhiya ay may layunin na


tiyakin ang tamang paggamit sa abot-kaya, maaasahan, napapanatili, at modernong enerhiya para
sa lahat. Ang mga layunin na ito ay isang malakas na paraan na mapagkukunan masaganang
enerhiya na magpapalakas sa pagpapalago ng ekonomiya at pagpapa-unlad ng ng bansa sa loob
ng mahabang panahon. Ang ilan sa mga halimbawa ng mga paraan upang mapanatili ang likas-
kayang kaunlaran para sa abot-kaya at malinis na enerhiya ay sa pamamagitan ng paggawa ng
kuryente na walang negatibong epekto sa kapaligiran, tulad ng pagpapalabas ng mga greenhouse
gases tulad ng carbon dioxide. Marami ring malinis na enerhiya ang nababago, kabilang ang
wind power, ilang hydro resources at solar powered energy generation. Ang pamumuhunan sa
solar, wind at thermal power, pagpapabuti ng produktibidad ng enerhiya, at pagtiyak ng enerhiya
para sa lahat ay mahalaga kung gusto nating makamit ang SDG 7 sa 2030. Ang pagpapalawak ng
imprastraktura at pag-upgrade ng teknolohiya upang magbigay ng malinis at mas mahusay na
enerhiya sa lahat ng bansa ay maghihikayat sa paglago at makakatulong sa kapaligiran.
Sumakatawid, ang kabuoang layunin nito ay pahusayin ang internasyonal na kooperasyon para
sa malinis na enerhiya at palawakin at pagandahin ang teknolohiya para sa pagbibigay ng
moderno at napapanatiling mga serbisyo ng enerhiya para sa lahat na papaunlad na bansa, pati na
rin sa mga hindi pa gaanong maunlad na bansa. Ang malinis na enerhiya ay nagmumula sa mga
sistema ng henerasyon na hindi gumagawa ng anumang uri ng polusyon, lalo na ang mga
greenhouse gases na nagdudulot ng pagbabago ng klima. Samakatuwid, ang malinis na enerhiya
- sa ganap na pag-unlad - ay nagtutulak na mga pag-unlad upang pangalagaan ang kapaligiran at
mapawi ang krisis sa pamamagitan ng mga layuning nakapaloob sa Likas-kayang Kaunlaran.

You might also like