Same Sex Marriage

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

ARALING PANLIPUNAN

BAITANG 10, YUNIT 15


Same-Sex Marriage
TALAAN NG NILALAMAN

Introduksyon 2
Aralin 1: Ang Same-Sex Marriage 3
Layunin Natin 3
Subukan Natin 4
Alamin Natin 5
Pag-aralan Natin 5
Suriin Natin 9
Sagutin Natin 10
Pag-isipan Natin 10
Gawin Natin 10
Aralin 2: Epekto ng Same-Sex Marriage sa mga Bansang Nagpapahintulot Dito 12
Layunin Natin 12
Subukan Natin 13
Alamin Natin 14
Pag-aralan Natin 14
Suriin Natin 17
Sagutin Natin 18
Pag-isipan Natin 18
Gawin Natin 18
Karagdagang Kaalaman 20
Pagyamanin Natin 20
Paglalagom 22
Dapat Tandaan 23
Dagdag Sanggunian 23
Gabay sa Pagwawasto 24
Sanggunian 25

1
Pindutin ang Home button para
bumalik sa Talaan ng Nilalaman
BAITANG 10 | ARALING PANLIPUNAN

YUNIT 15

Same-Sex Marriage

Ang bandilang ito ay sagisag ng pakikipaglaban


ng LGBT community sa diskriminasyon.

Maituturing na bago sa lipunan ang LGBTQI Community (kilala na rin sa tawag na People of
Diverse Sexual Orientation and Gender Identity) na kinabibilangan ng lesbians, gays, bisexuals,
transgenders, queers, at intersex. Gayunpaman, ang pagkatao ng mga nabibilang sa
komunidad na ito ay matagal nang nabuo at patuloy na nakikipagsapalaran. Ang LGBTQI
community ay patuloy na nakikibaka laban sa diskriminasyon ng mga taong konserbatibo,
relihiyoso, at may saradong pag-iisip ukol sa sekswalidad o gender ng isang tao.

Sa kabila nito, nananatiling matatag ang LGBT community sa paglaban sa pang-aapi at


diskriminasyon. Isang pagpapatunay ng pagsisimula ng kanilang pag-unlad ay ang pagiging
mas bukas ng lipunan sa same-sex marriage.

Sa araling ito, ating tatalakayin ang konsepto ng same-sex marriage at ang mga epekto nito
sa mga bansang nagpapatupad nito.

2
Aralin 1
Ang Same-Sex Marriage

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
• naipaliliwanag ang kahulugan ng same-sex marriage; at
• natutukoy ang mga bansang nagpapahintulot ng same-sex marriage.

Bunga ng mga protesta, pinahintulutan na ng same-sex


marriage sa Alemanya noong 2017.

Ang pagnanais na magkaroon ng relasyon hanggang sa pagpapakasal sa taong may


kaparehong kasarian ay isang kontrobersiyal na usaping pangseksuwalidad. Maigting ang
pagtutol ng mga relihiyoso, konserbatibo, moralista, at iba pang may saradong pananaw
ukol sa isyung ito, kaya patuloy ang pagtuligsa at pagturing sa mga sangkot bilang mga
imoral. Ilang siglo ring ipinagkait sa maraming kasapi ng LGBTQI ang kanilang
ipinaglalabang karapatan. Sa mga nakaraang taon ay nagkakaroon na ng lakas at boses
ang komunidad na ito upang ipaglaban ang kanilang karapatang magmahal nang malaya.

• Ano ang konsepto ng same-sex marriage? Gaano na kalawak ang pagpapatupad


nito?
3
Subukan Natin
Isang matunog na isyu sa buong mundo ang pagbibigay ng pahintulot ng mga liberal
na bansa sa same-sex marriage. Sa pamamagitan ng kanilang watawat, kilalanin ang
mga bansang nagpapatupad o nagpapahintulot na nito.

1. 2.

3. 4.

5.
4
Pag-aralan Natin
Ang same-sex marriage ay ang legal na Alamin Natin
pagpapakasal ng dalawang tao na may parehong
kasarian. Mainit na isyu sa kasalukuyan ang same-
sex marriage, sapagkat marami ang hindi pa rin Tandaan at gawing gabay ang
tumatanggap dito. kahulugan ng sumusunod na
salita:
Kadalasan, ginagamit na depensa ng mga • matamasa – makamit;
laban sa same-sex marriage ang relihiyon at maranasan
agham. Ayon sa kanila, ang tao ay nilikha ng • matalik – malapit
Diyos bilang lalaki at babae lamang. • kapwa – pareho
Ginagamit ng mga hindi sang-ayon sa same- • pagsapit – pagdating
sex marriage ang agham sa pamamagitan ng • pagsasalegal - pagsasabatas
pagpapaliwanag na ang chromosomes ng tao
ay maaaring XY (lalaki) o XX (babae) lamang.

Ayon naman sa mga kabilang sa LGBTQI community, ang kasarian ng tao ay hindi dapat
maging hadlang upang matamasa ang lahat ng kaniyang karapatan bilang isang
mamamayan. Ang diskriminasyon, lalo na sa
pagbabawal ng same-sex marriage, ay isang paglabag
sa kanilang karapatang pantao.

Kasaysayan ng Same-Sex Marriage


Ang kasaysayan ng same-sex marriage ay maaaring
balikan noong Gitnang Panahon sa Europa, kung saan
sinasabi na maraming pares ng lalaking
nagmamahalan ang dumadalo sa isang sagradong
ritwal upang ipahayag ang kanilang matinding
pagmamahal sa bawat isa. Ayon kay Geoffrey
Chaucer, isang manunulat na mula sa Inglatera,
noong ika-14 na siglo, ang ganitong uri ng seremonya
ay dinadaluhan at sinasamahan ng mga hari,
aristrokrata, mongha, mangangalakal, at magsasaka.
Geoffrey Chaucer

5
Gayunpaman, sa konsepto ng mga Europeong lumahok sa nasabing ritwal, hindi pa rin
matukoy kung may romantikong kahulugan ang “pagpapakasal” na kanilang ginawa.
Sinasabi sa kasaysayan na ang mga naturang ritwal ay isang pagpapakita ng pagmamahal
sa kapwa lalaki bilang matalik na kaibigan o pinagkakatiwalaang tao. Idinidikit sa
patriyarkal na pamumuno, at hindi sa gay marriage, ang naturang pangyayari.

Sa kabila nito, nagkaroon pa rin ng mga tala sa kasaysayan tungkol sa mga isyu ng same-
sex marriage at same-sex affairs na naganap sa iba’t ibang bahagi ng Europa sa pagitan ng
ika-15 at ika-18 na siglo. Isang halimbawa ng matatawag na same-sex marriage sa Europa ay
nangyari sa pagitan nina Carlo di Berardo d’Antonio at Michele di Bruno. Sila ay
nanumpa sa harap ng altar habang may hawak na Bibliya. Noong madiskubre ng
pamahalaan ng Italya na sila ay nagsasama bilang mag-asawa, inalayo at ipinatapon sa
ibang lugar si Carlo di Berardo d’Antonio.

Nariyan din ang Ingles na si Mary East at ang kaniyang nobya na kapwa nagpanggap na
isang heterosexual na mag-asawa sa pamamagitan ng cross-dressing upang matakasan ang
maiinit na mata ng mga awtoridad.

Sa pagitan ng mga taong 1970 at


1980 ay sinimulan nang isulong ng
nabubuong lipunan ng LGBT sa
Estados Unidos ang kanilang
karapatang maikasal. May iilan na
nakakuha ng lisensya upang
magawa ito, subalit nanatiling
mahirap at mahigpit ang
pagbabantay ng mga Amerikanong
tagapagbatas laban sa nasabing uri
ng pagpapakasal.
Pakikibaka ng LGBT community para sa kanilang
Sa pagsapit ng taong 1990, karapatan noong 1970s
nagsimula nang umusbong at
lumawak ang pakikipaglaban ng mga LGBT para sa karapatang maikasal. Isinulong nila ang
paniniwala na lahat ng tao, kahit na heterosekwal man o homosekswal, ay dapat may
parehas na karapatan.

6
Mga Bansang Nagpapatupad ng Same-Sex Marriage
Sa kabila ng patuloy na pagdedebate tungkol sa same-sex marriage, nagdesisyon na ang
ilang bansa na ipagkaloob na ang karapatang ito. Narito ang ilan:

Taon ng
Bansa Pagpapahintulo Detalye
t
Malta 2017 Sa kabila ng malakas na pagtutol ng Simbahang
Katoliko sa bansa, halos ang buong pamunuan ng
Malta ay bumoto upang pahintulutan ang same-sex
marriage.
Germany 2017 Ang Germany ang naging ika-15 bansa sa Europa na
nagpahintulot ng same-sex marriage.
Estados 2015 Noong 2004, ang same-sex marriage ay legal lamang
Unidos sa estado ng Massachusetts. Labing-isang taon ang
nakalipas, ginawang legal na ito sa buong bansa.
Colombia 2016 Ang Colombia ang ikaapat na Katolikong bansa sa
Timog Amerika na nagpahintulot ng same-sex
marriage. Ayon sa kanilang pamahalaan, ang lahat
ng tao ay may karapatang bumuo ng isang pamilya.
New Zealand 2013 Pinahintulutan ng New Zealand ang same-sex
marriage matapos ang pagsasalegal ng Civil Union
for LGBTs noong 2005. Ang bansa ay nagpahintulot
din sa mga ikinasal na LGBTQI na mag-ampon.
South Africa 2006 Dahil sa pagbabago ng konstitusyon ng bansa,
pinayagan ng South Africa ang same-sex marriage.
Gayunpaman, ang gawaing ito ay nananatiling
malaking isyu at itinuturing pa ring maling gawain
sa bansa.
Mexico 2009 Pinahintulutan ng Korte Suprema ang pagpapakasal
ng mga LBGTQI sa Mexico City lamang. Ang same-
sex marriage sa ibang bahagi ng bansa ay itinuturing
pa ring labag sa batas.

7
Sa kasalukuyan, may 26 na bansa sa mundo ang nagpapahintulot ng same-sex marriage,
pinakamarami sa Europa. Ang Taiwan ang unang bansa sa Asya na nagpahintulot ng same-
sex marriage.

Ang Same-Sex Marriage sa Pilipinas


Kagaya ng maraming bansa, maigting ang usapin ng same-sex marriage sa Pilipinas. Bilang
isang bansa na maluwag sa pagpapahayag ng pagkatao at pananaw, maraming Pilipino na
kabilang sa LGBTQI community ang aktibong lumalaban para sa kanilang karapatan at
patuloy na nagsusulong ng mga programa upang lubusan pang makilala at matanggap ng
mga kapwa Pilipino ang kanilang komunidad.

Simula nang umusbong ang legalisasyon


ng same-sex marriage sa iba’t ibang bansa,
lalo na sa Estados Unidos, nag-alab muli
ang isyung ito sa bansa. Sinuri ng mga
mambabatas ang posibilidad ng same-sex
marriage, at kanilang ipinangakong
pag-aaralan ito nang mabuti. Subalit sa
pahayag ni Pangulong Duterte noong
Marso 2017, sinabi niya na hindi maaaring
isabatas ang same-sex marriage sa
Pilipinas dahil ito ay isang Katolikong
bansa at may sinusunod na civil code na
nagsasabi na ang pagpapakasal ay dapat
isagawa sa pagitan lamang ng ibabae at
lalaki.

Hindi tinanggap ng mga LGBTQI at Human


Rights Groups ang pahayag na ito.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang
kanilang pakikibaka upang makamit ang Patuloy na nakikibaka ang mga Pilipinong
hinihiling na pantay na karapatan. LGBTQI para sa pantay na karapatan.

8
Suriin Natin
Isa-isahin ang hinihingi.

Limang bansang nagpapahintulot na ng same-sex marriage:

1. ______________________

2. ______________________

3. ______________________

4. ______________________

5. ______________________

Dalawang ebidensiya na nagpapatunay ng same-sex marriage sa Europa noong ika-15 at


ika-16 na siglo:

6. _____________________________________________________________________________

7. _____________________________________________________________________________

Isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng same-sex marriage noong 1970-1980:

8. _____________________________________________________________________________

Isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng same-sex marriage noong 1990:

9. ____________________________________________________________________________

Isang pangyayari na nagpa-alab muli sa laban ng mga LGBTQI sa Pilipinas para sa pantay
ng karapatan:

10. ____________________________________________________________________________

9
Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Paano binibigyan ng pananaw ng ilang tao ang kanilang hindi pagsang-ayon sa same-
sex marriage?
2. Paano mailalarawan ang Asya at Europa sa usapin ng same-sex marriage?
3. Bakit binawi ni Pangulong Duterte ang kaniyang pahayag tungkol sa same-sex
marriage?

Pag-isipan Natin
Ano ang mga impluwensiyang hatid ng relihiyon sa patuloy na pag-alab ng isyu ng same-
sex marriage sa iba’t ibang bansa? Paano nakaaapekto ang kasalukuyang isyu ng same-sex
marriage at relihiyon sa konsepto ng pagpapakasal sa hinaharap?

Gawin Natin
Pumili ng isa mula sa mga bansang nagpapahintulot na ng same-sex marriage. Magsaliksik
tungkol sa mga pangyayari at usaping nakapaligid sa pagpasasabatas ng same-sex marriage
sa mga bansang ito. Sumulat ng sanaysay tungkol sa iyong nasaliksik. Gamitin ang
sumusunod na tanong bilang gabay:

1. Paano nagsimula ang pakikibaka para sa same-sex marriage?


2. Sino ang mga tutol dito at sino naman ang mga sang-ayon?
3. Paano ipinakita ang pagtutol at pagsuporta para sa same-sex marriage?
4. Ano ang kadahilanang ibinigay ng magkatunggaling pangkat sa pagtutol o
pagsuporta sa same-sex marriage?
5. Paano naimpluwensiyahan ng kultura ng bansa ang usapin tungkol sa same-sex
marriage?

10
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

[25%] [50%]
Mas Mababa Kailangan [75%] [100%]
Pamantayan Marka
kaysa pa ng Magaling Napakahusay
Inaasahan Pagsasanay
Kalidad ng Kulang ang May iilang Maraming Puno ng tamang
Nilalaman detalyeng detalye detalye ang detalye at
isinulat sa lamang ang sanaysay; may maayos na
sanaysay; sanaysay; kaunting ipinahayag,
magulo ang medyo detalye na inilarawan, at
paglalahad ng magulo ang hindi lubusang ipinaliwanag ang
mga ideya at paglalahad ng naipaliwanag; nilalaman ng
pangyayari mga ideya at maayos ang sanaysay;
pangyayari paglalahad ng malinaw ang
mga ideya at paglalahad ng
pangyayari mga ideya at
pangyayari
Tiyaga/ Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang
Pagsisikap sanaysay para sanaysay, sanaysay na isang
lamang ngunit hindi may kasiya- napakagandang
may maipasa sinikap na siyang sanaysay na may
sa guro mapaganda resulta, may masidhing
pa itong lalo pagsisikap na pagsisikap na
pagandahin maging
pang lalo natatangi ito
Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa ng
Paggawa ng sanaysay sa ng sanaysay sa ng sanaysay sanaysay bago
loob ng loob ng isang sa itinakdang pa ang
dalawang linggo petsa ng itinakdang petsa
linggo matapos matapos ang pagpapasa ng pagpapasa
ang itinakdang
itinakdang petsa ng
petsa ng pagpapasa
pagpapasa
KABUUAN

11
Aralin 2
Epekto ng Same-Sex Marriage sa mga Bansang
Nagpapahintulot Dito

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nasusuri ang epekto ng
same-sex marriage sa mga bansang nagpahintulot nito.

Ang laban para sa same-sex marriage ay


sumasalamin sa hangarin ng LGBTQI
community para sa isang mas pantay na
lipunan. Naniniwala sila na hindi dapat
hadlang ang kasarian ng tao sa pagkamit
ng mga karapatang tinatamasa ng
karamihan.

Sa araling ito, titingnan natin ang mga


epekto ng same-sex marriage sa iba’t ibang
aspekto ng lipunan. Sasagutin natin ang
sumusunod na tanong:

• Ano ang epekto ng same-sex marriage sa


lipunan?
• Ano ang mga hadlang sa pagpapatupad
ng same-sex marriage?
• Para sa mga LGBTQI, bakit mahalagang
maipatupad ang same-sex marriage?
Protesta para sa pagpapahintulot ng same-sex
marriage (ni CarbonNYC [CC BY SA 2.0])

12
Subukan Natin
Ano sa tingin mo ang maaaring epekto ng same-sex marriage sa ating lipunan? Batay
sa iyong mga nababasa, nakikita, o naririnig, magbigay ng maaaring maging epekto,
kung sakali, ng pagsasabatas ng same-sex marriage sa Pilipinas. Ihambing, pag-
usapan, o ibahagi sa klase.

Sagot Mo Sagot ng Iba

13
Pag-aralan Natin

Ang usapin ng same-sex marriage, sinasadya Alamin Natin


man o hindi, ay may mga epekto sa mga
bansang nagpapahintulot dito—positibo at Tandaan at gawing gabay ang
negatibo. kahulugan ng sumusunod na salita:
• turing - pakikitungo
Positibong Epekto ng Same-Sex • tanyag – kilala
Marriage • matunghayan – makita
Ang pagpapahintulot ng same-sex marriage ay • ebalwasyon - pagtataya
may iba’t ibang positibong epekto sa mga
bansa. Ating isa-isahin ang mga ito.

Pagkakaroon ng bansang may pagkakapantay-pantay


Isang mahalagang epekto ng pagsasabatas ng same-sex marriage ay ang pagbibigay ng
pantay na turing at tingin sa lahat ng tao, anuman ang kanilang kasarian. Para sa mga
bansang nagpapahintulot na ng same-sex marriage, isang malaking hakbang ito upang
maisulong ang pag-unlad ng kanilang pambansang pagkakakilanlan at mabawasan ang
isyu ng homophobia sa kanilang bansa.

Pagbibigay-oportunidad sa
sikolohikal, pisikal, at panlipunang
kahusayan ng mga LGBT QI
Ang pagkakaroon ng same-sex
marriage ay nagbibigay ng
oportunidad para sa mga bansa na
palawakin pa, gawing mas
komprehensibo, at inclusive ang kani-
kanilang programang pangkalusugan
at panlipunan sa bansa. Marami rin ang sumusuporta at nakakikilala sa
magandang epekto ng same-sex marriage (ni
Beatrice Murch [CC BY SA 2.0])

14
Pagtataguyod ng bansang may pagpapahalaga sa pamilya
Isa pang mahalagang epekto ng pagpapahintulot ng same-sex marriage ay ang
pagpapaunlad ng sistema ng pamilya ng isang bansa. Ang bansang nagpapahintulot na ng
same-sex marriage ay may kakayahang baguhin at pagyamanin ang pagtingin, kahulugan,
at pagtataguyod ng pamilya upang maging mas mapayaman ito.

Pagpapalaganap ng ekonomiya ng bansa


Ang mga bansang sumusuporta na sa same-sex marriage ay mas nagiging tanyag sa
larangan ng ekonomiya, dahil sa mas maraming oportunidad para sa pagnenegosyo na
binubuksan ng pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng pamumuhay. Batay sa mga pag-aaral,
malaki ang iniangat ng ekonomiya ng mga bansang legal na ang same-sex marriage. Mas
maraming ahensiya at kumpanya ang tumatangkilik sa mga nasabing bansa dahil
nabibigyan sila ng pagkakataong panatilihin ang kanilang mga empleyado na kabilang sa
LGBTQI community.

Pagpapahayag sa bansa ng tunay na konsepto


ng paniniwala
Sinasabing hindi dapat nahahaluan ng paniniwalang
espirituwal ang pamamahalang pulitikal ng isang
bansa. Sa pagpapahintulot ng same-sex marriage,
nagagawa ng isang bansa na panatilihing
magkahiwalay ang relihiyon at pamahalaan, dahil
ang pagpapakasal ay hindi pangunahing ibinabatay
sa relihiyon, kung hindi sa saligang batas.
Isang pagkakataon ang usapin
tungkol sa same-sex marriage upang
Pagpapalakas ng pambansang pagkakakilanlan masuring muli ng isang bansa ang
at nasyonalismo kaniyang paniniwala at
Nakatutulong ang pagpapatupad ng same-sex pagkakakilanlan.
marriage na pagyamanin ang pambansang
pagkakakilanlan, kaisipan, at paniniwala ng mga mamamayan ng isang bansa. Sa tulong ng
pagpapatupad ng same-sex marriage, nabibigyang oportunidad ang mga mamamayan na
matunghayan ang pagsusulong ng pantay na karapatan at maayos na pamumuhay para
sa lahat.

15
Mga Hamon sa Same-Sex Marriage
Marami man ang positibong epekto ng same-sex marriage, maraming hamon pa ang
kailangan harapin. Ating alamin ang mga hindi magagandang epekto ng same-sex marriage.

Diskriminasyon dahil sa hindi tuluyang pagtanggap ng karamihan sa same-sex


marriage
Maging legal man ang same-sex marriage ay hindi pa rin maiaalis ang diskriminasyong
nararanasan ng LGBTQI community sa mga taong hindi sumasang-ayon sa kanilang paraan
ng pamumuhay. Sa kasamaang palad, minsan ay humahantong ang

diskriminasyong ito sa tahasang pagbabalewala sa mga karapatan ng mga LGBTQI. Isang


halimbawa nito ang pagtanggi ng isang negosyante sa Estados Unidos na bigyan ng
serbisyo ang isang same-sex na mag-asawa dahil hindi siya sang-ayon sa same-sex
marriage.

Pagpapalit at pagsasaayos ng batas


Ang pagpapatupad ng same-sex marriage ay nakaaapekto rin sa pagsasaayos ng batas.
Dahil ang same-sex marriage ay isang bagong batas lamang para sa mga bansang
nagpapahintulot nito, kinakailangang magkaroon ng malawakang ebalwasyon ng
kaniyang konstitusyon upang masigurong walang batas na kumukontra sa isa’t isa at
mapanatiling organisado, nakaayon, at pantay ang mga ito. Ang naturang hakbang ay
isang matrabahong gawain na kailangang gugulan ng mahabang na oras at atensiyon.

Kahalagahan ng Same-Sex Marriage


Sa kabila ng pagbatikos ng marami sa mga grupo at
komunidad na lumalaban para sa same-sex
marriage, patuloy pa ring ipinahahayag ng mga
LGBTQI ang kanilang paghiling sa
pagsasakatuparan nito. Ating alamin ang
kahalagahan at mga implikasyon nito.

Pagkakapantay-pantay o equality
Ang pagsasakatuparan ng same-sex marriage ay
ang isa sa mga isinusulong ng
isang pagpapamalas ng pantay na karapatan. LGBTQI community.
Ang mga LGBTQI ay mga tao ring dapat ay may
parehong karapatan sa mga heteroseksuwal. Ang pagbabawal sa komunidad na

16
magpakasal, kagaya ng babae at lalaki, ay isang paglabag sa karapatang pantao na
nakapagpabababa ng estado ng mga LGBTQI sa lipunan.

Ang same-sex marriage ay nagpapahayag o nagpapakita ng pagrespeto sa batas.


Ang batas ay laging nagsusulong ng kung ano ang tama at pantay. Ang pagtatanggal o
pagkakait sa karapatan ng mga LGBTQI na maikasal ay isang kawalan ng respeto para sa
kapangyarihan at katatagan ng batas.

Isinusulong ng same-sex marriage ang makabagong kaisipan.


Ang lipunan at mga paniniwalang nakapalibot dito ay patuloy na nagbabago. Ang kaisipan
ng tao ay hinahamong umakma sa kasalukuyang takbo ng lipunan. Sa panahon na ang

kapangyarihan at kalakasan ng mga minorya, kababaihan, at mga LGBTQI ay nakikilala,


nagbubukas ito ang isang mas diverse na lipunan.

Suriin Natin
Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang sumusunod na pangungusap.

__________________ 1. Mahalaga na makilala ang karapatang pantao ng mga LGBTQI.

__________________ 2. Nakatutulong ang same-sex marriage sa pagpapabuti ng pamumuhay


ng mga LGBTQI.

__________________ 3. Ang pagsuporta sa same-sex marriage ay nagpapamalas ng pagtanggap


sa bagong kaisipan.

__________________ 4. Kaya ng magulang na LGBTQI na palakihin nang maayos ang kanilang


anak.

__________________ 5. Kailangang isaalang-alang ang relihiyon at paniniwala sa paggawa ng


mga batas o polisiya ng pamahalaan.

17
__________________ 6. Hindi kailangan ang same-sex marriage dahil parehas naman ng
karapatang tinatamasa ang LGBTQI at heterosexual couples.

__________________ 7. Isang matrabahong proseso ang pagsasabatas ng same-sex marriage,


dahil marami ang kailangang baguhin sa mga batas na naipasa na.

__________________ 8. Nakasisira ng ekonomiyang ang isang diverse na lipunan.

__________________ 9. Ang isyu ng same-sex marriage ay nakatutulong sa pagsusuri ng


kahulugan at kahalagahan ng pamilya.

__________________ 10. Walang magbabago sa pamumuhay ng mga LGBTQI sa pagpapasa ng


same-sex marriage.

Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Paano naaapektuhan ng same-sex marriage ang usapin ng panlipunang kalusugan
at kaayusan?
2. Bakit sinasasabi na ang same-sex marriage ay may negatibong epekto sa
pagpapalaki ng isang bata?
3. Paano nasabi na ang pagsasakatuparan ng same-sex marriage ay pagpapamalas ng
karapatan?

Pag-isipan Natin
Sa iyong palagay, matatanggap ba sa lipunang Pilipino ang same-sex marriage kung
sakaling tuluyan itong maipatupad sa bansa? Ano-ano ang positibo at negatibong epekto
nito sa ating lipunan?

18
Gawin Natin
Magsaliksik ng mga batas na nasa Family Code of the Philippines. Suriin ang mga artikulo at
probisyon nito. Tingnan kung ano ang mga karapatan ng mag-asawa (legal ang kasal sa
mata ng batas). Sumulat ng sanaysay tungkol sa mga natuklasan sa konteksto ng mga
natutunan tungkol sa same-sex marriage.

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:


[25%] [50%]
Mas Mababa Kailangan [75%] [100%]
Pamantayan Marka
kaysa pa ng Magaling Napakahusay
Inaasahan Pagsasanay
Kalidad ng Kulang ang May iilang Maraming Puno ng tamang
Nilalaman detalyeng detalye lamang detalye ang detalye at
isinulat sa ang sanaysay; sanaysay; may maayos na
sanaysay; medyo magulo kaunting ipinahayag,
magulo ang ang paglalahad detalye na hindi inilarawan, at
paglalahad ng ng mga ideya at lubusang naipa- ipinaliwanag
mga ideya at pangyayari liwanag; ang nilalaman
pangyayari maayos ang ng sanaysay;
paglalahad ng malinaw ang
mga ideya at paglalahad ng
pangyayari mga ideya at
pangyayari
Tiyaga/ Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang
Pagsisikap sanaysay para sanaysay ngunit sanaysay na isang
lamang hindi may kasiya- napakagandang
may maipasa sa sinikap na siyang sanaysay na
guro mapaganda pa resulta, may may masidhing
itong lalo pagsisikap na pagsisikap na
pagandahin maging
pang lalo natatangi ito
Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa
Paggawa ng kaniyang ng kaniyang ng kaniyang ng kaniyang
sanaysay sa sanaysay sa sanaysay sa sanaysay bago
loob ng loob ng isang itinakdang pa ang
linggo matapos

19
dalawang linggo ang itinakdang petsa ng itinakdang petsa
matapos ang petsa ng pagpapasa ng pagpapasa
itinakdang petsa pagpapasa
ng pagpapasa
KABUUAN

Karagdagang Kaalaman

Sa kasalukuyan, tutol pa rin ang Simbahang


Katoliko at ilang grupong relihiyoso sa
same-sex marriage. Subalit hindi lahat ng
simbahan ay ipinagbabawal ang kasal sa
pagitan ng dalawang taong pareho ang
kasarian. May mga simbahan sa Pilipinas na
nagpapahintulot at nagsasagawa ng
seremonya para mga LGBTQI. Hindi man
legal sa mata ng batas ang kasalang
nagaganap, nabibigyan naman ng
pagkakataon ang mga LGBTQI couples na
magkaroon ng seremonya na kumikilala sa May mga simbahang nagkakasal sa same-
kanilang pag-iisang dibdib. sex couples.

Pagyamanin Natin
Bumuo ng pangkat na may tatlong tao. Magsaliksik tungkol sa LGBTQI rights at sa
kasaysayan ng pakikibaka para sa same-sex marriage sa Pilipinas. Gumawa ng isang sining
na multimedia upang maipakita ang mga usaping nakapalibot sa isyung ito at ang mga
pinagdadaanan ng mga sumusuporta sa same-sex marriage.

20
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

[25%] [50%]
Mas Mababa Kailangan pa [75%] [100%]
Pamantayan Marka
kaysa ng Magaling Napakahusay
Inaasahan Pagsasanay
Pag-unawa sa Karamihan sa Kalahati Halos lahat ng Tama ang
Paksa/ impormasyong lamang sa impormasyon impormasyong
Gawain inilahad ay impormasyong g inilahad ay inilahad;
hindi tama; inilahad ang tama; nagpapakita ng
kulang ang tama; nagpapakita ganap na pag-
ipinakitang pag nagpapakita ng ng tamang unawa sa
unawa sa paksa pag unawa sa pag-unawa sa paksa o gawain
o gawain paksa o gawain paksa o
gawain
Kooperasyon Hindi Ang mga Ang mga Ang mga
ng mga nagtutulungan kasapi ay may kasapi ay kasapi ay
Kasapi ng ang mga kasapi kani-kaniyang tumatanggap tumatanggap
Pangkat para sa ideya at hindi ng ideya nang ng ideya ng
kanilang magkasundo hindi isa’t isa at
gawain; isang sa dapat nilang nagbibigay ng nagkakasundo
tao lamang ang gawin; ilang negatibong sa dapat gawin;
gumagawa para kasapi lamang komento at lahat ng kasapi
sa gawain ang nag- sinusubukang ay may ambag
aambag para magkasundo sa pagbuo ng
sa gawain sa dapat gawain
gawin;
karamihan sa
kasapi ay
nagbibigay ng
ambag sa
pagbuo ng
gawain

21
Kasanayan/ Hindi Nagpapakita May angking Nagpapakita ng
Husay nagpapakita ng ng pagnanais husay sa husay at
pagnanais na na paggawa; galing sa
mapaghusay mapaghusay kailangan pa paggawa; may
ang paggawa o ang paggawa ng kaunting sapat na
gawain ng gawain pagsasanay kaalaman o
pagsasanay
KABUUAN

Paglalagom

Kasaysayan

Ang Same-Sex Mga Bansang


Marriage Nagpapatupad Nito

Ang Same-Sex Marriage sa


Pilipinas
Same-Sex
Marriage
Positibong Epekto
Epekto ng Same-Sex
Marriage sa mga
Bansang
Negatibong Epekto
Nagpapahintulot
Nito

Kahalagahan ng Same-Sex
Marriage

22
DAPAT TANDAAN
• Ang same-sex marriage ay ang legal na pagpapakasal ng dalawang taong
may parehong kasarian. Mainit na isyu sa kasalukuyan ang same-sex marriage
sapagkat marami ang hindi tumatanggap sa gawaing ito.
• Sa kasalukuyan, may mahigit sa 26 na bansa na ang nagpapahintulot ng
same-sex marriage. Mapapansing ang pag-usbong ng nasabing gawain ay
nagsimula lamang noong ika-21 na siglo. Sa Europa, may pinakamaraming
bansa na nagpapahintulot ng same-sex marriage.
• Ang pagpapahintulot ng same-sex marriage ay may iba’t ibang positibo at
negatibong epekto sa mga bansang nagpapatupad nito.
• Sa kabila ng pagbatikos ng mga grupo at komunidad sa mga lumalaban para
sa same-sex marriage, patuloy pa ring ipinahahayag ng mga LGBTQI ang
kanilang paghiling sa pagsasakatuparan ng same-sex marriage.

Dagdag Sanggunian
Ang sumusunod na link ay maaaring tingnan para sa karagdagang impormasyon o sa mas
malalim na pagtalakay:

• “Same-Sex Marriage, Civil Unions, and Domestic Partnerships” ng New York Times
(https://www.nytimes.com/topic/subject/samesex-marriage-civil-unions-and-
domestic-partnerships)
• “Answers to Your Questions About Same-Sex Marriages” ng American Psychological
Association
(http://www.apa.org/topics/divorce/same-sex-marriage.aspx)

23
Gabay sa Pagwawasto

Aralin 1: Ang Same-Sex Marriage

Subukan Natin

Suriin Natin
Para sa bilang 1-5, alinman sa sumusunod ang maaaring sagot. Kung may sagot na hindi
nabanggit sa listahan sa ibaba, tingnan kung ito nga ay kasama sa mga bansang
nagpahintulot ng same-sex marriage.

Maaaring sumangguni dito: http://www.businessinsider.com/where-is-same-sex-marriage-


legal-world-2017-11

Malta, Germany, Estados Unidos, Colombia, New Zealand, South Africa, Mexico

24
1. Pagsasama nina Carlo di Berardo d’Antonio at Michele di Bruno da Prulli

2. Pagpapanggap bilang lalaki ni Mary East upang makasama ang kaniyang nobya
bilang asawa
3. Nagsimula ang pagsulong sa karapatang maikasal ang mga LGBTQI sa Estados
Unidos
4. Pag-usbong at paglawak ng pakikipaglaban ng mga LGBTQI para sa karapatang
maikasal
5. Pag-usbong ng legalisasyon ng same-sex marriage sa iba’t ibang bansa

Aralin 2: Epekto ng Same-Sex Marriage sa mga Bansang Nagpahintulot Dito

Subukan Natin
Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral. Mahalaga na kanilang masuri ang
kanilang opinyon at pananaw tungkol sa isyu ng same-sex marriage sa pamamagitan ng
paghahambing ng kanilang mga sagot.

Suriin Natin
1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Tama
5. Mali
6. Mali
7. Tama
8. Mali
9. Tama
10. Mali

25
Sanggunian
“Gay marriage around the world.” Pew Research Center. Nakuha mula sa
http://www.pewforum.org/2017/08/08/gay-marriage-around-the-world-2013/
Conde, Carlos H. “Philippines Should Adopt Same-Sex Marriage.” Human Rights Watch.
Nakuha mula sa https://www.hrw.org/news/2017/03/20/philippines-should-
adopt-same-sex-marriage

Dabhoiwala, Faramerz. “The secret history of same-sex marriage.” The Guardian.


Nakuha mula sa https://www.theguardian.com/books/2015/jan/23/-sp-secret-
history-same-sex-marriage
Lipp, Murray. “7 Ways the USA Benefits from the Legalization of Gay Marriage.”
Huffington Post. Nakuha mula sa http://www.huffingtonpost.com/murray-lipp/gay-
marriage-is-great-for_b_3370173.html

26

You might also like