Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Ibong Adarna

(Suliraning Panlipunan)
Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 7
Ikaapat na Markahan-Linggo 3

XMY BUGTONG-LACAMEN
Tagapaglinang
Department of Education Cordillera Adminstrative Region
Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyong Administratibo ng Cordillera
Wangal, La Trinidad, Benguet

Inilathala ng:
Sistema ng Pamamahala at Pagpapaunlad sa Hanguang Pagkatuto
Rehiyong Administratibo ng Cordillera

PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI


2021

Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293 na hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa maaaring gampanin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang materyal na ito ay nagawa para sa implementasyon ng K to12
Kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon. Alin mang bahagi nito ay pinahihintulutang
kopyahin kung ito ay para sa pag-aaral ngunit kailangang kilalanin ang may-ari nito.

ii
ALAMIN
Naisasaad sa modyul na ito ang kahalagahan ng kasaysayan sa pag-unawa
ng tao sa mga pangyayari sa nakaraan, sa kasalukuyan at maging sa hinaharap, at
kung paano maiuugnay ang kaisipang matututunan sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Sa pamamagitan nito, inaasahang higit na mapayayaman ang
kaalaman, gayundin ang mapanuring pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa wika at
panitikan tungo sa mabisang komyunikeytor sa wikang Filipino. Nakapokus ang
koridong ito sa pagtataguyod ng inaasahang angkop na pagtingin sa pamilya,
lipunan at pananampalataya bilang mga aspekto sa pagbabagong tatag ng daigdig
na ating ginagalawan.
Ang mga sumusunod ay gabay sa bahagi ng aralin na kailangan mong
maintindihan sa patuloy mong pagbasa at pag-analisa sa nilalaman.
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na
kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

a. Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning narinig mula sa


akda F7PN-IVc-d-19
b. Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning
panlipunan na dapat mabigyang solusyon F7PB-IVc-d-21

SUBUKIN
Panuto: A. Basahing maigi ang mga pangyayaring hinalaw sa Ibong Adarna na
nagpapakita ng suliraning panlipunan. Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng
tamang sagot.

1. Kasalukuyang pinapawi ni Don Pedro ang matindi niyang gutom nang may
dumating na isang matandang leproso at humihingi sa kanya ng pagkain.
Anong pangyayari sa ating lipunan ang sinisimbolo ng matanda?

a. Covid 19 Pandemic c. kahirapan


b. Karamdaman d. pagkain

2. Nahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna at nailigtas niya ang kanyang dalawang
kapatid. Dahil dito, nagkaroon ng inggit at pag-iimbot ang dalawang prinsipe
kay Don Juan. Anong hakbang ang ginawa ng dalawang prinsipe sa kapatid
nila?

a. Mas lalo nilang minahal ito. Niyakap at tinulungang buhatin ang Ibong
Adarna.
b. Pinatay nila si Don Juan at ang Ibong Adarna.
c. Tinulungan nila ito. Pinakain nila ang kanilang kapatid at ang ibon.
d. Pinagtaksilan nila ito. Binugbog nila si Don Juan at tinangay ang ibon.

1
3. Isang mabunying pagsalubong ang inukol ng mga mamamayan ng reyno ng
Berbanya kina Don Pedro at Don Diego na animo’y mga bayaning nagbalik.
Sa pangyayaring ito, ano ang ginawa ng dalawang prinsipe sa kanilang
pamilya at kababayan?

a. Nilinlang nila ang mga ito c. Ipinagbunyi nila ang kanilang tagumpay
b. Pinasalamatan nila ang lahat d. pinagtaksilan nila ang mga tao

4. Sina Don Pedro at Don Diego ay likas na may masamang ugali. Pinakawalan
nila ang Ibong Adarna habang binabantayan ito ni Don Juan na nakatulog.
Anong pag-uugali ang ipinamalas ng dalawa?

a. Pagtataksil c. kasakiman
b. Pag-iimbot d. ganid

5. Nang magising si Haring Fernando ay nakita niyang nakawala ang Ibong


Adarna sa kanyang hawla. Tinanong niya sina Don Pedro at Don Diego kung
sino ang gumawa nito. Ang isinagot ng dalawa ay si Don Juan. Anong asal
ang ipinakita nila?

a. pagkamagalang c. pagmamahal
b. pagsisinungaling d. paninirang puri

6. Nang matagpuan nina Don Pedro at Don Diego ang kanilang kapatid sa
bundok ng Armenia, hindi nila ito inayang bumalik sa kanilang kaharian. Bakit
ayaw ng dalawang prinsipe na makauwi ang kanilang kapatid?

a. Ayaw ni Don Juan na umuwi.


b. Hindi na nila nahanap ang Ibong Adarna.
c. Ipapakulong siya ng hari.
d. Malalaman ng hari ang totoong pangyayari

B. Basahing maigi at suriin ang mga piling saknong. Tukuyin ang pagkatao o
pag-uugali ng mga pinag-uusapan dito.

7. “Ngayon, ang aking panganib, Saan kita ililingid; nang maligtas sa pasakit, sa
higanteng sakdal lupit?”

a. Kataksilan c. kalupitan
b. Materyalismo d. kasinungalingan

8. “Ngunit irog may panggamba, ang pagsundo mo sa kanya; may tangkilik kay
Leonora, ay serp’yenteng palamara”

a. Kasinungalingan c. kalupitan
b. Materyalismo d. kataksilan

2
9. “Nalimutan sa lamesa, diyamanteng singsing niya; iyon ay lubhang mahalaga,
pamana ng kanyang ina”

a. Kataksilan c. pagkamateryalismo
b. Kalupitan d. kasinungalingan

10. “Ngunit laking kataksilan ng kapatid na pangangay; lubid niyang tangan-


tangan, ay pinatid kapag kuwan”

a. Kalupitan c. kataksilan
b. Kasinungalingan d. kalupitan

11. Pinatayo ni Donya Maria si Don Juan at marahang sinabihan ito na tignang
mabuti ang mga nakabakod sa palasyo. Ang mga iyon ay mga prinsipe,
kabalyero, at konde na naengkanto ng kanyang amang si Haring Salermo
dahil hindi nila natupad ang iniatas nito. Anong uri ng pinuno ang hari?

a. liberal c. autokratiko
b. demokratiko d. burukrata

12. Tatlong magkakapatid sina Donya Maria ngunit siya ang pinakamaganda. Sa
kadahilanang ito, si Donya Maria ang pinakatanging anak ni Haring Salermo.
Anong pangyayari ang makikita dito.

a. Diskriminasyon c.pagmamahal
b. Katapatan d. panlalait

13. Nang bumalik si Don Juan sa Berbanya ay agad siyang nilapitan ni Donya
Leonora. Dahil dito, nakalimutan ng prinsipe si Donya Maria na naghihintay sa
kanya. Ano ang naranasan ni Don Juan sa pangyayaring ito?

a. Love at first sight c. Amnesia


b. Short Term Memory Syndrome d. Alzheimer

14. Lulan ng karosang ginto, sumugod si Donya Maria sa Berbanya upang pigilan
ang kasal nina Don Juan at Donya Leonora. Nagpanggap siyang emperatris.
Namangha ang lahat dahil sa kanyang magandang ganyak at litaw na
kagandahan. Malugod din siyang tinanggap ni Haring Fernando bilang
panauhin. Anong aspeto ng buhay ang binigyang halaga ng pangyayaring ito?

a. Materyal at pisikal c. ispiritwal at pisikal


c. sosyal at materyal d. sosyal at pisikal

15. Sa pagbabalik ni Don Juan at Donya Maria sa kahariang de los Cristal,


nagkaroon ng siyam na araw na pista para ipagdiwang ang pagluwalhati ng
lahat kay Bathala. Ano ang binigyan halaga sa okasyong ito?

a. Pista c.pananampalataya
b. pagdiriwang d. pagkain

3
BALIKAN
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang natutuhan sa nakaraang mga pag-aaral tungkol
sa Ibong Adarna.

Ang kahulugan at katangian ng korido

Magbigay ng dalawang kahalagahan ng


pag-aaral ng Ibong Adarna

Magbigay ng dalawang kaligirang


pangkasaysayan ng Ibong Adarna

TUKLASIN
Panuto: Suriing maigi ang mga pangyayari na nakasulat talahanayan sa ibaba.
Tukuyin ang mga suliranin na makikita dito. Ang mga salita/salitang nasalungguhitan
at kulay pula ang magbibigay sa inyo ng pahiwatig. Ang unang dalawang bilang ay
nagawa na bilang halimbawa. Maaring maulit ang kasagutan.(Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel)
Mga pangyayari sa Ibong Adarna Uri ng Suliraning
Panlipunan
1 Ang hari ay may sakit na hindi maipaliwanang. Kalusugan
2 Ang matandang leproso ay nanglimos ng pagkain Kahirapan
kay Don Pedro
3 Nagkaroon ng inggit at pag-iimbot ang dalawang
prinsipe kay Don Juan kaya binugbog nila ito at
tinangay ang Ibong Adarna.

4
4 Isang mabunying pagsalubong ang inukol ng mga
mamamayan ng reyno ng Berbanya kina Don
Pedro at Don Diego dahil naiuwi nila ang Ibong
Adarna. Nilinlang nila ang hari at ang mga
mamamayan.
5 Tinanong ng hari ang dalawang prinsipe kung sino
ang nagpakawala sa ibong Adarna. Sinabi nilang
si Don Juan ang may sala.
6 Sobrang mahal ng prinsesa ang kanyang
diyamanteng singsing kaya binalikan ito ni Don
Juan.
7 Matindi ang pagsusukab ni Don Pedro. Kanyang
pinatid ang lubid kaya’t nahulog at naiwang
mamatay sa balon si Don Juan.
8 Maraming prinsipe, kabalyero at konde ang
naengkanto ni Haring Salermo. Ang kanyang
kagustuhan at salita ay batas sa kanyang
kaharian. Malupit ang kanyang pamumuno.
9 Pinakamaganda si Donya Maria sa magkakaptid
kaya siya ang pinakapaborito ng ama.
10 Nakalimutan ni Don Juan si Prinsesa Maria.

11 Malugod na tinanggap ni Haring Fernando si


Donya Maria dahil sa kanyang karosang ginto at
litaw na kagandahan.
12 Nagkaroon ng siyam na araw na pista bilang
pagsamba sa Bathala.

SURIIN
Sa mga natapos nating mga gawain, ating napag-alaman ang iba’t ibang mga
suliranin na kinakaharap natin bilang isang tao at lipunan. Ngunit sa pagkakataong
ito ay itutuon natin ang ating pag-aaral sa mga suliraning panlipunan na ating
nararanasan hanggang ngayon. Magbibigay rin tayo ng mga posibleng solusyon sa
mga ito upang matulungan nating umunlad ang ating inang bayan,
Ang suliraning panlipunan ay ang mga isyu o pangyayari na kinakaharap ng
ating lugar o ng buong bansa. Ang mga ito ay kalimitang ugat na pumipigil sa pag-
unlad ng isang pamayanan. Sa kuwento ng Ibong Adarna, marami ang ating
makikitang karanasan ng mga tauhan dito na nangyayari hanggang sa kapanahunan
natin. Ang mga ito ay ang sumusunod:

5
1. Kalusugan. Ang kalusugan ay ang kalayaan mula sa anumang uri ng
sakit. Ang ating kwento ay nagsimula sa isang hari na may sakit na hindi
maipaliwanag at ang tanging makakalunas dito ay ang mahiwagang ibong
Adarna. Ang hari ang siyang kumakatawan sa isang kaharian at ng mga
mamamayan nito. Kaya ang sakit na tinutukoy dito ay maaring patungkol
sa mga suliraning panlipunan na kinakaharap nila at ang personal na
kalusugan ng hari.

2. Crab Mentality o Utak Talangka. Ang crab mentality o utak talangka ay


ang paniniwalang walang pwedeng hihigit sa iyo. Kung mayroon man,
hihilahin ito pababa. Ito ay ating makikita sa paulit-ulit na pagtataksil nina
Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Ayaw nila itong magtagumpay na
makuha ang trono ng kahariang Berbanya kaya nila ito sinaktan,
pinagnakawan, siniraan at pinagtangkaang patayin.

3. Credit Grabbing. Ang credit grabbing ay pagkuha ng karangalang


nakatalaga sa iba. Ito ay nangyari nang nagsinungaling sina Don Pedro at
Don Diego sa katotohanan sa likod ng pagkahuli ng ibong Adarna.
Kanilang kinuha ang karangalan na ibinigay ng hari at ng mga
mamamayan na nakalaan kay Don Juan.
4. Kahirapan. Ang kahirapan ay ang kawalan sa mga pangunahing
pangangailangan ng tao. Ito ay ating makikita sa buhay ng matandang
leproso na nanghingi ng pagkain. Ang mga leproso noong unang
kapanahunan ay nakahiwalay sa lipunan o outcast, namumuhay mag-isa
at umaasa sa limos. Sila ay namumuhay sa kawalan.
5. Autokratikong Pamumuno. Ang pamumuno kung saan ang namumuno
ang tanging may hawak ng kapangyarihan. Ang kanyang salita ay batas
sa nakakarami. Ito ay makikita sa pamumuno ni Haring Salermo kung
saan maraming prinsipe, kabalyero, at konde ang kanyang pinarusahan
dahil hindi nila natupad ang iniatas nito.
6. Pagkamateryalismo. Ang pagiging materyalismo ay ang pagbibigay ng
mataas na pagpapahalaga sa mga bagay na ating nakikita o di kaya’y
nagbibigay alaala sa atin. Sa kuwento, bumalik si Don Juan sa balon dahil
sa naiwan ni Donya Leonora ang kanyang diyamanteng singsing na
pamana ng kanyang yumaong ina. Gayundin ang pagharap ni Haring
Fernando kay Donya Maria dahil sa paggamit nito ng karosang ginto.
7. Diskriminasyon. Ito ay ang pagbibigay ng pabor sa isang tao dahil sa
kanyang anyo, yaman o kapangyarihan. Si Donya Maria ang
pinakamamahal ng kanyang amang hari dahil siya ang pinakamaganda sa
tatlong magkakapatid. Maganda rin ang pagtanggap sa kanya ng
kahariang Berbanya dahil sa nakalululang sasakyan niyang karosang
ginto, nakabibighaning ganda at pagiging emperatris.
8. Short Term Memory (STM) Sydrome o madaling pagkalimot. Ito ay
isang sakit ng mga Filipino kung saan madali itong makalimot sa
kabutihan ng mga taong tumulong sa kanya kapag nakakita siya ng mas
magandang oportunidad. Gaya ni Don Juan, nakalimutan niya sa isang
iglap si Donya Maria nang makita niya si Donya Leonora.

6
9. Pananampalataya. Ang pananampalataya ay ang paniniwala sa isang
Diyos. Sa kwento, may tatlong ermitanyong nabanggit. Dito ipinapakita
ang pagpapahalaga ng ating mga ninuno sa Diyos na meron sila. Marami
sa kanila ang namumuhay ayon sa kanilang pananampalataya. At ang
kanilang pagpapahalaga ay naipapakita nila sa pagganap ng mga mga
pagdiriwang gaya ng pista ng pasasalamat kay Bathala na ginanap nina
Don Juan at Donya Maria na tumagal ng siyam na araw.
Ang pananampalataya ay naisama sa kadahilanang ang hidwaan sa loob
at labas ng bansa ay naiuugnay sa magkakaibang paniniwala at
doktrinang meron ang isa sa buhay.
May kaibahan ba ang mga pangyayari noon at ngayon? Wala at mayroon di
ba? Wala, dahil ang sakit ng ating lipunan ay tila baga dumarami at nagiging
kumplikado. Ubo noon, lung cancer ngayon. Ngunit may lunas para dito at ikaw yun.
Oo, ikaw nga. Kung ikaw ay gagawa ng mga solusyon, unti-unti ay malulunasan ang
sakit na nararanasan ng ating bansa ngayon. Hindi kailangang matatalino at
matataas na mga tao upang magkaroon ng pagbabago sa ating lipunan. Ikaw
lamang ay sapat na. Ikaw ang pagbabagong hinihintay ng ating inang bayan.

PAGYAMANIN
Panuto: Balikan ang mga nabanggit na suliranin mula sa akda. Magbigay ng mga
posibleng solusyon para sa mga isyung ito.Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Sulinaning
Panlipunan mula sa Mga isyu dito Mga Posibleng Solusyon
akda

Pagtupad sa mga batas dito


gaya ng paggamit ng face mask
Halimbawa: at face shield, limitadong
Covid 19 Pandemic paglabas ng bahay, madalas na
Kalusugan paghugas ng kamay at
pagkakaroon ng isang metrong
distansiya sa kausap.

Inggit at pag-iimbot sa
Karahasan kapwa

7
Kahirapan Pamamalimos

Hindi pantay na
pagtrato sa pagitan ng
Diskriminasyon mayaman at mahirap

ISAISIP
Panuto: Mula sa iyong pag-aaral, ano ang mga napulot mong aral na makatutulong
sa iyong paglago bilang isang mamamayang Filipino at ng ating bansang Pilipinas?
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

8
ISAGAWA
Panuto: Mula sa iyong pagbabasa, gawain at pananaliksik, gumawa ng isang
malayang (free verse) tula na may dalawang saknong. Isulat sa sagutang papel ang
mga bagay na gagawin mo bilang isang kabataan upang sa gayon ay magiging
bahagi ka sa muling pagbangon ng ating bansa. Bigyan din ito ng agaw-atensiyon
na pamagat. Ang iyong gawain ay tatayain ayon sa rubrics sa ibaba.

Rubric sa pagsulat ng tula


Kriterya 4 3 2 1
Pamagat ng tula
Nilalaman ng tula
Istilo ng pagsusulat
Pananalita
Orihinalidad
Interpretasyon
4 – Napakahusay 3– Mahusay 2 – Katamtaman 1– Kulang pa ang Kasanayan

TAYAHIN
Panuto: Basahing maigi ang mga pangyayaring hinalaw sa Ibong Adarna at bilugan
ang titik ng iyong kasagutan sa mga katanungan.

1. Kasalukuyang pinapawi ni Don Pedro ang matindi niyang gutom nang may
dumating na isang matandang leproso at humihingi sa kanya ng pagkain.
Anong pangyayari sa ating lipunan ang sinisimbolo ng matanda?

a. Covid 19 Pandemic c. kahirapan


b. Karamdaman d. pagkain

9
2. Nahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna at nailigtas niya ang kanyang dalawang
kapatid. Dahil dito, nagkaroon ng inggit at pag-iimbot ang dalawang prinsipe
kay Don Juan. Anong hakbang ang ginawa ng dalawang prinsipe sa kapatid
nila?

a. Mas lalo nilang minahal ito. Niyakap at tinulungang buhatin ang Ibong
Adarna.
b. Pinatay nila si Don Juan at ang Ibong Adarna.
c. Tinulungan nila ito. Pinakain nila ang kanilang kapatid at ang ibon.
d. Pinagtaksilan nila ito. Binugbog nila si Don Juan at tinangay ang ibon.

3. Isang mabunying pagsalubong ang inukol ng mga mamamayan ng reyno ng


Berbanya kina Don Pedro at Don Diego na animo’y mga bayaning nagbalik.
Sa pangyayaring ito, ano ang ginawa ng dalawang prinsipe sa kanilang
pamilya at kababayan?

a. Nilinlang nila ang mga ito c. Ipinagbunyi nila ang kanilang tagumpay
b. Pinasalamatan nila ang lahat d. pinagtaksilan nila ang mga tao

4. Sina Don Pedro at Don Diego ay likas na may kasamaang ugali.


Pinakawalang nila ang Ibong Adarna habang binabantayan ito ni Don Juan na
nakatulog. Anong pag-uugali ang ipinamalas ng dalawa?

a. Pagtataksil c. kasakiman
b. Pagiimbot d. ganid

a. Nang magising si Haring Fernando ay nakita niyang nakawala ang Ibong


Adarna sa kanyang hawla. Tinanong niya sina Don Pedro at Don Diego kung
sino ang gumawa nito. Ang sinagot ng dalawa ay si Don Juan. Anong asal
ang ipinakita nila?

a. pagkamagalang c. pagmamahal
b. pagsisinungaling d. paninirang puri

5. Nang matagpuan nina Don Pedro at Don Diego ang kanilang kapatid sa
bundok ng Armenia, hindi nila ito inayang bumalik sa kanilang kaharian. Sa
anong kadahilanan ayaw ng dalawang prinsipe na makauwi ang kanilang
kapatid?

a. Ayaw ni Don Juan na umuwi.


b. Hindi na nila nahanap ang Ibong Adarna.
c. Ipapakulong siya ng hari.
d. Malalaman ng hari ang totoong pangyayari

12
Panuto: Basahing maigi at suriin ang mga piling saknong. Tukuyin ang pagkatao
o pag-uugali ng mga pinag-uusapan dito.

6. “Ngayon, ang aking panganib, Saan kita ililingid; nang maligtas sa pasakit, sa
higanteng sakdal lupit?”

a. Kataksilan c. kalupitan
b. Materyalismo d. kasinungalingan

7. “Ngunit irog may panggamba, ang pagsundo mo sa kanya; may tangkilik kay
Leonora, ay serp’yenteng palamara”

c. Kasinungalingan c. kalupitan
d. Materyalismo d. kataksilan

8. “Nalimutan sa lamesa, diyamanteng singsing niya; iyo’y lubhang mahalaga,


pamana ng kanyang ina”

a. Kataksilan c.pagkamateryalismo
b. Kalupitan d. kasinungalingan

9. “Ngunit laking kataksilan ng kapatid na pangangay; lubid niyang tangan-


tangan, ay pinatid kapag kuwan”

a. Kalupitan c. kataksilan
b. Kasinungalingan d. kalupitan

10. Pinatayo ni Donya Maria si Don Juan at marahang sinabihan ito na tignang
mabuti ang mga nakabakod sa palasyo. Ang mga iyon ay mga prinsipe,
kabalyero at konde na naengkanto ng kanyang amang si Haring Salermo
dahil hindi nila natupad ang iniatas nito. Anong uri ng pinuno ang hari?

a. liberal c. autokratiko
b. demokratiko d. burukrata

11. Tatlong magkakapatid sina Donya Maria ngunit siya ang pinakamaganda. Sa
kadahilanang ito, si Donya Maria ang pinakatanging anak ni Haring Salermo.
Anong pangyayari ang makikita dito?

a. Diskriminasyon c.pagmamahal
b. Katapatan d. panlalait

12. Nang bumalik si Don Juan sa Berbanya ay agad siyang nilapitan ni Donya
Leonora. Dahil dito, nakalimutan ng prinsipe si Donya Maria na naghihintay sa
kanya. Ano ang naranasan ni Don Juan sa pangyayaring ito?

a. Love at first sight c. Amnesia


b. Short Term Memory Syndrome d. Alzheimer

iv
13. Lulan ng karosang ginto, sumugod si Donya Maria sa Berbanya upang
pigilan ang kasal nina Don Juan at Donya Leonora. Nagpanggap siyang
emparatris. Namangha ang lahat dahil sa kanyang magandang ganyak at
litaw na kagandahan. Malugod din siyang tinanggap ni Haring Fernando
Bilang panauhin. Anong aspeto ng buhay ang binigyang halaga ng
pangyayaring ito?

a. Materyal at pisikal c. ispiritwal at pisikal


b. sosyal at materyal d. sosyal at pisikal

15. Sa pagbabalik ni Don Juan at Donya Maria sa kahariang de los Cristal,


nagkaroon ng siyam na araw na pista para ipagdiwang ang pagluwalhati ng
lahat kay Bathala. Ano ang binigyan halaga sa okasyon na ito?

a. Pista c.pananampalataya
b. pagdiriwang d. pagkain

KARAGDAGANG GAWAIN
Isang solusyon para sa sobrang basura ay ang pag-recyle. Gumawa ng isang recycled na
produkto at ipasa ito sa iyong guro. Tatayain ang iyong gawain batay sa rubric sa
ibaba.
Rubric sa paggawa ng Recycled na produkto
Kriterya 4 3 2 1
Pagkakagawa
Pagkamalikhain
Anyo
Hirap ng paggawa
Tibay ng produkto
Interpretasyon
4 – Napakahusay 3– Mahusay 2 – Katamtaman 1– Kulang pa ang Kasanayan

iv
13
TUKLASIN
3. Crab mentality
4. Credit grabiing
5. Crab mentality
6. Pagkamateryalismo
7. Crab mentality
8. Autokratikong
BALIKAN pamumuno
9. Diskriminasyon
1. Ang korido ay isang genre ng panitikan na nasa anyong 10. STM syndrome /
patula. pagkalimutin
11. Pagkamateryalismo at
Ang korido ay mabilis ang pagbigkas sa kumpas ng diskriminasyon
martsa “allegro” ; may walong pantig; at ikinawiwili ng 12. pananampalataya
mga mambabasa ang kuwento o kasaysayang
napakaloob dito.
2. Matututunan natin ang katangian ng isang mabuting
pamilya, katangian ng tunay na pag-ibig, pagpapatawad
at sakrapisyo.
Maaaring magkakaiba-iba ang sagot dito.
SUBUKIN
1. c
3. Nagmula ang salitang korido sa “corrido” ng Mehiko na
2. d
galing sa Espanya na “occurido” na ang ibig sabihin ay
3. a
nangyari.
4. a
5. b
Isinulat upang basahin at hindi awitin. Maaring may
6. d
himig na allegro o mabilis kung awitin.
7. c
8. c
Tumatalakay sa romansa at pakikipagsapalaran.
9. c
10. c
Ginagalawan ng mga tauhang malabayani.
11. c
12. a
Nagtataglay ng kapangyarihang may kababalaghan.
13. a
14. a
Nagbibigay ng aral sa mambabasa.
15. c
Maaaring magdagdag pa ng kasagutan dito.
SUSI SA PAGWAWASTO
14
TAYAHIN
1. c
2. d
3. a
4. a
5. b
6. d
7. c
8. c
9. c
10. c
11. c
12. a
13. a
14. a
15. c
Pagyamanin:
Sulinaning Panlipunan Mga isyu dito Mga Posibleng Solusyon
Karahasan Inggit at pag-iimbot sa (depende sa sagot ng mag-
kapwa aaral)
Kahirapan Pamamalimos (depende sa sagot ng mag-
aaral)
Diskriminasyon Hindi patas na pagtarato sa (depende sa sagot ng mag-
pagitan ng mayaman at aaral)
mahirap
SANGGUNIAN

Blogger. Ortiz, Allan A. “Ang Kaligirang Kasaysayan ng Koridong Ibong Adarna”.


Posted December 21, 2016. Accessed February 2, 2021.
http://allanalmosaortiz.blogspot.com/2016/12/kaligirang-pangkasaysayan-ng-
ibong.html

Department of Education of La Carlota. Grade 7 Filipino Ikaapat na Markahan.


Linggo 27-Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna. Accessed
February 2, 2021. https://docplayer.es/67144145-Grade-7-filipino-ikaapat-na-
markahan-linggo-27-ang-kaligirang-pangkasaysayan-ng-ibong-adarna.html

Marquez, Servillano T. Jr. Pintig ng Lahing Pilipino. Quezon City: SIBS Publishing
House, 2018.

Pamantasang Holy Angel (Basic Education Filipino Department). UNANG


MARKAHANG SILABUS SA FILIPINO 7. Accessed February 2, 2021.
https://www.hau.edu.ph/intra/courseoutline/pdf/basiced-jhs-fmtjhs/FIL7.pdf

Pinoy Collection. “Kabanat 1-46 (with Talasalitaan)”. Accessed March 9, 2021.


https://pinoycollection.com/ibong-adarna-buod/#Kabanata-1

Studylib. Surigao Diocesan School System. Lasala, Clevient John D. “Teacher’s


Learning Plan in Filipino 7”. Accessed February 2, 2021.
https://studylib.net/doc/25387985/activity-8-lesson-plan

Wikipedia. Accessed April 23, 2021. https://tl.wikipedia.org/wiki/Korido.

15
Para sa katanungan o puna, sumulat sa:
Department of Education - Schools Division of Kalinga
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
Telefax/Website: www.depedkalinga.ph
Email Address: kalinga@deped.gov.ph

You might also like