Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Una, ang kalusugan.

Marami na ang nai-ambag ng Agham at Teknolohiya pagdating sa medikal, tukad ng


MRI, CT scan, at kung ano-ano pang gadyet na nagagamit sa ospital ng mga doktor or nurse. Hindi
lamang ito simbolo ng ating pag-unlad, kundi ito rin ay nakakatulong satin at nakakaligtas saating lahat
pagdating sa medikal. Ang Agham at Teknolohiya rin ang naligtas saatin noong nagkaroon ng pandemya,
sa pamamagitan ng pagtulong sa mga scientists na gumawa agad ng solusyon sa problema sa paggamit
din ng mga gadyet sa paggawa ng vaccine upang hindi na kumalat ang COVID-19.

Pangalawa, ang kabuhayan. Umuunlad na ang sitwasyon ng Pilipinas dahil dumarami na ang mga IT o
Information Technology students, na nagiging kilalala na ang Pilipinas sa mga maaasahan at may
kasanayan sa teknolohiya. Dahil dito, dumarami na sa mga ibang mga bansa na kumukuha ng mga IT na
galling sa Pilipinas — na nagiging isa sa dahilan upang ipagmalaki natin ang ating bansa.

Pangatlo, ang kaayusan. Ang Pilipinas ay gumagamit ng mga CCTV upang maging proteksyon sa atin
bilang mamamayan. Ito’y napakahalaga sa kadahilanan na puwede natin o may probabilidad na mahuli
pa kung sino ang may pagkasala kung nakita ang mukha sa CCTV footage at ma trace and tao. Maari din
itong magamit upang makita ang katotohanang nangyari sa pagre-review ng footage sa CCTV. At ang
CCTV ay isa sa mga halimbawa na galling sa Agham at Teknolohiya.

Huli, ang kinabukasan. Ang Science Education sa pilipinas ay sumusulong na habang lumilipas ang
panahon. Maraming unibersidad ang sumusuporta na sa STEM na course na nagiging dahilan ng
pagdami ng mga scientist, doktor, atbp. dito sa Pilipinas. Hindi lamang ito makakatulong saatin, kundi
lalawak pa lalo ang kaisipan ng mga doktok at maaari ding makadiskubre ang iba ng mga bagay na hindi
pa naming alam.

Sa kabuuan, ang Agham at Teknolohiya ay hindi lamang isang simpleng bagay na tumutulong saating
lahat, kundi ito’y sandigan ng kalusugan, kabuhayan, kaayusan, at kinabukasan. Sa pamamagitan ng mga
ito, dito tayo umuunlad at dito umiikot ang ating pamumuhay sa araw-araw.

You might also like