Pangkat 5 Konseptong Papel 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Las Piñas City national Senior High School

HALALAN 2022: Manuyo


PAMANTAYAN Campus NG KABATAAN SA

PAGPILI NG LIDER SA PANAHON NG PANDEMYA

Isang Konseptong Papel


Na Inihanda Para kay
Bb. Jan-Raesie Valmoria
LPCNSHS-Manuyo Campus

Bilang Bahagi ng Pagsasakatuparan ng mga Pangangailangan


sa Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

nina

Aevan Joseph S. Tanay


Jhoanna Murtz
Jhomarie Tan

Mula sa

11-CONVIVIAL

Marso,19 2021
Las Piñas City national Senior High School
Rasyonale Manuyo Campus
Pilipinas, ang kasalukuyang pumapangalawa sa Timog-silangang Asya na

tinamaan ng labis ng pandemya. Ito ay ayon sa artikulo na inilabas ng World

Health Organization (WHO). Nangangahulugan lamang ito na mayroong

kakulangan o suliranin sa pamamahala sa naturang bansa. Ang tuluyang

pagpalya ng mga kinauukulan na maagapan at masolusyunan ang mabilis na

pagkalat ng sakit na ito ay isa sa mga dahilan kung bakit ang mga mamamayan

partikular na ang mga kabataan ay nagnanais na magkaroon ng pagbabago sa

pamamahala matapos nating danasin ang kalunos-lunos na paghihirap sa isang

taon na pagsubok sa pandemya. Ang naturang pag-aaral na ito ay ukol sa

pagsasaliksik kung ano na nga ba ang pulso ng bawat kabataan sa pagboto ng

panibagong lider sa susunod na halalan matapos ang iba't ibang pangyayaring

naganap sa pandemya. Ayon sa Department of Interior and Local Government

(DILG) ay mahigit sa 45% ng kabuuang botante sa ating bansa ay mga

kabataan, kaya't nilalalayon nila na ang lahat ng edad 18 pataas ay

magparehistro na sa kanilang mga munisipyo upang makabilang sa naturang

eleksyon.
Las Piñas City national Senior High School
Ang pag-aaral na ito ay dapat na maisakatuparan upang
Manuyo Campus
sa ganoon ay malaman kung ano na nga ba ang hinahanap na

katangian ng mga kabataan para sa susunod na pangulo ng ating bansa sa

taong 2022 dahil na lamang sa labis na pagkakaapekto nito sa buhay ng bawat

Pilipino. Isa na rito ang kahirapan ng mga tao sa pagtatrabaho dahil sa sunod-

sunod na quarantine na nagpatigil sa lahat ng serbisyo sa bansa noong unang

mga buwan ng pandemya. Ang kakulangan ng plano sa kung papaano

makokontrol ang pagkalat ng sakit. Ang patuloy na paglustay ng gobyerno sa

kaban ng bayan na walang kinalaman sa paglaban sa pandemya at paglaki ng

utang ng bansa sa pandaigdigang bangko at ibang karatig na bansa. Ang isa pa

ay ang pagpalya ng kagawaran ng kalusugan na makipagkasundo ukol sa

bakuna na lubusang makatutulong sana sa ating bansa. Ang kahalagahan sa

pagbibigay-daan sa pananaliksik na ito ay upang mabatid na ang bawat

kabataan ay mayroong mga perspektibo sa kung ano ang kanilang pamantayan

sa nararapat na pinuno na mayroong kakayahan na magpatakbo, mamahala at

magbibigay-hatid ng pagbabago ating bansa mula sa matagal na nating hinihingi

at hinihintay na kaayusan at pagunlad hindi lamang ng bansa kundi pati na rin

ang kalidad ng pamumuhay ng ating mga kapwa Pilipino sa loob at labas ng

panahon ng pandemya.
Las Piñas City national Senior High School
Manuyo Campus

Layunin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang pamantayan ng mga

kabataang botante sa pagpili ng bagong lider ng bansa sa susunod na halalan

matapos ang mga naganap sa kalagitnaan ng pandemya.

1. Matukoy ang propayl ng mga respondante batay sa:

1.1 Edad

1.2 Kasarian

2. Malaman ang mga katangiang hinahanap ng mga kabataang botante sa isang

lider ng bansa matapos ang mga naranasan sa kasagsagan ng pandemya.

3. Perspektibo ng mga kabataang botante pagdating sa pagpapakahulugan sa

"halalan".

4. Malaman ang pagbabagong inaasahan ng mga kabataang botante base sa


kanilang naranasan at nakita sa gitna ng pandemya.

Las Piñas City national Senior High School


Manuyo Campus

Metodolohiya ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa pamamaraang pagsasarbey

online sa mga kabataang botante na ang edad ay nasa pagitan mula labingwalo

hanggang dalawampu't apat na taong gulang. Sa pagsasakatuparan ng sarbey

na ito ay nangangailangan ng mga instrumento tulad ng gadyet at internet

connection. Ang nasabing sarbey ay binubuo ng apat na katanungan ukol sa

kanilang pamantayan sa pagpili ng bagong lider, pagbibigay-pananaw sa

paparating na halalan, at inaasahang pagbabago ng mga kabataang botante.

Inaasahang Bunga

Matapos ang pananaliksik at matugunan ang layunin ng pag-aaral,

inaasahan na makakabuo ang mga mananaliksik ng isang konseptong papel na

sumasagot sa kung ano ang kasalukuyang pamantayan ng mga kabataang


botante sa pagpili ng lider sa susunod na halalan matapos ang mga

Lasnaganap
pangyayaring Piñas City national Senior
sa kalagitnaan High School
ng pandemya.
Manuyo Campus

You might also like