Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

DECEMBER 23, 2023

Mal 3, 1-4.23-24
Ps 25,4-5.8-9.10.14
Lk 1, 57-66

Reflection

Mga kapatid kay kristo, nasa pangwalong araw na tayo ng misa de gallo. Malinaw ang
mensahe ng ating ebanghelio ngayon na tayo bilang mga tagasunod ni kristo ay pinagpala.
Tayong lahat ay pinagpala dahil ang Diyos ay Mabuti at mapagmahal.

Bakit ko nasabi na tayo ay mapalad? Una, dahil binayayaan tayo ng ating Diyos ng mga
grasyang magdalala sa ating kaligtasan. Pangalawa, ginawa nya tayong instrumento ng kanyang
grasya upang maging mensahero ng mabuting balita. At huli, lahat tayo ay binigyan ng misyon
katulad ni Juan sa ating ebanghelio, tulungan natin ang bawat isa upang talikuran ang anumang
bagay na magpapalayo sa Diyos at nawa’y maging daan tayo upang yakapin ang kabanalan ng
Diyos.

Bilang isang binyagang kristiano, tinatawag tayo ng Diyos upang tugunan ang kanyang
paanyayang maging mensahero tayo ng pagbabago sa nawawalan ng pag-asa sa buhay. Bilang
isang propeta, ibahagi natin sa iba ang mga salita ng Diyos na magbibigay lakas sa kanilang
paghihirap sa buhay.

Kapag ang Diyos ang nagtawag, alam nya ang ating kakayahan upang maging kanyang
katuwang sa pagtayo ng kaharian ng Diyoss dito sa lupa. At sa kanyang pagtawag, tayo ay
pinagpala dahil nagtiwala sya ating kakayahan.

Sa pagkakataong ito, gayahin natin ang mag asawang Elizabeth at zacarias. Ang kanilang
pagtitiwala sa plano ng Diyos sa kanilang buhay ay nagbunga ng isang anak na nagngangalang
“JUAN”- ang ibig sabihin ay “Ang diyos ay napakabuti”.

Nawa’y maging daan natin sila upang tayo ay maging instrumento ng grasya ng
panginoon sa taong uhaw sa pagmamahal ng Diyos. Lagi natin isipin, tayong lahat ay mapalad
dahil mahal tayo ng Diyos. Kapag ikaw ay mapalad, ibahagi mo sa iba upang sila din ay
pagpalain ng ating Diyos. Amen.
DECEMBER 25, 2023

Is 52, 7-10
Heb 1,1-16
Jn 1, 1-18

Reflection

Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan! Mga kapatid ko kay kristo, tayong lahat ay magalak
sapagkat ang ating paghahanda ay tapos na. isinilang na ang sanggol na magbibigay sa atin ng
liwanag tungo sa ating kaligtasan.

Ang kanyang pagdating ay isang pagpapaalala ng may Diyos nagpapakumbaba, naging


tao, piniling maging tao, namuhay maging tao upang tayo mga taong nilikha nya ay maging
banal sa pamamagitan ng kanyang anak na si Hesus.

Sa ating pagdiriwang ngayon sa dakilang kapanganakan ng ating Panginoong Hesukristo,


ating bigyan diin ang mensahe ng kanyang pagdating sa ating buhay bilang isang katoliko.

Una, si Hesus sa Sabsaban. Ang sanggol na anak ng Diyos ay piniling ipanganak sa


simpleng lugar at pamamaraan. Isang paanyaya sa atin ngayong pasko na maging simple lang
ang ating pagdiriwang. Ang pasko ay hindi nakalaan kung gaano kaganda ang decoration o
gaano kadami ang handa sa hapag kainan. Nawa’y maging daan sa atin na si Hesus sa sabsaban
ay isang pagtawag sa atin bilang isang katoliko na bigyan natin ng diin ang tunay na diwa ng
pasko. Si Hesus ay sapat na upang mapuno ang ating puso ng saya at kagalakan.

Pangalawa, si Hesus kasama ang kanyang ama’t ina. Pamilya ang isang mahalagang
mensahe sa ating pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesus sa ating buhay. Ang pagbubuklod ng
isang pamilya ay paraan natin upang damhin natin ng diwa ng pasko. Ang pagmamahal nila
Maria at Jose sa isang sangol sa sabasban ay isang larawan kung paano tayo magbigayan at
magmahal ngayong pasko. Ang pamilyang may malasakit sa isat isa ay ramdam ang biyayang
bigay ng ating panginoong Hesukristo.

Panghuli, si Hesus at ang sinag ng butuin. Ang bawat isa sa atin ang magiging liwanag
katulad ng isang butuin kung ang pagdiriwang natin ay nakasentro sa isang sanggol sa sabsaban.
Opo, si Hesus ang ating sinag ng ating buhay tungo sa kabanalan. Panatilihin natin nakasindi ang
liwanag na nagmumula kay kristo upang patuloy tayong mamuhay na naaayon sa kagustuhan
ng Diyos.

Ngayong pasko mga kapatid ko kay kristo. Ating ipagdiwang ng simple kasama ni Hesus
sa sabsaban katuwang ang mga mahal natin sa buhay kasama ng ating pamilya, nawa’y maging
liwanag tayo sa pagpapaabot ng pagmamahal at tunay na diwa ng pasko.

You might also like