Professional Documents
Culture Documents
Q2 F10 WLAS1 Mitolohiya v1
Q2 F10 WLAS1 Mitolohiya v1
MITOLOHIYA
Mga Layunin:
Batayang Konsepto:
1. Tauhan
Diyos at diyosa na may taglay na kakaibang kapangyarihan ang mga
tauhan sa mitolohiya
2. Tagpuan
Salamin ng sinaunang lugar at kalagayan ng bansa kung saan ito
umusbong.
3. Banghay
* Maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian
* Maaaring tumalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na
mga pangyayari
* Nakatuon sa mga suliraninat paano ito malulutas
* Ipinapakita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa
* Tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng panahon at
interaksyon na nagaganap sa araw,buwan at daigdig
4. Tema
Ang tema ay maaaring nagpapaliwanag sa natural na pangyayari,
pinagmulan sa buhay ng daigdig, pag-uugali , mga panrelihiyon, na
paniniwala, katangian at kahinaan ng tauhan na nagbibigay ng mga
aral sa buhay.
alak gamit ang lahat ng lakas ngunit tila wala pa ring nabawas sa laman ng
tambuli kaya’t binitiwan ito hanggang sa matapon lahat ng
laman. “Ipinakikita lamang na ang lakas mong taglay ay hindi kasintindi
tulad ng aming iniisip. Gusto mo pa bang subukin ang iba pang uri ng
pakikipaglaban?” tanong ni Utgaro-Loki. “Anong labanan ang
maimumungkahi mo?” sagot ni Thor. “Isang laro na paborito ng kabataan
dito buhatin ang aking pusa mula sa lupa.” Isang abuhing pusa ang
lumundag sa lupa. Malaki ito ngunit hinawakan ni Thor ang palibot ng tiyan
nito at sinubok na itaas gamit ang lahat ng lakas. Ngunit paa lamang ng pusa
ang naiangat ni Thor. “Tapos na ang labanang ito tulad ng aking inaasahan,
walang laban si Thor sa aking malaking pusa, ano pa kaya sa malalaking tao
rito?” wika ni Utgaro-Loki. “Tawagin mo na akong maliit kung gusto mo pero
tumawag ka ng sinumang makikipagbuno sa akin, galit na ako ngayon,” sabi
ni Thor. “Wala akong alam na gustong makipagbuno sa iyo ngayon pero
hayaan mong tawagin ko ang aking kinalakihang ina, ang matandang si
Elli. Siya ang labanan mo ng wrestling, marami na siyang pinatumbang mga
lalaki na tulad mong malakas. ”Hindi na dapat pahabain pa ang kuwento,
habang gamit ni Thor ang kaniyang buong lakas lalo lamang matatag ang
matandang babae hanggang mawalan ng balanse si Thor. Pumagitna si
Utgaro-Loki at sinabing itigil na ang labanan. Hindi na kailangang
makipagbuno pa ni Thor kaninuman sa tagapaglingkod. Malalim na noon
ang gabi kaya’t sinamahan sila ni Utgaro-Loki kung saan sila
makapagpapahinga at inasikaso nang maayos. Kinaumagahan, si Thor at ang
kaniyang mga kasamahan ay nagbihis at humanda na sa paglalakbay.
Hinandugan sila ni Utgaro-Loki nang masaganang agahan. Sa kanilang
paghihiwalay tinanong ni Utgaro-Loki si Thor kung ano ang naiisip nito sa
kinalabasan ng kanilang paglalakbay at kung may nakilala ba itong lalaki na
higit na malakas kaysa kaniya (Utgaro-Loki). Sumagot si Thor na hindi
niyamaikakaila na nalagay siya sa kahihiyan sa kanilang pagtatagpo at
marahil iniiisip nito na siya ay walang halaga at hindi niya ito gusto. Sinabi
ni Utgaro-Loki, “Ngayong palabas ka na sa aking kuta ay ipagtatapat ko sa
iyo ang katotohanan, kung ako ay mabuhay at may kontrol sa mga
mangyayari, hindi mo na kailangang bumalik pa ritong muli. Sa aking salita,
ni hindi ka makakapasok dito kung alam ko lang kung gaano ka kalakas,
muntik ka nang magdulot ng kapahamakan sa aming lahat. Ngunit nilinlang
kita gamit ang aking mahika. Noong una tayong magkita sa kakahuyan agad
kitang nilapitan at nang tangkain mong alisin ang pagkakatali ng bag hindi
mo ito nagawa dahil binuhol ko ito ng alambre. Pagkatapos noon hinampas
mo ako ng iyong maso nang tatlong ulit. Ang una ay mahina pero kung
umabot ito sa akin ay patay na ako. Nang makita mo ang burol na tila upuan
ng kabayo malapit sa aking kuta kung saan naroon ang tatlong kuwadradong
lambak, ang isa ay napakalalim, ito ang marka ng iyong maso. Inilagay ko
talaga ang burol na hugis kabayo sa harap ng iyong mga hampas pero hindi
mo ito nakita. Gayun din ang nangyari nang magkaroon ng paligsahan laban
sa aking mga tagapaglingkod. Ang una, nang kainin nang mabilis ni Loki ang
mga hiniwang karne sa sobrang kagutuman pero ano ang laban niya kay Logi
- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA
Panitikang Pandaigdig, Modyul para sa Mag-aaral
RIHAWANI
3.1 Elemento:Suriin
Paghambingin ang ugali nina Thor at Rihawani gamit ang Venn Diagram.
Pagkakaiba pagkakaiba
pagkakatulad
Paglalahat/ Repleksyon
Batayan sa Pagmamarka
Sanggunian
Aklat
Susi sa Pagwawasto
aaral ay iba-iba.
Ang sagot ng mga mag-
B 5. Repleksyon
C 4.
D 3.
A 2. Pagkakatulad Alamin
D 1.
Paghambingin,
Gawain 3.2 Katangian
Mabuo Suriin
Mo: Panibagong Kahulugan Gawain 3.1 Elemento:
Gawain 2 Salita Idagdag
Gawain 1 Ideya Ilahad