Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Grade Level FIVE

Teacher MARIA ELENA C. LI Quarter: FOUR


DAILY Checked by:
LESSON LOG Date JULY 25, 2023 MARIA CHERRY P. NAVIDA

I. LAYUNIN ANNOTATIONS
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ang mag-aaral
ay:

A. nakagagawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at


bunga mula sa tekstong napakinggan ; at
B. nasasagot nang wasto ang mga tanong at
pagsasanay.

A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig


Pangnilalaman at pag-unawa sa napakinggan

B. Pamantayan sa Nakabubuo ng nakalarawang balangkas batay sa


Pagganap napakinggan

C. MELC: Nakakagawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at


Pinakamahalagang bunga mula sa tekstong napakinggan
Kasanayan sa F5PN-IVa-d-22
Pagkatuto (MELC)
(Kung mayroon, isulat
ang pinakamahalaga-
ng kasanayan sa
pagkatuto o MELC)
II. NILALAMAN Paggawa ng Dayagram ng Ugnayang Sanhi at Bunga
mula sa Tekstong Napakinggan

III. KAGAMITAN
PANTURO
A. Mga Sanggunian Modyul

a.Mga Pahina sa MOST ESSENTIAL LEARNING


Gabay ng Guro COMPETENCIES(MELC) MATRIX

b.Mga Pahina sa
Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang https://lrmds.deped.gov.ph/
Kagamitan mula sa Learner’s Packet
Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga power point, pictures/cut outs, graphic organizer, real Indicator 8: Selected, developed, organized
Kagamitang Panturo objects and used appropriate teaching and learning
para sa mga Gawain resources, including ICT, to address learning
sa Pagpapaunlad at goals.
Pakikipagpalihan
The teacher selected varied teaching-learning
resources that will cater the different needs
and interests of learners to have a more
meaningful learning experience.

IV. PAMAMARAAN Direct lnstruction


The TGA Activity
- Tell (Give guidance)
- Guide (Facilitate the process)
- Act (Applv the concept)

A. Panimula PAUNANG PAGSUBOK


PANUTO: Piliin sa ibaba ang angkop na SANHI ng
sumusunod na BUNGA sa bawat bilang. Isulat sa patlang
ang titik ng tamang sagot.
_____1. Malulusog ang mga tanim na halaman ni Mang
Aldo.
_____2. Umiiyak ng malakas ang bunsong anak ni Layla.
_____3. Napapatawa ang bawat masalubong ni Karina.
_____4. Pinuri ng guro at pinalakpakan ng mga kamag-
aral si
Miya.
_____5. Malungkot na malungkot nang umuwi mula sa
pabrika
si Mang Franco.

a. Mataas na mataas ang kanyang lagnat.


b. Tinanggal siya sa trabaho.
c. Alaga niya sa dilig at pataba ang mga halaman.
d. Tamang lahat ang mga sagot niya sa pagsusulit.
e. Magkaiba ang kulay ng suot niyang pares ng sapatos

B. Balik-Aral Isulat sa patlang ang salitang SIMUNO kung ang may


salungguhit ay tumutukoy sa paksa ng pangungusap.
Isulat naman ang salitang PANAGURI kung ang may
salungguhit ay ang bahaging nagsasabi ng tungkol sa
paksa.
___1. Tumayo tayo nang tuwid habang inaawit ang
Lupang
Hinirang.
___2. Masayang nakilahok sa paligsahan sina Ana at
Lina.
___3. Napansin ng guro ang mabubuting asal na
ipinamalas ng
mga mag-aaral.
___4. Sina Allan, Patrick, at Joshua ay naghanda ng
masarap na
meryenda para sa mga panauhin.
___5. Si Ginoong Ramos ang nahalal bilang pangulo ng
samahan.

C. Pagtatalakay Pakinggang mabuti ang kwentong babasahin ng guro.


Sagutin ang mga tanong tungkol dito.

“Ang Batang Pulubi”


Sa Panulat ni: Margarita Andrea Mahor

Malakas ang pag-ihip ng hangin kaya maraming


natangay na mga sanga ng puno. Baha na rin ang mga
daan dahil sa sobrang daming nakabara na basura sa
mga kanal. Hindi natatanaw ang pagsikat ng haring araw
dahil sa dami ng ulap na tumatakip dito.
Gumising ang isang bata na natutulog sa tabi ng
kalsada. Inayos niya ang kanyang pinaghigaan na gawa
lamang sa karton ng mga “tetrapack juice”. Pagkatapos,
nagsimula na siyang maglakad habang hindi pa
umuulan. Nakakita siya ng isang tambak ng basura sa
isang tabi. Nagsimula siyang maghanap ng plastic na
baso para gawing lalagyan ng perang mapanlilimusan at
nagbabakasakali ring may pagkain na makita. May nakita
siyang isang “take-out” na lalagyan. Binuksan niya ito at
nakita niya ang mga buto ng manok. Naghanap pa siya,
hindi alintana ang masangsang na amoy ng basura.
Pagkatapos ng pagbukas ng ilan pang lalagyan, nakakita
siya ng isang lalagyan na may tira pang spaghetti.
Napangiti ang bata sapagkat may almusal na siya.
Kinuha niya ito at umupo sa tabi ng poste, doon niya
nilantakan ang nakuhang pagkain.
Hindi pa rin bumubuti ang panahon.Malakas pa rin ang
hangin at makulimlim ang kalangitan.Nagsimula nang
maglakad ang bata at nakita niya ang estasyon ng tren.
Naisip niya na maraming tao doon, baka maraming
maawa sa kanya at bigyan siya ng mga barya. Naghanap
siya ng magandang puwesto at nilabas ang plastic na
baso.
Makalipas ang apat na oras, nagising ang bata. Hindi
niya namalayan na nakatulog pala siya. Nang tingnan iya
ang kanyang baso, isang limampiso at dalawampiso ang
laman. Natuwa siya sapagkat makabibili na ito ng
murang pagkain. Nanatili siya sakanyang puwesto,
umaasang baka mayroon pa siyang makuhang dagdag
na barya. Naagaw ang pansin niya ng isang pamilyang
masayang naglalakad. Ang ama, ina at ang kanilang
anak na hawak-hawak nila sa magkabilang kamay.
Nainggit siya. Kung hindi sana namatay ang kanyang
ama’t ina, baka wala sana siya sa sitwasyon ngayon.
Sana may nagbibigay ng gabay at pagmamahal sa
kanya. Yinakap na lamang niya ang kanyang mga paa, at
nakatulog muli.
1. Sino ang pangunahing tauhansa kuwento?_________
2. Ano ang hinahanap niya sa basurahan?____________
3. Ano ang dahilan kung bakit naging palaboy ang bata?
______________________________
4. Ayon sa kuwento, sino ang nagbibigay sa atin ng
gabay at
pagmamahal? ____________________________
5.Ano ang gagawin mo sakaling may madaanan kang
batang
tulad ng nasa kuwento?_________________
Basahin mo ang mga pangungusap na nabanggit sa
kwento.

Tatalakaying ng guro ang ugnayang sanhi at


bunga gamit ang iba’t ibang dayagram katulad ng Table
Chart, Venn Diagram at Fish Bone.

Malakas ang pag-ihip ng Kaya maraming natangay na


hangin mga sanga ng puno
Dahil sa sobrang daming Baha na ang mga daan
nakabara nab asura sa mga
kanal
Dahil sa dami ng ulap na Hindi nakatatanaw ang
tumatakip pagsikat ng haring araw
Sapagkat may almusal na Napangiti ang bata
siya
Kung hindi sana namatay Wala sana siya sa sitwasyon
ang kanyang ina’t ama ngayon

B. Pagpapaunlad MGA PAGSASANAY Indicator 6: Used differentiated,


GUIDE developmentally appropriate learning
PAGSASANAY 1 experiences to address learners’ gender,
Gamit ang Venn Diagram, tukuyin ang sanhi at bunga needs, strengths, interests and experiences.
gayundin ang pangatnig na ginamit sa mga pangungusap
sa ibaba. KRA 1-OBJECTIVE 1:
1. Nag-aral ng mabuti si Alex kaya matataas ang marka I applied knowledge across curriculum
niya sa pagsusulit. teaching area. I integrated subjects from
2. May sugat si Lani kaya iyak siya ng iyak. ESP, Science and Health,
3. Bumaha sa EDSA dahil sa malakas na ulan.
4. Dinala sa ospital si Sam sapagkat mataas ang
kanyang lagnat.
5. Hindi siya kumain ng almusal kaya sumasakit ang
kanyang tiyan.

PAGSASANAY 2
PANGKATANG GAWAIN
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Gamit ang
Fishbone Diagram tukuyin ang Sanhi at Bunga. Isulat
ang inyong sagot sa dayagram.
1. Lumawak ang kaalaman ni Pablo dahil sa pagbabasa
niya ng sari-saring aklat.

2. Unti-unting naglalaho ang mga isda at iba pang


lamang dagat dahil sa polusyon.

3. Nakatulog ng mahimbing ang guwardiya ng grocery


store kaya nakapasok ang mga magnanakaw.

4. Laging napaglilipasan ng gutom si Rona kaya


nagkasakit siya.

5. Naging marumi ang ilog dahil tinambakan ito ng mga


basura ng tao.

C. Paglalahat Punan ng tamang salita ang bawat pangungusap upang


mabuo ang ibig ipakahulugan ng bawat
pangungusap.Piliin ang sagot sa kahong nasa ibaba.

pananhi dayagram
bunga
sanhi panlinaw

1. Ang _____ ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng


isang pangyayari.
2. Ang _____ ay ang resulta o kinalabasan ng
pangyayari.
3. Ginagamitan ang sanhi ng pangatnig na
nagpapahayag ng sanhi o tinatawag na ______.
4. Ginagamitan naman ang bunga ng pangatnig na
nagpapahayag ng bunga o tinatawag na ______.
5. Ang ________ ay isang paglalarawan o drawing para
maipakita ang presentasyon o ugnayan sa pagitan ng
mga bahagi ng isang sistema.

D. Pagpapahalaga Lagyan ng tsek (/) kung tama ang ugnayang sanhi at Indicator 4: Managed classroom structure to
bunga at ekis (X)kung mali. engage learners, individually or in groups, in
__1. Palaging nalilipasan ng gutom si Marie kaya sumigla meaningful exploration, discovery and hands-
ang kanyang katawan. on activities within a range of physical
__2. Laging nahuhuli sa pagpasok sa klase si David kaya learning environments.
pinuri siya ng kanyang guro.
__3. Madalas magsunog ng kilay si Lina dahil dito,
matataas ang kanyang marka.
__4. Nahulog si Efren sa kanal dahil hindi niya tinitignan
ang kanyang dinaraanan.
__5. Masaya si Aling Mila sapagkat suwail ang kanyang
mga anak.

E. Paglalapat Piliin saibaba ang angkop na sanhi at bunga upang Indicator 6: Used differentiated,
mabuo ang pangungusap sa bawat bilang na nasa tsart. developmentally appropriate learning
Pagkatapos, ilapat ito sa isa pang dayagram, Venn experiences to address learners’ gender,
Diagram o Fishbone. needs, strengths, interests and experiences.

a. kaya nakalabas ang tuta


b. agad na natuyo ang mga damit sa sampayan
c. Pumutok ang gulong ng bisikleta ni Ling
d. nadulas at nasaktan si Aurora
e. dahil nakalimutan ni Esme ang kanyang I.D.

V. Pagninilay Nauunawaan ko na
__________________________________.
Nabatid ko na
______________________________________.
Prepared by:
MARIA ELENA C. LI
Teacher III

Observed by
MARIA CHERRY P. NAVIDA
Principal II

JOSEPHINE L. LAYCO
Master Teacher I

LEA L. PUZON
Master Teacher I

You might also like