Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

eroplanong papel

ni lovelyn g. magdaong

nakahiligan ko noong bata pa ako ang gumawa ng eroplanong papel; naaalala ko


noong sinabi ng aking guro na gumawa kami ng eroplanong paliliparin namin dahil sabi niya sa amin, katulad ng
eroplanong papel na yon ang pag-abot sa mga pangarap namin; paliliparin namin ito ng kasingtaas ng mga
pangarap namin; sa paglaki ko ang taas-taas ng naging pangarap ko; iyon ay ang mahalin ng isang tulad mo; ngunit
gaano man kataas ito ay naabot ko, gamit ang iba’t ibang kulay ng papel, gumawa tayo ng mga eroplanong gawa sa
papel; sumakay tayo sa eroplanong papel; dinala sa iba’t ibang kulay ng mga alaala at saya; napadpad sa mga lugar
ng masasayang alaala, ngunit tulad ng papel ito’y bumagsak din pala; akala ko habang buhay sa saya ang sumakay
sa eroplanong papel na ating ginawa, nasira, pira-piraso na, na kahit anong pilit kong paliparin, wala ng natitira sa
atin kundi ang mga masasakit na salita na inilalabas ng ating bibig, kapwa nasasaktan, kapwa nagpapataasan ng
lipad; wala
na…wala ng ililipad
pa ang mga eroplanong papel na nabasa na ng tubig ulan,;nilupaypay na ng init ng araw; wala; wala ng iuusad pa
ang eroplanong papel na ginawa nating dalawa, ay mali eroplanong papel na gawa gawa ko lamang
pala dahil ang totoo pinilit lang kitang mahalin ako kahit alam kong hindi naman talaga ako ang tunay na
mahal mo; alam kong sinasaktan ko lang ang sarili ko pero pinilit ko gamit ang huwad na eroplanong ito;
kaya’t sa muli makikiusap ako, hindi, magmamakaawa ako na mahalin mong muli ako; magkunwari tayo
dahil
may jetlag pa ako mula sa ating naging biyahe; pakiusap; mahalin mong muli ako, kahit patuloy mong
itago ang relasyong ito; mahalin mong muli ako kahit may iba ka na diyan sa puso mo; muli tayong
magtago sa mga ulap; kahit gaano kasakit sa akin na itanggi mo ako sa harap ng mga buong
mundo; mahalin mong muli ako at hawakan ang mga kamay ko dahil hindi ko pa kayang
bitawan ang mga kamay mo; mahalin mong muli ako kahit pagod na pagod na akong umasang
pahahalagahan mo rin ang isang tulad ko kahit mapunta tayo sa lugar ng lamig ng iyong
pagmamahal; pakiusap, sa huling pagkakataon maniwala ka sa bisa ng eroplanong papel
na ito, dahil sabi ng guro ko kung anong taas ng lipad ng eroplanong iyon dapat
ay abutin ko; hinding hindi ko makakalimutan ang sinabing iyon ng guro ko;
kaya sisihin mo siya kung medyo makulit ako; mahalin mong muli ako kahit
nasasaktan mo na ako; sisihin mo nalang ang naging guro ko, dahil ikaw
ang taong siyang pinangarap ko; kelan ko nga ba titigilan ang paglikha
ko ng mga huwad na eroplanong papel? kelan ba ako gagawa
ng tunay na eroplano? eroplanong hindi kunwa-kunwarian;
eroplanong matatag; eroplanong hindi madaling sirain ng
kaunting ihip ng hangin at hindi mababasa ng ulan; tunay na
eroplanong handang isakay at ipagmalaki ako; eroplanong
hindi ikahihiya ang isang tulad ko; eroplanong hindi
bumabagsak sa paglipad ko sa alapaap; nakakasawa
din pala ang gumawa ng mga eroplanong papel;
dahil paulit-ulit ako mula sa simula, mula sa
simula ay paulit-ulit akong gumagawa nito;
nakakapagod ng paliparin; tapos sabay
din pupulutin mula sa pagbagsak
nito at paliliparin; bumabagsak;
nakakapagod na; kaya alam kong
kahit ikaw ayaw mo na rin ng
eroplanong papel; iiwanan
ko na ang mga ito kung
saan ito bumagsak;
ayaw ko na; suko
na ako; gagawa na
ako ng totoong
eroplanong
hindi
gawa sa
papel.

You might also like