Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang pasusulat

-Ang pagsusulat ay isang daluyan ng komunikasyon ng tao na nagsasangkot ng representasyon


ng isang wika na may nakasulat na mga simbolo.

Abstrak
-Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong
papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report.

Sinopsis/buod
-Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa
tekstong naratibo tulad ng kwento, salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati, at iba pang anyo
ng panitikan.

Agenda/adyenda
- Ano ang kahulugan ng agenda? Angagenda ay kadalasang ginagamit sa mga pagpupulong. Ito
ayisang listahan ng mga bagay bagay na pag uusapan o tatalakayin.

Memorandum/memo
-Ang Isang memo o memorandum ay Isang kasulatan na nagbibigay alam sa mga tao/tauhan na
kabilang sa Isang kompanya, organisasyon o lipunan na Kong saan naka saad dito Ang layunin o
pakay na gagawing meeting.

Katitikan ng pulong
-Ang katitikan ng pulong ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord o
pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong.

Bionote
-Ang bionote ay isang maikling talata na naglalaman ng isang pinaikling talambuhay. Pinaikli,
sapagka’t ito ay naglalaman na lamang ng mga impormasyon na totoo at direkta.
Panukalang proyekto
-Ang panukalang Proyekto ay uri ng dokumento na kadalasang ginagamit para maipaliwanag at
kumbinsihin ang namumuhunan o sponsor.

Posisyong papel
-Ang isang posisyong papel ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa
at karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal.

Replektibong sanaysay
- Ang replektibong sanaysay ay isang uri ng sulatin na nakasailalim sa anyong tuluyan o prosa.
Ito ay ang pagsusulat na naguugnay sa isang espisipikong paksa at sariling karanasan ng tao.

Lakbay sanaysay
-Ang lakbay-sanaysay ay nagtataglay ng mga ideya o pahayag mula sa mga karanasan sa
paglalakbay o pinuntahang lugar. Nakapaloob dito ang mga natuklasan at nakita sa paglalakbay .

Pictorial essay
-Ang pictorial essay isang uri ng sulatin kung saan ginagamit ng may akda ang mga litrato na
nagbibigay kulay o kahulugan, kaalinsabay ng mga teksto, sa mga paglalahad o pagbibigay
diskusyon sa isang usapin o isyu.

Pagsulat ng talumpati
-Ang proseso ng pagsulat ng talumpati ay maaring sa tatlong yugto: paghahanda, pananaliksik,
at pagsulat ng talumpati. Bahagi ng paghahanda ang pagtiyak sa 1) layunin ng okasyon, 2)
layunin ng magtatalumpati, 3) manonood, at 4) lugar na pagdarausan ng talumpati.

You might also like