Araling Panlipunan 7: Konsepto at Katangian NG Kabihasnan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan: Taon & Pangkat: Iskor:


Paaralan: Guro:

Kwarter 2
Linggo Bilang: 1
Modyul Bilang: 2

LAYUNING PAMPAGKATUTO:
Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at ang mga katangian nito.

KONSEPTO AT KATANGIAN NG KABIHASNAN

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1.

Kompletuhin ang star diagram gamit ang sumusunod na gabay.

1. – Isulat ang mga katangian ng kabihasnan.

2. - Isulat kung saang ilog-lambak nagsimula nang mamuhay nang


pirmihan at linangin ang kabihasnan ng mga Asyano.
ARALING PANLIPUNAN 7

3. - Isulat ang salitang nangangahulugan na” Paninirahan sa lungsod”

Pagsasanay 2.

Isulat sa itaas na kahon ang katangian ng kabihasnan na inilalarawan ng bawat


pahayag at sa ibabang kahon naman ay ang kahalagahan ng mga ito.

Katangian:
Gumawa ang mga
tao ng dike at kanal
Kahalagahan:

Katangian:
naninirahan sa mga
lungsod-estado Kahalagahan:

Natuto ang mga tao Katangian:


sa pagsasaka at
paghahayupan
Kahalagahan:

Katangian:
masusing pag-aaral
ng panahon
Kahalagahan:

Katangian:
Nalinang na sistema
ng pagsusulat
Kahalagahan:
ARALING PANLIPUNAN 7

Pagsasanay 3

Basahin ang pahayag sa bawat bilang. Ikahon ang masayang mukha kung mabuti
para sa mga tao ang pahayag. Kung hindi, ikahon ang malungkot na mukha.

1. Natutunan ng mga tao ang pagsasaka at paghahayupan .

2. May mga panahon na ang mga ilog ay nagiging


mapaminsala sa mga tao at mga ari-arian.

3. Gumawa ang mga tao ng dike at kanal upang mapigilan ang


pagbaha at patubig naman upang maipagpatuloy ang
pagsasaka sa panahon ng tagtuyot.

4. Pagtukoy ang petsa ng taunang pagbaha.

5. Pagkatuto ng tao sa sistema ng pagsusulat at pagtatala.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin at isulat sa patlang ang
tamang sagot.

1. Ang pag -unlad nito ang nagtakda ng malaking pagbabago sa buhay


ng sinaunang tao.
A. agrikultura
B. pagsasaka
C. pangingisda
D. pag-aalaga ng mga hayop
2. “Paninirahan sa lungsod” ang ibig sabihin nito.
A. kabihasnan
B. kultura
C. siyensya
D. rebolusyon
3. Dito unang nalinang ang kabihasnan.
A. lambak-ilog
B. lungsod
C. kapaligiran
D. kagubatan
4. Tawag sa lahat ng mga pag-unlad na nagawa ng tao sa panahong ito.
A. Rebolusyong Industriyal
B. Rebolusyong Neolitiko
ARALING PANLIPUNAN 7

C. Rebolusyong Mesolitiko
D. Rebolusyong Metal

5. Kalendaryong nabuo para sa masusing pag-aaral ng panahon upang


matukoy ang petsa ng taunang pagbaha ng mga ilog.
A. Solar
B. Lunar
C. Sundial
D. Roman

Mula sa bilang 6 hanggang 10 ay suriin at kilalanin ang mga sumusunod na


pangungusap sa kung anong katangian ng kabihasnan sila nabibilang. Piliin at
isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

A. Maunlad na Kasanayang Teknikal


B. Matatag na Pamahalaang may Maunlad n Batas at Alituntunin
C. Dalubhasang Manggagawa
D. Maunlad na Kaisipan
E. May Sistema ng Pagtatala

6. Sa pagiging malikhain ay natutunan nila ang gumawa ng mga palayok


gamit ang luwad.

7. Nagsimula ang isang sistema ng pamahalaan na may pamunuang


nagagabayan ng mga batas at alintuntuning kailangang sundin.

8. Ang ibang naninirahan sa mga lungsod-estado ay naging mga artisano o


mga manggagawang may kasanayan sa paglikha ng mga bagay-bagay na
naging daan upang ang kanilang mga lungsod ay maging sentro ng
kalakalan.

9. Nagawang matukoy ang petsa ng taunang pagbaha sa pamamagitan ng


masusing pag-aaral ng panahon at kanilang nabuo ang kalendaryong
lunar.

10. Sa pag-usad ng panahon, natutuhan din ng sibilisasyong maglinang ng


sistema ng pagsusulat at iba pang-uri ng pagtatala.
ARALING PANLIPUNAN 7

You might also like