Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 34

5

EDUKASYONG PANTAHANAN
AT PANGKABUHAYAN
(AGRICULTURE 5)

IKALAWANG MARKAHAN
Module 3
Masistemang Pag-aalaga sa Tanim
at Gulay (Pagdidilig)
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Grade 5
Quarter 2 – Week 3 Masistemang Pag-aalaga sa Tanim at Gulay

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a
condition the payment of royalties. Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems,
pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this book are owned by
their respective copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek
permission to use these materials from their respective copyright owners. The
publisher and authors do not represent nor claim ownership over them.

Regional Director: GILBERT T. SADSAD


Assistant Regional Director: JESSIE L. AMIN

Development Team of the Module

Writer: VILMA Y. FORTE, Teacher III – Don Emiliano L. Pabico ES


Editors/Reviewers: MARIFE S. MADERAZO, Teacher III-Daet ES
SUSAN B. VERAS, SP II-Labo ES
Illustrator:
Layout Artist: ARNEL B. DELA PASION, SP I-Gavino Vinzons ES
Consultant: NIXON S. OLFINDO, Ph.D., EPS EPP/TLE

SDO – CAMARINES NORTE


EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 5
Masistemang Pag-aalaga sa Tanim at Gulay (Pagdidilig)

UNANG ARAW

SA MAG-AARAL

Magandang araw!
Kumusta ang mga nagdaan mong aralin?
Mabuti naman at nagawa mo na ang iyong unang aralin! Nais mo na bang
malaman ang susunod nating pag-aaralan?
Halika, at atin nang simulan!
Sa gawaing ito, maisasagawa mo nang maayos ang masistemang
pangangalaga ng tanim na gulay sa pamamagitan ng pagdidilig.
Kakayanin mo kaya ang gawaing ito?

LAYUNIN

Sa modyul na ito ikaw ay inaasahang…………


✓ 1.2 Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng tanim na gulay
1.5.1pagdidilig.

Q 2-Week-3 Modyul-3 Day-1


(EPP5AG-Oc-5)

TALASALITAAN

Ito ang mga bagong salita na dapat mong kilalanin para sa araling ito.
★ narseri - lugar kung saan pinatutubo at pinapalaki sa
tamang gulang nito
★ kagamitan - mga bagay na ginagamit upang makatulong
sa pagpapadali ng mga gawain
★ regadera - isang lalagyan na ginagamit sa pagdidilig ng
halaman
★ hose - nahihinat na tubo na dinadaluyan ng tubig
na ginagamit sa pagdidilig ng halaman

★ timba - ang pangkaraniwang timba ay ginagamit


panalok o pangadlo at pang- igib ng tubig

★ tabo - ginagamit ang tabo sa pagbubuhos ng tubig.

★ lata - ang lata ay kulay- pilak na metal na


karaniwang gawa sa aluminyo at asero o yero

ALAMIN NATIN

Ang mga halaman ay magkakaiba kaya’t magkakaiba rin ang


pangangailanganng mga ito.May mga halamang kailangang diligin araw-araw at
mayroon ding mga halamang tatlong beses lamang dinidiligan sa isang linggo. Ang
pagdidilig ay isinasagawa sa umaga at hapon. TAndaanna ang matinding sikat ng
araw ay hindi makabubuti sa mga halaman.
Diligin ang mga halaman araw-araw sapanahon ng tag-araw. Magdilig ng
maaga upang ang halumigmig sa tanim ay matuyo bago lumitaw ang hamog upang
maging malusog ang tanim na halaman.
Basaing mabuti ang lupa sa lalim na 15.24 sentimetro. Higit itong mabuti
kaysa sa madalas subalit manipis na pagkakabasa. Ang tubig ay dapat lumagos sa
ugat ng tanim. Ang 2.4 sentimetro tubig sa loob ng isang linggo kasama na ang ulan
ay kailanganng gulay. Ang pangkaraniwang paraan ng pagdidilig ay ang paggamit
ng ligadera o an paggamit ng hose, timba,lata,tabo. Paagusin ang tubig mula sa
mga ito upang maging pantay ang pagkakabasa sa bawat halaman. Sa mga bahging
ang lupa ay matigas at patag, ang pagpapatubig ay dapat gawin sa pamamagitan ng
pagtutudling.

May nalalaman ka na ba tungkol sa ating aralin ngayon?


PANIMULANG PAGSUBOK

Ano-ano ang mga kasangkapang kakailanganin sa pagdidilig ng tanim


na gulay?

1. ______________

2. ______________

3. ______________

4. ______________

5. ______________

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.

Alamin natin sa pahina ___ ang wastong sagot sa mga tanong.


Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot - Napakahusay
3-4 tamang sagot - Magaling
1-2 tamang sagot - Pagbutihin pa
0 tamang sagot - Kaya mo yan

MGA GAWAIN SA
PAGKATUTO
Iguhit ang mga kasangkapan sa masistemang pamamaraan ng pagdidilig ng
tanim na gulay sa loob ng bawat kahon.
Yipee! Nakapagbigay- kahulugan, nakapag -guhit, at nakapag tapat ka na ng
mga kagamitan sa masistemang paraan ng pag -aalaga ng mga tanim na gulay sa
pamamagitan ng pagdidilig.

Ano ang mahalagang impormasyon na iyong nalaman? Makatutulong kaya


ang mga ito sa iyong pag-aaral?
Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa.

___ Lubos na naunawaan


___ Naunawaan
___ Naguluhan

Maaari mo ng gawin ang mga sumusunod na pagsasanay.


Simulan mo na ang iba’t ibang mga gawain.

PAGSASANAY 1

Panuto: Sagutin ng Tama o Mali ang bawat pangungusap.

______1. Kung gagamit ka ng hose sa pagdidilig ng tanim na gulay ito ba ay


mas makakagaan sa iyong gawain?
______2. Maaari ka bang gumamit ng mga patapong bagay sa pagdidilig ng tanim
na gulay?
______3. Ang regadera ang pinakamahusay na gamitin sa pagdidilig ng halaman.
______4. Kailangang bumili ng mamahaling kagamitan sa pagdidilig ng halaman
upang maging maganda at maunlad ang iyong mga tanim.
______5. Lata ang pinakamura at madaling gamitin sa pagdidilig ng tanim na gulay.

Kumusta ang iyong unang pagsasanay? ____Madali ba o ____Mahirap?


Nakuha mo ba ang lahat ng wastong sagot sa Pagsasanay 1?
Kung nakuha mo ang lahat, ikaw ay mahusay!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang
muli at pagkatapos, magpatuloy na sa Pagsasanay 2.

*******************************************************************************************
IKALAWANG ARAW

SA MAG-AARAL
Ngayong araw ay ipagpapatuloy natin ang ating aralin tungkol sa
masistemang pagdidilig. Natatandaan pa ba ninyo ang mga aralin natin kahapon?
Handa na ba kayong ipagpatuloy ito? Kung gayon simulan na natin ang
pagpapatuloy.

Sa modyul na ito ikaw ay inaasahang…………


✓ 1.2 Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng tanim na gulay
1.5.1 pagdidilig.

Q 2-Week-3 Modyul-3 Day-2


(EPP5AG-Oc-5)

PANIMULANG PAGSUBOK

Ano-ano ang mga kagamitan na kinakailangan sa masistemang pagdidilig


upang maging maganda ang inyong halaman? Maaari nyo bang isulat ang kanilang
mga pangalan?
1.
2.
3.
4.
5.

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO:


Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, heto pa ang isang
gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman.
Panuto: Iguhit ang masayang mukha ( ) kung tama ang paraan ng pagdidilig ng
tanim na gulay at malungkot na mukha ( ) kung mali naman ang
pamamaraan.

1._____Ang pagdidilig ay ginagawa tuwing umaga lamang.


2._____Maaari ng diligin ang bagong lipat na halaman gamit ang hose.
3._____Sa katanghaliang tapat ang tamang paraan ng pagdidilig ng
halaman.
4._____ Lahat ng halaman ay maaaring diligin umaga at hapon.
5._____Ang lata ang pinakamainam na gamitin sa pagdidilig ng halaman
dahil ito ay maaaring mapulot lamang sa paligid.

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.


Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1____Pagsasanay 2____
Gayunpaman, binabati kita sa iyong tagumpay!

PAGSASANAY 1

Balikan ang mga natutuhan sa naunang gawain upang masagutan ang mga
sumusunod na pagsasanay.

Panuto: Punan ang mga patlang sa ibaba. Isulat ang angkop na salita upang mabuo
ang talata. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Hose Rigadera Lata Tabo Timba

Halina’t Magdilig!

Kaming mag -anak ay tulong- tulong sa pag -aalaga ng halaman sa aming


bakuran. Si Tatay ay masaya habang hila ang mahabang ______ dahil sa malayo
ang nararating ng daloy ng tubig nito. Si Nanay ay dala-dala ang _____kulay- lupa
na may mga butas ang dulo na daanan ng tubig. Si kuya ay gamit ang _____ upang
diligin ang maliliit na punla. Ako ang taga-igib gamit ang ____na lalagyan ng tubig,
habang si Bunso sumasalok gamit ang isang maliit na _____.
Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat ng pagsasanay. Iwasto mo
ang iyong mga kasagutan sa pahina____

Anong naramdaman mo matapos malaman ang resulta ng iyong pagsisikap?


Malungkot Masaya Nakakagalit

Ipagpatuloy mo ang gawain sa pagsagot ng mga tanong.

PAGSASANAY 2

Panuto: Pagtapatin ang mga pangalan ng larawan ng mga kagamitan na maaring


gamitin sa pagdidilig.

a. timba

b. regadera

c. hose

d. lata

e. tabo
PAGSASANAY 3

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga kagamitan sa masistemang pag-aalaga ng


tanim na gulay sa pamamagitan ng pagdidilig.

1. ________________________________

2._______________________________

3.________________________________

4.________________________________

5.________________________________
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan mo sa loob ng
aralin.
Huwag kang matakot dahil alam kong kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok
na lamang ito na kailangan mong sagutin.

PANAPOS NA
PAGSUBOK
Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang uri ng pag -aalaga ng tanim na gulay na kailangan ng tubig.


a. Pagdidilig b. Pagbubungkal
c. Pag-aabono d. Pagtatanim

2. Ito ay kasangkapan sa pagdidilig na makukuha lamang sa paligid at maaring


butasan nang maliliit.
a. hose b. regadera c. timba d. lata

3. Isang uri ng pandilig na mahaba at maaaring hilahin upang makarating ang


daloy ng tubig sa mas malayong lugar.
a. regadera b. hose c. timba d. tabo

4. Kailan ang pinakamagandang oras ng pagdidilig?


a. tanghali b. gabi c. umaga d. hatinggabi
5. Ano ang pinakamabisang paraan ng masistemang pag -aalaga ng tanim na
gulay upang maging malusog?
a. Pagbubungkal b. Pagdidilig
c. Pag-aabono d.Pagnanarseri

Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang iyong sagot sa pahina 36. Ilang
bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.

nagawa lahat dalawa ang hindi nagawa


isa ang hindi nagawa tatlo pataas ang hindi nagawa
KARAGDAGANG GAWAIN:

Panuto: Tumulong sa inyong mga magulang sa pagdidilig ng tanim na gulay.


Gamit ang mga natutuhan sa araling ito, salungguhitan ang tamang sagot.

Aktwal na pagdidilig ng mga halaman.

Ano ang nararamdaman mo habang ikaw ay nagdidilig?( masaya, malungkot, galit)


Ang pagdidilig ba ay nakatutulong para sa maganda at mabilis na pagpapalaki nito?
( Oo, Hindi, Medyo)

Ang mga kagamitan sa pagdidilig ng halaman ay dapat na (ingatan, pabayaan,


paglaruan)

Ang pagdidilig ba ay masistemang paraan ng pagdidilig ng tanim na gulay?


( Oo, Hindi, Minsan)

Tama ba ang paraan ng iyong paggamit ng mga kagamitan sa masistemang paraan


ng pag- alaga ng hayop? ( Oo, Hindi, Siguro)

Sa wakas ay narating mo na ang dulo ng aralin. Ang saya- saya ko at


napagtagumpayan mo ang mga ibinigay na pagsasanay at gawain.

Ang ganda ng aralin natin. Ang dami kong natutuhan.


Na-enjoy ko rin ang mga gawain at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga pagsasanay. Kaya


parang gusto ko pa ng karagdagang gawain.
Tara magtulungan tayo!

Ang Husay Mo Kid!!!!!!!!!!! Binabati kita!!!!!!!!!


SUSI SA PAGWAWASTO:

Week 3 Day-1
Panimulang Pagsubok:
1. timba 2. hose 3. regadera 4. tabo 5. Lata

Karagdagang Gawain:
Pagsasanay 1:
1.tama 2.tama 3.tama 4.mali 5.tama;

Panimulang Gawain:
1.hose 2.timba 3.tabo 4.rigadera 5.lata

Week 3 Day-2
Pagsasanay 1:
1.malungkot na mukha 2.malungkot na mukha 3.malungkot na mukha
4.malungkot na mukha 5. masayang mukha

Pagsasanay 2:
1.hose 2.regadera 3.lata 4.timba 5.tabo

Pagsasanay :
pagbibigay ng kahulugan
Panapos na Pagsubok:
1.a 2.d 3.b 4.c 5.c

Karagdagang Gawain:
1.masaya 2.Oo 3.ingatan 4.Oo 5.Oo
IKATLONG-ARAW

Masistemang Pag-aalaga sa Tanim at Gulay (Pagbubungkal)

Sa mga Mag-aaral:

Isang Masayang Pagbati!


May naidulot bang maganda sa iyo ang aralin natin
kahapon?
Binabati kita at nagawa mo nang buong husay ang
iyong unang aralin!
Nais mo na bang tuklasin ang susunod nating pag-
aaralan?
Kung ganon, ano pa ang hinihintay mo simulan na
natin.

Sa gawaing ito, maisasagawa mo nang maayos ang masistemang


pangangalaga ng tanim na mga gulay sa pamamagitan ng pagbubungkal.
Handa ka na ba sa gawaing ito?

LAYUNIN:

Sa modyul na ito ikaw ay inaasahang …………


✓ 1.2 Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng tanim na gulay
1.5.2 pagbubungkal.

Q 2-Week-3 Day-3
(EPP5AG-Oc-5)
Bago ka magpatuloy sa araling ito kilalanin muna natin ang mga bagong salita na
matatagpuan mo sa araling ito.

TALASALITAAN:

Basahin at unawain natin.

pagbubungkal -pagpapalambot ng lupa sa paligid ng


puno ng halaman upang maging pino
at makapasok ang hangin sa mga ugat
ng puno..

dulos -maliit na itak na malapad ang dulo na


ginagamit sa pagbubungkal ng lupa.

pala -kagamitan sa pagbubungkal ng lupa na


may mahabang tangkay at malapad ang
dulo na parang kutsarang malaki.

pino -pinaliit na molde ng lupa

mababaw -katamtamang lalim na pagkakabungkal ng


lupa

shovel -gamit sa pagbubungkal ng lupa na parang


maliit na pala.

speeding rake - isa itong kagamitan sa pagbubungkal ng


lupa na parang kalaykay.

Ang mga tanim na gulay ay nagbibigay ng magandang ani kung inaalagaan


nang maayos ang mga ito. Ang wastong pagdidilig at pagbubungkal sa lupa ay
mahalaga. Bungkalin ang lupang nakapaligid sa halaman upang makahinga ang
mga ugat. Gawing mababaw ang pagbubungkal lalo na sa mga halamang pino ang
ugat at malambot ang tangkay. Ang mahabang ugat ay nagpapatibay sa halaman
laban sa malakas na hampas ng hangin.
PANIMULANG PAGSUBOK:

Nahuhulaan mo na ba kung ano ang tatalakayin natin ngayon?


Maibibigay mo kaya kung ano-ano ang mga kasangkapan sa masistemang
pangangalaga ng mga tanim na gulay sa pamamagitan ng pagbubungkal_?

1.__________
2.__________
3.__________
4.__________
5.__________

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 36 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot -Napakahusay
3-4 tamang sagot -Magaling
1-2 tamang sagot - Pagbutihin pa
0 tamang sagot - Kaya mo yan

O, ‘di ba? kayang- kaya mong kilalanin ang mga kagamitan sa pag –aalaga ng tanim
na gulay sa pamamagitan ng pagbubungkal ng lupa.

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO:

Iguhit ang mga kasangkapan sa masistemang pamamaraan ng pangangalaga


ng tanim na gulay sa pagbubungkal ng lupa sa bawat kahon .
Wow…. ang galing mo talaga! Nakilala mo na at naka- guhit ka pa, ng mga
kagamitan sa masistemang paraan ng pag -aalaga ng tanim na gulay sa
pamamagitan ng pagbubungkal.

Maaari mo ng gawin ang mga sususunod na pagsasanay.

Ano ang mahalagang impormasyon na iyong nalaman? Makatutulong kaya ang


mga ito sa iyong pag aaral?
Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa.

___Lubos na naunawaan
___Naunawaan
___Naguluhan

Ngayon magsimula na tayo sa mas makabuluhang mga gawain.

PAGSASANAY 1:

Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) kung ang pangungusap ay tama at ekis(x) kung mali.

______1. Kailangang bungkalin ang puno ng mga tanim na halamang gulay.


______2. Maging maingat sa pagbubungkal ng lupa sa gilid ng halaman upang hindi
masaktan ang mga ugat nito.
______3. Kailangang makapasok ang hangin sa ugat ng tanim upang maging
mabilis ang pagtubo.
______4. Hindi dapat nasa ayos ang pagkakatago ng mga kagamitan sa
pagbubungkal.
______5. Nagiging mataba ang halaman kapag pinabayaan at hindi binubungkal
ang lupa sa gilid nito.

Kumusta ang iyong unang pagsasanay?___Madali ba o ___Mahirap? Nakuha


mo ba ang mga wastong sagot ng Pagsasanay 1?
Kung nakuha mo ang lahat, ikaw ay mahusay!
Maaari mo ng gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang
muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

Dahil ikaw ay magaling, madali kang nakasagot sa mga


pagsubok. Heto pa ang isang gawaing magpapatibay ng iyong
kaalaman!

PAGSASANAY 2:

Iguhit ang bituin kung tama ang kagamitang nabanggit at araw kung
mali ang kagamitang nabanggit sa pagbubungkal ng lupa.

_____1. Ang regadera ay mahusay na pambungkal ng lupa.


_____2. Dulos ang pinakamagaan na kagamitan sa pagbubungkal ng lupa.
_____3. Hose ang isa sa pinakamahalagang kagamitan sa pagbubungkal ng lupa.
_____4. Ang pala ay malaki at may tangkay na ginagamit sa pagdidilig.
_____5. Tabo ang gamit kapag mag bubungkal ng lupa upang hindi masira ang ugat
ng halaman.

Isa kang kahanga- hangang mag -aaral! Natapos mo ang Pagsasanay 2.


Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 ___? Pagsasanay 2 ___ ?
Gayunpaman, binabati kita sa iyong tagumpay!
IKAAPAT NA ARAW

S
SA MAG-AARAL

Kumusta mga bata? Magandang araw! Naaliw ba kayo s ating aralin


kahapon? Ano kaya sa palagay ninyo ang gating gagawin ngayon?
Ang gagaling! Ngayon ay ating ipagpapatuloy ang ating aralin sa
masistemang pagbubungkal ng lupa upang maging mas lalong lumusog ang inyong
mga tanim na gulay.

LAYUNIN

Sa modyul na ito ikaw ay inaasahang…………


✓ 1.5 Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng tanim na gulay
1.5.2 pagbubungkal.

Q 2-Week 3 Day-4
(EPP5AG-Oc-5)
PANIMULANG PAGSUBOK:

Sige nga mga bata kung talagang natandaan ninyo ang ating aralin kahapon.
Maaari nyo bang ilarawan ang mga kagamitan sa pagbubungkal ng lupa.

1. Dulos
2. Pala
3. Shovel
4. Spreeding rake

PAGSASANAY 1:
Balikan ang mga natutuhan sa naunang gawain upang masagot ang mga
sumusunod na pagsasanay.

Panuto: Punan ang mga patlang sa ibaba. Iguhit ang angkop na larawan
upang mabuo ang talata.

Magbungkal! Magbungkal!

Ang mag anak ni Mang Satur ay tulong- tulong sa pag -aalaga ng tanim na
gulay sa kanilang bakuran. Ang ama ang may hawak ng (pala) _______ay masaya
habang nagbubungkal ng lupa. (Dulos)______naman ang kay Mar panganay niyang
anak. Dahil maliit pa si Biboy (shovel)______ na maliit ang sa kanya. Si Aling Rosa
ay dala-dala ang (speeding rake) _____habang namamahinga sa lilim ng puno.
Masaya at tulong- tulong ang mag- anak ni Mang Satur habang gumagawa sa
kanilang bakuran dahil malapit na nilang anihin ang kanilang itinanim na gulay.

Humahanga na talaga ako sa iyo. Ang bilis mong nasagutan lahat na


pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 36.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang resulta ng iyong pagsisikap? Iguhit
ang mukhang ……. sa tapat ng salita. Malungkot Masaya Galit
PAGSASANAY 2:

Nakakaaliw ang ating aralin ngayon, ang dami kong natutuhan. Ganon din
ako. Nakasagot ako nang mahusay sa mga pagsubok.
Siguro masasagutan ko rin ang mga karagdagan pang gawain. Tara! Ating
gawin ang mga natitira pang pagsubok.

Panuto: Gumuhit ng larawan ng isang mag-anak na nagpapakita ng wastong pag –


aalaga ng tanim na gulay sa kanilang sariling bakuran. Gawin at kulayan
ito sa loob ng kahon.

Nakarating na tayo sa bahagi ng modyul na susukat sa mga natutuhan mo sa


loob ng aralin.
Magrelax at isiping muli ang mga napag-aralan. Alam kong kayang- kaya mo
ito. Ito na ang huling pagsubok na kailangan mong sagutin.

PANAPOS NA PAGSUBOK:

Panuto: Sumulat ng isang talata na may lima hanggang sampung pangungusap na


nagsasaad kung paano nagagamit ang masistemang paraan ng pag –
aalaga ng tanim na gulay. Isulat ito sa loob ng bilog.

Ang galing- galing mo! Malapit mo nang matapos ang gawaing ito. Iwasto ang
iyong sagot sa pahina 21.
Anong marka kaya ang iyong matatanggap? Tingnan sa ibaba.

8-10 pangungusap -95%


5-7 pangungusap -90%
2-4 pangungusap -85%
0-1 pangungusap -80%
SUSI SA PAGWAWASTO:

Modyul -1 Day-3
Panimulan Pagsubok:
1.pala 2.dulos 3.shovel 4.speeding rake

Karagdagang Gawain:
Pagsasanay 1:
1./ 2./ 3./ 4.x 5.x

Modyul -1 Day-4
Pagsasanay 2:
1.araw 2.tala 3.araw 4.araw 5.araw
IKALIMANG-ARAW

Masistemang Pag-aalaga ng Tanim na Gulay (Pag-aabono)

Sa mga Mag-aaral:

PANIMULA:
Kumusta ang iyong araw ngayon?
Naging masaya ka ba sa aralin natin kahapon?
Hinahangaan kita sa iyong kahusayan! Nagawa mo nang buong husay ang
iyong unang aralin!
Nakahanda ka na bang tuklasin ang susunod nating pag aaralan?
Okey! Kung ganon, ano pa ang hinihintay mo? Simulan na natin.

Sa gawaing ito, maisasagawa mo nang maayos ang masistemang


pangangalaga ng tanim na mga gulay sa pamamagitan ng paglalagay ng abonong
organiko.

Ikaw ba ay handang- handa na?

LAYUNIN

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang …………


✓ naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng tanim na
gulay sa pamamagitan ng paglalagay ng abonong organiko.
Q 2-Week 3
Modyul 3-Day 5
(EPP5AG-Oc-5)
Oppsss, bago ka magpatuloy sa araling ito kilalanin muna natin ang mga
bagong salita na matatagpuan mo sa araling ito.

TALASALITAAN:

Basahin at unawain natin.

abono - ito ay isang fertilizer na ginagamit para sa halamang


pampataba

organiko - nangangahulugang pamamaraan ng mga magsasaka sa


pagpapalaki ng mga agricultural na produkto

kulisap - ay klase ng mga hayop na arthropods at


invertebrates na ibig sabihin walang gulugod

peste - hayop na sumisira sa mga halaman

paghahalo - pagsasama- sama para makabuo ng isang substansya

luwad - isang uri ng lupa na madikit kapag hinawakan kadalasang


ginagamit sa paggawa ng palayok sa paghahardin

loam - uri ng lupa na maganda sa pagpapatubo ng halaman


sapagkat ito ay galing sa mga nabubulok na bagay

Pag-aralan natin
Ang mga gulay ay nagbibigay ng magandang ani kung inaalagaan nang
maayos ang mga ito. Ang wastong pagdidilig at pagbubungkal sa lupa ay mahalaga.
Bungkalin ang lupang nakapaligid sa halaman upang makahinga ang mga ugat.
Gawing mababaw ang pagbubungkal lalo na sa mga halamang pino ang ugat at
malambot ang tangkay. Ang mahabang ugat ay nagpapatibay sa halaman laban sa
malakas na hampas ng hangin.
Gawing regular ang pagtanggal ng mga damong ligaw sa paligid ng halaman
upang hindi nito maagaw ang pataba at tubig na ibinibigay para sa halaman.
Maaaring gamitin ang kamay o wastong kagamitan sa pag –aalis ng damo. Maging
maingat sa paggawa nito upang hindi masira ang halaman.

Subaybayan ang paglaki ng halaman. Suriin ang kalagayan ng halaman.


Ugaliing kausapin ang halaman. Makaagham na pamamaraan ito ng
pagpapabulaklak o pagpapabunga ng tanim. Ang sapat na abonong organiko ay
nagdudulot ng kaginhawahan sa mga pananim. Ang pagdidilig sa mga pananim ay
ginagawa sa umaga at sa hapon kapag hindi na kasikatan ng araw. Maglagay ng
bakod sa paligid ng halaman lalo na kung may mga alagang hayop sa paligid.

PANIMULANG PAGSUBOK:

May ideya ka na ba kung ano ang tatalakayin natin ngayon?


Maibibigay mo kaya ang dahilan kung bakit kailangan ng masistemang
pangangalaga ng mga tanim na gulay sa pamamagitan ng paglalagay ng abonong
organiko? Isulat sa isang pangungusap sa loob ng parisukat.
Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.
Alamin natin sa pahina 36 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5-Kumpletong pangungusap -Napakahusay
4- Kulang ng dalawang salita -Magaling
3-2 Hindi malinaw ang ideya - Pagbutihin pa
01- Walang ideya - Kaya mo yan

Ngayon, kayang- kaya mo nang ibigay ang dahilan kung bakit kailangan ang
masistemang paraan ng pag –aalaaga ng gulay sa pamamagitan ng pag lalagay ng
abono.

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO:

Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa loob ng kahon. Isulat ang iyong
sagot sa kahon sa ibaba.

1.Bakit mahalagang magkaroon ng


2. Anong uri ng lupa ang pinaka-
kaalaman sa paghahanda ng
angkop sa pagtatanim ng gulay?
lupang tataniman?

3. Bakit mas mainam ang paggamit 4.Paano nakatutulong ang mga


ng abonong organiko? nabubulok na bagay sa mga tanim
na gulay?

5.Bakit kailangang alagaan nang


mabuti ang lupang pagtataniman ng
gulay?
Nakakabilib ang iyong galing! Nasagot mo ang mga tanong sa pag aalaga ng tanim
na gulay. Maaari mo ng gawin ang mga susunod na pagsasanay.

Ano ang mahalagang impormasyon na iyong nalaman? Makatutulong kaya ang


mga ito sa iyong pag aaral?
Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa.
Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

Ngayon, magsimula na tayo sa mas makabuluhang mga gawain.

PAGSASANAY 1:

Panuto: Kapanayamin ang kapitbahay na nagtatanim ng gulay. Alamin


kung paano niya pinaghandaan ang paghahalaman. Isama sa iyong ulat ang
sumusunod:
Pangalan: _______________________________________
Edad: _______________________
Kasarian: ____________________

Paano ang paghahandang ginagawa: _________________________________


Lugar: ____________________________________
Panahon: _________________________________
Pangangailangan: __________________________

Mga gabay na tanong:


1. Kung ikaw ay magtatanim ng mga gulay ano-ano ang mga dapat
tandaan o isaalang-alang?
2. Ano-ano ang mga dulot na kabutihan ng pagtatanim ng gulay sa
mag-anak?
3. Bakit kailangang iangkop sa mga gawain sa pagtatanim ng gulay ang
mga gawain?
4. Paano magtatamo ng kasanayan sa pagtatanim ng gulay
ang mga kasapi ng mag-anak?
5. Paano mapananatiling malusog at produktibo ang mga tanim na gulay?

Kumusta ang iyong unang pagsasanay? Madali ba o Mahirap? Nakuha mo ba


ang lahat ng wastong sagot sa Pagsasanay 1?

Kung nakuha mo ang lahat, ikaw ay mahusay!


Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.

Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang


muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

PAGSASANAY 2:
Ang galing- galing mo talaga! Madali kang nakasagot sa mga pagsubok. Heto
pa ang isang gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman!
Piliin ang tamang pangungusap na may kinalaman sa paglalagay ng abono sa tanim
na gulay at isulat sa loob ng parisukat ang iyong napili.

1. Ang organikong abono ay galing sa mga nabulok na dahon, dumi ng hayop, balat
na prutas at iba pang bulok na bagay.
2. Ang abonong organiko ay pinakamabisang paraan ng pagpapataba at
pagpapaunlad ng tanim na gulay
3. Hinahalo sa lupa ang mga dumi ng hayop at nabulok o natuyong dahon bago
ilagay sa puno ng tanim na gulay.
4. Ang abonong organiko ay nakakasira sa tanim na gulay sanhi ng pagkamatay
nito.
5. Isinasaboy sa ibabaw ng tanim na gulay ang abonong organiko.

Napakahusay mong mag -aaral! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2 ?

Ang galing- galing mo! Binabati kita sa iyong tagumpay!

PAGSASANAY 3:

Balikan ang mga natutuhan sa naunang gawain upang masagot ang mga
sumusunod na pagsasanay.
Panuto: Piliin ang tamang sagot. Bilugan ang titik nito.

1. Ito ay isang uri ng lupa na pinaka -angkop sa paghahalaman.


a. luwad c. mabuhangin
b. banlik d. compost

2. Ang mga damong -ligaw na binunot sa halamanan ay maaaring gawing:


a. compost c. inorganiko
b. luwad d. pestisidyo

3. Ito ang paraan ng pagtatanim sa lupa na ginagamitan ng dahon, dayami o


nutshells.
a. damong-ligaw c. abono
c. mulching d. suhay
4. Bumababa kaagad ang tubig sa uri ng lupang ito.
a. luwad c. banlik o loam
b. mabuhangin d. mabato

5. Isang uri ng abono sa halaman na nabibili sa pamilihan.


a. balat ng prutas c. pinagbalatan ng gulay
b. ammonium sulfate d. dumi ng hayop

Anong naramdaman mo matapos malaman ang resulta ng iyong pagsisikap?


Iguhit ang araw kung masaya, buwan kung malungkot at bituin kung
nakakagalit, sa tapat ng salita.

____Malungkot ____Masaya ___Nakakagalit

O di ba ! Lubha kang nahiwagaan sa ating aralin ngayon.


Ganun din ako. Nakasagot ako nang mahusay sa mga pagsubok.
Siguro masasagutan ko rin ang mga karagdagan pang gawain.
Oh ano pa ang hihintay natin! Ating gawin ang mga natitira pang pagsubok.

KARAGDAGANG GAWAIN:

Panuto: Isulat ang tinutukoy ng bawat pangungusap sa patlang.


1. _______ Ito ay gawain sa masistemang pagtatanim ng gulay gamit
ang tubig.

2. _______Ito ay isang gawain sa masistemang pagtatanim ng gulay na


ginagamitan ng dulos.

3. _______ Ito ay nakatutulong sa pagpapaganda ng tubo,


pagpapataba ng tanim na gulay upang magkaroon ng mas
maraming bunga ang mga tanim na gulay.

4. _______Ito ay paraan na pagdidilig, pagbubungkal ng lupa at


paglalagay ng abono.

5. _______Ito ay galing sa mga tuyong dahon, dumi ng hayop, bulok


na balat ng gulay at prutas.

Nakarating na tayo sa bahagi ng modyul na susukat sa mga natutuhan mo sa


loob ng aralin.

Enjoy! Isiping muli ang mga napag-aralan. Alam kong kayang -kaya mo ito.
Ito na ang huling pagsubok na kailangan mong sagutin.

PANAPOS NA PAGSUBOK:

Panuto: Sumulat ng maikling talata na nagsasaad kung paano ang masistemang


paraan ng pag –aalaga ng tanim na gulay ay nakatutulong sa iyong
pamilya.Isulat ito sa loob ng parisukat.
Ang galing galing mo! Malapit mo nang matapos ang gawaing ito. Iwasto ang
iyong sagot sa pahina 36.
Anong marka kaya ang iyong matatanggap? Tingnan sa ibaba.

Naipaliwanag nang buong husay ang ideya -95%


Naipaliwanag nang mahusay ang ideya -90%
May kaunting ideya -85%
Walang ideya -80%

SUSI SA PAGWAWASTO:

Modyul 3 – Day 5

Pagsasanay 3:
1.luwad 2.compost 3.abono 4.loam 5.ammonium sulfate

Karagdagang Gawain:
1.pagdidilig 2.pagbubungkal 3.pag- aabono 4.masistemang paraan
ng pagtatanim ng gulay 5.compost pit

Reference:
Batayang Aklat – Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5 pp. 73
CG – (EPP5AG-Oc-5)
DLP – EPP-5 -Q2-Week 3

https://www.google.com/search?q=pag+aabono+na+tanim&rlz=1C1CHBD_enUS702US702
&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjrkLyQ7NXpAhWKwJQKHbFvDhAQ_AUoA
XoECAwQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=Cws32IwOLxCezM&imgdii=kdPv32vI0fDFNM
https://www.google.com/search?q=plant+soil+digging&tbm=isch&ved=2ahUKEwiS2-
iJidbpAhUUyIsBHT0HAdYQ2-
cCegQIABAA&oq=plant+soil+digging&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCAA6BggAEAcQHjoGCAA
QChAYOgQIABAYOgQIABBDOggIABAIEAcQHlDDcli0jgFgypABaABwAHgAgAHSAogBzwu
SAQcwLjYuMS4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=BG3PXpLJH5SQr7
wPvY6EsA0&bih=657&biw=1349&rlz=1C1CHBD_enUS702US702&hl=en&hl=en#imgrc=2P
_M9d060AoYOM

https://www.google.com/search?q=plant+soil+digging&tbm=isch&ved=2ahUKEwiS2-
iJidbpAhUUyIsBHT0HAdYQ2-
cCegQIABAA&oq=plant+soil+digging&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCAA6BggAEAcQHjo
GCAAQChAYOgQIABAYOgQIABBDOggIABAIEAcQHlDDcli0jgFgypABaABwAHgAg
AHSAogBzwu

You might also like