(Book 1) Warning - Bawal Ma-Fall by Marielicious

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 498

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall

by marielicious

AIWG Sidestory featuring Misty Kirsten Lee (Kurt's younger sister) and France Zion
Madrigal (Wayne's younger brother/sister)

"Ma-fa-fall na nga lang ako, sa bading pa!" - Misty

=================

Warning: Bawal Ma-fall [Prologue]

ORIGINAL STORY OF MARIELICIOUS

COPYRIGHT © 2015 BY Marielicious ♥

Reproduction or usage of this work in whole or in part in any form by any


electronic, mechanical or other means, now known or hereinafter invented,is
forbidden without the permission from the author.

All the characters in this story have no existence whatsoever outside the
imagination of the author,and have no relation to anyone having the same names .
They are not even distantly inspired by any individual known or unknown to the
author, and all the incidents are merely inventions.

POSTED: May 27, 2015

TITLE: Warning: Bawal Ma-fall

PROLOGUE

Bawal talaga ma-fall sa isang bading. Kadiri. Girl na girl ako tapos ma-fafall ako
sa feeling babaeng nagngangalang France Zion Madrigal? No Way. As in N to the O. A
big NO!
... Pero mukhang trinaydor ako ng sarili ko dahil nagising nalang ako na gusto ko
na siya.

Oo, gusto ko na ang baklush na 'yon. Hindi ko rin alam kung bakit e. Kainis! Parang
nung isang araw lang, kaagaw ko siya sa crush ko tapos ngayon siya na ang crush ko.

... Pero hindi! Hindi ako makakapayag dahil gaya nga ng sabi niya...

Warning: Bawal Ma-fall

***

Magpapakilala muna ako. Ehem. Ako si Misty Kirsten Lee. Ngayon pa lang, sinasabi ko
nang hindi ako mabait. May pagkamaldita ako, medyo supladita rin. Kaya sana walang
kokontra kung puro POV ko lang ang mababasa niyo. Wala e, sa akin ang spotlight
ngayon. Evil laugh.

Sabi nila, spoiled brat daw ako. Umoo nalang ako, redundant kasi sila e. Ang totoo
nyan, wala namang time para sa akin ang parents namin pero sa pamamagitan ng
pagbibigay nila sa akin ng kahit anong gustuhin ko, napagkakamalan tuloy kaong
bratinella. Hindi ako only child. Actually, may kuya ako. His name is Tristan Kurt
Lee. Sikat siya. Sikat siya sa E.H.U bilang gangster at iyon ang problema ko.
Natatakot tuloy ang ibang kaklase ko na makipagkaibigan sa akin. Na tipong kaunting
sanggi lang nila sa balat ko ay over over na kung mag-apologize sa akin. Psh. Ewan
ko nga ba sa kanila kung ba't sila nagkakaganyan. Wala na rin namin si Kuya Kurt
dito sa East High University dahil lumipad na siya sa States after his break up
with Ate Gail. Sad.
So much for that... Ikukwento ko nalang kung ba't nagkaganun ang happenings.

Unang araw ko ngayon bilang College freshman. Wala akong choice kundi ang mag-take
up ng Business Administration major in Management. Family pressure e, edi gumora na
ako.

Pagkarating ko sa first class ko, naabutan kong may sari-sariling mundo ang mga
estudyante. Yung iba, nakikipag-make friends na sa iba. Well ako? Pinili kong maupo
dun sa second row na malapit sa aisle.

Naninibago tuloy ako. Madaldal akong tao dahil nasanay ako na napapaligiran ng mga
friends ko in highschool. But today's different. Wala akong friends. Loner ako.

Mayamaya lang ay may dumating na lalaking posturang postura. He must be the


professor. OMG. This is really the start of my college life!

"Good morning," bati pa nito. Sabay-sabay naman kaming bumati pabalik ng...

"Good morning, Siiiiir!"

Ngumisi ang prof sabay iling ng ulo. Parang natatawa, medyo pinipigilan pa nga
niya. "You're not in highschool anymore, so drop the chorus greeting. Anyway..."
Inilapag niya yung dala-dala niyang laptop bag sa table saka siya sumandal dun. He
looks cool for a prof. Natanggal tuloy yung sterotyping ko na lahat ng college prof
ay terror. Err. "I am Gilbert Alagao. Your prof in ENDEV."

ENDEV subject ang first class namin. Cool subject! Sa totoo lang, mas bet ko ang
English kaysa Math. Oo na! Aminado na akong mahihirapan ako sa course kong 'to.
Ayoko sa numbers pero nasa Management class ako. The irony of life.

"Lee, Misty Kirsten I."

I tilted my head up as I heard my name being called. Inulit ulit ni Sir Gilbert ang
name ko kaya tumayo na ako. Oh my! Nag-ro-roll call nga pala si Sir, at eto ako,
nag-space out.

"Come infront, please?"

So, ako naman itong pumunta sa harapan. I am very aware na bawat pagtawag ni Sir sa
mga pangalan ay kailangan naming mag-share ng brief intro about ourselves then
after that ay papaupuin na kami sa seating arrangement namin na... alphabetical.
Yeah, may ganung factor. So, highschool-ish. At least, nakikinig ako.

"Hi!" I tried to sound jolly, my usual aura though. Ngiting-ngiti pa ako. "I'm
Misty Kirsten Lee. Sixteen years old."

"Lee? How are you related to Tristan Kurt Lee?"

Mabilis kong tinignan si Sir. Oh, my gosh! Napaka-famous talaga ni Kuya Kurt. "He's
my brother."

"Oh..." he said, nodding his head in disbelief. "Just so you know, her brother is a
notorious bada-ss in the campus. So, don't you dare lay a finger on her or else..."
he threatened and I could see how everyone gasped. "So, Miss Lee, what else do you
want to say infront of the class?"

Ngumiti ako ng matamis. "I'm an otaku. I really love anime. I'm an active netizen
din. What else? Hmmm..." I stopped and thought for a while. "So, I took up this
course because of family pressure. I admit, hindi ito yung first choice ko, but I'm
willing to learn everything about it. That's all. Thanks."

I stood there proudly as ever. My Kuya Kurt said before that I should not be shy
around everyone. May mukha naman ako. May magandang mukha, actually, na pwedeng
ipagmalaki.

Pinaupo ako ni Sir sa third row. Pagkaupo ko pa lang, nagtawag agad si Sir ng
pangalan.

"Madrigal, France Zion M."

At naningkit ang mga mata ko sa pagtawag sa pangalan ng nilalang na nagpasira ng


elementary to highschool life ko. Ay, mali! Simula pala nursery ay classmate ko
siya. Pati ba naman sa college? Oh my gosh!

Pakembot-kembot siyang pumunta sa harapan. Aba't nagflip hair pa kahit panglalaki


naman ang haircut. Kaloka 'to!

"Hi, I'm France Zion Madrigal, but you can call me Paris. The city where Eiffel
tower lies, the city of Fashion. Basta bonggang city just like the beautiful lady
standing infront of you."

At dahil dun, naging wild ang mga kaklase namin. Umismid ako. Palakpakan here and
there. Tiliian everywhere.

"Woooo!"
Inangat niya ang kamay niya para patahimikin ang lahat. Maging si prof ay aliw na
aliw din sa kanya. Pati ba naman sa college, pabida effect siya?

"I'm 16 years old, turning 17 in a few days. At dahil magbibirthday ako sa June 11,
invited kayong lahat sa party ko!"

"Woooo!!"

"Ayos!!"

Yabang talaga. Walang pinagbago. Ibang-iba siya sa kuya niyang super bait.
Kabaligtaran niya 'yon, promise. Kuya Wayne is a cool guy while France is a guy
pretending to be a fairy. In short, siya ay bading, beki, badaf, vaklush, bayot,
bakling, baklita and jokla. Sorry kung hindi talaga short.

Pinili ko nalang na buklatin yung binder ko at isulat sa mga fillers ang subject
ko. Basta lang maalis ko sa kanya ang atensyon ko. Puro tawanan kasi ang nangayri
sa buong classroom. Eh hindi naman nakakatawa, kundi nakakairita!

"-- I took up this course kasi just like Misty said, family pressure. And same goes
with Misty, I am also related to Kuya Kurt's gangmate. Si Mark Wayne Madrigal.
Magkaibigan ang mga kuya namin. And to add up a little detail, sila ang nagpapa-
implement ng peace and order dito sa buong campus. Right, Sir?"

"Yes. So, don't mess with them, alright?" Natatawang sabi ng prof. "Sige na, Paris.
You take the seat beside Miss Lee."

My mouth fell open. Naupo nga ang bruha sa tabi ko. Nakangisi pa siya sa akin na
parang nang-aasar. Obvious naman diba? Intro pa lang niya, maarte na to think na
lalaki siya. Okay, back to what I am talking about... he is not really a gay
looking. Hindi siya cross-dresser. Lalaki pa rin siyang pumorma. Lagot lang siya sa
kuya niya kung maglaladlad siya all the way diba?

Pero verbally? Yes, mas maarte pa siya sa babae. Marami ngang nanghihinayang sa
gender niya e. Na kesyo gwapo raw, kaso tagilid. Kuh! Ewan. Wala akong pake sa
existence niya.

"Same course, huh?" bulong niya sa akin pero hindi ako umimik. "Chararat nito,
snobber?"

At isa pa, naiirita ako sa boses niyang super arte na high-pitched palagi.

"Don't talk to me," I hissed and before he could say anything, nagsalita ulit ako.
"Ever... Hindi tayo magkakilala, okay?"
"Oh sure," he rolled his eyes like a b1tch. "Wala akong kilalang chararat.
Nagsasawa na rin ako sa existence mo."

I thought, it'll really happen. Yung strangers ang peg sa campus kaso...

New story. Nagbabalik loob sa teen fiction na wholesome. It's been awhile since the
last time I wrote Teen Fic. Hihi. Thanks sa mga nag-vote para sa title na ito sa
group! Sana ay suportahan niyo rin. Maraming makaka-relate dito. Maski ako ay
nakakarelate din dito. :D Feedback, pls?

- Yhel

=================
1. Anime

1. Anime

Kaso mukhang ayaw namang makipagkaibigan sa akin ang iba kong kaklase. Hindi ko
sure pero 'yon ang feeling ko. Kagaya nalang nung nagpunta ako sa cafeteria. Walang
ibang bakanteng table kaya naghanap ako ng familiar faces. May nakita akong
dalawang girls na nandun sa kabilang table at sure akong classmates ko sila.
Nakapwesto kasi sila sa likod ko nung NSTP namin kanina.

So, lumapit ako with a big smile pasted on my face sabay sabing... "Hello, pwedeng
maki-share ng table?"

Nagkatinginan silang dalawa tapos sabay akong tinignan at saka tumayo na. "Sige,
dito ka nalang, Misty. Paalis na rin kami."

Nagtaka ako nang iniwan nila ako dun. Ayun, loner tuloy ulit ako. They didn't need
to leave naman e. Hindi pa nga sila tapos kumain. Wala tuloy akong kasama habang
kumakain dun. Alam niyo yung feeling na puro groupie ang nasa paligid niyo tapos
nandun ka at nag-iisa lang? Masakit sa feelings. As in, ouch.

"Oy, chararat."

Bago pa ako nag-angat nun ng tingin ay may naupo nang badaf sa harapan ko. Sinamaan
ko nga ng tingin. "Diba sabi ko strangers tayo? Ba't nakikiupo ka dyan?"

"Arte much, 'teh? Eh sa walang bakanteng table e. Ayaw pa-share?"

"Sa iba ka maki-share!"

Kumagat muna siya sa burger niya. "May napapansin ka ba, chararat?"

Pinaningkitan ko siya ng mata sabay bato sa kanya ng isang fries. "Stop calling me
chararat!"

"Taray mo talaga whenever 'no? May dalaw ka ba? Ba't naman ako pag nagkakaroon, 'di
naman ako ganyan kataray..." sabay pause. "Charot!" Aba't tumawa pa na parang
katulad kay Kris Aquino.

Napailing nalang ako sa kanya at nagfocus nalang sa pagkain ko. Isa pang klase ang
mayroon ako ngayon at yun ay Math pa. After that, makakauwi na ako. Gusto ko nang
magpahinga, at gusto ko na ring malayo sa malaking germs sa harapan ko.
"Chararat, ang hassle ng first day natin 'no?"

Sige lang, magsalita ka lang dyan. FC much e.

"Kakaiba sa high school natin. Dati marami tayong friendships and everything pero
ngayon, super sad na. Feeling ko, iniiwasan nila ako. Ikaw ba, hindi mo ba yun
nafifeel?"

Tinignan ko siya habang kumakagat ako sa cheesy fries ko. Actually, tama siya e.
Katulad nalang kanina sa ENDEV class namin. Nagpakilala ako sa seatmate ko nun.
Nababanas kasi ako sa presence nitong badaf sa kaliwa ko. Kaso, after kong
magpakilala, end of conversation na agad. Aba, parang hindi niya nga ako kilala
after dismissal e. Kanyang-kanyang alis kasi agad. Kaya ang end game, mag-isa akong
nagpunta sa next class namin which is NSTP.

"First day pa lang kasi," walang gana kong sagot sa kanya.

"Hmmm... kunsabagay!" Uminom muna siya sa bottled water niya saka niya ako tinignan
ulit. "Pero parang may kakaiba kasi e."

"Ano na naman? Baka hindi ka lang talaga nila feel maging kaibigan? You know-"
pinakita ko sa kanya ang kamay kong ginawa kong puppet- "Talkative ka kasi. Loud
and noisy."

"Over mo naman! Hindi na nga ako nakapagsalita kanina kasi wala naman akong
makausap. Alangan namang kausapin ko ang hangin diba? Bawas ganda points din yun
a." Aba't nag-flip hair pa.

"Alam mo, ewan ko sa'yo. At saka, teka lang, ba't mo ba ako kinakausap? Friends ba
tayo?"

"Sungit nito. 'Kala mo, kagandahan..."

Bulong lang 'yon pero rinig na rinig ko naman. "Narinig ko 'yon ah. Aish, bahala ka
nga dyan!" Kinuha ko na yung natitira kong soda saka ako umalis dun sa table.
Nakakabanas talaga 'yang badaf na 'yan. Grr!! Hindi yata ako makakatagal na maging
kaklase siya ulit!

"Chararat, sabay na tayo! Blockmates naman tayo e!" Humabol pa siya sa akin at
sumabay sa paglalakad. Hindi ko nga pinansin. Tuwing nakikita ko siya, kumukulo
lang ang dugo ko.

"Math na ang next diba?"

'Wag mong imikan, Misty. Don't talk to him. Just ignore— "Ah!" Natigilan ako't
nabato sa kinatatayuan ko. Someone spilled juice all over my uniform.

"Oh my gee..." bulong pa ni bakla sa tabi ko.

Hindi agad ako nakakilos. Geez, it's so sticky kasi! Pagtingin ko sa harapan ko,
nakita kong namumutla ang babae sa harapan ko. Nakatakip pa siya sa bibig niya and
take note, parang tumigil ang oras sa buong cafeteria.

"I'm sorry!!!"

"It's okay- whoa!" Nagulat kasi ako nang tanggalin niya ang suot niyang blaser saka
niya itinakip sa harapan ko. "I'm sorry. Hindi ko sadya." At teary eyed na siya.
Wala naman akong ginagawa ah!

"Ate, ayos lang po talaga."

"No, it's not okay!" nagpapanic na reply niya sa akin. Yung mga babae sa likod
niya, hinihila na siya and even overheard them blaming her kaya lalo siyang
nagsosorry sa akin.

"Taralets." Kundi pa ako hinila ni badaf, hindi pa matatapos yung eksenang 'yon.
Dun kami nagpunta sa bleachers sa may open field. Naupo muna kami dun ni badaf.
Tinanggal ko na rin yung blaser na nakasuot sa akin pati na rin yung nakatakip sa
harapan ko. Hindi pa rin ako umiimik kasi medyo na-shock ako dun sa itsura ni ateng
naka-spill ng juice sa uniform ko. She was like as if she's scared of me. I dunno.
Just weird.

"Oh."

Tinignan ko yung inaabot ni badaf sa akin. "Aanhin ko 'yan?"

"Ipunas mo sa hinaharap mo. Bakat e. 'Kala mo naman malaki, e mas malaki pa nga ang
akin."

Sinamaan ko siya ng tingin. May gana pang irapan ako. Grr! "In your dreams. Akin na
nga!" Inagaw ko sa kanya yung pink niyang panyo tapos ipinunas ko sa dibdib ko.
Hindi talaga maalis sa isip ko yung itsura nung babae kanina. Ba't ba ganun siya?

"You know what, we will probably have a weird college life," sabi ni badaf. Sorry
kung 'di ko mabanggit ang name niya ha? Hindi kasi bagay sa katauhan niya. France,
Zion or Paris.... Err.

"Kanina ka pa. Masyado pang maaga para sabihin 'yan. It's only our first day, you
know."
"Hindi e. Gut feeling ko 'yon. Ang mga dyosa like me ay tumatama sa mga kutob-kutob
na 'yan. Trust me."

I looked to him weirdly. Never in my entire life had I talked to him like this.
Kadalasan kasi ay puro asaran at pikunan o 'di kaya'y bangayan ang nangyayari kapag
nagkakaharap kami. Minsan pa nga umaabot pa sa pisikalan. Sasabunutan niya ako,
siya naman sasapakin ko, mga ganon. Kaya nga napaka-weird talaga ngayong araw.

My face formed a curious frown. "What do you mean?"

"Mag-observe ka until Friday. Makikita mo yung napapansin ko."

***

Dumaan ang Tuesday, Wednesday, Thursday and Friday at unti unti ko nang napapansin
ang pagiging mailap sa akin ng classmates ko. I would even try to approach them
para sana makipagkaibigan pero in the end, parang natatakot sila sa akin kaya
hinahayaan ko nalang sila.

"Mabait naman ako ha? Bakit sila ganyan?"

Hindi rin ako makapaniwala na sa lahat ng pwede kong maging karamay ay si badaf pa.
From one class to another, kahit walang seating arrangement, no choice but to sit
next to each other. Wala rin kasing gustong makipag-friends sa kanya. Just imagine
na five days ay walang gustong makipag-usap sa amin. Saklap.

"Eh ako nga na mas mabait sayo, ayaw nilang friends, ikaw pa kaya na pretending to
be nice?" Inirapan ko nga siya. Walang kwentang kausap.

"Alam mo, badaf-

"It's Paris."

"Badaf," mariin kong sabi sa kanya. Nasa hallway kami ngayon at nagpapalipas ng
oras. May one hour vacant kasi kami before Computer subject kaya dito namin
napiling tumambay muna sa hallway habang nakaupo sa sahig. "Kailangan natin malaman
kung ba't sila nagkakaganyan sa atin. Hindi pwedeng ganito, friends silang lahat at
dinidisregard tayo."
Inikutan niya lang ako ng mga mata habang kini-curl niya yung lashes niya. "Wala
akong time for that. Kung ayaw nila sa atin, edi fine. Hindi naman ako desperadang
magkaroon ng friends."

Natawa naman daw ako sa word na desperada. In fairness, kinoconsider niya talaga
ang sarili niya bilang female specie. "Hindi naman pwede 'yon, badaf. Gusto ko rin
naman magkaroon ng kaibigan. Hindi ko maeenjoy ang college life ko ng walang
friends."

"Edi ako. I can be your pretty friend!"

Napasinghap ako. As in, nanahimik yata ako for like 3 seconds. "Wow. Erase the word
'pretty'."

"Tss. Seriously, wala na tayong choice kundi ang maging magkaibigan nalang," yung
tono pa ng pagkakasabi niya para siyang napipilitan lang. "Kaya don't fight with me
anymore. Tayo nalang ang meron sa isa't-isa, mag-aaway pa ba tayo?" Nagtaas ako ng
isang kilay nang magtakip siya ng bibig. "Teka, I feel like I'm gonna puke sa
sinabi ko."

Sinuntok ko nga siya sa braso. Sorry, hindi uso sa akin ang hampas kaya yun ang
ginawa ko. "Ouchie ha!"

"Ewan ko sa'yo. Pagkatapos mo akong sinumbong sa Yaya ko nung bakasyon na


nakikipag-date ako, may gana ka pang kaibiganin ako?" Isa lang 'yon sa mga
kasalanang ginawa niya sa akin. Friend ko lang naman 'yong kasama ko one time sa
grocery nang makasalubong ko siya pero nagsumbong agad siya sa Yaya ko at pinahamak
pa ako.

Ganyan kami. Gantihan lang. Kaya nga hindi kami pwedeng magsama. Never kaming
nagkasundo since nursery.

"What's done is done," he said batting his lids.

"Kaya nga hindi tayo pwedeng maging magkaibigan! Para akong apoy at ikaw ang gas.
Kapag pinagsama tayo, sisilab tayo. Gano'n yon, okay?" Napapaypay ako sa sarili ko.
Umiinit na naman ang ulo ko. "Kaya hindi pwede. No way. Ba't ba kasi sa lahat ng
major ay nag-Management ka pa? Pwede namang Banking and Finance, Marketing,
Accounting, Operation Management. Ba't same course and major pa tayo?"

Natawa siya. "Nag-usap yata ang parents natin. Friends sila diba?"

"Tch."

Hindi ko nalang siya pinansin nun. Nilabas ko nalang ang manga ko na Gekan Shoujo
Nozaki-kun at saka nagbasa. Mas mabuti pang maging loner ako kaysa ang maging
kaibigan ang badaf na 'yan. Wala kasi akong tiwala sa kanya dahil number one
sumbungero siya. He's fond of putting me at stake. Dun siya masaya e.

"Chararat, may papabili ka ba? Pupunta ako ng cafeteria. Nauuhaw ako e."

Inilingan ko lang siya habang focus pa rin sa pagbabasa. Nasa midpart na ako nitong
manga kasi inumpisahan ko ito last Saturday. Nasabi ko naman ng otaku ako diba?
Nahilig kasi ako dito simula nung bigyan ako ng half-brother kong si Kuya Liam ng
manga from Japan since dun siya naka-based. So, ayun, since then, nahilig na ako.

Tahimik lang akong nagbabasa at medyo pangiti-ngiti pa dahil nasa part na ako na
nakakakilig na nang...

May bumagsak na kung ano sa binabasa ko. Napakurap tuloy ako at nung gumalaw ito...
"Kyaaaah!" Napatayo ako at naibato yung manga sa pagkagulat. Oh my ghad! May
bumagsak ba namang butiki eh!

Habol-habol ko tuloy yung hininga ko nun. Grabeng lakas ng kabog ng dibdib ko.
Nakatitig lang ako sa librong ibinato ko na nakasarado na marahil sa pagkakabato
ko.

Lalapitan ko sana nang bigla nalang may sumulpot na matangkad na lalaki. Kinuha
niya yung libro tapos binuklat niya. Pinapanuod ko lang siya habang ginagawa 'yon.
At grabe! Ang gwapo niya. Ang ganda ng hairstyle niya; red color and messy look
pero 'di naman gusgusin look. Makinis pa ang mukha niya at may aura na akala mo ay
may bumabagsak na blossom petals sa paligid niya. Para siyang anime character na
nabuhay!

OMG, Misty. Nasobrahan ka na yata sa pagbabasa ng manga.

Hinintay ko siyang iabot sa akin ang manga ko pero...

Hindi iyon nangyari dahil kinuha niya yung lizard mula sa manga at inilagay niya
iyon sa palad niya sabay bagsak sa sahig ng manga. Nanlaki tuloy ang mga mata ko.
Hindi dahil binagsak niya ang loving manga ko kundi naglakad siyang palayo habang
hinahaplos yung lizard.

Nakanganga tuloy ako habang sinusundan siya ng tingin. Para siyang si... OMG! Sino
nga ba?

"HOY!"

Napatalon ako sa gulat. "Ay, butiki!" Si badaf pala bumalik na. Inabutan niya ako
ng bottled juice at tinignan yung tinitignan ko. "Anyare, 'teh?"

Hindi ko siya pinansin. Nilapitan ko yung manga ko na nasa sahig at kinuha iyon.
"Badaf..." I said dreamily.

"Ano?"

Binuklat ko yung manga. Saktong napunta ako sa illustration ni Mikorin Mikoto, isa
sa mga characters nito. Kinilig tuloy ang split-ends ko nang makita iyon. "Badaf!
Ang gwapo niya!! Para siyang si Mikorin!"

"Sinong Mikorin? May papable?"

Tumakbo ako pabalik sa pwesto ni badaf sabay yugyog sa kanya. "Hindi mo kasi nakita
e! Sayang. Ang gwapo niya. Para siyang anime character na nabuhay."

"Tss. Akala ko naman kung sino. Baka cosplayer lang," sagot niya sabay ismid. "Wala
yan sa nakita ko dun sa cafeteria. OMG, Chararat. Nag-smile siya sa akin. Ano, pa-
gwapuhan nalang ng crush o! Laban ka?"

Hindi ko nalang siya pinansin. Lumilipad kasi ang isip ko. Ano kayang course niya?
Eh yung name niya? Yay, nakaka-turn on naman yung pag-aaruga niya sa lizard kanina.
Curious na curious ako sa pangalan niya. Should I call him by the...

Haha! Comment na sa update na ito. May pinaghuhugutan ako rito, I know. Ang sarap
sa feeling habang tinatype ito. Parang yung feels ko lang nung nagsisimula pa ako
sa AIWG Book 1. Hihi.

Official hashtag: #WarningBawalMaFall

Change imaginary characters na rin pala. Park Chorong as Misty and Suho of EXO as
France Zion plus Sungjae as Mikorin look a like lol
- Yhel

=================

2. Pula

2. Pula

... by the name Mikorin! Simula nung araw na nakita ko yung Lizard guy, ang tawag
ko na sa kanya ay Mikorin. Kamukha kasi talaga siya ni Mikorin. His redish hair,
pati na rin yung built ng katawan niya. Geez, siya na talaga ang effortless
cosplayer (yun ay kung cosplayer siya! Hihi.) Hindi ko alam ang pangalan niya kaya
let me call him Mikorin nalang. Code name ko para sa kanya.

"Hinahanap mo na naman yung Lizard guy mo," natatawang sabi sa akin ni Badaf.
Kakatapos lang ng klase namin sa SocScie kaya free na kaming gumala. 2:30 pa lang
kasi e. Ayoko pa man din umuwi.

"Hindi ko na nga siya nakita ulit eh."

"Baka natakot sa beauty mo, bakla! Chararat number one to the highest level of the
world ka kasi e," at ayan na naman ang infamous laugh niyang dinaig pa si Kris
Aquino.

Binatukan ko nga siya. "That's so ouchy ha!"

"Itong Czechoslovakla na 'to!! Sinisigurado kong magkikita pa kami, badaf. Siguro,


nasa ibang building lang siya. Iba lang ang course diba? Osya, sige. Mauna na ako
sayo, beki."

"Aba't itong Chararat na 'to! Bastusin 'yang bibig mo ah. Kailangan talagang
ipagduldulan sa fezlak ko na beki ako? Diba pwedeng girly nalang?"

"Ambitious frog ah."

Nauna na akong naglakad na kanya. Hinabol naman niya ako hanggang sa makalabas kami
ng building. Kabayo talaga 'tong badaf na 'to. "Saan ka pupunta? Uuwi ka na?"

"Hindi pa. Pupunta ako sa East," sagot ko. Yung East na tinutukoy ko ay yung East
Town Center na walking distance lang from East High University. Hindi naman yung
kalakihan, hindi rin naman maliit. Sakto lang. Ang talagang puntahan lang dun ay
yung grocery shop at ilang cafes lalo na yung foodcourt.

"Pasama! So boring naman sa bahay kaya ayoko muna umuwi agad."

Tumigil ako at hinarap siya habang nakahawak ako sa magkabilang strap ng backpack
ko. "Hindi dahil magkaramay tayo dito sa loob ng campus ay friends na tayo. Na-uh!"

Tumaas ang kilay niya. Hindi pa nakuntento, ngumuso pa. "Masakit sa feelings ah!
Ang harsh mo talagang chararat ka."

"Hmp!" Umirap ako. "Babye! Makikipagkita ako sa high school friends ko. Kaya kung
ayaw mo ma-bully, 'wag ka nang sumama."

Buti naman at hindi na nangulit si badaf na sumama kaya malaya akong nakapunta sa
East nang mag-isa. As expected, pulos taga-E.H.U lang ang laman ng East dahil dito
madalas kumain ang mga estudyante. Dumiretso ako agad sa maliit na arcade center sa
loob nang...

"Misty!!" May yumakap mula sa likod ko. Pagkaharap ko, inipit agad ako sa yakap ng
tatlong kaibigan ko. Let me say they're my flowery friends. Bakit? Oh well. You'll
see.

"Namiss kita, Misty!" Siya si Dahlia, mabait pero maton kung magalit. Parang ako,
pero matalino yan. Top 2 ng klase namin yan e.

"Namiss din kita," sabay ngiti ko.

Ginulo naman ng isa ang buhok ko saka ako bineso. "Misty, kamusta sa E.H.U? Masaya
ba?" Siya si Lily. Ang muse ng klase namin. Maganda pero tamad mag-aral. Ang alam
lang ay magpaganda.

"Hindi ayos. Nagsisisi nga ako na pumasok dun."

"Bakit naman? May nang-aaway ba sayo?" Siya si Daisy. Ang serious girl ng barkada.
Hindi marunong tumawa, serious nga ang peg e. Kaya nga naging Valedictorian.

"Wait lang ha. Maupo muna tayo."


Naghanap kami ng pwesto sa foodcourt. Katapat ng Siomai kiosk kaya Siomai nalang
ang binili naming food. Pag nagsama-sama kaming tatlo, super kuripot namin.
Nagkakahawaan e.

"Make kwento na, Misty!"

"Anong ikukuwento ko bukod sa loner ako sa E.H.U at wala akong choice but to be
friends with France?"

Sabay-sabay silang tatlo na napasinghap. Hindi na ako nagtaka. Para sa kanila, for
sure it's a shocking revelation.

"As in, Paris?!" Si Dahlia.

"Yep."

"As in, the one you always had a fight with nung high school?" Si Lily.

"Yeah.." Pa-cool na sagot ko. Yes, aside from that, laman kami palagi ng
Principal's office. Ganun kami ka-aso't-pusa. Ay, mali! Unggoy at kuto. Ako ang
unggoy, siya naman ang kuto. Lagi ko siyang tinitiris noon. Kutong lupa! Hmp!

Pero figure of speech lang yon. Hindi ako mukhang unggoy ha!

"Grabe, si France Zion Madrigal na muse wanna be?" Sa wakas, nagsalita rin si
Daisy.

Tumango-tango nalang ako. Sabi na e, magugulat sila. Kahit naman siguro sino na
nakakakilala sa amin, magugulat.

"How come?" sabay sabay na tanong nila.

"It just happened. Same course, same major, same block."

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Si Daisy pala, nag-aaral na sa U.P Diliman.
Si Dahlia, sa UST at si Lily naman ay sa La Salle. Nagkahiwa-hiwalay na talaga
kami. Nakakamiss sila.

"Naku, ang daming gwapo sa La Salle!" Kinikilig na hirit ni Lily. Natawa nalang
tuloy kami. Napunta kasi sa gwapo ang topic namin. "Sa E.H.U ba Misty, meron din
ba?"

"For sure, marami. Madami na akong nakita kahit nung highschool pa lang tayo e,"
komento ni Dahlia.

Automatiko tuloy akong napa-daydream. Naalala ko yung araw na sinagip ni Mikorin


yung lizard nung nasa hallway kami.

"Meron," I replied dreamily.

"Sabi sayo e!"

"Marami talaga dun."

Habang nagbibigay sila ng kuro-kuro tungkol sa topic namin, for some reason,
napatingin ako sa likod ni Dahlia. Nasa harap ko kasi siya nakapwesto. Then a red
haired guy caught my attention. Natigilan tuloy ako. Pinakatitigan ko siya mula sa
malayo. He was with his two of his classmates, maybe? Basta parehas silang naka-
uniform.

Napahampas tuloy ako sa mesa. "Mga bulaklak!" Yun ang tawag ko sa kanila dahil puro
flowery ang names nila. "Si Mikorin!"

"Ha? Sinong Mikorin?" Si Dahlia.

"Malamang, from one of the mangas she has read na naman," sabi naman ni Lily.

Mabilis akong umiling sabay tingin ulit sa direksyon ni Mikorin. Nandun siya
nakatayo sa may tapat ng shoe shop. Parang tumitingin-tingin siya dun.

"'Yung sinasabi kong gwapo, ayun oh!" Tinuro ko na gamit ang nguso ko. "Yung red
hair."

I can't contain what I'm feeling. After one week, nakita ko na naman siya. OMG.

"Tara, lapitan natin!" yaya ni Dahlia.

Nagpanic tuloy ako nang tumayo silang tatlo. Hala, tototohanan yata nila. "Uy,
'wag. Nakakahiya, mga walanghiya kayo! Baka mapansin tayo!"

"Hindi ah. Hindi naman niya kami kilala. Iba naman uniform namin," sagot ni Lily.
Kunsabagay, may point siya pero what about me???

"Eh ako?"

"Kilala ka ba niya?"
WAPAK! Sapul. Hindi nga naman niya ako kilala, pero bakit ba! Baka kilala niya na
rin ako dahil sa lizard last week. Ewan, siguro, maybe. Haayyy...

"Mikorin ba ang pangalan niya?"

"Hindi. Codename ko lang." Tanaw tanaw ko pa rin siya. Kasama niya yung mga kaklase
niyang tumitingin sa sapatos.

"Tara na! Kunwari patay malisya tayo."

Wala na akong nagawa nung sapilitan na akong hinila ni Lily. Paniguradong


pinamulahan ako ng mukha habang palapit kami. Ghaaaad, ang tangkad niya pala sa
malapitan. Para talaga siyang si Mikorin.

Pumwesto kami sa kabilang aisle. Nandun kasi yung pambabaeng sapatos.

"Pre, okay na ako dito," sabi nung isa. Mukhang nakapili na ng sapatos.

"'Ge," sagot naman nung isa pa.

Pasimple kong tinignan si Mikorin. I wanna hear his voice even for a bit. Kahit one
word lang pero...

"Nagtetext na yata ang girlflriend ni Pula e."

Nakita kong ngumiti lang si Mikorin. So, Pula siguro yung nickname niya dahil sa
kulay ng buhok niya. Pero ano raw??

"Let's go."

Nagyaya na yung isa niyang kasama na lumabas ng shop. Nakita ko pa siyang busy sa
phone niya habang naglalakad palayo. Ganun pa man, abot-abot ang ngiti ko na makita
siya ulit.

"Ang gwapo niya talaga," bulong ko.

I heard giggles from my back so I looked to them. Nakapili rin pala sila ng kanya-
kanyang sandals. "Gwapo nga, Misty," komento ni Dahlia.

"Pero busy sa phone." Si Daisy.


"Eh ano naman?" Nagtaas ako ng isang kilay.

Nagkatinginan silang tatlo sabay sabing; "Baka taken na..."

Taken or not, I don't care. Basta kamukha siya ni Mikorin and that's what makes him
cute, period! Pero in fairness, medyo nalungkot na ako nang malaman kong posibleng
may girlfriend na siya. So, what naman diba? Naku-cute-an lang naman ako sa kanya.
Other than that, wala na. No big deal.

"Nakita ko si Mikorin kahapon, badaf!" Nagpapakwento kasi siya sa akin kung anong
nangyari sa meet up ko with my high school friends. Kami pa lang kasing dalawa ang
nasa room. Napaaga yata kami.

"Ano, paparty na ba tayo?"

Umirap ako sa hangin at pumangalumbaba sa desk. "Not yet. Saka na kapag nalaman ko
na ang name ni Mikorin."

"Mikorin talaga? Tarush ng namesung, bhe!"

"Code name ko lang yon para sa kanya. Para kasi siyang si Mikorin," sabay buga.
Daydreaming ang peg ko habang nakatulala sa white board. "I need to know his name
in the name of love. Ang mysterious kasi, parang nakakachallenge.."

"Charoterang harotera 'to."

"Pero seryoso," sabi ko at bumaling sa kanya. Nagsusulat siya sa binder niya.


"Gusto ko talagang malaman ang pangalan niya."

Hindi niya ako sinagot. Busy siya sa pagsusulat ng kung ano. "Uy, ano ba 'yang
sinusulat mo?"

"Assignment sa CF! Palibhasa puro ka peg-ebeg."

Oh my! May assignment nga pala kami dun. Nakakatakot pa naman si Bro. Religious
subject pa naman. "Pakopya!"

Nakikopya nalang ako sa kanya ng assignment namin. Ghad, ang haba pa naman. Nasa
gitna ako ng pagsusulat nang may marinig akong boses mula sa pinto. At dahil
chismosa ako,tumingin ako and wait...

"Bye, Pula!" sabi nung babae kay Mikorin bago ito umalis. Oo, si Mikorin nga.
Sinundan ko tuloy ng tingin yung babae. Nagtama ang paningin namin pero imbes na
umiwas ako ng tingin, nagngitian nalang kami. Oohh, she seems nice. Mai-friend nga
siya.

Si Paris yung nasa pic. I'm stalking tweets about this story on twitter. Just use
the hashtag: #WarningBawalMaFall

=================

3. Party

3. Party

I tried my best to approach her, kaso failed kasi lagi naman siyang may kasama.
Actually, parang 'darling of the class' nga siya. Ang dami niyang friends,
nakakainggit tuloy. Naaalala ko tuloy ang sarili ko sa kanya. She always loves to
smile kaya siguro madaling maka-attract ng friends. Eh ako? Kahit anong ngiti ko,
mukhang ayaw naman nila sa akin.

"Her name's Eunice," sabi sa akin ni Badaf isang araw nang tanungin ko siya kung
anong pangalan ni girl na hinatid ni Mikorin one time sa room namin.

I knew about that already. Smart kid din kasi e. Lagi siyang tinatawag ng prof para
mag-recite or the other way around. Ang hyper niya tuwing recitation.

"Ahh..." Tinignan ko yung notebook ko. Bumalik tuloy yung kaba sa dibdib ko. May
quiz nga pala kami sa Math ngayon and I did not review. Anong irereview ko? Ni
miski sarili kong notes, hindi ko ma-decipher.
"Badaf, paano icoconvert sa percent ang--"

"Lee, answer this."

Oh no! Wala akong alam. Naibagsak ko tuloy yung notebook ko. Pinulot naman yun ni
Badaf saka niya ako sinenyasan na pumunta na sa board. So, pumunta naman ako at
kinuha yung marker na inaabot sa akin ni Sir.

In the end, hindi ko rin nasagutan kaya nag-give up ako. Isang malakas na 'tsk tsk
tsk' ang natanggap ko mula kay Sir.

"Chararat, madali lang naman i-convert ang percent to fraction." Pinakita niya sa
akin yung notebook niya at saka siya nagsulat ng numbers. Automatikong nagswirl
tuloy ang paningin ko. How I hate numbers! "I-divide mo 'to sa 100. Kapag hindi
whole number ang lumabas--"

"Enough. Ayoko na. Tumitibok ang utak ko."

Binatukan niya tuloy ako kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Chararat ka na nga, wala
pang laman 'yang utakers mo. Kawawa naman magiging dyowabels mo. Pa'no ka matututo
niyan? Tinuturuan na nga kita."

"Class dismiss," anunsyo ni Sir.

Padabog kong inayos ang mga gamit ko. Ayoko na talaga! Gusto kong magpakalayo-layo
to the place where Math doesn't exist! Pagkalabas ni Prof, nagsitayuan na ang mga
kaklase namin pero pinigilan sila ni Eunice.

"Saglit lang po, blockmates!" She said aloud but still turned out to sound so
sweet. Naupo ulit tuloy kami. "Hi, ako si Eunice. Blockmate niyo. Ako ang napiling
first year representative ng block natin."

Walang nag-react. I bet, gutom na ang lahat. Eh ako? Upset pa rin sa Math.

"We'll be having an acquaintance party tomo-"

"Woo!!"

"Yes!!"

"YEHEY!"

Okaaaay. Kanya-kanya silang cheer. Nakarinig lang ng party, akala mo naging zoo na
ang room namin. Napangiti tuloy ako. Ang cute nila e.
"Okay, settle down na po!" sabi ni Eunice na nakangiti pa rin and all of them went
silent. "So, ayun nga. We'll be having an acquaintance party tomorrow at 7pm. For
more deets, just check out the announcement on the bulletin board. Thank you!"

Nagsitayuan ulit ang mga kaklase namin pero ewan ko ba sa badaf na ito kung ba't
niya pinigilan ang lahat. "Excuse me! Ako rin, may announcement!" Tumakbo siya sa
harapan na pakendeng-kendeng pa kaya lahat ng mata ay nasa kanya. "May party din po
sa bahay tonight. I'd be glad if everyone will come." And then, he took a marker
and wrote something on the whiteboard. Yung address pala niya. "So, here's my
address. Welcome ang lahat. I, thank you! You're welcome in advance!"

Nagsilabasan na ang lahat at kami nalang ang naiwan ni Badaf. He seems so happy.
Ang sarap tuloy asarin, pero 'wag nalang. Upset nga pala ako sa Math.

"Gumorabels ka, Chararat ha?"

Palabas na kami sa room nun. Nagmamasid ako sa paligid, baka sakaling makita ko si
Mikorin. Hihi. "Anong meron at may party ka?"

"Basta. Waitsung, Haggardo Versoza na ako. CR lang ako ha? Magreretouch ang dyosa.
Babush." Sakto kasing napatapat kami sa restroom kaya tumango nalang ako sa kanya.

Pumasok din ako sa powder room at nagretouch ng mukha. Nag-aapply ako ng powder
nang biglang may lumabas dun sa isang cubicle. Si Eunice pala. She smiled at me and
stepped beside me.

She's so simple. Walang make-up at mukhang nag-lipbalm lang. Ang cute tuloy niyang
tignan. Naghugas siya ng kamay. Para nga akong shunga dahil nakatingin lang ako sa
kanya. "Misty..."

Ayun, nahulog yung hawak kong lipstick sa pagkabigla. Pinulot ko nga. "Hi, Eunice,"
sabi ko nalang.

"Mabait ka naman pala," sabi niya at hindi ko maintindihan kung ba't niya iyon
sinabi. Mukha ba akong salbahe?? "Punta ka sa party tomorrow ha?"

"Hmm, oo naman."

"Sige, una ako sayo," she said and left. Ang laki tuloy ng ngiti ko. OMG. She
noticed me! Okaaaaay, para akong sira pero nakakatuwa naman kasi! She's the first
ever who has noticed me aside from Badaf eversince I set foot dito sa E.H.U!

Kaya naman ang light ng mood ko nang lumabas ako ng CR. Sinalubong agad ako ni
Badaf. "Uy, Chararat. Ang Portugal mo naman sa loob! Dumaan yung crush ko. Hindi mo
tuloy na-sightsung!"
Hindi ko siya sinagot. I don't wanna spoil my mood.

"Anong meron? Ba't ka naka-smile?"

I shrugged, still not looking at him. "Basta. Sige na, badaf. Uuwi na ako ha?
Magrereview pa ako sa Math."

SA bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko. Binuklat ko kaagad ang Math notes ko at
nagsimula nang mag-aral.

"Oh, ba't nag-aaral yata ang prinsesa namin?" Si Yaya. Hindi na ako nagugulat sa
biglang pagpasok niya sa kwarto. As always naman e. Dinalhan niya ako ng miryenda;
cookies and orange juice.

"Thanks, 'Ya!" Balik na naman ang attention ko sa notes. "Medyo lagapak po ako sa
Math kanina. Kailangan makabawi." And I'm super motivated kasi feeling ko,
magkakaroon na ako ng friend. Meaning to say, hindi na ako magtitiis kay badaf.

"Mag-aral ka lang, Misty. Magugustuhan mo rin 'yang course mo 'pag nagtagal," she
replied warmly. Sa totoo lang, hindi ko pa nagugustuhan sa ngayon ang course ko.
It's been almost 2 weeks pero para sa akin, hindi challenging. Alam kong mahirap
ang Math but I'm talking about my other subjects. Wala pa kasi akong major subjects
for this sem.

"I will, 'Ya. Thank you po."

When Yaya left me alone in the room, I stared to get focus again on my notes but
eventually gave up nang humikab na ako. Haaayyy!

"Inaantok na ako," I mumbled and closed my eyes to sleep. Kumikirot ang utak ko.
Enebeyen. Nagmulat ulit ako at kinuha yung netbook ko. "Makapag-facebook na nga
lang."

So, I logged in to my facebook. The usual lang, puro pm from my highschool


classmates. Nakakamiss tuloy sila. Sana sila nalang ang classmates ko ngayong
College.

"Haayy!" Humikab ulit ako. Shiz, inaantok talaga ako. Pa-logout na sana ako para
matulog nang mapadpad yung mata ko sa today's birthday. So, I clicked on it and
gasped when...
"Birthday ni Badaf??" Oo, siya pa ang una sa list ng may birthday ngayon. Kaya
pala! Kaya pala may party sa kanila ngayon. How could I forget that? June 11 pala
ngayon.

Napapalo ako sa ulo ko. Shucks. Since when did I care about his birthday? Sigh.
Okay, sige. Ngayon lang. Tutal, friend ko siya for the meantime kahit yucky isipin.
So, I got up and got dressed.

"Pasalamat ka, nice ako," I mumbled to myself as I went out of my room. Nakita ko
si Daddy na palabas din ng room niya. By the way, once in a while lang siya umuwi
dito. Business matters, you know? Pero simula nang mawala yung business namin sa
Seoul, mas pinili nalang mag-stay sa Pinas ni Dad at asikasuhin yung shares niya sa
ibang company dito. Minsan naman, pumupunta siya sa States to check on my Kuya
Kurt. Nandun din kasi si Mommy. So much for that.

"Hello, baby. Aalis ka?" Lumapit siya sa akin at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
So, I clung to him. So clingy of me, I know. Daddy's girl ako.

"Yes, Dad. Ikaw po?"

"Hmm... May pupuntahan lang ako saglit," sabi niya. "What time are you going home?
Dapat by 7pm nandito ka na."

I gave him a salute before I smiled sweetly. "Aye, aye, Dad!"

Close ako sa Daddy Lucas ko kaysa sa Mommy Elizabeth ko. Ganun naman kami ni Kuya
Kurt e, mas close kami kay Dad. Si Mommy kasi, napaka-workaholic pero ganun pa man,
we still feel loved by her. Mas affectionate lang si Dad. Yun nga lang, nagtatampo
ako kay Mommy kasi pinilit niya akong mag-Management course. How I hate numbers nga
diba?

"Nandito na po tayo, Ma'am," anunsyo ni Butler Homer. So, I gave him a smile and
words of thanks before I climbed out of the car. And now, I'm here... at Madrigal's
Residence.

In fairness, mala-mall ang structure ng bahay nila. Pangatlong buzz ko pa lang sa


gate, pinagbuksan na agad ako ng maid.

"Si Badaf-- I mean, si Paris..." Natigilan ako. Ano ba talagang itatawag sa kanya?
"Si France po?"

Is it me or her eyes really sparkled in delight? Tumaas tuloy ang kilay ko. "Nasa
pool po, Ma'am. Salamat at dumating ka."

I find her reaction so weird. Para siyang nasisiyahan sa presence ko. Sinundan ko
siya hanggang sa mapunta kami sa pool area. And I was surprised to see no one in
the splashy party.

"Misty, glad you came," he said as he smiled to me, a sad one though.

=================

4. Reminiscing

4. Reminiscing

I felt sorry about Badaf. Okay, hindi ko muna siya tatawaging Badaf ngayon. Ang
mean ko naman para bwisitin siya eh na-ditch na nga siya ng lahat ng in-invite niya
sa party niya. So, here were are now, dipping our feet onto the pool. Nakatulala sa
tubig. Nakikilungkot din ako. Nakakahawa kasi ang mood niya. Very unusual.

"Dapat kasi, in-invite mo sila few days before your birthday," sabi ko sa kanya.
Nakakabingi naman kasi ang katahimikan eh.

"In-invite ko naman sila e. Diba nung first day of class?"

I looked to him in disbelief. Gusto sana siyang barahin pero 'wag nalang. I'm being
a nice girl nga pala ngayon. "Sa susunod, sabihan mo ako para matulungan kita. I
could have help you in making invitations."

Tinignan niya ako. Nakangiti siya pero ako, hindi ko ma-take ang kaplastikan niya.
"Ano ka ba, 'wag kang ma-sad. Okay lang naman ako e."

"Hindi ka ba nalulungkot? Ang bongga ng party mo. Ang dami mo pang handa tapos ako
lang ang bisita mo?"

Natawa siya. Ala-Kris Aquino na naman, yun nga lang, parang ang lanta ng version
niya ngayon. I can't blame him. "Gaga, edi ubusin natin!"

"Malungkot pa rin. Gusto mo bang tawagan ko ang mga high school classmates natin?"
Winasiwas niya ang kamay niya sa akin. Kainis na baklang 'to! Ang galawgaw kumilos.
"Don't. Okay na ako sayo. Pagtitiyagaan ko nalang 'yang chararat mong fezlak."

Napaawang ang bibig ko. Aba! Sarap niyang ilunod sa pool pero... okay, kalma,
Misty. Baka may mapatay kang celebrant ngayon. Teen fiction ang story mo, at hindi
suspense. "Fine, fine. So, what do you want to do?"

"Tara, kain muna tayo!"

Nilantakan namin ang handa niya. Kainis na blockmates namin! Sinayang nila ang
handang Italian cuisine ni Paris. Umuulan ng Pasta, at iba't-ibang sauce. May mga
french bread at yung kinababaliwan kong chocolate fountain.

"Buti nalang hindi sila nagpunta. Atin lang 'to ah," biro ko sa kanya habang dini-
dip namin yung mallows sa chocolate fountain. Nakakaadik ang tamis.

"Belgian chocolate 'yan," sabi niya sabay ngiti. "Galing pang Belgium."

Sinapak ko siya. Ayan na naman 'yang 'ouchie' n'ya. "Malamang galing Belgium diba?
Alangan galing Japan?"

Ngumiti lang siya sa akin kaya nawirduhan ako. Usually, mag-to-talk back na 'yan.
Raratratan niya na agad ako ng pangbara, pero now's different. Siguro nga kasi,
malungkot siya. "Misty, naalala mo ba nung mga bata pa tayo?"

"Alin?"

"Yung nag-away tayo."

Napahalakhak ako. Muntikan pa nga akong masamid kasi naman napaka-funny ng sinabi
niya. "Wala namang araw na hindi tayo nag-aaway."

"Yung unang beses na inaway mo ako," sabi niya at pinaningkitan ko siya ng mga
mata. "Yung binali mo ang Crayola ko na color pink!"

Kafal ng fez. Hindi naman ako war-freak na bata noon. Hindi naman ako lalaban kung
hindi ako inaapi. "Ikaw ang naunang mang-away."

"Naalala mo nga ba?"


Umiling ako. The defeat's mine. Makakalimutin ako eh. "Hindi."

"Pinutol mo ang color pink kong Crayola. Inakala mo kasing ninakaw ko yun, eh hindi
naman."

Sumawsaw ulit ako ng pretzel sa chocolate fountain. Pinilit kong alalahanin ang
kindergarten years namin pero... wala talaga akong maalala eh. "Hindi ko na talaga
maalala."

"Yun yung unang beses na inasar mo akong bakla," sagot niya at napasinghap nalang
ako.

"Oh, hindi ba?"

He chuckled loudly. "Hindi pa ako bading nun. Sira-ulo ka kasi! Inaasar mo akong
bakla, narinig tuloy ng iba. Ayan, nakiasar din tuloy sila."

"Soooo?" Ngumuso pa ako. What is he trying to say?

Ngumisi siya sabay iling. Nag-flip hair pa ang bruha. "Nang dahil sayo, nahipan
tuloy ako ng masamang hangin at naging bading na rin. Kalurkey, ito pala ang real
me."

"Kaya pala lagi mong kinukuha ang hair clips ko noon!"

Inirapan niya ako in a flirt way. Ibuhos ko kaya sa kanya 'tong chocolate fountain?
Kainis. "Hindi naman bagay sayo. Mas bagay naman sa hairlalu ko. Mukha ka kaya nung
bunot dahil sa bangs mo!"

Sa asar ko ay isinawsaw ko yung daliri ko sa chocolate fountain saka ko ipinunas sa


mukha niya. Mouhahaha! The victory is mine!

"Chararat ka talaga!"

Nakisawsaw din tuloy siya tapos ipinunas niya sa ilong ko sabay takbo niya habang
tumatawa pa. Langya 'tong baklang 'to! "Hindi porque birthday mo, hindi kita
papatulan ah!" sigaw ko at isinawsaw ang dalawang palad ko sa chcolate at alam na!

"KYAAAAHH!! CHARARAT! Yucky, ano ba!!"

Hinabol ko siya. Maliit lang ako pero mabilis akong tumakbo kaya nahabol ko siya.
Eh hinhin ba naman niya tumakbo e. "Etong sayo!" sabay pahid sa mukha niya.

"Imbyerns ka!" sabay hila sa akin malapit sa pool then, boom! Tinulak ako.
"FRANCE ZION!!!"

Pumameywang siya. "Sabi ng PARIS eh! Bleh!"

"France, happy birthday!" May bumati mula kung saan. Lumingon kami sa boses at
nagkagulatan kami nang makita ang Daddy ko.

"Daddy!" I climbed off the pool and ran into him. Kaso lumayo siya sa akin kaya
natigilan ako.

He laughed. "You're dripping wet, baby. Mamaya nalang," sabi niya then looked to
Badaf. "Kay France nalang." Then he went near him and gave him a hug. Aba't may
gift pa. So, dito pala ang punta ni Dad. Sana nakisabay nalang ako.

"Thanks, Tito!"

"Mukhang nagkakasiyahan kayo dito ah," sabi ng isa pang boses. Daddy pala ni Badaf,
si Tito Anton.

"Hi, Tito," I greeted enthusiastically. "I heard you're married. OMG! Where's your
wife po? Is she pretty? I wanna see her. Can I? Naeexcite ako."

"Slow down, Misty. Nasa out of town ang asawa ko e," he said and gave me light peck
on the cheek. "Hindi ka pa rin nagbabago. Madaldal ka pa rin."

"Anton, may nagbago," Dad smiled meaningfully.

"Ano 'yon?"

"Mukhang nagkakasundo na sila."

Both our parents are close with each other. All my life, lagi kaming nagkakaroon ng
family gathering kasama sila. Close nga e. Yun nga lang, please exclude Badaf and I
sa friendship. Alam mo na, hindi uso sa amin yun.

"Oh, ito nalang ang isuot mo." Hinagisan ako ni Badaf ng pares ng damit. Mukhang
kasya naman sa akin. Cute nga eh. Pink sweater and sky blue skirt. Hihi.

"Kanino 'to?"
He shrugged and pointed something on my back or rather someone. Kasi naman may girl
na nakatayo sa likod pala namin. "Oh, hi po!" bati ko.

Nasa third floor na kami ng bahay nila. Magpapalit na kasi kami ng damit kasi medyo
malamig na. We can't stay wet for long outside. We might catch a cold.

"Hello, kasya kaya 'yan sayo?"

I smiled to her. She looks so beautiful. I wonder who she is. "Kasya naman po
siguro."

"Misty, si Ate Chelsea nga pala. Step-sis ko. Ate Chels, si Misty, wala lang yan sa
life ko."

Inirapan ko lang si Badaf. Pasalamat siya nakaka-good vibes ang mukha ng step sis
niya kundi... naku!

"Nice to meet you po," sabi ko and she just smiled at me.

Nagshower ako sa kwarto ni Ate Chelsea. Dun na rin ako nagpalit ng damit. Paglabas
ko, naabutan akong inaabangan ni Badaf sa labas ng kwarto.

"Portugal mo. Tara na!"

So, bumaba kami sa first floor. Sinundan ko siya hanggang patio. Nandun kasi ang
mga Dad namin plus, yung kuya ni Badaf na si Kuya Wayne. Siya yung sinasabi ko sa
inyong nice bro niya noon. Kabaligtaran niya. Kasundo ko nga siya e, unlike kay
Badaf.

We caught them drinking and eating. So, nakipwesto na rin kami at kumain. Nilipat
kasi dun yung food.

"Parang kailan lang, ang babata pa ng mga anak natin." Here goes my melodramatic
Daddy. Napangiwi tuloy kami ni Badaf.

"Oo nga. College na rin."

"Dami mo nang College," sabi ni Dad and tito Anton just laughed.

"Etong si Wayne, dapat graduate na. Medyo lagapak lang sa Law kaya umulit."

Wayne pouted. Oh so cutie. Ang Kuya ko, never mapapaganyan. Well, siguro kay Ate
Gail pero... Hayy. Never mind. "Dad, maaayos ko rin 'to."
"You better be."

"Kamusta ang kurso niyo?" Si Daddy. He was looking at the both of us; ako at si
Badaf.

"Easy pa rin, Tito. Wala pang major e," he replied with that flirt tone of his.
Ugh.

Dad tapped his shoulders before he messed his hair. "Sana hindi na kayo mag-away ng
anak ko, France. Mas maganda kung nagkakasundo kayo lalo na't magkababata kayo."

I was glowering the whole time while we're on our way home. Si Daddy kasi, medyo
madaldal yan kapag nalasing. Kaya eto, super daldal niya ngayon. Buti nalang may
driver kami na naghatid sa amin kundi, baka emergency ang mapupuntahan namin nito.

"Misty, you should always be nice to France, you know."

Bumuga ako sa hangin sabay kagat sa hotdog in tick na inuwi ko. Si Daddy naman
kasi, paulit-ulit! Kanina niya pa sinasabi yan.

"Yes, Dad."

"Don't fight him."

"Yes, Dad."

"Misty, you should always be nice to France."

See? Ang kulit. Ang unli niya. Nasa backseat kami. Ang hassle lang kasi traffic.
Friday night kasi eh. "Paulit-ulit ka na po, Dad."

"Ang akin lang, magkababata kayo."

I rolled my eyes amidst the darkness. Nakapatay kasi ang ilaw sa backseat. "Yes,
Dad."

"Let's make a deal."

I glared at him. Medyo namumungay na ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "Deal?
There's no way I'm gonna deal with a drunk man, Dad. Bukas nalang po."

Papungas pungas niyang nilabas ang phone niya. May pinindot siya dun bago niya
ipinakita sa akin. Wow, sound recorder? "Let me record our talk so that I could
remember tomorrow when I'm sober."

"Really, Dad?"

He chuckled heartily before he spoke. "Let's start it out, Misty."

"Hmm..." Napilitan nalang ako.

"Nagkausap kami ng Tito Anton mo."

"Okaaay? Then?"

He breathed out. Lasing na nga talaga. He can hardly speak. Isang pitik nalang, for
sure, knock out na si Dad. "I'll grant you three wishes if you help France to
become a man. And if I say 'man'... help him to be a straight guy."

I would say my protest sana kaso... knock out na siya. He dropped the phone on the
car's floor and so I took it and saved the recorded sound.

Seriously? Yun ang deal?

"Tss... Chicken," I mumbled under my breath with a sheepish grin. Sakto pang
nagvibrate ang phone ko, receiving a text from the prospect.

From: Badaf

Thanks for coming, Chararat! I owe you one. :)


=================

5. Red and Blonde

5. Red and Blonde

"But you said it, Dad! Wala nang bawian. Three wishes ha?"

Kanina ko pa kinukulit si Dad over breakfast. Mukhang nakalimutan niya yung sinabi
niyang deal sa akin kagabi kaya I had to make kulit para maalala niya. Buti nalang,
may recorded voice kami kagabi. Nakatulong din yun para maniwala si Dad.

"Diba pwedeng dalawa nalang, baby?"

I giggled like a little girl as I clung to his arm. Napahinto tuloy siya sa pagsubo
ng pagkain. "Dad, three po yun! Basta pag nagawa ko, tutuparin mo yung hiling ko
ha?"

"Baka naman kung anong hilingin mo." Inalis niya yung kamay ko sa braso niya kaya
mabilis ko naman binalik.

"Hindi naman po imposible. Like a car, condo--"

I was stopped on my words when he choked out. Kaya ayun, natataranta ko siyang
inabutan ng juice. "Dad naman, slow down kasi sa food. Ang takaw-takaw mo. Magka-
highblood ka nyan, sige ka."

He placed his spoon and fork on the plate before he looked to me. Kaya ayun, nagpa-
cute ako by smiling and batting my lids. "Misty, hindi kaya mamulubi tayo sa wish
mo?" Uminom ulit siya. "Okay, three wishes. Two minor and one major wish."

No way! Mahirap kayang gawing straight si Badaf! So, I protested. "But-"

"No buts," he said firmly. Okay, shuttap na pretty Misty. Seryoso na si Daddy dear.
"Okay na yun. Sumasakit na ang ulo ng parents ni France sa kanya. They would be
glad if you'll help them."

I pouted my lips as I thought of ways how to tame the bading. Paano nga ba? Mag-
research kaya ako?

"Misty...?"
I exhaled heavily before I gave him a nod. "I will, Dad."

On my way to E.H.U, naisipan kong mag-browse sa internet. Random things lang. De


joke, syempre I'm doing some research about how gays can turn into straight guys or
is that even possible?

Napasimangot naman ako nang wala naman akong makitang ganung article sa internet.
Well, merong isa kaso disagree siya. Sabi ba naman n'ya, "Only you can know about
your own identity." So, ibig sabihin, walang say ang ibang tao.

"Ugh. Ang hirap pala!"

"Misty, ayos ka lang ba dyan?"

Napa-pout ako kay Butler Homer. Nagda-drive siya pero sumusulyap sulyap pa rin sa
akin. "Wala po, Butler. Nababaliw lang po ako dito."

At nafufrustrate. Bumalik ulit ako sa pagbabrowse hanggang sa makarating na ako sa


E.H.U. I came in 30 minutes before the class kaya dun muna ako tumambay sa hallway.
Kaso nakakainis, wala pa rin talaga akong makita!

"Chararat, aga mo ah!" Nagulat ako sa boses na narinig ko sa harapan ko. Oh my gee,
si Badaf pala. Ang weird ko lang kasi itinago ko kaagad ang phone ko sa bulsa ko.
"Anong ginagawa mo?"

"W-wala!" Tumayo ako at kinuha na ang bag ko. Nakataas lang ang kilay niya sa akin.
"What's with the look, Badaf?"

"Witchikels," sabay iling niya with matching galaw pa ng kamay niya. Okay, ako na
po ang magtatranslate ha? That only meant 'wala'. Sorry po, alien siya e.

Tinignan ko lang siya nun habang nakahawak ako sa magkabilang strap ng backpack ko.
Napatingin ako sa buhok niya for some reason at ewan ko ba pero may naisip ang wise
kong utak.

"Badaf."

Let me test him. May nabasa kasi ako kanina. Wala man akong nakitang article kung
paano iko-convert ang gay into a straight guy pero may nabasa akong signs na may
posibilidad bang maging straight ang isang bading.
"Oh?"

Naglakad na kami papasok sa building namin. Hindi maalis ang ngiti ko habang
nakatingin sa kanya. "Badaf, ang gwapo mo pala?"

Huminto siya sa paglalakad tapos kunot noo niya akong tinignan. "Seriously?"

"Oo nga, ang gwapo mo."

Napaatras ako ng hakbang nang mag-act siya na parang nangingisay like epilepsis
yata na ewan ko. Basta nangingisay siya. "Yucky naman, Chararat! Ano na naman bang
kaechosan yang lumalabas dyan sa bungangers mo?"

Natawa tuloy ako. Ang arte nito! Akala mo naallergic. "Gwapo ka nga!"

Inirapan niya lang ako sabay flip ng imaginary long hair niya. "Dyan ka na nga!" he
said and left. Napailing nalang tuloy ako. Hindi dahil sa pag-walk out niya
kundi...

"At least, nag-blush siya," bulong ko sa sarili.

***

Wala raw ang prof namin sa P.E. Buti nalang wala kaya hindi na ako nag-effort na
magpalit ng P.E uniform but instead, niyaya ko nalang dito sa library si Badaf.
Hindi talaga ako maka-get over sa blush niya kanina. Mouhahaha! Ang sarap niyang
asarin pero pinigilan ko lang ang sarili ko kasi baka maudlot yung mission ko.
Mahirap na, sayang yung three wishes ko.

"Buti nalang wala si Sir 'no?" sabi ko sa kanya. Nagbabasa siya ng libro.
Nakakatamad nga e, Accounting book pa yung napili niya.

Hindi niya ako pinansin. "Uy, Badaf."

"Oh?" Binaba niya yung libro nang bahagya sabay taas ng kilay sa akin. "Ano?"
"Ba't wala si Sir P.E?"

"Busy daw sa preparation for acquaintance party mamayang gabi." And I gasped. Oo
nga pala, may party!

"Pupunta ka?"

Tumayo siya kaya tumayo na rin ako. Sinundan ko siya dun sa shelves. Nakaantok
naman ang silence dito. "Ikaw, gogora ka?"

"Ikaw ba?"

"Ba't ako ang tinatanong mo? Wiz ako pupunta kung wiz ka pupunta. Ayoko namang
maging dekorasyon dun. Like duh?"

Pinag-ikutan ko siya ng mata. Point taken! Wala nga pala kaming friends pero...
"Acquaintance party yun. Magkakakilanlan tayo dun. Baka magkafriends tayo."

Pumasok kami sa HRM shelf. Kumuha siya ng isang book. Kumuha na rin ako kasi puro
cook book. Kakatuwa yung pictures. "Edi gora na tayo."

"Alright," nakangiting sabi ko. Binalik niya yung book tapos naglakad ulit.
Sinundan ko naman siya. In fairness, maganda naman ang katawan nitong so Badaf.
Papasa na bilang straight guy pero 'wag mo lang paglalakarin kasi pakendeng-kendeng
talaga siya kung lumakad.

Nakafocus ako sa likod niya nang bigla siyang tumigil. Ayun, nauntog tuloy ako sa
likod niya. "Ano ba yan, Ba-"

Humarap siya sa akin kaya natigilan ako. "Ssshhh..." Okay, shuttap na. "Imbyerna,"
bulong niya sa akin at bahagya pa akong itinulak. "Tara na nga."

"Bakit?" Weird e. May nakita siguro 'to.

"Si Crush," bulong niya.

"Bakit?"

"May jowabelles." Napanganga ako sa sinabi niya. At dahil nga chismosa ako, tinabig
ko siya at sumilip dun sa shelf and I was like... whoa. Umatras ako. Hala, tama ba
ang nakita ko? Isang lalaking pula ang buhok at babaeng may blonde highlights na an
inch apart from each other's face? Nahiya pa. Aba't nagtakip pa nglibro eh kitang
kita naman at rinig na rinig ang hagikhikan!
Nag-init ang buong mukha ko. "Yun yung crush mo?"

"Oo. OMG, Chararat. Cheapipay sila. Dun pa nagchuchukchakan." Sabi niya. Aatakihin
yata ako sa puso. Sumilip ulit ako dun pero wala na sila. Shemay! Pula ang buhok!!!

Niyugyog ko ang braso niya hysterically. Lumingon-lingon pa ako sa paligid


nagbabakasaling makita ulit siya. "Ghaaad, yun si Mikorin! Pula ang buhok."

Pinanlakihan niya ako ng mata. Pagkalingon ko, dumaan si Mikorin sa likod ko kaya
nanahimik tuloy ako. "Oo, I wanna dye my hair red. Pwede ba?" Pag-iiba ko ng topic.
Baka kasi mabuking eh!

"'Wag red. Ash blonde nalang," sabi ni Badaf sabay hila sa akin. Yung puso ko,
nagwawala sa kaba. "Gagabels ka," bulong niya sa akin nang makalabas na kami sa
library. "Hihimatayin ang beauty ko sayo. Yung bunganga mo kasi!"

"Nahalata ba tayo na siya ang pinag-uusapan natin?"

Hinila niya ang buhok ko kaya napa-'aw' ako. "Ewan pero buti nalang dinivert mo ang
topic. Mukha namang lumusot," sabi niya at ngumuso para magpa-cute. "Chararat,
parehas tayo ng crush?"

Nagsimula na kaming maglakad palayo dun. Medyo lumingon lingon kami kasi baka nasa
paligid lang pala sila. Ewan ko, medyo awkward.

"Oo siya nga si Mikorin."

Bumuga siya. "Gwapo 'no?"

"Hmm..." Sabay sapok sa kanya. "Asar ka. Nakikihati ka sa crush ko." Sa lahat ba
naman ng lalaki sa E.H.U, si Mikorin pa ang natipuhan?

Natawa nalang siya sa akin. "Walang pakielaman ng crush. Gibsung ka lang." Okaaay,
what is gibsung? "Ano kayang namelalu niya?"

"Ewan nga e." Naupo kami sa bench. Natulala nalang sa mga dumadaan. Ang gwapo
talaga ni Mikorin. Nakakainis lang kasi wala akong alam tungkol sa kanya. "Alam mo
ba, badaf?"

"Wala akong alam sa kanya. Pero sa tingin ko, Pol Scie ang course niya."

I gaped at him with my eyes sparkling with delight. OMG! Talaga? "Sure ka?"
"Unang kita ko sa kanya dun sa cafeteria, nakasuot siya ng Pol Scie org shirt. Edi
PolScie na nga! Bonggabels!"

Nagkatinginan nalang kami nun ni Badaf. Sa tinginang iyon, alam na! Alam na kung
saang building namin siya makikita. Hihi.

THE night came so quickly. Acquaintance party na. Nagpahintay ako kay Badaf dun sa
entrance ng gym dahil dun yung venue ng party.

"Portugal ah," sabi niya. As always, bukambibig niya yan. Nakasuot siya ng black
short pants na pinartneran ng pink na polo shirt tapos ewanko ba pero may scarf na
nakapulupot sa leeg niya. Okay na sana eh!

So, ako naman, nag-pants at printed shirt lang ako na purple. Saglit lang naman ako
dito. Uuwi din. Basta magpapakita lang ako then fly away na.

"Taralets!"

Papasok na sana kami sa entrance nang biglang may mabilis na impact ang tumama sa
likod namin. As in, muntik na kaming masubsob sa sahig.

"Aray ha!"

"OMG, sorry!" sabi nung boses. Paglingon namin, nakita namin ang isang pamilyar na
babaeng nakapulupot sa bewang ng lalaki na palabas. Papunta sila dun sa may likod
ng gym.

Kumunot ang noo ko pati na rin ang kay Badaf. Hindi kami pwedeng magkamali. Blonde
highlights?

"Yun ba yung dyowa ni Mikorin?"

Yeah right. Napanganga tuloy ako. Wow. Just wow. Kaninang umaga, si Mikorin tapos
ngayong gabi naman... iba?
"Badaf..."

"I know what you're thinking, chararat."

Nagkatinginan kami sabay sabing; "Alam na!"

Cheater si ateng!

=================

6. Red Hair No More

6. Red Hair No More

"Sure ka bang dito ang building niya?"

"Oo, Pol Scie nga dibey? Itech na 'yon. Na-sa-sightsung ba mo 'yang suot na org
shirt ng mga pumapasok dyan? Ganyan yung suot ni Mikorin when I first saw him."

Siguro naman alam niyo na kung nasaan ang puwesto namin ngayon. Oh, yes. Nandito
lang naman kami sa labas ng building ng Political Science at nakaupo dun sa sahig
ng stairs. Kunsabagay, pamilyar nga yung suot nilang org shirts. Actually, hindi ko
na rin maalala yung suot ni Mikorin nung una ko siyang makita. Eh kasi naman, napa-
focus ako sa mukha niya.

Palinga-linga lang kami nun sa paligid nagbabakasakaling dadaan siya. I know,


stalker-ish move ito pero kasi naman... ang tagal na namin siyang hindi nakikita.
It's been almost two weeks na rin yung last time na nakita namin siya at dun pa yun
sa library kasama ang cheater niyang girlfriend.
"Wala naman yata. Mag-iisang oras na tayo dito e," sabi ko sa kanya at akmang
tatayo na nang hilain niya ang kamay ko kaya naman napauo ulit tuloy ako. "Ano ba,
Badaf! Tara na nga. Wala naman tayong mapapala dito."

"Anong waley? 'Yan na nga siya oh."

Whoop! I shot him the 'are you serious?' look at tumango naman siya agad. So, ayun,
nilingon ko naman yung tinitignan niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si
Mikorin not being a Mikorin anymore! Kasama niya ang girlfriend niya na nakasuot ng
org shirt pero si Mikorin naman ay naka-regular uniform.

"B...Ba't black na ang buhok niya?" My voice was full of regrets. Para ako yung
nanghinayang sa kaastigan ng red hair niya.

"Malay mo, malay ko, malay nating lahat?" Huminto si Badaf kaya tinignan ko siya.
"Malaysia?"

Sinapak ko nga ang braso. "Seryoso nga. Sayang yung hair niya! Hindi na siya
kamukha ni Mikorin," naka-pout kong sabi. Tinignan ko ulit ang direksyon ni
Mikorin. Palabas na siya ng building nun at dala-dala pa yung gamit ng girlfriend
niyang may blonde highlights. Daldal ng daldal yung girlfriend niya, samantalang
siya dire-diretso lang ang lakad.

"Tara na, Chararat. Nakasilay na tayo. Punta na tayo sa class natin?"

Nakanguso lang ako habang papunta kami sa next class namin which is Soc Scie. I
swear, nanghihinayang talaga ako sa buhok niya. He doesn't look like Mikorin
anymore.

"He's not Mikorin anymore," sabi ko nang makaupo na ako sa desk. Nagpangalumbaba pa
ako habang inaalala ang itsura niya kanina. He is still handsome naman pero... the
red hair though!

"Emote pa. Gwapo pa rin naman siya."

May mga ilang pumapasok na sa classroom namin nun pero hindi ko sila pinansin kasi
pre-occupied ako. "Kaya pala hindi na natin siya nakikita lately 'no? Black hair na
kasi siya," mukmok ko pa.

"Super keri pa rin naman. Byola pa rin," he said and I just shrugged it off kasi
naman 'di ko ma-gets yung pinagsasasabi niya. Minsan talaga mas malalim pa sa balon
yung pinagkukuhanan niya ng gay lingos niya. Hindi ko ma-take eh.
"Basta. Hindi na siya si Mikorin." Nilabas ko yung manga ko na Gekkan Shoujo
Nozaki-kun at binuklat sa page kung saan naka-focus ang mukha ni Mikorin. "Oh diba,
Badaf, hindi niya na kamukha?"

"'Wag ka ngang Bitter Ocampo dyan." Sabay agaw sa akin ng manga at saka niya iyon
tinitigan. "Eh hindi naman talaga niya kamukha si Mikorin e. Eto, drawing... Siya
naman, tunay. Pak na pak pa rin kahit hindi na red ang buhok niya!"

"E paano yan? Hindi na Mikorin ang code name natin sa kanya?" This is so saddening.

"We need to know his namesung."

Isinubsob ko ang mukha ko sa desk. Medyo marami-rami na rin ang mga pumapasok nun
kasi umiingay na ang paligid. "Mahirap na natin siyang makita sa gitna ng crowd.
Hindi na red ang buhok niya. Siya lang naman ang red haired guy dito sa E.H.U eh."

"Excuse me?"

Napatingin ako sa kaliwa ko. Gosh! Si Eunice pala itong katabi ko. Naningkit tuloy
ang mga mata namin ni Badaf. Narinig niya ba ang kwentuhan namin?

"May nabanggit kayong red haired guy, diba?" Ang hinhin naman ng boses niya. Ayun
tuloy at napatango kami. Ngumiti siya at napatakip sa bibig sabay hagikhik.

"Bakit, Eunice?" tanong ni Badaf sa kanya.

I was like... wait, is she really talking to us? One month na kami sa E.H.U pero
wala pang nakikipag-usap sa amin ng ganito. "W-wala," natawa na naman siya. "Sorry.
Hindi ko naman sinasadya na marinig yung usapan niyo pero... red haired guy? I
think kilala ko yung tinutukoy niyo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nag-init pa ang buong mukha ko sa
kahihiyan. Hanggang saan ba ang narinig niya? Kung hindi pa ako sinipa ni Badaf sa
paa, baka nakatulala nalang ako kay Eunice.

"Crush mo?"

"H-hindi 'no!" tanggi ko. Kaso eto namang si Badaf, tumatango-tango habang nakaturo
sa akin. "Ano ba!"

"Crush namin, actually." At umirap pa. Sinamaan ko nga ng tingin. Hay nako,
sumasakit ang sentido ko sa kanya. Nakakahiya! Laglagan pala ah! "So, what's his
name, Eunice?"

"Siya si Tyrone. Tyrone Saavedra..." Nakangiti pa siya habang binabanggit ang


pangalan ni... Tyrone? Shucks. Pati pangalan, pang-gwapo!

Natawa nalang tuloy ako ng humagikhik na si Badaf sa tabi ko. Mas grabe siya kung
kiligin. Kung hindi ko pa siniko, hindi pa titigil. The way he looked at me parang
nagsasabing 'Alam na! Search na later sa Facebook!'.

"Tyrone? Wow," I replied with a bright smile.

"Yes. Freshman din."

"Kaano-ano mo siya?" I asked hesitantly.

Aba, malay ko ba kung girlfriend niya rin itong si Eunice. Kung yung girlfriend nga
niya humaharot sa iba, siya pa kaya? I won't be surprised about that. Knowing cute
guys?

She just laughed indiscreetly at my question. Pinagtinginan tuloy kami ng mga


kaklase namin. "Sorry, natatawa ako sa tingin ni Paris. Para akong kakainin e!"

Inirapan ko si Badaf sa kanan ko. Asar e! "Don't mind him-"

"Her. Mali ka ng pronoun," sabat niya saka niya ako sinenyasan na parang sinasabing
'sige, ituloy mo lang.' Panira talaga 'to.

Tumingin ulit kami sa kanya. "High school classmate ko siya. Medyo close friend ko
na rin."

Napatango nalang kami ng sabay ni Badaf. Ngiting tagumpay! So, he's Tyrone
Saavedra. Nakakatuwa naman! Alam ko na ang pangalan niya.

"Pol Scie ang course niya 'no?" Badaf asked and Eunice just quickly shook her head.
Natigilan tuloy kami. "So, ano?"

"Engineering ang course niya. Yung girlfriend niya yung Pol Scie," she answered
right away. Nagkatinginan tuloy kami ni Badaf, the knowing looks. "Higher year na
yung girlfriend niyang si Reishel. Third year na yata?"

"Eh bakit nakita kong nakasuot ng Pol Scie shirt si Mikorin- este si Tyrone?" I
wanted to facepalm. Napaghahalataan na kami masyado na stalker kami!

"Ah, yun ba? Kadalasan, si Tyrone ang may suot ng org shirt ni Reishel. Medyo
malaki kasi sa kanya. Pero hindi talaga siya PolScie. Engineering student siya,"
she answered truthfully and smiled. "And about his hair? Bawal kasi ang may kulay
ang buhok sa NSTP diba? Ayun, napilitan siyang magpa-black ng hair."
***

TYRONE SAAVEDRA.

Napapangiti nalang tuloy ako. Parang isang milestone sa buhay ko ang malaman ang
pangalan niya. Joke! Pero seryoso, nakakatuwa lang. After a month, nalaman din
namin ang name niya kaso too much info lang dahil pati pangalan at course ng
girlfriend niya ay nalaman din namin. Irrelevant naman. LOL.

So, what do you expect from me? Syempre, pag-uwi ko, diretso ako sa harap ng
netbook ko at nag-login agad sa Facebook. A few seconds later, may nag-pop agad sa
chat box ko.

France Zion Madrigal: I found him na, Chararat!!!

"Ang bilis ah!" Natawa nalang tuloy ako. Enjoy din palang maging kahati sa crush
itong Badaf na ito. Nag-dadoubt na nga ako e. Nahihirapan kasi akong gawin siyang
straight.

Me: Weh? Pa-link, please! *u*

Nakita ko nalang na 'France is now typing...' kaso hindi naman message yung reply
niya kundi...
France Zion Madrigal: Selfie niya oh!

Aba't nakapuslit agad ng picture ni Mikorin este ni Tyrone. Enebeyen. Nasanay tuloy
ako sa Mikorin. Pinakatitigan ko yung photo na sinend ni Badaf. Ghaaad. Para siyang
model! Hindi na siya kamukha ni Mikorin kundi si Haru na ng Tonari no kaibutsu-kun.
I can't believe na first year college lang siya base sa katawan niya, though...
Ganyan din naman si Kuya Kurt dati pero... Ah basta! I can't explain.

Me: Cutie! In-add mo?

Wala pang minuto nang magreply siya.

France Zion Madrigal: Sabay natin i-add?

Me: Sige!

Nagpunta muna ako sa facebook profile ni Tyrone at ini-scan ang wall niya kaso
naka-private account naman siya. Yung DP niya which is yung sinend sa akin ni Badaf
kanina pati na rin yung cover photo lang niya ang nakita ko. So, clinick ko na agad
yung 'add as friend' button. I'll see more of him naman kapag in-approve niya ang
friend request ko. Hihi.
-

Medyo truth to life na po ito. LOL. Siguro naman may ilan din sa inyo ang gumawa
nito? Hahaha! Pahinging comments, guys? Thank you.

Oo nga pala. Hi, Reishel! Diba sabi ko sayo may cameo ka as a prize dun sa pa-game
ko sa group? Here na! Hahaha

#WarningBawalMafall

- Yhel

=================

7. Friend Requests

7. Friend Requests

"Cancel request!!"

Oo na. Obvious naman diba? Hindi in-accept ni Mikorin este ni Tyrone ang friend
requests namin ni Badaf. It's been five days already pero hanggang ngayon pending
pa rin. Ay, ayoko na nga! Kinancel ko na. Kainis eh!

"Pa-peymus pala si Mikorin," nakangusong sambit sa akin ni Badaf.

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ngayon. Of course, para kumain. As usual, kaming
dalawa na naman ang magkaramay ni Badaf. Araw-araw naman e. Oh well, I'm getting
used to it naman na.
"Nakakaasar. Simpleng click lang naman sa confirm, pero ba't 'di niya magawa?"
Pagdadrama ko habang kumakain ng fries. Favorite ko kasi 'to e. Cheesy fries.

Nagpangalumbaba na rin si Badaf nun habang sumisipsip sa straw ng sotdrinks niya.


From that very second, naging parang manly yung look niya sa paningin ko not until,
nagpout siya. Err.

"True! Gravacious yung shotokobells na 'yon."

Wait. Hindi ko nagets yung last word niya. "Shotokobells?"

"It means, guy. Lalaki! Duh?" Sabay irap sa akin. Pasalamat siya nanlulumo ako
ngayon kundi nabatukan ko na siya. "Pero seriously, wit siguro siya nag-aadd o nag-
aaccept sa facebook nang hindi niya kilala," paliwanag niya.

Napatulala nalang tuloy ako sa fries ko. Siguro nga, tama siya. Kaya nga siguro
naka-private yung account niya. Ayaw niya ng outsiders sa life niya.

Nasa gitna ako ng pagkatulala nang may pamilyar na boses ang nagsalita sa gilid
namin.

"Hi, pwedeng makiupo?"

Napa-blink nalang ako ng mga mata nang makita si Eunice, all smiles pa while
holding a tray of food. Okaaaay, siya lang talaga ang may lakas ng loob na kausapin
kami and I'm glad about that.

"Sureness!" Si Badaf na yung sumagot. Umusog ako ng kaunti sa left side ko para
sana bigyan siya ng space sa upuan kaso dun siya naupo sa tabi ni Badaf. Natawa
tuloy ako sa reaksyon ni Badaf at parang napasong lumayo ng bahagya. Enebeyen.

"Pasensya na ha? Wala kasi akong maupuan," sabi niya sabay ngiti. "Sige, don't mind
me. Usap lang kayo dyan."

Nagkatinginan lang kami ni Badaf nang mag-start na siyang kumain. She seems nice
but I find her actions so strange. Pero mas strange yung move ni Badaf nang lumipat
siya sa tabi ko. Napatingin tuloy sa kanya si Eunice.

"Ay, ba't ka lumipat?"

Ngumiti naman si Badaf pero alam kong plastic smile lang 'yon. Knowing him? Uh...
"Jutay kasi yung upuan."
"Jutay?" Eunice looked to me pointedly, at mukhang na-confuse nga. Parang sinasabi
niya sa akin na 'what's jutay?'.

Nagkibit-balikat nalang ako kaya si Badaf na ang sumagot. "Waley. Sabi ko, maliit
yung upuan. Hehe."

"Ahh... Akala ko kung ano na!"

Sa totoo lang, bigla nalang ako naging uncomfortable kay Eunice nun. Si Badaf kasi
e, nakakahawa. Panay ang hila sa blaser ko, parang nagyayaya nang umalis.
Naglalabanan tuloy kami sa tingin. Ang rude naman kung iiwanan namin siya 'no?

"Did I disturb you?"

Napabaling kami kay Eunice sa tanong niya. Kaya ako na yung sumagot. "Hindi 'no."

"Para kasing na-interrupt ko yung usapan niyo nung dumating ako. Okay lang ba
talaga ako sa table niyo? Maghahanap nalang siguro ako ng table," sabi niya at
akmang tatayo na nang pigilan ko siya.

"Hey, it's okay!"

"Okay lang ba talaga?"

Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. Tapos narinig kong may bumagsak sa sahig na
something. Tumingin sa ilalim ng table si Eunice kaya nakitingin na rin kami dun ni
Badaf. Nalaglag pala yung binder niya.

Pinilit niya yung abutin pero hindi niya maabot kasi mas malapit iyon sa pwesto
namin. Kaya ako na ang kumuha sabay abot sa kanya. "Here..." And then I stopped.
Nakita ko kasing anime-ish yung cover ng binder. OMG, Clannad?!

"Mahilig ka rin sa anime, Eunice?" Hindi ko napigilan ang sarili ko. Fanatic talaga
kasi ako ng anime. Whoever's fond of anime, kino-close ko talaga.

I heard Badaf snorted but I ignored him. Bakit ba! Anime eh.

"Ay, ito ba? Naku, hindi sa akin 'yan." Eunice answered right away.

Umandar na naman yung pagka-otaku ko kasi kinuha ko yung libro para tignan yung
cover. Nakakatuwa kasi e! Dango yung illustration. "Gusto ko ng ganitong binder,
Badaf!"

"Itong Chararat na 'to, parang bata," bulong niya sa akin.


Tinaasan ko nga ng kilay. Basag trip e. "Hindi ka kasi otaku e. You will never know
what I feel."

"Hindi talaga ako otaku. Mas into K-pop ako," sabi niya at medyo kumembot pa habang
nakaupo. "VIP and Blackjack are my fandoms," sabay pose niya na ewan ko kung ano
yun. Psh.

"Wow talaga?! VIP ka?" Si Eunice.

"Vakeyt? VIP ka rin?"

"YG stan ako!"

Okaaaaay. At na-OP na ako sa dalawa dahil nagsimula na silang magchikahan about K-


pop na hindi naman ako familiar dahil 'di ako fan. Dalawa lang naman ang kilala ko
sa Korea e. Sina Daoming Su at San Chai. Teka, Koreans ba sila?

"Sinong bias mo, girl?"

"Si GD!"

Naghagikhikan na sila forever. At dahil na-OP na ako, ayun kunwari busy nalang ako
sa pag-si sa softdrinks ko. "I like you na, Zion!"

Silence.

"Pfft!!" Nabilaukan ako sa narinig ko. As in, pumasok yata sa ilong ko yung iniinom
ko. Ano raw? She likes... Zion na? As in, Zion? "HAHAHAHA!! You called him Zion?"
Napahagalpak na ako sa tawa nun. Patawa pala 'to si Eunice e.

"Bakit? Cute kaya ng name na Zion," inosenteng tanong niya. Tinignan ko ang
reaksyon ni Badaf at napaka-priceless! Para siyang nangangasim na ewan. Ghaaad!

"Zion na ang tawag ko sayo ha?"

Badaf shoved his hand. "Itong jutaw na 'to, mapagbiro! Paris nalang."

"Zion nalang!"

"Eunice, it's Paris. P-A-R-I-S. Getsung?"


Ngumisi si Eunice sabay iling niya, saka siya tumayo. Ubos na pala yung food niya.
"Zion, alam mo, sayang ka. Ang gwapo mo pa naman."

Laglag ang panga namin ni Badaf sa sinabi niya. Natawa nalang tuloy ako. Sabi na e,
kaya pala ang strange ng kilos ni Eunice. Bet pala ang badaf!

"Mauuna na ako. Thanks sa talk!" She said and started to walk away. Pagtingin ko sa
lamesa, nabigla ako kasi naiwanan niya yung Clannad binder.

"Eunice!"

Hinila na naman ni Badaf ang blaser ko at pinanlikhan ako ng mga mata. "'Wag mo
nang tawagin! Nandidiri ako. She's oh so disgusting, like eew! Kung ano-anong
lumalabas sa bibig niya."

Kinuha ko nga yung binder at inihampas sa braso niya. Arte eh! "'Wag ka nga.
Magpakalalaki ka nalang kaya? Ayieee, may nagka-crush sa kanya~" sabay sundot sa
tagiliran niya.

"Anubey!" asik niya at nag-sign of the cross pa. Hindi pa nakuntento, pinagdaop pa
niya ang dalawa niyang palad. "Lord, patawarin Niyo po sila sapagkat hindi nila
alam ang kanilang--"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil hinila ko na ang buhok niya. "Aray!"

"I told you. Gwapo ka nga," sabay irap ko. "Tara na nga! Ihabol natin 'to kay
Eunice."

"Ay, tse! 'Yoko. Mag-isa ka."

"Tara na kasi!" Sapilitan ko siyang hinila palabas ng cafeteria. Buti naman at


nagpahila, yun nga lang medyo pabebe pa siya. Nang medyo nakalayo-layo na kami sa
cafeteria at hindi namin mahagilap si Eunice, tinanggal na ni Badaf yung
pagkakakapit ko sa braso niya. In fairness, for a Badaf like him, medyo maganda
naman ang built ng katawan niya.

"Hayaan mo na, Chararat. Bukas nalang natin isauli. Gusto ko nang umuwi,"
iritableng niyang sabi tapos naghikab pa. Napatingin nalang ako sa hawak kong
binder. Matagal-tagal din akong nakatingin dito nang magsalita na naman siya.

"Chararat..."

"Hmm?" sagot ko. Binuksan ko na ang backpack ko at ipinasok nasa loob nito ang
binder. Bukas na nga lang nga! Tinatamad na rin ako.
Naramdaman ko yung pag-akbay sa akin ni Badaf kaya tinignan ko siya nang nakataas
ang isang kilay. Astig men! FC talaga 'to.

"Gusto mo ba talagang maging facebook friend si Mikorin?

"Uh?" I looked weirdly to him and he just wiggled his brows flirtatiously. Wala e,
si Badaf ba naman siya. Natural na yan.

He grinned from ear to ear before he held my face and tilted it to our right
direction. Pagtingin ko dun, nakita ko si Kuya Toffer.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. I know what he's thinking. OMG! "Don't tell
me--"

"Ano, karirin na natin 'to. Gusto ko, ikaw gusto mo ba?"

Napanguso nalang ako ng bongga. Nagtama na ang mga paningin namin ni Kuya Toffer at
kumaway siya sa akin. Emeghed... Papatulan ko ba ang kalokohan ni Badaf?

"Ano?"

Umismid ako. Teka, medyo bad na yung ginagawa namin. Masyado ng over. "Ayoko nga.
Hindi kaya sumusobra na tayo?"

"Hindi yan," sagot niya sabay kaway kay Kuya. Oh no! 'Wag mo sabihing tototohanin
nga niya? "Kuya Toffer, over here!"

***

Si Kuya Toffer? Kaibigan siya ng mga kuya namin ni Badaf. Katulad ng kuya ni Badaf,
super bait din ni Kuya Toffer. Ang alam ko, hindi pa siya nakakagraduate kasi may
failed grades din. Ewan ko. Basta ang alam ko, napapayag siya ni Badaf na i-hack
ang facebook account ni Mikorin.
Yeah, Kuya Toffer is a hacker.

"Bakit niyo ba pinapa-hack ang facebook niya?"

"Eh kuya-" Nagkatinginan kami ni Badaf. "Ano po... Kaaway namin yan sa classroom!"

Sinamaan ko nga siya ng tingin. What a lame reason! Naku, sasabunutan ko 'to mamaya
si Badaf.

"Inaaway kayo? Anom upakin na ba natin?"

"'Wag na, Kuya! Gagantihan nalang namin sa facebook. Kaya paki-hack na po," sabi ni
Badaf sabay kindat sa akin kaya napailing nalang ako.

Nasaan nga ba kami? Nandito lang naman kami sa restricted room ng X10. Walang
pwedeng pumunta dito bukod sa gang nila. Kahit nga kami ay hesitant na papasukin
dito e. Kundi lang namin kinulit.

"Boom! Ayos na."

Napabangon tuloy kami sa pagkakasandal sa malambot na couch at dumukwang para


makisilip sa ginagawa ni Kuya Toffer. At tama nga... Geez, nabuksan niya!

"Yehey!! Ang galing mo, Kuya!" Yumakap ako sa braso niya. Ang turing niya kasi
talaga sa akin ay bunso kaya normal na sa amin 'to.

"No problem."

"Kuya, thank you tologo!"

Yayakap din sana si Badaf kaso pinigilan siya ni Kuya. "Okay na, France. Gawin niyo
na ang dapat niyong gawin," sabi ni Kuya kaya napapout si Badaf. Binelatan ko nga.
Buti nga!

Tumayo na si Kuya Toffer tapos lumipat sa couch. He made himself busy on watching
TV. Kaya alam na! Natataranta kaming humarap dun sa laptop. Panay ang hagikhikan
namin ni Badaf. Alam kong bad 'to pero kasi, nakakaenjoy!

"Dali, i-accept mo na..." bulong ko sa kanya. Eager naman siyang tumango at sa


isang iglap lang, in-accept na namin ang friend requests namin. "Mag-accept ka rin
ng iba!"
"Bakit? Okay na yan."

"Kahina-hinala na yung accounts lang natin yung in-accept diba?" I said


suggestively. Besides, 500+ ang pending FRs niya. Naku, natabunan na nga yung amin
e. Ngumiti naman siya sa akin at ginawa nalang yung sinabi ko. Hindi pa nakuntento,
aba't sinilip din namin ang inbox niya.

"Ang snob. Ang daming unread," bulong niya sa akin. Inisa-isa namin yung mga PM at
puro 'pa-accept po' lang ang nababasa namin. Siyempre, pagkabasa namin, minark as
unread namin para hindi mahalata. Buti nalang wala akong guts na mag-pm ng ganito.
Oh, please lang!

Mayamaya lang, napatigil yung focus namin sa isang pangalan. Nakakaagaw naman kasi
ng atensyon ang 8 unread messages niya.

Reishel Quintos: Sweety, OL ka?

Reishel Quintos: Tyrone?

Reishel Quintos: Psst.

Reishel Quintos: !!!

Reishel Quintos: Why aren't you replying?

Reishel Quintos: ?????

Reishel Quintos: :'(

Reishel Quintos: Bahala ka.

"LQ?" bulong sa akin ni Badaf. Nagkibit-balikat naman ako kasi hindi ko alam kung
LQ nga sila o hindi. Reishel? For sure, siya yung girlfriend ni Mikorin.

Nataranta kami nang biglang nag-pop yung chatbox ni Reishel. Oh ghaaad! Online
siya?
Reishel Quintos: At siniseen mo lang ako??

"I-mark as unread mo." Pinipilit kong abutin yung mouse pad ng laptop kaso
nakaharang naman ang kamay ni Badaf. Hindi ko pagusto yung smug sa mukha niya.

"Wag na. I-seen pa natin." At sineen nga sabay logout. Pinanlakihan ko nga siya ng
mga mata. "Kuya Toffer, we're done. Thank you po!"

Sinermonan ko si Badaf pagkalabas namin ng building. Sa lahat ng chineck namin


messages, yung kay Reishel ang yung sineen niya. Halata pa namang galit na yung
girl. Jusko, natetense tuloy ako.

"Hindi mo sana sineen!"

He just flipped his bangs and showed me his loser sign. Yung letter 'L' na fingers
sa forehead niya. "I did it na. Wala ng bawian, Chararat."

Tumigil kami sa parking lot. Nasa tapat na pala kami ng service car niya. "Nag-iwan
ka pa ng evidence. What if he finds out?"

"Nah, he'll never find it out. Basta i-shut up mo lang yang bungangers mo,
alright?"

I swear, umuusok na siguro ang ilong ko sa inis. I shouldn't have agreed to him.

"O-oh? Relax na, Chararat. At least, friends na kayo diba?" Binuksan niya yung
pinto sa backseat saka niya ako sinenyasan na pumasok. "Sabay na tayo?"

So, ayun, kahit naiinis ako, nakisabay nalang ako. Wala pa kasi si Butler Homer.
Alam naman ng driver niya yung bahay namin kasi madadaanan nila yung village namin.
All the throughout the trip, nakasimangot lang ako. I can't believe na nakisali ako
sa kalokohan ng Badaf na 'to.

"Oy, Chararat, 'wag kang ano dyan. Betchiwariwariwaps mo rin naman yun. Pumayag ka
nung umpisa," sabi niya pero hindi ako kumibo.

"At least, wala naman tayong ginawang kababalaghan bukod sa nagbasa ng messages
at... in-add ang sarili nating accounts? Laftrip ang endearment nila, infairness!
Sweety? Parang pusa lang ng Kuya ko."

Bumuga ako sa hangin saka ako bumaling sa kanya. Nakita kong nagpapa-cute siya sa
akin kaya imbes na sermonan ko siya natawa nalang ako.

And he laughed along with me. Natanggal nalang bigla yung init ng ulo ko.

"Hindi ko pa 'to nagagawa dati," I said and he just gave me a playful wink.

"Oh, diba? Nag-enjoy ka sa company ko? 'Wag mo na kasi akong awayin. Tamo,
nagkakasundo rin tayo."

Umiwas nalang ako ng tingin nun. Ewan ko ba pero nailing nalang ako bigla sa kanya.
Eh kasi naman eh, bigla siyang nagpaka-senti dyan.

"Ano na, Chararat? Friends?"

Nilingon ko siya, he's handing out his hand to me. Wala na akong nagawa kundi ang
iabot iyon. Kaso imbes na shake hands lang, aba, bumeso pa sa akin.

"Friendship na tayo! Bongga!" hirit niya. Wala naman sigurong masama na maging
magkaibigan kami. Just for a change, yeah? "Selfie tayo, Chararat! Iuupload ko sa
facebook."

So, we took a selfie shot and then uploaded it afterwards on facebook. Wala pang
isang minuto, bigla nalang naghysterical si Badaf.

"Oh my gosh! Oh my gosh! Oh my gosh! Oh my gosh!"

"Uy, bakit? Anyare?" Hindi niya ako sinagot but instead, inabot niya sa akin ang
phone niya. "Weirdo mo ah."

"J-just look at it!"

And so I did... at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang status niya sa newsfeed
ni Badaf. As in, niya!!
Tyrone Saavedra

Sa nanghack po sa facebook ko, pakyu po. :)

Jawdropping status.

Kunwari yung nasa GIF yung itsura ni Paris nang ma-shock siya sa status ni Tyrone.
XD

- Yhel

=================

8. Guilty

8. Guilty

"I can't breathe! Oh my gosh. Mahihimatay yata ako. Catch me, Chararat! Catch me!"
Pok! Binatukan ko nga siya. "Subukan mo lang. Ipaghuhukay agad kita ng libingan mo
at nang maidiretso kita dun." Itong Badaf na 'to, kahapon pa naghihysterical. Hindi
nalang kumalma. Pati tuloy ako nagpapanic na.

"Awtsu ha! Nagulo mo ang hair-do ko," reklamo niya habang inaayos yung bangs niya.

I rolled my eyes on him. "'Wag ka ngang mag-panic. Hindi naman niya siguro tayo
nabuko."

Kasalukuyan kaming nasa classroom nun. Umalis saglit si Sir para bigyan kami ng 20
minutes review sa quiz niya. Okay lang yan. English lang naman e. Parang recap lang
ng pinag-aralan namin nung highschool kaya hindi na ako masyadong nagreview. Kaya
heto kami ngayon ni Badaf, lumabas muna saglit at tumambay dun sa corridor.

"I know right!" Napangiwi ako sa tining ng boses niya habang nag-sa-sightseeing sa
mga estudyanteng nasa ibaba. "Nasapul lang naman ako sa status niya, pero keri-boom
boom lang. Sabi naman niya 'sa nag-hack sa facebook ko' diba? Eh hindi naman tayo
yung naghack sa kanya."

"Baliw." Kung hindi niya sinabihan si Kuya Toffer na i-hack yung FB ni Mikorin,
hindi naman niya yun i-hahack.

"Nagpaka-specific siya e. Isipin nalang natin si Kuya Toffer yung pinapatamaan


niya. Hihi!" Napansin kong natigilan siya saglit sa paghagikhik habang nakatingin
sa gilid ko. "Andyan na si Sir!" bulong niya kaya tumakbo na kami pabalik sa
classroom.

The quiz was successfully done. Out of 40 items, nakakuha ako ng 38 points. Si
Badaf naman, nakakuha ng 39 points kaya ang bruha, grabe nalang manghinayang. One
point nalang daw kasi, mapeperfect na niya.

"I kennot, Chararat! Sayang!"

Hinayaan ko lang siyang mag-drama habang naglalagay ako ng face powder sa mukha ko.
Yung ibang classmates namin nagsisilabasan na ng room. "Hayaan mo na. Better luck
next time nalang. Mas mataas ka nga sa akin e," sabi ko nalang.

"Hindi ba pwedeng i-consider 'to? Namali lang ng spelling e pero yun pa rin naman
yung sagot!"

"Zion." Bigla nalang sumulpot sa harapan namin si Eunice. All smiles as always.
"Pwede ko na bang kunin yung quiz? Irerecord ko kasi e."

Napatingin tuloy kami sa makapal na papel na hawak niya. Ay, oo nga pala. Siya ang
secretary ni Sir sa subject na ito. "Here's mine," sabay abot ko sa kanya ng akin.
"Eh sayo, Zion?"

Umakto namang parang na-shock si Zion este ni Badaf. Ano ba 'yan, nahawa tuloy ako
kay Eunice. "Pwede ba, Eunice. Stahp it. Medyo nakakaimbey yung pagtawag mo sa akin
ng 'Zion'."

Siniko ko naman si Badaf nun. Ghaaad! Baka maoffend si Eunice. Masyadong direct to
the point e, pero buti nalang nakangiti pa rin si Eunice nun. I don't think she
finds it offensive. "Eehh! Cute kaya. Pang-gwapo yung name mo, bagay sayo."

OA na napasinghap na naman si Badaf. "Ha! Oh... my... ghad! Itetch na nga ang quiz
ko and shoo... poof disappear ka na! Hindi kita ma-take."

Sumingit na ako sa pagitan nilang dalawa. Grabe naman kasi makapagsalita si Badaf.
Buti nga, nakikipag-usap sa amin si Eunice. "Uh, Eunice... 'Wag mo nang intindihin
si Badaf. Bitter kasi sa score niya e."

"Ay, bakit?" Tinignan niya yung quiz ni Badaf tapos ngumuso lang. "Oh, isa lang
mali? Ang galing mo naman!"

"Nagkamali siya ng spelling," sabi ko. Ngumiti naman siya kay Badaf nun. As in,
nilagpasan niya ako ng tingin. Hello, I am here!

"Don't worry, nagkamali lang pala ng spelling e. Ako nang bahala dito, Zion."

"Really?" Nag-sparkle naman ang mga mata ng Badaf. Teka nga, tumabi ako saglit.
Pinakatitigan ko siya. Ito na ba ang sign para ituloy na finally ang mission ko?

"Yes, ikaw pa! Malakas ka sa akin, Zion e."

"Oh, please. Echosera pala 'tong clasmarurut natin." At tumawa lang ng sarkastiko
si Badaf habang nakatingin sa akin. I can't help but to shake my head in disbelief.
Told you, guys. Mahirap siyang gawing straight. "Pero thank you, Eunice. Osya, tara
na, Chararat."

Hinila na ako ni Badaf para lumabas ng classroom pero nagpapabigat ako. Eh kasi
naman kawawa si Eunice. Iniwan lang namin!

"Ano ka ba, si Eunice..."

"'Yaan mo siya."

And then I remembered one thing. Napahawak tuloy ako sa bag ko. "Teka, saglit!"
Tinabig ko siya at binalikan si Eunice na palabas ng rin ng room. "Eunice, may
nakalimutan ka pala kahapon."

Nilabas ko yung anime-ish binder at saka ko iyon inabot sa kanya. "Oh, kaya pala
hindi ko 'to mahanap kahapon. Salamat, Misty."

"Naiwan mo sa cafeteria yan kahapon."

"Taralets na, Chararat!" Ang bastos talaga nitong si Badaf. Hindi ko nga pinansin.

"Ay, wait. Gusto mo ikaw na ang magsauli?" sabay abot niya ulit sa akin nung
binder. Kumunot tuloy ang noo ko. "Kay Tyrone 'yan," malambing na sabi niya and I
was like... Oh really?!

"Kay Tyrone itetch?" Inagaw bigla sa akin ni Badaf yung binder kaya sinubukan kong
bawiin kaso matangkad siya kaya failed ako. Binuklat niya yung page at bigla nalang
siyang tumawa. "Emeghed, Chararat! Sobrang ganda ng penmanship niya."

I snorted when I saw it. Hindi ko kasi ito binuklat kagabi sa bahay like I care
naman diba? Ngayon, may care na ako kasi kay Mikorin pala ito. Hihi. "Ang ganda
nga. Sa sobrang ganda hindi ko magets ang nilalaman," natatawang sabi ko. Kayo
nalang mag-imagine ng sulat niya, puhlease. Sana nag-doctor nalang siya kaysa nag-
Engineering.

"Naiwan niya yan kahapon sa tambayan namin kaya tinago ko muna. Kayo na ang
magsauli ha?"

Bumalik tuloy ako sa sarili ko. Oo nga pala, nandito si Eunice. Inagaw ko kay Badaf
yung binder at saka ko ibinalik sa kanya kaso ayaw niyang kunin. "Eunice,
nakakahiya naman. Ikaw nalang."

"Crush mo siya diba? Pagkakataon mo na 'to."

Nag-init ang buong mukha ko sa kahihiyan. Mayaman nga ako sa crush pero hindi naman
ako yung tipo ng babae na magpapapansin sa lalaki. Ay, nakakahiya yun!

"Naku, ikaw nalang, Eunice. Hindi naman namin siya kilala at hindi niya pa kami
kilala," pilit ko.

"Mabait naman siya. Sabihin mo, pinapaabot ko kamo," sabi niya saka siya naglakad
na palayo. "Nasa gym siya. Dun siya madalas tumambay. Mauuna na ako. Bye, Misty.
Bye, gwapong Zion!"

Napatulala nalang kami hanggang sa mawala siya sa paningin namin. Ewan ko ba pero
bigla nalang akong kinabahan after finding out na kay Mikorin pala itong binder.
"Badaf..."

"Hmm?"

Tinignan ko siya. Para rin siyang nawala sa sarili kagaya ko. "Pa'no na 'to?
Isasauli natin?"

***

"Tyrone John Tsukuda Saavedra pala ang full namesung niya. Akala ko, Tyrone lang,"
sabi ni Badaf habang binabasa yung registration card ni Mikorin na nakaipit dun sa
loob ng binder. "Tapos... Civil Engineering ang course. Kabog ang fafa natin!"

Inagaw ko nga sa kanya yung binder at saka inilagay sa ilalim ng bag ko na nasa
kandungan ko. "'Wag mo ngang i-display. Nakakahiya 'to."

And yeah, napagpasyahan namin na hintayin si Mikorin sa labas ng gym. Sinilip kasi
namin siya dun sa loob kanina. P.E class pala nila ngayon. Ayan, abangers tuloy
kami.

"Kaya pala anime-ish look yung otokobels na yun. May lahi palang Japanese," bulong
niya sa akin. True! Obvious naman sa middle name niya. "And speaking of, ayan na
siyaaaa~"

Tinaasan ko siya ng dalawang kilay at tumango naman siya sa akin habang nakatingin
sa likod ko. Dahan-dahan pa akong lumingon at umiwas din agad ng tingin nang makita
siya. OMG. Ang gwapo niya pa rin sa P.E uniform niya with matchin blue jacket. Para
siyang si Haru!

"Tara na, iabot na natin para matapos na..." bulong sa akin ni Badaf at akmang
hihilain na ako patayo nang pigilan ko siya.

"'Wag nalang kaya?" My goodness! Yung puso ko, nagwawala sa dibdib ko.

"Gagabels ka ba? Baka hinahanap niya na 'yan. Walang gagamitin yun," asik niya sa
akin. Napalunok ako nang bongga nang marinig ko nang palapit na sila sa kinauupuan
namin. Malamang dadaan sila dito. Hallway nga diba?

OMG! Nagpapanic ako. Relax nga, Misty!

Napakapit sa wrist ko si Badaf nang tuluyan nang dumaan sa harap namin si Mikorin
este si Tyrone kasama ang tatlo niyang mga kaklase. Pinandilatan ako ng mga mata ni
Badaf nun. "Ano na? Let's go na."

"Eehh... Nakakahiya! Ikaw na lang," sabi ko sabay abot sa kanya ng binder kaso
hindi niya ako pinansin kasi hinila niya na ako para sundan sila.

Gusto ko siyang sapakin nun pero tinakasan yata ako ng lakas. And besides, we're
just right behind them. Ang sarap tuloy tanggalin ng puso ko at ilagay muna saglit
sa bag ko dahil sobra na ito kung magwala sa kaba.

"Dali naaaa... Ayan na o."

Sinamaan ko siya ng tingin. I even tried to stop Badaf from walking pero ako yung
tinatangay niya. Hanggang sa narinig ko finally... yes, finally, after one month,
ang boses ni Mikorin.

"Pre, una na ako."

ASDFGHJKL! Ang astig ng boses!!! Niyugyog-yugyog ko tuloy ang braso ni Badaf habang
sinusundan namin sila. Buti nalang hindi kami napapansin.

"Bakit? Laro muna tayo."

"Uuwi na ako. Wala ako sa mood."

"Dahil ba dun sa nag-hack sa facebook mo, bro?"

Nagkatinginan kami saglit ni Badaf. Napakagat pa siya sa lower lip niya sabay mouth
ng 'lagot'. Pinagpawisan tuloy ako ng malamig.

"Tsk. Bwisit yun."

Huhu! Na-pakyu na kami kahapon, nabwisit pa ngayon.

"Bakit? Paano mo ba nalaman na na-hack ka?"

"Sinusubukan kong mag-online kahapon ng bandang alas-kwatro. Langya! Hindi ko


mabuksan. Nabuksan ko nalang nung ala-singko na tapos may nabasa akong nagnotify
sa'kin na in-open daw ang facebook ko sa ibang device."

"Anong ginawa? Ni-rak ba?"

"Hindi. Wala namang ginawang kalokohan. Ano lang... nagbasa yata ng inbox ko.
Sineen yung pm sa akin ni Reishel e. Ayaw pa naman ng siniseen yun. Galit tuloy sa
akin ang girlfriend ko ngayon."

Napahinto nalang kami sa paglalakad nun ni Badaf at naiwanang nakatulala sa


palayong grupo nila Mikorin. Napuno ng guilt ang ang sistema ko.

"We shouldn't have done it, Badaf," nakangusong sabi ko.

"Hala. Kasalanan natin," sabi niya.

"Buti alam mo." Tinignan ko na siya nang mapansin kong hindi siya sumagot. Parang
ang lalim ng iniisip niya. "Oy, iniisip mo dyan?"

"Cut tayo?"

Napaatras ako. Tinignan ko siya ng buong pagtataka. "Anong sabi mo?"

"Tara, sundan natin siya!"

Hindi ko alam kung anong meron sa Badaf na ito at napapapayag niya ako sa bawat
kalokohang ginagawa niya. Well, hindi na rin naman bago sa akin ang ganito. I used
to run away from my driver and do some adventures out of school when I was still in
high school.

"Nandyan pa ba siya? Baka mamaya bumaba na ah," sabi ko kay Badaf habang tinatanaw
si Mikorin. Standing ovation at siksikan pa kami sa bus. Kainis nga e! Walang
gustong magpaupo sa dilag na katulad ko.

"Oo. Nandyan pa siya," he replied reluctantly.

Medyo tumingkayad pa ako para tanawin si Mikorin, at tama nga si Badaf dahil nakita
ko pa siya dun sa may bandang harapan. Nakatayo rin at may nakapasak na earphones
sa dalawang tenga.

Urgh! Nangangalay na ako. Nagpapadyak ako ng bahagya kasi naman masakit na ang mga
binti ko. Naka-heels pa naman ako.

"Oh, Miss. Dito ka nalang o."

And thank you heavens! Buti naman may gentleman pa sa Pinas. Ngumiti lang ako nang
ipaubaya niya sa akin yung seat niya. Pagkaupo ko dun, binelatan ko si Badaf. Buti
nga!

"Belat belat ka dyan. Bahala ka. Bye," sabi niya at kumilos na. Hala, nataranta
tuloy akong tumayo.

"Uy, 'wag mo 'kong iwan."


Hinawakan niya ako sa kamay at napaigtad pa ako nang ipulupot niya yung isa niyang
braso sa shoulders ko... then, poof! Inalalayan niya ako sa paglabas sa bus.

"Gravacious!" tili niya nang tuluyan na kaming makababa sa bus sabay layo niya sa
katawan ko. Napangiti tuloy ako ng bongga.

"Happy face ka dyan?" mataray na tanong niya sa akin. Nasa waiting shed kami nun.

"Wala!" Sinapak ko siya sa braso habang nakangisi na. "Ayieee... Didn't you feel
anything when you wrapped your arm around me?"

Pinanlakihan niya lang ako ng mga mata at saka siya umaktong nasusuka. "Acck!
Chararat, watch your words nga."

"Eh inakbayan mo ko e!"

Inirapan niya ako. "Baliwag! Puro otokobells kaya yung mga nakatayo dun. Eh
nakapalda ka pa naman. Pa'no kung hipuan ka dun?" Inangat niya pa yung kamay niya
sa mukha ko. "And please. Just please... Ngayon pa lang, itatak mo sa brainlalu mo
na bawal kang ma-fall sa'kin!"

I gawked at him with matching takip pa ng palad sa bibig ko. "In your wildest
dreams, Badaf. Ang akin lang, tinatanong ko sayo kung may effect ba sayo ang girls.
Hay nako!"

"Tss... Ay, teka." Nagpalinga-linga siya sa paligid at nagpapadyak habang humahawi


sa buhok niya. "Oh my gosh! Nasaan na si Mikorin?!"

Hala, oo nga pala! Kaya ayun, nagsimula na kaming naglakad. Buti nalang, naabutan
namin si Mikorin dun sa may tapat ng tapat ng poste. Kumakain ng streetfood. Kwek-
kwek pa yata ang kinakain.

"Bungangers mo kasi e. Buti nalang, nakita pa natin!" bulong sa akin ni Badaf


habang nagtatago kami sa likod ng isang kotse. Nang mapansin namin na naglakad na
kasi Mikorin, nagsimula na rin kaming sundan siya.

"Ano ba kasing gagawin natin? Bakit natin siya sinusundan?" Oo na. Ngayon ko lang
siya naisipang tanungin sa kanya yan. Masyado akong nataranta sa bilis ng
happenings e.

"Isasauli natin yung binder."

"Whut? At talagang isasauli natin dito sa bahay niya? Ano nalang ang iisipin niya
aber?"
Huminto siya tapoas hinila niya ako sa likod ng poste at dun nagtago. Nung sinilip
ko si Mikorin, nakita ko siyang nandun sa tapat ng isang apartment at pumipindot sa
doorbell. That must be his house.

Una, pangalan niya. Pangalawa, course niya. Pangatlo, facebook niya. Pang-apat,
binder niya and now, this? Napailing tuloy ako sa sarili ko. Really, Misty? You're
really doing this?

"'Wag na natin ituloy, badaf!" Iritableng asik ko sa kanya.

Bumuga naman siya tapos humarap siya dun sa direksyon ni Mikorin na nagdodoorbell
pa rin. Ano ba yan, ang tagal naman niyang pagbuksan ng gate.

"Hindi naman natin directly igi-givenchy sa kanya. Iiwan lang natin ang binder
tapos--" Binuklat niya yung backpack niya tapos naglabas siya ng sticky note at
sinulatan niya ng all caps na 'SORRY' sabay dikit sa harapan ng binder. "-- then,
we'll leave it nalang sa gate tapos saka tayo mag-dodoorbell at fly away na ang
beauty natin. At least, na-givenchy na natin ang binder, nakapag-apologize pa
tayo."

Hinampas ko ang braso niya. What a great idea he's got there huh! Naniniwala na
talaga akong maraming matatalinong bading sa planet earth. "Okaaaaay, tapos ihatid
mo ako pauwi ha?"

"Oo naman."

Sumilip ulit kami sa direction ni Mikorin. Ngayon lang namin napansin na


pinagbuksan na siya ng gate and guess what? Si Reishel na nakasuot ng mini shorts
at spaghetti strap top ang nagbukas sa kanya.

"Hala, Chararat. Bahay yata ng dyowa niya 'to. Hindi sa kanya," sabi ni Badaf sa
akin. Kumunot ang noo ko sa nakita naming eksena. Hindi man namin marinig yung
pinag-uusapan nila, nakita naman namin kung paano siya itulak palayo ni Reishel. As
in, pinagtatabuyan siya.

Hinila ko ang buhok ni Badaf sa pagkalito. "Anong nangyayari???"

"LQ yata."

BLAG! We literally gasped when we saw Reishel slammed the door close for him.
Napatakip ako sa bibig ko nun. Si Mikorin este si Tyrone, pinagsarahan ng pinto ng
babaitang iyon.

Umikot kami sa poste nang makita naming nagsimula nang maglakad palayo si Tyrone
ilang sandali pagkatapos niyang tumayo sa harap ng bahay ni Reishel. He was looking
down, hurt was evident on his face.
From that very moment, parang piniga ang puso ko sa guilt. Nagkatinginan kami ni
Badaf nun, as though we're thinking the same thing.

"Chararat... hindi kaya dahil iyon sa seenzone na ginawa natin?"

Sabi na e. Yun yun ang nasa isip niya.

Si Eunice yung nasa gif. :) #WarningBawalMafall

=================

9. Sad Smile

9. Sad Smile

Kinabukasan, parehas kaming wala sa mood ni Badaf. Friday na at usually, kapag


dumadating ang Friday ay napapa-TGIF talaga kami dahil walang pasok kinabukasan.
But today's different. Super duper different!

"Class dismiss."

Nagkatinginan kami ni Badaf nang magdismissal na. Natapos ang Computer class nang
nakatulala lang kami sa harap ng monitor. Pindot then delete sa keyboard ang drama
namin. Wala e, fast typing lang naman kasi ang topic.

"Taraletsgo?"

Nung nagyaya na si Badaf na lumabas, dun lang ako kumilos. Para kaming zombie
habang palabas kami ng Computer lab. Eh bakit ba? Napuyat kami kagabi sa kakaisip
ng resulta ng ginawa naming kalokohan e. Ayun, nag-skype kami kagabi para makapag-
reflect.

"Saan tayo kakain?" tanong niya.

"Else where," sagot naman niya.

See? Wala talaga kami sa mood. Kung hindi lang hinila ni Badaf ang naka-ponytail
kong buhok, hindi pa yata ako mababalik sa wisyo ko.

"Aray ha!"

Tinulak ko siya sabay ayos sa buhok ko pero ang Badaf, may nginunguso sa kaliwa
namin. And guess who that is?

Yes, it's Mikorin na nakaupong mag-isa sa bench habang busyng-busy sa cellphone.


Nagtatakang tinignan ko si Badaf. Ano na naman bang iniisip niya?

"So?" I asked, trying to know what's in his mind.

"Isauli mo na yung binder."

Napasinghap ako. Aba! Ano pang mukhang ihaharap ko kay Mikorin after what happened?
Oo nga. Hindi niya alam na kami yung nagpa-hack sa facebook niya pero may konsensya
naman ako 'no!

"Ayoko nga," sabay irap sa kanya at magwo-walkout na sana nang hilain niya ang bag
ko kaya napaatras tuloy ako. Kainis! "Badaf, ano baaaaa!"

"Givenchy back mo na kasi."

Tapos sapilitan niyang binuksan yung backpack ko at inilabas yung binder. "Ay,
grabe. Seriously?!" iritableng sambit ko at iniabot niya sa akin yung binder. "Ako
talaga ang magsasauli?"

"Oo, ikaw na."

Sinamaan ko siya ng tingin, yung tipong tagos sa cells niya. "Uy, hindi makapal ang
mukha ko para humarap sa kanya. Kaya ikaw na!" Ipinasa ko sa kanya ang binder pero
itinulak niya naman yun sa akin pabalik.

"Chararat, isipin mo nalang, pagka-givenchy mo nito sa kanya, mababawasan na yung


kasalanan natin kay Mikorin. At hmm..." he paused and shrugged his shoulders. "At
kapag nasauli mo na, isipin mo nalang na closure na ito para sa ating tatlo."

"What? Closure? Ano 'to, relasyon?" Assumerang froglita talaga 'to!

She looked certainly at me. Yung para bang seryoso siya at hindi biro ang
pinagsasasabi niya sa akin. "I'm serious. Pagkatapos nito, pik pak boom! Disappear
na tayo sa life niya at magfofocus muna tayo sa prelims. Gets?"

Napanguso nalang ako. May point siya. Kapag tinago ko pa 'tong binder niya sa akin,
parang patong-patong na yung kasalanan namin sa kanya. May lamat na nga ang
lovelife, wala pang binder. Nandito pa naman yung reg card niya. I suddenly want to
blame Eunice for this. Hindi naman dapat kami ang magsasauli nito!

"Oo na pero samahan mo ako?"

Tumango naman siya tapos parang pinagpagan pa ang binder na hawak ko gamit ang isa
niyang palad. "Sabihin mo you're sorry kasi..."

"Kasi hinack natin siya?"

Umiling naman siya ng bilis tapos tinakpan pa ang bibig ko. "Nooo, wiz mo na nga i-
mention yan. Ever. Okay?"

"Okay." Gosh, yung pagtango ko, para akong nagmukhang masunuring bata.

Ngumiti siya sabay pat sa ulo ko. "Good girl."

Pagkaharap ko sa pwesto ni Mikorin. Wala na siya. Nagpalinga-linga kami sa paligid


pero Mikorin not found. "Nasaan na si Mikorin?"

"Aba, malay. Tara!"

So ayun, hinanap namin siya sa paligid. Hindi pa naman siguro yun nakakalayo. At
tama nga, dahil naabutan namin siya palabas ng gate. Uwian na ba niya?

"Uuwi na yata, Chararat."

Ugh! Pinapahirapan kami masyado ng lalaking 'yon. Lakbo-takbo tuloy ang peg namin.
Medyo malalaki ang biyas ni Mikorin kaya malalaki din ang bawat hakbang niya. take
note, ang bagal pa niya maglakad nun ah. Paano pa kaya kung tumakbo na siya? baka
mag-Amazing Race na kami dito.

"Bilisan mo, Chararat!" Hinila na ako nun ni Badaf. Ang sakit nga e! Kahit pala
badaf 'to, astang lalaki pa rin kung makahigit. Walang kaabog-abog! Hila lang ng
hila.

"Ayun siya!"

Napahinto ako at tumingin sa tinuturo niya. What the? Ang bilis naman umakyat ni
Mikorin sa footbridge. Kaya tumakbo na kami paakyat. Hingal na hingal tuloy ako.
tagaktak pa ang pawis ko.

"Dali, habulin mo na bago pa bumaba, Chararat!" At tinulak pa ako.


Nilingon ko nga siya at sinimangutan. "Ayoko na. Ikaw nalang!"

"Ba't nagbago na naman ang isip mo?"

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas kasi ng kabog nito. Hindi ko alam kung
kinakabahan lang ba ako o talagang naiilang lang ako kay Mikorin. Kung anuman sa
dalawa, wala na akong pake basta... "Ikaw na!" At ipinasa ko na nang tuluyan sa
kanya yung binder.

"Osya. Ako na!"

Sinundan niya na si Mikorin. Eh wala naman akong choice kundi ang sumunod na rin
kaysa ang maiwan ako mag-isa sa footbridge na wala man lang roof. Nakita naming
pababa na siya kaya binilisan na namin. Medyo nagpapahuli ako. Ayoko talagang
makita ni Mikorin.

"Ay, kalurkey! Ang bilis niya," komento ni Badaf nung pababa na kami at...
"Mikorin!" tinawag pa siya.

"Uy, ano ba!" Shucks. Nakakahiya! Talagang sumigaw pa siya sa kalsada. Huhu! Bakit
po ganito si Badaf?

"MIKORIN!" Aba't kumaway pa nang tuluyan na kaming bumaba sa footbridge. "Ay,


bingi? Ayaw lumingon?"

Binatukan ko nga. "Hindi naman kasi Mikorin ang pangalan niya diba? Ayun... Pumasok
siya sa 7/11."

Naging alerto naman si Badaf at napatingin sa 7/11. Ewan ko ba pero talaga sigurong
walang hiya itong si Badaf kasi sumigaw ulit siya. "Kuyang taga-E.H.U na naka-
Jansport na bag!!"

At finally, lumingon siya. Automatiko naman akong napatakbo para magtago dun sa
likod ng kotse. Waaah! Kunwari, hindi ko kilala 'yang bakla na yan. Kanina pa nag-
eeskandalo sa kalsada e.

Medyo sumilip ako para tignan sila. Naabutan kong inaabot na ni Badaf yung binder
sa kanya and guess what? Ngumiti pa ito sa kanya. Napaiwas tuloy ako kaagad ng
tingin. What the! Dapat pala ako nalang yung nagsauli e!

"Huy, nandito ka lang pala!"

Napasapo ako sa dibdib ko sa pagkabigla. Bigla nalang kasi sumulpot si Badaf sa


gilid ko. "Oh, anyare?"
Napangiti siya. Halatang kinikilig. "Oh my gosh, friendship! What a smile. What a
dimple. What a body. Whatta handsome fez," sabay hampas sa akin. Muntikan na tuloy
akong matumba. "Successful! Nangitian pa ako."

Napapout tuloy ako. Pout ng panghihinayang. Dapat pala 'di na ako nag-inarte!

"Pero..." I stopped when he spoke again. "... sad ang mga mata niya."

***

Lumipas ang ilang araw, prelims na! Ang bilis 'no. Parang kailan lang, first day pa
lang namin sa College tapos ngayon prelim exam na namin. Syempre, nagreview talaga
ako ng bongga. No wifi over the weekend ang drama ko. Talagang desido akong maipasa
ang exam ko not until I finished our Math exam.

"Uwaaaaah!" Kunwari lang naman yung hagulhol ko pero deep inside, stress na stress
ang utak pati yung skull ko sa pag-iisip. "Badaaaaaf!"

Kakatapos lang namin sa Math exam namin at kasalukuyan na kaming palabas na ng gym.
Oo, sa gym kami nag-exam. Kaloka nga e! One meter apart ba naman ang mga armchairs
namin para no cheating. Hindi tuloy ako makadiskarte. Daig pa ang board exam sa
policy e.

"Bawi ka nalang sa midterm," Badaf answered timidly.

"Hindi pwede. Hello! What if singko ako ngayon? Mahahatak ba yung ng midterms at
finals?" Halos maglupasay na ako pababa sa hagdanan. Yumakap ako sa railings at
naupo sa stairs. "Ayoko naaaaa... Bakit ba kasi ganyan ang Math???"

"Uy, 'wag ka ngang mag-Crayola Khomeni dyan. Tumayo ka nga!" Hinila niya ako patayo
pero hindi ako kumilos. I swear to the sun and skies above, ayoko talaga sa Math.

"Badaf, sardinas na yata ang grade ko."


"Sardinas?" Naupo siya sa tabi ko at naguguluhang tinignan ako.

Lumabi naman ako sa kanya at isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Wala na 'to para
sa akin. For me, isa talaga siyang babae. Super comfortable na ako sa kanya e. Wala
na. Give up na ako sa mission ko. Wala rin naman akong time e.

"555... Sardines. 5 sa prelims, 5 sa midterm at 5 sa finals," at ngumawa na naman


ako. Pinat niya naman ang likod ko pero natatawa pa rin. Hinampas ko nga siya.

"Shunga! Ang aga muhlach pa para sabihin 'yan. Prelims pa lang o. Cheer up nga,
Chararat!"

Lumipat sa buhok ko yung kamay niya. Hinaplos-haplos niya iyon at nakakatuwa lang
kasi medyo gumaan na yung pakiramdam ko. "Eh kung nahihirapan na ako ngayon pa lang
sa prelims, paano pa kaya sa midterm at finals diba?"

"Sus, keribels mo 'yan. Tutulungan pa kita."

I looked up at him and can't help but to still look upset. "Talaga?" Nagkatitigan
kami, mata sa mata. Nung mga oras na iyon, parang biglang tumahimik ang paligid.
Medyo korny ba kung sasabihin kong... nahigit ko ang hininga ko?

"Ang ganda pala ng mga mata mo, France?"

Napakurap naman siya agad at itinulak ako na parang napaso siya. Medyo masakit 'yon
ah! "Ganun talaga kapag naka-contact lens. Tara na nga!"

"Wait lang naman!" Natatarantang sigaw ko pero mabilis masyado ang lakad niya.
Natawa nalang tuloy ako. Naguguluhan na kasi ako kung may chance ba talaga siyang
maging straight o wala na talaga.

Pababa na ako ng hagdan nang bigla nalang may sumabay sa akin. Medyo siniko pa nga
ako kaya tinignan ko siya. "Hi, Misty. Pauwi ka na?

Ngumiti ako. "Oo."

"Pasabay ha?"

"Sure."

Nagsabay na kami sa pagbaba hanggang sa makalabas na kami sa building. "Si Zion?" I


can't help but to giggle at her mere mention of Badaf's name. Kaloka. Pinanindigan
nga niya ang pagtawag tawag ng Zion kay Badaf.
"Nauna na e. Iniwan na ako."

"Ganun ba? Anyway, ang hirap ng Math 'no?"

Nawala tuloy ang ngiti sa labi ko. Naalala ko na naman ang Math na yan. "Super
hirap," I agreed with a sigh.

"Si Zion ba? Magaling sa Math?"

I just shrugged. Halatang may interes siya kay Badaf. "Medyo."

"Eh ikaw, magaling din ba? Balita ko, chicken lang daw sayo ang exam."

"Sinong nagsabi?"

"Si Zion. Pinagmamalaki niya sa akin kanina before the exam started."

Mabilis kong iniling angulo ko with conviction. "Hindi 'no!" Bumuga ako sa hangin
at napagbagsak nalang ang mga balikat ko. "Sa totoo lang, gusto ko na ring mag-
shift."

Hindi talaga ako magaling sa Math eversince. Kahit anong pilit kong mahalin ang
subject na iyon, parang isinasampal niya pa sa akin na hindi kami meant to be. Kaya
ito ako ngayon, sobrang upset. Wala na nga akong ginawa kundi ang mag-review. Kung
minsan pa ay nagsisearch ako sa youtube ng Math tutorial.

"Pero bakit ganun, Mom? I really find it difficult," I confided to mom over Skype.
Nasa States siya ngayon with Kuya Kurt samantalang ako ay nasa Pinas at nakahiga sa
kama ko. That's life!

"Napag-aaralan naman 'yan."

"Nag-aral naman po ako," depensa ko. In fact, no Mikorin for a week pa nga. As in,
after namin isauli ang binder niya nung isang Linggo, inalis na namin ang atensyon
namin sa kanya... for awhile, yeah.

I saw Mom frowned on the screen.Umaga sa kanila ngayon at gabi naman sa Pinas.
"Then are you trying to tell me that you're a quitter?"
"Mom..." I pouted my lips apologetically. Call me a quitter or anything. Kapag
numbers na ang pinag-uusapan, umaatras talaga ako. "Can I shift course?"

"What??"

"Please?" Nag-puppy face loob pa ako para mas um-effect. "Ayoko na sa Management.
Fashion Design nalang po!! Walang Math. Puro drawing lang."

Napahawak sa sentido si Mommy at saka siya umiling. Oh my... Kapag ganyan pa naman,
ibig sabihin...

"Hindi ako papayag." Sabi na e!

"Mom, please. Hindi ko na talaga keri ang Management. Ayoko na. Masisiraan ako ng
bait—"

"HIRE A MATH TUTOR, THEN!"

Offline. Ouch. Math tutor? Seriously?

=================

10. Now Hiring

10. Now Hiring

Kahit labag sa kalooban ko, ginawa ko nalang yung binilin sa akin ni Mommy. Hire a
math tutor? Edi fine.

"Ano yung drama mo sa facebook na naghahanap ka ng Math tutor?" Si Badaf ang


nagtanong as usual. It's been a week since hell, kakatapos lang ng prelims namin.
Actually, pinamigay na rin ang resulta ng exams kanina. Hindi na ako nagulat na
bagsak ako sa Math. As in, lagapak.

Huminto ako sa paglalakad nun at ipinakita kay Badaf ang hawak kong printed chuchu
na bond paper. Kakatapos lang ng lunch at bakante kami ng 3 hours bago ang next
class namin.
"Whatizdat?" Kinuha niya ang papel at saka niya ito binasa. Binawi ko rin naman
agad nang humagikhik siya. "Seriously? Naghahanap ka talaga ng Math tutor?"

Yeah right. Nakasimangot tuloy akong nagpatuloy sa paglalakad ko. Papunta kami sa
admin building para na rin idikit sa bulletin board ang papel na 'to. Desperate
moves na talaga para naman ma-survive ko ang Math! Out of 50 items, I only got 24!
Hindi pa naging 25 points, edi sana at least pasang-awa ako!

"Anong ka-eklavuhan 'yan, Chararat?" Sinabayan niya ako sa pagpasok sa admin


building. "Math tutor? Ganyan ka na ba talaga ka-weak sa Math?"

"Sige, ipamukha mo pa sa'kin! Asar." Palibhasa siya, kahit papa'no nakakasurvive sa


Math kahit nung elementary at highschool. Lahat naman ay na-eexcel niya except for
two subjects; Values Education and MAPEH. Weird, ayt?

Natawa lang siya kaya mas lalo akong naasar. Huminto kami sa admin building at
nagpasintabi dun sa mga nakaharang na estudyante na agad namang umalis.

"Osya, sarreh! Jinit ng ulo nito." He said with a giggle. "Keri mo naman ang Math
e. Diba kumpleto ka sa lecture, so whatzamatter?"

Actually, hindi ko rin alam. Na-ge-gets ko naman ang lessons pero bakit ganun?
Nganga ako tuwing quiz and exam? Ayun, napalabi nalang tuloy ako kay Badaf nun.
"Ewan ko ba. Bakit naman kasi ganun si Ma'am? Hindi yung tinuturo niya ang
lumalabas sa exam and quiz e. Like seriously? Brain freeze talaga," reklamo ko.
Totoo naman kasi.

"Ah. So, desido ka na dyan. Kaya pala nag-status ka sa facebook na naghahanap ka ng


Math tutor at wiz pa nakuntento, ipopost mo pa dyan."

Nilabas ko na yung thumbtacks mula sa bag ko at saka ko idinikit na sa board yung


printed announcement ko;

Now hiring: Private Math Tutor for a freshman student

Shifts are probably every weekend

Requirements:

Must be very good at Math and has a long thread of patience. Should also be an
E.H.U student.
Please contact 0905*******

- Misty Kirsten Lee

BA-Mgt freshman

"Okay na siguro 'to," sabi ko nang nadikit ko na finally. Medyo pinagpagan ko pa


nga ang mga kamay ko to shake off the imaginary dust.

Sumandal naman si Badaf dun sa board at pinakatitigan ako. "Err... Ako nalang
kaya?"

"Anong ikaw?" My brows pulled together in confusion.

"Ako," he said, pointing his finger to himself. "Ako nalang ang Math tutor mo."

Napaatras tuloy ako sa sinabi niya. Natawa nalang ako ng bongga. Of all pips, siya
pa? Nah. "Badaf, thanks but no. Parehas tayong freshman. Don't you think baka
maging burden ako sa studies mo?"

"Paanong magiging burden?"

"Simple lang. Imbes na yung sarili mo lang ang iisipin mo, sasabit pa ako," I
explained as a matter of factly. He shrugged his shoulders then gave up right away.

"Okay," he replied in an English accent. Napailing nalang tuloy ako ng ulo. Mas
maarte pa talaga siya sa akin. "So, what do we do next? May 3 hours vacant pa
tayo."

"Tara, retouch muna tayo?"


***

GASP!!

Buti nalang at naisipan kong mag-CR kung hindi, 'di ko pa malalaman na dinatnan na
ako. Kaya pala medyo masakit ang puson ko kaninang umaga at mainit pa ang ulo ko.
Ghad, nawala sa isip ko.

"Pa'no na 'to?" bulong ko sa sarili. Lumabas muna ako sa cubicle at saka ako
lumapit sa vendo machine sa loob pa rin ng CR at kung minamalas ka pa, wala ng
sanitary napkin!

Nagpapanic na tuloy ako kaya ni-lock ko na yung pinto. Pawis na pawis ako kasi
kanina pa ako naiinitan. Wala pa namang tao dito sa CR na 'to kasi for faculty lang
ito and I don't care anyway. Ang dami kasing tao sa CR ng mga estudyante dun sa
first floor.

Mas lalo akong nataranta nang tumunog ang phone sa loob ng bag ko. Pagka-check ng
message, si Badaf pala.

From: Badaf

Chararat, 45 years na ang nakalipas! Hindi ka pa rin lumalabas dyan.

At naramdaman kong sumakit na naman ang puson ko. Sinilip ko ang butt ko para i-
check kung may leak na. "Shucks, ano ba!" Meron na nga tagos ang palda ko! Bakit
hindi ko man lang naramdaman?

Wala na akong choice kundi ang tawagan si Badaf. Wala naman na siguro sa kanya 'to
diba? In fact, we're soul sisters. He won't mind naman kung uutusan ko siya diba?

He picked it up after two rings. "Annyeong, buti buhay ka pa?" bungad niya sa akin.
Sarcasm overoad.
"Badaf, pwedeng favor?"

"Ano?"

Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita. "Uh... Uhm, pwedeng ibili mo ako ng
napkin?"

"Table napkin o sanitary napkin?

My eyes narrowed in annoyance. Wala ako sa mood para makipag-asaran! "Sanitary


napkin with wings! Bilisan mooooo!"

Sabay patay ng tawag. Hingang malalim, Misty. Kalma. 'Wag kang magpanic. Hindi yun
makakatulong. Just... calm down. Calm down... Calm down.

Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla nalang may kumatok sa pinto. Argh! Baka
professor na yan! Lagot! Nagtakip ako ng bibig at akmang tatakbo na sana sa isang
cubicle nang marinig ko siyang nagsalita.

"Misty, si Paris 'to."

I sighed in relief. Tumakbo agad ako para pagbuksan siya pero not totally open
dahil inilabas ko lang yung ulo ko. "Badaaaaf... May tagos ako." Dapat talaga
mahihiya ako lalo na't hindi ako kumportableng pag-usapan ang bagay na ito sa
lalaki pero iba kasi siya. We're soul sister nga kasi!

"Bibili ako ng napkin?"

"Oo!"

"P-paano yung underwear mo? May tagos ka pala. Syempre, basa yan. Didikit ba-"

Nilabas ko yung isa kong braso para hampasin siya. Ano bang klaseng tanong yan!
"Basta, ibili mo ako. Ihingi mo na rin ako ng underwear sa clinic," nanggigigil na
sabi ko at isinara na yung pinto.

Actually, hindi ko alam kung may stock ng bagong underwear sa College clinic. Ang
alam ko kasi, sa high school department may stock sila sa clinic. Madalas kasi
akong tagusan noon at dun ako tumatakbo. Super manhid ko talaga para hindi ko
maramdaman na mayroon na ako. Naalala ko tuloy dati, inistorbo ko rin si Kuya Kurt
noon. Ayun, dinalhan niya ako ng isang katerbang napkin at underwear. Ang
girlfriend pa nga niya ang nag-abot sa'kin e.

Enough said. Kung ano-ano na tuloy ang pumapasok sa isip ko habang nasa loob ako ng
CR. Ilang minuto na kasi ang nakakalipas pero hindi pa rin ako binabalikan ni
Badaf. Feeling ko pa, sa sobrang init dito sa loob masusuffocate na ako.

I felt relieved when a familiar voice knocked on the door. "Misty!"

Pinagbuksan ko siya agad sabay hila sa kanya papasok. Hayaan na. Wala namang ibang
tao dito bukod sa amin. "Ba't ang tagal mo?"

"Nakaka-haggardo versoza kaya ang tumakbo papunta sa high school department!"

Nanlaki tuloy ang mga mata ko. Dun siya nagpunta? "Bakit dun?"

"Walang underwear stock sa college clinic. Osya, dali. Mag-ayos ka na," sabi niya
sabay abot sa akin ng paper bag. "Mahihimatay ang beauty ko sa tension!"

Aww! Lumambot tuloy ang puso ka sa effort niya kaya dinamba ko siya at niyakap ng
mahigpit. "Chararat!! OMG! Ano bang-"

"I love you na talaga 5ever. Thank you, soul sister!"

I felt him flinch for some seconds or was it just me? I find his body reaction
strange kaya sinilip ko ang mukha niya pero...

"Aray!" Tinulak niya ako. Buti nalang hindi gaanong malakas kundi lagapak ako sa
sahig.

"Gosh, makalayas na nga dito. You're harrassing me!" he said before he left me
laughing to death.

SABADO na. That means only one thing, walang pasok! Ganun pa man, hindi talaga ako
maka-get over sa nangyari kahapon. Pati kay Daddy, ikinuwento ko iyon. Not just
because Badaf helped me but because he acted real strange.

"Daddy, I swear, he really flinched! Niyakap ko siya ng mahigpit like this," tapos
dinemo ko pa sa teddy bear ko sabay hagikhik. Nasa kwarto kasi ako ni Daddy habang
siya naman ay nanunuod ng news on TV, "- and promise Dad, para siyang natigilan.
Hindi kaya may nafeel siyang kakaiba?"

"Kakaiba? What do you mean?"


Dumampot ako sa bowl of popcorn na hawak niya at saka ko iyon isinubo. "Like he was
thinking 'Wow! Is this the feeling of being hugged by a girl? It feels... kilig! I
wanna be a boy na'. Like that, dad."

Natawa nalang tuloy si Daddy sa sinabi ko. Feel ko tuloy, mukha akong baliw sa demo
ko. "Ang bading pa rin ng dating kung yun ang nasa isip niya. Just... take it slow,
baby. 'Wag mong biglain. Magiging straight din yan si France."

"I know right!" I replied energetically as I sat next to him. "Kailangan pala
maging cute ako sa harap niya para lagi po siyang mailang sa akin, Dad."

From the 32" inch flat screen TV, his eyes switched to me, a kind of scrutinizing
look indeed. Natahimik tuloy ako. "Baka naman sa kakaganyan mo kay France, ikaw ang
magkagusto sa kanya... hmm?"

"Dad!" I gawked, slapping his arm jokingly. What a ridiculous joke he got there.
"Hindi 'no. I will never fall for him."

"Really huh?"

"Yeah, he's not my type. Gusto ko yung lalaking lalaki," sabi ko at kusang naalala
ko tuloy si Mikorin kaya napangiti nalang ako. "And besides, may crush po ako sa
campus."

"Crush? And who's the lucky bas-tard?"

I grinned to him from ear to ear before I wrapped my arms around his. Ganito ako
ka-clingy kay Daddy. "A civil engineering student in E.H.U.," and then sighed
dreamily. "Pero crush lang naman iyon, Dad. I'm still you're baby."

He chuckled as he messed my hair. "You better be. Studies muna, okay?"

"Okay!" I replied before I remembered something. "Speaking of, mag-aaral muna po


ako."

I dozed off to my bedroom and opened my netbook. Dumapa ako sa kama at inumpisahan
na ang pagriresearch ko. May essay nga pala kaming assignment sa Computer, about
Robots and everything.

I was starting to get busy on surfing the net, when my phone suddenly rang.

Who else would that be?


"Chararat!"

Napailing nalang ako ng ulo sa high pitch niyang boses. "Oh?" Ni-loud speak ko
nalang at saka ko nilapag sa kama. My attention back on the netbook.

"Online ka?"

"Yep, not on my social media accounts though. Why?"

"Oh my gosh, you better get on your facebook. I-click mo yung piniem ko sayo."

I frowned as his voice's urgency. Para siyang nagpapanic na naeexcite. I dunno.


"Now na?"

"Yes, as in now na!"

Hindi na ako sumagot. Nag-login nalang ako sa facebook ko. Then, I hit on my inbox
and found his message. Clinick ko yung link na sinend niya which brought me to a
certain post from... "E.H.U Confession??"

"Na-sight mo na?"

Natawa nalang ako. "May ganito pala sa E.H.U?"

"Oo, bilis! I-read mo na yung post."

I just shrugged my shoulders and started reading the whole thing. As I read
further, my eyeballs couldn't seem to help but to widen in shock.

She broken up with me. I don't know why. Maybe because of that stupid hacker or she
just choose to cheated me. Sana maging masaya ka sa ginawa mo.

GeckoLizard
Engineering Dept.

This is saddening. Bukod kasi sa saddening yung post at alam ko kung sino yung
person behind this post, RIP din ang grammar.

=================

11. G-tec

11. G-tec

Monday morning and everything seems to be gloomy including this annoying little
thing beside me. Hinihintay namin ang prof namin sa Computer lecture. Thirty
minutes na kasing late. Ayun, nabo-bore tuloy kami ni Badaf dito sa classroom.

"Hindi ako maka-get over sa confession na yun, Badaf." I tried to crack a talk with
him. Nakanguso kasi siya at nakapangalumbaba sa desk. Parang wala sa mood.

"Yeah. Ka-turn off ang grammar."

I chuckled witfully at him. Actually, hindi ako na-turn off. Though, mixed emotions
ang naramdaman ko. Hindi ko kasi alam kung malulungkot ba talaga ako sa post o
matatawa sa grammar niya.

"Ang pangit pa ng penmanship," he added timidly so I slapped his arms jokingly.

"Pangit din naman ang penmanship ko. At saka hello, hindi mo ba alam na, people who
have bad penmanship are the beautiful and handsome ones?"

"Pfft!" He rolled his eyes before he pulled my pigtailed hair. Paborito niya talang
gawin iyon sa akin. Palibhasa, literal na mahaba ang hair ko. Eh yung kanya, bangs
lang ang mahaba. "So, meant to be na kayo ngayon nyan?"

"Hindi naman. Medyo click lang."


Inilingan niya lang ako ng ulo habang nakangiti na halatang pang-asar lang and then
here goes silence again. Sigh. Wala talaga siya sa mood. Hindi tuloy ako sanay.

Inilapit ko nga yung arm chair sa kanya saka ko nilaro-laro ang buhok niya. "May
problema ba, Badaf?" I asked worriedly.

Medyo maingay ang classroom. Just imagine a high school classroom while the
teacher's not around. Yung iba, natutulog at nakamukmok sa desk, yung iba naman ay
may earplugs at walang pakielam sa sarili at yung iba naman ay nagchichikahan lang.
I didn't know na ganito rin pala sa college.

"W-wala."

Sinilip ko ang mukha niya pero nag-iwas siya ng tingin. Aba, meron ngang problema
ang bakla. "Meron e. C'mon, Badaf. Tell me... Ano pa't naging soul sister kita?"

Aww, and the sweetest friend goes to Misty Kirsten Lee. Thanks everyone. *bow*

"You won't understand," nakalabing sabi niya sa akin at pagkatapos ay inipit niya
pa yung imaginary long hair niya sa tainga niya.

"Ay, nagmamaganda?" tanong ko at pinagpatuloy ang paglalaro sa brown hair niya.


Hindi ko nga alam kung ba't hindi kami sinisita ng instructor namin sa NSTP about
sa brown hair namin ni Badaf e bawal nga ang may hair color.

Badaf frowned at me, or more like a puppy face look? Parang nagpapaawa. "Tatawanan
mo lang ako sa problema ko."

"I won't!"

"Knowing you? Nah." Binatukan ko nga. "Ouchiebells!" Asar e! Halata namang


concerned ako tapos siya naman 'tong nag-iinarte pa.

"Sabihin mo na kasi," pilit ko.

Bumuntong-hininga lang siya at humarap na sa akin. Mukhang seyoso ang Badaf.


"Pinagbantaan kasi ako ni Mama e."

"Na?"

"Na hindi niya ako bibigyan ng mana."

My forehead creased in confusion. Kulang kulang naman kasi magsalita. "At bakit?"
"Eh kasi..."

"Kasi what?"

"Eehh..."

Pok! Nasapul ko na naman tuloy ng batok. Nag-iinarte na e. "Ayusin mo nga! Sabihin


mo ng maayos," iritableng sabi ko.

He breathed out, seemed to calm himself. Mukhang naasar din e. "She wants me to
become a straight guy. Kapag hindi raw ako naging lalaki, hindi niya ako
papamanahan. Now, do you understand??"

I pursed my lips in his sudden outburst. And then something hit my mind. Aha! Yung
deal nga pala namin ni Daddy. Sinuyod ko ng tingin ang kabuuan niya mula ulo
hanggang paa sabay ngiti ng malaki.

"Magpakalalaki ka kasi!"

He rolled his eyes upwards as a b1tch can do. "Duh? Ayoko nga."

"Eh yun lang ang dapat mong gawin. Ano pa ba?"

He lifted his one leg to another. De-kwatro pa ang nais! "No way. Kita mo namang
girlash na girlash ako tapos..."

Humalakhak ako. Napatingin tuloy sa akin ang mga kaklase namin kaya nag-bow ako sa
kanila apologetically before I glanced back at him. "Shungabells lang, Badaf?
Lalaki ka." I even cupped his face and squeezed it eagerly. "Gwapong lalaki pa."

"Ewwness ha!" reklamo niya at saka niya tinabig ang mga kamay ko. Syempre ibinalik
ko. Papatinag ba naman ako? "Tutulungan kita, Badaf."

"What kind of help?" He asked, confusion took over.

Ngumisi naman ako. Pinisil-pisil ko pa ang makinis niyang mukha sabay yugyog sa ulo
niya. "I'll help you transform. I don't take no as an answer."

"What—"

"Oo o yes?"
He seriously stared at me for awhile and sighed, giving up. "Edi wow. Oo nalang,"
he replied and I almost shrieked.

After class, we went to the nearest boutique in town. Hindi ko ma-contain ang
nararamdaman ko kasi malapit ko nang maaccomplish ang mission ko effortlessly. I
never thought Badaf would think about this. Akala ko kasi forever na siyang Badaf
pero it turns out na... may 50% chance!

"Gaga, 90% chance lang," sabi niya sa akin habang pinipili ko siya ng damit sa
isang boutique. Syempre ATM card niya ang gamit. "'Wag kang assumera. Girl at heart
pa rin ako. I just wanted to look like a real guy sa eyeballs ni Mama para
mapamanahan ako."

Weird nga ng plano niya e. Magpapanggap lang daw siyang lalaki sa harap ng pamilya
niya para lang daw mabigyan siya ng Mama niya ng mana. Sabi ko nga, ba't 'di nalang
niya panindigan diba? So weird kasi, ngayon pa siya maghohold back kung kailan
ladlad na siya. Tch.

"Try this one tapos ito pa, and this too." Sunod-sunod yung inabot ko sa kanyang
damit at saka ko siya tinulak sa fitting room.

Yung mukha naman niya parang aburido na. Hahaha! I so love what I'm doing. Nakaka-
enjoy pala ang ganito. "Chararat, anong fashion 'to? Kadirdir ah."

Tuluyan ko na siyang naitulak sa loob ng fitting room kaso nagpupumiglas siya.


"Behave nga, France!" asik ko.

"Eehh... ang plain naman kasi ng color. Kuha ka ng tangerine at neon pink para K-
pop!"

Sinamaan ko nga ng tingin. Hindi na ako nakapagtimpi kaya pumasok na rin ako sa
loob ng fitting room. Sa gulat nga niya ay nagsumiksik siya sa gilid. "Isusukat mo
'yan o hindi?"

"Chararat naman—"

Akmang hahawakan ko sana ang uniform niya nang yakapin niya ang sarili niya. "'Wag
pooooo."

Asar ha! Para naman akong naging rap1st nito but then again, let me try it. "Ako
ang maghuhubad sayo o susukatin mo na yan?"
He pouted his lips and nodded his head in surrender. "Susukatin ko na, pervert!"

Ang laki tuloy ng ngisi ko nang malakabas na ako sa fitting room. Sitting pretty pa
ako sa couch habang tumitingin ng fashion trend sa magazine habang hinihintay siya.
Naeexcite ako sa magiging resulta. Magmumukha kaya siyang boy next door, rockstar,
model, celebrity or...

Nahawi ang kurtina ng fitting room kaya agad akong nag-angat ng tingin from the
magazine to him.

... and gosh, he looks like a demigod for forever's sake kahit na sabihin ng iba na
walang forever pero asdfghjkl!!!

"Pak na pak!!" komento ko at napatayo nalang sa pagkakaupo sa couch at saka ko siya


nilapitan. "Shemay! Ang gwapo mo!!" Sabay hampas sa braso niya.

Siya naman ay pakamot-kamot lang sa ulo at pulampula pa ang buong mukha. Marahil sa
kahihiyan?

"Ang chaka kaya."

"Anong chaka?? 'Yan nga ang pinakasimple sa lahat ng pinili ko pero nagmukha pa rin
elegante sayo." Seryoso! It was just a plain white shirt, black cardigan and ripped
jeans which perfectly matches the sneakers.

Hindi pa rin maipinta ang mukha niya kaya hinarap ko siya sa salamin. Kahit na
matangkad siya, humawak pa rin ako sa magkabilang balikat niya at parehas naming
pinagmasdan ang reflection niya sa salamin.

"Ang gwapo mo kaya," I said in a low tone. No joke. It was purely fact. He's indeed
handsome. "Simula ngayon, ako na ang coach mo para maging straight guy ka ha?"

***
From: Badaf

Gosh, Chararat. Natuwa si Mama sa new look ko. Thankies. Mwah!

Napangisi nalang ako ng malaki sa text sa akin ni Badaf. Hindi talaga ako maka-get
over dun kahit na kagabi niya pa iyon tinext sa akin. Hindi ko alam, feeling ko
kasi, isang malaking achievement para sa akin ang maisagawa ang oplan: gawing
straight si Badaf. Ano pa kayang susunod na step?

Naisipan kong sa library muna mag-stay habang nasa Computer lab pa si Badaf.
Pratical quiz kasi nila ngayon. Tapos na rin naman ako kaya dumiretso muna ako dito
para magpalamig.

Mukha lang naka-focus ang mga mata ko sa libro habang nakapwesto sa mahabang
lamesang ito, pero ang totoo sa likod ng libro ay nakatago ang phone ko. Bawal
kasing tumambay dito kapag hindi nagbabasa, nag-aaral o nagriresearch. Para-paraan
lang.

Nasa gitna ako nang paglalaro ng Pou app ko nang maramdaman kong may pumwesto sa
kaliwa ko. Hindi ko naman pinagkaabalahang tignan pa kung sino siya kasi busy ako
kay Pou. Naglalaro ako ng memory game, baka ma-out of focus ako. Malapit na pa
naman ako sa level 20.

"Hi, Misty. 'Kaw pala yan."

Pagkarinig ko ng boses na iyon, pinause ko muna ang laro ko para tignan kung sino
siya. "Hey, tapos ka na sa practical?" Si Eunice pala.

Ngumiti siya sa akin bago nagbuklat ng libro. She did the same thing. Nilagay niya
dun sa pagitan ng libro yung phone niya. "Oo, hindi ko naman nagawa lahat. Na-
mental block ako."

And that's it. Hindi ko na siya inimik nun. Nagfocus ulit ako sa Pou. Ganun din
siya sa phone niya. I think, Wattpad app yata yung in-open niya. I was busy playing
with my Pou's Skyjump when I felt somebody pulled a chair infront of me. Same thing
I did, hindi ko siya tinignan. OMG! Baka ma-game over ako.

"Hey," sabi ng boses. Boses lalaki pero wala akong care. Ang dami ng coins ni Pou.
Yay!

"Uy, nandyan ka pala. Wala ka ng klase?" Boses naman ni Eunice. Ah, si Eunice pala
yung kausap.
"Thirty minutes vacant. Excuse me."

UGH! Nahulog si Pou. Ayun, na-dead ako. Pagtingin ko sa harapan, wala na yung
lalaki. Si Eunice naman, na-sense kong nakangiti sa akin kaya tinignan ko siya.
"Bakit?"

"Wala," she giggled and as if on cue, narinig namin yung bell ng librarian. Ganun
kasi yun kapag nakakarinig ng ingay. Papatunugin agad yung bell niya na akala mo ay
nagtitinda ng ice cream. "Oopps, napalakas yata ang boses ko."

"Ikaw kasi," I replied, grinning.

Umiling naman siya sabay nguso sa harapan namin. Geez, lumapat ang tingin ko sa
malapad na likod ni Mikorin na nakasuot ng regular uniform na pinatungan ng gray na
jacket na ngayon ay kumukuha ng libro sa shelf. Waah! Kanina pa kaya siya dyan?
Don't tell me siya yung naupo sa harapan ko???

I felt Eunice nudged me. "Gusto mong ipakilala kita?"

I gasped in surprise. "Nah, 'wag. Nakakahiya!" I swear, nagliliyab sa init ang


buong mukha ko. Nahihiya talaga ako. I'm awkward around handsome boys. FYI.

"Bakit?"

"Eehh... Basta," sagot ko and holy potatoes! He came to our table and sat infront
of us. Napayuko tuloy ako sa libro. Hindi ako makahinga ng maayos!

I could see how Eunice smiled sheepishly at my reaction through my peripheral


vision. Napayuko tuloy ako lalo sa librong hawak ko. Nasaan ka na ba, Badaf? I need
you right now. Huhuhu!

"Ano yan, Tyrone?" asked Eunice.

"Nagri-research ako tungkol sa leadership. Assignment namin sa NSTP," sabi nito at


napalunok ako. Ang gwapo ng boses! ASDFGHJKL!

Sinubukan ko siyang sulyapan ng pasikreto. Ibinaba ko ng bahagya ang libro at


tinignan siya pero nagbawi din ako ng tingin kasi pakiramdam ko, hinihigitan ako ng
hininga. Told you, I'm awkward like this infront of handsome guys or specifically,
my crush.

"Ang haba naman nito. Badtrip," he ranted and Eunice chuckled softly. Ang cute niya
magreklamo!
Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Eunice kaya tinignan ko siya ng mataman. "May
internet naman kasi, ba't ka pa nagtitiis dyan?

"Trip ko lang. Aish," iritableng sabi niya. Pasimple ko ulit siyang tinignan.
Tinataktak niya yung ballpen niya. "Eunice, may pen ka pa? Pahiram naman."

"Wala e. Ikaw, Misty?"

Lumunok ako. I swear, my hands are shaking. Hindi ako makatingin kay Mikorin kasi
alam kong nasa akin ang mga mata niya for the first time. Never niya pa akong
tinignan noon dahil para lang akong hangin sa kanya.

"Uh... Meron," sagot ko at narinig kong tumawa ng mahina si Eunice. Napansin niya
yata ang pagkataranta ko nung hinanap ko yung G-tec ko mula sa bag ko. "Ito oh..."
Inabot ko kay Eunice yung pen ko pero nailing lang siya at inginuso si Mikorin sa
harapan ko.

"Salamat."

Crap! Naiilang ako. Sobra. Nagmukha siguro akong shunga nang pina-slide ko sa mesa
papunta kay Mikorin yung G-tec at saka ako tumayo. I need to breathe some fresh
air!

"Saan ka pupunta?" tanong ni Eunice sa akin.

Nagkibit-balikat ako at kinuha na yung bag ko. Bahala na yung libro. Hindi ko na
isasauli yan sa shelf. "S-si Badaf, baka hinahanap na ako."

"Saglit lang, Miss. Yung pen mo." Boses ni Mikorin pero hindi ko siya tinignan at
dumiretso na palabas ng library.

Dumiretso ako sa corridor at dun ako nakahinga ng maluwag. "Hoo!" Sapo-sapo ko ang
dibdib kong nagwawala sa kaba. Grabe. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong
feeling sa 16 years of existence ko. Natatakot tuloy ako para sa sarili ko. Malala
na ako.

"Chararat!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang sumulpot si Badaf sa kaliwa ko. Nangunot ang noo
niya nang makita ang mukha ko. Mukha siguro akong constipated. I can't help it!

"Anyare?" He asked, confused. Hindi naman ako nakasagot agad kaya nagsalita na
siya, nag-conclude rather. "Nakahanap ka na ng Math tutor?"

Naku, pinaalala niya pa. Magtatapos nalang ang July pero hindi pa ako nakakahanap
ng Math tutor. Ni walang nag-aapproach sa akin sa text or in person. I shook the
thought off my head for awhile kasi hindi naman yun ang issue dito.

"Nakita ko si Mikorin kanina," eksplika ko at sigurado akong namumula ang buong


mukha ko sa sobrang kilig. Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Badaf, you won't
believe it."

"Naniniwala ako. Duh?"

Hinawakan ko siya sa braso. Pakiramdam ko, sasabog na ako. "Sa library, kani-kanina
lang, I let him borrow my G-tec," I said, almost shrieking. I wanna let this all
out.

Tinignan ko ang reaskyon niya. Nagtaka ako kasi kung dati ay nakikikilig siya sa
akin, pwes iba ngayon. He frowned before he gripped on his backpack strap.

"Ang mahal ng G-tec. Sinayang mo. Harot nito," sabi niya bago akong iniwang
nakatanga sa corridor.

=================

12. Fall For You

12. Fall For You

Nanghihinayang tuloy ako kung ba't 'di ko binawi yung pinahiram kong G-tec kay
Mikorin kanina. Wala tuloy akong magamit ngayon. Ang haba pa naman ng lecture!
Siniko ko si Badaf pero hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Focus lang
siya sa pagsusulat. "Psst... Pahiram ng ballpen?"

"Wala na akong extra pen," bulong niya pabalik. Nagpanic tuloy ako. Ang haba na
nang nasusulat ni Sir. Baka hindi ako makahabol!

Nilibot ko ang paningin sa mga kaklase ko na lahat ay nakayuko at nagsusulat. Sa


katunayan, ako lang ang bukod tanging naka-lift ang ulo. Kaya naman nung lumingon
si Sir, nagkunwari akong nagsusulat kahit wala naman akong pen. Geez.

"Nakakainis," bulong ko sa sarili. Hihiram sana ako sa mga katabi ko kaso ang
awkward naman nun, e 'di nga nila ako pinapansin. Si Eunice naman ay nakapuwesto sa
bandang harapan. Kamusta naman yung puwesto kong nasa 3rd row diba? Baka mabulabog
ko ang buong classroom kapag hiniraman ko siya.

Humugot ako ng malalim na hininga bago ulit binalingan si Badaf. Nakakadalawang


pages na siya. Shemay.

"Wala ka na ba talagang ballpen?"

Umismid lang siya kaya kumunot na yung noo ko. Actually, kanina ko pa napapansin
yung mood niya. Para siyang iritable na naiinis.

"Hmp. Edi kung wala, edi wala. Asar."


Kaya naman nung nag-dismiss na si Sir, nagmamadali na rin akong lumabas ng
classroom. Lakad-takbo pa ang ginawa kong pagbaba sa hagdanan. Ano bang meron kay
Badaf ngayon at ganun nalang ang mood niya? Kung babae lang siya, iisipin kong PMS-
ing lang siya kaso we all know naman na lalaki siya, so malamang hindi yun PMS.

"Nakakaasar. Pwede naman kasing 'wag akong pag-ismiran at sagutin nalang ako ng
maayos pero... Grr!" Naiiritang bulong ko sa sarili nang tuluyan na akong makalabas
ng building.

Papunta na ako nun sa car park nang marinig ko yung boses niyang tinatawag ang
pangalan ko. "Misty!"

Aba, asensado. Hindi na 'chararat' ang tawag sa akin? Ignore him, Misty. Lakad lang
ng la---

"Ano ba!" May humila kasi sa buhok ko mula sa likod at syempre sino ba namang
gagawa nun?

"Ang speedy mo." Medyo hinihingal na sabi niya. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy
na sa paglalakad. Bahala siya dyan. "Chararat, anong kadramahan na naman ba yan?
Nagtatampo ka ba kasi hindi kita pinahiram ng pen?"

Hindi lang yun, shunga!

"Ay, snobby?" Sinabayan niya ako sa paglalakad pero dedma pa rin ako. "Wala nga
kasi akong pen. O," sabi niya sabay bigay sa akin backpack niya.
Pinagtaasan ko naman siya ng isang kilay. "Ano'ng gagawin ko dito?" pagtataray ko.
Akala niya, siya lang ang may powers para magtaray. Pwes, noooo!

Nagkibit-balikat siya at ngumuso sa bag na hawak ko. "Check mo kung may pen. Ito
lang ang pen ko." Napatingin ako sa G-tec na hawak niya at naalala ko na naman yung
pen ko kay Mikorin.

"Oo na!" Padabog kong binalik sa kanya ang bag. Ngumuso naman siya. Mas lalo tuloy
akong naaasar. "Ayoko kasi nung pinag-iismiran mo ako, France. Nakakainis kaya."

Napakamot siya sa ulo sabay hinga ng malalim. Parang nahihiya siya na hindi ko
maintindihan. "Sarreh. Meron kasi ako ngayon kaya mainit ang--"

As usual, nabatukan ko na naman siya, pero in fairness, nawala yung inis ko sa


kanya nang ngumiti na siya sa akin. Nadala na rin tuloy ako sa ngiti niya. "So,
bati na tayo?"

"Oo na," I said with a small smile pero napalitan din ito ng pag-aalala nang
maalala ko yung lecture. "Paano yung lecture, Badaf? Wala man lang akong nasulat."

"Ipapahiram ko nalang sa'yo yung notes ko. Wait..." Nilabas niya ang binder niya
mula sa pink niyang bag tapos binuklat dun sa CF note. He was about to remove it
when he realized that it wasn't detachable. "Ay... Ayaw matanggal."

"Ipahiram mo nalang sa akin 'yang binder mo. Isasauli ko nalang sayo tomorrow."
His lips twitched apologetically perhaps. "Hindi puwede e. May quiz pa naman tayo
sa SocScie bukas. Ayoko namang mag-cram," paliwanag niya at napasimangot nalang
ako. Grade conscious ang peg.

"Hala, paano yan?"

Hindi niya ako sinagot at nagulat nalang ako nang hilain niya ako sa braso at
tinangay kung saan.

***

"Hindi mo man lang sinabi na may bisita kang dadalhin, France!"

Napilitan nalang akong ngumiti sa Mom ni France. Ang awkward lang kasi sa feeling
na sa bahay nila ako dinala ni Badaf. Wala akong idea. Ako naman itong nagpatangay.
Yan tuloy, nawindang ako ngayon.
"Kumain ka na ba, Misty?" She asked with a sweet smile. Nakapuwesto kami ngayon sa
sala ni Badaf. Kokopya lang naman ako ng lecture e.

"Opo."

"Ng lunch? Miryenda?"

Napilitan akong ngumiti. Nahihiya ako. "Lunch po."

Umakto siyang nagulat sa sinabi ko. What's so surprising about what I said?
"Alright. Ipaghahanda ko kayo ng makakain. France, hijo, ikaw nang bahala sa
dalagang kasama mo ha?"

"Yeah, Mom."

Ngiting-ngiti si Tita Sandra, ang Mom ni Badaf habang ume-exit sa paningin namin.
Nakaharap ba naman sa amin habang pumasok sa kusina e. Hindi ko na tuloy napigilan
ang sarili ko na pakawalan yung kanina ko pa kinikimkim na tawa sa sistema ko.

"Ang cute ng Mom mo!" I said while giggling. Sinamaan niya ako ng tingin at
inilingan lang ako ng ulo.

"Ano'ng cute kay Mama? Bungangers yun... like you---aww!" Sinuntok ko kasi siya sa
braso. Bungangera ba ako? "Joke. Natutuwa lang yun kasi sinama kita dito sa bahay."
Hindi na ito yung unang beses na pumunta ako sa bahay nila Badaf. Kapag may okasyon
kasi ay nagpupunta kami dito noon lalo na nung mga panahong hindi pa separated yung
parents niya.

Maganda yung bahay nila. Malaki at malawak. Townhouse type. May garden, pool, patio
at... 4 floors yung bahay. Kaso mas bet ko yung new house ng Dad niya kasama ang
step-mom niya. Glass house kasi yun. I just remember the last time we went there is
when Badaf's splashy birthday was held there.

"Dito rin nakatira lahat ng kapatid mo?" Tanong ko habang kumokopya ako ng lecture.

"Yeboi. Si Kuya Wayne lang ang hindi. Nasa poder siya ni Daddy Bear," sagot niya at
naramdaman kong naupo siya sa tabi ko sa sahig. Nagsisimula na rin kasi siyang mag-
review. "If you don't mind, pinapili kayo ng parents niyo kung kanino niyo gusto
sumama nung nag-divorce na ang parents niyo?"

"Betsung ni Daddy Bear na kunin kaming lahat; ako, si Wesley at Kuya Wayne..." Si
Wesley ay yung bunso niyang kapatid na 5 years old yata. Tatlo sila at puro lalaki.
Siya ang pangalawa sa kanila. "Eh ayaw ni Mama. Gusto niya sa kanya daw kami.
Pinakiusap lang ni Papa na sa kanya nalang si Kuya Wayne kasi favorite niya yun."

"Sinabi niya yun?" Ang sakit naman nun. Buti nalang kami ni Kuya Kurt, walang
favoritism.

"Hindi. Ramdam ko lang. At saka ayaw din ni Kuya Wayne dito sa bahay kasi pinag-
iinitan siya ni Mama."

Binaba ko yung pen ko saglit para tignan siya. Seryoso siyang nagbabasa ng notes
niya. "Kung tatanungin ka, kanino mo gustong sumama?"

Natigilan siya saglit. Mula sa notes, nalipat ang tingin niya sa akin. Did I hit a
nerve? Nataranta tuloy ako. "Never mind--"

"Kay Dad sana," sabi niya at natahimik ako. Bumuntong-hininga siya at ngumiti ng
mapait. "... at kay Mama. Gusto ko silang magsama ulit. I want them to be together
again. Imposible na nga lang yun sa ngayon kasi kasal na si Dad sa iba."

Nadala ako sa kalungkutan niya. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa nakikita
ko sa mga mata niya. Behind his witty attitude lies his soft side. Mahirap siguro
yung pinagdadaanan niya.

Without any second thought, I drew my arms around him to give him a warm hug. I
felt him wince a bit. He didn't hug me back but I felt him place his head over my
shoulder blade.

"Okay lang 'yan, France. Magiging ayos din ang lahat," bulong ko sa kanya. Hindi
siya sumagot pero isa lang ang narinig ko at iyon ay ang shutter sound mula sa
harapan namin.

FLASH!

Para tuloy kaming napaso na bumitaw sa isa't-isa. I was shocked to see Tita Sandra
aiming a digicam at us, giggling like there's no tomorrow. Hala!

"MAMA!!"
"I can't help it. Must capture moment e!"

Nung tinignan ko si Badaf, pulampula ang mukha niya. Naiilang man ako ngayon pero
hindi naman nag-init ang buong mukha ko gaya ng kanya. OMG! May effect ba ako sa
kanya?

He stood up and gathered his stuff. Nagtaka ako kasi parang aalis siya. "Saan ka
pupunta?" I asked.

"Hey, France. Iiwan mo ba ang dalagang kasama mo?" Si Tita Sandra naman ang
nagtanong.

Napakamot siya sa ulo niya at nilingon ako. Then, he grabbed my stuff. "Sa kwarto
ko nalang nga tayo mag-review," he said as he stormed off, leaving us speechless.

Ano? Sa kwarto niya?

"Ayieee... Sa kwarto pa talaga niya," naeexcite na sabi ni Tita Sandra at wala na


akong nagawa kundi ang tumawa nalang dahil ang cool niya.

"Tita naman po."


Ngumiti lang siya sa akin ng nakakaloko saka niya ako nilapitan para kunin ang
kamay ko. "Tara. Hayaan mo yung si France sa taas. Tulungan mo muna akong maghanda
ng food nang makapagkwentuhan na rin tayo."

Sa kusina kami dumiretso ni Tita Sandra. I told you, hindi na ako iba sa bahay na
'to. Medyo nag-iba lang ang ihip ng hangin this time dahil si France na ang kasama
ko, dahilan kaya tuwang-tuwa ang Mom niya.

"I can't believe that you're guys dating na," she exclaimed and I almost drop my
jaw open. "Bagay kayo ng anak ko. Magkakabata kayo e. Sabay na kayong lumaki."

I shoved my hand on her while shaking my head no. "Tita, hindi po kami nag-de-date.
Magkaibigan lang po kami."

Tinignan niya ako nang may pagtataka. "Ay, hindi pa ba?"

I wanted to facepalm myself. Bakit may 'pa'? Wala namang possibility na mag-de-date
kami. "Hindi po talaga. BFF lang po talaga kami. Like SS..."

"SS?"

I grinned. "Soul sisters."

Nasamid siya kahit hindi naman siya kumakain. Tinigil niya yung pag-pupush ng
button dun sa blender saka niya ako hinarap sa high stools. "Misty, ito na nga yung
pakiusap ko sa'yo."

"Po?"

She held both my hands and looked to me straight in the eye. "Please don't tolerate
him na 'gay' siya. Tinatakot ko nga siya na hindi ko siya pamamanahan kapag hindi
siya naging straight. I just don't know if he believes me, eh hindi pa naman ako
mamamatay." She paused and knocked thrice on the table. "Ang lame lang ng panakot
ko. Please, don't tell it to him ha?"

Napanganga tuloy ako. OMG! Panakot niya lang pala yun? Naniniwala kaya si Badaf,
kaya nga siya problemado last time e.

"Okay po, pero naniniwala po si Ba---France sa panakot niyo po."

She looked to me in mischief. "Really?" I nodded my head. "Ipapantakot ko sana na


kung hindi siya magiging straight ay ipapakasal ko siya sa anak ng kaibigan ko,
pero naisip ko na baka magrebelde siya kaysa ang magpaka-straight, right?"

Napatango nalang ako. May point siya. "So, ano pong maitutulong ko?" Really, Misty?
You're offering help?

She expelled a sigh before she spoke. Seriousness evident in her eyes. "Gusto kong
akitin mo siya---"

"AKITIN!?" Napabitaw tuloy ako sa paghawak niya ng kamay sa akin. "Tita naman..."
That's absurd!

"Not like 'akitin' na iseseduce mo siya in 'that' way. Ano lang... Make him like
you. Make him like a girl not a guy. Make him fall for you."

Napasinghap ako. Mapapasubo ba ako dito? And then I remember the deal my dad and I
have. Para tuloy may bumbilyang umilaw sa ulo ko from that very second.

"What if he falls hard and yet I don't?" I asked whispery.

"Then, let him fall. You don't have to fall for him in return. Neither you can't
force yourself to fall for him nor you can tell what will happen in the process.
Basta ang importante, in order to make him straight, siya dapat ang mahulog...
sa'yo."

=================

13. Volunteer

13. Volunteer

"Bakit ngayon ka lang? Tapos na kaya akong magreview. Duh?" Yun ang bungad sa akin
ni Badaf nang pumahik na ako sa kwarto niya. He raised a brow when he saw me
carrying the tray of food. "Bakit ikaw ang nagdala n'yan? Amin na nga."

Nilapitan niya ako para kunin yung tray at saka niya inilapagag sa study table.
Lumilipad ang utak ko dahil sa pinag-usapan namin ni Tita Sandra. Let him fall?
Parang ang hirap naman nun.
"Kain muna tayo, Chararat."

Naupo ako sa isang upuan sa tapat ng study table at nakidampot na rin ng cupcake na
freshly baked pa. Dun ko lang inilibot ang paningin ko sa kwaro niya. Kulay blue
ang wallpaper pero puro K-pop posters ang nakadikit sa bawat spaces.

"Pasensya ka na sa mudra ko. Sabi sa'yo matindi ang bungangers nun e," sabi niya
bago kumagat sa cupcake. "Anong pinag-usapan niyong dalawa sa baba? Ba't umabot ka
ng 35 years dun?"

Umiwas ako ng tingin para magsalin ng fruit shake sa baso ko. "W...wala naman.
Kinamusta ka lang niya sa akin."

"Yun lang? Tapos umabot ka ng kalahating dekada dun?"

Para niya akong hinuhuli base sa tingin niya sa akin but I brushed it off and
grinned like a fool. A deal is a deal, and yes, I haven't agreed to her Mom yet na
gagawin ko 'yon pero parang yun na rin yung ginagawa ko ngayon dahil sa deal naming
dalawa ni Dad.

"Napagkamalan niya tayong nagde-date," I retorted.

He almost choked. "Eww! Ba't naman kita i-de-date? Ikaw ba si GD? Kasing hot mo ba
si T.O.P?"

I rolled my eyes on him. Hindi ko man kilala yung mga sinasabi niya pero alam kong
mga lalaki yun. Mahihirapan yata ako nito. "Nah, 'wag kang OA. Sinabi ko rin naman
yung totoo. We're not dating."

"Good."

Hindi na kami umimik pagkatapos nun. Nag-resume na rin kasi ako sa pagsusulat ng
lecture at ganun din siya sa pagrereview ng notes. Nananakit ang mga daliri ko nang
matapos na ako. Ang haba ba naman kasi ng sinulat ko e.

Tinitigan ko yung pinag-kopyahan ko. Nakakatuwa kasi ang ganda ng sulat ni Badaf.
Eh ako, gumaganda lang ang sulat ko kapag G-tec ang gamit ko. Speaking of...

"Akin nalang 'tong G-tec mo ha?" sabi ko kay Badaf na nakahiga sa kama. Hindi ko
alam kung nagrereview ba o hindi kasi nakapikit siya.

"Ayoko nga. Harot mo kasi e. Pinahiram mo pa kay Mikorin. 'Yan tuloy, wala kang
magamit ngayon."
Sinarado ko ang notes ko at saka ako sumampa sa kama. Nakahiga na rin ako sa tabi
niya. Napagod ako e.

"Ba't ka nandito?! Gosh, magkakagerms ang kama ko," reklamo niya kaya siniksik ko
pa siya. Nakagilid kasi ang kama niya sa pader. "Ouchie!"

"Akin nalang yung G-tec mo. Palitan ko nalang bukas," malambing na sabi ko. "Wala
akong gagamitin e."

"Ba't kasi 'di mo binawi?"

Humarap ako sa kanya. Nakapikit pa rin siya. Kung ibang tao 'to si France, hindi
ako tatabi sa kanya. Eh kaso si France siya e. Isang Badaf na beking baklang bading
na pinipilit kong gawing straight.

"Selos ka 'no?" I asked with a grin.

Napamulat naman siya at tinignan ako na parang nandidiri. "Like eww! Ba't naman ako
magseselos? Sinetch ka ba?"

Natawa ako. As in yung tawang wagas. "Woo! Defensive si France Zion!" Itinaas ko pa
ang kamay ko na parang aabutin ang kisame na hindi ko naman maaabot. "What I meant
is... Nagseselos ka siguro kasi nakuha ko ang atensyon ni Mikorin na crush mo rin!"

"Tss. Hindi ko na siya crush," he retorted, sounded so pissed. Humarap ulit ako sa
kanya, ipinailalim ko ang kamay sa gilid ng ulo ko at ginawa yung unan.

"Bakit naman?"

"Wala lang. Turn off e. The grammar and the penmanship. Ewan. Basta nakaka-turn
off. Wiz astig."

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Totoo nga talaga ang sinasabi ng iba na sayang siya.
Na kesyo gwapo. Ngayon ko lang siya napagmasdan ng malapitan ng ganito. At oo,
hindi lang siya gwapo. Ubod pa ng gwapo! Ang kinis ng mukha, naturally red yung mga
labi, yung brows na hindi gaanong makapal at hindi rin naman manipis, yung pointed
nose niya na panlalaki talaga.

"Gwapo mo talaga, France. Wala ka ba talagang chance na maging lalaki?" I asked all
of a sudden. Muntik ko na iyon bawiin dahil nakakahiya yung random question ko pero
'yaan na, stand for it anyway.

Kaso imbes na sagot ang matanggap ko, naramdaman ko nalang na tinapal niya yung
malaki niyang kamay sa mukha ko habang nakapikit pa rin. "Shuttap na nga, Chararat!
Nakakalurkey mga tanungan mo."
"Eeh!" Tinabig ko yung kamay niya. Ang laki masyado! Kasya sa mukha ko. "Seryoso na
ako. May itatanong ako."

"Hmm?"

Hindi agad ako nakapagsalita agad. Gusto kong bumuwelo. Yung mga ganitong klaseng
question ay kailangan ng matinding guts bago itanong. In other words, kailangan ng
kakapalan ng mukha.

So, I breathed in and expelled a sigh before I asked;

"Is there any chance na ma-fall ka... sa akin?"

Pumikit ako. Hinintay ang sagot niya pero imbes na sagot niya ang marinig ko,
mahinang paghilik niya ang natanggap ko.

***

Wala na masyadong nangyari kahapon pagkatapos akong tulugan ni Badaf. Basta


nagpaalam na ako nun kay Tita Sandra at nagpahatid na sa bahay namin. Ala-sais na
rin kasi ng hapon nun kaya hindi na ako pwedeng magtagal. Hindi naman sa strict si
Dad, it's just that magrereview pa ako dahil nga may quiz kami kinabukasan.

Yun nga lang, natulugan ko rin kagabi ang pagrereview kaya ngayon ay nagka-cram
ako. Anytime, darating na si Bro., yung prof namin sa CF and I am still not ready
to take the quiz.

"Okay, number 1."

Napasinghap ako nang bigla nalang umalingawngaw ang malalim na boses ni Bro sa may
pintuan and it turns out pala na si Ben lang yun, yung isa naming kaklase na kayang
gayahin ang boses ni Bro. Binato tuloy siya ng notes ng mga kaklase ko dahil sa
power trip niya at ako naman ay nakahinga na nang maluwag.

"Hindi ka naka-review?" tanong sa akin ni Badaf. Umiling lang ako. Napipikon nga
ako sa inggit kasi nakapagreview na siya kahapon kaya may 'K' na siyang magsitting
pretty nalang dyan.

"Why not?"

Binaba ko yung notes ko at saka siya tinignan na parang naiiyak na. "Nakatulugan
ko. Napagod ako kahapon e. 'Di na ako nakapagdinner, diretso tulog na." Which is
true. Gutom tuloy ako paggising ko kanina.
"Ay, kaya..."

Nanahimik bigla ang klase kaya napatingin kami sa harapan. May pumasok pala kasing
higher years at base sa shirts nila, mukhang mga campus dancers yata sila dahil
nakasulat duon ang; 'East Highers blaze dance troupe'.

"Kukunin ko po sana ang kaunting oras ninyo. Ako si Ate Reishel ninyo."

Nagkatinginan tuloy kami ni Badaf nun sa pagpapakilala ng babae sa harapan. Hindi


kasi namin nakilala. Kung hindi kami nagkakamali, siya yung girlfriend noon na
ngayon ay ex na ni Mikorin. Iba na kasi ang haircut niya. Kung dati ay lagpas
balikat ang buhok niya, ngayon ay hindi na abot sa balikat niya yung ikli nito.
Brown na rin ang buhok niyang dati ay may blonde na highlights. Nagbago tuloy ang
itsura niya.

"---- Ako ang president ng dance club this year. 3rd year college from Pol Scie
department and we're here to encourage you to join our dance club," sabi niya at
medyo tumalikod pa para ipakita ang printed something sa shirt niya. "... East
Highers Blaze Dance Troupe."

"Dancer ang bruha," sabi ni Badaf sa akin. Napangisi nalang tuloy ako sa ideyang
pumasok sa isip ko. Gusto ko siyang makitang sumayaw.

"3rd year? What the fudge, Badaf? 1st year lang si Mikorin diba? Mas bata yung
lalaki?"

Pinagkibitan lang ako ng balikat ni Badaf. Hindi naman sa against ako sa 'age
doesn't matter' federation. It's just that in my own perspective, mas maganda na
lalaki yung mas matanda sa babae sa isang relasyon. Yun ay kung hindi mo bet ang
kasing edad mo. Kadalasan kasi, lalaki ang nagdadala sa relasyon. Ewan ko. Malay
ko. Wala pa rin naman akong alam dyan. Bumabase lang ako sa mga manga na binabasa
ko.

Hindi ko na namalayan yung pinagsasasabi ni Reishel pati ng mga kasama niya sa


harapan. Basta ang alam ko nalang ay namimigay na siya ng papel. "Sino pang
interested?" tanong niya.

Tinignan ako ni Badaf saka niya ako tinanguan. "Tara, sali tayo?" yaya niya at
binigyan ko siya ng 'are you kidding me?' look. "Bakit, wala ka bang talent?"

Inaamin ko, may talent si Badaf sa dancing pero siya yun. 'Wag niya akong idamay.
Hindi nga ako palasali sa extra curricular activities dati. Ayokong sumayaw! Kanta
pwede, pero sayaw? 'Wag ka nang umasa.

"Ayoko nga."

Umirap siya sa akin sabay sabing, "Edi wag." And then he raised up his hand to
catch Reishel's attention. "Ako po. I'm interested."

The moment Reishel handed him the application form, I know that things will change.

At tama nga ako dahil dalawang araw na busy si Badaf. Magpa-practice daw kasi siya.
Eto na nga ba yung kinakatakutan ko e, ang maging loner ulit. Kaya heto ako ngayon,
kumakain mag-isa sa cafeteria. Wala si Badaf kasi may meeting daw sila sa dance
club.

Habang kumakain ako, sinasagutan ko na rin yung homework ko sa Computer na


kakabigay lang kanina. Pamatay oras lang. I looked so dumb being alone. Si Badaf
kasi e!

"Tsk!" Padabog akong nagsulat sa yellow paper. Nababadtrip na nga ako, ayaw pang
makisama ng stock knowledge ko sa binary chenes na 'to. Kaasar ah!

"Ang hirap. Grr!"

Nabigla ako nang may bigla nalang may taong nakisilip mula sa kaliwang table sa
sinusulat ko. Pagtingin ko, shems, nagbawi agad ako ng tingin. Tama ba 'tong
nakikita ko?

"Madali lang 'yan, Miss."

Kyaaah! Si Mikorin!!

Lumunok ako bago ako tumingin sa kanya, pero nagbawi din agad ako ng tingin kasi
hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. "Akin na," sabi niya at kinuha ang yellow
paper pati ang pen ko. "So, hexadecimal to binary ang hinahanap. May dalawang
paraan para makuha yan; long cut at short cut. Anong gusto mong ituro ko sa'yo?"

I can't believe this! Si Mikorin ba talaga 'tong nagvolunteer na tulungan ako sa


Math like computer assignment ko?

"U-uh... Short cut nalang."

"Mas madali yung long cut," he retorted with a serious expression.


Lumunok ako. Ayaw kumalma ng puso ko! "Uh, sige."

Pinaliwanag niya ng maayos sa akin at nakakagulat kasi na-gets ko siya kaysa sa


explanation ng prof ko kanina. Yung 1-10 na given, nasagot namin in less than 15
minutes. As in, nakaya ko siya!

"Wow..." I exclaimed unbelievingly. "Tama ba talaga 'to?"

Ngumiti lang siya sa akin. Nakaupo na siya sa tabi ko. Lumipat siya from his table
to mine para maturuan ako. "Oo, napag-aralan na namin yan nung twelfth grade e."

"K to 12? Sosyal. Sa States ka nag-aral?"

Umiling siya habang medyo natatawa. OMG! Ang cute niya. Pwede ba kitang ibulsa
nalang? Gusto ko tuloy magkaroon ng Mikorin na keychain. "International school yung
pinag-graduate-an ko kaya K-12. Dun ako pinag-aral ni Mama e. Ay, saglit." May
kinuha siya mula sa loob ng American flag na Jansport bag niya. Yung G-tec ko pala.
"Ito pala yung pen mo. Isasauli ko sana agad sayo kaso 'di na kita mahagilap. Thank
you ulit."

My cheeks beet red for sure. Kaya yumuko agad ako at inilagay na kunwari sa loob ng
bag ko yung pen. Hinga, Misty! Hinga!

"Sige, mauna na ako sa'yo. May klase pa ako."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at ngumiti. Grabe, ang tangkad niya. He looks so
cool nang sukbitin niya yung bag sa kanang balikat niya. "Thanks ulit."

"No problem," he said and went off without looking back.

Gusto kong tumalon, sumayaw, sumigaw, magwala at sumabog sa kilig pero hindi pwede
kasi wala si Badaf. Waaah! Wala tuloy akong ibang choice kundi ang i-status nalang
sa facebook ko yung feels ko.

Nagkausap kami ng crush ko for the very first time! <3 ---feeling kilig

Pagka-status ko, lumabas agad ako sa cafeteria para huminga ng malalim. Feeling ko,
up to now, namumula pa rin ako. Ang init kasi ng pakiramdam ng mukha ko. Hindi man
kami nagkakilala ng maayos or even exchanged names formally, pero at least
tinulungan niya ako sa homework ko!!

I was about to walk away with a smile on my lips when someone called my name. Hindi
pa man ako nakakalingon, tumabi na agad sa akin si Eunice.
"Misty!" Nabigla ako nang ipakita niya sa akin ang announcement na dinikit ko sa
bulletin board. Hawak niya kasi iyon.

Kinuha ko nga mula sa kanya. "Ba't mo tinanggal dun, Eunice?"

"Nakahanap ka na ng Math tutor?"

"Not yet."

Inagaw niya iyon ulit sa akin at nakangising inilagay sa loob ng bag niya. "Good
then. Consider it done, Misty," she said before running away. "Bye!"

Weird... Nagkibit-balikat nalang ako bago pumunta sa next class ko. This day is
soooo beautiful!

Ang daming silent readers. Huhuhu T_T

=================

14. Manly

Yhel: Just imagine yung video ang choreo nila. =)

14. Manly

Walang humpay tuloy ang ngiti ko dahil sa nangyari kanina sa cafeteria. E kasi
naman, of all students in E.H.U, si Mikorin pa talaga ang nagturo sa akin sa binary
stuff assignment ko. Ang bright tuloy ng mood ko hanggang sa last class ko na NSTP.

"So, I'm gonna give you a group report. We'll start next meeting. Sa ngayon, make a
group of three members, then after niyo makabuo ng grupo, just approach me and I'll
give you your topic," sabi ng prof namin sa NSTP. Automatiko tuloy akong napatingin
sa kaliwa ko, at napanguso nang ma-realize kong wala nga pala si Badaf. Nagpa-
excuse nga pala siya kanina para mag-rehearse with his new set of friends. And yes,
may friends na siya.

"Misty." Nag-angat ako ng ulo sa nagsalita only to find out Eunice smiling down at
me. "May kagrupo ka na?"

Tumingin ulit ako sa puwesto ni Badaf. Nakakalungkot pala talaga kapag wala siya.
"Wala e," sagot ko sa kanila. "Si Badaf sana kaso wala siya."

"Ay, tinanong namin kay Sir kung puwedeng isali sa group yung mga absent. Sabi
niya, hindi raw. Next meeting nalang daw sila igu-group kung nandito sila," sagot
ng... uh, katabing babae ni Eunice. Of course, she's my classmate too. Hindi ko
lang tanda ang pangalan.

Wait. Kawawa naman si France. Walang kagrupo. Napakamot tuloy ako sa ulo ko. Inuuna
pa kasi niya ang dance troupe kaysa sa acads e. "Ganun ba?" My voice was laced of
disappointment. "Can I join your group then?"

"Sure!" masayang tugon ni Eunice at umakbay pa sa katabing babae. "By the way, siya
si Sabrina, close friend ko dito sa klase."

"You can call me Sab," she said smillingly as she held out her hand. I reached for
a hand shake. Maganda rin siya, palangiti at mukhang bright ang aura. Kagaya ni
Eunice, mukha rin siyang mabait.

I beamed to her. "Nice to meet you, Sab."

Sab and Eunice both looked at each other while smiling widely, at saka sila
tumingin sa akin. "Mabait ka naman pala, Misty." Sab stated. Nagtaas tuloy ako ng
dalawang kilay.

"Told you. Ang OA lang talaga nila," segunda naman ni Eunice na nagpalito sa akin
lalo.

***

Nagpunta kami sa corridor at dun pumwesto sa sahig para pag-usapan ang ire-report
namin next meeting. It happened pa na first group to report kami dahil kami yung
unang group na nag-approach kay Sir and our topic is all about SWOT Analysis.

"Ako nalang ang gagawa ng powerpoint," volunteer ni Sab habang nagsusulat sa mini
note niya.

"So, anong gagawin namin ni Misty?" tanong ni Eunice.


Ako? Kanina pang walang imik dito. Nakakatawa mang isipin pero nakaramdam ako ng
hiya sa kanila after they said that I'm nice pala. Hindi tuloy ako mapakali.
Inakala ba nilang salbahe ako? Gusto ko sanang tanungin kaso nahihiya ako.

"--- Kanya-kanyang explanation. Ako nalang ang bahala sa intro ng SWOT analysis and
such trivias, then hati kayo ni Misty sa SWOT. Bale, tig-dalawa kayo."

Mula sa laptop, tumingin sa akin si Eunice. "Sa akin nalang yung S and W. Sayo
naman ang O and T, Misty. Keri lang?"

Tumango ako. Simple lang naman kasi yun. SWOT is an abbreviation for Strength,
Weaknesses, Opportunity and Threats. Madali nalang siguro yun kapag nag-research
ako.

"So, okay na?" Sinarado ni Eunice yung laptop at ipinasok na sa bag niya. Nag-ayos
na rin ako ng gamit kasi at naghanda na para tumayo. "Uuwi ka na, Misty?"

"Oo-- ay, hindi pa pala. Hihintayin ko pa kasi si Badaf," sagot ko. Nasanay na kasi
akong kasabay si Badaf papuntang car park. Hindi man kami sabay umuwi, gusto ko
sabay pa rin kaming pupunta sa drivers namin. Ganun talaga kasi ako ka-clingy na
kaibigan.

Kumunot ang noo ni Sab, parang naguguluhan. "Who's Badaf?"

"Si crush yun, Sab!" Si Eunice na ang sumagot. Parang kinikilig pa. Naningkit tuloy
ang mga mata ko. Hala, crush nga talaga niya si Badaf?

"Ows? Si crush pala yun!"

I swear, ang weirdo nila sa paningin ko. Seriously? Nagkaka-crush siya sa binabaeng
si France Zion Madrigal? Pfft! "Crush mo talaga siya, Eunice?" tanong ko.

"Oo, ang gwapo e. Mukha siyang K-pop star. Kamukha niya si--"

Sab interrupted her. "-- Suho!" At ayun, naghagikhikan na ang dalawa hanggang sa
makatayo na kami at palabas na ng building. Wala talaga akong hilig sa K-pop. Na-
OOP tuloy ako tuwing may nag-uusap ng tungkol sa ganyan.

"Actually, crush din siya ni Sab. Diba, Sab?" Eunice nudged Sab and I saw her
cheeks beet red. Uh oh.

Natawa tuloy ako. "Bakit naman sa lahat ng lalaki, sa hindi pa tunay na lalaki kayo
nagkagusto?" How ironic. Mas maharot pa nga sa akin iyon, pero hindi ko naman sila
masisisi, gwapo naman kasi talaga si Badaf.
"Unang araw pa lang ng klase, nakuha na niya ang atensyon ko," Eunice said dreamily
while hugging her laptop bag to her chest. "Ang gwapo niya, mukha pang brainy."

Yes, brainy talaga yun. Hinahaluan lang ng kalokohan ang pag-aaral, but if he takes
studies seriously, mag-eexcel ang lokang yun.

Humagikhik naman si Sab. Naglalakad kami nun papuntang... somewhere. Ewan ko, basta
kung saan dalhin ng mga paa namin. "Nagkagusto ako sa kanya nung maging highest
siya sa English quiz. Nagpaturo pa ako sa kanya one time sa Math. Grabe, ang astig
niya."

I rolled my eyes upwards as I started to burst out laughing. Tinignan tuloy nila
ako nang nagtataka. We stopped for awhile and we found ourselves at the entrance of
the admin building.

"Mas babae pa kaya yun kaysa sa inyo," natatawa pa ring sabi ko.

"Bakla man siya o lalaki, gwapo pa rin siya," Sab said defensively.

"-- at matalino!" Si Eunice naman. Nag-apir pa ang dalawa. Aba, nagkampihan? In


fairness, ang cool nila. Cool na weird, I must say.

Napapailing nalang tuloy ako. "Push n'yo yan," I said giggling.

"Pero secret lang natin 'to ha? 'Wag mo ipapaalam kay Zion. Nakakahiya," sabi ni
Sab at tumango nalang ako.

"We're contented na maging friends nalang niya," sabi naman ni Eunice.

I'm glad to have new friends kahit na wala si Badaf. Hindi na ako masyadong
magiging loner.

"So, mauuna na ako sa inyo. Hahanapin ko pa kasi si Badaf e," nakangiting sambit ko
sa kanila.

Ewan ko ba pero parang nag-sparkle ang mga mata nilang dalawa. Hala. "Nasaan ba
siya?" asked Sab.

I shrugged. "Dance troupe? Hindi ko lang alam kung saang part ng campus." Which is
true. Naisip ko sanang itext nalang si Badaf kaso baka hindi rin siya makareply
kasi busy siya.

"Dance troupe? As in E.H.U dance troupe blaze?" Tumango ako kay Eunice. She clapped
once in mid air. "I know where they rehearse. Samahan ka namin?"
"Sure."

Sa E.H.U auditorium kami dinala ni Eunice. Actually, nagdadalawang isip akong


pumasok dahil sa malaking signage na nakapaskil sa entrance ng auditorium.

Dance troupe rehearsal is on-going. Don't disturb.

"'Wag na kaya?" Nakatitig kami dun sa nakapaskil sa pinto. Halata naman kasing
bawal pumasok e. "Baka pagalitan tayo," sabi ko.

"Kaya nga, Eunice. Ano ba... Samahan nalang natin si Misty na hintayin dito sa
labas si Zion," segunda ni Sab sa akin.

Humarap sa amin si Eunice at saka umiling. "Okay lang yan. 'Wag lang tayong mag-
iingay sa loob."

Sabay namin siyang hinila ni Sab nang aktong bubuksan niya na ang pinto. Ang
pasaway pala niya! Nagbabagong buhay na nga ako sa college e. Baka maging pasaway
ulit ako katulad nung high school. Huhu!

"Ayos lang yan. Tara..." bulong niya at dahan-dahang binuksan ang pinto. Bumungad
sa amin ang madilim na auditorium at ang tanging maliwanag na parte lang ay ang
stage sa ibaba.

We sneaked inside and almost crawled on the floor slowly... to avoid making any
single noise. Kinakabahan tuloy ako. Ang lamig lamig sa loob ng auditorium pero
pinagpapawisan ako.

"Dito tayo," bulong ni Eunice at dahan-dahan kaming pumwesto sa upper part na seat.
Nakahinga ako nang maluwag dahil mukhang hindi naman nila kami napapansin dahil
madilim sa part na ito.

Pagtingin namin sa stage, saktong tumugtog ang kanta. May dalawang taong
nakapuwesto sa gitna ng stage. May mga nanunuod din na nakapuwesto sa first row ng
auditorium. They must be dancers also.

Yeah, baby, you oh

Yeah, uh uh

If you leave this time I fear that you'll be gone for good
So I hold on like leaves in fall to what is left

"Oh goodness, si Zion ba yo'n?" Narinig kong tanong ni Sab. She was pointing her
finger to those two who are dancing on stage. Napaayos tuloy ako ng upo at
nakitutok sa nagsasayaw. Isang babae at isang lalaking napaka-smooth ng movements.

Said her father left her young and

He said he'll be back with that same tone that you just said

You'll stay forever with

Nanlaki ang mga mata ko nang medyo humarap ang mukha nung lalaki sa direksyon
namin.

"Si Zion nga." Sab confirmed almost shrieking. Muntik na akong malaglag sa
kinauupuan ko. Oh my gosh! Hindi ko siya nakilala. Ang smooth, astig, MANLY, SEXY
ng movements niya. Really, Zion?

Oh, it seems that all the autumn leaves are falling (oh oh oh)

I feel like you're the only reason for it

All the things you, all the things you, all the things you

All the things you, all the things you, all the things you

It seems like you're the only reason for it

Napalunok ako. Grabe, ang galing niya. Ni hindi ko nga siya nakilala e. Hindi
talaga ako makapaniwala na si France the Badaf itong sumasayaw sa stage kasama ang
isang babaeng swabe rin kung gumalaw.

"Saan ka pupunta, Misty?"

I've been bleeding in your silence

I feel safer in your valiance

I hold on like leaves in fall to what is left

Tumayo kasi ako at lumipat sa medyo malapit na pwesto. Sumunod naman ang dalawa sa
akin... and I swear, kumpirmadong si Badaf nga. Closer view na 'to e! Wait... Sino
yung ka-partner niya?

"Kalurkey, si Reishel ba yun?" Tanong ni Eunice. Tumingin ako sa kanya, naniningkit


ang mga mata niya habang nanunuod, samantalang si Sab na man ay busy sa kaka-video.

Before I sleep I talk to God

He must be mad with me, it's karma

I'm confused who I'll spend my forever with

"Si Reishel nga."

My eyes blinked twice. Nakita ko kasi kung gaano lumingkis si Reishel kay Badaf.
Ganun ba talaga sa dancing? Kahit saan pwedeng humawak? Sa mukha, leeg, braso at
dibdib? Kung minsan nga ay humahawak naman si Badaf kay Reishel sa bewang. Ano
kayang nararamdaman niya? Naa-allergy din ba siya sa hawak ni Reishel gaya ng
palagi niyang sinasabi sa'kin?
Oh, it seems that all the autumn leaves are falling (oh oh oh)

I feel like you're the only reason for it

To be honest, ang ganda nilang tignan. These two will make a perfect duo in
dancing. May aura sila na kaya nilang kuhanin ang atensyon ng lahat ng manunuod, at
hindi ako makapaniwala na kaya iyon ni Badaf. Hindi ko pa naman kasi siya
nakikitang sumasayaw ng ganyan. Though, I've seen him dancing a lot of times
before, puro pa-girl naman. This one's different. Para siyang lalaking-lalaki.

All the things you, all the things you, all the things you

All the things you, all the things you, all the things you

It seems like you're the only reason for it

Natapos ang performance nila sa maingay na palakpakan. Papalakpak sana kami pero
naalala naming nag-sneak in lang pala kami kaya we just clapped soundlessly nalang.

"Tara na sa labas," yaya ko. Mahirap nang maabutan dito. It's better if we could
just wait for Badaf outside. Naku, icocongratulate ko talaga siya.

Tumango naman si Eunice at lumingon sa direksyon ng dadaanan namin. Nagtaka kami ni


Sab kasi napasinghap siya.

"Bakit, Eunice?" Si Sab.

"May tao pala sa bandang yun o." Ngumuso pa siya sa direksyon na tinutukoy niya.
Shemay, kinabahan tuloy ako bigla. She was pertaining to the aisle we are at.
Pagtingin namin dun, may lalaking nakaupo na halos nakahiga na. Parang nagtatago
rin.

Medyo madilim kaya hindi ko makita ang mukha niya, kaya pinagkibitan nalang namin
siya ng balikat at tahimik na lumabas na.

I felt relieved when we finally got outside. Naisipan naming maghintay nalang sa
outdoor stairs. Bumuga pa ako sa hangin dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa
rin yung adrenaline ko.
"That was cool!" Halos patiling sabi ni Sab. Nag-apir pa silang dalawa ni Eunice.
"Thanks, Eunice ha? Kakaibang experience yun."

"Wala yun." Tumingin naman sa akin si Eunice at ngumiti ng malaki. "Ang galing
palang sumayaw ni Zion."

Napangiti nalang din tuloy ako. Kakaibang France kasi ang nakita ko kanina.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kaya niyang sumayaw ng ganun.
Just wow.

"Kung kaya ko lang sumayaw, sasali ako sa dance troupe nila kaso hindi e..."
nakapout na sabi ni Sab. "Ang saya sigurong makasayaw si Zion."

"I feel you," I retorted, pouting also. Nakakahanga naman talaga si Badaf. "May
nasalihan na kayong org?"

"Required ba yun?" tanong niya pabalik at nag-shrug lang ako. Hindi ko rin kasi
alam.

"Hindi naman! Pero mas nakakaenjoy ang college life kapag may org. Bonus na yung
dagdag grades. Sa theater club sana ako e, kaso naka-quota na sila. Kayo ba, saan
niyo bet sumali?"

I was thinking of joining the arts org kaso balita ko puro Fine Arts at
Architecture students ang nandun. Ang awkward naman kung sasali ako e Business
management student ako. Hmm... Saan nga ba?

"Sa journalism club sana, kaso naka-quota na rin sila e," sagot ni Sab. Parehas
silang bumaling sa akin. "Ikaw, Misty?"

I gave them a shrug. "Sa music club sana," I retorted shyly. Lumaki na naman ang
ngiti sa labi nila. Uh oh. Ever since naman, musically inclined ako. Parehas kami
ni Kuya Kurt. Mas mabuting dun nalang ako sa nararapat sa akin.

"OMG! You know how to sing?"

"Sali ka! Alam ko, open pa sila."

Tumango ako. "Sige, samahan niyo ako bukas ha?"

"Sure!"

Wala namang masama kung sasali diba? Besides, sumali naman si Badaf sa dance
troupe, then it's about time for me to join into a club too.

Nagkakuwentuhan pa kami ng mga ilang bagay tungkol sa mga sarili namin. I found out
that Sabrina studied highschool in Cebu City and had to transfer in Manila to study
college. Si Eunice naman ay nag-aral sa St. Celestine International School.

"So, ilang taon ka na kung K-12 dun?" tanong ko. Past 4pm na. Masyado silang
masayang kausap kaya hindi ko na alintana ang oras.

"Kaka-birthday ko lang last May. I'm 18 na. Bale, ate niyo na ako."

"Pero ayaw niyang magpatawag ng Ate Eunice kasi magkakasing-level lang yung
maturity natin," natatawang sabi ni Sab na kasing edad ko lang.

Tumango-tango ako. So, does it mean Mikorin is 18 years old too? Oh well. Naalala
ko na naman tuloy yung nangyari kanina. Emeghed, kinikilig na naman tuloy ako!

"Naging kaklase mo si Mikorin diba?" I asked fearlessly. Hindi na ako nahiya. Kung
sila nga hindi nahiya about admitting na crush nila si Badaf e.

Eunice brows pulled together in confusion. "Who's Mikorin?"

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa bibig ko. Shucks, oo nga pala. Codename
pala namin yun ni Badaf kay Tyrone at kami lang ang nakakaalam nun. Ugh. "S..si
Tyrone. Hehe."

"Ba't Mikorin?"

"Sinong Mikorin?" Mukhang hindi kilala ni Sab si Mikorin. Ang inosente kasi niyang
tumingin sa akin.

"Kamukha niya kasi yung anime character na si Mikorin e," I said with all honesty.
"Sort of codename na rin namin for him."

"Sino ba yun?" tanong ulit ni Sab.

"Yung ex-boyfriend ng kapartner kanina ni Zion," sagot ni Eunice sa kanya at


tumango-tango naman ito. "And yes, he's turning 18 sa October. Ang cool ng codename
mo sa kanya--- wait." Natigilan siya. Medyo tumingin pa siya sa likuran namin ni
Sab. Nakaupo kasi siya sa lower step at nakatingala lang sa amin. "Speaking of...
Si Mikorin o."

Lumingon kami sa tinitignan niya. There we saw Mikorin walking after Reishel na
katabi naman ni Badaf. Parang sinusundan niya. Wait, did Eunice mention the word
'ex-boyfriend'?
"Hiwalay na ba sila ni Reishel?" I asked while we're looking to their direction.

"They're over. Hindi lang maka-move on itong si Ty-- I mean, Mikorin. Masyadong in
love sa bruhang dancer na yan e, niloko na nga siya. Ewan ko ba dyan kay Mikorin.
Masyadong nagpapakatanga."

Ouch. Ang dami pala talagang nagpapakatanga sa pag-ibig. Buti nalang ako, hindi pa
naiinlove. Hanggang crush lang.

I felt Sab elbow me. Parang nang-aasar ba.

"Gwapo pala ni Mikorin, pero mas gwapo si Zion." She said and I giggled. Mas gwapo
pa rin si Mikorin... pero gwapo rin si Zion. Kaso mas gwapo talaga si Mikorin. Ay,
ang hirap mamili kung sinong MAS angat sa kanilang dalawa. Parehas gwapo e.

Natigilan ako nang tumingin sa direksyon namin si Badaf. Ngumiti siya at pakendeng-
kendeng na naglakad papunta sa amin. Nataranta tuloy sina Sab at Eunice. Ang cute
nilang dalawa. Haha!

"Chararat, hinintay mo akez?" he asked and my shoulders dropped at his girly voice.
Nawala na yung masculinity niya. Huhu.

"Oo. Sabay na tayo," I said and got up. Tumayo na rin sina Sab at Eunice. Parang
nahihiya pa. "Oo nga pala, may bago akong friend, Badaf. Si Sabrina nga pala."

"Knows kita. Kasama ka palagi ni Eunice e," Badaf said with a grin. Nakita ko tuloy
na namula si Sab. Hala, ang lakas talaga ng tama kay Badaf.

"You can call me Sab."

"Una na kami ni Chararat sa inyo. Babush," paalam ni Badaf tapos hinila na ako
palayo. Pasimple ko siyang tinignan habang naglalakad kami. Bakit bigla akong
nakaramdam ng pagkailang sa kanya ngayon? This is not so me!

Nagbawi agad ako ng tingin nung bumaling siya sa akin. "Uy, Badaf," tawag ko nalang
sa kanya.

"Oh, bakit?"

"By the way, ang galing mo pa---"

Natigil ako sa pagsasalita at napaikot nalang ng mga mata nang marinig kong tumunog
ang phone ko. Istorbo ah. "Excuse ha?" Tumigil kami sa paglalakad at nilabas ko ang
phone mula sa skirt's pocket ko. Unregistered number is calling. Hmm... Sino kaya
'to?

I swiped the screen to answer it and then placed it on my ear, well, while looking
at France na nakakunot ang noo sa akin.

"Yes, hello?"

"Hi, is this Misty?"

Kumunot na rin tuloy ang noo ko sa boses. "Yep. Who's this?" Lalaki kasi e! Ang
ganda pa ng timbre ng boses. Parang pang-DJ. Medyo husky na...

"... Hi, G-tech girl. Interesado akong maging Math tutor mo. Nakahanap ka na ba?"

Jawdrop.

=================

15. Warning

15. Warning

"Hindi ako pwedeng magkamali, Badaf!! Si Mikorin yun!!"

"Ouchie ha. Ang sakit sa tenga."

Nag-uusap kami ni Badaf sa Facetime ngayon. Kakatapos ko lang kasing gumawa ng


assignment, at matutulog na sana kaso hindi ko ma-contain ang nararamdaman ko.
Sasabog yata ako kapag hindi ko ito shinare sa iba. Kaya ayun, tinext ko si Badaf
para sabihing mag-Facetime kami. Buti nalang ay pumayag siya kahit alam kong pagod
siya sa rehearsal nila.

Nakahiga na ako sa kama at ganun din siya base sa nakikita ko sa screen. "I just
can't believe na siya ang magiging Math tutor ko!" Naeexcite tuloy ako ng sobra
para bukas. Sabi niya kasi, itetext niya sa akin kung anong oras siya free bukas
para makapagkita. Nakadagdag pa tuloy sa thrill yung hindi pagbanggit ng name niya
sa akin kanina. Yay!

Umismid siya. "May matututunan ka kaya sa kanya?"

"Oo kaya! Meron!" Dinuro ko ang front cam na parang tinuturo ko siya. "Hindi ka rin
maniniwala sa akin sa ikukuwento ko sana sa'yo kaya hindi ko nalang sasabihin."

"Fine. Spill."

I grinned widely. "You sure? Baka hindi ka maniwala e. Sayang lang ang daldal ko."

"Gagabels. Kanina ka pa nga nagdadaldal dyan at puro siya nalang ang


bukambungangers mo. Ituloy mo na, Chararat."

Natawa tuloy ako. Kinikilig kasi ako tuwing naaalala ko yung nangyari kanina.
"Kanina kasi, nag-iisa ako sa cafeteria. Loner na naman ako. Wala ka kasi." Pout.

He chuckled. "And then?"

"I decided na sagutan muna yung assignment ko sa Computer. Yung binary chuchu.
Basta may Math yun diba?"

"Oh."

"Ayun, nagulat ako nang bigla siyang sumulpot, then he volunteered na tuturuan niya
ako kasi madali lang naman yun. Super galing niya. Promise! Pak na pak!"

Humalakhak siya sa screen kaya natigilan ako. Sarcastic pa nga e. Kumunot tuloy ang
noo ko. "Shunga, ang dali lang naman kasi nun. Kung kasama mo ako kanina, ako
nalang sana ang nagturo sayo nun e. Ewan ko ba kung ba't ka najijirapan dun. Hanga
ka na agad sa kanya nun?"

"Of course. Knight in shining armor ko kaya siya." Sinimangutan ko siya. Masyado
niyang ina-underestimate si Mikorin ko.

"I doubt if you'll learn something from him once he became your tutor," he said
with a smug.

Napanguso tuloy ako. "Meron. Duh? Sa paraan pa lang ng pag-eexplain niya sa akin
kanina, halata nang matalino siya."

Tumawa siya. "I mean, oo, may maituturo siya. Pero! Baka naman ngumanga ka lang sa
kanya at mag-drool kapag siya ang naging tutor mo. Wala ka rin matututunan. Out of
focus e. Nagfa-fly away ang utakers."
"Uy, hindi ah! Baka nga ma-motivate pa ako. Nega mo talaga."

Nabigla ako nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko. Madilim na ang kwarto
ko dahil naka-off na ang lights pero kita ko pa rin sa shadows kung sino iyon.

"Misty." Si Dad.

"Yes, dad?"

He switched on the lights and looked at me pointedly. "Sleep already. Alas-dose na


pero rinig ko pa rin hanggang sa kabilang kwarto ang boses mo."

Narinig kong tumawa si Badaf sa Facetime kaya pinandilatan ko siya ng mga mata
saglit tapos bumaling ulit ako kay Dad. "Yes, Dad. Sorry po. Kausap ko lang si Ba--
France."

Ngumiti lang ng tipid si Dad tapos nag-thumbs up pa. Kaloka naman 'tong si Daddy.
For sure, natutuwa siya dahil akala niya ay gumagawa na ako ng hakbang para ituwid
si Badaf.

"Goodnight, baby."

"Goodnight, Dad. Love you!" sagot ko bago sinarado ni Daddy ang pinto. Masyado
palang malakas ang boses ko, hindi ko man lang namalayan.

"O, matulog ka na, Baby Chararat. Nagagalit na ang daddy mo," nang-aasar na sabi ni
Badaf kaya nag-make face lang ako sa kanya.

"Fine. Goodnight, Badaf!"

Dinisconnect ko na kay Badaf ang Facetime ko at pagkatapos ay pinatay ko na rin ang


phone sabay lagay sa ilalim ng unan ko. Sinubukan kong pumikit pero hindi talaga
ako makatulog. Naaalala ko kasi si Mikorin. Naeexcite ako na nahihiya. Ay, basta.
Mixed emotions.

Seriously, of all students sa E.H.U, bakit kaya si Mikorin pa ang kaisa-isang nag-
apply bilang Math tutor ko? Nakakapagtaka lang. Hmm...

***
Kinabukasan, ginising ako ng malakas na tunog ng digital clock ko. It says 8:00am.
10:30am pa ang pasok ko today pero bumangon na ako't naligo. Nagsuot muna ako ng
pambahay bago ako bumaba sa kusina. Naabutan ko si Manang na naglilinis ng dining
table. Kumunot tuloy ang noo ko.

"Manang, wala pong pagkain?"

Ngumiwi si Manang at medyo yumuko. "Akala ko, hindi ka kakain dito?" Humila ako ng
upuan at pumwesto na sa dining table. "Ipagluluto nalang kita. Anong gusto mo?"

"Kahit ano nalang--"

My words were interrupted when one of the maids came in rushing. "Senyorita, may
bisita po kayo." Nagtaka ako sa itsura niya. Para kasing namumula ang mukha niya.

"Anyare po?"

Nagpipigil siya ng ngiti kaya mas lalo akong nagtaka. Nagkatinginan tuloy kami ni
Manang. "Aba'y, ba't ka nagkakaganyan, Rita? Sino ba ang bisita?"

"Ang gwapo po kasi." Nanlaki ang mga mata ko sa sinagot niya. OMG! Hindi kaya si
Mikorin na yun? Nataranta tuloy ako. Pero saglit, hindi naman siguro siya yun.
Hindi naman niya alam ang address ko at sa katunayan, mamaya pa kami magkikita sa
campus. Yeah! Mamaya na. Emeghed.

Saglit. May bisita nga pala ako. "Sino raw po ba? Anong pangalan?" tanong ko.

"Hindi ko po alam e. Papapasukin ko po ba?"

Tumayo na ako. "Ako nalang po," I said and storned out of the kitchen. Nagmamadali
akong lumabas hanggang sa gate. Pagbukas ko nito... nalaglag yata ang dalawang mata
ko sa tumambad sa aking lalaki.

"Chararat."

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng regular uniform namin pero
kasi iba ang dating niya ngayon. Nakaayos ang buhok niya na parang lalaking-lalaki.
Tama yung maid kanina. Mukhang nagpa-haircut siya. Gwapo nga.

"Hey!"

I winced at him. Ngumiti ako ng pilit. Aminado na talaga akong may kakaibang
karisma ang bading na 'to. Sinasayang nga lang niya. "Anyare, Badaf? Gwapo mo
ngayon ah."

"Ayaw akong papasukin nung katulong niyo," iritadong sabi niya. Napatingin tuloy
ako sa hawak niyang medium sized box. Napansin niya yata yun kaya lumapit siya sa
akin at inabot iyon sa akin. "P..ara sayo nga pala."

"Para sa akin?" Abot tenga ang ngiti ko. Ewan ko ba. Ang cute kasi niya. Lalaking-
lalaki na siya sa paningin ko.

He smiled shyly. "Oo. Chocolate cake yan."

"Bakit?"

He rolled up his eyes. "Kailangan ba may dahilan? Wala lang. Gusto lang kitang
bigyan," he explained and I can't help but to gape at him.

"Seriously?"

"Seriously what?" He frowned. Napahagikhik tuloy ako. Lumapit ako sa kanya at


sinapo ang mukha niya. Nanlaki tuloy ang mga mata niya sa ginawa kong iyon. "Err...
Chararat?"

"Badaf! Is that you? Ba't hindi ka na nagsasalita ng beki language mo? Ikaw ba
talaga yan?!" Sinasabi ko yun habang niyuyugyog at iniipit ang mga pisngi niya sa
mga palad ko. "Kyaaah! Lalaki ka na ba?"

Nagulat ako nang sapilitan niyang tanggalin ang mga kamay ko sa mukha niya. "Ouchie
ha! I'm trying my best nga na magpaka-shotokobels in outside tapos basag trip ka
naman dyan. Ay, wiz na nga!"

Nagpameywang ako habang pinagmamasdan siya. Nag-flip hair pa ang loko tapos
nagpaypay gamit ang maarte niyang kamay. Aray, bumalik na naman sa dati.

"Ano ba kasing trip mo? Eto naman, nagtampo agad. Pinansin lang e. Tara nga sa
loob," sabi ko at hinila na siya papasok sa bahay.

Dumiretso kami sa kitchen. Nandun pa si Manang kaya sinenyasan ko siya na iwanan


muna kami saglit dun ni Badaf.

"Now, speak."

Sumimangot siya bago umupo sa isa sa mga silya. Ako naman ay nagkrus ng mga braso
habang nakatingin sa kanya. "Si mudrabels kasi."
"Oh?"

"Pinipilit akong maging straight. Pinepressure ako e. Actually, wiz kong trip na
bigyan ka ng cake. Like duh? Vaketch naman kita gigivenchy ng cake diba?"

Oo nga. May point siya. Pero ang sama naman ng ugali nito. Ang damot sa cake! Hindi
ba pwedeng magpakagenerous lang siya. Tch. "Oh, tapos?"

"Sabi niya, i-givesung ko raw sayo yung cake tapos sunduin kita para sabay na
tayong pumasok. Like eewwy diba?"

Natigilan tuloy ako sa mga sinasabi niya. Parang nakukuha ko na ang gustong ipagawa
sa kanya ni Tita Sandra.

"Sabi ko nga, kakainin ko nalang yung cake kaso binatukan ba naman ang beauty ko?"

Nagpameywang na ako at tinignan ko siya ng masama. "So, parang pinapaligawan ka ng


Mommy mo sa akin?" Nanuyo tuloy ang lalamunan ko kaya kumuha ako ng pitsel ng tubig
bago ko sinalinan ang basong hawak ko.

"Oo, parang ganun na nga," sagot niya at ako naman ay uminom nalang. Nakakaloka ang
nanay niya! "Misty, pwedeng magtanong?"

Tinignan ko siya habang umiinom pa rin. "Hmm?"

"Pwedeng manligaw?"

Sa bigla ko ay naibuga ko yung iniinom kong tubig. Buti nalang hindi sa mukha niya
kundi... Ugh! World war 3 na ito! "Ano ba naman 'yan, Badaf! Nambibigla ka."

"Sarreh naman."

Umiling nalang ako at kumuha ng tissue para magpunas sa sarili. "Ikaw, manliligaw
sa'kin? Are you out of your mind?"

Akala ko ba ang gustong mangyari ni Tita Sandra ay ako ang gagawa ng move para
akitin si Badaf, na ma-fall siya sa akin. Eh ba't may ligaw-ligaw moves?

Kumamot siya sa ulo niya na nahihiya. "Yun kasi ang gusto ni Mudra! Ewan ko ba sa
kanya. Kung wiz lang ako natutulig sa boses niya, wiz ko rin 'to gagawin."

Inikutan ko lang siya ng mata bago ako tumalikod sa kanya para maghugas ng kamay sa
sink. "Edi 'wag din natin gawin!"
"Misty, please do me a favor." I was bewildered to feel him step beside me. Humawak
pa siya sa braso ko. "Chararat, sige na please. Mababaliw na ako sa mala-sirang
plakang bungangers ng mudra ko."

"Bitaw nga!" Umiwas ako sa kanya at humila ng upuan sa dining room at saka ako
pumwesto dun. "Bakit kasi sa lahat ng babae, eh ako pa? Pwede namang iba nalang."

"Kasi ikaw ang gusto ko!"

Silence.

Kruu kruu...

Tumikhim na ako nang mapansing ilang segundo na ay walang nag-react sa aming


dalawa. May bumara yata sa lalamunan ko kaya hindi ako makapagsalita. "Saglit, ang
init." Tumayo ako at nilakasan ng bahagya ang air-con. Medyo mainit talaga e.
Nagpaypay pa ako sa mukha ko bago ako humarap sa kanya. "M...may gusto ka sa akin,
France?"

Nanlaki ang mga mata niya at natatarantang umiling. "Shunga! It's not what you
think. Ang ibig kong sabihin, ikaw ang gusto kong ligawan dahil kilala na kita."

Huminga ako ng malalim. Buti naman. Akala ko tuloy. Shiz. "Marami pa namang iba
dyan. Nandyan si---"

"Oh, don't you ever mention any name. Ayoko sa kanya," sabi niya habang
pinandidilatan ako. Isusuggest ko sana si Eunice o 'di kaya'y si Sab. Fine, 'wag na
nga lang. Ayaw niya e.

"'Wag na kasi ako. Ang hassle kaya!"

Lumapit siya sa akin at umupo sa katabi kong upuan. "Ikaw nalang ang pag-asa ng
WWW."

"WWW?"

"Whole wide world, gaga!" Asik niya kaya mabilis ko siyang sinapak sa braso.
"Aray!"

"WWW talaga? Anong koneksyon nyan sa gagawin mong panliligaw sa akin?"

Nag-pout siya at humawak sa dalawa kong kamay. Naloloka talaga ako sa kanya. Gutom
na pa naman ako. Baka mas lalo lang akong mabadtrip. "Eeh basta! Magpapaligaw ka
lang naman. Kunwari-kunwarian lang 'to. Enjoy-in mo nalang, Chararat. Basta ba sa
dulo, bastedin mo lang ako. Kailangan ko lang ipamukha kay Mudra na kaya kong
manligaw. Na kaya kong maging straight... kahit kunwari lang."

Napatitig tuloy ako sa mga nagsusumamong niyang mata. Nadadala ako. Ano ba yan.
Pagbibigyan ko ba? On the second thought, maaari ko rin ilusot dito ang strategies
na gagawin ko para maging straight siya. Should I play along?

I pulled out a deep breath and said; "Okay."'

"Yes!" masayang sagot niya at yumakap pa sa akin. Tinulak ko nga palayo.

"Nanliligaw ka pa lang, yumayakap ka na agad!"

Humagikhik siya at pinisil pa ang pisngi ko. "Basta thanks so much, Chararat. Dami
ko nang utang sa'yo. Babawi talaga ako," he said grinning.

"Oo na. Basta ba kunwarian lang. Baka kasi ma-fall ka talaga sa akin. We can never
tell." Gaya nga ng sabi ni Tita Sandra.

Ngumiti lang siya sa akin ng nakakaloko sabay iling ng ulo. "I assure you, I won't
ever fall for you, Chararat. Itaga mo yun sa bago kong hair-do, hindi talaga."

"Good," sabi ko at tumayo na. Pumunta ako sa kitchen counter. Maghahanda ako ng
breakfast ko. Gutom na ako e.

"Now that you've mentioned it, I have a certain rule to make."

Nilingon ko siya. Nakapangalumbaba siya sa lamesa habang nakatingin sa akin ng


diretso. Seryoso iyon at tagos sa mga mata ko. "Ano naman yun?" tanong ko.

"Hindi mo dapat ipag-alala na baka ma-fall ako sayo kasi hindi yun mangyayari. Pero
paano kung ikaw ang magkagusto sa akez," he said, raising a brow. Taray-look ika
nga.

"That won't ever happen," I assured him. I don't have a thing for gays. Duh.

He smirked arrogantly. He threw me his knowing look. "What if nga lang diba?"
Umiling ako habang natatawa nalang. This crazy little one's impossible.

"Osya, paano kung ma-fall ako sa'yo?" I asked as I shot him my challenging look.

He shrugged and chuckled. "Edi ma-fall ka. Sasaluhin pa rin naman kita."
Nagtaas ako ng kilay. Ano raw?

"--- tapos ihuhulog kita sa ilog. One golden rule. Warning: Bawal Ma-fall."

Yhel: June 22, 2015. #HappyBirthdayMrPogiNgEHU >> Kuya Wayne ni Badaf. <3

=================

16. Formal Introduction

16. Formal Introduction

I rolled my eyes inwardly as I smacked his arm. "Ihulog mo lang ako sa ilog, wala
akong pake. For sure naman, nandun si Mikorin na nagsuswimming sa ilog para saluhin
ako," I joked.

Napailing tuloy siya na para bang ang korny ng joke ko. Para kasing sira e, ang
seryoso ng usapan namin tapos hihirit ng pabiro. "Yung Mikorin mo, turuan mo rin
mag-English pag may time ha? Halatang nag-eexcel sa Math pero sa English, waley."

Nagningning tuloy ang mga mata ko sa sinabi niya. OMG! Speaking of, kikitain ko na
siya later after class. I'm so excited na. "'Wag mo ngang inaano si Mikorin. Alam
mo bang sa international school siya nag-aral?"

Umirap lang siya sa akin at hindi na umimik kaya pinagpatuloy ko nalang ang kwento
ko.

"---- Natutuwa ako kasi sa dami ng students sa E.H.U, siya pa talaga ang nag-apply
na maging tutor ko."

Napatigil ako nang biglang magvibrate ang phone ko na nakalagay sa ibabaw ng table.
Inabot yun ni Badaf tapos ibinigay sa akin. "Oo, tama na ang ratatat. May nagtext
sa'yo."

So, I swiped the screen and read the sms and I almost shrieked after reading the
whole message.
From: +63905*******

Hi, Misty. Sa open filled nalang tayo magkita. 4pm. See you. :)

"Kyaaaaahhh!!!" sigaw ko habang nagsasayaw-sayaw sa kusina. Para tuloy nawirduhan


sa akin si Badaf.

"Anyare?"

I swear, I think I'm blushing. Inabot ko sa kanya ang phone ko. "See it for
yourself."

And so he read it, at pati siya ay napangiti kaso... may halong tawa. Nakatakip ba
naman sa bibig eh.

"Ba't ka natatawa?"

Lumapit siya sa akin at pagkatapos ay inakbayan ako para ipakita ang message ni
Mikorin. "Ansabe ng 'open filled' niya? Kalurkey, Chararat!"

Ay oo nga 'no. Natigilan tuloy ako pero mayamaya ay inagaw sa kanya ang phone ko.
"Baka typo lang!" sabay irap.

***

Sa kaka-chika sa akin ni Badaf, na-late tuloy kami sa first class namin. Kaya mala-
amazing race ang peg namin paakyat ng building. Buti nalang talaga ay may escalator
ang business department kaya medyo bawas pahirap naman. Ang end game tuloy, kami
ang magkapartner ni Badaf which is actually the usual naman. Kami naman talaga ang
partners tuwing may activity kagaya nalang ngayon sa P.E. Puro exercises naman kaya
okay lang.

"Mag-push up ka na kasi!" Natatawa nalang ako sa itsura ni Badaf na halatang hindi


peg ang mag-push up. Yun kasi ang activity namin ngayon.
"Ang hirap."

Hinila ko ang kamay niya at sapilitang pinaupo sa floor mat ng gym. Kanya kanya
kasi kaming floor mat dito sa bawat duo. In our case, napili naming pumwesto sa
medyo gilid para hindi pansinin. Nakakahiya kasi kung medyo exposed.

"Dali na kasi!"

Nakasimangot tuloy siyang pumosisyon na. Nakalapat ang dalawang palad niya sa sahig
pati na rin ang mga paa niya. "Game na huh?" parang naiiyak na sabi niya kaya
humagikhik ako.

"Game!"

And then he started moving up and down. Oohh. Kaya naman pala niya e. Nakatingin
lang tuloy ako sa malapad na likod niya pababa sa maliit niyang waist pati na rin
sa pwet--- "22! AH! Ayoko na," hinihingal na sabi niya at bumagsak na ng tuluyan sa
sahig. Hindi pa nakuntento, dumipa pa ang loka. "Nakakaloka! Nakakafagod much!"

Umupo ako sa mat para lumevel sa kanya. Sobrang pawisan si Badaf kaya inabutan ko
siya ng panyo ko. "Ayos ka pa?"

Pinunasan ko ang pawis sa mukha niya pero inagaw niya iyon ng mabilis at siya na
mismo ang nagpunas sa sarili niya. "Ikaw naman! Basta 22 ang na-push up ko ha?"

Wala na akong nagawa at pumwesto nalang sa floor mat. Sit up naman ang akin kaya
kailangan ko ng assistant. Sinenyasan ko si Badaf na pumwesto na sa paanan ko kaya
mabilis siyang umupo dun at niyakap ang dalawang hita ko.

"Game na, Chararat."

Kinakabahan ako, ewan ko ba. So, bago ko inangat ang sarili ko ay huminga muna ako
ng malalim then boom. "Ugh!"

"1!"

Bagsak sa floor, then hinga sabay angat ulit. "Ugh! Ang hirap!"

"2!"

Bagsak ulit sabay hinga, then angat. "Ayoko na!" sabi ko at bumagsak na sa sahig.
"Ang bigat ng katawan ko! Ang sakit sa likod."
"3 lang ang nagawa mo, bruha ka!" sabi niya at narinig ko na nagtawanan ang mga
kaklase ko pero nag-iwas din ng tingin nang tignan ko sila. "Yung sit up pa naman,
nakakatulong para magka-abs," sabi niya.

As if I care. Tinulungan niya akong bumangon at saka ako nag-unat. "Ikaw dapat ang
gumawa nun para magka-abs ka," sabi ko sabay palo sa tiyan niya.

Napahawak naman siya dun and I swear, he really blushed. "Ano ba..."

Napangiti tuloy ako nang nakakaloko at saka ko pinisil ang braso niya. "--At saka,
mag-push up ka para lumaki din ang biceps mo."

Ngumiwi siya at ngumuso nalang. "Don't touch me. Dyan ka na nga!" He said and I
gawked when he walked out on me.

"Badaf!"

Hindi niya ako nilingon. Kainis 'to! Nang-iiwan bigla. Napailing nalang tuloy ako
at nagpameywang nalang. Meron pa talagang chance na maging lalaki si Badaf e. I
have a strong feeling na kaya niya.

"Misty!"

Bago pa ako makalingon, nasa tabi ko na si Eunice kasama si Sab. As usual, ang
jolly pa rin ng aura nila. "We saw that. OMG, kasali ka na ba sa fans club namin
for Zion?"

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Pinagsasasabi mo dyan, Eunice?"

They both giggled. "Okay lang naman na magkagusto ka sa kanya. Bagay naman kayo e,"
sabi ni Sab and I was like... eew.

"Ano ba yan... Please lang, Sab."

Siniko siya ni Eunice kaya napa-'ah!' si Sab. "Paano si Mikorin? Sayang naman yung
effort ko if ever---"

Napatakip ako sa bibig ko sa sinabi ni Eunice at sa pagkabigla ay niyugyok ko ang


braso niya. "Oh my gosh. Don't tell me ikaw ang--"

"Yes, I'm the one," she winked at me and I can't help myself but to hug her real
tight. "Oh!"

"Grabe, ikaw na, Eunice!"


"What's happening, guys?" Si Sab, so clueless of what's happening.

Natawa nalang tuloy si Eunice at hinila kami ni Sab palabas ng gym. "Tara muna sa
labas. Ang daming eavesdroppers."

Nagpalit na kami ng regular uniform after naming mag-P.E saka kami pumwesto sa
hagdanan facing the corridor na walang katao-taong dumadaan at hindi ko alam kung
bakit. Basta walang masyadong dumadaan dito.

At dahil malinis naman ang hagdanan, nakaupo kami sa stairsteps habang nag-aayos
kami ng buhok.

"Seryoso ka ba talaga, Eunice? Kaya pala nawiwirduhan ako sayo kahapon," sabi ko sa
kanya.

Nagbe-braid siya ng buhok ni Sab habang ngiting-ngiti. "Oh. Yes, my dear. Nung una,
nahirapan akong i-convince siya kasi ba't naman siya magtu-tutor diba?"

Oo nga. Mukhang financially stable naman siya, though hindi gaya ng karamihan dito.
If he's so, well he should have his own car sana at hindi nagco-commute diba? I
can't still tell that. Malay ba natin kung trip lang niya.

"--- kinulit ko siya. Nakulitan naman sa'kin. Sabi ko sa kanya, kailangan niyang i-
divert ang attention niya kaysa ang magpabuntot-buntot nalang sa ex niya. That's
when he said yes to me. He asked about you, kaso wala akong masabi kaya sabi ko na
ikaw yung nagpahiram sa kanya ng pen last time."

Abot tenga tuloy ang ngiti ko. So, yun pala ang dahilan kung ba't niya ako tinawag
na G-tech girl nung tinawagan niya ako kahapon.

"Ang swerte mo, Misty. Mag-eexcel ka na nyan sa Math," sabi ni Sab na nakikikilig
din.

Yay! For sure chicken nalang sa akin ang Math kapag siya ang nagturo.

"Magaling yun. Best in Math yun at pinanlalaban pa sa inter-school Math


competition," Eunice said, wiggling her brows.

Major turn on: Magaling sa Math.

"Wait. Si Mikorin ba yun?" Napatingin kami ni Eunice sa itinuturo ni Sab sa


kabilang building at parang nahulog ang puso ko nang makitang siya nga yung
naglalakad sa corridor kasama ang iba pang estudyante. Ay, shemay! Engineering
building nga pala itong katabing building namin.
Nabigla kami ni Sab nang tumayo si Eunice at kumaway pa sa direksyon nito.
"MIKO---"

Tinakpan ko naman agad ang bibig niya. "Uy, ano ba, Eunice! Nakakahiya," sabi ko at
hinila na namin siya palabas dun.

Nakakawindang namang maging kaibigan 'to.

***

Let me call it a day. 3:30pm kami dinismiss ng prof namin. Actually, dalawang
subjects lang kami ngayon kaya we're free to go.

"Now's the time, Badaf." Nakaupo kami sa bleachers ng open field. 4PM pa ang usapan
pero dahil wala na kaming klase ay dumiretso na kami dito. Syempre, dumaan muna
kami ng cafeteria para makabili ng makakain. Libre ni Badaf.

"Yeah right. Matagal pa ba?"

Tumingin ako sa relos ko. Five minutes before 4pm na. OMG. "Five minutes to go
nalang!"

"Uy, Chararat. 'Wag masyadong pahalata ha? Baka laglag ang palda mo kapag nakaharap
na siya."

Sinimangutan ko siya sabay sapak sa braso niya. "Hindi 'no. Ikaw ba, walang
rehearsal?" tanong ko. Actually, kanina ko pa napapansin na tinatawag na siya ng
mga makakasalubong namin na taga-dance troupe pero sabi niya, pass na raw muna siya
today.

"Wala ako sa mood e. Napagod ako."

"Oh. Edi umuwi ka na," sabay ngiti ko. "Sige na, kaya ko na dito. Balitaan nalang
kita sa Facetime tonight."

"AH!" Pinitik niya kasi ang noo ko. Kainis 'to. Hinimas himas ko nga ang noo ko.
"Sasamahan na kita, Chararat."

...4:00

...4:15

...4:30

"Chararat, hindi na yata darating yun. 4:30 na o," sabi ni Badaf at nag-unat na.
True! Ang tagal na naming naghihintay dito. Naka-level 32 nalang ako sa Pou app ko
pero wala pa rin siya.

"Ano, tara na..."

Nagpout ako habang nakatingin sa phone ko. Ayoko naman siyang itext kasi baka
feeling niya eager ako na ma-meet siya. Huhu! Tumayo nalang ako sa bleachers. "Wala
na siguro siya. Uwi na tayo."

Nasa pinakataas na bleachers ako kaya dahan-dahan akong bumaba. Nauuna si Badaf.
"'Wag na muna. Mall muna tayo," sagot niya.

"Akala ko ba pagod ka na?"

Nasa final step na ako nang... "Diba nga nanliligaw ako sayo? Date tayo."

"AH!" Sa pagkabigla ko, na-out of balance tuloy ako. Pero imbes sa damuhan ang
bagsak ko, sa matigas na bisig ng kung sinuman ang landing ko.

ASDFGHJKL!

Napatingin tuloy ako sa sumalo sa akin at napanganga nang makita ang mukha ni
Mikorin na few inches apart lang mula sa mukha ko.

Lunok.

Kurap.

"Chararat, ano ba yan!" Naramdaman ko nalang na may humila sa akin palayo kay
Mikorin. And I swear, nanlambot talaga ang mga tuhod ko. Ewan ko ba. "Hindi ka kasi
nag-iingat."
Hindi ako makakibo. Tulala mode lang.

"Hi, G-tech girl," alanganing nakangiting sabi ni Mikorin at bahagyang ginalaw ang
dalawang kilay niya. Shems! Ang gwapo tuloy. "--- Ayos ka lang ba? May masakit ba
sayo?"

I wanted to say; See that? That's how I fall for you. Pero parang ewan lang kaya
shuttap nalang.

"Ayos lang siya," sagot ni Badaf at sapilitan pang pinatango-tango ang ulo ko.
Natawa tuloy si Mikorin. OMG! Isa ba siyang anghel? Kulang nalang ang pakpak para
magmukha siyang anghel. Napakagwapong nilalang! "Ayos ka lang diba? Magsalita ka
nga," sabi ni Badaf tapos siniko pa ako. Dun na ako nagising.

"Ah, oo! Hehe." Awkward.

Kumapit si Mikorin sa isang strap ng backpack niya at saka niya inabot sa akin ang
free hand niya. "Ako nga pala si Tyrone. Civil Engineering student. Freshman. Ikaw
si...?"

I reached for his hand, conscious kung pasmado ba ako o kung ano. "I'm Misty. Nice
to meet you, Mi---" I trailed off. Tumikhim ako. 'Wag kang madudulas, Misty, "-- I
mean, Tyrone."

"Nice to meet you too, Misty. I'm your Math tutor."

Achievement lvl 1000: Introduction with crush.

=================

17. Just Dance

17. Just Dance

"Excited na ako para bukas, Badaf!" sabay hampas ko sa braso niya. Almost two hours
na ang nakalipas nung makausap ko si Mikorin este si Tyrone--- ano ba yan! Nasanay
na ako sa kaka-Mikorin. Natatawag ko tuloy siyang ganun --- and yet, the kilig
vibes is still in me.

Nakatingin lang sa akin si Badaf with his bored expression habang nakapangalumbaba.
"Hindi pa ba matatapos yan, Chararat? Hindi maka-get over?"

Tinikom ko nalang ang mga labi ko kahit halata naman sa akin na gusto ko talagang
ngumiti. "I cannot, Badaf." I gave up. Nag-roll eyes naman siya at kung may anong
binulong sa gilid niya na hindi ko naman narinig. "May sinasabi ka, Badaf?"
"Waley! Ang tagal lang kasi ng order natin. Kasing tagal yata 'to ng paghihintay
natin kay Mikorin kanina." Kaloka 'tong nilalang na 'to. Hindi niya ba maintindihan
na nagkaroon ng biglaang make up class sina Tyrone kanina? Buti nalang ako,
understanding. Hihi.

Actually, nasa mall kami ngayon ni Badaf. Dumiretso kami dito after kong
makipagkita kay Tyrone kanina. Gusto ko sanang umuwi na agad kaso nag-insist itong
si Badaf na iti-treat niya raw ako ng dinner.

Pinagmasdan ko lang si Badaf na patingin-tingin sa wrist watch niya. Halatang


naiinip na. "Are you in a hurry?" tanong ko.

Tumingin naman siya sa akin at bahagyang umiling. "Tom Jones na kasi ako," sabay
roll eyes niya.

"Kakakain lang natin kanina habang naghihintay kay Tyrone ah." Ang dami pa nga
naming kinain kanina at puro libre niya. Imba din 'yang bodega niya sa katawan ah.

"Actually----"

Tumunog bigla ang phone ko kaya nag-'wait' gesture muna ako sa kanya at binasa yung
message.

From: Tyrone

Misty, hindi pala ako bukas ng umaga. Pwede bang hapon nalang? Mga 4:30.

"Si Mikorin na naman 'yan, ano?" Mabilis akong tumango kay Badaf bilang sagot.
Ngumisi naman siya sa akin at napailing nalang. "Ansabe?"

"4:30 ang session namin bukas," I said, almost shrieking. Ngayon lang yata ako na-
excite na mag-aral sa Math. Sana magbukas na!

"Uh. Sige, goodluck. Balitaan mo ako."

After naming kumain, naglalakad-lakad muna kami sa mall. Dumaan din kami saglit sa
NBS para bumili ng kung ano-ano. SYempre, bumili na rin ako ng G-tech for myself.
Baka maubusan na naman ako e.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" Tumingin ako sa relo ko. 7:30pm na. Ginabi na kami
kagagala ah.

"'Wag na muna. Wala namang pasok bukas e," sabi niya. In fairness, napapansin ko na
binawasan niya na ang pag-ge-gay lingo niya. Sa kilos naman, malambot pa rin at
maarte pero minimal nalang na halatang pilit.

Napansin ko na huminto kami sa harap ng Timezone kaya tinignan ko si Badaf.


Sinundan ko yung tinititigan niya... whereas pinagtitinginan din ng ibang tao.

"Marunong ka nyan?" tanong ko sa kanya habang sumi-sip sa softdrinks na hawak ko.

"Medyo."

"Maglaro ka."

Ngumuwi siya at tinaasan lang ako ng isang kilay. "Ang daming tao," sagot niya at
tumingin ulit sa tinitignan namin. Todo-hataw si kuyang naka-school uniform sa
moves niya.

Siniko ko si Badaf. "Gusto kita ulit makitang sumayaw. Ipakita mo yung sexy moves."

"Ulit?"

Tumango-tango ako habang nakakagat sa straw ng softdrinks ko. "Yeps. Nakita ka


namin kahapin sumayaw with Reishel. In all fairness ha---" mapang-asar na siniko ko
siya "--- ang sexy mo sumayaw. Nakaka-proud ka," sabay ngiti ng matamis.

Para naman siyang nagulat sa sinabi ko at mabilis na nagbawi ng tingin... na may


ngiti sa labi.

"Bilis na kasi, Badaf. Show 'em what you got."

Nagpalakpakan ang mga tao nung matapos si kuya sa pagsasayaw. It turns out na
kabarkada niya yung fans niya. Haha! Base sa uniform niya, galing siya sa isa sa
sikat na university around the metro. Actually, sa pagkakaalam ko, kilalang kalaban
ng E.H.U ang university nila pagdating sa sports.

Akala ko ay tapos na si kuya sa kakasayaw pero may isa pa pala siyang ininput na
kanta. Napasimangot tuloy ako. Medyo maangas kasi ang dating niya. Parang ine-enjoy
niya yung stares sa kanya ng crowd.

He even looked around the place and I don't know if it's just me but I saw him
landed his eyes on me, looking at me from head to foot and winked. Nagkagat-labi pa
nga bago nagbawi ng tingin.

Natigilan tuloy ako saglit at lumingon sa likod ko. Kaso puro lalaki naman ang nasa
likuran namin kaya siniko ko si Badaf. "Did he wink at me?"
Wala naman akong natanggap na reply kaya tinignan ko si Badaf--- na wala na pala sa
tabi ko. Basta nakita ko nalang na pumila siya dun sa cashier at nagpa-reload ng
card. Nanlaki tuloy ang mga mata ko nang pumwesto siya malapit sa game machine.

By the way, 'Just Dance' nga pala yung laro na pinagkakaguluhan ng mga tao ngayon
na akala mo ay free show to watch sila. May sensor yung game machine at mase-sensor
nito ang moves mo mula sa ipoprovide nilang dance moves sa screen. This game is
just so mainstream nowadays na kahit saang arcade center ay may ganito, kaya hindi
na ako magtataka kung ba't marunong si Badaf ng ganyan. Afterall, he's a dancer.

Sinenyasan ko si Badaf na lumapit sa akin pero hindi niya ako pinapansin. Hanggang
sa matapos na yung sayaw ni kuyang presko, hindi pa rin ako tinitignan ni Badaf.

"Wooo!" cheer ng mga kasama niya.

Lalapitan ko sana si Badaf pero nakita kong ini-swipe niya ang card niya dun sa
game machine. Tinignan tuloy siya ng masama nung kuyang presko. Mag-i-swipe din
kasi siya ulit kaso inunahan ni Badaf.

I saw Badaf smirk and holy potato, mas lalo tuloy sumama ang tingin sa kanya ng
lalaki pero napalitan din yun ng ngisi. Nagtaka ako nang mag-usap silang dalawa.
Hindi ko sila marinig kaya hindi ko ma-gets ang nangyayari. All I knew is they set
the game into a showdown mode.

Shemay! Makikipag-showdown si Badaf sa lalaking yan???

Uh huh!

It's Iggy Iggs!

I got one more problem with you girlOne less one less!Problem

Napa-facepalm nalang ako nang mag-start na yung song. Seriously? Ariana Grande?
Nagkantyawan tuloy ang mga kasama ni kuyang presko. Ba't naman nilabas ni Badaf ang
pagka-baklush niya? Sana yung manly side nalang niya!

Napasipsip nalang ako sa softdrinks ko nang magsimula nang kumendeng si Badaf. Si


Kuya presko naman, kahit girly yung song, he still managed to move sexily pa rin.
Sana pati si Badaf kaso... nah.

Hey baby even though I hate ya!

I wanna love yaI want you!And even though I can't forgive youI really want taI want
you!

"Wooo!"

"Haha! Angas!"

May split personality ba ang soul sister kong si Badaf. I swear, he really moves
like a girl while dancing. Ang lambot ng bewang at pumo-project pa ang bruha.
Lumingon pa nga siya sa akin at bumelat.

"Mamaya ka sa akin. Grr!" bulong ko sa sarili. Ang lakas ng tama niya para sumabak
sa showdown.

Tell me, tell me baby

Why can't you leave me?

Cause even though I shouldn't want itI gotta have itI want you!

Inikutan niya yung lalaki gaya nang pinapakita sa screen, and he swayed his hips
softly and then placed his hand on the guy's arm. To my horror, he gave him a kick
on his crotch.

Napanganga tuloy ako sa ginawa ni Badaf. Pati ang mga tao sa paligid namin ay
natigilan din. Parang huminto ang oras sa Timezone.
"Tara na!" sigaw ni Badaf at patakbong hinila ako palayo roon.

***

"Hahahaha! Shunga ka. 'Pag talaga tayo niresbakan nun ha."

"Gag0 kasi. Bastos e."

I found out the reason behind the act he pulled out kanina sa Timezone. Nainis kasi
pala siya nung tignan ako mula ulo hanggang paa nung lalaki sabay kindat at kagat
sa labi. Rude gesture pala yun ng guy. Hindi ako aware. Ayun, binastos niya rin
tuloy yung guy sa pamamagitan nung pag-una niya dun sa game machine. The guy got
pissed by France kaya hinamon niya sa showdown. The one who'll get the louder
applause will win, at kapag nanalo raw si kuyang presko, kukunin daw niya ang
number ko. Kapag nanalo naman daw si Badaf, ibibigay niya raw ang number niya.

Rude, isn't he?

"Sa crotch pa talaga niya ah," natatawang hirit ko. Nasa tapat na kami ng bahay
namin. Hinatid kasi nila ako ng driver niya. Quarter to 9 na rin kasi.

He was leaning on his back to the car while grinning proudly. "Hindi ko naman siya
type. Lakas ng apog niya para i-risk ang number niya sa akin like eww!"

Nakisandal na rin ako sa kotse at tinabihan siya. I placed my arm across his
shoulders and drew him closer to me. "Badaf, next time, try mong manapak. Guy moves
yun. Girly move yung ginawa mo kanina e."

Tama naman ako diba? Girly move yung pagsipa sa crotch at pagsampal sabay takbo.

"Gusto mong i-try ko sa'yo?" tanong niya sa akin habang pinapakita sa akin ng kamao
niya. Binatukan ko nga. "AH!"

"Bakla rin ang nananapak ng babae."

"Joke lang."

Silence... Bumitaw ako sa pagkakaakbay kay Badaf at isinandal ko ang ulo sa balikat
niya. Sa totoo lang, na-touch ako sa ginawa niya kanina kahit kalokohan pa yun.
"Badaf, thank you kanina ha?" bulong ko.

"W-wala yun." Tinanggal niya ang ulo ko sa balikat niya at saka ako tinulak. "Sige
na. Pumasok ka na sa loob."

Umakyat ako sa isang baitang ng hagdanan at saka ko siya hinarap. "Thanks din sa
libre. Uh, thanks sa date, I guess?"

Date daw 'to sabi niya kanina e. Edi sakyan nalang! Hindi siya sumagot.
Nakasimangot lang siya sa akin habang namumula ang pisngi. OMG! Ilang beses ko na
siyang pinapa-blush.

"Pasok na, Chararat."

Papasok na sana ako pero napatigil ako't bumalik sa pagkakaharap sa kanya. Parang
ayoko pang pumasok. "Badaf, may request ako."

"Ano yun?"

Ngumisi ako. "Marami ka nang utang sa'kin e. Baka naman pwedeng maningil ng paunti-
unti?" Hindi siya sumagot. Parang hinihintay niya ang susunod na sasabihin ko. Ma-
trip-an nga. "--- pwedeng magrequest na sayawin mo in a manly way yung sinayaw mo
kanina? Problem by Ariana Grande, right?"

Kumunot ang noo niya sa akin. Para bang nawiwirduhan. Ewan ko ba. Nawiwirduhan din
ako sa sarili ko. Simula nang makita ko siya kahapon na sumayaw na parang lalaki sa
Auditorium, nagbago na yung tingin ko sa kanya. Nawala yung pagiging 'gay' niya in
my perspective. Parang... gusto ko ulit siyang makitang sumayaw ng ganun.

"Please, France?"

Tumayo siya ng tuwid bago siya bumuntong-hininga. "Fine, basta ikaw ang kakanta?"

I gawked. "Ba't ako?"

"Ayoko naman mag-dance na walang tugtog. Ano ako, baliw?"

Natawa tuloy ako. Kunsabagay, tama siya. Tumikhim ako at tumango nalang. "Okay,
game," I said and he readied himself to start off.
I know you're never gonna wake up

I gotta give upBut it's you!I know I shouldn't ever call backOr let you come
backBut it's you!

Distraction. Nadidistract ako sa titig sa akin ni France habang sumasayaw... in a


manly way. Hindi katulad kanina, sobrang smooth ng galaw niya just like the way I
saw him yesterday with Reishel.

Ibang France Zion ang nakikita ko...

Every time you touch meAnd say you love meI get a little bit breathlessI
shouldn't want it

Napangiti ako nang ngumiti siya. Pabagal ng pabagal ang pagkanta ko kaya isinasabay
niya rin ang bawat galaw niya sa boses ko.

"....But it's you," I almost whispered the words when he reached for my hand,
dancing to the rhythm of the song... na huminto namin dahil huminto na rin ako sa
pagkanta. Nadidistract ako!

"Okay na, Chararat?" tanong niya.

Initial reaction ko? Napabitaw nalang sa kamay niya at napaatras ng hakbang. "O-
okay na! Ang galing mo, France."

He shrugged arrogantly and bowed. "Thanks, madamoiselle."

Lumunok ako. Hala, ba't bigla akong kinabahan? "Thanks. P-papasok na ako, France."

Ngumiti siya. "Sige."

Hahakbang na sana ako papasok sa gate namin nang marinig ko ulit ang boses niya.
"Goodnight, Misty."
Pagkasarado ko sa gate ay tumakbo na ako papasok sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa
kwarto ko at humarap agad sa salamin para pagmasdan ang mukha ko.

"Pati ba naman ako nagba-blush rin dahil sa kanya?" I asked myself in surprise.
Imposible! IMPOSIBLE!

=================

18. First Session

18. First Session

It's Saturday today. Walang klase pero may tutorial session ako with Tyrone kaya
super happy ang mood ko. Sa katunayan, nakitulong pa ako sa paglilinis ng library
at sala para if ever dun kami pupuwesto ni Tyrone, edi malinis na.

"Manang, yung food po?"

"Okay na, Misty. Nagpaluto na ako ng baked mac at may garlic bread na rin. Okay na
rin naman na siguro ang lemon juice. May ipapadagdag ka ba--- saglit lang. Sino
bang bisita mo at natataranta ka, Misty?"

Napatingin nalang tuloy ako kay Manang nun at bigla nalang nakaramdam ng hiya. OMG!
Am I too obvious? Ayan tuloy, nawiwirduhan na si Manang sa'kin.

"W...wala naman po, Manang. Si Tyrone lang yun," I said, stressing the word 'lang'.
Mahirap na, baka iinterrogate niya ako at makarating pa kay Mom sa States. Talking
about being the bantay.

"Tyrone?" She asked, raising a brow.

Si Tyrone... a Mikorin who came to life... a Math freak... a good samaritan.

Napahagikhik tuloy ako sa iniisip ko. Really, Misty? Good samaritan na 'yong
pagvovolunteer niya sa pagturo ng Math sa'yo sa canteen?

Naupo siya sa harap ko sa dining table and there goes the strict look of her again.
Don't get her wrong. She's not being the villain here. Sa pagiging busy ng parents
ko noon, siya na ang tumayo bilang ina ko rito sa Pilipinas. "Patawa-tawa ka d'yang
bata ka? Naku ha. Nakalimutan mo na ba ang pangaral ko sa'yo?"

Tumikhim ako at saka umayos ng upo. "Misty, mag-aral ka nang mabuti. Tapusin mo
muna ang pag-aaral bago ang mga love life na yan," I said, mimicking her voice.
Syempre sumimangot siya. "Manang, tutor ko lang po siya. Don't worry, nagsisikap po
akong mag-aral."
"Mabuti naman. Mabuti nang may alam kaysa ang wala. Alam kong anak-mayaman ka pero
hindi iyon sapat para sa pagharap sa kinabukasan mo--"

Sinabayan ko na siya sa huling linya ng pangaral niya na nakabisado ko na dahil


paulit-ulit niya iyon sinasabi sa'kin simula pa nang magdalaga ako. "--- You have
to stand on your own," I finished with a smile as I hugged her. "I will, Manang.
But for now, let me stand with my Math tutor dahil hindi keri ng utak ko ang Math."

"Kaya mo yan. Ikaw pa!"

Humiwalay ako sa pagkakayakap at pabirong sinamaan ng tingin si Manang. She knows


for sure that I suck at Math. "Kakayanin ko kahit sabaw na po ang utak ko."

"Kung nakaya mo noong highschool, paniguradong kakayanin mo rin ngayong college."

"Hanggang 85 lang ang kaya ko noon, Manang!" Which is true. Nag-eexcel ako sa lahat
ng subjects except for Math. Sa katunayan, kasali ako sa top 10 honor students ng
batch namin though, ako yung top 10. But at least, diba?? Nakakatawa lang isipin na
hanggang top 8 lang ang kaya ko. Kung minsan, top 9 ako o 'di kaya'y top 10.
Kalaban ko lang naman si Badaf na natalo ko kaya ang init ng ulo niya sa akin noon.

"Basta kakayanin mo yan. May tiwala ako sa'yo."

Napangiti nalang ako kay Manang. The best motivator ko siya e. Nakitulong pa ako sa
kanyang maghanda ng kung ano-ano sa kitchen nang marinig kong may nag-door bell sa
labas. Nagkatinginan tuloy kami ni Manang.

"Baka si Tyrone na po yan," sabi ko sabay tingin sa wall clock. "Whoa. 3:30 pa lang
ah. Aga naman niya."

Walang hinto yung pag-dodoor bell kaya nagpunas na ng kamay si Manang. "Teka,
pagbubuksan ko muna."

"WAIT!" pigil ko. Napatingin kasi ako sa reflection ng sarili ko sa makintab na


itim na ref namin. Napanganga ako kasi... mukha akong monster! "Papasukin mo po
siya. Mag-aayos lang po ako ng sarili."

Mabilis akong tumakbo paakyat sa kwarto ko. Nilabas ko lahat ng matinong pambahay
ko. Syempre, pambahay lang. Hindi na yung casual clothes. Baka isipin niya
pinaghandaan ko ang pagdating niya which is true naman, pero basta dapat hindi niya
mahalata!

"Ito nalang kaya?" Pinagmasdan ko ang suot kong short jeans at beige na shirt. Okay
na siguro 'to. Syempre, nag-cologne na rin ako at nagpowder. Hindi rin mawawala ang
lip gloss ko.
Hingang malalim, Misty. Si Tyrone lang naman yan. Si Mikorin ng buhay mo.

"Hoo!"

Paglabas ko ng kwarto, with poise pa akong bumaba sa hagdan. Dahan-dahan... at


hindi pahalatang excited ako sa pagdating ng Math tutor ko. Pagtingin ko sa
direksyon ng living room, literal na huminto ako nang makita si. . .

"Badaf!" I almost shrieked. Umangat naman siya ng tingin sa akin sabay ngiti. . .
painosente effect. "Anong ginagawa mo dito?"

"Ba't parang na-disappoint ka? Akala mo si Mikorin na, 'no?" Mapang-asar na tanong
niya.

Bumuga nalang ako ng hangin sa inis saka ako patakbong bumaba papunta sa kanya.
Hinampas ko siya sa braso sabay upo sa tabi niya. "Akala ko nga talaga si Mikorin
na! Ikaw lang pala."

"Wow. Ni-la-lang mo lang ang beauty ko?" sabi niya sabay roll eyes.

Speaking of beauty, pinagmasdan ko ang get-up niya. Nakasuot siya ng black pants at
blue denim polo na binagayan ng Converse sneakers niya. Naging visible tuloy ang
maputi niyang braso.

"Gwapo mo ah," I smirked at him, brushing my eyes from head to toe. "Ganyan dapat
palagi. Good job."

Nabigla ako nang ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Napatingin tuloy sa mga
mata niya. . . sabay higit ng hininga. "Mukha na ba akong lalaki?"

Nahirapan na akong makahinga kaya tinulak ko na ang mukha niya at humiga nalang sa
sofa. "Lalaki ka naman talaga. Charotera 'to," I retorted with a grin. "Ba't ka nga
pala nandito?"

"Nagdala ako ng cookies. Ginawa ni Mama 'yan. Wiz ko sanang dalhan ka nyan kaso
pinag-utusan lang ako ni Mudrabels. Nililigawan nga kasi raw kita diba?"

Kumuha ako ng cookies mula sa food container na hawak niya sabay kagat. "Hmmm. . .
sarap. Bongga ng Mama mo ah."

"Anong bongga---"

He was interrupted by the sound of the door bell. Nagkatinginan tuloy kaming
dalawa.

"-- Si Tyrone na ata yan, Chararat."

Halos patalon akong bumangon sa sofa at nag-ayos ng sarili. Ayos ng buhok, inunat
ko rin yung nagusot kong damit. "How do I look?"

Sinuyod niya ako ng tingin from head to toe sabay ngisi. "Chararat pa rin."

I just flipped my hair to him and rolled up my eyes. Huminga muna ako ng malalim
bago ko nilabas ang kung sinumang nagdodoorbell.

Pagkabukas ko, tumambad sa akin ang naka-pants at black shirt. . . na naka-wax pa


ang hair pataas. Nagmukha tuloy siyang anime character lalo!

"H-hi, Mi-- Tyrone." Lumunok ako. Epic.

"Hello, late na ba ako?"

Tumingin ako sa wrist ko at nanlaki ang mga mata nang marealize kong wala pala
akong wrist watch. Natawa tuloy siya. "Saktong 4pm na," he said, raising his
phone's clock to me.

"Alright. Hehe. Pasok ka, Tyrone."

Nako-conscious ako sa paglalakad ko. Hindi naman siguro pangit ang likod ko diba?
Feeling ko kasi, nakatingin siya sa likod ko habang naglalakad dahil mas nauuna
ako. Pagkapasok namin sa bahay, sumalubong sa paningin namin si Badaf na kumakain
ng sarili niyang cookies na dinala niya para sa akin. Kaloka 'to.

"Uy, Badaf. Si Tyrone o," I said, catching his attention.

Ngumiti lang siya at tumango kay Tyrone. "Tyrone, si France nga pala. Kaibigan ko."

Tumango din si Tyrone sa kanya. "Natatandaan kita. Diba ikaw yung nagsauli sa akin
ng binder ko nung nakaraan?"

For a second, nakita kong tumingin sa akin nang mapang-asar si Badaf bago siya
tumango kay Tyrone. "Oo, napag-utusan kasi kami ni Eunice no'n e. Diba, Chararat?"

"Uh, yeah." Ano ba yan. Nagiging tahimik tuloy ako. Wow, shy type, Misty? "Sa
library nalang tayo pumwesto, Tyrone."
"Saan ba yun?"

Magsasalita sana ako nang tumayo bigla si Badaf. "Sa taas yun. Sama ako!"

Nung nasa library na kami, pumwesto kami sa may carpet habang nakapatong ang mga
libro at braso namin sa center table. Pangisi-ngisi pa nga si Badaf sa'kin sa 'di
ko malamang dahilan.

Binuklat ni Tyrone ang lecture note ko at nahinto sa page kung saan nakasulat ang
tungkol sa Sets. "Sets nalang muna ang pag-aralan natin."

"Madali lang naman yan e. Alam na yan ni Chararat."

Siniko ko si Badaf. Ano ba yan! Nangingielam pa e. Hindi nalang niya hayaan si


Tyrone sa diskarte niya.

"What? Alam mo naman yan diba?" tanong niya at sinimangutan ko lang siya. "Iba
nalang ang ituro mo, Tyrone."

"Ayos lang talaga, Tyrone. Yun nalang," sabi ko nang ilipat niya na yung page ng
notes.

I heard Badaf laugh. "No, knows niya na yan. Hello? Prelims pa kaya namin yan.
Dapat ang ituro mo ay yung pang-midterms."

Tumikhim si Tyrone sabay ngiti. "Misty, alam mo na rin ba yung percentage to--"

"Naku, naturuan ko na rin siya n'yan."

Ugh! Ang sarap kaladkarin palabas ni Badaf at i-lock nalang ang pinto para hindi
makapang-istorbo. I swear, kung ako si Tyrone, malamang napikon na ako sa pagiging
pakielamero ni Badaf.

"Badaf, ayos na yan," sita ko sa kanya at bumaling kay Tyrone. "Tyrone, pwede--"

"Diba dapat sa first session, getting to know muna para maging kumportable ang
student sa tutor niya?" sabat ni Badaf at pinipigilan ko ang sarili kong palad na
dumapo sa bibig niya. Ay, naku! "Like sa first day of class. Introduction muna.
Kwentuhan nalang muna tayo."

"Anong ikukwento ko?" He asked, looking pointedly at me. Napapansin kong kanina pa
siya sa akin tumitingin kaysa kay Badaf which I know for sure what it meant. Ako
naman kasi ang client niya at hindi ang charoterang Badaf na 'to.
Badaf chuckled. "Anything under the sun."

"Anything?"

"Anything. Basta 'wag tungkol sa history ng Math huh? About yourself nalang."

Napatikom ako ng bibig nang biglang maging straight face ang facial expression ni
Mikorin. Nagkatinginan tuloy kami nun ni Badaf.

"No, binabayaran ako para turuan si Misty ng Math at hindi para makipagkwentuhan.
Magsimula na tayo."

Nagkatinginan tuloy kami ni Badaf sabay mouthed ng; 'Sungit!'

Magaling naman talagang magturo si Tyrone kaya kahit papa'no ay nagegets ko naman.
Yun nga lang, inaantok ako. Laking pasalamat ko nalang nang matapos ang 3 hour
session namin. Paunat-unat pa ako ng mga braso nang matapos kami.

"May itatanong ka pa ba, Misty? Baka kasi may hindi ka naintindihan," tanong ni
Tyrone sa akin. About Polynomials naman ang tinuro niya at buti nalang ay nanahimik
na si Badaf the entire time reading something through his phone. Ganun pa man,
nakakadistract pa rin ang presence niya. Patingin-tingin kasi e.

"Okay na ako. Thanks." Sabay ngiti.

Mula sa gilid ng mga mata ko, nakita kong nagpipigil ng tawa si Badaf kaya
pinaningkitan ko siya ng mga mata saglit sabay baling ulit kay Tyrone na tumatayo
na, so tumayo na rin ako.

"Madali ka naman palang turuan e."

Ano raw? Ako, madaling turuan? Yay! Ngiting tagumpay tuloy ako. "Uy, hindi naman.
Magaling ka lang talagang magturo."

"'Wag mo ngang i-underestimate ang sarili mo. Kaya mo ang Math," he said as he
tapped my shoulder, motivating me. Napatingin tuloy ako sa parteng tinapik
niya. . . OMG! I felt an electric current right there. Charot!

"Ehem! Aalis na ba si Tyrone?" Napatingin ako kay Badaf nun. Nakatayo na siya at
punat-unat din ng mga braso.

"Oo, Pre."

Natawa ako nang biglang naubo si Badaf sa sinabi ni Tyrone. Ano raw? Pre?
Lumunok muna siya bago ngumiti ng pilit. "Tara, pauwi na rin ako. Hatid na natin
siya sa baba."

Hinatid na namin siya palabas ng gate. Dun ko lang napansin na may dala pala siyang
motorbike. Astig! Naalala ko tuloy si Kuya Kurt. Naaastigan ako sa kanya tuwing
nakikita ko siyang nagmomotor.

Tyrone gave me a salute before he nodded at Badaf behind me. "Text mo nalang ako
kung kailan ang next session natin, Misty. Free ako kahit kailan para sa'yo."

Tinikom ko nalang ang bibig ko sa sinabi niya. Kinikilig ako sa parteng 'para
sa'yo'. Kyaah! Ganun lang siguro talaga kapag may gusto ka sa isang tao, binibigyan
mo ng malisya ang lahat ng sinasabi o ginagawa nila.

"Uh. . . Sige. Salamat," I said with a smile.

Tumango lang siya bago pinahururot palayo ang motorbike niya. Nang makalayo na siya
nang tuluyan, dun na ako humarap kay Badaf.

"BADAF! Narinig mo 'yon? OMG! Ang cool niya---"

Natigilan ako nang idikit niya sa mukha ko ang palad niya. Anong trip nito? "Hep!
Wala akong time para sa feels mo. Ako'y lalarga na. Babush."

Inalis ko ang palad niya sa mukha ko. Nakita ko siyang nagdadial na sa phone niya.
Itetext na ata niya ang sundo niya. "Badaf, 'wag ka munang umuwi! Kwentuhan muna
tayo, plish!" Puppy face look pa more.

"Hindi pa ako uuwi. May practice kami ng dance troupe. Didiretso ako sa campus,"
sabi niya bago tumingin sa wrist watch. "Late na nga ako ng 15 minutes e."

"Ba't ka pa kasi tumambay dito? May practice ka naman pala?" pagtataray ko. Sa
totoo lang, nagtatampo na ako sa kanya. Simula nang mapasali siya sa kampo ni
Reishel, hindi na kami gaanong nagsasama. Edi dun na siya! ". . . Umalis ka na
nga!"

Inirapan niya lang ako in a maarte way. "Sumilay kasi ako."

Silay pala ah. I smirked. "Kanino? Sa akin?"

"Nah!" mabilis niyang sagot. "Kay Tyrone. Sumilay ako para sana maibalik ko yung
admiration ko sa kanya kaso. . . waley na talaga. Osya, aalis na ako." Tumingin ako
sa tinitignan niya. Ang bilis naman! Paparating na agad ang service niya. "Goodbye,
Chararat. See you on--- AH!"
Yumakap kasi ako sa kanya. Walang malisya, syempre! Ayaw papigil e. "Badaf,
nagseselos na talaga ako kay Reishel. Kayo na ang close," sabay pout.

Tinulak niya naman ako. Kainis 'to! "Kadirdir 'yang hug mo ha?" At nagpagpag pa.
"Hindi kami ganun ka-close ni Reishel. Dancing partners lang kami. Nothing more,
nothing less, Chararat. Teka, ba't ba ako nag-eexplain sayo?"

Ngumuso pa ako sa harap niya. Umatras naman siya ng hakbang. "Eh kasi bestfriends
tayo!"

"Bestfriends ka dyan!" irit niya with hand gesture pa. "Hindi tayo bestfriends
'no!"

Natigilan tuloy ako. Medyo ouch yun ha. I-deny daw ba ng harap-harapan? Napansin
naman niya yun kaya nagsalita agad siya.

". . . Hindi tayo bestfriends kasi girlfriends tayo. Girlfriend mo ako, girlfriend
kita."

Tumaas ang isa kong kilay. Ano raw?

"--- Bongga diba?" sabay tawa niya.

Sa sobrang tawa niya, nakatingin lang ako sayo na parang ang weird niya. Napansin
ko tuloy si Dad na nasa veranda sa itaas dahil nakaharap ako sa bahay. He was
smiling at me while gesturing something. . . parang pinagdidikit niya yung slight
close fists niya sa isa't-isa.

Wait. . .

Ngumunguso pa siya habang nakaturo kay Badaf. Is he trying to tell me to kiss


Badaf? And then I saw him, handing out his phone. Nag-vibrate naman ang hawak kong
phone. It was an sms from Dad.

Nag-slow down na sa pagtawa si Badaf habang nakatingin pa rin sa akin.

From: Daddy Lucas

Kiss him on the cheek before he leaves. Goodbye gesture. Make him feel like a real
boy. ;)

That's what the message said and so after I've read it, tumingin ako kay Dad. Wala
na siya sa veranda. Weird, Dad!
"Oy, aalis na ako, Chararat ha? Nagtetext na rin si Reishel e. Babush na tologo,"
sabi niya bago lumapit na sa backseat ng service niya.

I was torn of doing what I was told or just let him leave, but I just found myself
pull his arm.

"Wait, France." I said before I pecked on his cheek. Lumayo agad ako para tignan
ang reaksyon niya. He was stoned. . . really.

Humawak pa siya sa pisngi sabay tingin sa akin. Ngumiti naman ako ng alanganin.
"T... thanks ulit sa cookies. Bye!" I said before I went back inside the house.

Sheesh. Parang nagwala ang parasites sa loob ng tyan ko sa ginawa ko! In


fairness. . . ang bango niya.

=================

19. Kakaiba

19. Kakaiba

My Tuesday has been such a wreck. Naiwan ko ang module ko kaya naman hindi ako
pinapasok ng prof sa ENDEV lab. Naiiyak na tuloy ako habang nakaupo sa stair step.
First time kong mapalabas ng klase. Ba't ko ba kasi naiwanan?

First rule pa naman sa ENDEV lab ang no module, no entry policy. Ang arte ni Sir e.

"Chararat. . ."

Nilingon ko ang boses ni Badaf. Nabigla pa nga ako kasi lumabas pa siya ng lab eh
may module naman siyang dala. "Ba't ka lumabas? Pumasok ka na dun."

"Okay ka lang here?"

Ngumuso ako pero pinilit kong mag-nod sa kanya. "Oo, ayos lang ako. Pasok ka na."

"Dito nalang din ako."

Uupo pa sana siya sa tabi ko nang pigilan ko siya. "Pumasok ka na. 'Wag kang um-
absent. Sabihin mo nalang sa'kin kung anong lesson niyo ngayon. Hihintayin ko
nalang kayo mag-dismissal. Two and a half hours lang naman ang klase diba?"
Pinilit kong ngumiti sa kanya. E kasi naman, feeling ko naaawa siya sa akin.
Kasalanan ko namang nakalimutan ko yung module ko. How could I be so forgetful?

"Sureness?" tanong niya at tumango lang ako. Ginulo niya lang yung buhok ko sabay
tapik sa braso ko. "Waitsung mo ako dito. Tatapusin ko yung exercise agad para
makalabas ako rin ako agad."

Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko nang makaalis na siya. Sinundan ko pa nga
siya ng tingin bago siya pumasok sa comlab bago ako. . . ngumiti.

AAAAHHH! Bakit ako nagkakaganito? Bakit parang kinikilig na ako kay Badaf everytime
he shows how much he cares for me. Tapos yung pabango niya, hindi maalis sa isip
este sa sistema ko. Ang pervert bang pakinggan kapag sinabi kong naaadik ako sa
amoy niya??

Naibaon ko nalang ang mukha ko sa dalawang palad ko. May crush na ba ako kay Badaf?

"This can't be!"

"This can't be what?"

"Ay, pusa!" Nabigla ako sa nagsalita. Pagkaangat ko ng mukha ko, bumungad sa akin
ang nakangiting mukha nina Eunice at Sab. "Ba't ka nandito? Diba may lab ka?" si
Sab.

May three sections ang Comlab para sa Computer at English subject. Section b kami
ni Badaf, samantalang sina Eunice at Sab naman ay section a yata?

"Wala akong module e," sagot ko. Alam naman nila yung policy kaya tumango sila.

"Terror talaga 'yan si Sir e. Gusto mo bang sumama nalang sa amin sa mall? May
bibilhin kasi kami e," nakangiting yaya ni Eunice.

"Oo nga. Sama ka nalang sa amin?" sabi naman ni Sab.

Tumingin muna ako sa comlab bago ko sila binalingan ulit. Mas mabuti pa ngang
sumama ako sa kanila kaysa ang magmukmok mag-isa dito.

"Sige."

***

Convoy ang ginawa namin papunta sa mall. May dala rin kasing sarili kotse si Sab
kaya nakisabay nalang sa kanya si Eunice. Ako naman ay sumabay sa service car ko.
Bilin sa akin ni Dad na kahit saan ako magpunta ay sa service ko lang dapat ako
sumabay para sa seguridad ko. Naiintindihan ko naman dahil yun din ang bilin sa
akin ni Kuya Kurt. . . underground stuff you know.

"Nasaan na yung mga yun?" bulong ko sa sarili habang naghihintay kina Sab at Eunice
sa tapat ng entrance. Dito kasi yung usapan namin ng pagkikitaan namin.

I texted Eunice kung nasaan na sila at nagreply naman siya agad;

From: Eunice

Dumaan muna saglit si Sab sa bahay nila. Kumuha ng pera. Wait us there nalang.
Sarreh.

I replied her with 'it's okay' before I pocketed my phone. Nagkibit-balikat ako.
Makapunta na nga lang muna sa Comic Alley.

Sa Comic Alley, nagtingin-tingin ako ng mga Chikara Hats. Umandar lalo ang pagiging
otaku ko nang makita yung Tokyo Ghoul jackets. Huhu! Natulala nalang tuloy ako sa
presyon. P2, 250.00 eh! P500 lang naman ang dala ko ngayon.

"OMG, Kaneki Ken," bulong ko sa sarili habang tinitignan yung jacket nang biglang
akong may narinig na boses mula sa likod ko.

"Misty?"

Napalunok ako. Paglingon ko. . . Emeghed, si Tyrone! Na-conscious tuloy ako sa


sarili ko. Mukha pa ba akong tao ngayon?

"Tyrone, anong ginagawa mo dito?"

Ngumiti siya. "Wala. Window shopping. Ikaw?" Nilibot niya ang tingin sa buong shop
bago ulit bumaling sa akin. "Mahilig ka rin sa Anime?"

"Yes!" I retorted excitedly. 'Wag niyang sabihing mahilig din siya sa anime?

"Ako rin." Kyaaaah! Lumaki tuloy ang ngiti ko. "Shingeki no kyojin. Ikaw?"

"Attack on Titan?" Promise, nagniningning siguro ang mga mata ko. Anime lover din
siya. "Clannad at Clannad Afterstory!"

"Maganda yan. Lalo na yung nanganak si Nagisa. Nakakaiyak yan e."


Napatakip ako sa bibig ko. Shucks! "Napanuod mo na rin yun?"

Napahimas siya sa batok niya habang nakangiti pa rin. "Oo, diba may OVA pa nga yung
season 1 nun? Dun pinakita yung mangyayari kung sakaling nagkatuluyan si Tomoyo at
Tomoya."

"Wow! Nakakatuwa naman---"

Napahinto ako nang bigla nalang may tumikhim sa tabi ko. Pagtingin ko, yung
saleslady pala. Inaayos niya yung mga naka-display. Nagkatinginan tuloy kami ni
Tyrone sabay senyas niya sa akin na lumabas na.

Nagkatawanan nalang kami nung makalabas na kami sa Comic Alley. Naka-uniform pa


kami parehas kaya sa tingin ko, ang cool naming tignan.

"Nakakahiya dun sa loob. 'Di naman tayo bibili," natatawang sabi niya. He has this
aura that you'd just want to stare at him while he laughs. Ang cute e.

"Okay lang yun. Regular customer naman ako dun," sabi ko sabay ngiti.

"So, saan na ang punta mo nyan? May kasama ka ba?"

Naalala ko tuloy sina Sab at Eunice. Chineck ko yung phone ko at nabasa ko yung
text sa akin ni Sab na inutusan pa raw siya ng Mom niya at matatagalan pa raw sila.

So, I drew out a breath and smiled at Tyrone. "Wala pa yung hinihintay ko. Ikaw
ba?"

"May bibilhin ako sa NBS. Gusto mong sumama?"

"Sure."

Sa NBS, nawindang ako nang makita ko ang lahat ng nasa listahan niya. Let me
enumerate them;

1. Scientific calculator

2. Tracing tube

3. Set ng Rotring tech pen

4. Metallic Ruler 18 inches


5. Mechanical pencil 0.5

6. A4 bond paper 80gsm

7. T-square

8. Triangle 30 60 80

9. Compass

10. Protractor

11. Templates

12. Clay eraser

"Ang dami naman nito. At ang mamahal pa ah," sambit ko habang naghahanap kami ng
nasa listahan. Actually, ako yung may hawak ng listahan e. Siya naman ang may hawak
sa basket.

"Civil Engineering e," nakangiting sagot niya. Jusko. Sa SciCal pa lang, 1, 200 na
at yung techpen, P1, 850. . . Ba't ang mamahal?

"Kailangan ba talaga ang lahat ng 'to?"

Kumuha siya ng A4 bondpaper at saka niya nilagay sa basket. Yun nalang ang kulang
sa listahan. "Oo, kailangan lahat. Okay lang yan. 'Yan lang naman ang gastusin ko
bukod sa allowance."

"What do you mean?" Pumila na siya sa counter kaya tumabi ako ng bahagya. More or
less worth 5k din siguro ang lahat ng pinamili niya.

"Scholar ako ng E.H.U."

Nanlaki ang mga mata ko sa kanya pero syempre 'di ko pinahalata. Wow. Scholar siya?
"Ang galing naman. So, matalino ka pala."

"Hindi naman. Mahina ako sa English."

Pasimple tuloy akong napangiti. I know that very well. Tanggap ko naman iyon.
Mouhahaha! "At least, magaling ka sa Math," sabi ko na nagpangiti sa kanya.
As if on cue, nagvibrate ang phone ko. Nagtext na si Sab.

From: Sab

Misty, nasa Dept. store na kami. 2nd floor. Wait ka namin dito.

"Nandyan na yung hinihintay mo?" sabi ni Tyrone kaya tumingin lang ako sa kanya at
tumango. "Okay. Salamat sa pagsama, Misty."

Misty. . . Oh, sheesh. Ang saya namang pakinggan na tinawag niya ako sa pangalan
ko!

"Wala yun. Sige, mauna na ako, Tyrone."

***

"Ayieee! So, kilig ka na nyan?" As expected, tinukso tuloy ako ng dalawa. Bumili
lang pala sila ng blouse sa department store. Akala ko kung ano nang bibilhin nila.
Yun lang pala.

At oo, naikwento ko sa kanila na nagkita kami unexpectedly ni Tyrone sa Comic


Alley. Halata namang mas kinilig pa sila sa akin.

"Mahilig din pala siya sa anime."

Kasalukuyan kaming naglalakad-lakad sa mall. Nakapagmiryenda na rin kami. Badtrip


lang kasi na-lowbat pa ang phone ko. Gusto ko na tuloy umuwi para makapag-charge.
Sanay kasi ako magcheck ng phone every now and then.

"Oo, mahilig siya dun. Kaso ang alam ko puro live actions lang at hindi manga but
at least diba?" say ni Eunice.

Napangiti nalang tuloy ako. Just the mere idea of Tyrone's fascination with anime
makes me giddy. Bakit kasi si Badaf nahilig sa K-pop.

Wait. . . Erase. Erase. Erase. Eh ano naman, Misty? Anong connect?


Speaking of Badaf, oh my gosh! Baka hinahanap na ako nun. "Eunice, I need to get
back to---" natigilan ako sa pagsasalita kasi wala na sila sa tabi ko. Pumasok sila
dun sa Quantum.

Hinabol ko sila sa loob. Masyadong maingay kaya hindi kami magkarinigan. "Hinahanap
na ako ni Badaf!" pasigaw na sabi ko.

"Ha? Teka, Misty."

Hinila nila ako sa karaoke section. Sakto pang walang nagkakantahan. Nabigla ako
nang pumwesto silang dalawa dun sa mini stage. Napaupo nalang tuloy ako sa upuan na
nagsisilbing audience's section.

And they started singing. . . In fairness, magaling sila. Nawala tuloy sa isip ko
yung iniisip ko kanina. Nakalimutan ko na nga, actually. Nag-enjoy kasi ako
kakapanuod sa kanila. I even recorded a video of them and after three songs,
nagulat ako nang magsalita si Sab sa mic.

"Ikaw naman, Misty!"

What? Ako?

Hinila ako ni Eunice papuntang stage. Si Sab naman ay inabutan ako ng song book.
Nanlambot ang mga tuhod ko nang makitang maraming tao sa paligid though busy sila
sa arcade, may ilan na nanunuod sa stage. AAAHH! Nakakahiya!

"Game na! Pagkatapos nito, aalis na tayo," malakas na sabi ni Sab na sinundan pa ng
encouraging look ni Eunice.

"Si Badaf kasi hinihintay na ako sa campus."

"Promise, last na 'to." Si Eunice.

Wala na akong nagawa kundi ang maghanap ng song at i-ninput na agad sa karaoke
machine. Ba't ba kasi ako sumama dito? Baka hinahanap na ako ni Badaf.

Bahala na nga. . .

Humugot ako ng malalim na hininga at nagsimula nang kumanta. I chose the song Don't
Let Me Fall by Lenka. . .

Underneath the moonUnderneath the starsHere's a little heartFor you

Pumikit ako saglit para tanggalin ang kaba ko pero nang magmulat ako, nabigla ako
nang makita si France na nakatayo sa 'di kalayuan. . . Seryosong nakatingin sa
akin. Hindi ko alam pero kinabahan ako.

Up above the worldUp above it allHere's a hand to hold on to

Kaba ba ito o sadyang malakas lang ang tibok nito dahil nandyan siya. Nakakainis
man isipin pero sa tingin ko, natutuwa ako sa tuwing nakikita siya.

But if I should breakIf I should fall awayWhat am I to do

Nakasimangot man siya o hindi, nakakaramdam ako ng kakaiba sa kanya. Kakaibang


pakiramdam na hindi ko naramdaman kahit kanino man kundi sa kanya. . . lang.

I need someone to takeA little of the weight

Hindi ko tuloy maiwasan na maitanong sa sarili ko; Do I like him already?

Or I'll fall through

No way, Misty. Bawal ma-fall sa kanya. Magtigil ka. Bakla siya.

=================

20. Falling

20. Falling

You're just the one that I've been waiting for

I'll give you all that I have to give and more

But don't let me fall

Nakatitig lang sa akin si France habang nakakrus ang mga braso sa dibdib. Hindi ko
mabasa ang reaksyon sa mukha niya.
Take a little time

Walk a little line

Got the balance right aha

Unti-unti tuloy humihina ang boses ko sa pagbigkas ng lyrics ng kanta. Sinasalubong


ko ang mga titig niya, at hindi ko alam kung ba't kinakabahan ako. Hindi kaya dahil
nandyan siya't nakatingin sa akin?

Give a little love

Gimme just enough

So that i can hang on tight

And yes, I'm aware that I'm beginning to feel conscious whenever he's around.

We will be alright

I'll be by your side

I won't let you down

Ganun pa man, kahit naiilang ako sa kanya, gusto ko pa rin siyang kasama lagi-lagi.
Kung pwede nga lang ay hindi siya mahiwalay sa akin. Hindi ko tuloy alam kung
sadyang clingy lang ako o kung may iba pang dahilan.

But I gotta know


No matter how things go

That you will be around

Huminga ako ng malalim. Hindi pa rin nawawala ang pagkunot ng noo ni France. Galit
nga talaga siya sa akin.

You're just the one that I've been waiting for

I'll give you all that I have to give and more

But don't let me fall

Halos pabulong ang pagkanta ko sa huling verse ng kanta. Nakakainis. Kung ba't sa
lahat pa ng kanta ay ito pa ang napili ko. "Don't let me fall," halos pabulong kong
kanta habang hindi pa rin naaalis ang mga mata kay France. Hindi pa man natatapos
ang kanta ay nagmamadali na akong bumaba sa mini stage ng karaoke bago ko kinuha
ang bag ko mula sa kandungan ni Eunice.

"Guys, una na ako!" sabay takbo ko papunta kay France na. . . hindi ko na makita sa
kanina niyang pwesto.

Ugh! Bakit ba kasi nawala sa isip ko si France kanina? Malamang magagalit siya kasi
bigla nalang akong nawala dun sa campus. Ang shunga ko talaga!

Nagmamadali tuloy akong tumakbo palabas ng Quantum, nagbabakasakaling maaabutan pa


si France. At buti nalang ay nakita ko siyang mabilis na naglalakad papunta sa
kaliwa.

"France!"

Hindi niya ako nilingon. Parang wala siyang naririnig. Binilisan ko nalang ang
pagtakbo ko kahit na may mga nababangga na ako. "France, sorry na!" sabay higit sa
braso niya. Tumigil naman siya pero hindi ako tinitignan. Sinilip ko ang mukha
niya. Mas lalo akong nag-alala kasi magkasalubong ang dalawa niyang kilay.

"Badaf. . ." malambing pero may halong pagmamakaawa ang boses ko. Huminga naman
siya ng malalim. Na-disappoint ako kasi nagpatuloy ulit siya sa paglalakad.

"Uy, sorry na."

Hanggang sa makalabas na kami sa parking lot ay hindi niya ako tinatapunan man lang
ng kahit saglit na tingin. Basta tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Unti-unti
tuloy akong napatigil sa pagsunod sa kanya. Bukod kasi sa hiningal na ako, na-
realize kong para na akong aso na sumusunod sa kanya.

Humugot muna ako ng malalim na hininga sabay kuyom ng dalawang palad bago ako
sumigaw. "SORRY NA KASI!"

He finally stopped and so I took the chance to run towards him. Pumwesto ako sa
harapan niya para tignan ang reaksyon niya. Pokerface. Galit nga siya sa akin.

"Badaf, sorry na. Nawala ka kasi sa isip ko nang yayain ako nina Eunice at Sab
kanina."

Hindi ako sanay na walang kibo siya. Ang kilala kong France, kapag nagalit, talak
ng talak. Pero iba siya ngayon. Nag-aalala tuloy ako. "Uy, magsalita ka naman
dyan."

Bumuntong-hininga siya. Malakas iyon dahil narinig ko iyon kahit na maingay sa


parking lot. "Nawala ako sa isip mo kanina?"

Tumango ako. Totoo naman kasi. Ang naisip ko lang, mas mabuting sumama nalang kina
Eunice at Sab kaysa ang magmukmok mag-isa dun sa hagdanan.

"Tss." Umiling siya habang nakangiti nang nakakaloko. Nagtaka tuloy ako. "Alam mo
bang ikaw lang yung nasa isip ko habang nasa English lab ako? Ang gusto ko kasi,
matapos ko na agad yung exercise para makalabas na agad ako at masamahan kita. Pero
anong nangyari? Paglabas ko, wala ka na dun, Misty Kirsten I. Lee."

Gusto ko sanang matuwa dahil sa pagtawag niya sa buong pangalan ko including middle
initial kaso hindi ito ang tamang oras para sa lokohan. Nakatiim-bagang siya e.
Napalunok tuloy ako.

"Hinanap kita sa campus, Misty. Tinext kita pero hindi mo naman sinasagot. Buti
nalang, nung tinext ko ang driver mo at tinanong ko kung nasaan ka ay nagreply
siya."

Natigilan ako. Kinapa ko yung bulsa ko at inilabas ang phone ko para i-check ang
message niya. No service pa ang sim ko.

"Walang signal e---"


"Walang signal, lowbat, walang load. Puro nalang palusot. Misty, pinag-alala mo ako
ng sobra tapos makikita lang kitang kasama ng iba at enjoy na enjoy ka pa?"

Dun na ako napalabi. Ewan ko ba pero bigla-bigla nalang nangilid ang mga luha sa
mata ko. Yumuko nalang ako para hindi ipakita sa kanya. Really, Misty? Iniiyakan mo
si France dahil pinapagalitan ka niya?

"France----"

"Ewan ko sa'yo. Umuwi ka na nga," sabi niya bago niya ako hinila sa kamay.
Nagpatangay naman ako sa kanya. Ang laki ng bawat hakbang niya at hindi ko na
namalayan na nasa harapan na ako ng service ko.

He opened the door for me and so I looked to him questioningly. "Sumakay ka na."

"France kasi. . ."

"I said get in," maotoridad na sabi niya kaya wala na akong nagawa kundi ang
sumakay na sa backseat. I was expecting him to get in too but he did not. Instead,
he slammed the door close and let us go off.

Sa bahay, hindi ako mapakali. Kahit nasa gitna ako ng dinner namin ay panay akong
sulyap sa phone ko. Nahalata na yata yun ni Daddy dahil sa pinupukol niyang tingin
sa akin. "Misty, is there something wrong?" Dad asked suspisciously.

"Wala po." Tinago ko ang phone sa inuupuan ko at bumalik na ulit sa pagkain kaso
wala naman akong gana.

"Then, are you hiding something from me?"

Napahinto ako sa pagsubo at bumaling kay Dad. Nakangiti siya, pero yung ngiting
alanganin. "Wala po," sabi ko.

"May nangyari ba sa school?"

Kilala ko si Daddy. Hindi niya ako madalas na kausapin about school stuff kaya alam
kong pinipiga niya lang ako para malaman kung may problema ba. "Dad, wala naman po.
I'm fine."

"Sure?" And let me add that he's makulit. Kapag sinabi mong wala, hindi yan
titigil.

Nag-pout nalang ako sa kanya. "Dad, 'di ako pinapasok sa English lab kasi 'di ko
dala yung module ko."
He chuckled at what I said. Tapos na yata siya sa pagkain dahil ipinagdikit na niya
ang spoon and fork niya bago siya tumingin sa akin. "Akala ko tungkol na sa love e.
Buti naman at makakahinga ako ng maluwag."

Nasamid tuloy ako sa sinabi ni Dad kaya natataranta akong uminom ng tubig. "Ehem,"
tikhim ko pa. Naloka naman ako sa sinabi ng Daddy ko.

"Daddy naman. . ."

"What? Kanina ka pa tulala e. Tapos, patingin-tingin pa sa cellphone," he said with


a chuckle and got up from the seat. "Misty, hindi naman sa pinagbabawalan kita pero
you know what your priority is."

Tututol sana ako sa pangaral ni Daddy kasi (alam kong lovelife ang sinasabi niya)
pero mas pinili ko nalang na 'wag nalang kumibo. Miski kasi ako, hindi ko alam kung
anong problema ko.

Dad patted my head before he left. Napasandal nalang tuloy ako sa upuan ko habang
tinitignan ang phone ko. Wala pa ring message mula kay Badaf.

"Badaf naman e. Paramdam ka na," bulong ko sa sarili. Hindi ako sanay na galit siya
sa akin which is so weird dahil we were used to be enemies.

***

Hanggang sa sumunod na araw, hindi ko pa rin tinatantanan ang phone ko.


Nagbabakasakali kasi akong magtetext siya sa akin kung nandito na ba siya sa room o
wala pa gaya ng ginagawa niya paminsan-minsan pero. . . wala e. At wala rin siya.
Absent siya sa first class.

"Psst... Si Zion?" tanong sa akin ni Sab. Wala akong katabi kaya pumwesto siya sa
tabi ko habang nagpapalecture ang prof.

Nagkibit-balikat naman ako. Wala ako sa mood at mukhang hindi magiging tama ang
mood ko hangga't hindi kami nagkakabati ni Badaf.

"Absent?" Si Eunice naman ang nagtanong.

"Hindi ko alam."
"LQ kayo?" sabay na tanong ng dalawa na nagpatigil sa akin sa pagsulat.

Sinamaan ko nga sila ng tingin. "Ano ba? LQ kayo dyan."

"Eh kasi diba yung kahapon? Nandun pala siya sa mall?"

Hindi nalang ako sumagot. Mas lalo lang nasisira ang sira ko nang mood tuwing
nababanggit nila ang nangyari kahapon. Akala ko, masaya ang araw ko kahapon dahil
nagkasama kami ni tyrone kahit saglit sa mall kaso hindi ko ineexpect na hindi pala
iyon magiging maganda.

Nag-dismiss ang prof after two hours at walang kibo akong lumabas ng classroom.
Sinundan naman ako nina Eunice at Sab na mukha kanina pa nag-aalala sa akin.

"Misty, ayos ka lang ba?"

"Ayos lang ako," sabay buntong-hininga.

Pinigilan naman ako sa braso ni Eunice at pinaharap sa kanya. "Uy, Misty.


Nakakakonsensya ka naman. Feeling namin, kami yung dahilan kung ba't kayo nag-
away."

"Ayos lang talaga ako." Ngumiti ako ng pilit. I felt bad when someone's upset about
me. Ayoko ng ganun. Gusto ko masaya lang ang paligid ko.

"Sure ka ah?"

"Oo nga," sabay tango. Ngumiti namin silang parehas at yumakap sa magkabilang braso
ko bago kami naglakad na palabas ng building.

Feeling ko, lutang ako ngayon. At feeling ko, hindi rin kumpleto ang araw ko.
Nakakalungkot naman kasi wala si Badaf. Pabaling-baling tuloy ako sa paligid,
nagbabakasakali kung nasa paligid siya o wala. Hindi ako sanay.

"Anyway, Misty, last day na nang audition para sa music club. Nakasali ka na ba?"

Napatingin ako kay Sab nun. Interesado kasi talaga ako sa music club e. "Last day
na?"

"Oo, Misty." Si Eunice ang nagsalita. "You know what, fit ka sa music club. Ang
ganda kaya ng boses mo."
"Maganda ang boses mo?" Halos malaglag ang puso ko sa pagkabigla nang marinig ko
ang boses ni Tyrone sa likod namin. Nakumpirma nga naming siya si Tyrone nang
humarap kami sa kanya.

Ngiting-ngiti siya habang nakatingin sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng hiya. "Oo,
magaling siya TJ!" Napatingin ako kay Eunice nun. Ano raw? TJ?

"Eunice, Tyrone nga sabi e. 'Wag TJ, okay?" Nakasimangot na sabi niya kay Eunice
dahilan para mapahagikhik ito.

Hindi pa rin naaalis ang tingin sa akin ni Tyrone. Naiilang tuloy ako, samahan pa
ng pagsiko-siko ni Sab sa tagiliran ko na halatang nang-aasar. Naku, lagot ka
talaga sa akin mamaya. "Ano na, Misty? Magaling ka bang kumanta?"

"H-hindi naman----"

"Magaling siya!" sabat ni Sab kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata. Mahilig akong
kumanta at willing akong sumali sa music club hindi dahil para i-pursue ang talent
ko kundi para i-develop pa ang kung anong meron ako. Yun lang yun. Ugh.

Nagulat ako nang bigla niya akong hinawakan sa wrist saka niya ako hinila palayo
bahagya mula kina Sab at Eunice. One step away, actually.

"Pwede ko bang marinig ang boses mo?"

Again, namilog na naman ang mga mata ko. Anong meron at ba't niya ako pinapakanta?
"Tyrone, ano bang trip mo?"

"Dali na, Misty!" "Go na, girl! Kanta na!" Sabay na udyok sa akin ng dalawang
babaeng halos tumili na para pakantahin ako. Samahan mo pa nang pagtulak nila sa
akin.

Ano ba yan! Wala na nga ako sa mood tapos papakantahin pa ako? Napakamot nalang
tuloy ako sa ulo ko sabay sabing... "Tyrone, sorry. Wala ako sa mood e. Mauna na
ako," sabi ko at maglalakad na sana palayo nang marinig ko ang sarili kong boses
mula sa kung saan.

You're just the one that I've been waiting for

I'll give you all that I have to give and more

But don't let me fall


Na-shock tuloy ako. Paglingon ko, nakita kong nakatutok sina Eunice at Tyrone sa
cellphone na hawak ni Sab. Shucks! Parang alam ko na 'yang pinapanuod nila!

"Sab! Eunice!" Natatarantang sigaw ko at lalapit sana sa kanila nang itago na ni


Sab ang phone niya. Confirmed! Video ko habang kumakanta kahapon sa Quantum!

Hiyang-hiya tuloy ako. Paniguradong namumula na ang mukha ko sa kahihiyan. Tinignan


ko ang reaksyon ni Tyrone. Nakatingin lang siya sa akin habang nakangiti. Ano bang
trip niya at naging interesado siya sa boses ko?

"Misty, ikaw ang hinahanap ko."

Napalunok ako. Yung dalawang bruha naman ay halos mapunit na ang labi sa kakangiti
habang nasa likod sila ni Tyrone. Anong hinahanap? Anong ibig niyang sabihin?

"Tyrone, ano bang trip mo? Hehe."

Lumapit siya sa akin. Umatras naman ako ng isang hakbang. At dahil nasa kalsada
kami sa loob pa rin ng campus, open space ang paligid. Walang dead-end. Kaya
hanggang isang hakbang lang ang atras ko.

"Pwede ka ba namin isali sa banda ko?"

Napatikom nalang ako ng labi sa sinabi niya. Ako? Isasali niya sa banda nila?
Seryoso ba siya?

"Tyrone, are you serious? Baka hindi ako---"

"Tyrone! Tara na!"

Nilingon namin yung tumawag sa kanya. Kaklase niya yata. He then looked to me still
with a smile. "Misty, pag-isipan mo muna, please? Kailangan na rin kasi namin ng
bokalista. Hindi kita ipe-pressure. Basta pag-isipan mo muna. Text mo nalang ako,"
sabi niya bago tumakbo palapit sa tumawag sa kanya kanina.

I was so stunned to what he just told me. Seryoso ba talaga siya na gusto niya
akong kunin biglang bokalista niya? Ng ganun-ganun nalang?

"Huy!" Nabalik ako sa wisyo nang may nag-wave ng palad sa mukha ko. Si Eunice.
"Nagustuhan niya ang boses mo!"
"OMG! Tutor mo siya, bokalista ka naman niya. Isn't it amazing?" Kinikilig na sabi
naman ni Sab.

Ako? Tulala lang. Nakakatuwa nga pero... umiling ako. Wala pa rin ako sa mood.
"Baka no choice lang siya," tinatamad na sabi ko.

"No choice? Hello! Gusto ka niya..." Sab paused and smiled naughtily. "--- para sa
banda niya kaya come and grab it."

Nagpalipat-lipat lang ako ng tingin sa kanilang dalawa. Parehas nila akong


ineencourage. On the brighter side, pangarap ko na ring sumali sa banda noon. Eto
na e. Si Tyrone pa ang yumaya sa akin. Tatanggapin ko ba?

"Gora na, Misty. Sikat yung banda nila kahit nung nasa senior school pa kami," sabi
ni Eunice.

Kumapit naman sa braso ko si Sab. "Bagay pa sayong magbanda. Kaya join ka na,
please?"

Whatever they say. Naguguluhan lang lalo ako sa pagdedesisyon kaya naman bumitaw
ako kay Sab at bumuga nalang sa hangin. "Magpapaalam muna ako kay France."

Nagkatinginan naman silang dalawa at nagtatakang humarap sa akin. What Eunice told
me made me realized something.

"Bakit kailangan mong magpaalam sa kanya? Kayo na ba?"

Why do I need to consider what's his take regarding this matter? Hindi ko rin alam
kung bakit. Basta ang alam ko. Ayoko siyang magalit sa akin. Badaf naman e, am I
falling for you already?

A/N: LSS ako sa song na Don't Let Me Fall by Lenka kaya naman yan ang naging
dahilan kung ba't ko nasulat ang kwentong ito. :D

=================

21. Bati Na Tayo


21. Bati Na Tayo

Am I falling for him? Saglit. Bakit ba sumagi iyon sa isip ko bigla? Ano bang
basehan para malaman na nahuhulog na sa isang tao? Hindi ko rin naman alam. Wala
akong alam. I've never been in love before... not until now. Hindi ko alam.
Nababaliw na ba ako kung iniisip kong na-fall na ako sa bading na yun? Nawiwirduhan
na rin ako sa sarili ko e. Hindi ko siya matiis. Ayoko siyang nagagalit sa akin.
Ayokong lumipas ang araw na ito na hindi kami magkakaayos.

Sabihin niyo nga... Love na ba talaga ito?

I shook my head as the thought came into my mind again. Nasa gitna ako ng klase
pero kung ano-anong iniisip ko. Speaking of class, buti naman at um-attend na si
Badaf ng second class namin kundi talagang maloloka na ako sa pag-aalala. Yun nga
lang, hindi naman siya naupo sa tabi ko. Dun siya pumwesto sa first row, katapat
mismo ng prof's desk. Hindi tuloy ako makabwelo sa kanya. Hindi ko siya makausap.
How will I be able to do that if he doesn't give me even a single glance?

Kaya naman nung natapos na yung klase, nagmamadali akong tumayo para lumapit sa
kanya. Naramdaman ko pa nga ang mga mapanuring tingin nina Sab at Eunice pero hindi
ko na yun pinansin. Gusto ko lang talagang makipagbati kay Badaf.

"France!" tawag ko sa kanya pero umakto siyang walang narinig at naglakad na


palabas ng classroom.

"Badaf, I'm sorry. Hindi pa rin ba naaalis yung galit mo?" Sinubukan kong humarang
sa kanya habang naglalakad nang patalikod. Walang reaksyong nakapaskil sa mukha
niya. He was acting as though I am not infront of him.

"Badaf... Bati na tayo, please? Parang yun lang e," nagtatampo kong sabi sa kanya.
Huminto naman siya at tinignan ako ng seryoso na talagang nagpangiti sa loob-loob
ko. Pinagkrus ko ang mga daliri ko sa likod ko at nag-chant sa isip ko ng; 'Please
say 'okay' already!'.

Pero iba ang lumabas sa bibig niya...

"Lang? Nila-lang mo lang yun?"

Napalabi tuloy ako. Ganun na ba kalala yung tampo o galit niya sa akin para
palipasan ang araw na hindi ako kinakausap? Nag-sorry naman ako.

"France, hindi ko naman kasi sinasadya----"

I trailed off when he turned his back on me. Hindi ko na inalintana yung mga
pari't-paritong mga tao sa hallway. What's only in my mind is to make it up with
him.
"Okay." OMG! Okay raw.

"Yehey, thank you!" Dadambahin ko na sana siya ng yakap nang umatras siya sabay
harang ng palad niya sa akin.

Napatigil tuloy ako at tinignan siya ng nagtataka. "Okay, but we're still not okay.
Mag-uusap tayo pagkatapos ng rehearsal namin. Hintayin mo ako. 4pm."

Pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad palayo. Ang choosy naman niya. Si Badaf
ba talaga yun o clone lang niya? Para kasing...

"Lalaking-lalaki?" nagtatakang bulong ko sa sarili. Wait. 4pm daw? Tinignan ko ang


wrist watch ko at nabigla nang makitang ala-una pa lang. Last class ko na ito, so
does it mean I have to wait for him until 4pm?

***

4PM. Wala akong ibang choice kundi ang hintayin na mag-4pm na. He said we'll talk
at 4pm after his rehearsal so I decided to wait for him here outside the admin
building and ate some snacks. 3pm pa lang kaya I still have an hour to wait for
him.

Buti nalang dala ko yung powerbank ko kaya fully-charged na ang cellphone ko. Iwas-
aberya lang kung saka-sakali. Ayoko nang mangyari yung nangyari kahapon.

I was reading on my notes when someone sat down next to me. Pagkatingin ko, si
Tyrone pala.

"Anong ginagawa mo dito, Misty?"

Napaayos tuloy ako ng upo sabay tingin sa hawak kong chips. Inalok ko siya pero
nag-'no, thanks' lang siya sa akin. "Hinihintay ko si France. Nagpapractice e.
Ikaw?"

Ngumiti siya sabay tingin sa entrance ng building. "Hinihintay ko yung girlfriend


ko. Nagpapractice e."

At dahil dun, nabilaukan ako. Mabilis kong nilabas ang tumbler ko at tuloy-tuloy na
uminom dun. Girlfriend? Akala ko ba wala na sila ng girlfriend niya?

"Sorry, sumabit. Hehe," palusot ko. Mukha namang wala lang yun sa kanya dahil
nagfocus lang siya dun sa entrance ng building. "D-dancer din yung girlfriend mo?"
"Oo, girlfriend ko... dati," mariin na sabi niya. Okay, gets. Wala na nga talaga
sila pero hinihintay niya pa rin ito at mukhang shungang umaasa. Wow. Hashtag
Martyr. "Magkapartner pala yung bestfriend mo at si Reishel sa sayaw. Siya yung
president ng dance troupe e." The way he said, it's like he's so proud of telling
that hes got a great girlfriend. Ang shunga naman ng girlfriend niya. Pinagpalit
lang siya.

Well... I don't even know the story, so why would I judge? Shuttap nalang, brain.

Tumayo siya at nagpagpag ng pantalon kaya naman umangat ang tingin ko kay Tyrone.
"Mamaya pa naman sila matatapos. Kadalasan, hanggang ala-singko pa sila sa dance
room. Gusto mo bang sumama muna sa akin?"

"Saan?"

He shrugged as he pocketed both his hands. "Sa mundo ko. Gusto mo?"

Nung una, nagdadalawang-isip ako kung sasama ba ako o hindi. Nandun kasi ako para
hintayin si Badaf at para makipagbati e, pero dahil may kung anong umuudyok sa akin
na sumama sa kanya sa 'mundo niya' kuno ay sumama na ako.

Nakita ko nalang ang sarili ko na nasa loob na ng music room, dito pa rin sa loob
ng campus. Nadadaanan ko na ang kwartong ito, pero ngayon ko pa lang ito
napuntahan.

The room was covered with black and red wallpaper and what makes it is that there
are lots of musical instruments in here.

"Ito yung music club room," sabi ni Tyrone bago kumuha ng acoustic guitar.
Sinenyasan niya akong maupo sa sofa kaya naman pumwesto ako dun.

Naupo rin siya sa one seater sofa bago nagsimulang tumipa sa gitara. Pinagmasdan ko
siya habang ginagawa yun. Sa sobrang tahimik ng lugar (dahil marahil sound-proof
ito) ay halos pati pagtibok ng puso ko ay naririnig ko o baka naman imagination ko
lang yun?

"Tayong dalawa lang dito," sabi niya habang nakafocus pa rin sa pag-gigitara niya.
Napalunok tuloy ako. Anong ibig sabihin niya dun?

Tumingin siya sa akin sabay ngiti. Yung ngiting palaging ipinapakita niya sa akin.
"Kanta ka naman, Misty."

Namilog ang mga mata ko sa pagkabigla. "Huh?"

"Sige na. Kahit chorus lang," sabi niya bago tumipa ng tonong sobrang pamilyar sa
akin. Ang smooth ng pagkaka-strum niya. Halatang sanay na sa ganitong klaseng
musika.

Nakatitig lang siya sa akin habang ginagawa yun. Hindi ko naman masalubong ang mga
mata niya dahil nakatingin ako sa mga kamay niyang tumitipa sa strings ng gitara.

"Misty, gusto kong marinig ang boses mo. Please?"

Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Kinakain kasi ako ng
kaba ko. Si Tyrone itong kasama ko at hindi kung sino-sino lang. Nahihiya tuloy
ako. Naiilang sa kanya.

"Tyrone kasi, nahihiya ako."

Kumilos siya at nabigla ako nang itakip niya ang palad sa mga mata ko. "Pumikit ka
habang kumakanta. Isipin mong wala ako dito. Gusto kong marinig ang boses mo,
Misty."

Pumikit ako at dahan-dahan niyang tinanggal ang palad niya mula sa pagkakatakip sa
mga mata ko. Lumunok ako dahil kinakain na ako ng kaba ko.

Misty, isipin mong wala si Tyrone sa tabi mo. Wala siya at ikaw lang ang mag-isa
katulad ng pagkanta mo tuwing umaga sa banyo. Kaya mo yan, girl. Kaya mo yan!

He started strumming the guitar flawlessly. Sinamahan niya pa ng mahinahon niyang


pag-hum kasabay ng tugtog. Narerelax tuloy ako sa musikang naririnig ko.

You're just the one that I've been waiting for

I'll give you all that I have to give and more

But don't let me fall

Hindi kagaya kahapon, mahinahon at dahan-dahan ang pagbikas ko sa lyrics ng kanta.


Nawala bigla yung hiya ko. Hindi ko alam pero bigla akong naging kumportable.
Siguro dahil nakikita ko sa pagpikit ko si France na nakatingin din sa akin.

You'll be the one that I'll love forever more

I'll be here holding you high above it all

But don't let me fall

Siguro dahil nakikita ko sa pagpikit ko si France na nakatingin din sa akin.


Nakangiti at kumakaway pa sa akin.

"But don't let me fall..."

Napamulat ako nang makarinig ako ng palakpak sa pagtatapos ng kanta. Si Tyrone pala
iyon at ngiting-ngiti pang nakatingin sa akin. "Ang galing mo, Misty. Sumasali ka
ba sa mga singing lessons? May banda ka ba o kumakanta ka rin?"

Umiling ako. Nakatulala lang ako sa kanya hindi dahil katulad dati na mesmerized
ako sa tuwing nakikita ko si Tyrone kundi dahil hanggang ngayon ay nagfaflash pa
rin sa isip ko ang mukha ni France na nakangiti sa akin. Why am I thinking about
him?

"I-enhance pa natin yan, Misty. Sayang e. Sana tanggapin mo yung offer ko. Kapag
naging part ka ng banda namin, sasali tayo sa battle of the bands sa college week.
At ang alam ko, ang mananalo duon ay magkakaroon ng contract sa isang music
record."

Napahawi ako sa buhok ko. Nawiwindang ako sa offer niya. "Teka, bakit ako? Ba't
hindi nalang ikaw?"

"Babae talaga ang hanap naming bokalista, lalo na yung may ganyang boses at katulad
mong... maganda," sabi niya at automatikong napaiwas ako ng tingin dahil naramdaman
ko ang pag-init ng mga pisngi ko.

Gusto kong sumali pero may parte din sa akin na nag-aalangan. Hindi ko alam kung
bakit. Gusto kong magpaalam kay France. Nababaliw na ba ako? Bakit nga ba ako
magpapaalam sa kanya? Ano ko ba siya?

Teka... Napatingin ako sa wrist watch ko at natataratang tumayo nang makitang


4:30pm na. "Tyrone, 4:30 na. Baka tapos na sila."

"Sh1t," he hissed as we ran out of the room.

Tinakbo na namin papunta sa dance room pero napakuyom ako ng mga palad nang
makitang wala nang tao dun bukod sa janitor na naglilinis.

Pumasok kami at inilibot ang tingin sa buong kwarto. Ni isang gamit ay wala na
kaming makita. Tapos na nga ang rehearsal nila.

"Kuya, anong oras po natapos yung rehearsal ng dance troupe dito?" tanong ni
Tyrone.

Hinihingal na ako kaya sumandal na ako sa salamin. Hindi pwedeng umuwi si France.
May usapan kami e.
"Kanina pang 3:30."

Nilingon ako ni Tyrone na mukhang na-disappoint. As much as I wanted to blame him,


hindi ko nalang ginawa kasi in the first place, choice kung sumama sa kanya.

"Sorry, Misty."

Huminga ako ng malalim bago ko iniling ang ulo ko. It wasn't his fault. "Ayos lang.
Tara na sa labas," sabi ko bago ko nilabas ang phone ko at naglakad na palabas ng
dance room.

Nanghina tuloy ako. Ang bagal ng bawat hakbang ko. Nagdadalawang-isip ako kung
itetext ko si France o tatawagan ko pero... pinili kong ibulsa nalang ulit ang
phone ko.

"Baka magtampo sayo si France, Misty." Sabi ni Tyrone habang naglalakad kami
palabas ng building.

Tinignan ko siya. Nakapamulsya siya at mukhang guilty sa nangyari. "Bakit?"

"E kasi wala ka nang matapos yung rehearsal e. Kasalanan ko."

Ngumiti lang ako ng tipid bago huminto sa paglalakad at tinapik siya sa braso.
We're now face to face, looking at each other. "Hindi mo kasalanan yun, 'no. At
saka, nagtatampo naman talaga sa akin si Badaf. 'Wag mo na masyadong alalahanin
yun."

"Baka magtampo siya lalo."

Nagpakawala ako ng mahinang tawa. Masyado naman kasi siyang guilty. "Magtampo pa
siya ulit o hindi, wala kang kasalanan dun," mahinanong sabi ko. Ngumiti naman siya
at mukhang na-relieve na. "Tyrone, let me hear your voice next time. Madaya ka e.
Ako lang yung kumanta," pag-iiba ko ng topic.

Nagkibit-balikat naman siya at mukhang naging proud pa. "Sure. Kakantahin kita next
time. Basta pag-isipan mo munang mabuti ha?"

"Sige."

"Misty." Natigilan ako sa boses na narinig ko. Imbes na kabahan ako, lumundag pa
yata ang puso ko nang marinig iyon. Nakita kong tumingin si Tyrone sa likod ko bago
niya ako binalingan ulit sabay inginuso ang kung sinumang nasa likod ko.

"Nandyan pala si France e," sabi niya.


Bago ko pa lingunin si France, naramdaman ko nalang na hinawakan niya ang wrist ko
bago ako hinila palayo kay Tyrone. No, scratch that. France is dragging me away
from him.

"Misty, pag-isipan mong mabuti ha?!" pahabol na sigaw ni Tyrone kaya naman nilingon
ko siya sabay pakita ng thumbs up--

"Aray!" Bumilis kasi yung paglalakad namin ni Badaf. Tinignan ko siya pero hindi ko
makita ang mukha niya dahil nakasuot siya ng hoodie na pink.

Oo, pink. Kasing kulay ng nail polish ko sa kamay.

Nagpatangay nalang ako sa kanya hanggang sa parking lot... hanggang sa mapansin


kong nasa harapan na kami ng service ko.

"Umuwi ka na," sabi niya bago ako pinagbuksan ng pinto sa backseat. Nagtaka tuloy
ako kaya tinitigan ko siya ng nakakunot noo.

"Akala ko ba mag-uusap tayo?"

Humugot siya ng malalim na hininga na para bang nagtitimpi bago niya tinuro yung
backseat. "Umuwi ka na, Misty."

Sinarado ko yung pinto at hinarap siya. Kahapon pa talaga ako nagtataka sa kilos
niya sa akin. Parang hindi na siya si France na bakla na nakilala ko. "France, ano
bang problema mo? Ba't ka ba nagkakaganyan?"

"Ba't ba hindi ka nalang umuwi kesa yung..." he trailed off as he rolled his eyes
heavenwards. Hinilamos pa niya ang palad sa mukha niya na para bang frustrated na
frustrated siya. "Umuwi ka na nga lang!"

Aalis na sana siya nang higitin ko siya sa braso. Hindi ako uuwi nang hindi kami
nagkakaayos. "Paano tayo magkakaayos kung pinapauwi mo nalang ako palagi? Hindi
pwede. Mag-uusap tayo ngayon."

He exhaled exasperatingly before he pulled his wrist from me. "Kung ayaw mo umuwi,
edi 'wag. Basta ako uuwi na."

Nagsimula na siyang maglakad palayo pero sinundan ko siya. "Kung uuwi ka na, edi
sana kanina pa diba?" Inunahan ko siya at pumwesto sa harapan niya para harangan
siya. "Hello? 3:30pm daw kayo natapos sa rehearsal diba? 4:45 na oh. You waited for
me, didn't you?"

Hindi niya ako sinagot. Nilagpasan niya pa ako kaya nagmukha kaming shungang
nagpapatintero sa parking lot. Nakarinig na tuloy kami ng mga busina kaya hinila ko
siya sa gilid. "Badaf kasi!!"

"Oo na! Hinintay na kita!" singhal niya kaya natahimik ako. Hindi na nga yata si
Badaf 'to. Hindi na bagay na tawagin siyang Badaf sa estado niyang yan. "In-expect
kong pagkalabas ko ng dance room, nandyan ka naghihintay sa akin pero wala ka na
naman. Kagaya kahapon, wala ka rin. Kasama mo na naman si Tyrone. Ayos ah, Misty.
Ganyan ka ba talaga? Paasa?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko sa outburst niya. Hindi ko alam na ganun ka-big
deal yung ginawa ko sa kanya. Napalunok nalang tuloy ako kasi naramdaman ko na
naman na may kung anong bumara sa lalamunan ko pati na rin yung pag-init ng sulok
ng mga mata ko.

Geez, Misty! 'Wag mong sasabihing iiyak ka? No way. 'Wag, please! 'Wag kang umiyak.

Humikbi na ako. Hindi ko mapigilan! "Sorry na nga e," nanginginig pa ang mga labi
ko habang sinasabi yan.

Nakatulala lang siya sa akin at mukhang nabigla sa pag-iyak ko. Hindi ko talaga
kayang pigilan ang luha ko kaya ipinunas ko ang palad ko sa mga mata ko. "Sorry na,
Badaf. 'Wag ka nang magalit. Hindi ko naman sinasadya yun."

Hindi siya kumilos. Nakatingin lang siya sa akin na para bang gulat na gulat siya.
Nakakainis [a 'tong mga luha ko parang waterfalls. Such a crybaby!! Nakakahiya
tuloy.

"Ganun talaga siguro ako. Hindi kayang maghintay ng matagal. Naiinip at nababagot
agad kaya sorry na. Hindi ko---"

"Oo na. Oo na. Tumahan ka na." Naputol ang litanya ko nang bigla niya akong
yakapin. Ang higpit ng yakap niya habang hinahaplos ang likod ko. Geez! Mas lalo
tuloy akong naiiyak. "Sshh... Sabi nang tumahan ka na e. Kulit mo, Chararat."

Tinulak ko siya at tumingin sa mga mata niya. Hindi ako pa-bebe ah, pero
automatikong napapout ako. "Bati na tayo? Tinawag mo na akong Chararat e."

Bumuntong-hininga siya bago tumango. "Oo na, bati na tayo."

Yehey! Sa tuwa ko ay yumakap ulit ako sa kanya. Ang bago niya, sobra. Sarap niyang
singhutin. Nakaaadik ang amoy niya.

"Ehem."

Kaso biglang may tumikhim kaya napabitaw kami sa isa't-isa. Yung driver ko pala,
kaya nakaramdam ako ng hiya.
"Ma'am Misty, uwi na tayo."

Nagkatinginan kami ni Badaf dahil dun at ewan ko ba pero... sheesh, nailang ako.
Ngumiti lang siya bago ako tinanguan. "Umuwi ka na, Misty."

"Sige. Basta bati na tayo ha?"

He grinned devilishly. "Ayaw mo ba?"

"Gusto!"

"Edi umuwi ka na."

Tumakbo na ako papasok sa service ko, sa backseat. Pagkasarado nang pinto ay


binuksan ko naman ang bintana at dumungaw sa kanya. Nakatayo pa rin siya duon sa
pwesto niya at nakangiti sa akin habang umaandar ang kotseng sinasakyan ko.

"Ma'am, isarado niyo na po ang bintana. Baka kung mapaano pa kayo dyan," sabi ng
driver kaya sinarado ko naman iyon at lumuhod paharap sa salamin sa likod para
habulin siya ng tingin.

Na-disappoint ako kasi wala na siya sa pwesto niya kanina kung saan siya nakatayo.

"Ma'am, maupo na po kayo ng maayos," sabi ng driver kaya I did what I was told.

After awhile, I felt my phone vibrated so I fished it out to check on it and I


almost shrieked when I found out who the sender was.

From: Badaf

Bati na tayo. Namiss ko yang chararat mong mukha e. Buti nalang love kita kundi...
FO na.

Wala namang nakakakilig sa message niya pero halos mapunit na ang mga labi ko sa
laki ng ngiti ko habang tinatype ang reply ko.

To: Badaf

Thanks, Badaf. I promise, I won't do it again. Love you too! :)


Badaf naman e. Don't let me fall...

A/N: July 13, 2015. Happy birthday to me! :D Isa sa mga wish ko? Sana mabigyan pa
ako ng wisdom para makapagsulat ng stories effortlessly nang may maibahagi pa ako
sa bawat isa sa inyo. *blows imaginary candle*

=================

22. Commute

22. Commute

Yizz! Balik na ulit kami sa dati ni Badaf. Asaran at pikunan. Tulungan kapag may
assignments at nagpapakopya kapag may quiz. Joke. Lagi naman akong nagrereview,
ano! At saka, maaasahan mo ako sa mga terminologies na yan dahil magaling ako sa
memorization. Alam niyo naman kung saan niyo lang dapat ako hindi aasahan diba?

Sa Math.

"Bukas na ang prelims sa NSTP. Nakapagreview ka na ba?" tanong sa akin ni Badaf.


Nasa East Town Center kami ngayon. Dito kasi yung usapan namin ni Tyrone na
magkikita kami after class. Three days from now na kasi yung midterm namin sa Math
kaya dapat ay simulan ko nang magreview.

"Oo naman. Kahapon pa 'no. Ikaw ba?" I asked back. Napangisi ako nang umiling siya.
"I knew it! Puro ka kasi dance troupe. Ayan, hindi ka na nakakapagreview ng maayos.
Naku, Badaf. Tsk tsk!"

"Ang tagal naman ni Tyrone."

Sa sulok, malapit sa bintana ng coffee shop kami pumwesto. Wala lang, para naman
makaiwas sa nakakadistract na mga pari't-paritong mga customers. Dito namin
naisipan na magreview kaysa sa bahay dahil biglaan. Hindi ko man lang na-inform na
magluto si Manang. Mas ayos na dito para oorder nalang kapag nagugutom.
5:00pm ang usapan namin pero 5:15 na ay wala pa si Tyrone. Magkakalahating oras na
rin kami nandito sa coffeeshop kaya hindi ko masisisi si Badaf na mainip na.

"Pwede mo naman kasi akong hayaan nalang dito. Gusto mo na bang umuwi? Go na."

Nag-cross pa siya ng legs at prenteng umupo sa sofa bago ako tinignan ng pa-cool.
"Wiz. Dito na muna ako. Magrereview ako sa NSTP."

Tumango nalang ako sa kanya at nagfocus nalang sa hawak kong notes. Okaaaay, kung
gusto niya akong samahan, edi go. 'Yan ang gusto ko kay Badaf e. Laging nandyan
kapag kailangan ko siya... o kahit hindi ko kailangan nandyan pa rin siya. Well,
friendship goals, a'ight?

Nasa gitna kami ng pagrereview nang bigla akong may naalala. Makikipagkita ako kay
Tyrone ngayon, so that means to say, baka i-bring up na naman niya yung tungkol sa
offer sa akin na spot for his band. Hala, I haven't decided yet pa pala.

"Badaf," mahinang tawag ko sa kanya na hindi ko na dapat pala ginawa kasi nasa akin
na yung atensyon niya. I mean, naabutan ko kasi siyang nakatingin na sa akin.

"Bakit?"

"May banda pala si Tyrone, 'no?"

Kumunot ang noo niya at tila walang interes na nag-shrug at nagbasa na ulit ng
notes. "Ewan ko. Meron nga ba?"

"Oo. In fact, ino-offer-an niya nga ako na maging vocalist ng banda nila. What do
you think?" I grinned excitedly.

From the notes, his eyes shifted boredly on me and then shook his head
nonchalantly. "Err... I don't think it's a good idea, Chararat. Baka makasagabal
lang sa pag-aaral mo."

Tinignan ko siya ng nakakaloko dahil dun. "Sus, look who's talking. Ikaw nga dyan,
sumali sa dance troupe. Doesn't it interrupt your studies?"

He heaved out a heavy sigh as he placed back his note over the table. "Tell me to
stop and I will." Hindi ako sumagot but instead gave him a 'seriously?' look kaya
tumawa siya. "Oo nga. Sabihin mo lang, titigil ako."

Hindi ko alam pero napangiti nalang ako. Geez, seryoso, ba't lately kinikilig na
ako kay France? Like what's wrong with the world? Kinakakiligan ko ang isang
bakla???
"Uy, sabihin mo lang, aalis na ako dun. Sayang, asset pa naman nila ako," mayabang
na sabi niya kaya inikutan ko nalang siya ng mga mata.

"Bahala ka nga. Do whatever you want," I said, waving off the topic. Babalik na
sana ako sa pagrereview nang magsalita siya ulit.

"Huwag kang sasali sa banda niya at aalis ako sa dance troupe. Just give me some
time." My eyes bored on him, scrutinizin him if he's really not joking. Mukha
namang seryoso dahil tagos sa mga mata ko ang tingin niya. "After ng event namin,
aalis na ako dun. Sayang naman ang pinractice ko kung hindi ko yun tatapusin.
Alright?"

Tumango nalang ako sa kanya dahil wala na akong ma-say. At dahil dun, I suddenly
feel awkward kaya tumayo ako sa pagkakaupo. I need air! "Badaf, powder room lang
ako ako."

Dumiretso ako sa powder room at dun nagrelease ng feels. Buti nalang walang ibang
tao sa CR kaya malaya akong magmukhang baliw sa harapan ng salamin.

Gosh! Ang pula-pula ng mukha ko. Walangya yung Badaf na yun! May kakayahan siyang
pakiligin ako pero teka... kinikilig ako? I shook my head as I stared at my
reflection. Kilala ko ang sarili ko. Hindi ako kinikilig ng basta-basta not unless
may crush ako sa isang tao o rather, I like that person.

"OMG, crush ko na nga siguro si Badaf." At nakakainis dahil mas lalo akong namumula
nang maisip ko yun.

Nagtatalon-talon tuloy ako habang sinasampal ang pisngi ko. Nababaliw na yata ako!
Nung isang beses, iniisip kong na-fa-fall na ako kay Badaf. Ngayon naman, may crush
na ako sa kanya.

"Ano ba talaga, Misty!" asik ko sa sarili. Patalon-talon pa ako nun nang biglang
bumukas ang pinto. May pumasok na babaeng matanda kaya natigilan ako. She looked at
me as though I'm a one weird girl, so I bowed my head and got my stuff before I
left the powder room.

Hoo! Falling for him or not? Having a crush on him or not? Bahala na. I should act
like I don't have a thing for him. Hindi niya 'to dapat malaman dahil nakakahiya.
Mabuti sana kung lalaki siya, eh kaso tagilid siya e. Isusuka niya lang ako kapag
nalaman niya 'to. So, better keep this to myself.

I sucked in a breath again before I headed back to our table only to see Badaf
talking to some girl. Tumaas tuloy ang isa kong kilay. Eh ba't naman hindi tataas
ang kilay ko e nakaupo ba naman sa tabi niya. Who's that pokemon?

Naglakad ako palapit sa table nang mapansin ako ni Badaf. "Misty!" He exclaimed.
Tumingin sa akin yung babae na mangyaring si Reishel pala na naka-uniform at naka-
sky high ang pony tail. Wow. Just wow. "Si Reishel pala. Reishel, si Misty.
Bestfriend ko."

"Oh, hi!" bati niya. Tumayo siya at bumeso pa sa akin. I can't help but to widen my
eyes na nakita naman ni Badaf kaya palihim siyang natawa. "I heard so much about
you, Misty."

"Reishel." Pigil sa kanya ni Badaf kaya natawa nalang si Reishel. About me? What's
that all about, eh?

Reishel kept on smiling at me. She seems nice naman. Hindi ko lang alam kung ba't
ako naiinis sa kanya. Marahil siguro sa fact na nawitness namin na niloko niya si
Tyrone.

"Nice to meet you," sabi ko at naupo na sa pwesto ko.

"Me too. Anyway, I came here kasi nakita ko si Paris nung dumaan ako dyan---"
tumuro siya sa bintana "--- so I came in nalang tutal kanina ko pa siya tinetext.
May practice kami e. Can I borrow him?"

Dumako ang tingin ko kay Badaf na nakatingin sa akin ng alanganin. May practice
pala siya tapos ang lakas ng loob niyang samahan ako dito. "Okaaaay," sabi ko
nalang. Naku! It's a good idea for him to just leave the dance troupe. May exams
kami bukas e.

"Thank you. Tara na, Paris!"

"Ayos ka lang ba dito?" His voice was laced with concern I wanted to squeal. Jusko.
Sige, umalis ka na. Hindi dapat na magtagal ka pa dito kundi magliliyab ang pisngi
ko.

"Okay lang. No worries. Bye!"

Mukhang mabigat pa yata ang loob ni Badaf nang lumabas silang dalawa ni Reishel
mula sa cafe. I could see how Badaf tried to catch a glimpse of me nang dumaan sila
sa labas. Kitang-kita ko yun sa floor to ceiling window. He even waved his hand as
they finally got out.

I released a breath when they finally disappeared, pero tila mumuntikan nang
malaglag ang puso ko nang sumulpot nalang bigla si Tyrone sa harapan ko.

"Hi."

Napasapo tuloy ako sa dibdib ko. Aatakihin na yata ako sa puso ngayong araw. "Hey,
kanina ka pa dyan? Nakakabigla ka naman."
He smiled but apparently not a genuine one. Hindi kasi nagreflect sa mga mata niya.
Uh oh. He seems not on the mood. Baka sungitan niya ako kapag session na naming.
"Kanina pa ako. Hindi lang ako lumapit kasi nandito si Reishel. Pasensya na," sabi
niya bago naupo.

Nahiya tuloy ako sa kanya. Oo nga pala, ex niya si Reishel. Naiintindihan ko kung
bakit hindi siya makalapit kanina, pero diba, he used to fetch her during after
rehearsals kahit na break na sila?

Oh well. Never mind.

"Sinundo kasi niya si Badaf." Yun lang ang nasabi ko at nanahimik na ako.

"Uh. So, start na tayo?"

The tutorial session went smoothly. Mas ayos pala kapag hindi kasama si Badaf dahil
walang distraction kagaya nung last session namin. We tackled about the parabola
equations and such. Nakakatuwa nga kasi ang haba ng pasensya niya sa pagtuturo sa
akin kahit na matagal bago ko naintindihin yung procedures.

"Tama! Ang galing mo pala e," sabi niya nang ipa-check ko sa kanya yung pinasagutan
niya sa akin. And geez! Tama raw? Wow! Lumawak tuloy ang ngiti sa mukha ko.

"Ang galing din ng nagtuturo e," sabi ko pambawi sa pambobola niya. Napangiti naman
siya dahil dun. "Alam mo ba, nung si Sir ang nagturo nyan, wala akong maintindihan.
Nung ikaw naman ang nagturo, parang naging easy nalang."

"Psh. Minsan kasi, mas maganda yung one-on-one na ganito kaysa yung marami kayo.
Gaya ng sa klase. So, may itatanong ka pa ba?" Tinutukoy niya yung lessons.

Almost two hours din yung session namin ngayon. Naituro niya sa almost two hours na
yun yung coverage ng midterm exams. Nice diba?

"Wala na. Gets ko na. Thanks ulit, Tyrone." Sumipsip muna ako sa inorder kong
frappe at ganun din siya. Nabigla ako dahil biglang umalingawngaw yung malakas na
kulog mula sa labas.

"Hala, umuulan na," bulong ko sa sarili. Nilabas ko ang phone ko at tinignan kung
nagtext na ang driver ko. 6pm kasi yung usapan na susunduin niya ako at saktong 6pm
na ngayon. Nagcompose na ako ng message para sa kanya.

To: kuya driver

Kuya, pasundo na po sa towncenter. Thanks.


"Uuwi ka na rin ba, Misty? Umuulan pa," sabi ni Tyrone kaya tumingin ako sa kanya.
Ipinapasok na niya yung mga gamit sa bag niya.

"May sundo ako. Tinext ko na siya. Ikaw ba? Gusto mo bang sumabay na sa amin?"
Hindi pa man siya sumasagot nang biglang nag-ring ang phone ko. Si Kuya driver,
tumatawag. "Excuse lang, Tyrone." I said and then tilted my body sidewards. "Yes,
Kuya?"

"Ma'am Misty, nasiraan ako ng kotse."

"Po?" Wrong timing! Umuulan pa naman.

"Nasa talyer po ako ngayon. Pasensya na po pero mukhang matatagalan pa po ito. Baka
pwedeng mag-taxi nalang po kayo pauwi. Hindi ko rin kasi maiwanan yung kotse dahil
baka may mawala sa loob."

Napanguso nalang ako. Magcocommute kami? Hala. The last time na nagcommute ako ay
kasama si Badaf. Hindi naging maganda yung experience nun kasi... tumingin ako kay
Tyrone. Oo nga pala, siya yung dahilan kung ba't kami nagcommute noon. Sinundan
namin siya noon.

"Okay, I understand. Sige po, kuya. Ingat po kayo."

"Ikaw ka din. Mag-iingat ka."

Napabuga nalang ako sa hangin nang tapusin ko ang tawag. Si Tyrone naman ay
nakatingin lang sa akin na para bang clueless sa nangyayari kaya mas pinili kong i-
explain nalang. "Nasiraan daw yung driver ko e. Magtaxi nalang daw ako."

"Ah, ganun ba?" Dumungaw siya sa floor to ceiling window. Traffic at hindi umuusad
ang mga sasakyan. "Tsk! Mahirap humanap ng taxi ngayon. Kung gusto mo, ihahatid
nalang kita sa inyo. Yun ay kung okay lang sayo."

***

Wala namang masamang sumama sa kanya kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa.
Nakakatuwa nga kasi si Tyrone pa yung nagdala ng bag ko eh kaya ko naman yun though
medyo mabigat nga lang. Ang gentleman pala niya.

"LRT?" sambit ko nang makarating kami sa LRT station. I was expecting na sa bus
kami sasakay pero it turned out na sa LRT pala. "Dito tayo sasakay?"

"Oo, kapag kasi sa bus, mai-stuck lang tayo sa traffic kaya dito nalang," sabi niya
habang nakapila kami. The way he moves around, parang sanay na sanay siya sa
pagcocommute.
"Commuter ka ba?" tanong ko sa kanya. Mahaba yung pila pero malapit na yung turn
namin. Hindi pa ako nakakasakay ng MRT pero na-try ko na yung MTR sa Hongkong.
Parehas lang naman ito dun.

He answered me with a nod. "Oo, hindi naman ako ganun kayaman para magkaroon ng
service o sariling kotse at saka kaya ko naman magcommute kaya ayos lang. Enjoy nga
e," he said with a chuckle.

That hit a button on me. Okay, medyo natamaan kasi ako dun. Bukod sa may sarili
akong service, hindi rin ako marunong magcommute. Nung turn na namin, nag-insist
ako na ako yung magbabayad ng card pero hindi siya pumayag. Bukod kasi na siya daw
ang lalaki (Which means to say na obligatory na siya ang magbayad. Akala mo naman
date namin.), eh buo raw yung pera ko. Buo ba yung P100?

"Hindi naman buo ang pera ko," pilit ko hanggang sa makasakay na kami sa LRT.
Shucks! Ang sikip pa naman. As in, nasiksik ako sa kabilang side na pintuan. Wala
akong mapagkakapitan nang biglang umandar ang LRT kaya napakapit ako sa blaser ni
Tyrone--- not to mention that our bodies were close to each other--- nakakahiya
tuloy.

"Bente lang kasi yung kailangan. Bale, forty lang."

"Edi suklian nila ako ng P60," sabi ko sa kanya at halata sa kanya na nagpipigil
siya ng tawa. "Akala mo sa pera mo, durog? Sa akin, buo, ganun?"

"Pfft!" Bahagya niyang nilagay yung nakatagilid niyang palad sa taas ng labi niya
habang tumatawa ng mahina. Sinamaan ko siya ng tingin pero nakakainis kasi natatawa
rin ako. "Hayaan mo na. Treat ko na 'to."

"Pero mamaya, sa susunod na sa sakay natin, ako na ang magbaba---AY!" Muntikan na


kasi akong matumba which is odd kasi hindi yun mangyayari dahil sardinas ang peg
namin sa super sikip. Ang hirap lang talagang magbalance dito.

"Baka mahubaran ako," natatawang sabi niya kaya conscious akong bumitaw sa blaser
niya.

"Ay, sorry."

Hinawakan niya naman ang kamay ko at inilagay niya sa braso niyang nakakapit sa
itaas. Ang tangkad niya kasi, eh ako? Hindi ko maabot yung handle sa itaas.

Ganun lang yung pwesto namin hanggang sa makarating kami sa destinasyon namin. In
fairness, medyo mabilis nga yung travel sa LRT kaysa sa bus. Nakaiwas sa traffic,
yun nga lang, siksikan naman ang peg.
Pagkababa namin sa LRT, mabilis naman kaming nakasakay sa bus. Buti nalang ay may
vacant seat kaya nakaupo kami ni Tyrone. Hindi na ako prumotesta nang siya ulit
yung nagbayad ng pamasahe namin. Kinuha ko nalang mula sa kanya yung tickets na
siyang ipinagtaka niya.

"Akin nalang 'to ha?" sabi ko sa kanya at pagkatapos ay ibinulsa ko na iyon.

"Aanhin mo?"

I shrugged as I looked out the window. Mahina na yung ulan pero sobrang traffic pa
rin. "Remembrance lang. Ma-sentimental kasi akong tao kaya don't mind nalang."

"Parehas kayo ni Reishel." Napalingon ako sa kanya nang banggitin niya yung
pangalan ni Reishel. Nakangiti siya habang pinaglalaruan ang mga daliri niya.
Mukhang hindi pa siya nakaka-move on.

"Paanong magkaparehas kami?"

"Ma-senti rin siyang tao. Alam niya yung date kung kailan ko siya unang hinatid sa
bahay. Miski yung mga balat ng chocolates na binibigay ko sa kanya ay itinatago
niya," hanggang sa unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya, "Siguro, tinapon niya
na ang mga yun. Wala na kami e."

Sumibol tuloy ang curiousity sa sistema ko tungkol sa relasyon nila. Gusto ko


sanang magtanong kaso, baka sabihin niya ay feeling close ako.

So... Nagtanong pa rin ako. FC ako e. Hehe. "I don't mean to burst out your bubble
pero gaano katagal yung relasyon niyo?"

"Two years," mabilis na sagot niya. "Grade 10 ako nung nakilala ko siya. Kapatid
siya ng bandmate ko. Naging close kami, tapos grade 11 nung niligawan ko siya.
Bale, 17 kami. Nauna lang siya mag-College kasi 'di siya enrolled sa K to 12."

"Ahh... Sayang naman." Tumango-tango ako sa kanya. Not bad. Akala ko, gurang na si
Reishel at pumapatol sa mga freshies. Akala ko lang pala yun. Hashtag judgemental.

"Sayang talaga. Hindi ko alam kung ba't bigla nalang siya nagsawa sa akin. Basta
sinabi niya nalang isang araw na ayaw niya na sa akin. Dumating pa nga sa punto na
pinagtabuyan niya ako at pinakita sa aking may ipinalit na siya sa akin."

Hindi nalang ako nagsalita. Nakakalungkot naman kasi yung kinukwento niya. Nakaka-
trauma naman yatang pumasok sa isang relasyon. Mas matindi pa nga yung pinagdaanan
ni Kuya Kurt e, kaya parang nakakatakot talagang magboyfriend.

"Bakit ganun? Nagmamahal ka lang naman pero kailangan pang masaktan?" Nakapout kong
tanong sa kanya na nagpatawa sa kanya.
"Hugot. Ikaw, may boyfriend ka na ba?"

Umiling agad ako nang mabilis. NBSB kaya ako. "I've been single since my mom gave
birth to me. Ayaw pa kasi ni kuya at ni Mommy na magkaroon ako ng boyfriend nung
highschool ako."

"Eh ngayong college ka na? Pwede na?"

I shrugged my shoulders. Wala kasi akong ideya. "Hindi ko alam. Basta ini-enjoy ko
muna kung ano ako ngayon. Ayoko munang magmahal kasi baka masaktan ako," sabay
tikhim ko. "Parang ang sarap kantahin nung kanta ni Sarah G. na 'Paano ba ang
magmahal? Kailangan bang nasasaktan?'?"

Natawa ulit siya nun kaya nakaramdam ako ng pagkapahiya at bumaling nalang sa
bintana. Emegesh, Misty. Why so baliw? "Ang ganda talaga ng boses mo.
Nakapagdesisyon ka na ba tungkol sa offer ko?"

Napangiwi nalang tuloy ako. I knew he'll ask this. "Tyrone, mukha kasing hindi ko
kakayanin yung pressure e. Thank you nalang," sabi ko sa kanya.

He gave me a single nod as he smiled. "Salamat din sa pag-consider. Oh, nandito


pala tayo. Tara na."

Hindi ko alam na sa subdivision mismo namin ang baba namin dito sa bus. Kaya ayun,
naglakad nalang kami papasok sa loob ng subdivision. Medyo dulo pa naman kami kaya
mahaba-habang lakaran yung ginawa namin ni Tyrone. Buti nalang din at tumila na ang
ulan kaya hindi na hassle.

"Basta yung tinuro ko sayong technique, Misty ha? Huwag mo yun kalimutan.
Paniguradong makakapasa ka. Go for plot one grade."

Gusto ko sana siyang i-correct na 'flat' iyon instead of 'plot' pero nagthumbs up
nalang ako. 'Wag nang basagin ang trip niya. "I will. Salamat ulit, Tyrone."

When we were about to reach the gate of my house, nagulat ako dahil may
nakaparadang kotse sa labas nun. Service kasi yun ni Badaf sa pagkakaalam ko. Kaya
naman binilisan ko ang lakad para makita iyon at nabigla ako dahil naabutan ko si
Badaf na nakaupo dun sa stairstep ng gate namin. Nakayuko siya at nakahawak sa ulo
niya kaya hindi niya ako napansin.

"Badaf?"

Mabilis siyang nag-angat ng tingin at tumayo nang makita ako. "Ba't ngayon ka lang,
Misty? Kanina pa ako nandito."
"O, ba't 'di ka pumasok?" Welcome naman siya sa bahay. Besides, hindi na siya iba
sa amin.

"Hinihintay kita e." Tumingin siya sa likod ko. Kay Tyrone to be exact. Tapos
bumaling ulit sa akin na para bang nagtatanong.

"Nagcommute na kami. Nasiraan kasi kami ng kotse."

Nag-roll eyes naman siya. Kainis na Badaf 'to! Hilig mag-roll eyes. "Dapat tinext
mo ako. Edi sana sa akin ka na sumabay. Oh, sige na, aalis na ako." Nagtaka ako.
Aalis agad? "Tyrone, gusto mong sumabay?" tanong niya.

"Hindi na. Salamat nalang," sagot ni Tyrone.

Hinarap ko naman si Tyrone na nakatingin din sa akin. "Gusto mo pa bang pumasok?


Tara, miryenda muna tayo."

"Gabi na. Traffic pa, Misty. Baka hinahanap na si Tyrone sa kanila," sabi ni Badaf
at pinagbuksan na ng pinto si Tyrone sa backseat. "Tara na, Tyrone. Sabay ka na.
Ikaw din, Misty, pumasok ka na. Goodnight."

"Goodnight, Misty," sabi naman sa akin ni Tyrone kaya ngumiti ako sa kanya.

"Goodnight."

"Pasok na. Umaambon pa o," insist ni Badaf kaya binelatan ko siya at tumakbo na
papasok ng bahay. Nakakainis pero kinikilig ako sa pagiging over-protective ni
Badaf. Hashtag heart heart.

Sinali ko ito sa Wattys2015 kaya sana ay suportahan niyo. Wala namang mawawala kung
isasali ko diba? :) Thank you.

Maraming salamat din sa mga bumati sa akin. Much love. :)


-Yhel

=================

23. Spur Of The Moment

23 . Spur Of The Moment

"Lee, Misty Kirsten?" Nalukot ang mukha ko dahil sa kaba nang marinig ko ang
pagtawag sa pangalan ko ni prof kaya naman ay tumayo na ako at lumapit sa harapan.
Bigayan na kasi ng resulta ng exam. So far, maayos naman ang grades ko. Pasado
lahat, actually. Hindi ko lang alam dito sa Math. Geez, pinagpapawisan tuloy ako ng
malamig. Sana naman pasado ako.

Nang makalapit na ako kay Sir, mas lalo akong na-tense kasi seryoso yung mukha
niya. Though, strict naman talaga si Sir. Ay, ewan. Baka napaparanoid lang ako.
"Tsk, sayang." He saidm, his voice laced with disappointment. Oh geez. I knew it. I
failed my exam.

I hugged my testpaper to my chest not wanting for others to take a see. Nakakahiya
e, baka nga lagapak ulit yung grade ko. Nung pagkabalik ko sa upuan, dahan-dahman
kong sinilip yung right topmost part ng testpaper nang...

... biglang may umagaw mula sa kamay ko. "Badaf!!" Anak ng pusa naman oh. Mas ayos
pa sana kung ako nalang ang makakaalam ng grade ko para naman if ever na bagsak ay
hindi ako mapapahiya e, kaso ito namang badaf na 'to, mas excited pa yata sa akin.
Babawiin ko sana kaso tumalikod siya mula sa direksyon ko at humarang sa akin ang
malapad niyang likod.

"Badaf, that's mine! Akin na."

"Titignan ko lang yung grade mo. Whoop!" Natigilan ako nang mapalitan ng shocked
expression ang mukha niya, tapos nilingon niya ako. Geez! Hindi ko mabasa ang
reaksyon niya. Lalo na nang magseryoso ang mukha iya habang inaabot sa akin pabalik
ang exam ko.

"Tsk. Oh," sabi niya. Napalunok tuloy ako. Huhuhu! Ayoko na talaga sa Math. "Kunin
mo na o," sabi niya at inilagay sa kamay ko. Naiiyak na talaga ako!
Nakakadisappoint naman 'to. Nagpatutor na ako't lahat-lahat pero...

"Better luck next time, Chararat." Natigilan ako kasi hinawakan ni Badaf yung ulo
ko at dahan-dahang kinabig papunta sa kaliwang pisngi niya. Ayan na po. Nagwala na
ang femininity ko. Eeeehh! Ang bango!
Naputol ang moment namin ni Badaf nang may biglang tumawag sa pangalan ko.
Napabitaw tuloy sa akin si Badaf dahil sa pagkabigla. Oo, siya pa ang bumitaw. Diba
dapat ako kasi ako yung girl? Ay, ewan.

"Misty."

Nag-ayos muna ako ng buhok bago ko nilingon si... Sab na nakangiti nang nakakaloko.
"Ilan ka sa Math?" tanong niya pero mukhang hindi naman yun yug nasa isip niya. I
feel like my cheeks are burning up tuloy.

Napatingin nalang ako kay Badaf nang maramdaman kong nakatingin din pala siya sa
akin. "Bagsak ako diba?" tanong ko sa kanya.

Nagshrug lang siya bago niya kinuha yug backpack niya. Mukhang aalis na dahil
lumabas na rin si Prof. "See it for yourself. Osya, Chararat. May practice pa ang
dyosa. Ako'y aalis na."

Umismid nalang ako at humarap kay Sab. Nakita ko ring papunta na rin sa pwesto
namin si Eunice kaya nginitian ko siya. "Sab, anong score mo?" tanong ni Eunice kay
Sab nang makalapit na siya.

"25."

"Buti ka pa. Ako, 23 lang. Over 50 pa naman yan. Ugh, bagsak ako."

Dug dug dug. Kinakabahan ako. Kung 23 si Eunice na 'di hamak na mas matalino kaysa
sa akin, ano pa kaya ang grade ko? "Eh ikaw, Misty? Anong score mo?"

Ayan na nga ba ang sinasabi ko e. Nalukot ko nalang tuloy ang testpaper ko na hawak
ko. I knew it. Bagsak ako. "Naku, huwag niyo nalang tanungin. Tara na sa labas?"

Paalis na sana ako nun nang biglang inagaw ni Sab ang testpaper ko and I swear,
gusto ko nang mag-disappear right away nang nagfocus na silang dalawa sa exam ko.

"OMG! Congrats!"

"Ikaw yata yung highest e! Dapat malaman ito ni Tyrone!"

Teka. Naguguluhan ako sa sinasabi nbila. Nakakunot tuloy ang noo ko habag
nakatingin sa kanila. I was like... "What's happening, girls?"

Natigilan sila at nakataas ang isang kilay nang humarap sa akin. "Hindi mo alam?"
Si Eunice.
Umiling ako kaya nakatanggap ako ng hampas sa braso mula kay Sab. "One mistake! You
got 49 out of 50! Sayang, but at least, almost perfect. Ang galing!"

Nanlaki ang mga mata ko. Tama ba ang narinig ko? "Seryoso...?"

"Ay, ayaw maniwala? Oh, exam mo," sabay abot sa akin ni Sab ng papel ko and I was
like... KYAAAAH!! Achievement! Isa lang ang nasa isip ko ng mga oras na ito at iyon
ay ang habulin si Badaf sa corridor.

"Misty! Uy, saan ka pupunta?" sigaw pa nung dalawa pero hindi ko na sila pinansin.
Tumakbo ako papunta sa stairs at diretso sa labas ng building. I sighed in relief
when I caught Badaf descending the stairs slowly. Sa excitement ko, hinabol ko siya
at niyakap mula sa likod.

"Ay, bakla!" "BADAF! Almost perfect ako! I can't believe it!"

I tightened my hug around him and I felt him stiffen. Pero wala akong pake dahil
niyakap ko pa siya lalo. Ang saya ko lang!

"Badaf, almost perfect!"

"O-oo na. Bumitaw ka nga," sabi iya bago sapilitang tinanggal ang braso ko sa
bewang niya at humarap na sa akin. "Oy, umiiyak ka ba? Para naman 'tong
shungabells. Tumigil ka nga. Baka sabihin nalang ng mga tao, pinapaiyak kita."

"Ikaw kasi e!" sabay hampas sa dibdib niya. "Sabi mo bagsak ako?!"

He chuckled heartily. "Wala akong sinasabi ah. Punasan mo nga yang fezlak mo.
Nagmumukha ka nang atsay ko, sige ka." Kinapa ko yung panyo ko sa bulsa ng skirt ko
kaso fail dahil wala akong makapa. "Ano, wala?"

"Nakalimutan ko yata sa room. Teka," tatakbo na sana ako paalis nang pigilan niya
ako.

"Ito nalang." At nagulat ako dahil inangat niya ang shirt niya at pinampunas sa
mukha ko. I was stoned to my feet at what he did! Nasinghot ko na naman ang
nakakaadik niyang pabango. "Oh, ayos na."

Napakagat nalang ako sa labi sa ginawa niya. As in, tulala. Bakit ba kasi umiyak
ako? Ang OA ko lang pagdating sa Math. "Okay ka na?" tanong niya at tumango naman
ako. "Gusto mo ihatid kita sa driver mo?"

Yung puso ko bigla nalang nagpaparty sa loob ng katawan ko. AAAARGH! Naiinis ako sa
sarili ko. Hindi. Hindi pwede, pigilan mo yan, Misty. Bawal kiligin at lalong-lalo
nang bawal ma-fall!
"Ano, tara na."

"'W-wag na."

"Paris, tara na! Late na tayo!" Napatingin kaming dalawa sa lalaking ilang dipa ang
layo sa harapan namin. Nung tinignan ko si Badaf, nakatingin lang din siya sa akin.

Err... Awkward. "Sige na. Late ka na raw."

"Sigurado ka?"

"Oo," sagot ko at humakbanbg paatras.

Ngumiti siya bago ginulo ang buhok ko. Para tuloy nagparty-party ang mga paro-paro
sa tiyan ko. Malala na 'to. Huhu. "Better luck next time. Mapeperfect mo naman
yan."

"Hehe..." Wala na bang mas aawkward pa sa tawa ko? "Pero thank you talaga, Badaf."

"Ba't ako ang sinasabihan mo nyan? Ako ba ang nagtutor sayo?"

At dun na ako tila nabuhusan ng malamig na tubig. Oo nga, ano? Bakit siya ang unang
pinuntahan ko para pasalamatan? Hindi ba dapat si Tyrone dahil siya ang nagturo sa
akin? Oh good heavens. Napaatras tuloy ako ng hakbang.

"Ano kasi... s-salamat sa motivation. AH! Oo, motivation. Osya, kakain muna ako sa
cafeteria. Bye!" sabi ko sabay takbo paalis pero natigilan saglit dahil nakita ko
sina Sab at Eunice na mukhang kanina pa nasa likod ko. Ayu, siabaya tuloy nila ako
sa paglalakad. Could this day get any worse?

"Uy, ano yun, Misty? Yieee. Kayo na ba?"

"Sila agad, Sab? Hindi ba pwedeng nagliligawan lang? Teka, sinong nanliligaw? Ikaw
o si Zion?"

"OMG! Wala ka man lang sinasabi, Misty. Nagliligawan na pala---"

"STOP!" sigaw ko habang nakaharap sa kanilang dalawa. Chineck ko muna ang paligid
kug safe o hindi and it's safe naman kaya nagsimula na ako sa rant ko. "My answer
is none of the above. So, if you'll excuse me, aalis na---"

Humarang naman ag dalawa. "Eh kung hindi, ano kayong dalawa? Bestfriends or more
than that?"
"We are just bestfriends!"

"Wushu! Bestfriends daw pero you show the other way around. Kinikilig nga kami ni
Sab sa inyong dalawa e. Touch dito, yakap dun. Harutan dito."

"Hindi malayong hindi ka ma-fall sa kanya kasi gwapo siya, talented, mabait,
matalino, gentleman--- I mean, gentlegay. Kung kami nga, vocal sa---"

So much for all the lines...

"Oo na! Na-fall, na-fa-fall at hidi ko alam kung patuloy pa ba akong ma-fafall sa
kanya. Gusto ko siya. Hindi ko alam kung bakit basta kinikilig ako sa kanya. At
naiinis ako sa inyong dalawa kasi pinoprovoke niyo akong umamin kahit na pati ang
sarili ko ay hindi alam ang sagot. Tapos ngayon, bigla nalang lumabas sa bibig ko
na gusto ko ang baklang iyon... na... nakakagulat kasi.... Oh my God, in love na ba
ako sa kanya?"

The last question is for myself. At naiinis ako kasi dahil bigla nalang lumabas sa
bibig ko iyon. Like... AAAAAAAAAAAHHHH!! #SpurOfTheMoment

Tinignan ko ang reaksyon ng dalawa. Nakatulala lang sila sa akin at mukhang


nawindang sa sagot ko. Now, I'm facing doom not only because I have admitted my
secret to these two but also, I know now that I'm into him...

France Zion Madrigal, why did you make me fall for you?

Yhel's note: Sorry for the very slow update. Kakatapos lang ng three hell weeks
namin. Sa mga nakakaintindi, thank you po. Sa mga nagagalit at nangpepressure, God
bless you po. :) Just so you know, college student po ako. Alam ko namang naranasan
niyo rin ang pinagdadaanan ko. Babawi po ako. Nakakaano lang kasi, ilan lang sa
inyo yung nakaappreciate noon nung araw-araw ko ito inaupdate tapos nung naging
three week hiatus naman 'to, kung ano-anong natatanggap kong negative comments na
kesyo patay na ba daw ako blah blah. *knock on wood* Kaloka. Pfft
=================

24. Confusion

24. Confusion

"Sabi ko na nga ba e!" Gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko nung nagsitilian na


ang dalawang naging dahilan kung ba't ako napaamin. This is such a facepalm moment.
Nakakahiya. Why am I such a tatle tale?

"Hindi naman kasi malayong mangyari yun. Almost ideal guy na si Zion. Well, yung
pagiging beki lang niya ang mali pero... kahit na! OMG! I am very happy for you,"
kinikilig na sabi sa akin ni Sab. Ako? Nanatili lang nakatulala. E sa hindi ako
makapaniwala e. Sheez, did I really say that aloud?

"So, paano na yan? Kasama ka na sa federasyon namin ni Eunice. Right, Eunice?" Sab
asked excitedly.

Ito namang si Eunice hindi maalis sa mukha niya yung malawak na ngiti. "Welcome to
the club!"

They were about to hug me whe I stepped back. Iiharang ko pa ang dalawang palad ko
sa kanila. "Actually, joke lang yun. Naniwala naman kayo. Osya, may gagawin pa pala
ako sa bahay. Gotta go."

Aalis na sana ako nun nang mabilis silang lumipat sa harapan ko nung tumalikod na
ako. Geez, paano ba ako makakalusot nito? "You've already said it, so why deny it?"
sabi ni Sab.

"True, and what's so wrong about admitting that you like him? Sa amin mo lang namin
inamin at hindi sa kanya. Your secret is secured with us," sabi naman ni Eunice.

I really wanted to cry in frustration! Argh! Siguro nga, tama sila. I need to trust
them. Macoconsider ko naman silang kaibigan. Sa susunod kasi, mag-ingat ka na,
Misty girl!

"Okay, promise yan ha?" mahina at medyo nahihiyang sabi ko.

Ngumiti naman sila bago nagkatinginan sabay baling ulit sa akin. "Promise!" Sabay
pa silang nag-taas ng kanang kamay. I sighed in relief.

"At dahil dyan, i-treat mo kami sa cafeteria at ichika mo sa amin kung kailan ya
nagsimula. Lezz go!" at sabay nila ako hinila kung saan.

Oo na, may gusto na ako kay Badaf. Ang sarap tuloy sabunutan ng sarili ko. Bakit
hindi ko nakontrol?

***

"So, kailan nagsimula yan?"

Yan agad ang pambungad na tanong sa akin ng dalawa the moment when we started
eating our snacks. Yung sabi ni Sab na ititreat ko silang dalawa, it turned out na
ako pala ang trineat nila ng baked mac, coke in can and fries.

Tinignan ko lang sila at sa palagay ko, nagblush ako. Shems, nakakahiya namang pag-
usapan ang tungkol dito. "Yieee, nagbablush siya. Para ka namang high school
freshman. Such an innocent cutie!" Eunice said, giggling.

Napainom nalang ako sa coke ko bago ko sinagot ang binatong tanong sa akin. "Hindi
ko rin alam. Basta na-realize ko nang gusto ko na pala siya."

"Ano yun? Parang nagising ka nalang isang araw na gusto mo na pala siya?" Eunice
asked curiously.

Hindi ako sumagot. I just gave them a shrug before I gulped again on my coke.

"Well, hindi imposible yan. Lagi ba naman kayong magkasama e," sabi ni Sab na
nakangiti pa.

Sab's somehow right. Almost 7 days a week na kaming magkasama ni Badaf. Kapag
walang pasok, nagpupunta siya sa bahay dahil nga pinapunta raw siya ng Mama niya.
Pinanliligaw ba naman siya sa akin e. Eto naman ako, nahulog din sa kanya.
Nakakaloka mang isipin pero iyon talaga ang nangyari. Sa paningin ko ngayon, para
na siyang isang hearthrob. Huhu! Malala na talaga 'to. Hindi naman ako ganito dati
sa mga nagiging crush ko ah?

"Uy, natulala ka na dyan, Misty? Anong iniisip mo dyan?"

"'Wag ka ngang ano dyan, Sab. Nagdedaydream yan about kay Zion."

Napangiwi nalang ako nang magtawanan na silang dalawa. Napatingin ako sa paligid.
Thankfully, kakaunti lang ang tao sa cafeteria. Baka kasi may makarinig. Mga
ganitong oras kasi, marami pang classes.

"Hindi ah. Naisip ko lang na mali ito."

"Maling ano?" Eunice asked and I pouted my lips.

"Maling magkagusto ako sa kanya. Bakla siya e. Malamang pusong babae siya."

Siimangutan naman ako ni Sab. "Anong problema dun? Hindi ka naman masusumpa kung
magkakagusto ka sa isang bading. At saka, mapipigilan mo ba yang nararamdaman mo? E
kung sa nagkagusto ka na sa kanya e."

"Sab, hugot kung hugot ah? Relax lang." Natawa nalang ako nung tinapik ni Eunice si
Sab sa braso as if consoling her. Mas mabuti ngang may paglalabasan ako ng
sentiments at rants sa buhay gaya ng ganito kaysa yung sinasarili ko. Mas
nakakasira yun ng ulo.

Sab chuckled. "Hindi. Ang akin lang, walang mali sa feelings niya. Hindi naman
pwedeng sisihin ni Misty ang sarili niya dahil lang nahulog siya sa isang bakla. At
saka, hello! Bakla lang naman si Zion. Lalaki pa rin siya at babae ka, Misty. Hindi
naman siya transgender. Anong masama dun?"

Emeghed na talaga. Napa-facepalm nalang tuloy ako. May punto si Sab kaso... ARGH!
Ewan ko. Basta, for me, it is all wrong. "Ah! Basta, hindi tama 'to. Ang awkward
naman nung magkaaway kami noon tapos naging bestfriends nalang bigla at gusto ko na
siya ngayon. To sum it all, bakla pa siya."

Both of them groaned. "Ano bang masama sa pagiging bakla niya?" Sab asked.

"Kung lalaki ba siya, sa tingin mo, magiging tama yang feelings mo? Feeling ko,
naduduwag ka lang e," Eunice seconded. That stopped me for a second. Hindi ko rin
kasi talaga magets ang sarili ko. I like him, yes, but I am ot brave enough to
admit it that's why I'm thinking that this whole stuff is wrong.

I gave out a sigh for the nth time and just rested my back against the chair.
"Naguguluhan pa kasi ako e. Basta para sa akin mali 'to. Kaya hangga't maaga pa,
pipigilan ko 'tong feelings ko. Kung pwedeng ibaling ko nalang sa iba ay gagawin
ko. I just wanted us to stay the same."

Bestfriends... Soulsisters... or whatever people may call us. Mas mabuti na yun. No
hassle. No heartaches. Just fun.

Nawala tuloy ang ngiti sa mga labi nila Sab at Eunice. They were like disappointed
of what I have just said. "So, aakto kang parang normal lang sa harapan niya?
You're setting aside your feelings?" Si Eunice.
I shrugged my shoulders. "Oo, mawawala rin naman 'to."

All of us went silent. Para bang na-i-spoil ko yung fun in the air dahil sa
statement ko. I shrugged it off anyway and continued my food when I heard Eunice
spoke.

"Si Tyrone o," sabi niya habang nakatingin sa counter kaya sinundan din namin iyon
ng tingin ni Sab. "TJ, over here!"

Tyrone caught us up and went to us with a smile. May hawak siyang tray of food at
mukhang ngayo lang maglalunch base sa inorder niyang meal. "Pwedeng makiupo?" He
asked as soon as he approached us.

"Sure."

At dahil ako lang mag-isa sa upuan sa side ko, umusog na ako to give him space. He
smiled at me when he sat down. "Thanks. Kamusta ang exam?"

Mukhang bumalik na naman yung vibes ng dalawa dahil bumalik na naman sila sa usual
energetic selves nila. "Guess what?" Eunice paused and turned to me. "Misty got 49
out of 50 items on our Math exam!"

"Wow," Tyrone glanced at me with a wide smile. "Talaga, Misty?" Nilabas ko yung
exam ko mula sa bag at inabot sa kanya, at napangiti pa siya lalo nang makita iyon.
"Wow. Sabi sayo, Misty, kaya mo e. Good job," he exclaimed before he messed my
hair.

Napangiti nalang ako. Kinilig ako ng kaunti pero not as much as before. Medyo
nabawasan na yung Mikorin vibe noon. Hayyy... feelings really do change.

"Magaling ka rin naman kasi magturo. Thanks, Tyrone." I said with a smile.

Unti-unti nang nagsisidatingan ang mga estudyante. Naooccupy na rin ang mga vacant
tables sa cafeteria. Sa table namin, nagkwento si Tyrone kung gaano kahirap ang
maging Civil Engineering student. Nakikinig lang naman ako samantalang sina Sab at
Eunice ay nakikipagpalitan ng comments kay Tyrone.

We were amidst our hearty snacks and conversation when I heard something perhaps
catchy. Maiingay kasi sa likurang table namin kaya naagaw talaga nila ang atensyon
ko.

"Balita ko next week na isasalang ang dance troupe sa event ah? Girlfriend mo yung
president nila dun diba? Si Reishel."
"Oo, kaya nga puspusan yung pagpapractice nila e."

Napansin ko yung biglang pananahimik ni Tyrone sa tabi ko. He suddenly turned


uneasy. Ex-girlfriend nga pala niya si Reishel.

"Medyo sensual daw yung performance nila diba? Ba't 'di mo bantayan, pre? Baka alam
mo na..."

"No worries. Bakla naman ang partner niya. Medyo ang ipinag-aalala ko lang ay yung
ex niya. Sabi ng girlfriend ko, bumubuntot pa rin daw sa kanya. T.ngina, hindi pa
rin yata nakakamove on," sabay hagalpak ng tawa.

I could see how Tyrone's hands curled into fists. Napansin din yata yun nila Sab at
Eunice dahil tila nag-alala na rin sila.

"Ex? Taga-dito rin ba sa E.H.U?"

"Oo, para ngang aso kung bumuntot sa girlfriend ko. Kampante naman ako kay Reishel
kasi sabi niya huwag daw akong mag-alala sa ex niya. Wala daw yun laban sa akin
dahil tanga daw yun. Kaya nga niya iniwanan e."

"Paanong tanga?"

"Ni hindi man lang daw napansin na pinagsabay niya kami simula nung summer."

"Hahahaha! Kaya pala."

Bumuntong-hininga ako bago tumayo. Hindi ko alam kung anong sumagi sa isip ko para
lumapit sa pwesto ila sabay hampas ng malakas sa table nila. Natigilan tuloy sila.
Beast mode ako ngayon!
"Hoy, kayong dalawa!" sabay turo sa kanilang dalawa. "Huwag niyong matawag-tawag
na---"

"Misty, tama na yan." Napatigil ako kasi naramdaman kong pinigilan ako ni Tyrone sa
braso but I shoved him off.

"Hindi! Tinatawag ka ng mga ito na tanga e."

"Sino ka ba?" maangas na sabi nung boyfriend yata ni Reishel base sa boses niya.

"Kaibigan lang naman ako nang iniinsulto niyo. Tinawag niyong tanga si Tyrone? Pwes
para sabihin ko sa inyo---" Pati sina Sab at Eunice ay nakiawat na rin sa akin "---
Kundi dahil sa tangang 'to, hindi ako makaka-49 sa Math exam ko. Kaya kayo...
tigilan niyo yang pagchichismisan na yan. Daig niyo pa ang babae."

"Aba't---" sabi nung boyfriend ni Reishel na mukhang papatulan na ako pero nahinto
dahil humarang si Tyrone sa harapan ko. Go, Mikorin! Show them what you've got!

"Subukan mo siyang saktan, at itong kamao ko babaon dyan sa bungo mo!" Tyrone
threatened and we, three girls, took a step back. Medyo natakot ako sa angas ni
Tyrone, in fairness. Namiss ko tuloy si Kuya Kurt. Ganito din siya e. In English
nga lang.

"Tss. Pasalamat kayo nasa campus tayo," sabi nung isa.

Hinila ko na si Tyrone sa braso dahil napansin ko na rin na nagsisimula na kami ng


commotion sa loob ng cafeteria.

"Tara na, Tyrone."

We were about to pull him out of the cafeteria when he mumbled something...

"Wala na akong interes sa girlfriend niya. Magsama silang mga manloloko sila,"
bulong ni Tyrone bago naunang umalis sa cafeteria.

Sa bahay, nakatulala lang ako sa kawalan habang inaalala yung nangyari kanina.
Actually, tanging yung scenario with Tyrone lang yung nasa isip ko ngayon. Yan din
ang isa sa pinag-aalala ko e. Once you fall in love, part of you will get hurt.
It's inevitable. Masasaktan at masasaktan talaga at iyon ang ikinakatakot ko. Base
sa mga tao sa paligid ko, parang nakakatakot nga ang magmahal.
Kuya Kurt, my brother fell in love but got hurt a lot of times with the same girl.
May isa pa akong kakilala na nagmahal lang din pero nasaktan sa huli dahil iniwan
lang din siya... for good. Her girlfriend died. Maraming instances ang
nagkakasakitan lang ang mga tao kapag nagmahal. Hindi pa ako handa dun. Gusto ko
happy lang. Nakakastress kaya ang masaktan!

I was amidst my deep thoughts when my phone suddenly rang. Si Badaf ang caller.
Nataranta tuloy ako. Nagsuklay at nag-ayos ng sarili ng mabilis pero in the end, I
realized it was just a call. Hindi naman niya ako makikita. Ba't ako nacoconscious?
Hayyy...

"Hmm?" I started off the conversation.

"Chararat..."

"Hmm?"

"Balita ko nakipag-away ka raw kanina sa cafeteria."

Napanguso ako't napasimangot. Ang bilis ng balita ah! "Oo, sinong nagsabi?"

"Si Reishel. Nasabi lang ng boyfriend niya."

Tss. Ang daldal talaga ng boyfriend ni Reishel. "Naawa kasi ako kay Tyrone.
Iniinsulto kaya nila. Sabihin daw ba siyang tanga?"

"Bakit, hindi ba?"

Kumunot ang noo ko sa sagot niya. "Pati ba naman ikaw, Badaf?"

"Hindi ba pagiging tanga yung araw-araw na paghihintay ni Tyrone tuwing may


practice kami kahit na may boyfriend na si Reishel?"

Napabangon tuloy ako sa pagkakahiga. Nagigising na naman ang inis sa sistema ko.
"Hindi natin alam yung kwento ng dalawa, Badaf. Malay mo, hindi pa rin magawang
mag-move on ni Tyrone."

"That's my point! Hindi ka na sana nangielam. Issue nila iyon e. Hindi mo na dapat
siya pinagtanggol."

I rolled my eyes heavenwards. "Hello, kaibigan ko si Tyrone. Malamang, nahurt din


ako sa sinabi nila."
"Alam mo, ewan ko sayo. Concern lang naman ako sayo pati na rin kay Reishel dahil
kaibigan ko rin naman siya. Tss. Bahala nga kayo. Magsama kayong dalawa. Pakielam
ko sa inyo."

Aba! Napapahigpit na tuloy ang hawak ko sa phone ko. Wala daw siyang pakielam pero
tumawag sa akin. At bakit hindi nalang si Reishel ang tinawagan niya?! "Ewan ko rin
sayo. Alam mo, Badaf, panira ka ng gabi e. Tatawag-tawag ka pa, mang-aaway ka lang
din pala!"

"Hindi ako nang-aaway. Ayaw mo ba akong kausap? Nag-unli pa naman ako para kausapin
ka tapos ihahard mo lang ako? Edi fine, ibababa ko na 'to. Kausapin mo nalang si
Mikorin mo at i-comfort mo siya."

My teeth gritted in annoyance. "Sinabi ko bang mag-unli ka? Tawagan mo na 'yang


Reishel na yan! Siya ang puno't dulo nito e tapos siya 'tong kinakampihan mo!"

"Oo talaga. Mas matino pang kausap si Reishel kaysa sayo."

"Mas lalo namang matino kausap si Mikorin kaysa sayo! Wala kang ka-sense-sense
kausap!"

"Edi mag-usap kayo!"

"Talaga!"

"I-comfort mo ha?"

"Talagang-talaga. Ibaba mo na nga! Dada ng dada e!"

"Tss. Mag-usap kayo magdamag. Wiz ako care."

I rolled my eyes for the nth time. Ayaw pang ibaba! "Selos ka lang e!" I meant it
but not the way he understood it.

Silence... "Paano kapag sinabi kong oo?"

Nahinto tuloy ang hininga ko for like 5 seconds. Ewan ko kung naghahallucinate lang
ba ako o talagang naging manly yung boses niya. AAAAAAAAHHH! Nagseselos ba siya kay
Tyrone? OMG! OMG!

"E...di magselos ka. Paki ko?" sabi ko nalang.

"Tss. Pangit mo," sabi iya bago tuluyang ibinaba na ang tawag. Imbes na maasar ako,
ewan ko ba pero nagtatalon-talon ako sa kama sa sobrang.... KILIG! Abnormal na yata
ako.

=================

25. Charot

25. Charot

May continuation diumano ang kaabnormalan ko nang bigla nalang sumulpot si Badaf
kinabukasan ng umaga sa harap ng bahay namin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang nakatupi ang mga braso ko sa dibdib ko.
Syempre taray effect lang para hindi mahalatang nagwagwapuhan ako sa kanya ngayong
umaga. Shucks! Ang gwapo naman kasi talaga niya sa uniform niya at lalo na sa buhok
niyang coolly fixed. Pak na pak!

"Sinusundo ka," sagot niya at automatikong nagtaas ako ng kilay. Misty, you heard
him, right? Sinusundo ka niya! "Oh, tinataas-taasan mo ako ng kilay dyan? Akala mo
naman gusto kong sunduin ka. Hey, hey, Chararat! Para sabihin sayo, witsikels kong
makita yang mukha mo shalala in the morning."

Napasimangot tuloy ako sa litanya niya. Badtrip! Lakas talaga mangpikon nitong
baklang bading na 'to. Kinikilig na ako e. Yun na yun e.

"O, edi umalis ka na. Paharang-harang 'yang service mo sa driveway. Aalis na rin
ako."

Tatalikod na sana ako nang pigilan niya ako sa braso. Sheez, may sparks! And the
fireworks started to daze off the air. Joke lang. As if. "Saglit lang," sabi niya.
Hinarap ko naman siya nang nakasimangot. "Hindi ka naman nasanay sa akin. Sabay ka
na sa akin."

"Bakit ka ba kasi nandito?"

"Pinapasundo ka kasi sa akin ni Mama. Remember? Nililigawan DAW kita! Osya,


taralets na," mabilis na sagot niya at nagmamadaling sumakay na sa backseat ng
service car niya.

Napairap nalang tuloy ako sa kawalan. "Hindi man lang ako pagbuksan ng pinto.
Kaloka 'to," bulong ko at napailing nalang ng ulo. Hindi pa rin pala sumusuko ang
Mom niya sa panliligaw ni Badaf kuno sa akin. Akala ko pa naman nagkusa siya. Hindi
naman pala. Hmp!

Wala na akong choice kundi ang sumakay nalang sa backseat ng kotse. Dun sa opposite
side ni Badaf, to be exact. Buti nalang na-timing na nakaayos na ako't ready to go
to school na nang dumating siya. Kunsabagay, 20 minutes nalang before our Computer
lecture class. 10-12 minutes ang travel time at 10 minutes ang papunta sa classroom
namin. Oo, for sure malelate na kami nito.

Medyo tahimik nun dahil walang nagsasalita kaya na-bore ako't napahikab sa
katahimikan.

"Puyat ka ba? Kinomfort mo siya, ano?"

Nabigla tuloy ako nang biglang nagsalita si Badaf out of the blue. What's with the
question? "Hindi ako puyat, 'no. Medyo maaga lang ako nagising." Which is true
dahil ginawa ko pa yung assignment ko sa computer na nakalimutan kong gawin nung
mga nakaraang araw.

"Sus, kinomfort mo si Tyrone e. Shoulder to cry on ang peg mo last night, ano?"
Sinamahan niya pa ng mapang-asar na ngiti kaya pinagkunutan ko siya ng noo.

"Baliw. Natulog na ako after nating mag-usap kagabi."

"Umamin ka na kasi~"

Sa asar ko ay hinampas ko siya sa braso kaya napa-'ouchiekels' siya. "E ano


naman?!"

Naaasar na talaga ako kaya iyon nalang ang isinagot ko. Bakit niya ba ako pinipiga
para paaminin kung kinomfort ko ba si Tyrone? O, edi natahimik siya ngayon dyan.
Tumingin nalang sa bintana e, pero binalingan din ulit ako seconds after.

"Hoy, Chararat. Aral muna bago chorva. Hayaan mo na sila sa problema nila. Baka
madamay ka pa."

Sinamaan ko lang siya ng tingin nun. Alam ko namang may point siya pero hello,
hindi naman ako chumuchorva. "Studies first talaga muna. Kaya ikaw---" sabay sundot
sa braso niya "--- tigilan mo na ang panliligaw kuno sa akin. Studies first muna
ang peg ko. Basted ka na sa akin," biro ko at hindi ko yun feel na feel ah. Alam ko
namang pretend lang 'to. At... hindi ako defensive.

He looked to me in disbelief and I returned it with a smug. "Ay, ibang usapan yan.
Kapag ako ang nanliligaw, ayos lang. Kapag ibang lalaki, hindi pwede. Understand?"

Sinapok ko nga siya sa braso. 'Wag siyang ano dyan! Nagiging lalaki tuloy siya sa
paningin ko. ASDFGHJKL! "Manligaw ka lang. Hindi naman kita sasagutin."

He looked away and said, "Yun ang akala mo."

"Ha?" May sinasabi ba siya?


"... charot!"

Binatukan ko nga. 'Wag siyang magbiro ng ganyan at baka patulan ko yan... Charot!
Hahaha.

"Ehem, nandito na po tayo," anunsyo ng driver kaya automatikong napatingin kami sa


labas pati na rin sa wrist watch sabay sabing...

"Late na tayo!"

***

Late na nga kami sa Computer subject namin. Naabutan na namin ni Badaf na nag-
aattendance sila e. Medyo hindi pa magandang idea na pumwesto kami dito sa dulo sa
may sulok. "Haayy..."

"Huy, hikab ka naman ng hikab dyan."

Nagtakip nalang ako ng bibig ko at nagkunwaring yumuko para magbasa ng notes.


Nakakaantok naman kasi si Sir magturo. Sa boses niya, ang sarap tuloy maglatag ng
higaan dito at matulog nalang.

"Anong oras na, Badaf?" bulong ko sa kanya.

Tumingin muna siya sa wrist watch sabay sagot ng; "11:05."

Napasubsob nalang ako sa desk ko. Ang tagal pa. Babagsak na ang mga talukap ng mata
ko. "55 minutes pa. Kaloka," sabi ko.

"Gutom na nga ako e. Tara, labas muna tayo saglit?"

Tumango ako sa kanya at dahan-dahan kaming nag-sneak out sa classroom. Ayos lang
naman na lumabas kami. Kasama yun sa houserules ni Sir. Basta ba babalik din
kaagad. Pagkalabas namin, nag-unat kaagad ako ng mga braso at humikab ng malakas.

"Haaayy!" Stretch arms. "Saan tayo pupunta? Cafeteria?"


"Oo, tara."

Nabigla ako nang biglang tumnakbo si Badaf. Naiwan tuloy ako. Wala akong choice
kaya hinabol ko nalang siya kaso... "Badaf, wait lang! Naka-heels naman ako!"

Buti naman at huminto siya at humarap sa akin. Tumakbo ulit siya palapit sa akin
sabay tingin sa suot kong sapatos. "Naka-heels pa kasi e. Tara, palit nalang tayo.
Ako nalang magheheels."

"Tse."

"Feeling model kasi e."

Inirapan ko lang siya. Frustration ko ang maging ramp model. Wala lang. Humanga
kasi ako sa mga contestants ng America's Next Top Model. Sabi ko, balang araw,
sasali ako dun. Sa Asia nga lang. Mouhahaha. "Inggit ka lang. Hindi ka kasi pwede
magsuot nito kasi pang-girl lang 'to." Naglalakad na kami ng sabay. Slowly but
surely ang peg.

"Hindi, 'no. Kahit na maging girlash ako, hindi ako magsusuot ng heels. Okay na ang
flats. Karamihan kasi sa aming mga lalaki, ang gusto ay mga petite girls. Cute
kasing tignan e tapos pwede mo pang akbayan ng ganito," sabi niya sabay akbay sa
akin.

Kunot noo ko tuloy na tinignan yung kamay niyang nakaakbay sa akin. Sabay lunok.
AAAAAAAHHH! Inaakbayan ako ni Badaf!

Nahalata yata niya yung pagtingin ko sa kamay niya sa balikat ko kaya nagmamadali
niyang tinanggal iyon at... "O, nandito na pala tayo! Bilisan mo nga dyan. Kupad
nito forevs!" sabay takbo papasok sa cafeteria.

Naiwan tuloy akong parang nagliliyab sa init ang buong mukha ko. Hindi lang dahil
sa akbay kundi dahil sa sinabi niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Sinabi niya iyon.

"Karamihan kasi sa aming mga lalaki, ang gusto ay mga petite girls."

My eyes bawled in bewilderment. Did he really just consider himself a guy and not a
gay?

Wala naman kaming masyadong binili ni Badaf sa cafeteria. Siopao at iced tea lang
tapos nagmamadali na kaming bumalik sa room. Nga pala, since that odd conversatio
between us about heels and stuff, hindi na masyadong nagsalita si Badaf. Basta ang
peg lang niya ay baka daw pagalitan kami ni Sir dahil nagbabad na raw kami sa
labas. Sinisi pa ako ng Badaf! Kaso sa pagkabalik namin sa klase, nagtaka kami
dahil wala na si Sir. Naabutan pa naming isa-isa na silang nagsisialisan sa
classroom.
"Anyare?" tanong ni Badaf sa akin. As if naman alam ko kaya nagshrug lang ako at
pumunta nalang sa upuan ko. Habang kumakagat ako sa siopao ko, nilapitan ako nina
Sab at Eunice na ngiting-ngiti sa akin. Naku, yung mga ganyang ngiti pa naman, alam
ko na kung anong ibig sabihin.

"Saan kayo nagpunta ni Zion?" tanong ni Eunice.

Pinakita ko naman sa kanya ang iced tea ko. "Sa cafeteria. Sumaglit lang kami dun."

"Uyyy... baka nag-date na kayo somewhere ah," asar naman ni Sab na dapat ay
babarahin ko na pero biglang umeksena si Badaf. Pinandilatan ko nga silang dalawa
ng mga mata as though telling them to zip their mouths.

"Dismissed na?" tanong ni Badaf.

"Oo, early nagdismiss si Sir. May faculty meeting daw kasi." Si Sab na yung
sumagot. Ano ba yan. Kung alam ko lang na maaga magdidismiss si Sir, edi sana
hinintay nalang ami siya magdismiss kaysa yung lumabas kami. Tsk.

"Ah, gano'n ba?" Badaf replied and turned to me. "So, uuwi ka na nyan?"

I shrugged. "Oo, last class ko na 'to e."

"Sige, uwi agad ah."

"Hmm..." Tumalikod na ako para kunin ang backpack ko. Pagkasukbit ko sa balikat ko,
sumipsip muna ako sa iced tea ko bago humarap ulit kay Badaf. "Tara na. Sabay na
tayo paglabas."

"Teka, huwag ka na muna palang umuwi," sabi niya at napa-'ha?' nalang ako. Kasabay
nun ay ang pagsamid kuno ng dalawang nasa tabi ko; sina Sab at Eunice. Aish. Huwag
kayong mang-asar, please. Baka makahalata si Badaf.

"Bakit?" I asked him.

"Sama ka nalang sa rehearsal ko."

"Bakit?" tanong ko ulit.

"Tagapunas ng pawis ko."

"Ehem! Ehem!" pekeng pagtikhim naman ng dalawa kaya tinapunan ko sila ng tingin na
parang nagsasabing manahimik kayo please!!!
Gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko nun nang balingan ni Badaf ang dalawa na
para bang... OMG, nakakahalata na ba siya?

He shrugged his shoulders. "Kailangan ko ng tagapunas ng pawis. Julalay, you know.


Tara na," sabi niya sabay hila sa wrist ko palabas ng classroom. Napasiumangot
nalang tuloy ako. Julalay pala ang kailangan niya. Akala ko, girlfriend!

Buffering...

Buffering...

Buffering...

Joke. Kailangan pa ako natutong mag-assume? Hayyy... Siguro kasi gusto ko siya kaya
nag-aassume na ako or should I say, binibigyan ko ng meaning lahat ng sinasabi't
ginagawa niya when the truth is wala naman talaga sa kanya iyon.

***

Nawala tuloy ako sa mood simula kanina nang ma-realize kong assumera pala ako.
Hahaha! Nakakaloka naman 'to. Siguro part of growing up lang ang pag-assume. Kasi
kanina hindi ko rin mapigilan na mag-assume nung tinulungan ako ni Badaf na ubusin
yung siopao at iced tea ko dahil bawal ngang ipasok dito sa auditorium ang pagkain.
Kaya iyon, siya na ang umubos ng siopao ko at pati na rin ang iced tea ko. At
nakakainis pa, nailang ako sa ideyang may indirect kiss na naganap.

AAAAAAAHHH!! Magtigil ka nga, Misty. Tigil-tigilan mo nga ang pagbibigay ng meaning


sa mga bagay-bagay. Para kang loka-loka dyan!

"Okay, girls naman!"

Nabalik ako sa huwisyo nang sumigaw yung choreographer nila. Mahigit isang oras ko
na ring pinapanuod si Badaf na sumayaw sa stage. In all fairness, lagi siyang nasa
gitna, katabi ni Reishel. Isang magandang sign yung napapapartner sa leader e. Ibig
sabihin magaling si Badaf.

Nakita kong palapit sa pwesto ko si Badaf kaya umayos ako ng upo. Hindi na siya
nakasuot ng uniform ngayon at instead, loose shirt at pants nalang. Tagaktak ang
pawis niya at ewan ko ba pero mas lalo siyang cool tignan ngayon. Shucks, ang gwapo
gwapo!
"Naiinip ka na, Chararat?"

"Hindi naman." Umiling ako. "Ang galing niyo ah. Ang ganda ng choreography."
Pinapanuod ko siyang magpunas ng pawis. Hala, ba't ang manly niya tignan?

"Last na 'yan. Nakapagpaalam na ako sa kanila na pagkatapos ng event, aalis na ako


sa dance troupe," sabi niya kaya natahimik nalang ako at pinanuod nalang na
magpractice ang mga babae.

"Anong sabi nila?"

"Nirerespeto naman nila ang desisyon ko."

Pagkatapos nun, hindi na ako nagsalita. Nagfocus nalang ako sa panunuod. Sa totoo
lang, magaling talaga sumayaw si Reishel. Sexy kung sexy. Sassy kung sassy. With
all the flipping of her hair, masasabi mong may swag siya kung gumalaw habang
sinasayaw ang Dessert by Dawin.

Natigilan lang ako nung napatingin sa pwesto namin si Reishel habang sumasayaw at
saka ito ngumiti. Pagtingin ko kay Badaf, nakangiti rin ito. What was that?

"Close kayo ni Reishel?" hindi ko mapigilang magtanong.

Tumingin naman siya sa akin. "Kami? Medyo. Madalas kami magkwentuhan."

"About what?"

"About stuff like what?" I asked pointedly.

Ngumisi lang siya sa akin sabay sabing, "Secret. Wiz ako chismoso."

"OKAY, PACK UP NA! BUKAS ULIT!" sigaw ulit ng choreographer kaya naagaw niya ang
atensyon namin. Badaf mumbled 'hayy... salamat!' as he fixed himself. Yung iba
naman ay kanya-kanyang ayos din. Isa lang naman ang nakapukaw ng atensyon ko e, at
iyon ay si Reishel.

"Hi, Misty!" bati niya nang makalapit na sa akin. Nag-wave pa nga siya ng kamay
kaya nag-wave back din ako. "Did you enjoy watching our practice?"

I smiled. "Oo naman."

"Good. Nuod ka sa Friday ha?"


Bago pa ako makasagot ay hinawakan ni Badaf ang ulo ko. "Eto pa, papanuorin ako
nyan e."

Reishel smiled widely. Napilitan din akong ngumiti. Plastik smile though. Hindi pa
rin kasi mawala sa isip ko na niloko niya si Tyrone. Well, behind those angelic
smiles hides a wicked witch.

"Yay, maiinspire na si Zion nyan--- what?" She giggled teasingly. Napatingin ako
kay Badaf sa tabi ko at nahuli ko siyang naniningkit ang mga mata. "Ahh... I mean,
nandyan si bestfriend. Number one supporter yan e. Right, Misty?" Ayokong mag-
assume kaya naman ngumiti nalang ako at tumango.

"Ehem. Tara, labas na tayo? Sabay ka na sa amin, Reishel," yaya ni Badaf.

"Sige, baka nasa labas na rin ang boyfriend ko e."

But instead of seeing her boyfriend, we saw another guy leaning against the wall as
though waiting for someone from the auditorium. Natigilan tuloy kaming tatlo sa
paglalakad. Si Tyrone.

"Ang kulit talaga ng isang 'to," narinig naming bulong ni Reishel at dali-daling
nilapitan si Tyrone. "Ano na namang ginagawa mo dito, TJ? Hindi ba sabi ko sayo
'wag mo na akong lalapitan?"

Napakagat-labi nalang ako sa eksenang nakita ko. "Hindi naman ikaw ang ipinunta ko
dito e." And what startled me is when his eyes dazed mine. Seryoso ang mga mata
niyang nilagpasan ang tingin ni Reishel at saka ito lumapit sa akin.

"Misty, kanina pa kita hinahanap. Hindi mo ba chineck ang cellphone mo?" he asked
warmly.

Nataranta tuloy ako, nataranta o baka nagulat? Ay, ewan ko. "Ha? Uh, eh. Naka-
silent kasi phone ko e."

"Okay lang. Buti nalang sinabi sa akin ni Eunice na nandito ka. Tara, miryenda
tayo?" nakangiting sabi niya bago ako hinawakan sa wrist at hinila palayo.

=================

26. Jealous-type

26. Jealous-type
Wait up. Sa sobrang pagkabigla ko sa paghila sa akin ni Tyrone ay natulala nalang
ako't nagpatangay sa kanya. Gusto kong mag-react pero hindi ko magawa. Ano'ng ibig
sabihin nito? Gusto ko rin na sumama sa kanya? Kung papapiliin naman ako kung
kanino ko gustong sumama sa pagitan nila Tyrone at Badaf, aba, mas pipiliin ko
naman si Badaf, 'no. Tyrone must've been my crush but Badaf is whom I fall in love
with. Ay, taray! Mag-monologue ka pa sa utak mo at magpatangay ka lang, Misty.
Ginusto mo yan e.

Ginusto? Hindi, ano! Teka. Paano si Badaf? Speaking of Badaf, ba't ko ba siya
sinasali sa options ko, e hindi naman niya kami pinigilan?

"Hoy, saglit nga! Misty!"

Or so I thought. AAAAAH!! Gusto kong magtitili nang maramdaman kong may humawak sa
free-hand ko sabay hila nang bongga sa akin, pero dahil hawak nga ni Tyrone ang isa
kong kamay ay parang naging lubid tuloy ang drama ko ngayon.

"France---" Magsasalita sana si Tyrone pero pinutol agad siya ni Badaf.

"Saan mo siya dadalhin?"

"Magmimiryenda lang kami."

Tinignan muna ako ni Badaf bago kay Tyrone ulit. In fairness, hingal na hingal siya
ah. Talagang hinabol niya kami. Yieee. Okay, shuttap, Misty. Anong nakakakilig dun?

"...Sama ako."

Nalipat naman ang tingin ko kay Tyrone matapos sabihin iyon ni Badaf. He may seem
not to agree with Badaf coming with us because I saw his forehead creased a little.
He must be polite to turn him down. Siguro ako nalang ang magdedecline kay Badaf.
So, I broke free from Tyrone's grasp. Nagtaka pa nga siya kaya, nag-'wait' signal
muna ako sa kanya sabay sabing; "Just a minute, Tyrone. Excuse lang."

"Okay."

I smiled before I pulled Badaf few meters away from Tyrone. Hawak-hawak pa rin niya
ang wrist ko kaya pinalo ko iyon. Kaloka, para akong preso sa hawak niya.

"Badaf, hayaan mo na kami ni Tyrone. Miryenda lang naman e," bulong ko sa kanya.

Kumunot naman ang noo niya. Nakita ko tuloy yung butil ng pawis na nandun. Gusto ko
sanang punasan kaso ang clingy ko naman kung ganun. I am clingy pero noon yun nung
wala pa akong gusto sa kanya. "Ba't ayaw mo akong isama? Chararat ka talaga."
"Hello! Ililibre niya yata ako e, tapos sasabit ka?"

Nag-roll eyes siya. "So, nagtitipid? Hanggang dalawang tao lang ang budget niya?
Juskobels. Walang datung? Pakisabi ako nalang manlilibre sa inyong dalawa. 'Di ko
naman hinahangad na ilibre niya ako e."

This time, ako naman ang nag-roll eyes. Akala niya siya lang ang marunong. Duh.
"Mahiya ka naman. Ako lang kaya ang niyaya," sabay halukipkip ko na may kasamang
mapang-asar na ngiti.

Sinundot naman niya ang noo kaya napa-'ah!' ako at palo sa kamay niya. "'Wiz ka na
ngang sumama sa kanya. Tomjones ka ba? Edi lalafang tayo. Saan mo ba gusto?"

Ba't ba ayaw niya akong pasamahin kay Tyrone? Nagtataka na ako ah. Hindi naman siya
ganito dati. Tinaasan ko nga siya ng kilay. "Why don't you just let me go with
Tyrone?" I asked on a serious tone.

Pasimple muna siyang tumingin sa likod ko sa direksyon ni Tyrone at saka siya


tumingin sa akin. Medyo nilapit pa nga niya yung mukha niya sa akin as though he's
about to whisper something. "I don't trust that guy," he said, stressing every word
he said.

Tinawanan ko lang siya at napailing nalang ng ulo. What's with the sudden
impression? "Ewan sayo, Badaf. Talk to you tonight on Facebook. Ingat sa pag-uwi."

"Misty."

Hindi ko na siya pinansin at tinalikuran nalang siya para balikan na si Tyrone nang
marinig ko siyag magsalita ulit...

"Grabbing the chance to be with your crush?"

Natigilan tuloy ako. Medyo malakas kasi yung pagkakasabi niya at madiin. Nilingon
ko siya. From soft, his expression turned hard. Sobrang seryoso naman nitong
baklang 'to.

"Crush mo nga pala siya kaya gusto mo siyang samahan. Ano ba namang laban ko dyan?
Fine, enjoy your date with him."

Despite his seriousness and the curiousity about his sudden change of mood that
rose upon me, I managed to just stick my tongue out on him and ran back into
Tyrone.

It's better off this way. Paminsan-minsan, kailangan ko rin sigurong lumayo sa
kanya. Baka kasi sa susunod, marealize kong infatuated lang ako sa kanya dahil sa
palagi kaming magkasama.
***

I need to explore without him. Kailangan kong sanayin ang sarili ko paminsan-minsan
nang hindi kasama si Badaf. Wow, it has just crossed my mind that there's a
possibility that I'm just infatuated with him. Sa lagi ko siyang kasama e! Kung
hindi man kasama, lagi ko namang kausap at ako naman itong hinahayaan siya na
mapalapit pa sa akin. Ang masama pa, ako lang naman ang sobrang apektado sa aming
dalawa. Para sa kanya, we're just soul sisters. Hayyy...

"Misty, ang haba ng nguso mo dyan ah. Ayos ka lang?" Tyrone asked, chuckling.

Sa isang kabubukas na Milktea shop ako dinala ni Tyrone. Malapit lang ito sa campus
kaya nilakad nalang namin. He ordered frappe-milktea hot fudge flavor for me and
tiramisu flavor for himself na sinamahan pa ng two slices of black forest cake at
cinnamon bread.

I just smiled a little before I heaved a sigh. Nakaupo kami sa high stools ng shop
kaya medyo pinaglalaruan ko yung upuan ko by spinning it a bit. "Ayos lang ako.
Salamat pala sa libre. Anong okasyon?" He chuckled and I realized I was naive to
ask that. Para namang tuwing okasyon lang siya nanlilibre e, first time nga lang
naman ito. "I mean, nanlibre ka ah." Err. That sounds strange.

"Highest kasi ako sa geometry at humanities. Celebration at unang sweldo na rin


galing sayo. Thank you," he said with a huge grin.

"Wow! Congrats. Let's cheers to that!" sabi ko at inangat sa ere ang milktea ko. We
bumped our cups before we sipped through it. Naka-sweldo na pala siya. Wala kasi
akong alam dun dahil si Dad ang bahala dun. "Kapag naperfect ko naman ang Math,
magpapaparty ako."

"Isa nalang ang mali mo nung nakaraan, diba? Sa susunod, triplehin natin ang
review, Misty. Mapeperfect mo rin yan."

"Push natin yan, Tyrone," I said, giggling like a kid and silence followed after
the fun conversation. Only the RNB music from the speakers can be heard inside the
shop. I turned to Tyrone only to see him staring at the cup of his milktea. He was
like drowned on his own thoughts with a small smile on his lips.

Napaisip tuloy ako nung nangyari kanina. Was it really me that he wanted to meet up
earlier outside the auditorium or was it really Reishel?

"Tyrone, can I ask you something?" At dahil sa sobrang ka-chismosa-han ko ay bigla


nalang yun lumabas sa bibig ko.

"Sige."
"Ay, 'wag nalang pala." Nakakahiya ka, Misty girl. Ba't mo naman itatanog ang bagay
na yun? Baka sabihin nalang niya nang-iinvade ka ng privacy?

Medyo tinilt niya ang katawan niya sa akin at puno ng kuryosidad ang reaksyon niya.
"Sige na. Ano ba yun?"

"Err... Promise me na hindi ka magagalit?" At dahil childish ako, automatikong


pinakita ko sa kanya yung pinky finger ko and I just realized how embarrassing it
was doing it with a new friend.

Natawa tuloy siya. He must have thought of me like a crazy little kid stuck inside
a 16-year-old teenage girl's body. Uwaaah! Okay, kalma, Misty. 'Wag pahalatang
anxious ka sa sarili mong kilos.

"Okay, promise," sabi niya at laking pasalamat ko nang i-lock niya ang pinky finger
niya sa akin. "So, ano ba yung tanong mo?"

I moved away my finger before I took out a deep breath. "Yung totoo, Tyrone, ginawa
mo lang ba akong alibi kanina? I mean, si Reishel talaga yung ipinunta mo sa
auditorium pero dahil inunahan ka niya ng rejection ay ako nalang yung hinila mo
para. . . err, maisalba yung ego mo?"

Laking pagtataka ko kasi ngumiti lang siya. That was not the reaction I expected
from him. Akala ko, kukunot ang noo niya o magugulat sa tanong ko e. But it turned
out the other way around. "Hindi ah. Ikaw talaga ang ipinunta ko. Kanina pa kita
hinahanap. E nakita ko sina Sab at Eunice sa library, sabi nila nasa audi ka raw.
Kaya pinuntahan kita. Nagkataon lang na sabay kayong lumabas ni Reishel sa audi
kaya siguro naisip mo yun."

Aahhh. . . Yun pala yun. "Sorry, akala ko kasi, alam mo na. Hehe."

"Kung ego ko lang din naman ang pag-uusapan, matagal nang inapakan ni Reishel yung
akin. Yung nakita mo kaninang pagkumpronta niya sa akin, wala yun sa ginawa niya sa
tuwing susunduin ko siya sa audi o dance studio niya."

Nalungkot tuloy ako sa sinabi niya kahit na nakangiti pa rin siya. Hayyy. . . Hindi
ko na sana in-open 'to. Naging gloomy tuloy ang atmosphere.

"Sorry. I should'nt have asked that."

"Ayos lang. Wala na yun sa akin," nakangiti pa ring sagot niya habang pinaglalaruan
yung straw ng milktea niya. "Nakakapagtaka nga e. Para bang nagising nalang ako
isang araw na ayoko na sa kanya. Kumbaga, bigla nalang nawala yung nararamdaman ko
para sa kanya. Na kahit makita ko siya kasama ng boyfriend niya ay wala nalang sa
akin."
Ngumuso ako habang nakakagat sa straw ng milktea ko. "Hindi ka nasasaktan o
nalulungkot ngayon?"

"Yung sakit, tapos na ako dyan. Yung lungkot? Wala na rin. Narealize ko na marami
pang bagay na makakapagbigay ng saya sa akin, kaya ba't ko pa ipagpipilitin ang
sarili ko sa kanya?"

"Tyrone," I almost whispered. "Ba't ako yung nalulungkot para sayo?"

His mouth gaped open in amusement before he chuckled. "Misty, ano ka ba. . . Ayos
lang talaga. Wala e, kailangan talaga mag-move on."

Ano ba yan, pinapaligiran talaga ako ng mga lalaking nasasaktan sa pag-ibig. Ewan
ko pero nalulungkot talaga ako sa para sa kanila. Kung sino pa yung grabe kung
magmahal, sila pa yung grade rin kung masaktan. Sinasayang ng mga babae ang
ganitong tipo ng lalaki.

"I'm glad you're moving on, Tyrone. For sure naman, you'll find someone better than
Reishel," I said, cheering him up.

"Oo, bata pa naman ako. Marami pa akong makikilala. Yung mas lamang sa kanya,"
nakangiting sabi niya.

"Yes, mas lamang talaga sa kanya at yung deserve mo."

Lumaki ang ngiti sa labi niya at saka niya hinawakan ang ulo ko. Nabigla tuloy ako
sa gesture niyang iyon. "Thank you, Misty. Maswerte ako dahil nakilala kita."

I smiled slowly at his words. Sinayang lang ni Reishel ang tipo ni Tyrone. Tsk tsk.
"You're welcome, Tyrone. Maswerte din ako dahil naging kaibigan kita."

"Parehas tayong swerte sa isa't-isa. Hindi kaya tayo na ang para sa isa't-isa?"

Nanlaki nalang ang mga mata ko sa hirit niya. Kung dati siguro niya ako nabanatan
ng ganito, malamang maiihi ako sa kilig pero. . . hindi na e.

Natawa nalang ako. "Baliw."

"Biro lang. Tara, hatid na kita sa inyo."

***

From: Tyrone
Salamat sa pagsama, Misty. Sa susunod ulit?

Nareceive ko ang sms ni Tyrone an hour I arrived at home. As usual, wala na naman
si Dad at hindi ko alam kung saan nagpunta. Nagreply nalang ako ng 'thanks din sa
libre :)' kay Tyrone bago ko pinatay ang phone ko para i-charge.

Pabagsak akong humiga sa kama, at natulala nalang sa kisame ng kwarto ko. Haayyy. .
. It has been a fun day for me, really. Una, napanuod kong magpractice si Badaf at
pangalawa, naka-bonding ko pa si Tyrone. They're both fun to be with in different
ways.

Wait, speaking of. . .

"Si Badaf nga pala!"

Napatalon tuloy ako sa kama at dumiretso sa PC ko. Mabilis ko yung binuksan at


dumiretso sa Facebook ko para i-message si Badaf. Yun kasi ang usapan e. We'll talk
here on SNS. Kung hindi sa FB, sa Facetime. Pero siguro sa FB nalang kasi nakita ko
agad na online siya.

I immediately typed in my message to him.

Me: Hi!

Hindi pa niya nasi-seen yung message ko kaya hinayaan ko nalang naka-open yung
chatbox namin. So, I scrolled in my newsfeed for awhile when I found out Badaf's
suspiscious status updates.

France Zion Madrigal

Have you ever felt being left behind? That feels sh1t, bruh.

France Zion Madrigal

If you are not getting better, you are getting left behind.

"Hala, ako ba 'to?" tanong ko sa sarili ko. Iki-click ko sana yung chatbox namin
para itanong ko kay Badaf ang tungkol dun nang makitang naka-seen na siya. And he
has seen it 3 minutes ago. . . ngayon, offline na siya.

Galit ba siya sa akin dahil iniwan ko siya?

***
He said he wasn't mad at me. Actually, nakailang tanong ako kung ako ba yung
pinapatamaan niya pero sabi niya, wala lang daw yun. May binabasa lang daw kasi
siyang libro at ganun yung scenario. Pero hindi ako naniniwala. Sabihin na nating
oo, pinapansin niya ako, pero may iba e. Ang cold niya sa akin.

Friday came and today's the dance troupe's performance at the other University. Sa
ibang University idadaos yung event na hindi ko alam kung para saan. Isa na rin yun
sa dahilan kung ba't 'di a kami gaanong nakakapag-usap ni Badaf. Hindi ko
masasabing iniiwasan niya ako dahil busy talaga siya sa puspusang practice sa dance
troupe. Ugh, ewan ko ba. Napaparanoid lang ba ako?

"Zion, aalis ka na?" tanong ni Eunice kay Badaf. May quiz kami nun sa Social
Science kaya siguro napilitan si Badaf na pumasok kahit na in two hours ay
magpeperform na sila. Gusto sanang sumama kaso may klase kami.

"Oo, nakapagpaalam na ako," he replied coldly. Tinignan ko yung desk niya.


Nakaligpit na ang gamit niya. Naipasa niya na rin yung quiz niya kay Prof. "Una na
ako," sabi niya sabay sukbit ng bag strap sa balikat niya.

"Goodluck sa perf," sabi ni Sab.

"Break a leg, Zion," sabi naman ni Eunice.

"Salamat," sabi niya at tumango lang sa akin bago umalis. See? Nalungkot naman daw
ako dun. Wala man lang 'bye' o 'punta ka, Chararat ha?'. Tell me, paano ko hindi
iisipin na wala siyang tampo sa akin kung ganun siya umasta?

"Magkagalit kayo?" pabulong na tanong sa akin ni Eunice. Si Sab naman lumipat sa


pwesto ni Badaf kanina.

Bumuntong-hininga lang ako bago yumuko. Kunwari chinecheck ang grammar ng essay ko
pero ang totoo, nabobother na talaga ako kay Badaf.

"May tampuhan nga siguro," sabi ni Eunice.

"Halata nga. Hindi ka man lang kinibo ni Zion e. Ano bang nangyari?"

Magsasalita na sana ako nun para sana magpaliwanag nang. . .

"Isa pa, third row. Pupunitin ko ang papel ninyo," banta ni Prof. Napabilang tuloy
ako ng rows sa loob ng classroom at kung minamalas ka nga naman, pang-3rd row pala
kami't kung posibleng lumubog kaming tatlo sa inuupuan namin dahil sa talas ng
tingin ng prof at baka nasa ground floor na kami.
Nagpasa nalang kami ng quiz naming tatlo nang makalabas na. Dun kami nagstay sa gym
para pag-usapan ang nangyari. Besides, hindi na rin naman iba sina Sab at Eunice sa
akin. They've become my friends in college.

"Aahh. . . Yun pala yun! Nabasa ko nga yung status ni Zion nung Tuesday."

"Tuesday pa? So, three days na siyang cold sayo?"

Isang buntong-hininga nalang ang naisagot ko sa kanila. Oo, three days na rin ang
nakalipas nang mag-status ng ganun si Badaf. Hindi sa napaparanoid ako pero swak na
swak ba naman sa nangyari e. I dumped him over Tyrone's invitation for snacks.

"Bakit nga ba siya nagpatama ng ganun?" tanong ni Eunice.

Nagpangalumbaba nalang tuloy ako sa ibabaw ng legs ko. Nakaupo kami sa bleachers
kaya napapagmasdan namin yung mga nagtetraining para sa basketball. "Dahil kay
Tyrone. Sumama ako kay Tyrone kahit na ayaw niya. Gusto niya kasi, magmiryenda
kaming dalawa. And the rest is history. . ."

Nagkatinginan naman ang dalawa na nanlalaki ang mga mata sa pagkabigla. Para bang
hindi kapani-paniwala ang sinabi ko.

"Whoa, hindi kaya nagseselos si Badaf?" Sab exclaimed.

"OMG! Baka nga. Yung mga ganyang eksena, selosan factor talaga ang ganap e."

Mabilis kong inangat ang kamay ko para patigilin sila sa delusional comments nila.
As if naman, ano. "Imposible. Bakla si France diba? Bakit naman siya magseselos?" I
shrugged my shoulders and sighed. "Not unless, nagseselos nga talaga siya pero
hindi kay Tyrone kundi sa akin. Crush kaya nun si Tyrone. . ."

"WHAAAAT?!?"

I blinked my eyes twice as I realized I spilled something precious again this time.
WHAT THE, MISTY! Anong sinabi mo?!

"Misty, seryoso?!"

"Oh my!"

Napatikhim ako. Nadulas na naman ang dila ko. ". . . Uh, eh. Dati raw yun, sabi
niya, pero ngayon, hindi na yata? Ewan ko. Naku, secret lang natin yan ah." Watch
your mouth next time, Misty. Huhu.
Sabay naman silang tumango tapos yumuko na para bang nag-iisip. And then after a
minute, Sab perked up at me. "Magsorry ka pa rin. Siguro na-hurt lang siya kasi as
a friend, tinalikuran mo siya para lang sa crush mo."

"Oo nga. Selos pa rin yun. Ganun din ako sa mga friends ko e," sabi naman ni
Eunice.

Sorry? Ano ba yan. . . Lagi nalang ako nag-sosorry. Para naman kaming magdyowa
nito. Pero kasalanan ko naman e. Siguro nga, jealous type si France. Magse-
September na at napansin kong puro ganitong issue ang napag-aawayan namin.

"Okay, magsosorry ako pero paano? Performance na nila ngayon, o. Bukas nalang
siguro."

Nagbulungan silang dalawa. Kumunot ang noo ko dahil ayaw nilang iparinig sa akin
ang kug anumang pinag-uusapan nila. Nakakacurious naman.

"Okay, okay," sabi ni Eunice kay Sab bago humarap sa akin. "Absent tayo sa P.E
class natin?"

Never pa ako umabsent. Sayang kasi ang mamimiss na lesson. "Ha? Bakit?"

"One time lang. Punta tayo sa event," sabi ni Eunice at nakita ko si Sab na
naglabas ng assorted color pens mula sa bag niya. Nagtaka tuloy ako, lalo na nang
tumayo siya.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

Tumayo na rin ako nang tumayo si Eunice. "We still have one and a half hours left
to get to the event. Let's go!"

***

Colored pens + Oslo paper = a mini banner

Hindi lang mini banner kundi a colorful banner for Badaf. Kyaaah! Ang cute, kaso
nakakahiya naman. Do I really have to show this as he dances?

"Ang daming tao. Kaloka~"

Nasa Corinthian University na kami. As expected, maraming tao pero mas higit pa sa
inexpect namin ang dami ng totoo. Open to the public kasi e, pero kahit na, ang
awkward lang kasi puro naka-civillian ang pumapasok dito. Kami lang nga yatang
tatlo ang nakauniform e.

"Saan ba ang event dito?" tanong ni Eunice. May mini amusement park kasi sa campus
nila kaya mahirap hanapin pero dahil may narinig akong malakas na tugtugan sa
bandang kaliwa namin ay napatingin ako dun.

Kumpol-kumpol ang tao. Dun na siguro yun. "Baka nandun sa bandang yun. Tara!"

I want it all day l-o-o-ong

I'm addicted like it's wrong

"Aaaaaahhh!"

"Wooo!!"

Tama nga kami dahil nandun nakatayo ang stage sa bandang likod ng carousel.
Foudation day pala ng University kaya ganito ka-engrande. Pero ang awkward lang
kasi nakikifoundation day pa kami kahit na taga-E.H.U kami at nakauniform pa. Sana
naman nag-civilian kami.

"Misty, sakto! Sila yata yung nagpeperform!"

Nag-tiptoe ako para makita yung stage kaso. . . AAARGH! Wala akong makita. Ang
daming tao! Nabigla ako nang hilain ako ni Eunice sa kaliwang kamay ko at umikot
para makapunta sa backstage. Abot-abot ang hingal namin ni Sab sa pagtakbo.

Anong gagawin namin dito?

They can imitate you

but they cant duplicate you


"Kuya!!" tawag ni Sab dun sa isang Marshall na nagbabantay sa rails. Lumapit naman
ito sa amin. "Taga-E.H.U po kami," pinakita pa ang ID, "Baka pwedeng makapasok? For
documentary lang, please?"

Walang ma lang pasubali na pinagbuksan kami nung marshall. Shemay, full access kami
papunta sa gilid ng stage, up-close pa. At timing pang, sina Badaf at Reishel ang
nagsasayaw. With all the lightings and screams of the audience, sumasabay ang
mabilis na kabog ng puso ko na halos magwala na rin.

"GO, BADAAAAF!!" Napasigaw na rin tuloy ako. Sheez! Nakataas pa ang mini banner ko
na may nakasulat na; 'Go, France Zion Madrigal!' with all the emoticons everywhere.

'cause you got something special

that makes me wanna taste you

I want it all day longI'm addicted like it's wrongI want i all day l-o-o-ong

Ang galing nilang dalawang sumayaw. Ni hindi ko nga makilala si France tuwing aapak
sa stage. He becomes a ma whenever he dances. Kahit sina Sab at Eunice ay
napapasigaw din. Nakakaiyak. Nakakaproud. Kaya ako na-i-in love pa lalo sa baklang
yan e! Kainis!

"Woo! Badaf ko yan!! Kyaaa!" sigaw ko pero unti-unti ako nawala sa huwisyo nang
makitang sa huling pose nila. . . naglapat ang mga labi nila.

They kissed.

"Sab, Eunice, uwi na tayo."

=================

27. Change

27. Change

"Misty, tapos na sila! Ba't pa tayo uuwi? Hintayin nalang natin sila! OMG! Pababa
na sila ng stage oh---MISTY!"

Hindi ko na pinansin ang malakas ng boses ni Eunice. Basta ang gusto ko right at
this moment ay ang makaalis na sa lugar na iyon! Gusto kong makalayo. Gusto kong
magwala. Hustisya! Bakit may naganap na kiss sa sayaw na 'yon? Ano 'yon,
telenovela? Kalokohan!

Binilisan ko ang paglalakad ko. Halos lakad-takbo na nga ang ginawa ko makalayo
lang dun. Habol-habol ko ang hininga ko hindi dahil sa mabilis kong paglalakad
kundi dahil. . . ang sikip-sikip ng dibdib ko. Gusto kong umiyak pero pinipigilan
ko ang sarili ko. Yung effort naming gumawa ng banner, yung malakas na pag-cheer ko
with feelings, yung pagiging proud ko na si Badaf KO yun. . . bigla nalang naglaho
sa isip ko. Napalitan ng selos. Oo, nagseselos ako. Gosh! First time ba 'to? Hindi
e. Selosa talaga ako pagdating sa mga kaibigan ko pero bakit ganito? Bakit parang
mas masakit sa dibdib yung nakita ko kumpara sa mga petty jealousy na naramdaman ko
dati sa mga friends ko noon sa high school?

Aahh. Shunga ka, Misty! You're in love with him nga diba?

"Misty! Uy!"

Nilingon ko sila Eunice at Sab. Hinahabol pala nila ako. Mas lalo ko tuloy
binilisan ang pagtakbo ko, at ganun din sila sa paghabol sa akin. Hindi ko alam
kung paano nangyari pero naramdaman ko nalang na naabutan ako ni Sab. "Misty,
saglit nga!" sigaw niya sabay hablot sa kamay ko. I've been caught. Umarte ka,
Misty. 'Wag mong ipahalata yung nasa loob mo.

"Hoo! Ang bilis mong tumakbo," hinihingal na sabi ni Eunice habang nakapatong ang
dalawang kamay sa tuhod niya. "Napaano ka? Tapos na sumayaw sila Zion o."

"Oo nga, Misty. How about our plan?" dagdag naman ni Sab.

Napatingin tuloy ako sa hawak kong oslo paper. Medyo lukot na siguro kasi
napahigpit ang kapit ko. Nakakainis naman kasi si Badaf e, binigla ako sa. . .
sa. . . kiss na 'yon! Ugh, I can't believe he did that!

Binitawan ako ni Sab at saka siya nagpameywang. Nasa gitna kami ng open field nun.
Dun ko lang na-realize na medyo malayo-layo nga ang tinakbo ko. Ang dami pa namang
tao sa paligid. Nakakahilo.

"Misty, ayos ka lang ba?" tanong ni Sab nung hindi ako sumagot.

"A-ayos lang ako. Naalala ko lang na may gagawin pala ako kaya kailangan ko nang
umuwi. Sige na! Una na ako."

Ilalapat niya sana yung palad niya sa noo ko nang umiwas ako't tatalikuran na sana
sila para tumakbo palayo nang bumangga ako sa matigas na bagay. . . bagay nga ba?
May bagay bang kayang sumalo sa tao unintentionally? Sinalo ba naman ako sa braso
e! As in, nakasabit ang dalawang braso ko sa matitigas na something na yun. Wait,
ano nga ba yun?

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko para makita kung ano yun o sino yun, rather.
Naalarma ako nang marealize kong tao pala yun!

"AAH!" mabilis akong tumayo at nag-ayos ng sarili. Lilingunin ko sana siya ulit
nang magsalita siya.

"Misty? Anong ginagawa mo dito?"

Yung boses na yun! I know that voice! Niligon ko siya at nanlaki ang mga mata ko sa
pagkabigla nang makita si. . . "Kuya Wayne!" I gave him a quick hug and eventually,
my worries faded off quickly. Remember, Badaf's big brother? Siya yun! "Anong
ginagawa mo dito, kuya?" binalik ko yung tanong sa kanya.

Ngumiti lang siya tapos pinakita niya sa akin yung DSLR niyang nakasabit sa leeg
niya. Oohh. "Syempre, sinuportahan ko ang kapatid ko sa pagiging lalaki niya for
the first time on stage," sabi niya. Nagets ko naman agad yung point niya dahil
first time lang talagang sumayaw ni Badaf na astang lalaki. Nung high school kami,
puro. . . err, never mind.

"Nandito rin siguro kayo para panuorin si Francisco, ano?" tanong niya habang
palipat-lipat ang tingin sa aming tatlo nila Sab at Eunice.

"Yep, Kuya. Mga kaklase nga rin po pala namin ni Ba--- France," tumikhim ako.
Magkakamali pa ng mention. "Si Eunice at Sab."

"Hi po!" kumaway sila.

Kuya Wayne smiled back at them. "Hello, Mark Wayne Madrigal nga pala. Kuya ni
Francisco."

"Francisco?" sabay na tugon nila that earned a chuckle from Kuya.

"Oo, nickname ko kay France para macho," sagot niya at natawa nalang ang dalawa.
Palabiro talaga yan si Kuya, kaya nga close ko yan e. Close din naman kasi sila ng
Kuya Kurt ko. "O, tara. Puntahan natin si Francisco. Ayun na yata siya o! Whoop.
Ang daming fans."

Nabalik tuloy ulit sa akin yung nararamdaman ko kanina. Unti-unti akong umatras
para sana umalis pero hinawakan na ako sa magkabilang braso nina Sab at Eunice.
Ugh!

Dun ko lang napansin na may mangilan-ngilan palang nagpapapicture kay Badaf. Kung
hindi lang ako nahiya kay Kuya Wayne, talagang mag-aala-maze runner ako to get away
from this place.

That kiss. Geez, hindi talaga ako makapaniwalang nagkiss sila ni Reishel! Jusme!

"Hey, Francisco!" sigaw ni Kuya Wayne dahilan para makuha ang atensyon nito.
Lumapit si Badaf kay Kuya Wayne tapos sinalubong siya ng mahinang suntok ni Waye sa
dibdib. Muntik pa ngang matumba si Badaf e. Geez, bakit ba ang gwapo niya lalo
kapag pawisan siya?

"Kuya, ayos ba?"

"Oo, astig. Ganyan lang dapat. Gamitan ang kagwapuhan. Ibalandra sa mga
kababaihan!" bulalas ni Kuya Wayne kaya natawa nalang ito pati na rin sina Sab at
Eunice sa likod ko. Speaking of. . .

"Dali, lapit ka na!" Si Eunice.

"Pakita mo na yang banner." Si Sab.

Umatras ako. Hinila naman nila akong dalawa. "Ayokoooo," asik ko at medyo nagsisi
ako sa pagsabi ko nun dahil dun ko nakuha ang atensyon ni Badaf.

He turned to me with those rounded eyes in surprise tapos nilapitan niya ako at
tinapik ang ulo ko. "Chararat, nandito ka pala!?"

Natulala nalang tuloy ako. SHUCKS! Ba't biglang umurong ang dila ko sa kagwapuhan
niya ngayon? Kakaiba e! Yung ngiti niya, maaliwalas na mukha niya pati na rin yung.
. . AAAAH! Sweaty look. Nagmukha siyang. . . ehem, hot.

Gosh, Misty. 16 years old ka palang pero nagsasabi ka na nang hot? Anong basehan mo
sa pagtingin ng hotness ng tao?

I shook my head as thoughts drown into my mind. Ghad, dirty thoughts, shoo!!

"Y-yeah! Niyaya talaga kami ni Misty to support you. Diba, Eunice?"

"Yes. Tama si Sab. In fact, um-absent pa kami sa P.E para lang mapanuod ka. O, may
ginawa pa nga siyang banner for you!"

Wala akong magets. Pre-occupied ako. Tulaley sa mukha ni Badaf. Teka, ano bang
sinasabi nila?

"Ha?"
"O diba! Speechless pa siya hanggang ngayon. Superb kasi yung performance niyo,"
Sab exclaimed and they both clapped their hands excitedly. Wala akong maintindihan.
Gusto ko na talagang umalis at baka bumaha ng err. . . laway dito. Shucks, why you
gotta be so hot on that sando, France Zion Madrigal?

Napakurap nalang ako nang pinindot ni Badaf yung ilong ko. "Oy, magsalita ka nga
dyan. Tulaley lang? Hmm. . ." Tinignan ko siya. Nakatingin siya sa hawak kong
papel. "Whoa, bongga ah."

"Pasensya na. Hindi makapagsalita yan. Sigaw kasi ng sigaw kanina e. Hindi mo ba
narinig yung cheer niya habang sumasayaw ka?" Eunice.

"Whoa, may number one fan ka pala e. Naks naman, Francisco!" bulalas ni Kuya Wayne.

Teka lang. Wala na talaga ako maintindihan sa nangyayari. Gusto ko nang umalis.
Gusto ko nang makahinga ng maayos. Mamamatay na yata ako. I need air. Kalma, Misty!
Kalma! AAAAHHH!

"Pwedeng akin nalang 'to? Souvenir?"

Nabigla ako nang hawakan ni Badaf yung papel na hawak ko. Sa pagkabigla ko, ang
initial reaction ko ay napaatras ako ng hakbang. Nagtaka yata siya.

"Uh eh. . . May gagawin pa pala ako sa bahay. Y-yung report sa. . . P.E! Tama! Yung
sa P.E pala kailangan ko nang gawin. Sige, una na ako." Paatras ako ng paatras
habang sinasabi ko yun. ". . . Ang galing mo kanina. Idol!"

Tatakbo na sana ako nun paalis nang may sinabi si Sab na nagpatigil sa pagtakbo ko.
"Baliw! Absent kaya tayo sa P.E! Pinagsasabi mo dyan, Misty?"

ASDFGHJKL! Boom. Busted.

"Kung wala na kayong klase---"

"Wala na po talaga, kuya!"

"Edi, tara. Libre ko kayo ng miryenda."

"Yay!"

Bakit kasi hindi ka pa tumakbo, Misty? Huhu.


***

"Ito yung perfect kung kuha. Gwapo mo dito, kapatid. Manang-mana ka talaga sa kuya
mo!"

Tawanan at kwentuhan. Ang iingay nilang tatlo. Dahil nga mabait si Kuya Wayne,
mabilis niyang nakasundo sina Sab at Eunice. Actually, nagtitingin-tingin yata sila
ng shots ni Badaf from earlier's performance sa DSLR ni Kuya. Ako? Wala. Binusog ko
nalang ang sarili ko sa pasta buffet table g restaurant na ito.

The New Spaghetti House.

Bongga. Mahilig pa naman ako sa pasta kaya pabalik-balik ako sa buffet table. Medyo
nabalik na ako sa huwisyo ko ngayon dahil naiintindihan ko na ang mga kaganapan.
Siguro, gutom lang ako kanina dahil hindi ako nakapaglunch. Come to think of it,
with all the runs and cheer earlier, hindi ba naman ako mapapagod?

Tumayo ako ulit at nagtungo sa buffet table. This time, kumuha naman ako ng Pesto
Macaroni at inilagay sa plato ko. Babalik na sana ulit ako sa table namin nang may
narinig akong nagsalita bigla sa likod ko.

"Halatang gutom ah."

Sa pagkabigla, bigla nalang lumabas sa bibig ko ang salitang; "Ay, bakla!" Ugh! Be
careful of your words, Misty. Natawa lang siya sa sinabi ko kaya nag-roll eyes
nalang ako. "Nanggugulat ka kasing bakla ka."

"O, bumalik ka na sa dati ah. Sungit-sungitan ever?" he chuckled again in a low


tone. ARGH! Sabihin niyo nga, lalaki na ba siya? Bakit. . . bakit lalaking lalaki
na siya sa paningin ko?

"G-gutom lang ako kanina."

Maglalakad na sana ako pabalik sa mesa namin nang pigilan niya ako sa balikat.
Boom! Yug fireworks sa puso ko, nagsiputukan na. Jusme.

"Dun nalang tayo sa labas."

And so, I followed his way. Dun kami lumabas sa may veranda style corridor ng
restaurant. Ang ganda ng view. Joke. Puro mga sasakyan lang naman ang nakikita ko.
Typical EDSA look.

Makaupo na nga't makakain ulit.

"Nag-cheer ka talaga sa akin?"


"Acck!" Nabilaukan ako. Eeeh naman!! Susubo pa lang ako, yun agad opening remarks
niya sa akin? Kaloka! Inabutan niya naman agad ako ng tubig na siyang ininom ko
nang walang arte. Delikado buhay ko kay Badaf. Kung hindi, humihinto ang hininga
ko, pinapabilis naman niya ang tibok ng puso ko.

"Dahan-dahan lang kasi."

I lifted a brow to him. "Feel na feel mo kasi. Syempre chineer kita." Kung alam mo
lang, Badaf! Sasabog na yung ngala-ngala ko sa pagsigaw para sa yo! Ugh.

Ngumiti lang siya. "Hindi ka na sana nag-abala pa. Um-absent ka tuloy sa klase."

Think of alibis, Misty. Think! "Naisip ko kasi na baka kawawa ka. Walang sumigaw
para sayo. Edi, eto naman akong busilak ang puso. Sinuportahan ka."

Ngumisi siya ng malaki. "Kaso, ang daming tumili sa akin. Kakalurkey nga e. Akala
nila, isa akong boylet."

"E mukha ka naman talagang lalaki. Yung pagsayaw mo, pak na pak! Parang hindi ikaw
yung kilala kong Badaf. Ang smexy mo!" with full of conviction ko pang sinabi yun.
"Eh kahit nga ako, kung hindi kita kilala, mapagkakamalan kitang lalaki lalo na
nung hinalikan mo si Reishel."

STOP.

Red lights, please.

Walang preno ang bibig, Misty? Dumale na naman ang pagiging madaldal mo!!

Napalunok ako nang tumawa siya. Yung tawang pang-hearthrob? Walang-wala si Alden
Richards sa pagtawa niya. Para bang anytime ay magbubukas ang kalangitan at
magsisiawitan ang mga anghel dahil sa mala-anghel niyang ngiti.

". . . Hindi yun totoong kiss. We faked it for the sake of the performance.
Reishel's not even worth my first kiss. Like eww."

Tumigil tuloy ang mundo ko sa sinabi niya. Hindi totoo yung kiss? Really?
AAAAAAAHHHHH! Huminga ka nang maluwag, Misty! Hindi raw tunay! Teka, umakto kang
parang walang pakielam. 'Wag kang ngingiti. AAAAAAAHHHH!!

"O, parang totoo e."

"Saan ka ba nakapwesto?"
Minuestra ko pa ang kamay ko sa kaliwang direksyon. "Sa kaliwa nung stage."

"Aahh. . . Kaya pala. Hindi mo nga nakita. Hindi naman talaga naglapat yung mga
labi namin. As if I will allow her to do that."

"Aahh. ."

"Bakit?"

Pinagkunutan ko siya ng noo. "Anong bakit?"

"Bakit. I mean, bakit mo natanong? Paano kung totoo talaga yung kiss, anong
masasabi mo?"

Pinag-ikutan ko lang siya ng mata as any kontrabida would do sa mga ganitong


klaseng sitwasyon. "Edi wow. Congrats for having your first kiss done with a
caterpillar."

"Pfft! Caterpillar? Seriously?"

"Oo, higad. Makating higad."

That made me earned a glare from him. Okay, i-zip mo nga ang bibig mo, Misty.
Daldalera ka talaga. "Joke lang."

"Watch your words, Misty. You don't know her that much," sabi niya kaya napanguso
nalang ako.

That was my cue to pull out the oslo paper banner I had in my pocket. Nilagay ko
yun sa lamesa para makita niya yung salitang kanina ko pa tinatago sa likod nung
cheer ko.

"Sorry? For what?"

I maintained a timid look at him. Kunwari hindi affected sa pagtatanggol niya kay
Reishel. Hmp! "Sorry for making you feel upset."

"Upset of what?"

"Upset, kasi pinili ko si Tyrone na samahan---"


He cut me off. "Okay, forgiven. 'Wag mo na ngang alalahanin. Naiinis lang ako,"
iritableng sabi niya.

And now I thought of something cheesy. Would he even mind me asking one awkward
question? "So, nagselos ka nga sa 'min ni Tyrone?"

Nanlaki ang mga mata niya sa tanong ko. "Ha?"

"You wouldn't be upset kung 'di ka nagseselos sa amin? Duh?"

He rolled his eyes like a primadonna. "Duh? As if! Nabubwisit lang ako kasi hindi
ka maka-hindi kay Tyrone."

"Duh? Selos na rin yun kung maituturing," I pushed harder.

This time, naka-straight face nalang siya. "Upset lang, hindi selos. Feelingera!"

Hinampas ko nga siya sa braso. Harsh magsalita! "Edi upset. But let's at least do
this," sabi ko habang pinapakita sa kanya ang pinky finger ko.

He blinked twice as he stared at mine. "Aanhin ko yang daliri mo?"

"Let's have a pinky promise."

"Childish huh?"

Sapilitan kong hinila yung pinky finger niya at pinag-krus sa daliri ko. I smiled
triumphantly as I said, "We promise to stay like this forever."

"Pero walang forever?" kontra niya.

"Edi, to infinity and beyond?"

Natawa siya. "Buzzlight year, is that you?"

"Nope," I mocked. "It's from my Kuya Kurt's favorite promise words," sabay belat ko
sa kanya. "Hmp! Basta, walang magbabago sa atin. We'll stay like this kahit tumanda
pa tayo. As in, walang mababago!"

"I promise," bulong niya. Napangiti nalang ako. Okay, kinilig din. Just thinking of
growing old with him sends kilig vibes through my veins.
". . . but promises are made to be broken, Chararat. Kahit anong promise natin, may
magbabago at magbabago pa rin," dagdag niya na nagpatahimik sa akin.

Disappointed. Ayaw niya ba kaming maging magkasama for life?

He got to his feet and touched my head softly. "Alam mo namang Change is the only
constant thing in this life' diba? So, expect for changes, Misty. May magbabago
talaga. . . sa'yo, sa akin. . . sa ating dalawa," sabi niya bago ako iniwang
nagtataka.

ux���A�.�

=================

28. Own Intentions

28. Own Intentions

May nagbago nga ba sa aming dalawa ni Badaf? Sus. Wala naman e. It's been two weeks
since nung nagperform ang dance troupe kasama si Badaf sa ibang university. Well,
pati na rin yung sinasabi niyang 'expect for changes' spiel, pero wala naman
talagang naganap na changes. Hmm. . . siguro nga meron at iyon ay ang pag-alis niya
sa dance troupe. Yep! Tinotohanan nga niya yung pag-alis niya dun. Hindi ko alam
pero imbes na pigilan ko siya--- kasi alam kong passion niya ang dancing --- ay
natuwa pa ako dahil umalis na siya dun. Wala nang dance troupe. Wala na ring
Reishel na humahawak-hawak kay Badaf. Mouhahaha.

Ehem. Alright. I must admit na kaya ako inis na inis kay Reishel dahil na rin
involved siya sa dalawang lalaking kaibigan ko ngayon. Una kay Tyrone at ngayon
naman ay kay Badaf. Pwede bang iba nalang? O kaya dun nalang siya sa boyfriend niya
tutal 'boyfriend' niya naman 'yon.

Or so I thought. . .

"Break na raw sina Reishel at yung boyfriend niya," sabi ni Eunice isang araw
habang nasa kalagitnaan kami ng klase. Not totally klase. May isang estudyante
kasing hindi namin kaklase na nagsasalita sa harapan. Bale sa pagpapakilala niya
kanina, siya si Marlon--- ang VP for External ng Student Council at mangyaring
boyfriend ni Reishel. Well, kaya nga biglang in-open up ni Eunice yung topic ng
dalawang magdyowa.

"Talaga? Kailan pa raw?" tanong ni Badaf na katabi ko. His eyes were infront but
his attention is on us. Actually, ganun kaming apat.
"Ewan ko. Nalaman ko lang yan kahapon e," sagot ni Eunice. Tinignan ko tuloy siya,
rather namin siya ni Sab nang makahulugan. Paano niya naman yun nalaman? "Wait,
churchmate ko si Reishel. May napagkwentuhan siyang common friend namin at naging
usap-usapan na rin naming mga youth sa church."

"Sabi na e. Hindi talaga sila magtatagal." Napatingin ako kay Badaf dahil sa sinabi
niya. Where did that comment come from? Para namang ang dami niyang alam.

"Bakit mo naman nasabi yan?" tanong ko sa kanya dahilan para bumaling siya sa akin.

Nagkibit-balikat lang siya bago tuluyan nang tinuon ang atensyon sa harapan.
Napakunot-noo nalang tuloy ako. Nakakainis naman kasi! Bakit ba kapag tungkol kay
Reishel ang usapan, nagigig secretive bigla ang baklang 'to?

"Badaf, bakit nga kasi-"

"Sshh. . . Makinig ka na nga dun. May outbound tour daw tayo o."

Outbound tour.

Pagkarinig ko ng mga salitang iyon ay kusang nabaling na ang atensyon ko sa VP for


Internal sa harapan na kasalukuyang nagsusulat ng kung ano sa whiteboard.
Nangibabaw sa paningin ko ang mga salitang 'Outbound tour'. Oohh. . . Sounds
exciting.

"Ang itineraries natin ay sa Laguna," paliwanag niya. "At dahil ang outbound tour
ay under ng subject ninyong NSTP, only freshmen students can join this tour.
Magkano ang babayaran? Ito ay nagkakahalagang 1,000 pesos. May tanong pa ba?"

Napatingin ako kay Sab nang magtaas siya ng kamay. Tumango ang VP kaya tumayo si
Sab para magtanong. "First come first serve basis po ba ito?"

"Thank you for asking," sagot nito nang nakangiti. "With regards to the sitting
arrangement, it's not a first come first serve basis, pero you still need to make a
reservation. Kung may sobrang seats sa bus ninyo, may possibility na yung mga late
payers ng ibang section at course ay maisali sa bus ninyo. Vice versa lang, kung
may late payers sa inyo, may possibility ding mailipat sa ibang bus. That is kung
wala nang bakanteng seats sa inyo. Any other questions?"

And the series of Q&A went on. Next next week na pala ang outbound tour. Naeexcite
na tuloy ako. Honestly, nung nasa high school pa ako, ang hinihintay ko every
October ay ang fieldtrip. Mahilig kasi ako mag-take ng pictures kung saan-saan.
Alam niyo na, minsan lang din ako makapag-out of town. Bukod sa strict ang pamilya
ko, busy pa sila sa kani-kanilang trabaho. Most of the time na sa bahay lang ako.
Tuwing fieldtrip lang talaga ako nakakapamasyal sa malalayong lugar.

"Naeexcite na ako sa tour!" halos paimpit na sigaw ni Sab. Palabas na kami nun ng
building. Kakatapos lang kasi ng meeting with the VP for External. Yun na rin ang
last class namin.

"Ako rin. Naeexcite ako sa tree planting natin." Napangiti nalang ako sa sinabi ni
Sab. Ang main highlight daw kasi ng tour namin ay ang tree planting sa Tayak Hill.

"Diba sa Tayak Hill daw tayo magchochorva?" From smile, napalitan ng ngiwi ang nasa
labi ko nang marinig ko ang 'chorva' ni Badaf. Bumabalik na naman ang gay lingo
niya. Err.

"Yes, dun nga. Dun daw tayo unang pupunta sa Tayak Hill tapos sunod sa underground
cemetery. Yung last na pupuntahan ay Yambo Lake."

And those are our itineraries for the tour. Sabi nung VP, 'wag daw naming nila-lang
yug tatlong lugar na yun dahil tiyak daw na mapapagod daw kami sa pupuntahan namin.
Mai-search nga mamaya sa internet kung anong itsura ng lugar.

"Bongga daw dun sabi ng Kuya ko. Nakapunta na siya dun e," sabi ni Badaf.
Magkakahilera kaming naglalakad nun, katabi ko siya.

"Isisearch ko nalang mamaya sa google yung pupuntahan natin," Eunice said excitedly
before she clung to Sab's arm. "Sab, tabi tayo ha?"

"Sure. Basta yung food ha?"

"Oo naman. Teka, diba sabi ni Kuya Marlon na nakapost daw sa bulletin board yung
pictures nung last batch ng nag-outbound tour sa Laguna? Tignan kaya natin?"

At dahil na-curious din naman ako sa pictures na tinutukoy ni Eunice ay sumama na


rin kami sa kanila ni Badaf. Unexpectedly, naabutan naming maraming freshies na
nakikitingin din dun, pero nang makita kaming dalawa ni Badaf ay nagsialisan sila.
Nagkatinginan tuloy kami ni Badaf.

"Matatapos na ang first sem, ganun pa rin ang drama nila?" mataray na sabi niya sa
akin. Napapailing nalang tuloy ako ng ulo bago tinignan yung mga pictures na naka-
post sa bulletin board.

May mga pictures na nasa gitna sila ng forest. Meron din namang nagtatanim sila sa
isang malawak na lupain, at meron ding bundok. But what captured my attention is
the picture where they were riding on a boat. Hindi boat e. Ano nga bang tawag dun?

"Tignan mo, Badaf oh! Mukhang masaya dyan. Sasakay tayo sa ganyan!" Sinusubukan
kong ituro yung picture pero masyadong mataas. Nagtatatalo tuloy ako. "Anong tawag
sa ganito, guys?"

"Balsa ang tawag dyan."


Nagtaka ako sa boses na sumagot sa tanong ko. Lalaking-lalaki ang boses e.
Imposible naman sina Sab at Eunice yun at mas imposible kung si Badaf yun. Gaya nga
ng sabi ko, super manly ng boses. Dahan-dahan ko siyang nilingon at napaatras ako
sa pagkabigla nang makita ang towering height ni Tyrone.

"Tyrone! Kamusta?" It's been awhile since the last time we talked. Balita ko kasi,
according sa mga status updates niya, ay busy siya sa paggawa ng plates. Minsan
nagkakachat din naman kami pero bihira na kaming magkita sa personal.

"Ayos lang naman. Kayo?" Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa aming apat; ako, sina
Eunice, Sab at. . . wait, nasaan si Badaf?

Hinanap ko siya sa paligid ko. Hindi pa man ako nagtatanong pero kinalabit na ako
ni Sab at may itinurong direksyon. There, I saw Badaf, talking with Reishel.
Mukhang tumitingin din si Reishel ng announcement sa board. Napaismid nalang tuloy
ako.

"Ano nga ulit yun, Tyrone?" tanong ko, medyo nasira na ang mood ko.

"Hmm, mukha naman kayong hindi stressed sa course niyo. Ako kasi, laging puyat
dahil sa plates."

"Buti nalang, hindi ako nag-Engineering. Pasakit na nga ang Math sa Management,
what more sa Engineering?" komento ni Eunice at saka humakbang palapit sa board.
"Anyway, kasama ka rin dito sa outbound tour diba?"

"Oo naman. Sayang nga lang at magkakaiba tayo ng bus. Iba tayo ng course e," sabi
niya nang nakatingin sa akin. Umiwas tuloy ako ng tingin. Nakakaconscious kasi siya
kung makatitig. Geez, kung dati niya pa yan ginawa, baka hinimatay na ako sa
nerbyos. . . pero wala na ngayon e. Wala na yung kilig feeling.

Tumikhim ako at tumingin nalang ulit sa pictures. "Okay lang yan, Tyrone. Pwede
naman tayong magsama-sama kapag nasa itinerary na tayo."

"Kunsabagay. Basta magdadala ako ng maraming pagkain," sagot niya at nagtaka ako
kasi parang nagulat si Eunice.

"Ay! Sa October 1 pala yung tour-"

"Oo, kaya nga sana gusto kong sa bus niyo nalang ako sumama para mas masaya," putol
ni Tyrone kay Eunice sabay baling sa akin. "Si Misty pa naman ang gusto kong
makatabi."

"Pero Tyrone-" sabat ni Badaf. Mukhang natapos na sila sa pag-uusap ni Reishel kaya
bumalik na siya sa amin. Tumabi siya sa akin at saka niya hinawakan ang tuktok ng
ulo ko. "---Engineering ka. Business Ad naman kami. Magkakasama ang magkakasection
at magkakacourse. Kaya imposibleng makatabi mo si Misty sa bus."

Katahimikan. . .

Nagsukatan silang dalawa ng tingin. AAAAAHH! Para akong prinsesang pinag-aagawan ng


dalawang prinsipe. Joke. Parang lang naman. Masama mangarap?! Teka, parang
kinikiliti ang sikmura ko sa paghawak ni Badaf sa ulo ko kahit na para niya akong
ginagawang bata. Hihi.

"Kaya nga. Kung saka-sakali lang naman, France. Si Misty naman kasi talaga ang
gusto kong makatabi e," sabay tingin niya sa akin. Nararamdaman kong bumibigat din
ang kamay ni Badaf sa ulo ko. "Alam mo na, kung ayaw may dahilan, kung gusto
mayroong paraan. Sige, una na ako sa inyo. May klase pa ako. Bye, Sab, Eunice. . .
Ingat sa pag-uwi, Misty," sabi nito bago naglakad palayo.

Naiwan tuloy kaming nakatanga dun sa harap ng bulletin board. Kung hindi ko pa
narinig na nag-react si Sab, baka nanatili na kaming nakatulala dun.

"Kyaaaah!! Misty!!" Dinamba ako ni Sab at saka ako niyugyog. Napabitaw tuloy sa
akin si Badaf. "Oh my gosh! Narinig mo yun? Feeling ko may gusto na sayo si
Tyrone."

Eh? Seriously?

"Putspa! Ganun na ganun siya dati kay," sabay bulong, ". . . Reishel. Yung mga
'ingat sa pag-uwi' lines." PAK! Napaatras ako ng hampasin ako sa braso ni Eunice.
"Shucks, 'di ba crush mo siya-"

"Hep! Hep! Hep!" Hinila ako i BAdaf palapit sa kanya kaya nahinto ang pagsabog ng
comments nung dalawa. "Kailangan na naming umuwi. I-status niyo nalang yag ka-
eklavuhan niyo sa twitter, facebook at IG. Babush!" sabay hila sa akin palayo dun.

Kaladkad yung ginawa sa akin ni Badaf papunta sa parking lot. Naka-heels pa man din
ako tapos idagdag na rin yung hawak niya sa braso ko. Masakit! Ano bang nagyayari
kay Badaf?

"Ouch! Badaf, saglit nga lang!" sapilitan kong binawi ang braso ko sa kamay niya.
Shucks, bakat yung kamay niya sa braso ko. Pulampula! "Ba't kailangan mangaladkad?
Kaya ko naman mag-isang maglakad!"

Frustrated, tumalikod siya sa akin at nagpapadyak na parang batang nagtatantrums.


Ginugulo pa niya ang buhok niya na para bang nanggigigil. Ano bang problema niya?
Kanina ang ganda-ganda pa ng mood namin ah.

"Ugh! Bwisit!" sabay padyak.


Dahan-dahan akong lumapit sa likod niya at saka siya kinalabit. Napaatras ako nang
lingunin niya ako. Nagbabaga sa galit ang mga mata niya. Scary~

"A-anong problema mo dyan? Baka gusto mong mag-share?" alanganing tanong ko.

Tuluyan na siyang humarap sa akin, still with that frown face. "Pakiramdam ko,
inaagaw ka niya sa akin!!"

Lunok. Easy lang, Misty. May gana ka pang kiligin? Galit na galit na nga ag love of
your life mo? AAAAAHH! Ito na ba ang time na aamin siya sa akin na love niya ako at
ako ang dahilan kung bakit siya magpapakalalaki na? AAAAAAAH! Kalma, Misty.

"A-anong pinagsasasabi mo dyan? Inaagaw ako sayo? Nino? Ni. . . Tyrone?" Sige,
pakipot pa, Misty girl. Okay yan. Iprovoke mo pa siya na umamin. Oh my gosh! This
is it!!

Hindi siya makatingin sa akin. Tinalikuran na naman ako. "O-oo, i...inaagaw ka niya
sa akin. Diba dapat ako yung makakatabi mo sa bus at hindi siya? Ambisyosong frog."

My hopes failed. Bumagsak ang mga balikat ko sa sinagot niya. Akala ko. . . akala
ko, ayaw niya akong maagaw ni Tyrone kasi nagseselos siya. Akala ko. . .
ASDFGHJKL!!! AYOKO NAAA!!

Nung hindi ako sumagot, humarap siya muli sa akin. Tinitigan niya ako sa mga mata
ng mariin. "Misty, ako yung tatabihan mo sa tour diba?"

Lunok. "O-oo, ikaw lang. Sino pa ba?"

"Good. Ako lang talaga ha?"

Gusto akong maiyak sa pag-aassume ko pero para namang ang shunga ko kung iiyak ako.
Stay calm, Misty. You need to stay calm and act normal. "Oo nga. Ikaw lang."

He sighed in relief before he messed my hair. "Thanks. Sige, punta ka na sa driver


mo. Uuwi na rin ako," sabi niya bago tumalikod papunta sa driver niya. Ganun din
naman ang ginawa ko. Tumalikod na rin ako at hinanap ang driver ko nang bigla kong
narinig muli ang boses niya. . .

"Saglit, Misty."

Natigilan ako. Oh geez. Ito na ba yung part na aamin siya? Ganito yung sa mga
movies diba? Yung lalakad na palayo pero pipigilan ka. Gosh. Ito na nga yata.

Lumingon ako. "Bakit, Badaf?"


Ngumiti siya ng tipid. Yung ngiting makalaglag puso. Bakit ba ngayon ko lang
narealize na gwapo si France Zion Madrigal? Dati kasi, sa paningin ko, para siyang
halimaw sa banga. Mapang-asar kasi e.

"Misty. . ."

Ayan na. . .

". . . Birthday pala ni Mommy dear. Iniimbitahan ka niya sa bahay."

O'right. Rock and roll to the world. Last mo na 'yan, Misty. Last nang pag-aassume
'yan.

***

"Misty, glad you came! Tara, dito tayo sa dining room," masayang salubong sa akin
ng Mama ni Badaf. Nagpahila naman ako kay Tita samantalang si Badaf ay sumenyas sa
akin na aakyat lang daw siya saglit para magbihis ng damit.

Sa dining room, pinapwesto agad ako ni Tita. Abot tenga ang ngiti niya nang tabihan
niya ako. "Tita, happy birthday po pala. Sorry po kung wala akong gift kasi biglaan
lang pong sinabi ni Ba- I mean ni Zion. Hehe."

Na-distract ako sa dami ng hinahain na pagkain ng mga maids sa hapag-kainan. May


roasted chicken, iba't-ibang dishes, pasta, rice at kung-ano pa. Syempre may cakes
din at when I say cakes, it's plural. Tatlong cake ang nakahain. This is. . .
mouth-watering. Tamang-tama at hindi pa ako nakakapag-miryenda.

"Ano ka ba, ayos lang 'yan, Misty. Buti nga at nakapunta ka today. Habang
hinihintay natin ang anak ko, mag-chicken soup muna tayo. Let me take some for
you," sabi niya at pinagserve ako ng soup sa isang bowl- for me and her.

"Thank you po."

She smiled sincerely to me as she spooned some soup for herself. "Misty, bago
bumaba sina France at Wesley, kakamustahin ko sana sayo si France. Nakikita ko
kasing nag-iimprove na siya. Do you think magiging tunay na boy na siya?"

Natigilan tuloy ako sa pagsubo ng soup sa bibig ko, kasabay ng pamumuo ng pawis sa
nook o kahit na air-conditioned naman ang dining area. Sheez, oo nga pala. May
usapan pala kami ng Mama ni Badaf na tutulong ako sa pagpapa-straight sa kanya.
'Make him fall for me' ang peg pero ang nangyari ay 'he made me fall for him'.

"Misty?"
"Uh. M-meron naman pong improvement. Less gay lingo na po ngayon compared before,"
I said as I smiled reluctantly. Ngumiti din siya na para bang proud na proud siya
sa improvement ni France. "And. . . Ano po, nakakatulong din naman po yung
pagpupush mo po kay France na dalhan ako ng food paminsan-minsan."

"Ha? Wait. Ako? Pinupush siyang dalhan ka ng food?"

Nagtaka ako sa reaction ni Tita. Para bang clueless siya sa nangyayari. "Opo, sabi
niya po kasi pinipilit mo raw po siyang dalhan ako ng food para i-push sa
panliligaw sa akin. Kayo raw po ang nagluluto. Yun nga lang, sapilitan po pero at
least, hindi lang po ako yung nagpapaimprove sa gender niya kundi kayo rin po,
Tita."

"Since when did that happen? I mean, yung sinasabi mong pinupush ko siya sa
pagbibigay ng food?"

I shrugged. "Since last month po."

"Ha!" She giggled like a nine year old clever kid. Kumunot tuloy ang noo ko dahil
hindi ko maintindihan ang nasa isip ni Tita. "Nangyayari na. Finally. Thank God."

"Po?"

She smiled to me widely as she leaned a little closer toward me. "Misty, almost two
months akong wala dito sa Maynila. Nasa Cebu ako since August at nung Saturday lang
ako nakabalik. What he did is his own intention, not mine. Oh, Good Lord!
Magpapamisa na ba ako?"

Really, France Zion Madrigal? Ano na ba talagang estado ng kasarian mo?

Yhel's note: Guys, please bear with me. Patayan kami sa College ngayong September.
Kung may readers man ako ngayon na taga-St. Louis College Valenzuela, maiintindihan
niyo ang kalagayan ko. Sobrang busy lang talaga. Salam
=================

29. May Gusto Ka Ba?

29. May Gusto Ka Ba?

September 30.

Bukas na ang outbound tour namin sa Laguna para sa subject naming NSTP pero ni
katiting na excitement ay hindi ako nakakaramdam. Siguro kasi, hindi mawala sa isip
ko yung sinabi ng Mama ni Badaf kahit pa na mahigit isang linggo na ang nakalipas
simula nung birthday nito. Haaayyy!

"What he did is his own intention, not mine."

Ginulo ko ang buhok ko sa pagka-frustrate. AAAAAHH! Hindi ko kasi alam kung anong
dapat kong paniwalaan. A part of me is happy knowing that it was France's intention
and not his mother's pero may parte rin sa akin na baka naman pati ako ay sine-set
up lang din ng Mama niya gaya g ginagawa niya sa anak niya. After all, she likes me
for her son naman diba?

"Argh, sana kasi hindi nalang sinabi ni Tita 'yon sa akin! Nakakainis naman," inis
na bulong ko sa sarili habang nakasandal sa headboard ng kama ko.

Thursday ngayon, at bukas na ang outbound tour namin pero ni hindi pa rin ako
nakakapaghanda ng dadalhin para bukas. Ewan ko ba kung ba't ako nagkakaganito! Most
of my classmates ay excited na para bukas dahil bukambibig na nila ito simula pa
kanina sa klase. Kahit nga sina Sab at Eunice ay niyayaya pa ako na sumabay na sa
kanila ng pamimili ng babaunin pero tumanggi ako. Kasi naman e! One week na akong
spaced-out. One week na rin akong tahimik. Nagtataka na nga rin sila lalo na si
Badaf kung ba't ako nagkakaganito e.

As much as I wanted to tell him that there's a big question that has been running
in my mind these past few days, I just can't tell that easily. Maraming 'what ifs'
na gumugulo sa isip ko. What if jinojoke time lang ako ni Tita o what if totoo
ngang intention iyon ni Badaf? Ano nang gagawin ko?

"Eeeeehh!!" naibato ko sa sahig yung paborito kong unan. See? That's how frustrated
I am right now. More than a week akong hindi pinapatahimik ng sinabi ni Tita. Huhu!
Ayoko na. Mahirap pala talaga kapag maraming nalalaman. Nakakabaliw na.

Hindi ako mapakali lalo na kung wala akong ginagawa kaya naisipan kong mag-online
nalang sa Facebook. Mabuti na rin ito para madistract ang isip ko from thinking
about irrelevant things. Get over it, Misty. Tita must've been joking that time.
Don't take it by heart. Jusko.
Anyway, nag-scroll nalang ako sa newsfeed ko at nagbasa-basa ng mga status updates.
More likely, tungkol sa outbound tour namin bukas ang nakikita kong status updates.
May mga nagpopost ng baon nila for tomorrow, meron din namang nag-eexpress ng
excitement nila. Haayyy buhay. Dapat ganyan din yung feels ko ngayon e. Kaso. . .
puro Badaf, Badaf, Badaf at Badaf ang nasa isip ko ngayon. Was it really his
intention?

Ting!

May nag-pop na chatbox sa screen ng laptop ko. My brows furrowed when I found out
it's Tyrone. Hindi ko pa man ito nabubuksan pero tatlong magkasunod na messages na
ang nasesend niya. Speaking of, I heard he's busy with his plates and his band.
Nahihiya na tuloy akong mag-set ng tutoring session sa kanya nung mga nakaraang
araw.

Tyrone: Hi, Misty

Tyrone: Musta?

Tyrone: :)

Napangiti nalang tuloy ako. Dumapa muna ako sa harap ng laptop ko bago ako nag-type
ng reply.

Misty: I'm ok. Ikaw?

I am not really okay. Pero ganun naman talaga diba? Kapag may nangamusta sa 'tin,
sasabihin nalang nating okay lang tayo para hindi na sila magtanong at mag-usisa
pa.

Tyrone: Ayos lang din. Matanong lang kita, aong paborito mong pagkain?

I jerked my head to the left, wondering what's with the random question? Teka, ano
nga ba ang favorite food ko? I shrugged my shoulders. Hindi naman ako mapili.

Misty: Kahit ano. Basta masarap. :) Bakit?

Hinihintay ko siyang magreply nun nang bigla namang nag-ring ang phone ko. I
grabbed it from the bedside drawer and found out it's France. Boom! Yung puso ko,
bigla nalang bumaligtad. Epic, ganito ba talaga kapag may gusto ka sa isang tao?
Nagiging OA na yung description sa feelings? Tumalikod muna ako sa laptop bago ako
huminga ng malalim saka ko sinagot ang tawag.

"Chararat."
Kagat-labi akong napangiti. Kahit na medyo cold ako sa kanya these past few days,
hindi ko naman maitatanggi na hindi na iba yung epekto niya sa akin. Hala, malala
na talaga 'to. Ano bang ginawa sa akin ni Badaf at bigla nalang ako nagkaganito sa
kanya? Huhuhu

". . Uy, dyan ka pa?"

Tumikhim ako bago humiga sa kama. "O-oo. Ba't ka napatawag?"

"Gusto ko lang i-cheverlu sayo na nanditey ako sa labas ng bahay niyo-"


napabalikwas tuloy ako sa kama. OMG! Nandito siya? What to do? What to do? "-
nakabili ka na ba ng babaunin para sa tour bukas? Kung wala pa, tara, samahan mo
ako mag-grocery."

"Mag-grocery?"

See? Kung usual day lang ito, hindi ako matipid sa mga sagot ko sa bawat sasabihin
niya. Sa daldal kong 'to, maiirita siya sa bibig ko, pero dahil ginugulo niya ang
isipan ko nitong mga nakaraang araw, emeghed! My words flushed as though in a
toilet bowl.

Bow.

"Oo. Sabay na tayo bumili, Misty. Dali, labas ka na. I'll wait for you here," and
then he hung up the phone.

Wait, did he call me by name? Natulala tuloy akong tatlong segundo sa kawalan bago
ako. . . "Kyaaaaaahh!!" humiga ulit sa kama at nagpagulong-gulong. Oh my gosh.
Kapag siya ang bumabanggit sa pangalan ko, ba't feeling ko napaka-special ko? Plus
yung 'I'll wait for you here'. I almost died rolling on bed, controlling my KV.

Kung hindi pa nga ako nakarinig ng katok sa pinto ay hindi ako titigil. Pinapababa
na kasi ako ng isa sa mga maid namin. And so, I changed into decent clothes. Nag-
short jeans ako't nag-pink shirt at nag-flip flops na rin. Syempre hindi ko pwedeng
kalimutan ang paglagay ng powder, lip balm at cologne sa sarili. Ayokong maging
chaka sa paningin ni Badaf.

Paglabas ko ng bahay, naabutan kong nakaupo si Badaf sa trunk ng service car niya.
Nakasuot siya ng black short at red jacket. Naka-tsinelas din siya katulad ko.
Simple lang pero mukha pa rin siyang gwapo sa paningin ko.

He jerked up his head to me and smiled when he saw me. "Portugal, ah." He said and
got down. "Tara-oops." He stopped his words as he brushed his eyes to me from head
to toe. "Err. Gabi na, naka-mini shorts ka pa?"

Sumimangot ako bago tinignan ang sarili kong suot. "May masama ba sa suot ko?
Matino naman 'to ah."

"Nakaw tingin ka, bhe."

Inirapan ko siya at inunahan na sa backseat ng kotse. Sinundan niya naman ako. "Uy,
Chararat. Magpalit ka nga. Now showing 'yang. . . 'yang legs mo."

But too late, nakaupo na ako sa backseat at ganun din siya. Sinarado ko ang pinto
sa side ko bago ko nginuso ang pinto sa side niya. "Isarado muna 'yan. Alis na
tayo."

He looked at me with a frown. "Chararat-"

"Hindi lang naman ako ang babaeng nagsusuot ng mini shorts, Badaf. At hindi
porque't nagsusuot ako nito ay nagpapakita na ako ng legs. Ano naman kung takaw
tingin? Jusme, nandyan ka naman e. Edi bantayan mo ako."

Tumingin ako sa driver. Sinesenyasan ko siya na paandarin na ang kotse pero hindi
niya ako sinusunod. Siguro, mas susundin niya ang order ng boss niya. Naman o!
Matatagalan pa yata kami. Kapag ako nahuli pa ni Dad dito, baka hindi na ako
palabasin ng bahay.

"Badaf, dali na. Alis na tayo," I demanded.

Bumuga siya sa hangin na may kasamang inis kaya tinignan ko siya nang nakakunot
noo. I can even see how his brows almost met. "Misty, please. Can't you see? Maikli
na nga ang shorts mo kapag nakatayo ka, kamusta naman kapag nakaupo ka pa?"

Wait. May napapansin na akong kakaiba sa kanya. Why can't he look back at me.
Nakatingin siya sa bintana at. . . oh my, look at his hands. They're curled into
fists. Hindi kaya nacoconscious siya sa suot ko? Pumasok tuloy sa isip ko ang
sinabi ni Tita nung nakaraan. He did that with his own intention. Then, there's a
possibility that he must be turning straight already.

A smirk formed my lips. Let me test him then. . . Wala namang mawawala.

"Hmm, hindi kaya kaya ka nagkakaganyan ay dahil nacoconscious ka sa suot ko,


Badaf?" Sinundot ko siya sa tagiliran pero hindi pa nga nakakadampi ang daliri ko
sa katawan niya ay napapitlag na siya't namula. Oh my! "Ayieee. . . naaapektuhan ka
na ba sa akin, France? Oh, let me rephrase it. Apektado ka na ba sa charm ko,
Zion?"

Nagsumiksik siya sa sulok ng backseat. Gusto ko tuloy humalakhak sa ginagawa niya.


Umamin ka na kasi, France. Tell me you're straight already.

"Ano ba! Oh my god, Chararat! Kilabutan ka nga sa mga pinagsasasabi mo. Like eww!
Shoo! Shoo! Nangangati ako," sabay tulak niya sa akin.

Hindi tuloy maalis sa mga labi ko ang ngisi. Kung pwede nga lang mapunti ang labi
ko ay baka punit na 'to. I think, I'm getting him now. "Then, why can't you look at
me in the eyes, Badaf?"

"Ano bang kachakahan 'to, C-hararat? P...pwede ba, hindi ako apektado sayo.
H..hindi ka naman si T.O.P o si GD! Ni wala ka ngang kasing gwapo ng smile at
dimple ni Alden Richards e."

Natawa nalang tuloy ako. E bakit nabubulol?

"Huwag kang tatawa-tawa dyan, Kuya! At ikaw, Misty. Bumaba ka na nga. You're
ruining my night," asik niya nang pati si Kuya driver ay nakikitawa na rin. I shook
my head in anticipation and even moved to his side closer. Hindi pa ako nakuntento
at sinandal ko pa ang isa kong hita sa lap niya. "M...M...Misty!!!" para pa siyang
nandidiri sa akin. Kaloka!

"Simula ngayon, magiging ganito na ako ka-literal na close sayo. Umamin ka na


kasi." . . . na straight ka na't may gusto ka rin sa akin.

"Misty!!! Juskobels, nasusuka ako."

Napangiti nalang tuloy ako sa sarili ko. Ramdam na ramdam ko na kasi yung pagtaas
ng balahibo niya. The more he denies it, the more it shows. Kaunti nalang. . .
kaunti nalang talaga.

"Didikit ako sayo ng ganito o aalis na tayo?" natatawang tanong ko.

"Kuya, umalis na nga tayo at nang maipakulong 'tong Chararat na 'to sa Bilibid!!
Diretso po tayong Munti! Gosh, this is r.ape!"

Bumalik ulit ako sa pagiging tahimik habang papunta kami sa pinakamalapit na


supermarket. Actually, naisip kong paano kung totoo nga yung sinabi ng Mama niya?
That Badaf intentionally gave me food. Na hindi siya inutusan o diniktahan. Pwede
ko bang isipin na may gusto rin siya sa akin?

I sighed and griamced to myself. There's a 50% possibility, right? Bakit niya naman
ako dadalhan ng pagkain? Was that a friendly gesture? Kung friendly move yun, he
didn't need to lie naman. Haaayyy. . . here I go again.

"Uy, natulala ka na."

Napakurap nalang ako ng mga mata. "Ha?" nag-i-space out na naman ako.
"Ang sabi ko, mahilig ka ba sa Pringles?"

Tumango ako at tumuro ng flavor sa shelf. "Honey and mustard, please?" sabi ko at
naglakad na palayo. Sinundan naman niya ako agad, pushing the cart astride me.
Marami-rami nang junkies ang nasa cart. Ilang araw ba kami sa tour? Parang pang-one
week na 'to ah.

"Chararat, matanong nga kita." Hindi ko man lang siya tinignan at nagpatuloy nalang
sa paglalakad. "Ilang araw ka nang tahimik? Kanina, akala ko ayos ka na pero hindi
pa rin pala. Tell me what's wrong?"

Natigilan ako saglit. Tinignan ko siya at nagkibit-balikat lang din. As if naman


sasabihin ko yun sa kanya. E siya nga 'tong problema ko. "It's nothing," sabi ko
nalang.

"Weh?"

Nasa aisle na kami ng frozen meat. Patingin-tingin lang. Grabe, medyo nilalamig pa
rin ako dahil sa exposed legs ko pero thanks to Badaf's red jacket. Naibsan kahit
papaano yung lamig. Hindi niya talaga kasi matiis ang legs ko. "Wala nga."

"Sabihin mo na kasi. Ano pa't soul sisters tayo kung nagsisikreto ka sa akin?"

I mentally rolled my eyes at his statement. Sasabihin ko ba or rather, itatanong ko


ba kung totoo yung sinabi ng Mama niya sa akin nung nakaraan? O kung may guts pa
talaga ako, dapat ko bang itanong kung may gusto ba siya sa akin kaya niya iyon
ginawa? Hanep! Kaya mo ba, Misty?

"Misty. . . Promise, secret lang natin. Ano ba yan?"

Huminga ako ng malalim. This is now or never. Thy will be done ika nga. Hinarap ko
siya. Seryoso ko siyang tinignan. Bahala na. Basta matapos lang 'tong gumugulo sa
isipan ko. Gusto ko na nang kasagutan.

"Promise mo hindi ka magagalit o tatawa man lang?"

Mabilis siyang umiling. Kahit na nasa harapan kami ng frozen meats ay


pinagpapawisan ako ng malamig. AAAAH! Prangka ka, diba, Misty? Sabihin mo na!

Okay, game. Shoot.

"May gusto ka ba- " sa akin? Ang dapat kong sasabihin pero. . . biglang may
sumingit.

"Paris? Misty?"
Naikuyom ko ang dalawa kong palad nang sabay kaming tumingin sa tumawag sa amin. My
lips formed an 'O' when I saw it's Daisy; ang isa sa mga friends ko nung college.
Napalunok tuloy ako nang magpalipat-lipat siya ng tingin sa amin ni France.

"Sabi na e, kayong dalawa yan. Hey, kamusta?" tanong niya habang nakatingin sa akin
nang may mapanuksong ngiti. I wanted to pull her away para magpaliwanag pero. . .
Huhu. Why am I even explaining?

"A. . .yos lang. Ano, uh. Nag-grogrocery kami ni Badaf para sa tour namin bukas,"
sagot ko.

"Sabay pa talaga kayo ah," she said in a teasing tone before she turned to Badaf.
"Ang laki na ng pinagbago mo, Paris. Mukha ka nang straight. Don't tell me kayong
dalawa na?"

My eyes bawled out in shock. Wala man lang preno! Jusme. "Of course not! Ano ka ba,
Daisy!"

"Joke lang," she giggled.

And I could hear how Badaf snorted beside me. "Daisy, nice seeing you here. Una na
kami ni Misty," then he elbowed me and whispered. "Tara na, OP much ako sa inyo."

"Bye!"

Nagpatangay ako ni Badaf at dinala ako sa dairy products section. He rolled his
eyes as he fanned his fingers to his face. "Hindi ko talaga feel yung mga kaibigan
mo nung highschool."

"Bakit naman?"

Umirap ulit siya. "Naiinis ako sa kanila. Kasi diba, nag-aaway tayo palagi noon?
Lagi nilang pinapamukha sa akin na kung may gusto ba raw ako sayo. Like hello!!"

Para tuloy may kung anong humarang sa lalamunan ko sa sinabi niya. So, that must be
the answer. Hindi man niya sinabing wala, pero, obviously. Wala talaga! Ouch to the
deepest core of my brokenheart.

"So, ano nga pala ulit yung tanong mo?"

"Ah, wala yun!"

"Hindi e. You asked me kung may gusto ba ako-na ano?"


Ngumiwi ako. Awkward smile it is. "W-ala. I was about to ask you sana kung may
gusto ka ba na food para maipaluto ko sa cook namin. Hehe."

Ibaon mo nalang sa limot ang sinabi ni Tita, Misty.

***

October 1 came. 6AM ang call time sa E.H.U. All of us were wearing org shirts for
our top and pants for the bottom. Yun kasi ang order sa amin. Nagpahatid ako sa
driver namin sa E.H.U as 5:30 para on time pa rin. Pagbaba ko pa lang kotse, with
the backpack on, nang lumapit sa akin sina Sab at Eunice.

"Bus 4 tayo!" balita nila. See how excited they are? Visible pa nga ang black
circles around their eyes. Must be too excited kaya hindi nakatulog ng maayos.

Sumama na ako sa kanila sa tapat ng bus namin. Sabi ni Eunice, bilang class rep,
hindi pa raw pwedeg sumakay sa bus kaya dun lang muna kami naghintay. Nilibot ko
ang tingin sa paligid para hanapin si Badaf pero wala pa siya. Gosh, malelate pa
yata ang baklita!

I was about to call him on phone nang biglang may kumalabit sa likod ko. Paglingon
ko, nabigla ako nang makita si Tyrone na may malaking back pack na dala at isang
plastic bag sa kaliwang kamay niya.

"Good morning," bati niya.

"Morning din," I smiled back.

"Dito kayo sa bus 4?" tanong niya bago ngumiti kaya tumango ako. "Cool. Pwede nang
sumakay?"

Confused, narinig ko nalang na sumigaw si Eunice. "Management, get on the bus


already!"

Nagmamadali yung mga classmates ko na magsisakayan. Samantalang ako ay naiwan lang


dun. Nakakapagtaka nga kung ba't nandito rin si Tyrone sa tabi ko.

"Hindi ka pa ba sasakay sa bus niyo?" tanong ko. Baka itong bus sa tabi lang ang
bus niya kaya siguro siya nandito.

Nagtaka ako lalo nang tumuro siya sa bus 4. "Sasakay ako kapag sasakay ka na."

Tumaas ang kilay ko. Ano raw?


"Misty, dali! Sakay na!" narinig ko nalang na sigaw ni Eunice sa may entrance ng
bus. "Pinagreserve na kita ng seat!"

"Wait lang. Si Badaf kasi wala-"

Nahinto ako sa sasabihin ko nang bigla nalang bumaba si Eunice at hinila ako. . .
pati si Tyrone. "Guys, huwag nang pabebe. Sumakay na kayo't baka maagawan pa kayo
ng seat."

"Ha? Pero si Badaf-"

Tinulak niya ako papasok ng bus at nakita ko nalang ang sarili ko na nakaupo na
katabi si Tyrone. Teka, bakit siya nandito sa bus namin e Engineering siya?

"May kulang pa ba??" sigaw ulit ni Eunice.

Nagpanic ako. Shiz! Wala pa rin si Badaf. "Eunice, si France wala pa!"

Napakamot siya sa ulo tapos may tinignan sa harapan. "Pakitext naman o. Pakisabi,
aalis na tayo in 10 minutes." Tumango ako at mabilis na nagtype ng message. Pero
dinelete ko rin dahil mas better kung tatawagan ko nalang. I was about to make a
call nang marinig ko ang sinabi ng tour guide na nagpatigil sa oras ko.

"No change of seat plan na, guys. Kung sino ang katabi niyo, siya na ang ka-buddy
niyo for the whole trip. That is final. Understand?"

"YES!"

No way.

Yhel's note: Alam niyo bang tour na rin namin bukas? (Oct. 5) Hindi nga lang sa
Laguna, dahil tapos na kami dyan, kundi sa Subic. Next update, may feels 'to since
fresh from tour ang peg ko. Hahaha

=================

30.1 Outbound Tour

Chapter 30

No way.

Nag-promise ako kay Badaf na siya lang yung katabi ko sa outbound tour namin.
Shucks! What to do? What to do?!

"Misty, ayos ka lang?" tanong sa akin ni Tyrone. Hindi ko siya tinignan. Nagpapanic
kasi ako habang nakadungaw sa windows ng bus. Nagbabakasakali na makita ko nang
dumating si Badaf. Kasi naman e! Sa lahat ng araw na pwedeng ma-late, bakit ngayon
pang tour? Hindi ko tuloy siya makakatabi dahil sabi nga nung tour guide, kung sino
ang katabi sa seats ay siyang ka-buddy all through out the trip. So, meaning to
say, si Tyrone na ang ka-buddy ko. Wait, si Tyrone. . . Si Tyrone ang ka-buddy ko?

Buong pagtataka ko siyang tinignan. Paanong nandito siya sa bus ng management eh


Engineering student siya? Napansin niya yata yung pag-wowonder sa mukha ko kaya
ngumiti siya sa akin ng tipid. "Misty, kalma lang. Ano bang problema? Nakalimutan
mo bang papirmahan yung waiver mo?"

Iniling ko ang ulo ko. He was talking about the waiver na dapat i-present ngayon sa
class rep namin which happened to be Eunice. Kapag walang waiver na may sign ng
parent, hindi allowed na sumama sa tour.

"So, anong meron? Bakit ka hindi mapakali dyan?"

Kumunot ang noo ko. Obvious naman na sa bus namin siya sasakay. Nandito na siya e,
sa tabi ko pa. "Wait, Tyrone. Naguguluhan ako," tinaas ko pa sa kanya yung kanang
kamay ko na para bang pinapatigil siya, "bakit. . . bakit nandito ka sa bus ng
management?"

Natawa siya nang mahina bago siya tumayo para ilagay ang bag niya sa lalagyanan
(hindi ko alam ang tawag dun. Basta sa lalagyan ng bag sa ulunan namin) sa overhead
namin. "Akala ko, sinabi na sa'yo ni Eunice."

"Na ano?"
Umupo ulit siya sa tabi ko. "Wala ka talagang ideya?"

Umiling ulit ako. "Wala. Ano bang meron? Diba dapat sa Engineering ka?"

"Ayaw mo ba ako dito?" may halong pagtatampo't pagbibiro na tanong niya. Ayoko
naman siyang ma-offend. Sa katunayan, hindi naman big deal para sa akin na nandito
siya sa bus namin. Ang akin lang, dapat magkatabi kami ni Badaf.

"Hindi naman sa ganun, Tyrone. Syempre nagtaka lang ako. Ang layo naman kasi ng
Engineering sa Management diba? Pero seriously, bakit ka nga ba nandito?"

He smiled a little and said, "Gusto ko lang. Okay lang ba?"

"Err. Wala namang problema kaso. . ." hindi ko maituloy yung sasabihin ko. Sana ma-
gets pa rin niya yung nasa isip ko na hindi dapat siya ang katabi ko.

"Ahh. Yung bestfriend mo ba dapat ang katabi mo? Si France?"

Speaking of. . .

"Finally! Ikaw nalang ang hinihintay namin, Zion!" narinig kong malakas na sambit
ni Eunice. Dali-dali tuloy akong tumanaw sa harapan since nasa third row lang naman
ang pwesto ko. I saw Badaf panting as he got in the bus. Naka-back pack siya't
naka-yellow org shirt gaya rin namin. Kapansin-pansin pa na hindi nakaayos ang
buhok niya. Para siyang natanghali ng gising at tumakbo nalang dito para lang
makahabol. Ano kayang nangyari?

"Si Misty?" tanong niya, at ewan ko ba pero napasandal nalang ako sa upuan ko at
kulang nalang ay magtago ng mukha. Shucks, katabi ko na si Tyrone. Saan siya uupo?

"Ayun oh! Hey, Tyrone. Nandyan si Misty?"

Napakagat labi nalang ako habang nakatingin si Tyrone. Hindi ko alam kung ako lang
ba pero I could sense a cold seconds of silence in the bus sa ginawang yun ni
Tyrone.

Humigit muna ako ng malalim na hininga bago ako tumingin ulit sa harapan.
Nakasalubong ko ang shocked look ni Badaf na nagpapalipat-lipat ng tingin sa aming
dalawa ni Tyrone.

What the fudge? Bakit yug pakiramdam ko ay parang nahuli ako sa akto na
nagtataksil? Seriously, Misty???

"Oh, dito ka, Tyrone?" shocked pa rin na tanong ni Badaf.


Tumango lang si Tyrone sabay sabing, "Oo, Pre. Pahiram muna si Misty ha?"

OMG. Napangiwi ako nang makitang naniningkit yung mga mata ni Badaf sa akin. "Ahh,
sino nang katabi ko?"

Amidst the excitement noise of my classmates inside the bus, I still could hear the
cold silence among us three here infront.

"Wala na bang ibang vacant? Check mo sa likod, baka meron o kung wala, sa jumpseat
ka nalang, Pre," sagot ni Tyrone.

Ano raw? Sa jumpseat? Hala, hindi papayag si Badaf nyan. Mas maarte pa yan sa akin
e! Tyrone naman!

Badaf chuckled and I know, it's sarcastic. "Isa ako sa unang nagbayad tapos sa
jumpseat ako?" tanong niya at dahil dyan, sinenyasan ko sa tingin si Eunice na nasa
tabi lang ni Badaf na nakatayo. Makuha ka sa tingin, Eunice! Gawa mo ng paraan,
please.

Mabuti naman at mukhang na-gets ni Eunice kaya dali-dali niyang inikot ang tingin
niya sa bus. Sa mukha pa lang ni Badaf, alam kong napipikon na siya. Huwag naman
sana. Huhu.

"Mukhang wala nang bakante. France, okay lang ba sayo na dito ka nalang sa tabi ng
prof pumwesto?"

Kumunot nang todo ang noo ni Badaf sa suggestion ni Eunice kaya mabilis siyang
nakaisip agad ng ibang solusyon. "O kung ayaw mo, ako nalang sa tabi ng prof tapos
dun ka nalang sa supposedly seat ko which is sa tabi ni Sab."

Tinapunan muna ako ng mabilis na tingin ni Badaf bago siya walang sabi-sabing
tumabi sa pwesto ni Sab na aligned lang din namin sa 3rd row. Kami ni Tyrone, sa
left at sina Badaf at Sab, sa right.

"Okay, I think, we're settled already," sabi ni Eunice gamit ang mic ng bus. "Now,
we have to wait for our prof before we head out."

Nagsigawan ang mga classmates namin sa bandang likod. Excited na excited na sa


pupuntahan namin ngayong araw. Tumingin ako kay Badaf sa kanan namin. Nasa aisle
siya nakapwesto habang si Sab ay sa window side. Halatang badtrip pa rin dahil
magkasalubong pa rin ang dalawang kilay niya.

Kinuha ko kaagad ang phone ko mula sa bulsa ko. Hindi pwedeng ganito kami ni Badaf
sa buong byahe. I need to explain what really happened. Baka kasi na-misinterpret
niya.
To: Badaf

Uy, Badaf. Ikaw naman kasi dapat yung katabi ko. Late ka kasi. Naunahan ka tuloy ni
Tyrone. Anyway, di ko rin alam kung bat siya nandito. :(

Pagka-send ko, kasabay ng pagtunog ng phone ni Badaf sa kanan. Pasimple ko siyang


tinignan. Nakita kong binasa niya ang text ko at saka niya ako tinapunan ng bored
na tingin bago ibinulsa ang phone niya nang hindi man lang nagrereply.

Oh, gosh. Ma-eenjoy kaya namin ang outbound tour namin?

***

Sa tingin ko ay hindi. Oh my goodness gracious! Kanina ko pa hinuhuli ang mga mata


ni Badaf sa bus pero umiiwas siya sa akin kahit na magkatapatan lang kami. Sa
tuwing, aalukin ko siya ng snacks, tumatalikod siya sa akin tapos tinatanggihan ako
pero kapag si Sab ang nag-alok, tinatanggap pa niya. Kug kanina ay nakokonsensya
ako, ngayon naman ay naiirita na ako! ARGH!

Our first itinerary is Tayak Hill. Quarter to 10AM din kami nakarating dito sa
Laguna dahil na-stuck kami sa traffic. Pagbaba pa lang namin ng bus ni Tyrone ay
tumakbo kami sa ilalim ng puno para sumilong. Ang sakit kasi sa balat ng init ng
araw. Parang nakakapaso.

"Dapat dinala mo nalang ang jacket mo," sabi ni Tyrone pero wala sa kanya ang
atensyon ko kundi kay Badaf na kakalabas palang bus at pinapayungan si Sab. Tumaas
tuloy ay isa kong kilay. Kung kanina ay mukhang pissed off siya, ngayon naman ay
tuwang-tuwa na ang bakla. Seriously?

I felt Tyrone nudged me on my elbow kaya napatingin ako sa kanya. "Ano, kukunin ko
ba yung jacket mo? Mainit ang pagtetrekking natin, Misty."

Ngumiti ako ng pilit. Nakakatuwa naman kasi si Tyrone. Sobrang maasikaso simula pa
kanina. Naguguilty nga ako kasi, hindi ko siya gaanong kinakausap. Naku, siya na
nga lang ang iintindihin ko. Kapag si Badaf lang ang iisipin ko ngayong araw, for
sure hindi ko rin maeenjoy ang tour naming ito.

Haayyy, tama, Misty! Kay Tyrone ka nalang muna.

"Okay lang ako, Tyrone. Keri ko 'yang init na yan," I said with a smile before he
stretched his jacket open and pushed my head inside of it. Ang nangyari tuloy,
ginawa kong silong yung suot na jacket ni Tyrone.

"Hala! Okay lang talaga ako." Iaalis ko na sana ang ulo ko nun nang akbayan niya
ako.
"Sasakit ang ulo mo nyan. Galing sa aircon tapos diretso sa init."

Aww. Napangiti nalang tuloy ako kasabay ng pag-init ng mukha ko dahil bukod sa
pagiging caring ni Tyrone sa akin, super bango pa niya. Hihi. Ay, behave, Misty.

"Nakakahiya. Kukunin ko nalang sa bus yung jacket ko," sabi ko pero hindi na yun
angyari dahil. . .

"Hoy! Tinatawag na kayo dun. Sumakay na raw tayo ng jeep!" sigaw ni Badaf sa hindi
kalayuan bago umirap at tumalikod sa amin.

Sa totoo lang, kung hindi sana bakla at kung pagbabasehan ang asta at kilos ni
Badaf, iisipin kong nagseselos siya sa aming dalawa ni Tyrone. Ako rin naman e,
magseselos din sana ako sa kanila ni Sab kung hindi siya bakla. Sobrang close kasi
nila sa isa't-isa. Actually, sa front seat pa ng jeep sila pumwesto ni Sab kanina.
Kitang-kita ko tuloy kung paano sila magtawanan, mag-asaran at magpicture taking
dun dahil nasa likod lang kami mismo ng driver.

Okay, Misty. Keep your calm. Mas pinili lang niyang i-enjoy ang tour kaysa ang
mabadtrip sa nangyari kanina. Mamaya, kakausapin ka rin nyan.

Pero. . . mali ako. Nakarating nalang kami sa destinasyon namin pero ni sulyap man
lang ay hindi niya nagawa. Siya pa nga ang nag-lead ng warm up exercise ng buong
klase namin bago mag-trekking. Buti nalang si Tyrone, hindi man lang lumalayo sa
akin kundi magiging loner ang peg ko.

"Misty, piktyuran kita?" sabi ni Tyrone nung habang nag-aannounce ng kung ano yung
tour guide namin sa harapan. Nasa bandang hulihan kami kaya hinila ako ng bahagya
ni Tyrone. "Dali, piktyuran kita dyan, Misty. Pose ka na dyan sa may nakabagsak na
punong yan," sabi niya habang itinatapat sa akin ang iPhone cam niya.

"Hala, ako lang? Sama ka na. I-set mo nalang sa front cam yan para kasama ka."
Awkward naman kasi talaga! Cam pa man din niya ang gagamitin.

"Ikaw nalang mag-isa."

Eehh, ayoko nga. So, kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng pants ko at sinet iyon sa
front cam, at pagkatapos ay hinila ko siya dun sa nakabagsak na puno. Inangat ko
ang phone ko para ihanda sa isang selfie bago ko sinabing, "Tayong dalawa nalang."

I could see through the phone's screen how Tyrone smile and look at me. Ita-tap ko
na sana 'capture' button nang. . .

"Hoy, maiiwan na kayo. Aalis na kami. Sige, selfie pa more!"


Sino pa ba? Syempre, si Badaf na naman. Tch.

Yhel's note: Ito lang muna. 3 parts ang Outbound tour kasi medyo mahaba yung nasa
isip kong pangyayari dun. And oh, sorry sa slow update. Hindi pa namin sembreak at
sa katunayan, finals pa rin namin ngayon. :)

=================

30.2 Outbound Tour

Chapter 30.2

Unang itinerary pa lang namin pero hindi na maganda ang nangyayari. Although, ayos
naman yung lugar. Sa katunayan, maganda nga ang view mula sa kung saan kami ngayon.
Bawat batch ay nakapila kami paakyat sa bundok. Hindi naman ganun kahirap ang pag-
trekking dito sa Tayak Hill dahil may cemented stairs na dito. Buti nalang at hindi
na hassle.

Going back to what I was saying earlier. Yes, hindi na maganda ang nangyayari.
Napapansin ko kasi yung matalas na tingin sa akin ni Badaf kahit na nangunguna sila
sa trail. He would turn back and check on me from time to time. Nung una, akala ko
ibang tao yung tinitignan niya e, pero hindi. Ako talaga yun. Malalaman mo naman
kung ikaw yung tinitignan diba? As in, tagus-tagusan yung tingin niya.

Katulad nalang ngayon, lumilingon na naman siya. Ako naman, sasalubungin ang tingin
niya. Parang shunga nga siya e, titingin tapos iiwas din naman.

"Misty, mukhang hindi kayo okay ni France ah. Dahil ba sa akin?" tanong ni Tyrone
sa tabi ko. Medyo mabagal ang paglalakad namin kasi nakakahingal.

"Naku, 'wag mo nang intindihin yun. Bad mood lang yung baklitang yun." Huminto ako
saglit. Habol-habol ko na kasi ang hininga ko. Ang tarik naman kasi nitong stairs
na 'to. "Wait lang, Tyrone. Pahinga muna tayo."

Humawak ako sa magkabilang tuhod ko at huminga ng malalim. Ito ang mahirap sa


bihira lang mag-exercise e, madaling hingalin. Hindi naman ako mataba. Haayy.

"Tubig?"

Inabutan ako ni Tyrone ng tumbler niya. Actually, kanina pa ako nauuhaw.


Nakalimutan ko lang talaga magdala ng tubig. Nakakahiya namang makiinom. "Naku,
thanks nalang. Baka maubos ko pa."

"Ayos lang. Mukhang mataas-taas pa yung aakyatin natin e. Dali na," sabi niya at
kinuha ang kamay ko para ipahawak sa akin. Binuksan ko yung mouth ng tumbler at dun
sana iinom nang bigla ko nalang naramdaman na may umagaw sa akin nito.

"May tubig pa?" sabi ni. . . Badaf. Napanganga tuloy ako sa bigla niyang pagsulpot.
Ang alam ko, malayo-layo na yung narating niya. Paano siya nakarating dito ng ganun
kabilis?

Tumingin sa akin si Tyrone na para bang nabigla rin sa pagsulpot ni Badaf. "France,
iinom daw si Mis---"

"Akin nalang ah," sabi niya habang inaalog yung tumbler. Binuksan niya iyon.
Naningkit nalang ang mga mata ko dahil sa pag-aakala kong iinuman niya iyon pero
hindi dahil ipinanghilamos niya lang yung tubig sa mukha niya.

Hinampas ko nga siya sa braso. "BADAF!!" Sinapo ko ang noo ko. Sure akong pinag-
iinitan niya ngayon si Tyrone. Knowing those kind of acts, ganyan siya mambully ng
tao. Ganyan na ganyan siya sa akin noon. "Ba't mo naman pinanghilamos? Inumin ni
Tyrone n'yan."

Narinig kong tumawa ng mahina si Tyrone sa tabi ko. "De, ayos lang, Misty. Mainit
naman kasi talaga."

Tinalasan ko ang tingin kay Badaf na painosente kung makatingin. "Iinuman ko yun
e!"

"Ay, sorry naman. Iinom ka ba?" tanong niya at may inilabas na maliit na tumbler
mula sa loob ng maliit niyang body bag. "O eto o. Inuman mo. Bilisan niyo at
naiiwan na tayo," sabi niya bago tumakbo papanhik sa trail.

Tyrone and I were left staring at the tumbler I'm holding. May tubig naman pala
siyang sarili pero bakit. . .

Tyrone's soft chuckle distracted me from my own thoughts. "Sigurado ka bang bakla
'yung bestfriend mo?"

"Ha?"

Umiling siya bago ginulo ang sarili niyang buhok na para bang habit niya na iyon.
"Wala. Tara na nga," he smiled like an idiot as we started ascended to the stairs.

Hayyy, Tyrone. I do ask the same question to myself too. Bakla PA RIN ba siya?
***

"Sa wakas! Woo! Nakakapagod!" sigaw ko nang sa wakas ay makarating kami sa flatform
ng Tayak Hill. Tumakbo ako sa malawak na patag at in-enjoy ang malamig na hangin na
yumayakap sa akin. Iba talaga ang hangin kapag galing sa bundok. Fresh sa
pakiramdam.

Tumakbo palapit sa akin si Tyrone at naupo sa paanan ko. Yung iba naming kasamahan
ay busy sa pag-picture taking. Yung iba naman ay umakyat pa sa mas mataas na parte
ng bundok kung saan may naka-display na krus. Over all, ang ganda ng tanawin sa
harapan namin. Para bang kitang-kita ko ang kabuuan ng Laguna.

"Worth it ang pagod!" Umupo na rin ako sa tabi ni Tyrone. Buti nalang at hindi na
gaanong kainitan ngayon unlike kanina. Para ang sarap namang tumira dito.

Tumingin sa akin si Tyrone nang nakangiti. Actually, kanina pa talaga siya


nakangiti. I'm wondering why. "Worth it talaga. Alam mo, kung sa bus ng Engineering
ako sumama, hindi ko 'to maeenjoy."

I tilted my head to him. Oo nga pala, bakit nga ba siya sumama sa bus namin? "Yung
totoo, Tyrone? Wala ka bang friends sa klase mo?"

"Hindi naman sa ganun. Yung mga tropa ko kasi, may kanya-kanya nang katabi. Alam mo
na, mga girlfriends nila. Ma-a-out of place lang ako dun. Nandito sa Management
yung ibang kaibigan ko kaya dito nalang ako sumama."

Tumango-tango ako sa kanya. Oh, so, iyon pala ang dahilan. Kunsabagay, if I were in
his shoes, ganun din ang gagawin ko. "Kaya pala. Now, I know."

"At saka. . ."

Pinakatitigan ko siya. Hindi niya kasi matuloy yung sasabihin niya. "At saka ano?"

"At saka, may sasabihin ako sa---"

"Management! Come here! Tree planting time!" Nilingon namin ang sumigaw. Yung tour
guide pala. Mukhang tinatawag na kami kaya naunang tumayo si Tyrone para alalayan
ako.

We walked towards our group na na pulos naka-yellow or shirt. Si Tyrone kasi, dark
blue yung org shirt niya dahil Engineering nga siya. We were led downhill na tiping
naka-slant yung lupa. Sheez! Nakakatakot tuloy bumaba. Nagdadalawang isip ako kung
bababa ba ako o hindi. Isang hakbang ko lang, tiyak tuloy-tuloy ako sa ibaba.

Nakita kong nauna si Badaf sa pagbaba. He stopped right infront of me. Sumunod din
si Tyrone na tumigil din sa harap ko, sa tabi ni Badaf. Uh oh.
"Tulungan na kita." "Tara na, Chararat."

Err. Now, I'm completely torn. Nagkatinginan silang dal'wa sa harapan ko. Hindi ko
alam kung kaninong kamay na nakalahad ang hahawakan ko. Bahala na nga. Mag-iinarte
pa ba ako?

I held both of their hands. Parehas na free hands din nila ang umalalay sa likod ko
habang pababa ako. I sighed in relief soon as I landed on the ground. Ang hassle
pala ng outbound tour na ito.

"Thanks," I murmured to them. Tumango lang si Badaf at lumapit na kina Sab at


Eunice. Ako naman ay nag-stay lang sa tabi ni Tyrone. Binigyan kami ng order ng
tour guide na magtanim ng halaman. May mga naka-ready na rin namang halaman dun sa
mga pits sa lupa. All we have to do is to put it on the pit tapos tatabunan namin
ng lupa and that's it. All done.

Habang tinatabunan namin ng lupa yung tinanim namin, naalala ko yung naputol na
usapan namin kanina Tyrone. "Ano nga palang sasabihin mo, Tyrone?"

He jerked up his head to me. "Ha? May sasabihin ba ako?"

"Oo."

He chuckled heartily. "Ah, oo. Hindi ko alam kung alam mo pero--"

"Happy birthday, TJ!" sigaw ni Eunice sa hindi kalayuan. Ano raw? Birthday niya
ngayon? Lumapit si Eunice sa pwesto namin. "Hindi kita nabati kanina. Nawala sa
isip ko e."

"Salamat."

Nabato ako sa pwesto ko. Kanina ko pa siya kasama pero hindi ko man lang alam na
birthday niya ngayon. "Birthday mo?" I asked in bewilderment.

"Oo." Kaya pala ang bright ng mood niya ngayon! Ngiti ng ngiti!

"OMG, yun ba dapat ang sasabihin mo sa akin kanina?" natatarantang tanong ko. I'm
such a lame friend! He didn't answer but instead shrugged his shoulders. "Naku,
happy birthday!" sabi ko at akmang bibigyan siya ng isang very quick hug nang. . .

. . . biglang may tumakbo sa gitna namin. Who else would that be?

"Badaf! Ano ba!" Muntik na kasing mapaupo at gumulong pababa ng burol si Tyrone.
Nakakainis na talaga! Kanina pa siya!

I saw Badaf's grin mixed with not-so-innocent look at me. "Sorry! Si Sab kasi e,
namamahid ng dirty hands niya sa damit ko. Like eww!" and then they continued
running around the hill. Sa totoo lang, nananadya nalang siya at this point.

***

Next itinerary was the Underground Cemetery. It's just a few minutes away trip from
Tayak Hill kaya mabilis kaming nakarating. My mood's ruined pero hindi ko lang
pinapahalata kay Tyrone. Nakakahiya e, birthday pa naman niya ngayon tapos magiging
alalahanin niya pa ako.

Anyway, we were ordered to get off the bus as quick as we could. Buddy system pa
rin, as usual, so katabi ko si Tyrone.

Papasok na kami nun sa chapel like structure nang maramdaman kong may bumangga sa
kaliwa ko. Pagkatingin ko, si Badaf pala.

Inirapan ko siya at umiwas ng bahagya sa kanya. Nagsumiksik pa ako kay Tyrone lalo
na nung naupo kami saglit para pakinggan yung speech ng caretaker ng cemetery.
Honestly, wala akong naintindihan masyado. Basta ang nagets ko lang ay sa ilalim
daw nito ay yung lugar kung saan dati ay nagpupulong yung mga Pilipino nung unang
panahon. Nandun din daw yung sementeryo (which is obvious since it's an underground
cemeter) ng mga sinaunang tao.

". . . So, better be quiet kapag bumaba na kayo, okay?"

Dun na sumiklab ang kaba sa dibdib ko. I myself admit that I hate going to memorial
parks. Ni makakita lang ng kabaong ay kinikilabutan na ako. What more sa
underground cemetery?

"Tara na," sabi ni Tyrone sa akin kaya sinundan ko siya. Medyo marami kaming pababa
kaya medyo crowded. The moment our feet landed on the underground, jusme,
goosebumps! Ang ginaw.

"Nakakatakot," bulong ko kay Tyrone. Argh, tunay na sementeryo nga ito! May mga
lapida na nakalagay pa na date ng death ay 1870's. Ang tagal na!

I heard Tyrone hush me. "Sshh. Huwag kang matakot. Marami tayo dito."

Pinaupo kami ng tour guide sa lapag na lalo nagpakilabot sa akin. Sinabihan pa nga
kami na manahimik dahil baka ay may mabulabog kami. Ramdam na ramdam ko yung
paglapat ng balat ko sa malamig na semento. At kahit na marami kami dun ay para ako
lang mag-isa dahil sa dilim at tahimik.
"Ayoko na. Alis na tayo dito," sabi ko pero imbes na sagutin ako ay hinawakan lang
ni Tyrone ang kamay ko. I felt numb. Kahit hawakan niya ako ay wala pa ring epekto
dahil nangingibabaw sa akin ang takot.

Nag-discuss lang yung tour guide ng brief history ng Underground cemetery bago siya
nag-request na mag-alay daw kami ng dasal para sa mga souls na nandun. As soon as
we closed our eyes, I felt the rush of shiver down my spine. Parang may nakatitig
sa akin na kung sinong. AAAHH! Mas lalo tuloy akong natatakot.

". . .Amen," we all said before we opened our eyes again. Nagmamadali kaming
tumayo. At dahil gusto ko nang makaalis dun ay hinila ko na si Tyrone sa hagdanan.
Everyone's trying to get on the stairs also. Naging crowded tuloy dun kaya naipit
kami ni Tyrone. Nabitawan ko ang kamay niya dahil may humila sa kabila ko pang
kamay. Basta ang alam ko nalang ay hinila niya ako paakyat ng chapel at inilabas
dun cemetery. I looked at him only to find out it's him.

"Nakaka-beastmode ka, Chararat," iritableng sabi niya. Naglalakad pa rin kami. We


seemed to be going back to our bus.

Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa. Gusto ko kasi siyang pakinggan. Feeling
ko naman kasi, may kasalanan ako sa kanya. Guilty much here. "Nakakairita na!
Pinipilit kong isipin na okay lang 'to. Palalagpasin ko nalang dahil birthday niya
pero. . . argh! Sarap niyang isama sa mga nakalibing dun."

Dun na ako nagreact. Ang mean niya ah! Bumitaw ako as pagkakahawak niya. "Sobra na
yan ah. Teka, ba't ka ba nagagalit ng ganyan? Medyo OA." Tumigil kami sa tapat ng
bus namin. Wala nang masyadong tao dito dahil nasa loob pa silang lahat.

His eyes were furious I didn't even understand why. "Peste, bakit kasi may pa-
holding holding hands pa kayo dun?" he burst out.

Napatingin tuloy ako sa kamay ko pabalik sa mukha niya. "Eh ano naman? Natakot kasi
ako! Parang may nakatitig sa akin habang nakapikit ako. Ramdam ko yun. Hello! Nasa
sementeryo tayo. What if kaluluwa ng katipunero yun?"

"Sira! Ako lang yun, titig na titig sa inyo."

Para akong naputulan ng dila. Okaaaaay. So, siya pala yun. Ano na, Misty. Say
something. "T...teka, ba't ka ba nagagalit ng ganyan? If it's about Tyrone sitting
beside me, then I'm sorry. Bigla nalang siyang sumulpot kanina sa bus natin at sa
akin tumabi. Bakit kasi na-late ka kanina?"

Umirap siya sa akin at tinalikuran ako. Ay, nag-iinarte? "Sorry ha? Natanghali ako
ng gising tapos nasiraan pa ako ng kotse. Alam mo yung nakakabeastmode? Yung dapat
ako yung katabi mo. Na ako yung ka-buddy mo, pero wala e. Naging si Tyrone bigla.
Gusto mo rin e."

WOW! Grabe. Kumalma ka, Misty. Huwag kang mapikon. Okay lang yan. Patience.
Patience. PATIENCE! "What's your problem with me, France Zion Madrigal? Sabihin mo
nga! Diretsahin mo nga ako."

Pinanlisikan niya ako ng mga mata. Aba, galit nga ang bruha. "Wala akong problema
sayo. Dun sa panis na Hapon na yun, meron!"

"Huwag mo nga siyang tawaging panis na Hapon! Ang sama mo!"

Tumawa siya ng sarkastiko. "See? Pinagtatanggol mo pa. So, ako ang masama? Ako yung
epal, ganern? Ha!" asik niya. Hindi ko siya maintindihan! Ang labo niya! ANG LABO
LABO NIYA!

"Argh! Ba't ka ba ganyan kung umasta? It's as if you're gripping me. The last time
I checked, bestfriend kita. Soul sister pa nga. Anong nangyari ngayon, France?
Bakit parang lumalagpas?"

Kinusot niya ang mukha niya sa frustration. May kung ano pa nga siyang binubulong
na hindi ko marinig. Kainis, pati ako nafrufrustrate na rin!

"Shet, hindi ko na rin alam! Lumayo ka nga sa akin!" sigaw niya. Tumaas naman ang
kilay ko. Seriously, baliw na ba siya?

"Tapos ngayon pinapalayo mo ako sayo? You're insane, France."

"Naguguluhan ako e! Please, Misty! Please get out of my mind," sabi niya na
nagpatigil sa akin. Nauna na siyang pumasok sa loob ng bus samantalang ako ay
naiwanang nakatulala lang dun sa pintong pinasukan niya. Did I hear him right? He
wanted me to get out of his mind? Ibig sabihin ba nun, iniisip niya ako palagi?

"Misty!" I was pulled from my own throughts when someone called my name. I turned
back to see Tyrone walking toward me. "Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang
pala. Pasok na tayo sa bus?"

Now that you've mentioned it, you're starting to mess my mind, France.

Yhel's note: Happy halloween! :)


=================

30.3 Outbound Tour

Chapter 30.3

Nakatulala lang tuloy ako sa bintana ng bus the entire trip. Mas pinili kong
manahimik nalang habang may nakapasak na earpods sa tenga ko. Bukod kasi sa
nabobother na ako kay Badaf ay nagugutom na rin ako. Ayoko namang kumain ng snacks
dahil mas prefer kong mag-rice sa lunch.

"Misty, nandito na tayo." Narinig kong sabi sa akin ni Tyrone. Sa pagtanggal ko ng


earpods sa tenga ko, napansin ko na nagsisitayuan na ang iba. Dala-dala na rin nila
ang mga backpacks nila. I saw Badaf getting off the bus without turning back at me.
So, ganyan pala? Gusto niya akong lumayo sa kanya? Edi fine. Tch.

Tyrone insisted na siya nalang yung magdadala ng backpack ko pero hindi ako
pumayag. Kaya ko naman kasi iyon at isa pa, mas mukhang mabigat yung bag niya kaysa
sa dala ko. We got off the bus silently. As usual, pinapila na naman kami ng tour
guide. Hiwalay ang boys sa girls pero ganun pa man katapat ko pa rin si Tyrone sa
tabi ko.

"Sasakay ulit tayo sa rented jeep papunta sa Yambo lake. So, I'm allowing you guys
to ride in the jeep kahit na hindi kayo magkakasama as a class. Basta make sure na
kasama niyo pa rin ang buddy niyo. Now, move! Marami pang bakante seats sa ibang
jeep."

Pasimple kong tinignan si Badaf sa bandang gilid ko. Napapansin ko na kasa-kasama


niya palagi sina Sab at Eunice. Sa totoo lang, frustrated na talaga ako sa kanya.
Pinapalayo niya ako sa kanya pero hindi niya naman sinasabi ang kanyang dahilan.
Napakalabo niyang nilalang!

Nabalik ako sa sarili ko nang hawakan ni Tyrone ang braso ko. "Misty, hanap na tayo
ng bakanteng jeep?"

"Okay."

Maraming rented jeeps ang nakapila sa trail, pero karamihan ay puno na. Yung iba ay
nauna nang umalis. Yung iba naman ay nagpapasakay na sa bubong nito. That looks fun
though. Ma-try kaya namin?

"Tyrone, sa bubong nalang kaya tayo?" suggest ko sa kanya.


Sinundan niya naman ang tinitignan ko at nakita kong ngumuso siya. I was waiting
for his reply but I heard a very familiar voice butted in the scene.

"Sumakay na kayo sa loob, Sab, Eunice! Dito nalang ako," sigaw ni Badaf habang
umaakyat papunta sa bubong ng jeep. May mangilan-ngilang tao na rin ang nandun.
Mukhang masaya pero. . .

Umismid nalang tuloy ako. "Ayoko na pala sa bubong, Tyrone." Sumakay nalang ako sa
loob ng jeep. Si Tyrone naman ay pinaubaya muna sa akin ang mga dala niyang gamit.
Gusto niya raw masubukan sa itaas kaya dun nalang daw siya. I shrugged and let him.
Gusto ko rin naman e, kaso nandun si Badaf. Remember, lumayo raw ako sa kanya. Hmp!

"Misty, dito ka sa tabi ko o." Dun ko lang napansin si Sab. Katabi niya sa may
bandang likuran ng driver si Eunice. Ngiting-ngiti sila sa akin na tipong may kung
anong tumatakbo sa isip nila. I bet they knew something already.

Padagdag ng padagdag ang sumasakay sa jeep nang magsalita si Eunice. "Kamusta


katabi si Tyrone, Misty?"

Ngumiwi ako. "Ayos lang. Eh kamusta katabi ang prof?"

She rolled up her eyes. "Naku, Misty. Daig ko pa yata ang nakaplaster ang bibig.
Ang tahimik ni Ma'am kaya tahimik din ako. Boring!"

Nagsimula nang umandar ang jeep. Yung iba sa mga kasama namin sa jeep ay classmates
namin at yung iba naman ay iba ang course. Naghalo-halo na talaga. "Tanungin naman
natin si Sab kung kamusta katabi si Zion."

I shifted my eyes to Sab who was silently listening to us. Ngumiti siya ng
alanganin sa amin bago ngumuso. "Ano pa ba? Syempre masaya. May katabi akong gwapo
e."

Kumunot ang noo ko. Alam ko naman kasing crush nitong dalawa si Badaf pero bakit
ganun? Bakit nainis nalang ako bigla kay Sab sa sinagot niya?

"Uy, ano ka ba, Sab. Watch your words. Hmm," nginuso ako ni Eunice. "Si Misty o."
Alam naman kasi nilang in love na ako kay Badaf tapos pagseselosin pa ako. Wait,
nagseselos ako? Really? Pagselosan daw ba ang kaibigan?!

"Joke lang. Don't worry, Misty. After ng tour, sayo na ulit siya," sabay halakhak
niya nang hindi inaalala ang mga kasamahan naming iba sa jeep. Kunsabagay, may
kanya-kanya rin naman silang pinagkaabalahan. Selfie dito, selfie duon.

Umirap lang ako sabay nguso. Naalala ko na naman kasi yung sinasabi sa akin ni
Badaf kanina. Fine, kung gusto niya akong lumayo sa kanya, edi lalayo ako!
"Tss. Sa'yo na siya," sabi ko nalang.

"Sure ka?" tanong niya. Narinig ko ang pagtawa ni Eunice sa pinag-uusapan namin ni
Sab. "Walang bawian, Misty. Akin na siya."

Eunice's laugh became louder. "Ano ba kayo, guys! Para walang gulo, kay Tyrone
nalang si Zion."

Honestly, naiinis na ako kay Sab. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba o hindi pero
napapansin ko na ang clingy niya kay Badaf. Nakarating kami sa Yambo Lake in just a
few minutes and here we are standing infront of the lake, staring at the beautiful
view infront of us.

Maganda ang lugar na 'to. Malinaw yung tubig sa lawa. Sa linaw nga nito ay nakikita
ko yung mga baby fishes na nagsisilanguyan sa tubig. Pero mas malinaw talaga yung
nakikita kong paghawak ni Badaf sa ulo ni Sab. Tapos itong si Sab naman, tuwang-
tuwa pa. Edi wow. He used to do that to me also.

"Misty, saan tayo pupwesto?" Tyrone asked out of the blue. Napa-'ha?' nalang ako sa
kanya kasi hindi ko alam yung sinasabi niya. Hindi kasi ako nakikinig sa tour
guide. He just smiled at me and messed up my hair. "Gutom ka na siguro. Binigyan
tayo ng 30 minutes lunch break ng tour guide. Saan mo gusto tayo pumwesto?"

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Wala naman akong ibang makitag mapagpupwestuhan
kaya tinuro ko nalang yung medyo maluwag na lugar. "Dun nalang tayo sa may tabi ng
bangka," sabi ko.

Pumunta kami dun. Nagulat nga ako kasi boy scout si Tyrone. May dala siyang blanket
kaya nilatag niya iyon sa lupa at dun kami naupo. Habang nilalabas ko yung baon
kong ulam, narinig ko nalang na may tinawag si Tyrone.

"Dito nalang kayo, Eunice! Para share tayo ng pagkain."

Pagtingin ko sa kinakawayan niya, ugh, hindi lang pala iyon si Eunice kundi kasama
sina Sab at. . . Badaf. They went towards us and sat on the blanket. Katabi ko si
Tyrone at sa kanan ko naman ay si Sab.

"Wow! Birthday na birthday mo talaga, Tyrone. Ang galing lang kasi sumakto sa tour.
Ang dami mo tuloy baon," komento ni Eunice.

Nanahimik lang ako. Truth to be told, marami nga talagang baon si Tyrone. May
spaghetti, rice, chicken adobo, chicken teriyaki tapos may California Maki pa.
Naglabas pa nga siya ng shanghai rolls e.

"Wala bang cake?" biro ko sa kanya. Yun nalang kasi ang kulang para maging birthday
party niya ito.
Tyrone smiled at me. "Actually, meron pero mamaya nalang. Medyo maliit lang e. Para
sayo talaga yun."

Napangiti tuloy ako sa hirit niya pero. . . "Acck!" Napatingin kaming lahat kay
Badaf nang mabilaukan siya. Umismid din ako agad nang makita kong tumingin siya sa
akin. Galit siya sa akin diba? So be it.

"Ang sweet naman talaga ni TJ," tukso ni Eunice. Natawa nalang tuloy ako ng mahina.
That was really sweet.

"Pero Tyrone," sabat ni Badaf na nagpataas ng kilay ko. "Parang panis na 'tong
Spaghetti mo." Inamoy niya pa iyon at saka ngumiwi. "Panis na nga."

"Ha?" Kinuha ni Tyrone yung tupperware ng Spaghetti at inamoy din yun. Mukhang
panis na nga kasi ngumiwi rin siya.

"Pasensya na. Panis na nga."

Kumagat din si Tyrone sa shanghai roll at saka umaktong hirap na hirap sa pagnguya.
Tuluyan na akong sumimangot. Mukha kasi nananadya siya e. "Maganit na rin itong
Shanghai rolls, Tyrone."

Sa inis ko ay kumuha din ako ng isang shanghai at saka kumagat. "Masarap naman e!
'Wag ka ngang magreklamo dyan."

"Misty, ayos lang. Try mo nalang 'tong California Maki," sabi ni Tyrone. I forced a
smile to him. Kukunin ko na sana mula sa kanya yung tupperware nun nang. . .

"Hindi siya kumakain n'yan."

Sinamaan ko ng tingin si Badaf. "Anong hindi kumakain? Favorite ko 'to."

"Kailan mo pa naging favorite 'yan? Eto o, mag-sweet and sour pork ka nalang. Luto
yan ni Mama," sabay abot sa akin ng tupperware niya.

Tinalasan ko lang lalo ang tingin ko sa kanya. "Luto ng Mama mo o luto mo?!"

Silence. . .

His mouth gaped open. I lifted my brow even more. Punong-puno na talaga ako sa
kanya kanina pa. What I hate about him is that he's holding back what's bugging
him. ARGH! Para siyang isang malaking rubix cube na mahirap buuin. Kung pwede nga
lang i-hack ang utak niya ay ginawa ko na. I can hardly spell him out!
"Okay, guys. Relax. . ." singit ni Sab. Lumipat ang tingin ko sa kanya at siya
naman itong napaatras ng tingin.

The silence was broke off by Eunice heartily laugh. "Mga tsong, ito ang Sprite o,"
sabay lapag niya ng 1.5 na Sprite bottle sa blanket. "Magpakatotoo nga kayo."

"Eunice," Badaf said in a warning tone.

"De joke! Kain na nga tayo. Happy birthday ulit, TJ!"

My head was messed up with thoughts. Buti nalang at nakapaglunch pa rin kami ng
matiwasay kahit papa'no. Buti nalang sobrang maasikaso si Tyrone. At buti nalang,
hindi niya ako pinapabayaan kahit na ngayon na kasalukuyan kaming nakasakay sa
balsa. 30 katao lang ang capacity ng balsang gawa sa kawayan kaya sama-sama kami
ulit ng ka-bus namin at syempre kasama ulit siya.

Hindi makatingin sa akin si Badaf. I could clearly see how he spaced out while he's
sitting on the edge. Umiwas ako ng tingin. Bakit ba lagi ko siyang tinitignan?
Kainis! Para tuloy gusto ko ring sabihin na; 'Please get out of my head, Zion.'

"20 minutes lang po pwedeng mag-swimming sa lawa. Bawal lumayo sa balsa!" cue ng
lalaking isa sa mga taga-sagwan ng balsa.

Naramdaman ko yug pagsiko sa akin ni Tyrone kaya tinignan ko siya. "Misty, talon
na." Nagsisitalunan na rin ang iba. Inienjoy nila ang tubig. Tumayo ako at inikot
ang tingin sa paligid. Nalula ako nang mapansin kong. . . "Ang layo na natin sa may
pangpang, Tyrone! Malalim yan."

"Medyo, pero may lifejacket ka naman."

Umiling ako. "Pero hindi ako marunong lumangoy."

He chuckled a bit. "Hindi ka lulubog. Lulutang ka." I frowned and he laughed even
more. "Akong bahala sayo."

For some reason, nilingon ko si Badaf. Napanguso ako nang makitang wala na siya sa
kanina niyang pwesto. Hinanap agad siya ng paningin ko at dun ko lang nakitang
nagtatampisaw na rin siya sa lawa. Tinuturuan niya pang lumangoy si Sab.

"Misty?"

Nilingon ko si Tyrone. There was a hopeful look on his face. Huminga ako ng malalim
bago ako kumapit sa kamay niya. "Fine. Basta ba huwag mo akong pababayaan?"
"Oo naman."

Gaya nga ng sabi niya ay hindi niya ako pinabayaan, kahit yung pagbaba ko sa lawa
ay nakaalalay siya sa akin. "Kumapit ka sa leeg ko," he said and although it's
uncomfortable for me, I still did what I was told. Nilibot niya ako sa paligid ng
balsa habang ang lahat ay nagtatampisaw sa lawa.

Nadaanan namin sina Tyrone at Sab. This time, nakakapit nalang sila sa dulo ng
balsa. Badaf caught my eyes but I looked away. Manigas siya dyan. Inaway-away niya
ako kanina. Hindi kami bati!

"5 minutes!" sigaw nung lalaki.

Aww. 5 minutes nalang daw kami dito sa lawa. Kung kailan naeenjoy ko na, saka pa
matatapos yung oras. I felt Tyrone remove my hands around his neck and then, he
turned to face me. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang hinihila ako, still with my
legs floating in the water.

"Hindi pa basa ang buhok mo. Hindi mo ba nilulubog ang mukha mo sa tubig?"

Hinawakan ko ang ulo ko. Oo nga, hindi pa basa. Actually, hindi ko talaga kayag
lumubog sa tubig ng lawa. Napaparanoid kasi ako na baka may makita akong something
sa ilalim. Ugh. "Okay na 'to. At least, naexperience kong maligo dito."

"Ilubog mo rin ang ulo mo para basa ka na lahat. Ang weird e. Para kang nag-half
bath."

"Eehh-"

Natawa lang siya habang hinihila pa rin ako. Ngayon ko lang napansin na ganito pala
ang itsura ni Tyrone kapag hindi nakataas ang buhok. I mean, wet look. He looks so.
. . nice. Mukha siyang inosente. Mukhang mabait.

"2 minutes!"

Sumigaw ulit yung lalaki kaya napatingin kami dun. "Misty, ilubog mo na. May
sasabihin ako sayo. Dali."

"Anong sasabihin mo?" Kanina pa yan ah.

Ngumiti lang siya. Nakita ko tuloy na lumabas yung maliit niyang dimple sa ibabang
bahagi ng lips niya. Ngayon ko lang napansin yun. Ang cute. "Basta. Lumubog ka
muna."
Bahala na nga. Ang weird ko nga kasi hindi pa basa ang buhok ko. Huminga ako ng
malalim bago lumubog sa tubig. . . 1, 2, 3. . . "Hoo!" at saka umangat. Sumalubong
sa akin ang makahulugang ngiti ni Tyrone. Emeghed. Ang cute niya.

"So... so, anong sasabihin mo sa akin?"

His lips quirked up into a smirk. "Nasabi ko na. Wala nang ulitan," sabi niya bago
ko narinig ang sigaw ng lalaking mangbabalsa.

"Tapos na po ang oras! Balik na lahat sa balsa!"

May sinabi ba siya? Wala akong narinig.

***

Marami pa kaming ginawa sa Yambo Lake. Pagkatapos naming magbanlaw ay nagkaroon pa


kami ng mini seminar tungkol sa kabuhayan ng mga tao dun. Kahit papaano ay na-enjoy
ko na yung tour dahil kay Tyrone. May kulit side din pala kasi siya na kaya akong
sakyan. Hindi pa nauubusan ng pagkain dahil alok siya ng alok sa akin kanina pa.

Nakasakay na kami sa jeep nun pabalik sa bus nang maalala ko nangyari kanina sa
lawa. Hindi ako mapakali. Parang gusto kong alamin yung sinabi niya kuno sa akin.

"Tyrone!" tawag ko sa kanya. Nilakasan ko ang boses ko kasi mahangin sa byahe.


Hindi kami magkarinigan. Nilingon niya naman ako na parang nagtatanong ang mga
mata. "Ano yung sinabi mo kanina?"

He smirked, again. "Nasabi ko na e."

"Pero hindi ko narinig." Totoo naman kasi. Hindi ko narinig yung sinabi niya o kung
may sinabi ba talaga siya.

"Basta," his smirk turned into a smile. Huminto ang jeep kaya bumaba na kami. Ibang
course ang kasabay namin dahil nagdecide kami na mauna na. Busy pa kasi sila sa
picture taking dun. At isa pa, niyaya ko na si Tyrone na bumalik sa bus dahil wala
lang. Gusto ko lang umiwas kay Badaf.

Pabalik na kami nun sa bus 4 nang hilain ako ni Tyrone. "Picture tayo?" tanong
niya.

"Sure!"

Nagpicture taking kami dun. Yung lugar kasi ay parang masukal na daan. Madaming
puno at mukhang gubat. Hanggang dun lang sa daan na yun ang mga bus dahil hindi na
sila kakasya sa daan papunta a Yambo lake. That's why we needed to ride a jeep to
go there.

"Tyrone, ang daming puno ng mangga dun o'!" sabi ko habang nakaturo sa direksyon ng
mga puno.

"Gusto mo ba ng mangga?"

Tumango ako sa kanya. Hindi ako mahilig sa prutas pero kumakain ako ng fresh mango.
Lumapit kami dun at tumitig lang sa puno. Aabutin niya sana ng kamay niya ang bunga
nang may tumawag sa amin.

"Gusto niyo ba ng mangga?" tanong ng boses. "Marami sa farm ko. Marami akong naani.
Baka gusto niyong ipasalubong sa Maynila. Sawang-sawa na kasi ang mga tao dito sa
mangga kaya ibibigay ko nalang sa inyo."

Nagkatinginan kami ni Tyrone. "Gusto mo ba, Misty?"

"Oo, ipapasalubong ko kina Dad. Mahilig siya dyan."

Alanganin siyang bumaling kay Manong. "Salamat po, pero matagal po ba yan? Baka
kasi maiwanan kami ng bus."

"Hindi, hijo. Naani ko na ang mga iyon. Hintayin niyo lang ako dito at kukunin ko
para sa inyo."

Tumingin ako sa orasan ko. Pasado ala-singko na. Kami palang ni Tyrone sa bus namin
ang nakabalik dito, so I assumed hindi naman agad-agad ay makukumpleto sila dun at
isa pa, hindi naman siguro nila kami iiwan.

Siniko ko si Tyrone para kunin ang atensyon niya. "Samahan nalang natin si Manong.
Hindi naman siguro tayo iiwan ng bus natin."

"O sige. Tara."

Sumama kami kay Manong sa farm niya. Sobrang bait niya kasi pati ibang hinarvest
niya ay binigyan niya rin kami. Hindi rin namin namalayan ang oras dahil nalibang
kami sa pakikipagkwentuhan sa kanya.

"Misty, magdidilim na," bulong sa akin ni Tyrone. Naalarma tuloy ako. Ilang minuto
na ba kaming nandito? "Manong, salamat po sa mga prutas kaso kailangan na po namin
umalis."

"Ah, ganun ba? Sige, ingat kayo."


Si Tyrone na ang nagbuhat ng bag ko dahil kinailangan na naming tumakbo. HA!
Nakakahingal, pero buti nalang at malapit lang naman ang farm sa kalsada.

"Misty. . ." tawag sa akin ni Tyrone nang makabalik na kami sa kalsada. I caught up
my breath as I held onto my knees. Nakakahingal! Ayoko nang tumakbo. "Pakshet, wala
ng bus."

Natigilan ako. "Anong walang-" nahinto ako nang sa pagtingin ko sa paligid ay wala
nang ni isang bus ang nakaparada. "Whoa, Tyrone. Baka nagkamali tayo ng napuntahan?
Hindi kaya dun sa bandang iyon? Tara nga." Tinuro ko ang kaliwang direksyon.
Pinipilit kong kumalma pero sa loob-loob ko, AAAAAAAAHHHH! 'WAG NIYONG SABIHING
NAIWAN KAMI!

"Hindi, Misty. Ito yung sign board papunta sa Yambo Lake o. Ito yung palatandaan
ko."

And now, we're doomed. Dumidilim na pa naman. Feeling ko tuloy, nasa 'Wrong Turn'
movie kami. OMG.

Yhel's note: Photo po ng balsa sa Yambo Lake yung nakikita niyo. And, nagkamali
ako. Hanggang part 4 pala ang Outbound Tour. So, next update is Chapter 30.4. :)

BITIN = ON-GOING

=================

30.4 Outbound Tour

Chapter 30.4

Hindi ko maiwasang hindi ma-paranoid sa lugar kung nasaan kami ngayon. Iniikot ko
ang paningin sa paligid. Para kaming nasa gitna ng kagubatan. Just exactly the
place looks like in the 'Wrong Turn' movie. Kumakagat na pa naman ang dilim sa
paligid. Oh my, gosh! Feeling ko, lalabas na yung killer anytime.

"Tyrone, don't tell me mag-i-stay tayo dito?" nagpapadyak ako ng mga paa sa
frustration. How could they leave us here? Hindi ba nila chineck na hindi pa
kumpleto ang mga estudyante sa bus?
Ginulo ni Tyrone ang basa niyang buhok at bagsak ang balikat niyang binalingan ang
direksyon kung saan nanggaling ang mga bus kanina. "Hindi ko kabisado ang daan
palabas dito sa gubat pero sa tingin ko naman, one way lang 'to." Nilabas niya ang
phone niya tapos napansin ko yung pagkadismaya sa mukha niya. "Tsk. Wala pang
signal."

Nilabas ko rin ang phone ko. Tama nga siya. 'No service' ang status ng network ko.
Napakamot nalang ako sa ulo ko. Nakakainis! Nang dahil sa mangga, naiwan kami.
"Sorry, kasalanan ko 'to e. Kung hindi ko sana pinush yung kagustuhan ko sa mangga,
hindi tayo maiiwan."

Ngumiti siya sa akin ng alanganin, tapos pinasadahan niya ng kamay niya ang buhok
niya. Pinipigilan kong ngumiti kasi guilty ako, pero kasi. . . ugh, mas gwapo pala
siya kapag hindi nakaayos ng wax ang buhok.

"Hindi ikaw o tayo ang may kasalanan kundi yung tour guide. Kahit man lang sana
yung class rep niyo, chineck sana kung kumpleto na ang mga estudyante sa bus.
Trabaho nila yun e," he paused and took out a deep breath. "Malamang naman siguro,
mapapansin nilang kulang sila. Babalikan nila tayo panigurado."

Ngumuso ako habang nakatingin sa daang pinanggalingan namin kanina. For some
reason, pumasok sa isip ko si Badaf. Sumimangot ako kasi malamang sa malamang nag-
aalala yun kakahanap sa akin. Kanina pa nga lang na naiiwanan kami ng bahagya e
nag-aalburoto na siya. Paano pa kaya ngayon?

"Tyrone, mas mabuti pa siguro na maglakad nalang tayo hanggang sa marating natin
yung highway kaysa ang mag-stay tayo dito." Nilibot ko ulit ang mga mata ko sa
paligid. Bakit ba kasi walang mga bahay dito?

"Sige. Mas mabuti pa nga," sabi niya habang sinisimulan na ang paglalakad na madali
ko namang sinabayan. Bitbit ko yung body bag ko habang siya naman ay bitbit yung
back pack naming dalawa.

"Ako nalang kaya sa back pack ko, Tyrone?" Nakakahiya naman. Alam kong lean na yung
katawan niya pero mabigat pa rin kaya yung bag ko.

"'Di. Ayos lang," sagot niya nang nakatingin ng diretso sa daanan. "Dapat sinuot mo
nalang ulit yung rubber shoes mo."

Napatingin ako sa paanan ko. Nagpalit kasi ako ng sapatos into flip flops since
pauwi naman na.

"Bakit?"

Luminga-linga siya saglit bago niya ako binalingan. "Para in case na may humabol sa
atin dito, makakatakbo ka ng mabilis. Kapag kasi tsinelas, mapipigtas yan."
My initial reaction? I clung into his arm. "Tyrone naman!" Duwag pa naman ako sa
mga ganyan. Kung hahabulin man nga ako ng zombies, mas pipiliin kong magpakagat
nalang kaysa ang tumakbo ng mabilis. "Mabagal ako sa takbuhan. Ano ba!"

Ngumuso ako nang tumawa siya. Yung tawa pa naman niya, parang amused na amused siya
sa akin at hindi nabobother sa sitwasyon namin ngayon. "Joke lang. Nililibang lang
kita para hindi natin mamalayan yung haba ng nilalakad natin," nakangiting sabi
niya sa akin.

Natahimik nalang ako pagkatapos nun. Hindi ko na rin naalis sa braso niya ang kapit
ko. Kahit joke yun, napaparanoid pa rin ako. Pero hindi na rin masama 'to. Mas okay
na ito kaysa ang ako lang ang naiwan dito. Yun ang hindi ko kakayanin. Awtomatikong
pumasok sa isip ko si Badaf. What if siya ang kasama kong na-tsuck dito? Napaismid
nalang tuloy ako. Sus, for sure, talakan slash sisihan marathon ang magaganap sa
aming dalawa.

I could feel Tyrone's stare at me that made me feel conscious. "Bakit?" tanong ko
sa kanya.

"Kahit ano. Ikaw na ang bahala. Tahimik na kasi yung lugar, tapos tahimik pa tayong
dalawa."

Hmm. . . ano bang pwedeng ikwento ko? Wala namang interesting tungkol sa buhay ko.

"Magtanong ko nalang kasi, Tyrone. Palitan tayo ng taong at sagot," I suggested


with a smile. Tumango naman siya bilang pagsang-ayon. "Okay, let me start with. . .
hmm, of all courses, why Civil Engineering?"

Inayos niya muna yung strap ng back pack sa magkabila niyang balikat kaya bumitaw
na ako. Whoa, Misty. Napapasarap ka yata sa arms niya. "Civil Engineering kasi," he
paused for some seconds. "Engineer din si Papa. Namulat na ako sa mga ginagawa ng
isang civil engineer, so ito yung kinuha ko." Still on track, he tilted his head to
me. "Anong ideal guy mo?"

Kung may kinakain sana ako ay baka naibuga ko na sa pagkabigla ko. "Ang random
naman!" I laughed. Nawindang ako dun ah.

"Wala namang rules dito sa Q&A natin diba?"

Umiwas nalang ako ng tingin at nagfocus sa direksyon na tinatahak namin. In


fairness, napapansin ko na may mangila-ngilang bahay na kaming nadadaanan. "Ideal
guy? Sabi kasi ng Kuya Kurt ko, kahit anong set mo ng standard para sa ideal type
natin, mababalewala lang yun kung yung tadhana mismo ang kumilos para sa atin."
Idol ko kasi talaga si Kuya Kurt. Ewan ko, kahit na hindi siya nag-eexcel sa acads,
para sa akin may sense siyang kausap. Lahat may laman. Sana lang bumalik yung
dating siya. Haayyy.
"Kunsabagay, tama nga naman siya."

Nagkibit-balikat ako. "Pero since ideal guy ko ang tinatanong mo, ang gusto ko sana
ay sweet, honest, nice. . . hmm, basta yung typical boy next door. At dahil mahilig
ako sa anime, gusto ko talaga yung mala-anime character ang datingan." I paused to
think for another question to ask. "Hmm, unforgettable moment?"

Tumingala siya saglit, para bang may inaalala at saka siya tumingin sa akin. "Nung
grade 7 ako, bumagsak ako sa Math nung first grading."

Nanlaki ang mga mata ko. "Seriously?" Unbelievable!

"Oo nga," he chuckled. "Sinermonan ako ni Papa nun. Sabi niya, saan ba raw ako
nagmana e matalino naman daw siya sa Math. Ganun din si Mama, since Math teacher
siya sa Japan. Dun ako namotivate na tumutok sa subject na yun. Sabi ko, 'hindi na
ako babagsak dito'."

Napanganga nalang ako sa kinwento niya. Hindi ako makapaniwalang bumagsak din siya
sa Math. "Wow, akala ko, in born na yang pagiging Math monster mo."

"Kaya nga naaalala ko ang sarili ko sayo noon. Kung kinaya ko, mas kakayanin mo
rin. Gawin mong motivation yung pagbagsak mo."

Humalakhak ako. If only it would be that easy. "E nasa genes niyo na kasi yung
pagiging Mathematician. Gaya ng sabi mo, magaling ang parents mo sa Math. E sina
Mom at Dad, magaling lang sila manghula ng numero sa stock market. Tapos si Kuya
Kurt naman, magaling lang sa English."

Ginulo niya ang buhok kong medyo natutuyo na sa simoy ng hangin. "Inuunahan mo kasi
ng negativity e. Next question ko ay. . . anong first impression mo sa akin?"

Ngumiwi ako. Naloloka ako sa mga pinagtatanong niya ah. Kumbaga sa slam note, nasa
interests section ako tapos siya naman ay nasa love section na.

"First impression ko sayo?" I bit my lower lip to supress my smile. Shucks! Kung
alam mo lang kung anong first impression ko sa Tyrone. Sasabihin ko ba?

"O, ba't ngingiti ngiti ka dyan?" natatawang tanong niya sa akin.

I wrinkled my nose at him. "Baka kasi matawa ka sa sasabihin ko," sabi ko sa kanya.
Umiling naman siya ng mabilis. "Promise?"

"Promise," tinaas pa niya ang kanang kamay niya.

Huminga ako ng malalim para bumwelo. Besides, this is so four months ago pa. At isa
pa, iba na yung gusto ko. Well, may crush pa rin naman ako kay Tyrone hanggang
ngayon pero dahil lang yun sa pagiging matalino niya. I admire him for being so
witty at Math. Yun nalang yun. Yun na nga lang ba?

Tumikhim muna ako bago tumingin sa paanan ko. "Nung una kitang nakita, para kang si
Mikorin kasi--"

"Pula ang buhok ko?"

Natawa siya kaya natawa na rin ako. Hindi na ako magtataka kung kilala niya si
Mikorin. Parehas kaming mahilig sa anime. Isa rin yun sa nagpa-amused sa akin sa
kanya.

I was puzzled when he wouldn't stop laughing na para bang may nasabi akong kakaiba.
"Huy, Tyrone--"

"Natatawa lang ako kasi nung una kitang nakita, pumasok agad sa isip ko si Kaga
Kouko ng--"

"Golden Time!" putol ko sa kanya. Tinitigan ko si Tyrone. Nakakatuwa lang kasi


hindi lang labi niya ang ngumingiti pati na rin ang mga mata niya. "Grabe naman,
Tyrone. Hindi naman ako liberated katulad ni Kaga Kouko."

"Hindi rin naman ako babaero katulad ni Mikorin," he replied with a laugh.

Natahimik kami saglit, pero hindi naalis ang mga ngiti sa labi namin. Patuloy lang
kami sa paglalakad. Hinahayaan ang mga paa namin kung saan kami dadalhin.

"Ang galing naman ng pagkakataon," sabi ni Tyrone. "Una kitang nakita nung first
day of class. Nakaupo kang mag-isa sa may sahig ng corridor. Nagbabasa ka nun ng
Manga. Dun pa lang, nakuha mo na ang atensyon ko."

Laglag ang panga ko sa sinabi niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Yun din yung unang
beses na nakita siya. "Seryoso? Yun din yung araw na una kitang nakita. I will
never forget what you did there!"

He laughed out loud. "Yung butiki kasi," sabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero
kinikilig ako sa nalaman ko. Ibig sabihin, he knew from the start?! AAAHH!

"Mahilig ka sa butiki?"

"Mahilig akong kumuha ng litrato ng mga insekto," depensa niya. Napakagat nalang
ako ulit sa ibabang labi ko. Hindi ako makapaniwalang napansin niya pala ako noon.
Oh my gosh! What a revelation!
Unti-unting bumabagal ang lakad niya kaya naman ganun din ako. Buong akala ko ay
napapagod na siya at gusto nang magpahinga pero mali ako. He faced me with a
charming smile plastered on his face and said to me, "Nagkakalabuan na kami nun ni
Reishel. Nung mga panahong yun, lagi kitang nakikita. Hindi lang ako makapaniwala
na napansin mo na pala ako. Patingin-tingin lang ako sayo mula sa malayo e."

Napalunok ako. Teka. Kailangan ko ng hangin! Hindi ako makahinga ng maayos.

"Oh. . ."

Nahigit ko ang hininga ko nang kinuha ni Tyrone ang kamay ko. Nasa gitna kami nun
ng tahimik na kalsada. Madilim pero dahil sa liwanag na nanggagalings sa buwa ay
nakikita ko ang maaliwalas na mukha ni Tyrone.

"Misty---"

"MISTY!" sigaw ng kung sino mula sa kaliwang direksyon namin kasabay nang
pagsalubong ng nakakasilaw ng ilaw mula sa isang. . . bus. Nagtakip ako ng bahagya
ng mga mata ko dahil sa liwanag. Hindi ko pa man nauulinagan kung sino ang sumigaw
ay napabitaw na ako sa kamay ni Tyrone. "Nandito lang pala kayo!"

At nakumpirma kong si Badaf iyon nang imbes na papasukin niya ako sa bus ay hinila
niya ako sa kotseng nasa likod ng bus 4. What the. . . paanong nandito ang driver
ni Badaf?

"Badaf, dapat sa bus tayo--" sabi ko nang makasakay na sa backseat pero imbes na
sagutin ako ay sumakay lang siya't padabog na binagsak ang pinto ng kotse.

"Manong, diretso na tayo pa-Maynila," deklara niya. Wala na akong nagawa kundi ang
habulin ng tingin ang bus na sinakyan namin kanina. Hindi man lang ako
nakapagpaalam kay Tyrone.

***

From: Tyrone

Ayos lang, Misty. Ok na ring di ka sumabay sa bus. Sesermonan ka lang dito. Di lang
pala tayo yung naiwan. Meron din pala sa ibang bus. Nandun pa nga sila sa lawa.
Haha

Napanguso nalang ako sa reply ni Tyrone. Tinext ko kasi siya ng; 'Sorry, I wasn't
able to bid goodbye to you. Hinila kasi ako ni Badaf.' And that was his reply.
Naguguilty tuloy ako. Did I just ruin his birthday?

Tinignan ko si Badaf sa tabi ko. Kanina pa siya nakatulala sa bintana. Hindi niya
ako iniimik. Ni hindi niya man lang ako sinusulyapan. Tahimik lang siyang nakikinig
ng music sa earpods niya.

"Badaf," tawag ko sa kanya. Bumuntong-hininga ako. Nakaramdam ako ng pagkailang.


"Galit ka ba sa akin?" tanong ko kahit na walang kasiguraduhan kong naririnig niya
ako.

Nakita ko ang paggalaw ng panga niya. Alam kong galit na siya 'pag ganyan. Mas
pinili ko nalang ang manahimik kaysa ang salubungin ang galit niya.

I wanted to thank heavens when we finally reached our house. Ang driver ang
nagbukas ng pinto para sa akin. Akala ko nga ay hindi na ako papansinin ni Badaf
nang makalabas na ako pero mali ako.

"O, magpahinga ka na." Sabi niya nang iabot sa akin ang backpack ko.

Kinuha ko iyon mula sa kanya at. . . "Badaf--"

"Tama ka. Wala akong karapatan sa'yo. Bestfriend lang naman kita. Ano nga lang ba
ako sa paningin mo? Isa lang naman akong bakla." Nag-iigiting ang mga panga niya
habang sinasabi yun. Tila parang nag-aapoy din ang mga mata niyang hindi makatitig
sa akin. "Sorry for being so protective of you. Mahalaga ka lang naman kasi sa
akin, Misty."

Nangingilid na ang mga luha ko. Para bang sinasaksak ako ng konsensya sa pagiging
maldita sa kanya kanina. This is because of what I said to him earlier right?

"France, 'wag ka namang ganyan," nanginginig ang mga labi ko. Anytime ang babagsak
na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Ayoko lang namang mag-away tayo.
Nagsosorry na ako sayo kanina pero ang grumpy mo pa rin sa akin," paliwanag ko.

Bumuga siya sa hangin, parang pinipigilan ang inis. "Kaya nga. Ako lang naman yung
gumagawa ng away sa ating dal'wa. I can't even understand myself. Ang mabuti pa nga
siguro, lumayo muna ako sayo."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Umatras siya ng hakbang
nang akmang hahawakan ko siya. "Badaf, wala namang ganyanan. 'Wag OA! Magbati
nalang tayo, please?"

"Misty, hindi mo kasi magegets 'to kasi pati sarili ko hindi ko na rin magets e,"
he sighed loudly. "Malapit na ang finals. Dun nalang muna tayo magfocus."

"Badaf. . ."

"Goodnight," sabi niya at tuluyan na akong tinalikuran. Pinagmasdan ko ang pag-alis


ng kotseng sinasakyan niya kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko. Padaskol kong
pinahid ang mga luha sa pisngi ko.
Nakakainis! Hindi naman kami pero parang sa ginawa niya ay nakipagbreak siya sa
akin.

11PM na pero gising pa rin ang buong diwa ko. Para sa akin, napakahabang araw
nitong pinagdaanan ko. Hindi ko masasabing masaya, hindi ko rin naman masasabing
malungkot. Pero sa huling nangyari, nakakawasak ng puso.

"Ano bang problema mo? Sobrang babaw naman kung dahil lang sa hindi ikaw yung ka-
buddy ko kanina, papalayuin mo ako? OA, super!" Kinakausap ko yung picture naming
dalawa sa phone ko. Kainis! Para siyang babae. Sa aming dalawa, siya ang moody.

"Hindi, Misty. Nabadtrip lang siya kasi nawala ka kanina. Bukas, balik na ulit kayo
sa dati!" sabi ko sa sarili at agad na tumango. "Tama! Alam mo naman yun, may
pagka-short tempered yun kaya lang niya yun nasabi."

Ngumiti ako sa sarili. Think positive, Misty girl! Yun lang yun. Bukod sa nabadtrip
ay malamang napagod lang siguro siya kaya niya iyon nasabi.

At dahil hindi pa rin ako dinadalaw ng antok ay kinonekta ko nalang ang phone ko sa
wifi. In-upload ko kaagad ang mga photos namin ni Tyrone at saka siya tinag. I was
waiting for the photos to completely upload when I decided to check on my newsfeed.
Napatigil ako sa pagscroll sa dalawang magkasunod na status na nabasa ko.

France Zion Madrigal

5 hours ago

Kailangan ko na bang sabihin?

Tyrone John Saavedra

3 hours ago

Nasabi ko na. Hindi ko nga lang pinarinig. :)

-Yhel's note: May meet up po ako sa Quezon City Circle on Sunday (Nov. 8, 2015) 2pm
onwards. Welcome po ang lahat basta reader kita. :) For more deets, just join
Yhel's stories group on facebook.

=================

31. What Was That?


Chapter 31

Lumipas ang isang Linggo nang hindi ako kinakausap ni France. Hindi naman sa
iniisnab niya ako, it's just that he acts civil towards me. Yung parang purely
classmates lang kami. He would just talk to me if necessary. Hindi ako sanay na
ganyan siya sa akin. Inaamin ko, nakakamiss siyang kasama.

Kung minsan nga ay gusto ko sana siyang lapitan na. Gusto ko siyang kausapin kung
bakit ba siya nagkakaganyan, kaso nauunahan ako ng kaba. What if he would just
ignore me? Ayoko ng ganun. Baka mas lalo lang akong masaktan. Nasasaktan na nga ako
sa pag-iwas niya sa akin, baka madurog na ako kapag sa pagkausap ko sa kanya ay
ituring niya lang akong isang stranger.

Saturday na. Buong week kaming puspusan sa discussions sa lahat ng subjects namin.
Kunsabagay, next week na ang final exams. Pinipilit ko ngang i-focus ang sarili ko
sa finals kaysa ang alalahanin si Badaf e. Yun naman ang gusto niya, hindi ba? He
told me to get focus on finals.

Actually, kanina pa nga ako nagrereview dito. NSTP at ENDEV ang natapos ko nang
reviewhin. Siguro, bukas nalang yung sa Math. Speaking of, Math. . .

"Tsk, kailangan ko nga palang itext si Tyrone." Inabot ko yung phone ko na


nakapatong sa study table at nagcompose agad ng message para sa kanya.

To: Tyrone

Hi, Tyrone. Free ka ba bukas? Gusto ko sanang i-tutor mo ako sa Math.

Wala pang isang minuto nang magreply siya.

From: Tyrone

Sige, pero anong oras? :)

Bumaling ako sa handouts ng Math na nasa study table. Medyo makapal iyon kasi
lessons yun simula pa ng prelims to finals. Hala, cover to cover nga pala ang exams
namin dun.

To: Tyrone

Free ka ba ng buong araw? Mejo mahaba kasi yung scope ng exam. Cover to cover. :<
Yung usual na mabilis niyang reply ay umabot ng halos limang minuto. Napaisip tuloy
ako. Geez, Misty. Baka hindi siya pwede ng Sunday?

From: Tyrone

Di ako pwede ng Sunday morning e. 9am-12nn yung service namin sa Church.

Ngumuso ako. Kung ganun, half-day lang kami bukas. Sayang, dapat ngayon nalang pala
ako nagpatutor sa kanya. Magrereply sana ako sa kanya nang may mareceive na naman
akong message.

From: Tyrone

Invite nalang kita sa church namin. Tapos pagkatapos nun, diretso na tayong review.
Free na ako kahit abutin tayo ng gabi. Ok lang ba? :)

Hindi ko alam kung ba't napangiti nalang ako sa message niya. Wala lang. Siguro
kasi, natuwa ako dahil may ganitong side pala si Tyrone. Nirereserve niya ang araw
ng Linggo para sa Church. He's such a nice guy.

To: Tyrone

Sure. Sama ako. :)

***

Kinabukasan, nagising ako ng quarter to 8 ang digital clock ko. Nag-ayos na rin ako
ng sarili para sa pagdating ni Tyrone ay hindi niya ako hihintayin sa labas.
Naloloka ako sa sarili ko. Ba't parang excited ako ngayong araw? Ahh, siguro kasi,
buong week din akong aloof sa mga tao. Wala e, nawalan kasi ako ng kaibigan. Let me
rephrase it; mga kaibigan. Sab and Eunice would go with Badaf. Kaya nagiging loner
ang peg ko. Ayos lang naman yun, since naging busy din ako sa lectures. I should
focus on finals muna before everything else.

Pinagmasdan ko ang aking sarili sa full length mirror sa loob ng walk-in closet ko.
Simple lang ang sinuot ko since magsisimba lang naman kami. Isang knee-length beige
na dress at puting flats at hinayaang nakalugay ang mahaba kong buhok. Ngumiti ako
sa reflection ko. "Okay na siguro 'to," bulong ko sa sarili bago ako nakarinig ng
katok sa pinto ng kwarto ko.

"Miss Misty, nandyan na po ang bisita niyo."

Kinuha ko kaagad ang puti kong leather back pack at saka ako lumabas na ng kwarto.
I made sure that I brought the stuffs I need kaya itong back pack ang gamit ko.
Pagdating ko sa living room, naabutan kong sumisimsim sa juice si Tyrone. He placed
it back on the center table when he noticed my presence.

"Hi, Tyrone."

Tumayo siya. Nakasuot siya ng denim pants at white v-neck shirt na pinatungan ng
blue cardigan at sinamahan pa ng sneakers para sa sapatos niya. He's looking good
today. . . ay, mali. He's looking better pala. Mas lalo siyang gumwapo sa porma
niya ngayon.

Nginitian niya ako. "Good morning, Misty. Dala mo ba ang notes at handouts mo?"

"Yep. Ayos na. Dala ko na lahat."

Tumuro siya sa likurang direksyon ko. "Kung ganun, sinong kasama mo dito para
ipaalam kita. Nandito ba ang Daddy mo?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko para magpigil ng ngiti. Napaka-nice guy naman ni
Tyrone. Parang nakakaintimidate kasama. Parang pakiramdam ko, kapag siya ang kasama
ko, bawal akong magpasaway. "Wala si Dad dito. Nagbobowling kasi yun tuwing Sunday.
Don't worry, alam niya naman 'to. So, tara?"

He smiled back at me. "Okay lang ba magcommute tayo?"

"Oo naman!"

Sa byahe papunta sa church, nagkwentuhan lang kami ni Tyrone. Sumakay kami ng jeep
since sabi niya malapit lang naman daw iyon sa subdivision namin. Wala pang
kalahating oras ay bumaba na kami ng jeep. Nagtaka ako nang tumapat kami sa
isang. . . Born Again Christian Church.

Napanguso tuloy ako. Akala ko kasi, Catholic Church ang pupuntahan namin. "Tara?"
yaya niya sa akin.

Dumiretso siya sa entrance pero hindi ako kumilos. Nang mapansin niya ako, saka
niya lang ako nilingon. "Misty," yaya niya ulit sa akin.

Ngumiwi ako. Rinig na rinig ko yung tugtugan mula sa loob. "Pwede ba ako dyan?"
mahinang tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya habang nilalapitan ako ulit.
"Katoliko kasi ako, Tyrone. Nakakahiya naman. Baka isipin nila outsider ako."

"Oo naman. Bakit naman hindi?"

"Eehh—"
"Welcome dito ang lahat," putol niya sa akin. Nilahad niya ang kamay niya sa
harapan ko habang ginagalaw-galaw ang kilay niya sa akin. "Sisiguraduhin kong
maeenjoy mo dito. Don't worry, nasa tabi mo lang ako. Tara?"

Kahit kumakalabog ang puso ko sa kaba ay hinawakan ko ang kamay niya't hinayaang
magpatangay sa kanya. Waaah! First time kong makapasok sa ganito!

Para akong isang ignorante nang makatapak na ako sa loob ng church nila. May
pinirmahan kaming logbook bago tuluyang makapasok sa loob. Ay, hindi pa pala. Bawat
taong makakasalubong namin ay kinakamayan ako.

"Tyrone, kasama mo?" sabi nung isang babaeng matanda.

"Opo, Tita."

Nabigla ako nang kunin nung babae ang kamay ko at hinila ako para ibeso. "Welcome,
hija." Napangiti nalang ako. Ganito ba talaga dito?

Pumwesto kami ni Tyrone sa bandang likuran. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng lugar.


Hindi naman malaki, at hindi rin maliit. Siguro ay sakto lang sa kanila. May band
set pa na nakapwesto sa mini stage nila. Full-blast din ang air-con kaya
nakakadagdag iyon sa kaba ko.

Siniko ko si Tyrone at lumapit sa tenga niya para bumulong. "Kinakabahan ako."

He chuckled. "Mababait ang mga tao dito. 'Wag kang kabahan. Oh, magsisimula na
pala."

Tumayo ako gaya ng ginawa ng iba. Yumuko ako nang may mag-lead ng prayer sa
harapan, pero kumunot ang noo ko nang marinig kong pamilyar yung boses ng babae.
Pagtingin ko sa harapan, I was surprised to see Reishel solemnly leading a prayer.

"Churchmate mo pala si Reishel?" tanong ko kay Tyrone nang matapos na ang dasal.
Right away, nagsimulang tumugtog ang banda sa harapan.

He nodded with a small smile on his lips. "Oo, simula pa nung high school. Pati si
Eunice kaso mukhang wala siya dito ngayon." Oh, maybe that's the reason why he
finds it hard to move on from her. Walang araw pala silang hindi nagkikita.

I shrugged it off and enjoyed the Christian songs played by the band. May alam din
naman akong kanta dahil napapakinggan ko yun nung high school pa lang kami. Minsan
ay napapa-mild head tilt ako kasabay sa tugtog habang pumapalakpak. Kung minsan ay
tinitignan ako ni Tyrone para siguro i-check ako.

Mayamaya lang ay may napansin akong lalaking lumapit sa kanya at may ibinulong.
Nagtaka ako nang makitang kumunot ang noo ni Tyrone. The guy immediately dozed off.
Si Tyrone naman ay bumaling sa akin. "Misty, ayos lang ba kung iiwan kita saglit
dito?"

"Bakit?"

Inayos niya ang buhok niyang naka-wax bago huminga ng malalim. "Gusto kasi ng youth
na tumugtog ako ngayon. Isang kanta lang naman. Ayos lang ba?"

Mabilis akong tumango. Yun lang naman pala, akala ko kung ano na! "Walang problema
sa akin. Go lang," with thumbs up.

Umalis agad si Tyrone at pumunta sa harapan. Pagkatapos ng tinutugtog ng banda ay


sumalang si Tyrone sa acoustic guitar. Ngumiti ako nang mapansin hinanap niya ako
ng mga mata niya. This is. . . unbelievable. Bakit parang kinikiliti ako sa ngiti
niya?

Nagsimula na siyang mag-strum ng gitara. Mas lalo siyang umaastig sa paningin ko


tuwing nag-gigitara siya. Dumagdag pa sa pagiging cool niya ang pagiging God-
fearing niya. He's an almost perfect man.

This is my desire

To honor you

Lord with all my heart

I worship You

Kahit hindi ko alam ang kantang tinutugtog niya ay ramdam na ramdam ko 'yong
emosyon sa bawat pagsambit niya ng lyrics. Pumikit ako kasabay ng pagtaas ng kamay
ng ibang tao. But whe I felt somebody stepped beside me, I couldn't help but open
my eyes.

"Hi, Misty. Nandito ka pala." Si Reishel.

Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya. "Ah, oo. Ininvite ako ni Tyrone."

"Kayo na ba?"

Naningkit ang mga mata ko sa tanong niya. Nakakabigla naman kasi. Nasa gitna ng
worshipping ay naitanong niya iyon. "Hindi ah."

She grinned in relief. "Good," sabi niya bago umalis nang walang paalam. Nagtaka
ako. What did she mean by that?
***

Gaya ng napag-usapan ay nagreview na kami ni Tyrone. Sa isang coffee shop kami


pumwesto ni Tyrone gaya ng nakagawian namin noon. Wala namang masyadong nangyari.
Basta tinuruan niya lang ako. Hindi kagaya noon, hindi na ako masyadong nahihirapan
sa lessons. Siguro kasi, parang nirere-cap nalang namin ang prelims at midterms.

"So, okay na, Misty?" tanong sa akin ni Tyrone nung naglalakad na kami papasok ng
subdivision namin. 6:30 na at I must say, naging productive naman ang araw ko.
Nakapagsimba na, nakapagreview pa ako sa Math.

"Yes. Nagets ko na lahat except dun sa finals."

Magkasabay kami sa paglalakad. Mabagal at maliliit ang hakbang naming dalawa. "Ayos
lang. Kailan ba ang Math exam mo?"

"Tuesday," sagot ko.

"Anong oras free time mo bukas? Hapon pa ang exams ko. Gabi na ang free time ko."

Ngumuso ako. "How about tomorrow morning?"

"Sure. 9am hanggang lunch?" suggest niya at mabilis naman akong tumango.

Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay namin. Humarap ako kay
Tyrone na hindi maalis ang ngiti sa labi. "Thanks for today, Tyrone. Nag-enjoy
ako."

"Wala 'yon. Buti na-enjoy mo."

"Oo naman. Warm ang pagwelcome niyo sa akin."

Nagpamulsa siya bago at tinitigan ako sa mga mata. "Sana may next time pa, Misty.
Yung pagkatapos ng service, papasyal tayo tapos kakain sa labas. Sagot ko."

I held my breath for a second on what he said. Did he mean 'date'? Teka, parang
kiniliti na naman ako sa ngiti niya.

"S-sige," sagot ko nalang. Wala namang masama dun. Besides, mabait siya. Sa
katunayan, napasaya niya ako kahit na malungkot ako ngayon.

"Talaga?" He said and I nodded. "Good," sabi niya at awtomatikong naalala ko yung
sinabi ni Reishel kanina. Yun ang sinabi niya sa akin nang sagutin ko ang
nakakaloka niyang tanong.

"Tyrone, nga pala, may tinanong sa akin si Reishel--"

Napatigil ako nang itaas niya ang kamay niya. "Misty, ilang buwan nang walang
Reishel sa buhay ko. Sanay na ako. Kaya sana, huwag na natin siyang pag-usapan."
Huminga siya ng malalim bago ngumiti ng tipid. "Sorry, Misty."

Yumuko ako. Nahiya tuloy ako sa sinabi ko. "Sorry din, Tyrone."

"Okay lang. Wala 'yon. Pwedeng favor?"

"Ha?"

He showed me his pointing finger. "Isang pabor lang," sabi niya.

"Sige, ano ba 'yon?"

Nabigla ako nang balutin niya ako sa mga bisig niya. Sa pagkabigla ko ay nanigas
ang buong katawan ko. He's hugging me!! Oh my! Para tuloy akong pinagpapawisan ng
malamig.

"T...Tyrone—"

"May gusto lang akong siguraduhin," bulong niya bago bumitaw sa akin at humakbang
paatras. "At ngayon, sigurado na ako."

Tumaas ang kilay ko. Wala kasi akong maintindihan sa sinasabi niya. "Ano ba 'yon?"

Umatras ulit siya habang ngiting-ngiti. "'Wag mo munang isipin 'yon. Sa University
week nalang," sabi niya bago kumaway sa akin. "Pumasok ka na, Misty. Goodnight."

Para akong robot na pumasok sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kwarto at nahiga sa
kama. Ayokong mag-assume. Ayaw na ayaw ko nang mag-isip ng kung ano-ano. Ginulo ko
ang buhok ko. "AAARGH! Misty, wala lang 'yon, okay? Wala! Wala! WALA!"

Habol-habol ko ang hininga ko sa nangyari kanina. Hindi ko maiwasan na hindi isipin


na. . . may gusto sa akin si Tyrone. Lahat ng bagay na ginagawa niya sa akin ay
kakaiba. Normal pa rin ba 'yon sa kanya? Sheez. "Misty, wala lang 'yon!"

Halos mapatalon ako sa kama sa pagkagulat nang tuloy-tuloy na notification sounds


ang narinig ko sa phone ko. Automatic nga pala kasing nagcoconnect sa wifi ang
phone ko tuwing uuwi ako. Tuloy-tuloy na notifs at messages tuloy ang bumungad sa
akin pagkatingin ko sa screen.

But one notification caught my attention. . .

'Tyrone John Saavedra tagged you in a post.'

Picture ko habang nagsasagot ako ng binigay niyang problem habang nasa coffeeshop
kami kanina.

Caption is; 'Salamat sa araw na ito, Misty. Natutuwa ako dahil nag-enjoy kang
kasama ako. Goodluck sa exams. :)'

Nakangiti lang ako habang nagtatype ng reply sa kanya nang biglang may magpop na
panibagong notifs sa screen ng phone ko.

'Sabrina Perez mentioned you in a comment.'

"Si Sab?" taas kilay na sambit ko. Iniwan ko muna ang post ni Tyrone at tinap 'yong
kay Sab. Nagtaka ako dahil napadpad ako sa isang post sa 'The E.H.U Confession'.

The E.H.U Confession

10 minutes ago

Tinuwid niya ang baluktot na ako. :<

BA-Mgt 20**-**

Czechoslovakla

122 Comments:

Eunice Mei Vergara

Kyaah! Mukhang kilala ko 'to!

Replies: France Zion Madrigal: Gaga! 'Di mo yan kilala.

Eunice Mei Vergara: I knew it! GUILTY!


Sabrina Perez

Misty Kirsten Lee

Napakurap ako sa nabasa ko. Hindi pa ako nakuntento at nirefresh ko pa ang page
kaso sa pagrefresh ko, page not available na. What was that?

=================

32. Badtrip

Chapter 32

"Tama! Mukhang klaro na sa'yo itong lesson," ani Tyrone.

Monday na, at ngayon ang unang araw ng final exam ngayong semester. Pumasok ako ng
9:30am dahil iyon ang napag-usapan namin ni Tyrone. Mahigit dalawang oras na rin
kaming nagrereview dito sa picnic section at masasabi kong confident na ako para
mamaya sa exam sa Math.

"Kinakabahan pa rin ako, Tyrone." Ngumuso ako habang pinapanuod siyang mag-check ng
sinagutan kong equation. Kunot niya akong tinignan at pagkatapos ay isinarado ang
note ko.

"Bakit naman? Kuhang-kuha mo na nga ang steps o. Meron pa bang problem na


naguguluhan ka?"

Umiling ako nang nakangiti. Nakakatuwa si Tyrone kasi sobrang patient siya sa
pagtuturo sa akin. Kung iba siguro ang natapat na Math tutor ko ay baka nilayasan
na ako. Sa slow ko sa Math na 'to? Siya lang siguro ang magtitiyaga.

"Wala na. Kaso alam mo na, si Sir kasi, kapag nagpaexam ay parang nagma-magic.
Hindi lumalabas sa exam niya ang mga diniscuss niya."

Tumawa lang siya at pagkatapos ay tinitigan ako sa mga mata. Napalunok tuloy ako ng
bongga dahil para niya akong hinihigop palapit sa kanya. "Alam mo, Misty, kadalasan
yan talaga ang sinasabi nating mga estudyante. Yung tipong hindi lumalabas sa exam
ang itinuturo ng professor?" Isinandal niya ang kanyang dalawang braso sa mesa at
saka niya pinatong ang kanyang mukha doon. "Common misconception lang yan. Ang
totoo nyan, sinusubukan lang tayo ng mga professor kung talaga bang naintindihan
natin lahat ng itinuturo nila. Na kapag kahit bali-baligtarin nila ang tanong ay
hindi ka maguguluhan. Analyzation lang 'yan," sabay turo niya sa kanyang sentido.

Napangiti nalang ako sa sagot niya. Words coming from him are really motivational.
Parang sa bawat payo niya ay dapat kong sundin. Nakakabilib talaga ang lalaking
ito. "Salamat sa motivation, Tyrone. Tanong ko lang, may balak ka bang maging
professor? Bagay sayo e."

Natawa lang siya habang kumukuha ng chips na nakahain sa lamesa. "Wala. Iisa lang
naman ang tingin kong bagay sa akin e."

"Ano?" pagtataka ko.

Umiling lang siya at pagkatapos ay ngumiti ng nakakaloko. "Ano? Hindi ah. Baka
'sino?'."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Simula pa nung outbound tour ay ito ang
napapansin ko sa kanya. Nagpapalipad hangin ba siya sa akin? Iniisip ko pa lang
iyon ay nag-iinit na ang buong mukha ko. Stop assuming, Misty. It won't help.

I heard his soft chuckle before he cleaned up the food we ate over the table.
"Ihahatid na nga kita sa room niyo. Baka kung ano pang masabi ko sa'yo."

Sheez! Anong sasabihin niya sa akin? Teka. Bakit ba ganito ang mga tao sa paligid
ko lately? Magpaparamdam pero hindi pinaninindigan? Naalala ko tuloy yung nabasa
kong post kagabi sa E.H.U Confession. Kung 'di sana ako tinag duon ni Sab ay hindi
ako mabobother ng ganito. Si France ba talaga ang nagpapost no'n?

"Hmm, dito ba kayo?"

Hindi ko na namalayan na nasa third floor na pala kami ng college building namin.
Napansin kong mali iyong hinintuan ni Tyrone na room kaya umiling ako't dumiretso
sa sumunod na roon. Sumilip ako sa glass windows. May mangilan-ngilan na kaming
classmates ang nandun pero wala pa si Prof.

Bumaling ako kay Tyrone nang may ngiti sa labi. Just for a week, Misty, final exams
muna ang dapat na nasa utak mo at wala nang iba. Period.

"Dito na ako, Tyrone. Salamat sa pagtuturo at. . . err, paghatid." Natawa nalang
ako kasi medyo naging awkward yung feeling na nararamdaman ko.

"Wala 'yon. Uh, Misty."

"Hmm?"

Ngumiti siya at saka niya ipinatong ang kanyang palad sa ulo ko. Nagtataka man pero
napakagat nalang ako sa labi ko. Pinagtitinginan kasi kami ng iba kong classmates
na pumapasok at lumalabas sa room. "God bless. Kaya mo 'yan," sabay tap niya sa ulo
ko.

Nung inalis niya ang kanyang kamay sa ulo ko ay tinignan ko siya nang makahulugan.
"Bakit parang kinakabahan ka rin?" Totoo naman kasi. Hindi naman siya ganito noong
midterms.

"Hindi ah," he answered with a smile. "Basta kapag maganda ang grade mo ngayon sa
finals, may regalo ako sayo."

Namilog ang mga mata ko sa excitement. "Sa akin?" I love surprises!

"Oo. Para mamotivate ka. Sige na, pumasok ka na sa loob. Reviewhin mo ulit lahat ng
pinag-aralan natin," sabi niya at saka tumango.

Ngumiti lang ako pabalik at humarap na sa pinto nang. . .

"Misty, saglit."

Bigla ko siyang nilingon sa pagtawag niya sa akin. Naabutan ko pa siyang kumakamot


sa batok at parang nag-aalinlangan. . . o baka naman nahihiya? Whatever it is, I
find him so cute.

"Bakit, Tyrone?"

Ibubuka sana niya ang kanyang bibig nang biglang may dumaan- "Excuse me nga!" -sa
pagitan naming dalawa. Sinundan ko ng tingin ang talipandas na iyon! Yung kaklase
ko palang nagngangalang France Zion Madrigal.

Nakita ko pang nilingon niya ako nang makapasok na siya. Inirapan niya lang ako
kaya naman iniwasan ko na rin siya ng tingin. Ano bang problema niya?!

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Pabayaan mo nalang ang
baklang iyon, Misty.

"Si France pala 'yon," biglang sambit ni Tyrone kaya tinignan ko siya. Nakita kong
umiiling siya at para bang may kung anong tumatakbo sa isip niya.

"Hayaan mo na siya. Epal yun e. Nga pala, ano ba yung sasabihin mo?"

Inayos niya muna ang strap ng backpack niya at saka nagkibit-balikat. "Nakalimutan
ko na yung sasabihin ko. Siguro, next week nalang, Misty. Pagbutihan muna natin
yung finals natin," at saka siya kumaway at pumihit paalis.

Dun pa lang, nahihiwagaan na ako kay Tyrone. Dumadagdag siya sa iniisip ko lately.
Pero gaya nga ng sabi niya ay ito munang finals ang atupagin ko. Aja, ipapasa ko
ang MAFU 1!

Pumasok na ako sa room with high spirit. Inilibot ko ang tingin ko sa classroom
para maghanap ng mapupwestuhan nang makita kong kumaway sa akin si Eunice.

"Over here, Misty!"

Tumango ako sa kanya bago siya nilapitan. Umupo ako sa upuang inooffer niya sa
akin. "Salamat sa pagreserve," sabi ko sa kanya.

Imbes na sagot niya ang marinig ko ay narinig ko ang malakas at mariin na pagtikhim
ng kung sinumang nasa kaliwa ko. Awtomatikong tumaas ang isa kong kilay nang makita
kong padabog na umupo dun si France.

At talagang magkatabi kami ah? Tinignan ko si Eunice at ang kakaupo pa lang na si


Sab. Kitang-kita ko na nagkakatuwaan pa ang dalawa't pasimpleng nag-high five sa
isa't-isa. Tsk! Sa isang Linggong iniwasan ako ng baklang ito, ngayon pa lang kami
ulit nagtabi ng ganito.

"Misty, tawag ka ni Tyrone!" sigaw ni Sab. Nakaturo siya sa glass windows kaya
bumaling ako dun. Badtrip lang dahil sa pagbaling ko ay nadaanan pa ng tingin ko si
Badaf dahil na tabi siya ng bintana.

Nagkibit-balikat nalang ako't dinungaw si Tyrone dun. He was waving his hand on me
before he formed his hand into a fist. Parang sinasabing 'fighting!' bago ito
umalis na nang tuluyan.

Ngumiti lang ako at ginaya ang ginawa niyang fighting gesture. "Akala ko, umalis na
siya. Hindi pa pala. Ang sweet talaga."

"Uy, ha! Iba na 'yan, Misty." Narinig kong asar sa akin ni Eunice. Bumaling nalang
ako sa notes ko nang nakangiti. I can't deny the fact na kinilig ako kay Tyrone.
"Tss."

Nagtaka ako nang padabog na isinara ni France ang kanyang notes at may kung anong
binulong sa sarili na hindi ko narinig bago lumabas ng room. Nagkatingin tuloy kami
nina Sab at Eunice na parehas ding clueless sa mood nito.

Or was it just me?

"Lagot ka," sabay na sabi nina Eunice at Sab sa akin na siyang ikinakaba ng dibdib
ko. Hala, anong ginawa ko?

***

Natapos ang exam sa Math nang matiwasay. 'Di tulad noon na sa paglabas ng room ay
bothered ako sa isinagot ko, ngayon naman ay confident akong tama ang isinagot ko.
Lahat nang pinag-aralan namin ni Tyrone ay nasa exam. I've never been this so sure
before!

Palabas na ako ng building nun nang may tumawag sa akin.

"Misty!"

Paglingon ko ay si Eunice pala. Humihingal pang hinabol ako. "Uy, Eunice. Bakit?"

"Wala naman. May kasama ka ba?"

"Wala. Bakit?" sagot ko at timing pang nagvibrate ang phone sa bulsa ko. "Excuse
lang," sabi ko at binasa yung sms na nareceive ko. Si Tyrone ang nagtext.

From: Tyrone

Misty, late lunch tayo pagtapos ng exam mo? :)

Napangiwi nalang ako nang maramdaman kong nakikibasa ng text si Eunice sa phone ko.
"Sabay pala kami ni Tyrone maglalunch. Bakit pala, Eunice?"

Magcocompose sana ako ng reply for Tyrone nang kumapit sa braso ko si Eunice. "'To
naman! Sabay na tayo maglunch. Treat ko, Misty. I missed you already. 'Di na tayo
nag-uusap."

Kunsabagay, tama siya. It's been a week nang mag-usap kami. Actually, right after
ng outboud tour ay aloof na ako. Kay France kasi siya sumasama.
I sighed, giving in. Nagreply ako kay Tyrone ng; 'I can't. Bukas nalang. :)' bago
ko binalingan si Eunice at saka tumango. "Sige na nga. Saan ba?"

SA East Town Center niya ako dinala. Dun sa Coffeeshop kung saan tinututor ako
usually ni Tyrone. Hindi ko alam na nag-ooffer din sila ng lunch dito. Gusto ko pa
namang mag-rice dahil naubusan ako ng energy sa Math.

Si Eunice ang nag-order para sa aming dalawa. Pumwesto kami sa gilid katabi ng
glass wall. Nang makabalik na mula sa counter si Eunice ay ngiting-ngiti siya. I'm
starting to find her weird na tuloy. Is there something going on with her?

"Misty!" Hinampas niya ako sa balikat kahit na magkaharapan kami sa mesa. "Ikaw ha.
Sinama ka pala sa church ni TJ. How was it?"

Imbes na sagutin ang tanong niya ay napanguso ako. "How did you know?" Ang bilis
naman ng chismis!

"Wala lang. I didn't get to attend the service yesterday kasi natanghali ako ng
gising. Alam mo na, puspusan sa review. Nalaman ko lang nung chinika sa akin nung
isang ka-churchmate ko na may dinala raw na babae si TJ kahapon. Nung pinadescribe
ko sa kanya yung girl, ikaw agad ang pumasok sa isip ko."

Tumango-tango ako. So, that's how she found it out. "Ahh, oo. Ano kasi, after ng
service, dumiretso na kami sa pagreview. In-invite lang ako ni Tyrone sa church
nila. . . I mean, niyo."

"So, was it a date?" she smiled mischievously that made me stop for a second and
laugh out loud.

"Hindi ah!" Hindi naman siguro macoconsider na date 'yon diba? Ewan ko. Basta
hindi.

Tumuwid siya ng upo at saka ako tinignan ng may kahulugan. Uh oh. What's on her
mind right now? "Nahihiwagaan lang ako. Parang kasi nung last Sunday, pinayuhan ni
Pastor yung mga boys sa youth. Sabi niya, kapag may idedate daw sila ay dapat sa
church muna dalhin. It's just funny to think na the following Sunday ay dinala ka
niya dun."

Tumikhim ako't natawa nalang. Wow just wow. Wala sa pag-iisip ko kahapon na date
iyon.

"Sus, it wasn't considered a date, Eunice."

Nagkibit-balikat siya. "Sabi mo e."


Saglit na walang nagsalita sa aming dalawa. Tanging yung ingay lang sa loob ng
coffeeshop ang naririnig ko. Eunice's focus was on her phone or so I thought dahil
nagsalita na naman siya.

"Pero seriously, may isang nilalang na apektado sa paglabas niyo kahapon ni TJ."

My brows creased in confusion. "Sino naman?" Nagkibit-balikat ulit siya. Wala tuloy
akong ibang choice kundi ang manghula. "Si Reishel?"

Siya ang unang sumagi sa isip ko sa sinabi ni Eunice. Kahapon pa lang na inapproach
niya ako ay parang dulot ng selos ang dating sa akin. Maybe she's still into
Tyrone, isn't she?

Natawa lang si Eunice at binalingan ang kararating lang na pagkaing in-order namin.

"Kain na tayo, Misty."

This conversation started to bug me. Kumbaga sa kwento ay bitin, cliffhanger o may
loopholes. Gusto ko sana siyang tanungin tungkol sa kumpirmasyon kung si Reishel
nga ba ang nagseselos nang magsalita siya.

"Uy, sina Sab!" sabi niya at kumatok sa glasswall. I almost fell off the chair when
I saw Sab with France na papasok ng Town center. "Hey!" katok ulit ni Eunice.

Umiwas ako ng tingin nang makuha ni Eunice ang atensyon nila. Nagtama ang mga
paningin namin ni France kaya naman agad akong nagbawi ng tingin at kumain nalang.

Gusto ko sanang sabihin kay Eunice na 'wag na silang tawagin dahil hindi ako
kumportable pero huli na ang lahat dahil nakita ko na silang pumasok ng coffeeshop.
Hila-hila pa ni Sab si France.

AAAARGHH! Being with him in one table is not a good idea.

"Nandito pala kayo?" natutuwang sabi ni Sab.

"Oo. Kayo rin pala?" sagot naman ni Eunice. At nagtawanan sila. From that moment,
iba na ang laman ng tawanan ng dalawang babaeng nasa harap ko.

"Dito nalang kayo!" sabi ni Eunice at umusog para bigyan ng space si. . . "Sab, you
sit here."

Oh no. Don't tell me. . . "Sure! Zion, dyan ka nalang sa tabi ni Misty." ARGH!

Walang ibang choice si France at umupo nalang sa tabi ko. Ako naman ay halos
untugin na ang sarili sa glasswall sa gilid ko. Hindi ko tuloy malunok-lunok ang
kinakain ko just the mere thought of France sitting beside me. This is. . . argh!
Pwedeng mag-walk out?

"Ano bang masarap dito?" Si Sab.

"Ay, let me suggest you their. . . teka, nakalimutan ko. Samahan nalang kita tutal
ifofollow up ko yung drinks na inorder ko for me and Misty. Excuse lang ha," sabi
ni Eunice na nagpataas ng kilay ko. Tumayo sila't akmang iiwanan kami ni France
nang. . .

"Ayoko ditong kumain. Sa Pizza Hut nalang ako."

"Zion, nirerenovate nga yung Pizza Hut sa taas!" sagot ni Sab at saka siya ngumiti
nang nakakaloko. "Ako nalang mag-oorder para sayo. Diba nga, treat ko?"

Gusto kong pasakan ng maraming pagkain ang bibig ko the moment they left. Hindi ako
makahinga. Para akong nasusuffocate sa presensya ng bakla sa tabi ko! Dapat pala
hindi nalang ako sumama kay Eunice e-

"Acck!" Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman kong may bumara sa lalamunan ko.
Shems! Ngayon pa ako nabilaukan kung kailan walang drinks! "ACK! ACK!"

Hampas-hampas ko ang dibdib ko nang tumayo si Badaf at nagmamadaling umalis.


Pagkabalik ay inabutan niya ako ng tubig.

"Oh."

"Ack!" Kahit na imbyerna ako sa kanya ay tinanggap ko iyon kaysa ang mamatay sa
food choke. Panira talaga! Argh! Uminom ako at nang makalahatian ay nilapag ko iyon
sa mesa. "T-thanks, Badaf."

"Zion nalang."

Para akong nabingi sa sinabi niya. Nagsecond look tuloy ako sa kanya. Supladong
nakaupo siya sa tabi ko habang naka-abre syete. "Anong sabi mo?" tanong ko, just to
make sure.

"Wala. Sabi ko, bingi ka."

Bumuga nalang ako sa hangin sa inis at 'di nalang siya pinansin. I'm starting to
get annoyed dahil ang tagal nung dalawa bumalik. I tried to eat my food at peace.
Bahala na, pagkatapos nito ay aalis na ako.

"So, nagde-date pala kayo ni Tyrone? Nice one."


I won't deny the fact the he sounded bitter. Binaba ko ang utensils ko't binalingan
siya. "So?"

"Wala lang. Congratulations."

Halos magsalubong ang kilay ko. "Bakit mo naman ako kinocongratulate?

"Alangan namang sabihin kong condolence?" he replied with a smug. At tuluyan na


akong naasar. This conversation is overflowing with sarcasm!

"Sagutin mo nga ako, Badaf. Bakit ba tayo nagkakaganito? We used to be good


friends. What happened now?"

Bumuntong-hininga lang siya. Ramdam ko tuloy na ang inis niya dahil dun.

"And you're not answering me. What's wrong with you?" Kumukulo ang dugo ko dahil
hindi niya ako pinapansin. Para tuloy akong shunga na nagsasalita mag-isa dito.
Kapag ganitong galit pa naman ako ay hindi ko makontrol ang bibig ko!

"Napipikon na ako ah!" asik ko sa kanya. Tinulak ko siya pero no reaction pa rin.
"Bakit ba ayaw mo akong kausapin?"

Hinampas ko siya sa braso pero naramdaman ko lang ang pagmamatigas niya. "Ano ba
kasi, Badaf! Nakakafrustrate ka!"

Para akong batang nagtatantrums. Gusto ko siyag pigain pero ni isang salita ay
walang lumalabas sa bibig niya.

". . . namimiss na kitang kausap, alam mo ba 'yon?" That's it! Nasabi ko rin. I
really miss him so much! Namimiss ko na siyang kasama, our late night chats, asaran
at pikunan. I miss everything about him!

Bahagya siyang gumalaw at itinagilid ang ulo niya sa kabilang direksyon. "Kunwari
ka pa. Enjoy na enjoy ka nga kay Tyrone e. Dapat siya nalang ang kausapin mo."

"Ano ba..."

"Pa-date date pa kayo. Pakaway-kaway pa sa bintana. Tss."

Kumunot na nang tuluyan ang noo ko. Iba na kasi ang lumalabas sa bibig niya.
"Nagseselos ka ba sa amin?!"
Nag-igting ang panga niya sa inis. Napaatras ako nang tumayo siya. Aba't magwawalk
out siya?

"Tapos magwawalk out ka? Tss. Kaduwagan mo!" Gusto ko siyang umamin. Gusto kong
sabihin niya sa harapan ko yung gusto niyang sabihin. Hindi ako manhid. Alam kong
may bumabagabag sa kanya. Siguro ay may identity crisis siya.

"Zion, man up!" I groaned aloud.

"Leche. Mag-oorder lang ako ng pagkain ko," iritableng bulong niya. Kung ibang
sitwasyon ito ay natawa na ako kaso hindi e. Napipikon na talaga ako!

Tumayo na ako kaya naman kunot niya akong tinignan. "Ewan ko sayo. Bahala ka dyan."

Aalis na sana ako nang sapilitan niya akong pinabalik sa upuan. Hawak-hawak niya
ang magkabila kong braso at tinitigan ako ng mataman sa mga mata. "Tapos ikaw naman
ang magwowalk out?"

Pinandilatan ko siya. "E ang gulo mo kausap e!"

"E sa nahihirapan ako e! Ikaw kaya sa sitwasyon ko."

"Ano ba kasi 'yon? Sabihin mo nalang, hindi yung pinapatagal mo pa."

Bumitaw siya sa akin at bumuga ng hangin. Pinukpok pa nga niya ang kanyang noo at
mukhang 'di mapakali. "Itetext ko nalang," mahinang sabi niya.

"Ano?"

"Bingi ka talaga. Tss!"

Argh! Naaasar na talaga ako. Hindi ko na talaga kayang magtimpi kaya naman dinampot
ko ang bag ko at umalis na sa table. "Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Uuwi na. Nakakabadtrip ka!"

Paalis na sana ako nun nang marinig ko may sinabi siya. "Walk out walk out pang
nalalaman. Ang sabihin mo, susunduin ka lang ni Tyrone."

Nilingon ko siya nang nakasimangot. "Oo, naghihintay siya sa akin sa labas! Kung
inggit ka, gumaya ka rin. Magwalk ka rin!" iritable kong sabi bago umalis. Aalis na
nga lang ako pero may pahabol pang pang-asar! Grr!
Pagkalabas ko ng East Town Center ay pumara agad ako ng taxi. Tinext ko nalang ang
driver ko na dumiretso na ako pauwi dahil hindi ko na talaga kinakaya si Badaf!
Kainis siya! Ang sarap niyang balibagin dun!

Habang nasa byahe ako ay inopen ko muna ang wifi ng phone ko. Gusto kong iexpress
ang asar ko sa status para naman kahit papaano ay mabawasan ang inis ko!

Nagtype agad ako sa status box.

Misty Kirsten Lee

Aamin na nga lang, hindi pa magawa. Coward!

Pagkapost ko ay saktong nagpop ang messenger sa screen. Nagtaka ako kasi group chat
iyon. Kahit saang group chat ay hindi ako kasali. E ano 'to?

*team Zion*

Eunice: Hey! Hey! Ba't bigla kayong nawala dito?

Sabrina: Oo nga. Wala man lang paalam.

Seen by France

Oh. Sinali nila ako sa group chat. So, that gay really walked out when I left. Tss.
Marahil ay nainggit sa pagwalk out ko.

Nagtype ako ng reply sa kanila.

Me: Pasensya na. Nasira mood ko. Will make it up with you next time, girls. ._.

"Ma'am, nandito na po tayo," anunsyo ng driver. Tumingin ako sa labas at nasa loob
a nga kami ng subdivision namin. Pero wala pa sa tapat ng bahay namin.

"Kuya, pakipasok nalang po. Sa may Washington street po." Tumango ang driver.
Tinignan ko yung presyo ng babayaran sa meter chuchu sa harapan. Nilapag ko muna
ang phone ko sa lap ko para kumuha ng pera sa wallet nang magvibrate ito. Hindi ko
muna iyon pinansin at kumuha ng P100.

"Saan po dito, Ma'am?"

"Number 323 po, Kuya."


Pagkahinto niya ay ay binigay ko ang pera sa kanya. Lumabas na ako agad at
dumiretso papasok sa bahay. Pag-upo ko sa kama ay hinanap ko kaagad ang phone ko sa
bag. Kinabahan ako nang hindi ko iyon makita.

"Hala!" Kinapa ko naman sa bulsa ng skirt ko pero. . . "Geez, nasaan na yun?"

Hawak-hawak ko pa yun sa taxi ah! Hala, baka naiwan ko! Naku naman!!! Mahahabol ko
pa ba 'yon?!

=================

33. Manhid

Chapter 33

"Dad," kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Daddy. Nakaawang naman 'yong pinto kaya
tumuloy na ako. Naabutan kong nagbabasa ng dyaryo ang makisig kong daddy. Binaba
niya iyon sa center table at binalingan ako ng nakangiti.

"Come in. Papasok ka na ba?"

Hindi ko yata kakayanin nang walang cellphone. Sa kasamaang palad, hindi ko


naabutan yung taxi na sinakyan ko kahapon. Itinawag ko na pa naman agad siya sa
security sa gates para sana maharangan pero wala e, nakalabas na daw. Ano ba yan,
nakakapanghinayang naman.

Naupo ako sa tabi ni Daddy at kapansin-pansin marahil yung pagiging upset sa itsura
ko kasi nakanguso ako. "Dad, I lost my phone yesterday."

"Where?"

Umiwas ako ng tingin at sumandal sa couch. Geez, how can I explain what happened?
Ayaw pa naman ni Daddy na nagcocommute o kahit man lang magtaxi ako. Naku naman!

"Misty," tawag niya nang hindi na ako nakakibo.

Kumapit ako sa braso ni Daddy at sumandal sa kanya. Idadaan ko nalang sa lambing


ito. Bahala na! "E kasi Dad, things were not in favor yesterday. I had to hail a
cab para makauwi. I'm sorry, nawala sa isip ko si Butler. I promise I won't do it
again," tuloy-tuloy na sabi ko.
Tumikhim siya't gumalaw kaya napabitaw ako sa pagkakasandal kay Daddy. Seryoso ang
mukha niyang tumayo kaya kinabahan na ako ng tuluyan. Oh my gosh, sesermonan na ba
niya ako?

"Okay," he said calmly and I almost shrieked. Yay! "But..."

Okaaaay, may pasubali pa.

"...you really better not do it again, Misty. Hindi ka pa naman sanay mag-commute.
Anyway, if things will not be favor again, kung ano mang favor yang tinutukoy mo,
magpahatid ka nalang kay France. That would at least relieve me," sabi niya nang
nakangiti at ako naman ay napangiwi nalang.

If you only knew who I'm referring to the 'favor' I was talking about, Dad.
Nababadtrip lang tuloy ako lalo.

"Okay po, Dad."

"And about your phone, gusto mo bang ipabili kita ng bago kay Butler o ikaw na-AH!"
natatarantang dinaluhan ko siya nang dumaing siya't sumapo sa kanyang dibdib.

"Dad, ayos ka lang?"

Umiling siya habang nakangiwi. He lifted his thumb to show his okay sign. "I'm
fine. Kailangan ko lang siguro magpahinga," he said and sat down on the edge of his
king-sized bed. Binabasa ko ang mukha niya pero nanatili lang siyang nakatingin sa
akin.

"Dad, are you sure you're fine?"

"I'm good, Misty. Sige na, pumasok ka na sa klase. Ako nang bahala sa new phone
mo."

Tumango ako at lumapit kay Daddy para bigyan siya ng halik sa pisngi. The way I
looked at him, para bang hindi ako kampante sa isinagot niya sa akin. "Study well,
baby."

"Okay po, Dad." I answered with a worried smile before I left.

NAGPAHATID ako kay Butler sa E.H.U. Buti nalang at walang traffic kaya in fifteen
minutes ay nakarating na agad ako. Ang alam ko ay 10AM ang simula ng exam ko sa
NSTP. Habang naglalakad ako papasok sa gate ay tinignan ko ang oras. My eyes
widened when I found out it's already 10:05.

"Hala, late na ako!" Bothered tuloy ako habang tinatakbo ang Business college
building. Argh, ba't ba nawala sa isip ko ang oras? Hayyy... Nataranta kasi ako kay
Daddy.

Hingal na hingal ako nang makarating na ako finally sa building namin. Thanks sa
escalators dahil medyo napagaan ang buhay ko. Pagdating sa 3rd floor, kumaripas na
agad ako ng takbo papunta sa room #304 and tada!

Naabutan kong isa-isa nagsisialisan ang mga kaklase ko. Kunot-noo akong pumasok ng
room. Hinahabol ko ang hininga ko sa sobrang hingal. Pagtingin ko sa white board ay
may nakasulat na announcement.

Reschedule Final Exam for NSTP I

When: Thursday, 10AM

Where: Room #306

"What the? Ni-reschedule pa?" Kung kailan ready na ako e! Pabagsak akong naupo sa
armchair. Nakuha ang atensyon ko ng babaeng pumasok sa room.

"Misty!" Si Eunice pala. Nahalata niya yata yung pagkabadtrip sa mukha ko. "Tinext
kita tungkol dyan sa reschedule ah. 'Di mo ba nareceive?"

Pinaypayan ko ang sarili gamit ang palad ko. Grr! Pawis na pawis ako. Ang layo ba
naman ng tinakbo ko e tapos ganito lang pala ang maabutan ko. "Nawala phone ko
kahapon," sagot ko sa kanya.

"Aw, sayang. Tara sa library?" Lumapit siya sa akin saka niya ako pinaypayan ng
binder na hawak niya. "Palamig tayo dun. Nakita lang kitang pumasok dito e, kaya
ako bumalik dito."

"Okay."

Mabuti nalang ay malapit ang Business college sa Admin building kung nasaan ang
Main library ng E.H.U. Habang naglalakad ay nagkwento sa akin si Eunice sa nangyari
kahapon. Nagulantang daw sila nang hindi na nila kami naabutan ni Badaf sa table
nang makabalik sila ni Sab.

"Sorry, Eunice. Nabadtrip kasi ako kay BAdaf kahapon. Kaya ayun, umalis nalang
ako."

Ngumisi siya. "At umalis din si Zion."

"'Di kami sabay ah. Nauna akong umalis bago siya," paliwanag ko. Mabuti na ang
maliwanag. Baka kung ano pang isipin nila e. Hmp!
"Akala nga namin ni Sab ay nagdate na kayo," humagikhik siya kaya tinaasan ko siya
ng kilay. "Yun talaga ang akala namin! Malay ba namin kung nagkaayos na kayo."

I rolled my eyes in annoyance. Sa tuwing naalala ko si Badaf ay naiinis ako. Mas


malabo pa sa Pasig river ang utak ni Badaf! "Paano kami magkakaayos kung in the
first place ay hindi ko alam kung ba't siya galit sa akin? Alangan namang dahil
lang yun seating arrangement nung Outbound tour ah, kasi kung iyon aba e, ang babaw
niya."

She raised her arms in surrender. Papasok na kami nun sa baggage section ng
library. "Basta ayaw nalang namin magsalita ni Sab tungkol dyan. Diskarte na 'yan
ni Zion," sabi nito at kinuha na ang bag ko para ibigay sa student assistant.

Pagpasok namin sa library ay bumungad agad sa akin ang malamig na air-con nito.
Nilibot ko ang tingin sa paligid para maghanap ng bakanteng table pero mukhang puno
yata ngayon. Ang daming tao e.

Hinawakan ko si Eunice sa palapulsuhan niya. Mukhang tumitingin din ng pwesto.


"Wala na yatang bakante?" sabi ko sa kanya.

"'Di, dun tayo o."

Naglakad na siya pakaliwa. Sinundan ko naman siya hanggang sa huminto siya. Nabigla
ako nang makita si Tyrone dun kasama si Sab. Magkaharapan sila at may dalawang
bakanteng upuan sa tabi niya.

"Misty," bati niya sabay ngiti. Ngumiti din ako pabalik, tapos nakita kong tinapik
niya ang upuan sa kaliwa niya. Hinila naman ni Eunice palapit kay Sab yung isa pang
upuan. "Dito ka, Misty o."

Tumabi ako sa kanya. Kaharap namin sina Sab at Eunice. Kumaway ako kay Sab at ganun
din siya sa akin, at pagkatapos ay bumaling na ulit sa binabasang libro.

Tinignan ko naman si Tyrone sa tabi ko. May binabasa siyang Math book. Nakisilip
ako pero nagbawi rin ng tingin dahil nalulula ako sa numbers, lines at hinaluan pa
ng abc.

"Na-resched daw ang NSTP exams niyo?" mahinang tanong niya sa akin. Tumango naman
ako. "Sabay-sabay na raw kasi pag-eexam-in ang lahat ng may NSTP 1."

"Ah, so may exams ka pa ngayon?" tanong ko.

"Oo, sa Trigonometry at English. Ikaw ba?"


Umiling ako. NSTP lang naman kasi dapat ang exam ko ngayon kaso na-resched pa.
"Sige na, Tyrone. Mag-aral ka nalang dyan. Nakakaistorbo pa ako."

Marahan siyang natawa. Pati ang mga mata niya ay ngumingiti rin sa akin. Sa sobrang
lapit ko sa kanya ay nagkaroon ako ng better view ng facial features niya. Gods,
ang ganda ng combination ng genes ng Pinoy at Hapon. Siya ang resulta.

"Kahit kailan hindi ka naging istorbo sa akin," sabi niya na nagpangiti lalo sa
akin. Napatitig tuloy ako lalo sa mga singkit niyang mga mata pero naputol din yun
agad nang may tumikhim sa likod namin.

"Ehem."

Hindi ko iyon pinansin but instead nakisilip nalang ako sa librong binabasa ni
Tyrone. "Misty," bulong na tawag ulit sa akin ni Tyrone. "Hindi tayo nagsabay
maglunch kahapon."

"Oh, oo nga pala. Sorry, may nangyari kasing-"

He cut me off with a smile. "Ayos lang. Pwede ka ba ngayon?"

"Oo naman," sabay ngiti.

"Ehem." May ubo ba itong nasa likod namin? Kanina pa tikhim ng tikhim e.

Sinarado niya na ang libro at saka nagpangalumbaba paharap sa akin. Yung dating
ini-stalk ko noon ay kaharapan ko na ngayon. Nag-iiba talaga ang takbo ng mundo.
"Excited na akong matapos ang finals," bulong niya.

"Ako rin. Nakakastress e," I giggled pero yung mahina lang kasi baka punahin kami
ng librarian. "At saka gusto ko nang magbakasyon."

Umiling siya kaya nagtaka ako. "Ako naman, excited ng matapos ang finals para next
week ay University week na. Nabanggit ko ba sa'yo na may performance ang banda ko
sa E.H.U Night?"

Nag-form ng 'O' ang bibig ko sa excitement. Hala, parang pati ako ay mas naglook
forward na sa University week kaysa bakasyon. "Talaga? So, mapapanuod na kitang
tumugtog kasama ang band mo finally?"

"Oo, teka ha." Nilabas niya ang kanyang wallet sa bulsa niya. Tapos may nilabas
siyang papel at inabot iyon sa akin. "Ito yung ticket. Punta ka ha?"

"Ano 'yan, TJ?" sabat ni Eunice habang nakanguso sa inabot na papel sa akin ni
Tyrone. Yay, I love bands! Nakakaexcite tuloy.
"Ticket sa E.H.U night."

"Ay, penge."

Ngumuso si Tyrone at saka umiling. Binasa ko naman yung nakasulat sa ticket. "Wala
na e. Kay Misty lang kasi 'yon. Bili ka nalang."

"Ang daya neto," nakasimangot na sabi ni Eunice tapos may kung anong binulong kay
Sab. Napailing nalang tuloy ako at binalingan si Tyrone.

"Thanks for this. Pupunta ako, promise-"

Kumunot ang noo ko nang may bumangga sa likod ko. Lilingunin ko sana iyon pero
mabilis siyang kumilos at pumunta sa table namin. Napaawang ang bibig ko nang
makitang si Badaf este France este Zion pala iyon. Seryosong-seryoso ang mukha.
Kanina pa pala siya dyan sa likod namin?

Umiwas nalang ako ng tingin. Naiinis pa rin ako sa kanya!

"Pahiram ako nitong libro," sabi ni Zion kay Eunice. "Hindi mo naman ginagamit e."

"Sige-"

"Magbasa nga kayo dyan, Sab, Eunice. Ang ingay niyo, nakakaistorbo kayo sa mga nag-
aaral. Kung wala kayong magawa, lumabas nalang kayo."

Tumaas ang kilay ko sa litanya ni Zion. Natamaan ako e. Sigurado ba talagang kina
Sab at Eunice iyon o baka naman sa akin?

"Ay, sorry naman po, Zion ha?" sarkastikong sagot ni Eunice. Si Sab naman ay
napapangisi nalang. Parang gusto ko tuloy mag-walk out pero nakakahiya naman kay
Tyrone, so I decided to stay.

"Wala yata sa mood ang bestfriend mo," komento ni Tyrone habang nakangisi sa akin.
Nakabalik na si Badaf sa likod namin. Para ngang ewan e, ang daming librong
nakalapag sa table niya. As if naman na binabasa niya ang mga iyon.

"Beastmode-"

"Sshhh!" saway sa amin ni Badaf. Inirapan ko naman siya. Kainis ha! Beastmode ba o
sadyang bitter lang?
Tumayo na lang ako at sumenyas saglit kay Tyrone. Makakuha na nga lang ng libro
nang malibang-libang ako. Nagpunta ako sa business shelf pero umatras din ako dahil
mukhang tatamarin lang ako kapag iyon ang babasahin ko. Nakuha ang atensyon ko ng
cookbook sa HRM Shelf kaya iyon ang kinuha ko. Pagbalik ko sa table ay nagtaka ako
dahil wala na si Tyrone sa pwesto niya. Maging si Zion ay wala na rin. As in, wala
talaga. Nang-iwan?

"Girls, nasaan na si Tyrone?"

Nagulat ako nang hilain ako ni Sab sa tabi niya. "Kinakabahan ako, Misty. Niyaya
kasi ni Zion si Tyrone sa labas. Nakakapagtaka diba? Ano namang gagawin nung
dalawang 'yon?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakakapagtaka talaga. Si Zion, niyayang lumabas
si Tyrone? What the.

"Sira. Malamang mag-uusap 'yon. Sabi nga ni Zion kay Tyrone; can we talk?' diba?
Ano, tara?" Si Eunice.

Pinaningkitan ko sila ng mga mata. "Tara saan?"

"Sundan natin. Baka kung anong mangyari. Yung buhok mo kasi, Misty sobrang haba na.
'Di na namin keri," sabi ni Sab at saka nila akong hinila palabas ng library.

"Saan ba sila pumunta?" natatarantang tanong ko kasabay ng malalaking hakbang


naming tatlo. Wala kaming direksyon. Basta kung saan may daan ay dun kami
naghahanap.

"Ewan ko. Mag-uusap lang naman sila diba? So, malamang nandyan lang 'yon sa tabi-
tabi."

Lumiko kami sa pasilyo. Diniretso namin ang hallway ng first floor. Nung makita
naming may daan sa kaliwa ay tumakbo kami dun nang. . .

Bog!

Natigilan ako sa pagtakbo. Kitang-kita ng mga mata ko ang eksenang iyon. Maging
sina Sab at Eunice ay natulala rin. Just infront of us were Zion and Tyrone.
Nabigla ako nang dumapo ang kamao ni Zion sa labi ni Tyrone ilang segundo pa lang
ang nakakalipas. Nakasalampak ito sa sahig habang si Zion ay matalim na tinitignan
si Tyrone.

"Tyrone!" I hysterically shouted. Dinaluhan ko si Tyrone sa sahig. Dumudugo ang


labi niya. "Zion, bakit mo sinuntok si Tyrone?!"

"Misty, okay-"
"Hindi okay yun, Tyrone!" Tumayo ako at tinulak si Zion na walang emosyong
nakatingin sa akin. "Bakit ka ba nagkakaganyan? Hindi na kita kilala, Madrigal!"

Nakita ko kung paano umigting ang panga niya. Diretso ang tingin niya sa mga mata
ko. "Hanggang ngayon hindi mo pa rin maintindihan? Tss," bumuga siya sa hangin at
mabilis na umalis. Sinundan siya nina Sab at Eunice.

I was catching my own breath when they left. Inalalayan ko si Tyrone na makatayo.
Ang lakas ng kabog ng puso ko. Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko. Nagawa ni
Zion na sapakin si Tyrone?

"Ayos ka lang ba, Tyrone?"

Pinunasan niya ang dugo sa kanyang labi at saka ngumisi. "Ayos lang ako," sabay
pagpag sa uniform niya na nagusot. "Sabi na e, lalaki na yung bestfriend mo. Yun
siguro yung bagay na sinabi niyang hindi mo maintindihan."

Kunot noo ko siyang tinignan. Umiling lang siya sa akin habang hindi pa rin naaalis
ang ngiti niya kahit na alam kong masakit iyong sugat sa kanyang labi.

"May pagkamanhid ka pala talaga, 'no?" Manhid? Ako?

=================

34. Oh my gosh

Chapter 34

Dinala ko kaagad si Tyrone sa clinic dahil nagpapanic ako sa sugat na nasa gilid ng
labi niya. Napapangiwi ako sa tuwing titignan ko iyon dahil kahit na kitang-kita ko
kung paano dumapo ang kamao ni Zion sa mukha ni Tyrone ay hindi pa rin ako
makapaniwalang nagawa niya 'yon. Knowing Zion? Mas prefer pa niyang manghila ng
buhok o manampal when talking about violence. Anong nangyari't naiba ang ikot ng
mundo?

Dinampian ko ng bulak na may betadine ang sugat ni Tyrone habang nakaupo kami sa
cot dito sa tahimik na clinic. Ako na ang nagprisintang gumamot kay Tyrone dahil
iniiwasan kong mangusisa pa sa nangyari ang nurse. Baka mapasama pa siya lalo.

"Ano ba kasing nangyari, Tyrone? Bakit ka sinapak ni Zion?" bulong ko sa kanya.


Siguro naman ay pwede kong malaman kung anong dahilan. Besides, parehas ko silang
kaibigan.

Ngumiti siya pero napawi din iyon dahil nasaktan siya sa pagbanat ng balat sa gilid
ng kanyang labi. "Tsk, ang lakas manapak ni France ah. Mahapdi e," sabi niya.

Sumimangot ako dahil hindi niya sinagot ang tanong ko. "Ano ba kasing dahilan?"
Dinampian ko ng paulit-ulit ang sugat niya. Naiilang na nga ako dahil parang
matutunaw na ako sa titig niya sa akin.

"Tyrone," pinagkunutan ko siya lalo ng noo. "Wala ka bang balak magkwento?"

"Hindi mo na siguro kailangang malaman, Misty."

Tumaas ang isang kilay ko. "At bakit?"

Ngumisi ng bahagya sabay iling. "Dahil hindi mo maiintindihan."

Aba! Ina-underestimate niya ba ako? Maiintindihan ko naman siguro 'yon dahil wala
namang koneksyon 'yon sa Math. Napawi ang pagkasimangot ko nang haplusin niya ang
noo ko na para bang inuunat niya.

"'Wag mo nang isipin 'yon, Misty. Usapan 'yon ng lalaki sa lalaki," he said
wiggling his eyebrows to me.

Natahimik naman ako dahil sa sinabi niyang 'usapang lalaki sa lalaki'. Seriously?
Paano sila makakapag-usap ng lalaki sa lalaki e, bakla nga yung isa! Baka naman
usapang lalaki sa bakla! Aba, kahit na nakita kong nananapak na siya e hindi pa rin
ako maniniwala hangga't 'di nanggagaling sa kanya. He still needs to prove it!

"Lalaki sa lalaki? Talaga lang ha?" sarkastiko kong tanong. "Hindi porque't
nakasapak na siya e lalaki na siya. Tyrone, 'di ko alam kung anong pinag-usapan
niyo para ma-provoke mo siya na suntukin ka. Basta ang akin lang, hindi ako
maniniwala hangga't hindi sa kanya mismo galing."

"So, hindi ka maniniwala sa mga nakikita mismo ng mga mata mo?" seryosong tanong
niya.

"Gusto ko, siya mismo ang umamin."

Kinuha ko naman ang ointment sa first aid kit at pinahiran ang sugat niya.
Nagkandangiwi-ngiwi pa siya sa sakit. Mukhang malakas nga ang pagsuntok sa kanya ni
Zion. Hindi lang kasi sugat ang meron kundi pasa.

"Masakit ba talaga?"

"Medyo pero ayos lang."

Ngumuso ako. "Hindi ka ba papagalitan sa inyo dahil dyan? Baka kasi isipin ng Papa
mo e nakipagbasag-ulo ka." I am just concerned.

"Hindi yan," tipid na sagot niya at nabigla ako dahil hinawakan niya ang kaliwang
kamay ko. "Misty, hindi mo pa rin ba naiintindihan ang mga nangyayari nitong mga
nakaraang araw?"

Nagtaka ako. Kagat-labi kong sinalubong ang mga mata niya para hanapin ang sagot.

"Misty, umamin na si France sayo diba?"

"Umamin? Na lalaki siya?" naguguluhang tanong ko. Kung yun ang tinutukoy niya ay
hindi ang sagot ko. Ni hindi niya ako kinausap tungkol dun ng diretsahan. Kaya
ngayon ay naguguluhan pa rin talaga ako.

"Hindi 'yon."

Mas lalo lang akong nafrufrustrate kaya tumayo na ako. Napabitaw naman siya sa
kamay ko dahil dun. "Ano ba kasing nangyayari? May hindi ba ako nalalaman?" I asked
impatiently. Naiirita na ako a!

"Misty-"

"Ano ba kasi 'yon?!"

"Nag-aaway ba kayo dyan?" Nagulat ako sa boses ng nurse mula sa labas kaya sumigaw
agad ako ng 'hindi po!'.

Natawa tuloy si Tyrone. "Ikaw kasi e," sinamaan ko siya ng tingin. Sa ilang buwan
na pagkakaibigan namin ay ngayon lang yata ako nainis sa kanya. "Pakiramdam ko ay
pinagkakaisahan niyo akong lahat," asik ko sa kanya. Idagdag mo pa sina Sab at
Eunice na sure akong may nalalaman din!

Tinignan niya ako na para bang sinasabing 'kumalma-ka-Misty-'.

"Misty, hindi kasi pwedeng ako yung magsabi sayo nung kay Zion. Mas okay na sa
kanya mismo 'yon manggaling pero..." nakaangat ang tingin niya sa akin dahil
nakatayo ako at siya naman ay nakaupo sa cot. "...Misty, hindi naman kasi dapat
ngayon ko ito sasabihin e. Inaalala ko na baka mahati yug atensyon mo sa akin pati
sa finals mo. Kaya balak kong sabihin ito sayo kapag tapos na ang hell week. Kaso,
nauna na pala siyang umamin."

Hindi ko alam pero bigla nalang lumamig ang pakiramdam ko gayung tamang-tama lang
naman ang lakas ng air-con dito sa clinic. Naguluhan ako sa sinabi niya. Unang
umamin? Sino? Si Zion?

Bumuntong-hininga siya. Feeling ko ay nag-slow motion ang paligid sa hindi ko


malamang dahilan.

"Misty... gusto kita," halos pabulong na sabi niya na ikinalaglag ng panga ko. Wala
akong masabi. Speechless ako! AAAAHH! Inaamin ko, nararamdaman ko naman ng
interesado siya sa akin pero nakakagulat pala kapag inamin niya yun mismo sa akin.
Parang gusto ko tuloy mag-'call a friend'!

Lumunok ako ng ilang beses. Natutuyuan ako ng lalamunan. Holy potato! Ganito pala
ang pakiramdam ng may nagconfess sayo. Jusme, I need to get some air!

"Nagulat ka ba?" natatawang tanong niya. Hindi ako makasagot. I'm still in a state
of shock. "Pasensya na. Baka kasi kung hindi ko pa inamin e mapag-iwanan na ako."

Naguguluhan pa rin talaga ako sa mga pinagsasasabi niya. Kung ganun, anong
kinalaman ng Zion dito?

"Tyrone, ito ba yung dahilan kung bakit ka sinuntok ni Zion?" I asked discreetly.
Nagkibit-balikat lang siya na mas lalong ikina-bother ko. "Tyrone-"

"Hindi. May iba pang dahilan."

"E ano?"

"Siguro siya nalang ang tanungin mo."

Nag-form into fists ang mga kamay ko. Hindi ko na talaga magets ang baklang iyon! I
feel sorry for Tyrone that he got hit by Zion dahil lang sa may gusto siya sa akin.
Anong karapatan naman ni Zion para manakit ng iba dahil lang dun. He's so
unreasonable! Kainis!

"Misty!"

Hindi na ako nagdalawang isip at tumakbo na ako palabas ng clinic. Gusto kong
harapin si Zion ngayon. Nakakainis siya! Galit siya sa akin at nanapak pa siya ng
kaibigan ko. May sayad ba siya? Kasi kung oo, ako na mismo ang maghahatid sa kanya
sa mental hospital!
"Misty!" Napatingin ako sa direksyon ng tumawag sa akin. Sina Sab pala at Eunice.
"Bakit ka tumatakbo?" Nakisabay na rin sila sa akin.

"Nakita niyo ba si Zion?"

"Ah, si Zion? Nagpunta dun sa... saan ba yun, Eunice?"

"Dun sa restricted room ng X10!"

"Okay!" Mabilis akong kumaripas ng takbo at iniwanan na sila. Mabuti nalang at nasa
admin building iyon kaya mabilis akong nakapanhik sa top floor. Hingal na hingal
ako nang makarating sa harap ng pinto ng restricted room ng X10. Bago ako nag-buzz
ay huminga muna ako ng malalim.

Bumukas ang pinto ilang saglit lang. Bumungad sa akin ang maaliwalas na mukha ni
Kuya Wayne.

"Uy, Misty! Pasok," sabi niya kaya pumasok agad ako. Nakita ko kaagad si Zion na
nakahiga sa sofa. Pero mukhang nahiya yata dahil naupo agad. "Francisco, chicks mo
o'!" sabay ngisi nito.

Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Wayne. Tanging pag-irap lang ni Zion ang pumukaw
ng atensyon ko. Nag-iinit tuloy lalo ang dugo ko. Grr!

"Anong ginagawa mo dito?" mataray na tanong niya.

"Kakausapin ka!" mataray na sagot ko. Hindi pwedeng siya lang ang magtaray dito!

"Whoa. Easyhan mo lang, Misty." Sabat ni Kuya Wayne. Sumenyas pa siya sa akin na
lalabas siya kaya tumango ako.

"Kuya Wayne, dito ka lang!" pigil ni Zion.

Sinamaan ko siya ng tingin. Pabebe kasi! "Kuya, okay lang po. Labas po muna kayo."

"Kuya, 'wag na kasi!"

"Kuya Wayne, hayaan niyo po muna kami."

Pinagkrus na ni Kuya Wayne ang mga braso sa kanyang dibdib at saka niya
pinagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. "Ano ba talaga? Lalabas ako o dito
lang ako?"
"Lalabas, Kuya!" "Dito lang, Kuya!"

Tinaasan ko ng kilay si Zion. Lumapit pa ako para batuhin siya ng throw pillow mula
sa sofa. "Aray!" daing niya.

"Ba't ba ayaw mo akong harapin? Duwag!" sigaw ko.

"Hindi ako duwag!"

"Ewan ko sayo, bakla! Bakla! BAKLAAAAAAAAA!"

Nakita kong nag-igting ang panga ni Zion. Nagpameywang naman ako dahil ito ang
gusto kong mangyari. I'm testing him. "Sige, lumabas ka nalang, Kuya!"

Nakita kong napakamot na sa ulo si Kuya Wayne. Mukhang naiirita na rin sa amin.
"Kayo talagang mga kabataan. Tsk tsk. Oy, Francisco! Patunayan mong 'di ka bakla sa
ibang paraan ah. MOMOL lang," natatawang sabi ni Kuya Wayne bago lumabas pero bigla
ring bumalik. "Oy, joke lang yun. Kumalma lang kayo mga kids," and finally he left.

Kasabay ng pag-alis ni Kuya ay mukhang tinakasan din kami ng boses at naiwan ang
nakakabinging katahimikan. Pero hindi e. . . I came here to make him answer my
questions.

"Bakit. . . bakit mo nagawa 'yon kay Tyrone kanina? Don't try to deny it. Kitang-
kita ng dalawa kong mata ang nangyari kanina."

Ngumisi siya na may halong pagkainis at sinabayan pa ng iling. "Bagay lang sa kanya
'yon. Sira-ulo siya."

I clenched my teeth as well as my fists in anger. E isa rin palang sira ulo 'to e!
Mabilis ko siyang nilapitan at pinadapo ang kamao ko sa mukha niya. The same spot
where he hit Tyrone earlier.

"WHAT THE! Bakit mo ako sinapak?!" gulat at galit niyang sigaw. Did I mention
before na may pagkasiga ako nung highschool?

Ginaya ko ang ginawa niyang pagngisi kanina. "Bagay lang sayo yan. Sira-ulo ka e."
pati na rin ang kanyang sagot. 'Kala niya, siya lang ah!

"So, pinagtatanggol mo pa siya sa akin?!"

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Oo, kasi you're being unreasonable! Porque't ba
may gusto siya sa akin ay mananakit ka na? Kawawa naman yung tao! Kung galit ka sa
akin, sa akin lang dapat. 'Wag ka nang mandamay pa. Hindi na talaga kita ma-gets!
Ibang klase ring yang topak me e 'no?"

There, I said it. Mataman niya akong tinignan. Nakakatakot ang expression niya.
Gusto kong umatras pero mabilis niya akong hinawakan sa magkabilang palapulsuhan.

"Ano ba-"

"Sh1t! 'Di mo pa rin ako ma-gets? Gaano ka ba ka-slow, Misty?!" Hindi na ako
nakasagot dahil tinakasan yata ako ng sarili kong tapang. Hala, mukhang nareach
niya na ang anger meter niya. Teka... napasobra yata ako. "Hindi pa ba halata?
Inamin ko na nga kahapon e. Ano pa bang gusto mong gawin ko?!"

"Badaf-"

Ngunit hindi ko na natapos dahil hinila niya ako't inihiga sa sofa. Titili sana ako
pero. . . tinakpan niya mga labi ko ng mga labi niya.

AAAAAAAAAAAAHHH! sigaw ng utak ko. Gusto ko siyang itulak pero nanghihina ako. OH
MY GOD! FIRST TIME KONG MAHALIKAN SA LABI! AAAAAAAAAAAAAAAAAAH! KUYA! MOMMY! DADDY!
BUTLER! OH MY GOSH!

Hingal na hingal ako nang humiwalay na siya sa akin. Actually, hiniwalay niya lang
talaga ang mga labi niya sa akin pero nakadagan pa rin siya sa katawan ko.
Nanlalaki ang mga mata kong nakatitig sa mga mata niya. Hindi ko alam na ganito
pala ang feeling ng mahalikan. Parang. . . ang lambot ng lips niya. May foam ba
dun? Parang freshly baked mamon. Malambot at mainit, parang ang sarap tuloy
kagatin. Teka. . . ano bang pinag-iiisip ko?! HE KISSED ME!!

"Nagseselos ako," bulong niya. Nawindang ako sa sianbi niya pero mas nawindang ako
dahil... OH MY GOSH! Ibinaon pa ang mukha niya sa leeg ko. May kiliti pa naman ako
dun. Hindi tuloy ako makapg-isip ng maayos dahil sa pwesto namin! "Ano, gets mo na
ba o baka kailangan ko pang sabihin?"

TEKA! ANG AWKWARD NG POSITION NAMIN! ANO BA 'TO! Bakit ba nakapatong siya sa akin?
OH MY! OH MY!

"Ano ba!" sa wakas ay nasigaw ko rin. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas
ko at naitulak ko siya. Nalaglag tuloy siya sa sahig kaya mabilis akong tumakbo
palayo sa kanya. "Susumbong kita sa Daddy ko!" sigaw ko at mabilis na lumabas ng
kwarto pero narinig ko pang may isinigaw siya.

"Magsumbong ka! Magsisisi ka, sige!" Humalakhak siya.

Napahawak nalang ako sa labi ko nang makatakbo na palayo. Oh my! Si Badaf ba yun?
Dapat pala talaga hindi na namin pinalabas si Kuya Wayne e! ASAAAAAR! Yung first
kiss ko!! Pero teka, nagseselos siya? Sa akin o kay Tyrone? Malamang kay Tyrone.
Ako yung hinalikan niya e. AAAAAAAAAAAAAAAAH!
***

"Ma'am Misty, ayos ka lang?" tanong sa akin ni Butler. Tumango ako kahit umiiyak
ako dito sa backseat. Naiiyak ako sa asar! Una, nakita ko siyang nanapak.
Pangalawa, hinalikan niya ako. Umuwi nalang ako kaagad dahil baka may pangatlo pa.
Nakakatakot si France Zion Madrigal! Siya ba talaga yun? Baka naman may kakambal
siya?!

Pagkarating sa bahay ay lumabas na agad ako ng kotse't dumiretso na papasok sa


loob. Pumunta ako sa kitchen at naghilamos. Kumuha pa ako ng tubig para
mahimasmasan.

Walang-hiyang, Badaf na 'yan! Nawalan tuloy ako ng tiwala sa kanya. Nabago pa ang
tingin ko sa katauhan niya. Okay, given the fact na lalaki na siya, pero hindi pa
rin dapat na manghalik nalang siya ng ganun.

Uminom ulit ako sa baso ng tubig na hawak ko. Starting from now on, hindi ko na
siya papansinin. Ayoko na sa kanya!

"Ma'am Misty?" biglang sumulpot ang isa sa mga housemaids namin. Pinunasan ko naman
agad ang mukha ko.

"Bakit po?"

Namilog ang mga mata ko nang makita kong inilabas niya mula sa kanyang bulsa ang
iPhone 6 ko. "Binalik po ng taxi driver itong phone mo kaninang umaga."

"Wow, thanks po!"

Ngumiti siya sa akin pagkaabot at pagkatapos ay umalis na. Yay! Buti nalang at
naibalik pa ito. Actually, kakabili lang sa akin ito ni Papa last March e.
Graduation gift.

Binuksan ko kaagad ang phone ko at nakita kong may unread messages. 3 messages iyon
mula kina Eunice at. . . Badaf.

"Nakakainit ng ulo makita ko lang ang pangalan mo," bulong ko at inisa-isang


chineck ang mga iyon.

From: Eunice

(Tue 9:35am)
Misty, resched ang NSTP exam. Walang exams today. :)

From: Eunice

(Tue 9:40am)

Misty, nasa library kami ha? xoxo

Napasimangot ako dahil naalala ko ang nangyari kanina. Naiinis na talaga ako dahil
pinagkakaisahan nila ako lahat. At eto naman ako, nag-iisang clueless.

And lastly, kay Badaf este kay Zion. Gusto ko sanang 'wag nang basahin nalang at
idelete agad pero parang may sariling buhay ang thumb ko dahil na-tap niya ang
thread ni Zion.

From: Badaf

Mon (2:59pm)

Misty, nahulog na yata ako sayo. May balak ka bang saluhin ako? :(

Oh, my gosh. Whatever happened to his golden rule; Warning: Bawal Ma-fall?

Yhel's note: Nag-uupdate naman ako, 'di ba? Ba't nagrereklamo pa rin? Nakakalungkot
lang dahil yung iba sa inyo ay hindi maappreciate ang updates ko. Kapag tinopak
talaga ako, ito ang i-hohold ko. .__.

=================

35. Straight

Chapter 35

Hindi ako nakatulog ng magdamag. Hindi kasi maalis sa isip ko yung nangyari
kahapon. Nawiwindang ako, sheesh! Masyadong maraming nangyari. Pakiramdam ko nga ay
parang hindi lahat ay totoo. Baka nga ay naghahallucinate ako or something. Baka
sobra lang akong stress dahil hell week ngayon.

Pero hindi. Hindi ko pwedeng i-deny ang nangyari kahapon. Sa katunayan ay


nararamdaman ko pa rin yung feeling ng pagdikit ng mga labi namin ni Zion. Ipinilig
ko ang ulo ko para tanggalin sa isip ko ang nangyari. Kaso sa tuwing ipipikit at
ipipilig ko ang ulo ko ay mas lalo ko lang naaalala ang pagmumukha ng bakla este
lalaking 'yon. AAAAAAHH! Nababaliw na yata ako! Kasalanan ng walang hiyang 'yon!

"Misty, parang wala ka sa sarili d'yan," puna sa akin ni Daddy. Bumalik tuloy ako
sa wisyo ko. Oo nga pala, sabay kaming magbreakfast ngayon ni Daddy. See? Wala ako
sa sarili.

Parang slow mo akong kumain. Para ngang pinaglalaruan ko lang ang pagkain sa plato
ko. Wala akong ganang kumain simula pa kagabi. Huhu.

"What's wrong, Misty? Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo," seryosong sabi ni Daddy.

Ngumuso ako. Bagsak ang balikat kong hinarap ang Daddy ko. "Uh. . . daddy?"

"Hmm?"

Pinagmasdan ko siya habang nakafocus siya sa pagkain niya. Gusto kong sabihin sa
kanya ang nangyari pero nag-aalinlangan ako. Dapat ko ba 'yong sabihin? Baka kasi
pagalitan niya ako, pero hindi ko naman 'yon sinasadya. As if naman ako ang
nanghalik. E siya naman! Naku, naiinis talaga ako sa tuwing naaalala ko iyon.

Kumagat ako sa ibabang labi ko saka ako huminga ng malalim. Bahala na. Sa kanilang
dalawa ni Mommy ay kay Daddy naman ako close. He would surely understand what
happened.

"Dad," huminga ako ng malalim. Kalma, Misty. Hindi ka buntis, first kiss lang yan.
Sabihin mo na!

"Oh?"

Hinga ulit ng malalim. "Dad, hinalikan po ako ni Zion," sabay pikit. Cross fingers!
Yung puso ko. . . sheesh! Nagwawala sa kaba!

Wala akong ibang narinig kundi ang nakakabinging katahimikan. Pagmulat ko,
nakatulala lang sa akin si Dad na gulat na gulat. Para bang na-pause siya at ako
lang ang kumikilos. "Dad?"

And there, dun lang siya nabalik sa earth. "Acck! Acck!" Nabilaukan pa siya kaya
natataranta ko siyang inabutan ng tubig na mabilis niyang inubos. "T-talaga?"

"Opo," ngumuso ako.

Dahan-dahan siyang tumango tapos pinilig niya ang ulo niya. "Okay, so what are you
trying to say?"
Napaawang ang bibig ko sa reaksyon niya. Yun lang yun? Hindi ba siya magagalit kasi
nakuha na ang first kiss ko? Na kumikirengkeng na ako?

"Dad, lalaki na po siya."

Muli, nabilaukan ulit siya pero this time, hindi naman severe. Natawa kasi siya.
"Misty, hinalikan ka lang niya, lalaki na agad siya?" Humalakhak siya kaya
sumimangot ako. "Tell me, saan ka niya hinalikan? Sa pisngi, noo, kamay, o baka
naman flying kiss?"

Sumayad na sa sahig ang nguso ko dahil sa sarkastikong tanong ni Daddy. Si Daddy


talaga, bakit ba parang hindi siya makapaniwala?

"None of the above, Dad."

Natahimik siya. Kumunot ang noo niya at saka tumikhim. "Kung ganun, saan?"

Hindi ako nagsalita. Sapat na sigurong itinuro ko yung lips kong naka-pout pa.

"ANO?!" he exclaimed. Nagtaka ako nang natataranta niyang kinuha ang phone niya.
"Dapat sabihin ko ito kay Sandra," sabi niya. Sasabihin niya sa Mama ni Badaf? Oh
no!

"'Wag po!" Inabot ko ang phone niya at saka ko mabilis na inagaw. "Daddy, secret
lang natin 'to."

"Baby, lalaki na ang anak niya. She needs to know about it."

"Sasabihin mo rin po ba kay Tita Sandra na kiniss niya ako?"

Parang na-freeze si Dad sa kinauupuan niya. Parang hindi talaga siya makapaniwala
sa nangyari. Naku, Daddy! Ako rin kaya. "Did he really kiss you?"

"Oo nga po!" Ba't ba ang kulit ng tatay ko?

Napasapo siya sa ulo niya. Parang problemadong-problemado. "Dalaga na ang bunso ko.
Parang dati, kinakarga pa kita tapos ngayon, na-first kiss ka na," ma-drama niyang
litanya.

Hindi ko alam pero natawa ako sa sinabi ni Daddy. Tumayo ako at pumwesto sa likuran
niya. Minasahe ko ang ulo niya ng dahan-dahan. "Daddy, baby mo pa rin ako. At saka,
first kiss lang po 'yun, 'no. Hindi pa naman ako mag-aasawa."
"Dapat panagutan niya yung ginawa niya sa'yo!"

Sinilip ko ang mukha niya. My face was plastered by a 'seriously' look. "Dad, hindi
po ako buntis. 80's lang ang peg?"

Natawa siya ng bahagya sa sinabi ko. "So, maiba tayo. Boyfriend mo ba na siya?"

Nalaglag ang panga ko. "Dad!" Kaloka! Agad-agad?

"So, manliligaw?"

Kumunot naman ang noo ko. Hinila ko ang upuan sa tabi niya at dun naupo. "Eh, ayoko
po." Kahit gusto ko siya, ayoko pa rin! Bata pa kaya ako! Baby pa ako ng Daddy at
Kuya ko!

"Why not? Hinalikan ka niya, ibig sabihin may gusto siya sa'yo, Misty. Akalain mo
yun, nagawa mo siyang gawing straight?" Hinaplos niya ang mahaba kong buhok. "Ang
ganda kasi talaga ng anak ko. Iba talaga ang lahing Lee," sabay kindat niya.

Natawa tuloy ako. "Daddy naman!"

"You may now accept suitors, basta dito ka magpapaligaw sa bahay. Ipapakilala mo sa
akin ng pormal nang makilatis ko," he said with his most sincere smile. Ang swerte
ko talaga sa Daddy ko. Napaka-cool!

"Pero Dad-"

"Thinking about your Mom?" He said and I replied with a hesitant nod. Hindi naman
ganun kasungit si Mommy. Kahit na hindi niya ako maasikaso dahil napaka-workaholic
niya ay istrikto siya sa akin dahil nag-iisa akong babae. "Akong bahala. Secret
lang natin 'to, basta ba 'wag pababayaan ang pag-aaral? I trust you, Misty.
Nakakatuwa nga kasi open ka sa akin."

Nagpigil ako ng ngiti kaso fail kasi hindi ko kaya. My Dad is so cool.

"Paano kapag nalaman po ni Mommy?"

He chuckled as he quickly shook his head to assure me it's safe. "Ganun din naman
siya noon. Ayaw magpaligaw pero napasagot ko."

PAGKATAPOS ng fun breakfast with Daddy ay siya na ang naghatid sa akin sa E.H.U.
May meeting daw kasi siya together with his co-shareholders sa isang kumpanyang
pinag-iinvest'an niya. Sa pagpasok ko sa campus ay hindi ko maintindihan ang
nararamdaman ko. Confident ako dahil naka-review ako sa NSTP pero hindi ako
confident na pumasok sa classroom na nandun yung isang taong nagpagulo sa isip ko
kagabi.

Ewan ko ba, hindi lang naman si Zion ang nagconfess sa akin kahapon. There was also
Tyrone who confessed to me nicely. Hindi yung agressive. Kalma lang. Hindi yung
binigla ako ng bongga. Chill lang.

Pagpasok ko sa room 306, naabutan kong abala ang lahat sa kanya-kanyang ginagawa.
Yung iba ay tahimik na nagrereview, yung iba naman ay nagkukwentuhan. Nakita kong
kinawayan ako ni Eunice na nasa bandang dulo kaya lumapit ako sa kanila.

Pumwesto ako sa gilid at hinanap ng mga mata ko si Zion. I sighed in relief when I
didn't see him. Wala pa siguro. "Nakapagreview ka?" tanong ni Sab.

"Oo, kayo?"

"Hmm, medyo-"

Natigilan kami nang biglang may umeksena sa harapan namin. "Sab, pwedeng dyan
nalang ako?" Sumimangot ako. Si Zion pala. At talagang tatabi sa akin ah?

"Sure- saglit. Hala, anong nangyari? Ba't may sugat ka sa labi mo?" tanong ni Sab.

Pinagmasdan ko yung labi ni Zion. Napalunok ako dahil may sugat nga. Hala,
napalakas ba ang sapak ko sa kanya kahapon? Kawawa naman este bagay lang sa kanya
'yon! Hinalikan niya kasi ako. Hmp! Pero... mas nauna ko siyang sinapak kaysa dun
sa halik niya. Hala, nakakaguilty. GUILTY? Hala, sige! Gamutin mo rin yung sugat
niya, Misty.

TEKAAAA NGAAAA. Nababaliw na yata ako! Kung ano-anong iniisip ko. This is really
bad!

"Kaya nga, Zion. Wala pa yan kahapon diba?" sabi naman ni Eunice. "OMG, don't tell
me rumesbak si Tyrone sayo?!"

Napangiwi ako't nagbawi ng tingin nang bumaling sa akin si Zion. Oo na! Ako na ang
sumapak sayo!

"Hindi si Tyrone ang may gawa nito," mariin na sagot niya. Hinintay ko ang susunod
na sasabihin niya pero. . . "Sab, dyan na ako, pwede?"

"Okaaaay."

Dead silence.
Ramdam na ramdam ko ang tagus-tagusan na titig sa akin ni Zion. Kulang nalang ay
bumaon ako sa kinauupuan ko dahil sa tindi ng titig niya sa akin. Huhuhu. Help me.
Naiilang ako. Parang hindi na siya ang Badaf na nakilala ko noon.

"Misty-"

Hindi ko na pinakinggan ang sasabihin niya dahil mabilis kong kinuha ang earpods ko
at nakinig ng music sa phone ko.

"Dango dango dango~" sinabayan ko ang kanta. Sana maramdaman niyang ayoko siyang
kausap, pero nabigla ako nang hablutin niya ang earpods ko.

Sumimangot tuloy ako't hinarap siya only to realize that his face was very close to
mine. Napaatras tuloy ako. "Ano ba! Bastos 'to. Kitang nakikinig ako ng music e,"
reklamo ko pero ang totoo ay nagliliyab ang mukha ko't nagwawala ang mga
butterflies sa tyan ko. Naaamoy ko na nama kasi yung pabango niya. Lalaking-lalaki
ang amoy! KYAAAAAAAAAH!

Na-frustrate yata siya sa naging reaksyon ko kaya nagulo niya ang buhok niya. "Tss,
Misty. Gusto ko lang magsorry-"

Saved by the bell! Nag-ring naman ang phone ko. Whoever this is, maraming salamat!
Pagtingin ko sa screen ay si Tyrone pala. Isa pa 'to. Jusme, para akong natutuliro
sa mga kaganapan sa buhay ko.

Sinulyapan ko muna saglit si Zion sa tabi ko na nakasimangot na bago ko sinagot ang


tawag. "Hello, Tyrone?" bulong ko.

"Hi, Misty. Ngayon rin ang NSTP exam mo diba?" I could imagine Tyrone's smile while
talking on the other line.

"Yeah, kayo rin diba?"

"Hmm," sagot niya. "Tumawag lang ako para mag-goodluck sayo. Pray ka muna bago
magsagot. Kaya mo yan."

Napakagat ako sa labi at ngumiti. Isa talaga yan sa nagustuhan ko sa kanya e. He


has a strong faith in God. "Salamat. Goodluck din, Tyrone."

"Ngayon narinig ko ang 'goodluck' mo sa akin, maipeperfect ko ito," he said


laughing.

"Ikaw talaga. Sige na, ibababa ko na 'to. Bye!"

"Ikaw talaga." Kumunot ang noo ko nang exaggerated na ginaya ni Zion ang boses ko
pagkababa ko sa phone ko. "Pa-sweet pa. Tss," bulong niya na halatang pinaparinig
sa akin.

"Alam mo, nakakapikon ka na!" Umirap ako at bumaling nalang sa notes ko kaso
nilapit ni Zion ang mukha niya sa akin.

"Misty, sorry na," he whispered in a husky voice. Nagsitindigan tuloy ang mga
balahibo sa katawan ko. Siya ba talaga yun?! "Hindi ko naman sinasadya yun. Ikaw
kasi e, ayaw mong maniwala na lalaki-"

Hindi ko pinatapos ang ibinubulong niya dahil tumayo na ako at lumipat ng ibang
upuan. Hindi ako makakapagconcentrate kapag malapit siya sa akin. Naghuhuramentado
kasi ako! Oo na, naniniwala na akong lalaki siya. Hindi na siya yung soulsister ko.

***

Mabilis akong natapos sa exam dahil gamay ko na ang lahat. Lumabas agad ako ng room
at nagmamadaling umalis sa lugar na 'yon. Kailangan ko nang umuwi. Hindi ko keri
magtagal dito dahil may iniiwasan ako. Ayokong makipag-usap sa kanya dahil baka
magka-heart attack ako-

"Misty!"

Pumikit ako ng mariin at nilakihan na ang bawat hakbang ko. Yan na nga ba ang
sinasabi ko e! The more I avoid him, the more he approaches me.

Natigilan ako nang mabilis siyang humarang sa escalator. "Misty, usap tayo,
please?"

Umatras ako ng isang hakbang. "Makipag-usap ka sa sarili mo!" sabi ko at tumakbo na


palayo. Saan ba ako dadaan? Aahh! Sa stairs nalang. So, tumakbo ako papunta dun
kaso hinabol niya ako. Nakakainis nga e, kasi ang bilis niyang tumakbo. May sa
kabayo ba siya?

"Misty, sorry na kasi!"

Inirapan ko siya. Mas lalo siyang humarang sa dinadaanan ko. "Zion, isa!" bilang
ko.

"Edi magbilang ka hanggang one million. Basta kailangan nating mag-usap," sabi niya
at tinalikuran ko siya ulit. "Misty!"

Tumakbo ako sa bawat hallway na madadaanan ko. Para kaming nagmamataya-taya sa


building. Jusme, ang kulit kasi e!
"Misty!"

"Bahala ka!" sigaw ko at tumakbo papunta sa escalator. Habol-habol niya pa rin ako.
Sheesh, hinihingal na ako!

Pagkaapak ko sa second floor ay humarang siya muli sa akin. This time, hinawakan
niya na ang kamay ko. Nagpupumiglas ako pero ayaw niya akong bitawan. AH!
Nakakainis na talaga.

"Bitawan mo ako," I said in gritted teeth.

"Ayoko."

"Hindi tayo bati!"

"Isip-bata ka na naman," he grimaced.

Yumuko ako ng bahagya at pinanlisikan siya ng mga mata. Kung nasa anime kami
ngayon, baka may kidlat nang nakapalibot sa akin ngayon. "Bitaw. . ."

"Mag-usap na kasi tayo."

Kumuyom ang mga palad ako. "Sasapakin kita ulit, sige ka!"

"Edi sige," ngumisi siya. "Basta mag-uusap tayo." Aba, matapang!

Lalo kong kinuyom ang palad ko at mabilis na lumipad ang kamao ko. . . sa ere.
Imbes sa mukha ay sa ere tumama ang kamao ko! Ang bilis niyang umilag!

"Grr! Bahala ka sa buhay mo!" sigaw ko at tinalikuran siya pero natigilan din sa
sinabi niya.

"Hanggang kailan mo ba ako iiwasan? First year pa lang tayo, first sem. Mahaba-
habang taon pa tayo magsasama. Hindi mo ba ako namimiss?"

Naglakad siya papunta sa harapan ko. Unti-unting lumuluwag ang mga kamao ko.

"Akala ko pa naman, okay na kapag inamin ko yung tunay na ako. Hindi pala. Mas lalo
ka pang nagalit sa akin."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit, sino bang unang nagalit dyan? 'Di ba ikaw? Ikaw
yung unang umiwas sa ating dalawa?"
Bumuga siya sa hangin. Parang pinapakalma ang sarili. Buti nalang at hindi gaano
karami ang mga estudyanteng pumaparito't pumaparoon. Nasa gitna pa siguro ng exams.

"Misty, I needed time and space to think. Naguguluhan na rin kasi ako sa sarili
ko," kalmadong paliwanag niya.

Bumuntong-hininga ako. Hinahabol ko ang aking hininga dahil sa itinakbo ko kanina.


Nakakapagod. Parang nanghina yata ako.

"Kailan pa 'yan nagsimula?" mahinang tanong ko sa kanya.

"Ang alin?"

Tinignan ko siya pero nagbawi din agad ako ng tingin dahil hindi ko kaya. Ugh,
naiilang talaga ako. "'Yan."

"'Yang ano?" kumunot ang noo niya.

"'Yan. 'Yang 'yan!" sabi ko sa tonong 'dapat-magets-mo-yan-agad-'wag-mo-na-hayaang-


ako-pa-ang-magsabi.'

"Na gusto kita o naging straight na ako?"

Umatras ako palayo sa kanya at pumadyak sa sahig. Nagtaka yata siya sa ginawa ko
dahil parang isa akong baliw kung tignan niya ako. "Hindi ako sanay na ganyan ka!"
Ngumuso ako.

"It's still me, Misty. Kasalanan mo kung ba't naging straight ako. Dati, gustong-
gusto mo ako maging straight tapos ngayon, nagagalit-galit ka." Sheesh! Yung boses
niya, matigas na. Nasaan na yung arte sa diction niya? Wala na!

"At ako pa ang sinisi mo?"

"Oo, sino pa ba? Inakit mo 'ko e."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Ako? Inakit siya? Sapak, gusto niya?! "You're
crazy," sabi ko at akmang iiwan na siya dun nang hilain niya ako't niyakap ng
mahigpit. AAAAAAAH! Ayan na naman ang nakakabaliw niyang pabango.

"Sorry na kasi," bulong niya sa buhok ko. Nanigas na naman ang katawan ko. Huhuhu.
Help me escape! "Akala mo ba madali 'to. Hindi, 'no. Syempre inisip ko na baka 'pag
umamin ako sayo ay layuan mo ako, na baka masira yung friendship natin. At eto na
nga, lumalayo ka na."
Parang may kung anong humaplos sa puso ko dahil sa malambing niyang boses. Yung
malambing pero matigas. Ang sarap sa tenga, actually. Nakakainis. Naiiyak ako.
Nakakamiss naman kasi talaga siya. Almost two weeks din ah!

"Hindi na ikaw ang soulsister ko," bulong ko sa kanya. Tsk. Luha, 'wag kang tutulo.

"Bestfriends pa rin tayo," sabi niya na medyo natawa pa.

"Pero hindi na ikaw ang Badaf ko," dagdag ko pa.

"Sabi ko naman sayo, ako pa rin 'to. Hindi na nga lang ako ang soulsister o Badaf
mo, pero sa'yong-sa'yong pa rin ako." At naramdaman ko ang pagdampi ng mga labi
niya sa tuktok ng ulo ko. Iniwasan ko kaagad ang ulo ko at pinadausdos sa dibdib
niya. Nakukuryente kasi ako! Kapag nasobrahan ako, baka sumabog na ako. Tama na!

"Hinahalikan mo na naman ako! Manyak ka na ah!"

Humiwalay ako sa kanya at pinunasan ang kaunting luhang tumulo mula sa mga mata ko.
Nakangiti siya sa akin at feeling ko, kung nasa anime kami ay lumiwanag na ang
paligid.

"Sorry na. Bati na tayo?" sabay peace sign niya. Kinagat ko ang labi ko para
pigilan ang pagngiti ko. Nadadala kasi ako sa perpektong kurba ng labi niya. "Oh,
ngumingiti ka na. Ibig sabihin n'yan, pinapatawad mo na ako."

"Misty."

Nilingon ko ang tumawag sa akin. Laglag ang panga kong nakita si Tyrone na tumingin
sa akin at pagkatapos ay kay Zion. Hindi ko alam pero na-tense ako. Oh my gosh!
Nagkainitan sila kahapon. Baka mag-away sila ngayon!

"Uy, Dude." Bati ni Zion at mabilis niya akong inakbayan. Siniko ko siya pero hindi
siya nagpatinag sa 'kin. "Si Misty ba ang hanap mo? Uuwi na siya e. Hahatid ko nga
siya as bahay e. 'Di ba, Misty?"

"Anong pinag-" pero bigla niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang palad niya.

"Oo raw. Sige na, excuse us. Magbabye ka na, Misty!" Kinuha ni Zion ang kamay ko at
ginalaw iyon na parang kumakaway kay Tyrone. "Bye!"

Tinangay ako ni Zion paalis pero hindi pa kami nakakalayo ay narinig ko ang boses
ni Tyrone. "Hindi si Misty ang ipinunta ko dito, kundi ikaw, France."

Sabay kaming lumingon ni Zion. Bumitaw siya sa pagkaakbay sa akin at ako naman ay
nagsilbing hangin sa pagitan nilang dalawa.

"Ako?"

"Oo," Tyrone smiled slyly. "Gusto kitang makausap. Pwede ba?"

Zion looked to me before he shrugged. "Okay," sagot nito at bumulong sa akin.


"Hintayin mo nalang ako sa labas."

Hindi ako mapakali pagkaalis nila. Para bang nadikit ang mga paa ko sa sahig dahil
hindi ako makakilos. Paano kung magsapakan ulit sila? This time, baka gumanti na si
Tyrone. Parehas pa naman silang may sugat sa labi. Baka madagdagan pa yun.

Ha! Bahala na. Susundan ko sila! Patakbo na sana ako sa direksyong dinaanan nila
nang may tumawag sa akin. "Misty!" Sina Sab at Eunice pala. Hinintay ko silang
makababa sa escalator. "Takbo ka ng takbo. Saan ka pupunta?"

"Si Zion kasi e, niyayang makipag-usap ni Tyrone."

Nagkatinginan silang dalawa. "O? Si Zion ang nagyaya kahapon kay Tyrone. So,
baligtad naman ngayon?"

"Oo, kaya nga nababahala ako. Sundan kaya natin?" sabi ko at agad silang tumakbo at
sumunod sa akin na tumakbo.

Pagkalabas namin sa building ay natanaw na namin agad ang dalawa sa garden. Nagtago
kami sa halamanan at nag-eavesdrop sa usapan ng dalawa.

"Pasensya na sa nasabi ko sayo kahapon. Nainsulto kita. Pinipiga lang naman kita,"
sabi ni Tyrone.

"'Ge lang. Naiintindihan ko."

Nagkatinginan kaming tatlo nina Sab at Eunice. Clueless kami sa pinag-uusapan nila.
Ininsulto ni Tyrone si Zion kaya niya ito nasapak?

"Haba ng hair mo, girl. Mula Luzon umabot hanggang Spratlys Island," bulong sa akin
ni Sab. Humagikhik naman si Eunice kaya. . .

"Sshhh..." I shushed them.

"So, paano ba 'yan? Alam niya na," boses ni Zion. Hindi ko alam kung ako lang ba
pero may bahid ng yabang ang boses niya. Ibang-iba na talaga siya. "Gusto mo rin
siya diba?"
"Hindi lang gusto kundi gustong-gusto."

Nag-init ang buong mukha ko sa isinagot ni Tyrone. Sina Sab at Eunice naman ay
pinagsasabunutan at niyugyog ako sa kilig. "Sshh. . ."

"Sorry," bulong nila at nakinig muli.

"Siya ang dahilan kung ba't ako naging bakla. Siya rin ang dahilan kung ba't ako
bumalik sa pagkalalaki. Tingin mo, magpapatalo pa ako?"

"Oh my, gosh. Misty. . . Misty. . . eeeh~" irit ni Sab sa tenga ko. Jusme, ang
ingay, baka marinig kami!!

". . . So, may the best man win nalang?" dagdag ni Zion.

"Sure."

Niyugyog-yugyog ako ng dalawa. Kulang nalang ay magtatalon at magsisigaw sila sa


kilig. Napapailing nalang tuloy ako. Dapat pala hindi ko nalang sila niyaya dito.
Baka mahuli kami!

"Tara na-" yaya ko sa kanila nang biglang mag-vibrate ang phone ko at sa gulat ko
ay. . . "AH!" Napatili ako. Tumatawag si Zion sa phone ko!!

"May tao ba dyan?" boses ni Zion. Napatakbo tuloy kaming tatlo palayo dun! Hoo!
Kinabahan ako dun ah! Pero mas kinabahan ako sa pinag-usapan nilang dalawa. Totoo
ba ang lahat ng ito?

=================

36. Suitors

Chapter 36

From: Zion

Madaya ka. Di mo ko hinintay.

Napangiti nalang ako sa text na natanggap ko mula kay Zion. 'Di ko alam kung bakit
halos mag-Harlem Shake na ako sa ibabaw ng kama ko. KYAAH! Ganito ba talaga ang
feeling ng nililigawan? Para akong lumulutang sa alapaap.
Hindi ko na kasi siya nahintay kanina nung nag-uusap sila ni Tyrone. Pinatayan ko
pa siya ng phone dahil sa sobrang pagkataranta ko. Ayokong mahuli, 'no! Muntikan na
nga kami e. Kung ba't ba kasi malakas yung vibration ng phone ko, ayan tuloy, halos
mapatili ako sa gulat.

Sa totoo lang, medyo nagsisisi ako sa pag-eavesdrop sa usapan kanina nina Tyrone at
Zion. Ngayon tuloy ay nabobother ako. Imbes na wala akong ideya sa mga bagay-bagay
ay may nalaman tuloy ako. Yan tuloy, napapaisip ako. Ininsulto pala ni Tyrone si
Zion kaya niya ito sinapak kahapon. Ano kayang sinabi niya para mapikon si Zion?

"Siya ang dahilan kung ba't ako naging bakla. Siya rin ang dahilan kung ba't ako
bumalik sa pagkalalaki. Tingin mo, magpapatalo pa ako?"

At isa pa yun! Napakagat tuloy ako sa yakap kong unan. Isa pa 'yan sa gumugulo sa
isip ko ngayon. Paano yun nangyari? Okaaaaay, hindi na masyadong palaisipan sa akin
kung paano ko siya nagawang maging straight. Pero yung ako yung naging dahilan kung
ba't siya naging bakla? Wow, just wow. Paano yun? Wala akong matandaan kung anong
nagawa ko.

Halos mapatalon ako sa kama nang magvibrate ulit ang phone ko sa ibabaw ng tyan ko.
Pagtingin ko sa natext, napakagat nalang ako sa ibabang labi ko. Geez, consistent
ah.

From: Zion

Psst! Alam kong 'di ka pa tulog. It's either iniisip mo ako o baka nagrereview ka.
Reply naman dyan. ;)

"Aba, lakas ng bilib mo sa sarili ah," natatawang sabi ko sa phone ko. Natatawa ako
kasi totoo ang sinabi niya and at the same time, natatawa ako kasi ang yabang niya.
Jusko po. Naging straight lang siya, dumadamoves na agad siya ng ganito.

Umayos ako ng higa sa kama at nagtype ng reply sa kanya. Maaga pa para matulog pero
kailangan ko nang matulog dahil maaga akong gigising para magreview bukas.

To: Zion

Matutulog na ako. Istorbo ka po.

Nilagay ko na sa ilalim ng unan ko ang phone ko. Tumalikod at sinubukang pumikit na


pero. . . ugh, nadidistract ako sa vibration. Kaya kinuha ko ulit ang phone ko at
binasa ang reply ni Zion.

From: Zion
So, ako lang ang di makatulog? Di ka apektado? :(

Bumangon ako at napapaypay sa mukha ko gamit ang palad ko. "Argh, anong hindi
apektado ka dyan? Ginugulo mo nga ang isip ko," sagot ko na akala mo ay maririnig
niya ang sinabi ko. Ayan na naman yung strange feeling sa dibdib ko. Kanina ko pa
'to nararamdaman e, simula nang marinig ko yung usapan nila ni Tyrone kanina.

Tuluyan na akong bumangon at lumaba sng kwarto. 'Di ko magets yung nararamdaman ng
sikmura ko. Ito ba yung sinasabi nilang 'butterflies in the stomach' o baka naman
ay gutom lang ito?

From: Zion

Anong ginagawa mo ngayon? :)

"Ang kulit neto," nakangiting bulong ko sa sarili habang nagsasalin ng gatas sa


baso. Naupo muna ako sa high stool at saka ako nagcompose ng reply sa kanya.

To: Zion

Umiinom ng gatas tas matutulog na.

Isang reply nalang, papatayin ko na ang phone ko. Hindi pwedeng late akong
matutulog ngayon. 4AM pa ako gigising bukas para magreview. Bangag ako nito bukas,
for sure.

From: Zion

Gusto mo ng cookies?

Napanguso ako sa reply niya. Ewan ko ba pero natakam ako bigla sa cookies. Chineck
ko yung kitchen cabinet namin pero wala kaming stock. Naku naman. Nagutom tuloy ako
bigla.

To: Zion

Pwede rin. Goodnight na. Tulog na ako.

Pinatay ko na yung phone ko at sinimulan nang sinimsim ang gatas ko nang biglang
pumasok yung isang kasambahay namin sa kitchen. "Ma'am, may bisita ka po," sabi
niya.

Nangunot ang noo ko. Bisita? Sa ganitong oras?


"Sino raw po?" tanong ko.

Ngumiti siya, parang kinikilig. Dun pa lang, mukhang alam ko na kung sino iyon. "Si
Sir Zion po. Papapasukin ko po ba?"

Napatayo tuloy ako ng wala sa oras. Conscious akong napapunas sa labi ko. Parang
kanina lang ay katext ko siya ah, anong ginagawa niya dito?

"Sige po," sagot ko. Tumango siya't lumabas na ng kitchen. Hindi ko alam kung bakit
pero nataranta ako. Mukha ba akong disente ngayon? Ayos pa naman ang buhok ko.
Teka, bakit ba ako biglang naconscious? Siya lang naman yan.

Nagsalin akong muli ng gatas sa baso ko at patay malisyang ininom iyon nang marinig
ko ang footsteps na parating.

"Guess I'm just in time," sabi ng boses kaya nilingon ko iyon. He smiled as he
lifted a box of cookies in mid-air. "Good evening, Misty." Sheesh, mukha siyang
sarap niya. . . este nung cookie na hawak niya. Sige na nga, ang gwapo niya rin
ngayon. Kahit na naka-shorts at blue polo shirt lang siya e parang naging modelo na
siya sa paningin ko.

Snap! "Uy, natulala ka na," sabi niya kaya napakurap ako't nagbawi ng tingin.
Bumalik ako sa pag-inom ng gatas. Natuyuan yata ang lalamunan ko sa presence niya.
"Ang daya mo. Iniwan mo ako kanina," sabi niya at naupo na sa tabi ko.

"Ba't ka nandito? Gabi na ah." Ganyan nga, Misty. 'Wag pahalatang mesmerized ka sa
kanya. Hoo!

"Dinalhan kita ng cookies. Nung katext kita, papunta na ako dito." Binuksan niya
ang box at naamoy ko kaagad yung chocolatey aroma nung cookies. Inabutan niya ako
ng isa kaya kinuha ko kaagad iyon. "Ako ang nag-bake n'yan. Proudly baked by yours
truly. Tikman mo na," saka niya itinulak yung kamay ko para isubo yung cookie sa
bibig ko.

"Teka nga. Excited?" I looked at him suspisciously and he just laughed. "Baka may
gayuma 'to ah!"

He cracked out a laugh, clutching his hand into his stomach to control to burst out
more. "Grabe ka. Hindi naman kita gagayumahin," sabi niya sa akin at hindi ako
kumportable sa ngiti niya kaya inirapan ko siya pero mabilis ang kamay niyang
iniharap muli ang mukha ko sa kanya. Tinampal ko nga. "Hindi na kailangan ng
gayuma. Tumingin ka lang sa mukha ko, kikiligin ka na."

I was dead-panned for the next 5 seconds tapos. . . humagalpak ako ng tawa. "Edi
wow! Naku, itulog mo nalang yan, Zion." Tumayo ako at tinalikuran na siya. Dun ko
lang kinain yung inabot niya sa aking cookie na sobrang sarap. In fairness, may
future siya sa baking.
I could hear the sound of him getting off the high stool kaya nilingon ko siya.
Nakangiti siya sa akin ng nakakaloko kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"What's with the crooked smile?" tanong ko. I don't trust that smile. Parang may
binabalak na masama. Uh oh.

"Sabi ni Kuya Wayne, pakipot daw talaga ang mga babae."

"Sooo?" I asked in a 'so what are you trying to say' tone.

Nagkibit-balikat siya at nagbabye na sa akin. Palabas na siya ng pinto nang


magsalita siyang muli. "Lubos-lubusin mo na ang mga araw na single ka. Pagkatapos
ng finals, puro mukha ko na ang makikita mo," sabi niya at tuluyan nang umalis.

Nalaglag ang panga ko sa pagkawindang sa sinabi niya. Pumunta lang ba siya dito
para sabihin yun at para dalhan ako ng cookies?

***

Lumipas ang mga araw at finally, tapos na ang exams. Actually, nung Sabado pa ang
last day ng final exams. Monday na ngayon at nandito ako sa bahay, nagrerelax. Wala
naman nang gagawin e. University week na sa E.H.U at hindi naman required ang
attendance.

"SEMBREAK NA!" sigaw ko habang kausap sina Eunice at Sab sa phone. Conference call.
Pare-parehas kasi kaming walang magawa sa bahay kaya heto't tinawagan ako ni
Eunice. Wala naman kaming masyadong napag-usapan. Inaasar lang nila ako dahil
mahaba raw ang buhok ko. Err... 5pm na pero nasa kama pa ako. Tinatamad akong
bumangon e. Siguro kasi, bumabawi ako sa mga araw na nai-stress ako.

"Hindi pa, 'no. Papapirma pa tayo ng clearance," sagot ni Sab. Wala naman na akong
problema sa clearance. Papapirmahan lang sa library, SC at Accounting yung form and
voila, tapos na. Madali lang yun.

"At saka, hindi pa dapat magsaya, Misty. Saka na tayo magsaya kapag nakuha na natin
ang grades natin. Tagilid pa naman ako sa Math," sabi ni Eunice.

Dumapa ako sa kama at hindi mawala sa labi ko ang ngiti. Alam ko sa sarili kong
nasagot ko nang tama ang exams sa Math. Hindi naman siguro ako babagsak du'n. With
Tyrone's guidance, I know I could make it.

"But at least tapos na ang first sem," sabi ko sa kanila na apra bang nabunutan ako
ng tinik sa dibdib. "We're about to face second semester."
"Yeah, but before that, may balak ba kayong magsipagbihis na?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Eunice. Bahagya akong bumangon sabay sabing, "Anong
meron?"

"Oo nga, Eunice. Anong meron?"

I heard Eunice's giggle on the other line. Nagtaka tuloy ako lalo. Kung sa personal
kami nag-uusap ay malamang nagkatinginan na kami ni Sab. "Nakalimutan niyo na ba?
Ngayon ang E.H.U Night!!"

E.H.U Night. Shucks! How could I forget that? Ininvite pa naman ako ni Tyrone dun
dahil magpeperform sila ng banda niya. Speaking of, on the way to E.H.U,
nakareceive ako ng text mula sa kanya.

From: Tyrone

Misty, punta ka sa E.H.U night ah? :)

Hawak ko ang ticket sa kaliwa kong kamay. Naeexcite ako dahil never ko pang
nakikitang nakipag-rock and roll si Tyrone kasama ng bandmates niya. The last time
I saw him sing was at the church. Napaka-solemn pa ng pagkakakanta niya. Paano pa
kaya kung kasama na niya ang banda niya?

To: Tyrone

Sure. Goodluck. Break a leg! :D

Pagkarating ko sa campus, dumiretso agad ako sa grounds. Nakakalat ang iba't-ibang


booths ng ibang courses. As freshmen, 'di kami required na magtayo ng booth dun.
Siguro kapag nasa higher year na kami mapapasali dyan.

Naglilibot-libot ako sa grounds nang may marinig akong tumawag sa pangalan ko.

"Misty!"

Pagkalingon ko, sina Sab at Eunice pala. Kumakaway sila sa akin mula sa malayo kaya
nakipagsiksikan ako para malapitan sila. "Ang daming tao. Ano, simula na ba?"

"Oo kaya! Kanina pa. Tara na!"


Hinila nilang akong dalawa papunta sa gym. Jusme, ang daming tao. Hindi ako
nainform na open pala sa public ang University week. Medyo na-stranded kami papasok
sa entrance dahil crowded du'n pero nakapasok din naman kami pagka-present namin ng
tickets namin.

Pagkaapak namin sa loob, namilog ang mga mata ko sa gulat. Kung maraming tao sa
labas, mas maraming tao dito sa loob. Inikot ko ang paningin ko sa paligid. Mula
itaas hanggang baba, maraming tao!

"Dapat pala inagahan natin! Ang daming tao!" halos pasigaw na sabi ko. Napakapit
ako ng mahigpit sa kamay nila Sab at Eunice. Nakakatakot mawala dito, 'no.

"Told 'ya! Tara dun sa harapan," sigaw ni Eunice kaya nagulat ako. Sa harapan pa
talaga, e dito pa ngalang sa likod ay siksikan na.

"Eunice, dito nalang- ah!"

My gosh! Tapak dito, tapak du'n. Talunan dito, talunan dun. Rock music kasi ang
tinutugtog kaya medyo wild ang crowd. Sa kakahila sa amin ni Eunice ay napapasiksik
kami sa mga tao. What the! Namumura na nga kami ng mga nadadaanan namin but
somehow, nakakaenjoy yung ganito. Medyo madilim kasi kaya hindi kami nakikilala.

"Kyaaaah!" sigaw ni Eunice nang sa wakas ay tumigil na siya sa pagtangay sa amin ni


Sab. Malapit na kami sa harapan pero mas masikip sa pwesto namin. Tanging tugtog
lang ang naririnig ko. Sa laki ng mga tao sa paligid ko ay hindi ko na matanaw ang
stage.

Natatameme ako pagkausap ka na

Araw ko ay nakukumpleto pag nakita ka na

"Sina Tyrone pala yan!" sigaw ni Sab. Tumingkayad ako para matanaw yung stage pero
sobrang liwanag nito kaya hindi ko makita. "Kyaaaah! Ang galing nila!!"

Napapangiwi nalang ako sa hiyawan ng mga tao. Surely, magaling yung kumakanta pero
hindi ko talaga makita ang stage. Gusto ko pa namang matanaw ang kumakanta dahil
sabi ni Sab ay si Tyrone daw yun. Gusto kong makita siyang tumugtog. Gusto kong
makita ko kung gaano siya kaastig kumanta sa stage-- ay! Ano ba 'to. Nagulat ako
nang biglang may humawak sa palapulsuhan ko at ang sumunod na nangyari ay hinihila
niya na ako palayo.
Ano nga bang meron ka

Na wala sa iba?

Ba't parang nasa langit pagkayakap ka na?

"Uy! Uy! Saan mo 'ko dadalhin? EUNICE! SAAAAB!" Nagpapanic na sigaw ko pero hindi
nila ako marinig. Sino 'tong humihila sa akin?

"UY!" sigaw ko at pinalo ang kamay ng kung sinumang yun. Nagulat ako nang makita
ang iritadong mukha ni Zion kaya natahimik ako sa gitna ng maingay na alon ng mga
tao.

"Sumisiksik ka talaga dyan? Ang daming tao o!" malakas na sabi niya.

"Hinila ako ni Eunice e!"

"Dapat tinext mo 'ko para naireserve kita ng pwesto." Aba, mag-aaway pa kami dito
sa gitna ng concert?

"Dapat ikaw ang nagtext sa akin. Malay ko bang nandito ka?!"

'Wag kang mawawala sa aking piling

Siguradong hindi ko ito kakayanin

Kahit na dim ang lights, nakita ko ang pagbuga niya sa hangin. Mukhang nairita na
talaga ng tuluyan. Binitawan niya ang kamay ko at nagpunta sa harapan ko. Good
thing, nagkaroon ng maliit na space sa pwesto namin kaya nakakakilos kami kahit
papa'no. Nagtaka ako nang bahagya niyang ibinend ang mga tuhod niya para lumevel sa
akin.

"Sakay."
Nalaglag ang panga ko. "A..anong sakay?" Don't tell me bubuhatin niya ako?

"Sakay na para makanuod ka. Last song na nila yan," sabi niya pero hindi ako
kumilos. Siya na mismo ang lumapit sa mga tuhod ko. "Dali na, Misty."

"'Wag na!"

"Sige na."

Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman

Ang tanging panalangin ko ngayo'y

Lumunok ako at dahan-dahang sumakay sa likod niya. Napa-'ah!' pa nga ako nang
tumayo siya ng tuwid. Yumakap agad ako sa leeg niya at tinanaw ang stage. Sheesh!
Kitang-kita ko na ang tumutugtog na banda sa harapan. . . pero yung atensyon ko ay
na kay Zion.

Nakakahiya man na parang napukaw namin ang atensyon ng iba ay mas nanaig pa rin sa
akin ang kilig. Never kong naisip na may bubuhat sa akin ng ganito sa isang concert
event. Feeling ko tuloy ay nasa anime series ako.

'Wag kang mawawala sa aking piling

Siguradong hindi ko ito kakayanin

'Wag...

"Okay ka na?" Sa gitna ng hiyawan at palakpakan ng mga tao ay nagawa ko pa ring


marinig ang boses ni Zion. Sinilip ko ang mukha niya na nakangiting nakatingin sa
akin. "Satisfied na?"

Nginitian ko rin siya pabalik. Ang gwapo niya lalo sa malapitan. "Okay na. Salamat,
Zion." Bababa na sana ako pero hinigpitan niya lang ang pagkakakapit sa dalawa kong
hita bago pumihit para umalis. "Uy, Zion. Baba mo na ako!"

"Ang gaan mo pala," natatawang sabi niya. Hindi na ako umalma at nakitawa nalang
din. Parang ayoko na ring bumaba sa pagkakabuhat niya. Ang sarap sa feeling.
Feeling ko, kasabay ng paghinto ng tugtog ay siya ring paghinto saglit ng tibok ng
puso ko.

". . . Misty, alam kong nandito ka," sabi ni Tyrone sa microphone na siyang
nagpahinto sa paglalakad ni Zion.

Sabay naming nilingon ang stage. Dahan-dahan din akong bumaba mula kay Zion.
Pakiramdam ko, halos lahat ng pares ng mata ng mga taong nasa paligid ay nasa akin
lalo na nang makita ko ang sarili ko sa screen sa harapan.

At ngayon, kahit na nasa gitna ng mga tao ay nakatutok na rin sa akin ang mga mata
ni Tyrone. "Hi, Misty. This song's for you," sabay ngiti niya habang pinapatugtog
ang gitara mag-isa.

Labis ako'y nahuhumaling

Sabik sa bawat sandaling

Ika'y makapiling

Hindi katulad kanina ay siya lang ang tanging tumutugtog ng instrumento kaya rinig
na rinig ko ang boses niyang minsan nang nagpahanga sa akin. Napangiti ako habang
nakatitig niya sa akin nang nakangiti rin. Maging ang mga tao sa paligid ko ay
parang ramdam na ramdam ang kabog ng dibdib ko.

Giliw, hayaang lumapit

Huwag mo sanang ipagkait

Malas ang langit


Nahawi ang mga tao sa gitna papunta sa harapan. Humakbang ako ng kaunti para makita
siya ng maayos. Akala ko sa movies lang ito nangyayari. . . para tuloy akong nasa
isang pelikula at ako ang bida.

Anong nadarama

Tuwing makikita kang dumarating

Tuliro, 'di malaman ang gagawin at

Walang sinumang makapipigil sa akin

At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa 'yo (hay)

Kahit na marami ang nagtitilian sa paligid ay boses lang niya ang naririnig ko.
Nakalimutan ko na ngang nasa gitna ako ng mga tao. Nakafocus ang mga mata ko kay
Tyrone. Ang gwapo niyang tignan sa suot niyang itim na sando na pinatungan ng itim
na leather jacket. Naka-all black siya ngayon kaya naman rockstar na rockstar ang
datingan. Bagay sa kanya.

Wari, 'di ko na malimot

Mga galaw at kilos mo

Sa aking pagtulog

At sa panaginip, ika'y mamalagi

At 'di na muling malulumbay

Sa aking paggising

For the past few weeks na siya ang nakasama ko, nakilala ko siya ng lubusan.
Napakabait niya, siya yung masasabi kong hinihiling ng kahit sinong babae.

Anong nadarama

Tuwing makikita kang dumarating

Tuliro, 'di malaman ang gagawin at

Walang sinumang makapipigil sa akin

At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa 'yo

. . . and I admit I like him for being such a nice guy. Natutuwa ako dahil ang
noong lalaking ini-stalk ko lang ay heto't kinakantahan na ako ngayon.

"Thank you," bulong ko sa sarili habang nakatitig sa kanya sa pagtatapos ng kanta


niya. He smiled at me and gave me a salute. May minuwestra pa nga siya sa aking
tatawagan niya ako marahil pagkatapos ng set nila. Sa pagbaba niya sa stage ay
tumalikod na rin ako para umalis na. Kailangan kong huminga--- geez, si Zion nga
pala nakalimutan ko!

Nakipagsiksikan akong muli sa mga tao para mahanap si Zion. Kasama ko pa siya
kanina ah. Nasaan na ba yun? Nasa likod lang siya kanina ah!

"Oh, we have a surprise perf over here! Hindi siya kasama sa performance list
tonight pero oh well, give it up for. . . France Zion Madrigal!"

Nalaglag ang panga ko sa narinig konganunsyo ng emcee sa stage. Kung yung kaninang
tilian sa performance ng banda ni Tyrone ay matindi, pwes mas triple itong sigawan
ngayon. Really, Zion? Ito na ba ang sinasabi niyang hindi siya magpapatalo kay
Tyrone?
--

Yhel's note: Congrats to us for being one of Wattys 2015's: Talk of the Town!
Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta sa W:BMF. :)

Songs Used:

* Yakap - Callalily

*Tuliro- Spongecola (Acoustic Version)

=================

37. Fall

Chapter 37

"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!!!!"

Halos mawasak ang eardrums ko sa intense na sigaw ng audience. Hindi ko alam kung
pa'nong nagkaroon ng ganitong karaming fans sa E.H.U si Zion given the fact na
ladlad naman siya noon. Hindi ako aware na maraming humahanga sa kanyang babae
kahit one of the girls ang peg niya. Akala ko, sina Sab at Eunice lang ang kasapi
sa federation ni Zion. . . yun pala marami sila. Ang sakit sa tenga!

Teka, ano bang nangyayari sa stage? 'Di kasi umuusad. Ni walang tugtog o sumasayaw
sa harapan. Basta after i-introduce si Zion ay parang na-idle ang event. Nakita ko
sa screen na parang kinakausap ni Zion yung emcee. Parang namomroblema sila. Tama
ba yung narinig ko kanina? Hindi siya kasama sa mga magpeperform ngayon? E bakit
siya nandyan? Walang pasabi?

"KYAAAAHH!!!"
"ZION! ZION! ZION! ZION!"

Hindi na rin makapaghintay ang crowd. I admit, pati ako ay naeexcite na makita
siyang muling sumayaw sa stage. Isa 'yan sa nagpahanga sa akin e. Ang sarap niyang
panuoring sumayaw.

Nagtaka ako nang mas lalong nagwala ang audience. Natanaw ko sa screen na pumanhik
pala si Kuya Wayne sa stage. May hawak-hawak siyang gitara at saka pumwesto sa
gitna sa dulong bahagi ng stage. Argh! Hindi ko na tuloy matanaw mula sa
kinakatayuan ko. Hala, gusto ko silang mapanuod. Ano kayang gagawin ni Zion?

"Hi."

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!"

Simpleng 'Hi' palang ang sinasabi ni Zion sa mic pero grabe na yung tilian ng mga
tao. Napapangiti nalang tuloy ako mula sa malayo. Ang gwapo kasi ng boses niya sa
mic. Eehh!

Tumikhim siya. Nagtilian ulit ang mga tao pati tuloy ako, kaunti nalang ay titili
na. Shems. "First time kong kakanta sa harap ng maraming tao kaya pagpasensyahan
niyo nalang ang boses ko. Usually puro jamming lang kami ng Kuya ko sa bahay
at. . . sayaw," saka siya natawa.

WAAH! Gusto ko rin siyang mapanuod nang malapitan pero papaano? Halos 'di na
mahulugang karayom ang gym. Nakakainis!

". . . before we start, I'd like to dedicate this performance to Misty Kirsten
Lee."

to Misty Kirsten Lee...

to Misty Kirsten Lee...

to Misty Kirsten Lee...

to Misty Kirsten Lee...

Tila nag-echo sa pandinig ko yung sinabi niya. My gosh! Nag-init tuloy ang buong
mukha ko sa pagbanggit niya sa pangalan ko. Hindi talaga siya nagpapatalo kay
Tyrone. Ano ba 'yan!

Sinimulan na ni Kuya Wayne ang pagtipa sa gitara niya at kasabay nito ay nanahimik
ang buong gym sa musikang nilikha niya.
Well, let me tell you a story

About a girl and a boy

He fell in love with his best friend

When she's around, he feels nothing but joy

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses niya. Ghad! Nanindig lahat ng
balahibo ko sa pagkanta niya. Biglang nagtilian ang audience nang marinig ang boses
ni Zion. First time kong marinig siyang kumanta ng ganito. Dati kasi ay hinaharot
niya lang ang pagkanta niya.

But she was already broken, and it made her blind

But she could never believe that love would ever treat her right

Naalala ko tuloy noon, lagi niya akong inaaway nung elementary even in high school.
Laman na nga kami ng principal's office dahil sa bawat asar niya sa akin ay siyang
bugbog ko naman sa kanya. 'Di naman niya ako sinasaktan. . . talagang pinipikon
niya lang ako. Hayyy. . . those are the memories I will no longer forget.

Did you know that I loved you or were you not aware?

You're the smile on my face

And ain't going nowhere

Who would have thought that things will turn out this way? I fall for him, he falls
for me. . . and yeah, we fall for each other. Kahit na naiinis ako sa kanya, hindi
ko naman mapagkakaila na malalim na ang pagkakahulog ko sa kanya.

... at kaunti nalang ay baka malunod na ako.

I'm here to make you happy, I'm here to see you smile

I've been wanting to tell you this for a long while

I was pulled from my own thoughts when the spotlight turned to me. Nasilaw ako kaya
bahagya kong tinakpan ang mukha ko. Nagulat ako nang may humila sa akin. "Nandyan
ka lang pala! Tara!" boses ni Eunice. Nagpatangay nalang ako sa kanilang dalawa ni
Sab habang sinusundan kami ng tingin ng mga tao.
What's gonna make you fall in love?

I know you got your wall wrapped all the way around your heart

Dumaan kami sa gilid at dinala niya ako sa backstage. Before I knew it, nasa gilid
na kami ng stage. Napapanuod ko na siya nang malapitan.

Don't have to be scared at all, oh, my love

"Geez!" at tinapat na naman sa akin ang spotlight. Kitang-kita ko ang mukha ko sa


screen. Huminto ang pagtugtog ni Kuya Wayne at nagtaka ako dahil tumingin sa
direksyon ko si Zion. Para tuloy akong natuyuan nang lalamunan nang makitang
naglakad siya palapit sa akin.

"Eeeeh! MISTY!!" Tinulak pa ako nina Sab at Eunice. I can't even feel my face.
Feeling ko, tinatakasan ako ng sarili kong dugo. Gusto kong tumili pero. . . shems,
pati boses ko ay nawala.

Nagtaka ako nang ilahad ni Zion ang kamay niya sa akin. "Tara," sabi niya.

"S...sinasabi ko talaga sayo Zion, ayokong mapahiya!" nabubulol na sabi ko.

"Tara nga!" sabi niya at wala na ako nagawa kundi hawakan ang kamay niya. Pumanhik
ako sa stage kasama siya. Wala akong masyadong makita sa audience dahil sa liwanag
na tumatama sa amin pero rinig na rinig ko ang tilian at sigawan nila. Napalunok
ako nang tuloy-tuloy at napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Zion kaya tumingin siya
sa kamay namin at natawa sa ginawa ko.

"One wrong move, itutulak talaga kita dyan sa maraming tao," pabulong kong asik sa
kanya. Ano ba kasing kaeklavuhan 'to?!

Tumikhim siya sa stage kaya yun yung signal para tumahimik na ang lahat. Sheesh,
pinagpapawisan ako ng malamig. Gusto ko nang huminga ng maayos!

"I won't propose nor will tell you non-sensical things. I'd just like to take this
opportunity to tell you that this person infront of you who used to be a gay is no
longer now a gay."

I heard loud gasps and crazy screams from the audience. Maging ako ay proud na
napatitig nalang kay Zion.

". . . I'm France Zion Madrigal, BA-Management student. . . and I'm head over heels
in love with Misty Kirsten Lee."
Wala na. Nalaglag na ang puso ko. AAAAAHH! Hindi ako prepared. Why are you doing
this to me, Zion?!?

Humarap siya sa akin despite the loud screams from the audience. Ngumiti siya sa
akin sabay kindat. Kahit natatawa ay inirapan ko siya. OO NA! Kinikilig na kung
kinikilig.

Tumugtog ulit si Kuya Wayne at nagulat ako dahil sinabayan iyon ng kanta't sayaw ni
Zion. ". . . But you can't fly unless you let yourself, You can't fly unless you
let yourself fall." Kinakanta niya iyon habang nakatitig sa mga mata ko.

And my heart melted from that very second. . .

"Thank you!" sabi niya sa mic at pagkatapos ay nakipag-fist bump kay Kuya Wayne
bago niya ako hinila pababa ng stage.

***

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Basta, ang alam ko ay nagpapatangay lang
ako sa kanya kung saan man siya magpunta sa mga oras na ito. Kahit na tumatakbo
kami ay pakiramdam ko ay lumilipad ako sa ere. Ganito ba ang feeling ng
nililigawan? Ang saya palang maging babae. Feeling ko, napakahaba ng hair ko. In
just one night, dalawang lalaki ang nangharana sa akin!

Nagtaka ako dahil huminto kami sa labas ng auditorium. He attempted to open the
front door and succeeded instantly. Dahan-dahan niya akong inalalayan pababa ng
stairs at dumiretso sa stage. Walang katao-tao dito. Sobrang tahimik na kaunting
kilos mo lang ay nag-eecho na sa paligid.

He finally let go of my hand and walked through the center. "Anong ginagawa natin
dito?" tanong ko sa kanya.

"Ang ingay kasi sa labas. Gusto kong masolo kita. Yung tayong dalawa lang," walang
pasubaling sagot niya.

Again, for the nth time of this night ay napalunok ako. AAAAH! Nagwawala tuloy ang
mga alipores ko sa tyan ko.

"Zion," I chuckled nervously. "Pwede bang paki-filter yung mga salita mo? Ano kasi
e, 'di ako sanay sayo. Naiilang ako. Dati-"

Pero pinutol niya ako. "Iba kasi yung dati sa ngayon, Misty. Dati, naguguluhan pa
ako. Ngayon naman, sigurado na ako."

Tinakpan ko ang dalawa kong tenga. "Okay, stop! 'Di talaga ako sanay."
Natatawang siyang umupo sa sahig. Tinapik niya ang tabi niya kaya dun na ako naupo.
Enough distance from him. Mahirap na. . . bigla-bigla pa naman siyang kumikilos
ngayong lalaki na siya. May pagka-aggressive pala siya, 'no?

"How was my performance? Pasensya na, on the spot yun. Buti nga to the rescue si
Kuya Wayne kundibaka nag-acapella ako dun," sabi niya nang nakatingin sa akin. At
dahil naiilang ako ay hindi ako tumingin pabalik sa kanya. Feeling ko kasi ay
tinutunaw niya ako.

"A...ayos naman. Magaling ka palang kumanta?" Hindi ko maipaliwanag. Kung si Tyrone


ay magpaka-rocker ang boses, siya naman ay swabe lang.

He smiled at me, parang hinuhuli ang tingin ko. Argh! This guy! Lumipat pa ng
pwesto para tignan ang mga mata ko. "Bakit hindi ka makatingin? Haha!"

"Nakakailang ka kasi!"

Hinampas ko siya sa braso kasi hindi siya tumitigil. Kung saan ako tumitingin, dun
siya pumupwesto. "Ang cute mo. Ganyan ba 'pag may nagcoconfess sayo? Naiilang ka?"
tanong niya.

"Hindi, 'no!" Sa kanya lang talaga. He used to be my enemy turned into a friend
tapos ngayon. . . lumelevel up. Jusme.

Ngumisi siya. "Kunsabagay, si Tyrone nga e, parang mas lalo pa siyang naging close
sayo nung umamin siya."

Ngumuso ako sa sinabi niya. Hindi agad nakapagsalita.

"Hindi ka makapagsalita kasi totoo?" panghuhuli niya sa akin.

"Sira! Kailan lang naman siya umamin sa akin."

"Kailan?"

I paused and rolled my eyes. "Yun yung time kung kailan mo siya sinapak!" Natigilan
siya pero natawa rin agad. Sinimangutan ko nga siya. "Anong nakakatawa dun sa
sinabi ko? Alam mo, ang sama mo, Zion. Ba't bigla ka nalang nananapak? Hindi
nasusukat sa pakikipagbasag-ulo ang pagiging lalaki, tandaan mo 'yan."

Ngumisi siya muli sa akin. "Hindi mo ba siya tinanong kung ba't ko nagawa yun sa
kanya?"

Saglit akong napaisip. Naalala ko yung narinig ko sa usapan nilang dalawa ni Tyrone
last week. Sabi ni Zion ay nainsulto siya sa sinabi ni Tyrone. Piniga niya raw ito.
Naguguluhan tuloy ako.

"What exactly did Tyrone tell you?"

Umiling lang siya at nag-iwas ng tingin. Tignan mo 'to, pabitin effect pa. "Sabihin
mo na kasi! Ano ba kasi yun? Ayaw din sa akin sabihin ni Tyrone e. Usapang lalaki
sa lalaki lang daw yun."

"You're out of it, Misty. Ang mahalaga tapos na. Ayos na kami ni Tyrone. Humingi na
kami ng dispensa sa isa't-isa."

Hindi ako sumagot. Kung pwede lang mabutas ang likod ni Zion sa tindi ng sama ng
tingin ko sa kanya ay baka nabutas na ang likod niya. Naramdaman niya yata yung
pagtitig ko kaya nilingon niya ako't natawa siya.

"O, chill lang, Misty. Ang sama ng tingin ah."

Inirapan ko siya. "Inopen-open up mo sa akin, hindi ka naman pala magsasabi. Tss.


Edi sige!"

Umusog siya sa tabi ko at sinilip ang mukha ko. Tinakpan ko kaagad ang mukh ko kasi
hindi ko kinakayanan yung stare niya sa akin. "Zion, sasapakin kita!"

"Fine," bumuntong-hininga siya. "Niyaya ko siyang makipag-usap. Sabi ko, layuan ka


na niya. Alam mo kung anong sagot niya? Sabi niya, nagseselos ba raw ako?"

Inalis ko ang kamay ko sa mukha ko at tinignan siya. Hindi pa rin maalis ang tingin
niya sa akin, poker-faced.

"Humindi ako."

Kumunot ang noo ko. Sinimangutan ko siya pero mabilis niyang hinawi ang ilang hibla
ng buhok na nakaharang sa mukha ko at saka niya tinuwid ang noo ko.

"Tapos sabi niya, kung may gusto ba raw ako sa kanya. Sinapak ko na. Ikaw ba siya?
Gago ba siya?"

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ko akalain na iyon pala ang dahilan
kung ba't niya sinapak si Tyrone. Naguilty tuloy ako bigla. "Sinabi niya 'yon
sayo?" 'di makapaniwalang tanong ko.

"Oo," ngumuso siya. "Ininsulto na nga niya ako tapos siya pa ang pinagtanggol mo.
Sinapak mo pa ako."
Ayan na. Geez, tuluyan na akong na-guilty. Dumapo ang mga mata ko sa bakas ng sugat
sa gilid ng labi niya. "Hala! Sorry, Zion. Hindi ko naman alam e," sabi ko at
hinawakan yung labi niya.

Hinuli niya ang kamay ko at hinawakan iyon. "Okay lang. Kung hindi ka nagpunta dun,
hindi mo ako sasapakin. . . hindi rin kita mahahalikan."

Binawi ko kaagad ang kamay ko. AAAH! "Baliw!" Pinaalala niya na naman. Yan tuloy,
naghuhuramentado na naman ang puso ko. Kailangan ko yata ng tubig.

"Misty, may itatanong ako."

Hindi ako umimik. Nag-auto-play na naman kasi yung eksenang yun sa isip ko. Nag-
iinit tuloy ang buo kong mukha. Yung paglapat ng labi niya sa labi ko. AAAAAAAAH!
Okay, kalma, Misty!

". . . hinalikan ka rin ba ni Tyrone nung umamin siya sayo?"

Parang na-pause ang oras sa itinanong niya. Bumaling ako sa kanya nang nakakunot
noo. Sigurado ba siya sa tanong niya?

"H-hindi ah!"

Is it me or his eyes really sparkled? "Talaga? So, ako yung first kiss mo?"

"Hindi ah!"

Sumimangot siya. Yung mukha niya parang makakasapak ng tao nang wala sa oras. Hala.
"Kung ganun, sino?!"

"Syempre, parents ko!" sigaw ko pabalik.

His face smoothened and his smile returned from his face. "Hindi yun counted. So,
ako nga ang first kiss mo?"

Hindi ako makasagot. Siya naman kasi talaga ang first kiss ko!!

"Silence means yes. Hayaan mo na. Quits lang tayo. Ikaw din naman ang first kiss
ko," sabay kindat niya sa akin at pout niya na medyo inilapit pa sa akin. "Gusto mo
ng second kiss from the same person?"

"Gusto mo ng second sapak from the same person?" I replied with a smug.
He moved back, scratching the back of his head. "Joke lang. Ito naman, 'di mabiro."

Nanahimik ulit kami. Napatingin ako sa kanya nang bigla siyang humiga sa stage.
Umayos naman ako ng upo at nag-Indian seat. Nakatitig siya sa ceiling ng
auditorium. Mukhang ang lalim ng iniisip niya.

"Hindi ko alam na seloso pala ako," pagbabasag niya sa katahimikan. Pinagmasdan ko


ang mukha niya. Ngayon ko lang napansin na nag-iba siya ng hairstyle. Kahit na
naka-cap siya ay may buhok na nakataas sa harap niya. Geez, ang gwapo nga talaga
niya. Lo and behold, I cant blame those screaming girls back there! From his pretty
deep and exceptionally perfect double eyelids, those expressive eyes, nose, perfect
sculpted jaw and back to his soft lips--- oopss. Stop right there, Misty.

"Akala ko dati, selosa ako yun pala seloso." Tapos natawa siya sa sinabi niya. "De
joke lang. Nagiging seloso lang ako tuwing nakikita kitang nakangiti kasama si
Tyrone."

Napakagat ako sa labi ko. Para akong kinikiliti sa mga sinasabi niya. Marami akong
gustong tanungin pero nahihiya ako. Kailan niya ba na-realize na gusto niya ako?

"Tsk. Badtrip na badtrip ako lalo na kapag tumatawa ka kasama niya." Bumuntong-
hininga siya. "Siguro nagtataka ka kung kailan 'to nagsimula, 'no?"

I wanted to answer 'Yes!' but I chose to just shut my mouth.

"Kinder palang tayo crush na kita," sabi niya na siyang nagpaawang ng bibig ko sa
pagkakabigla. Bata pa lang kami, may crush na siya sa akin?!

"Naalala ko nung una kitang makita, family gathering natin. Mag-CCR sana ako pero
nung binuksan ko yung pinto ay naabutan kitang---"

"ITULOY MO LANG YAN, SIGE KA!" banta ko sa kanya. Naalalala ko pa yun! Binato ko pa
nga siya ng sabon nun e. Eeeeh! Ayoko na yung maalala. Nakakahiya!

Humalakhak siya. "Tapos sinapak mo ako nun. Bumagsak ako sa sahig tapos umiyak,"
sabi niya nang nakangiti pa rin sa ceiling. "'Di ko alam na classmates pala tayo sa
school. Lagi kitang inaasar simula nun. Natutuwa ako tuwing napipikon ka."

Nadala ako sa kinukuwento niya kaya natawa ako. Kahit hindi malinaw sa isipan ko ay
naalala ko pa rin naman. Lagi kaming nag-aaway dahil lagi niya akong inaasar.

"Tapos isang araw, inasar mo ako na bakla. Narinig tuloy ng iba nating classmates.
Inasar din nila ako." Sumeryoso man ang mukha niya ay mas lalo akong natatawa sa
boses niyang parang nagseself pity. "Pati kay Mama nakarating din. Tumatak tuloy sa
isip ko na baka nga bading ako."
Tinulak ko siya ng mahina kaya napatingin siya sa akin. "Grabe ka naman. Dahil lang
dun, naging bakla ka na? So, dahil sa akin?"

Nagkibit-balikat siya. "Partly yes, pero nagkaroon din kasi ako ng bading na
kaibigan noon kaya parang nahawa yata ako. Ewan ko. Basta naging bading ako."

"So, paano ka naman naging straight?" I am dead curious about that. Kailan at
papaano?

Tumikhim siya at muling natawa. Parang naiilang din yata siyang pag-usapan yun.
"Paano?" He chuckled again. "Simula nang tinitigan mo ako sa mga mata."

"Ha?"

"Basta nung birthday ko! Niyakap mo ako. Shet. Para akong nakuryente nun," tapos
tinitigan niya ako at pinisil ang pisngi ko. "'Wag mo 'kong tatawanan! Totoo yun.
Dinamayan mo ako nun tapos niyakap mo pa ako. Dun palang napasabi na ako sa sarili
ko na posible kayang magkagusto ako sayo?"

Tumayo siya at inalalayan din akong tumayo. "Simula nun, nagkaroon na ako ng
identity crisis. Bakla ako pero bakit nahuhulog na ako sayo?"

Sasabog na yata ang puso ko. Ibig sabihin, mas una siyang na-fall sa akin? Sa una
pa lang, nahulog na agad siya sa akin. Hindi ko yun nahalata ah. Ba't ang galing
niyang magtago? After all these months we've been friends. . . he has fallen for
me.

Nagtaka ako nang ilagay niya ang dalawang kamay ko sa magkabilang balikat niya.
Dancing position yata. "'Wag lalaki ang ulo dahil sa inamin ko sayo, ah?" sabi
niya.

"Akala ko ba Warning: Bawal Ma-fall?"

Ngumiti siya sa akin, nilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa bewang ko.
"Warning yun para sa sarili ko," sabi niya na halos mabingi na ako sa lakas ng
tibok ng puso ko. I can't believe this is all happening. "Pwede ba kitang isayaw,
Misty? Hindi kita naisayaw sa stage kanina kasi ayokong mapahiya ka. Alam ko naman
kasing parehas kaliwa ang paa mo."

"Grabe ka!" Hinampas ko ang balikat niya pero. . . "Sige." Ayokong tumanggi dahil
gusto ko talagang isayaw niya ako. Noong sila pa ni Reishel ang laging magkapartner
ay halos mamatay na ako sa inggit. Buti pa si Reishel magaling sumayaw. Buti pa si
Reishel nakakasayaw niya.

He maintained a tentative eye contact with me and gave me a warm sile.


"Well, I can tell you're afraid of what this might do 'cause we got such an amazing
friendship and that you don't wanna lose," pagpapatuloy niya sa naputol niyang
pagkanta kanina sa gym at marahan akong isinasayaw. Pakiramdam ko tuloy ay
lumulutang ako sa pagdala niya sa akin sa bawat galaw niya.

"Well, I don't wanna lose it either. I don't think I can stay sitting around while
you're hurting babe, so take my hand."

I don't wanna lose our friendship. I love being friends with him. He's like the
most amazing friend I got so far. Kaya nga nawindang ako sa pagtatapat niya sa
akin. Now that he's confessed to me his true feelings, ano nang mangyayari sa
pagkakaibigan namin?

"Well, did you know you're an angel who forgot how to fly? Did you know that it
breaks my heart every time to see you cry." Bumitaw siya sa akin at sumayaw sa
ritmo ng sarili niyang boses. Pinaikutan niya ako at kung minsan ay hinahawakan ang
kamay ko.

"Cause I know that a piece of you's gone. Every time he done wrong I'm the shoulder
you're crying on. And I hope by the time that I'm done with this song that I figure
out."

Muli niyang hinawakan ang kamay ko't dinala ako sa gitna. Inikot niya ako at
nagpadala sa bawat galaw niya kahit na hindi ako marunong sumayaw.

"What's gonna make you fall in love? I know you got your wall wrapped all the way
around your heart. Don't have to be scared at all, oh, my love."

Ngumiti siya sa akin at ibinalik ang mga kamay namin sa unang posisyon namin.
Nakakatunaw ang bawat titig niya. Parang tagus-tagusan sa kaluluwa ko.

"...But you can't fly unless you let yourself, you can't fly unless you let
yourself fall..." He sung those words in a whispery voice. He even drew me closer
to his chest kaya ipinikit ko ang mga mata ko. "I will catch you if you fall. I
will catch you if you fall. I will catch you if you fall. . . "

He ended up the song with a sigh. As I pulled myself away from the hug, I could see
how he gasped for air, panting real hard.

"Misty. . ." malambing na tawag niya sa akin. "Pwede ba akong manligaw sayo?"

Natigilan ako at medyo nagtaka. "Hindi ka pa ba nanliligaw sa lagay na yan?" Wow,


where did I get the guts to ask that?

Ngumiti siya. "Hindi pa. Kahit hindi ka naman pumayag, manliligaw pa rin ako."
"Edi sana 'di ka na nagtanong."

He laughed as he grabbed my bag from the floor. "Tara na, wala na siguro si
Tyrone," sabi niya at muling hinawakan ang kamay ko't hinila pababa ng stage.

May binanggit ba siyang Tyrone? "Anong sabi mo?"

"Wala."

And then something hit me. "Dinala mo ba ako dito para itago kay Tyrone?" Sapat na
yung malutong niyang pagtawa para masagot ang tanong ko. "Grabe ka, Zion!"

"Unahan lang yan," natatawang sabi niya sabay kindat sa akin. And I'm lost for
words.

One point goes to Zion.

=================

38. Dad's Permission

Chapter 38

Friday na. That only means clearance day na. So, after the three days break ko from
college- dahil hindi na ako pumunta sa E.H.U since the E.H.U night kahit na
University Week pa rin -ay bumalik na ako sa wakas sa University para magpapirma ng
clearance form. Kasama ko sina Eunice at Sab and thankfully, wala namang
nangungulit ngayong araw sa akin. Nitong mga nakaraang araw ay sa text lang naman
nangungulit sina Zion at Tyrone. Buti nga at hindi nila naisipan na pumunta sa
bahay dahil nagkataon na hindi rin umaalis lately si Dad for work.

"Sa wakas, tapos na tayo magpa-clearance," sabi ni Eunice pagkaupo namin sa seats
sa tapat ng office. Naipasa na namin ang clearance at ngayon ay naghihintay nalang
kaming maibigay sa amin ang final grades namin for this sem. Pwede namang sa
website nalang i-check pero dahil nandito na rin naman kami nina Sab at Eunice ay
might as well kunin na rin namin.

Bumuntong-hininga ako kaya napatingin sa akin ang dalawang babae sa tabi ko. "Ang
deep naman ng sigh mo, Misty." Puna ni Sab.
"Kinakabahan kasi ako sa grades ko."

At ayun, sabay din sila napabuntong-hininga. Natuon yung atensyon namin sa office
sa harapan namin. Abala ang lahat dahil marami-rami rin ang estudyante ngayon na
nagpapaclearance. Hindi ko maiwasang hindi kabahan. May ibang subjects pa naman na
mula prelims hanggang finals ay hindi ibinibigay ang resulta ng exams namin. Wala
tuloy akong ideya kung safe ba ako o hindi sa subjects na iyon.

"Hindi yan. Keri natin yan," Sab told us positively. "Kaya ngiti na, girls. Papasa
tayo!"

Naghintay pa kami ng ilang saglit sa labas ng office habang nagkukwentuhan hanggang


sa napunta ang usapan sa nangyari nung E.H.U night. Wala tuloy akong takas sa pang-
aalaska nila sa akin. Nakakaloka. Akala ko pa naman ay naka-get over na sila.

"Yieee, ang haba ng hair!" Ginalaw pa ni Eunice ang nakalugay kong buhok. "Biruin
mo, in just one night ay may dalawang lalaking nangharana sayo?"

Hindi ako sumagot dahil wala naman akong isasagot. Kahit kasi ako ay nawindang din
nung gabing iyon. "Sabi ni Zion, hindi raw talaga siya kasali sa acts nung E.H.U
night. Feeling daw niya ay mauungusan siya ni Tyrone kaya on the spot ang peg
niya."

Nagulat ako nang hampasin ako ni Eunice sa sobra. Pinagtitinginan tuloy kami ng
ibang tao dahil sa ingay namin. "Pero in fairness, Misty, nakakakilig yung ginawa
ni Tyrone nung gabing 'yon."

"Mas nakakakilig yung ginawa ni Zion! My gosh. Full package! Kumanta, sumayaw at
nag-speech pa. Saan ka pa!?" sabi ni Sab at saglit na tumigil. "Kay Zion ka na!"
sabay na sabi nilang dalawa at saka naghagikhikan.

Napakamot nalang tuloy ako sa ulo ko dahil hiyang-hiya ako tuwing naalala ko yung
gabing iyon. Hindi naman sa nakakahiya yung nangyari, it's just that. . .
nakakailang. Ang daming taong nakasaksi. Two different guys serenading the same
girl. Phew!

Pero kung tutuusin, kung ako ang tatanungin kung kanino ako mas kinilig nung E.H.U
Night, ang isasagot ko ay si Zion. Wala lang. Mas kinilig kasi ako nang isayaw niya
ako sa auditorium. I felt like I was floating while we were dancing. Eeehh! Tuwing
naaalala ko 'yon ay napapangiti nalang ako.

Snap! Napakurap ako ng mga mata nang pumalatak ng kanyang kamay si Eunice sa harap
ng mukha ko. "Natulala ka na d'yan? Siguro inaalala mo na naman yung moment niyo,
'no? Sabihin mo nga sa amin, sinong mas bet nu'n?"

Umiwas ako ng tingin at naiilang na natawa lang. "U...uy, grabe. Sa akin nalang
yun."
"Secretive si Misty. Atin-atin lang naman!" Si Sab.

Tumayo ako at saka ko inayos ang suot kong backpack. Alam kong biased sila kay Zion
kaya ayokong sabihing mas kinilig ako kay Zion nung gabing iyon. Baka malaman-laman
ko nalang na umabot pa kay Zion 'yon, tiyak na lalaki ang ulo nun.

"Kayo talaga, mga intrigera kayo. Maiwan ko muna kayo dyan. Powder room lang ako."

"Umiiwas ka lang sa tanong e!" Narinig kong natatawang sabi nila nang pumihit na
ako paalis.

I went to the powder room and did my thing. Paglabas ko ng cubicle ay dumiretso ako
sa sink para maghugas ng kamay. Habang tinitignan ko ang sarili kong reflection sa
salamin ay nahagip ng paningin ko ang babaeng kakalabas lang ng cubicle sa likod
ko. Our eyes met and she stopped for a second before she plastered a smile on her
face.

"Ikaw pala yan, Misty." Tumabi siya sa akin sa sink kaya ngumiti ako. "Nagpa-
clearance ka rin?"

Tumango ako. "Kukuha na rin ng grades." Pinanuod ko siyang mag-apply ng lipstick sa


kanyang labi. Ako naman ay naglagay na rin ng powder sa mukha ko. From that moment,
I could see how pretty she is. Curled ang mahabang buhok niya sa dulo and she's
wearing light make up on her face except for her red tinted lips.

Nataranta ako nang lumapat ang tingin niya sa akin kaya nagbawi ako ng tingin at
nagkunwaring nagpulbo nalang. Nahiya naman daw yung Johnson's baby powder ko sa
press powder niya. Err.

"Napanuod ko yung nangyari sa E.H.U night ah," nakangiti niyang sabi. Geez, don't
tell me pati siya ay aasarin ako? Spare me. "How does it feel to be serenaded
infront of the crowd?"

"He... Hehe," I let out an awkward chuckle. Natawa naman siya sa reaksyon ko at
saka humarap sa akin.

Her eyes were dreamy I couldn't read them clearly. "Naalala ko, hinaranahan din ako
ni TJ noon sa harap ng maraming tao. Dun niya nakuha ang puso ko." She stared at me
pointedly. "Nakuha na rin ba niya ang sayo?"

Hindi ko alam pero parang lumamig ang pakiramdam ko sa tono ng boses niya. Umiwas
agad ako ng tingin at inayos ang bag ko. Hindi ko gusto ang tono niya. Para siyang
naiirita sa akin.

"Ahh...ehh... Mauna na ako sa'yo, Reishel. Hinihintay kasi ako ng mga classmates ko
sa labas," sabi ko at nagmamadaling kumilos na para umalis.

Nasa pinto na ako nun nang marinig ko pa siyang magsalita. "Hindi ko alam kung
bakit ka niya nagustuhan ng ganun kabilis," ngumiti siya bago kumaway. "Sige,
goodluck on your grades." At iyon na ang hudyat ko para umalis na nang tuluyan.

What was that? Hindi ko gusto ang sinabi niya sa akin. Akala ko ba wala na siyang
pakielam kay Tyrone? Nasaksihan ko kung paano niya ito ipagtabuyan. Pero bakit base
sa mga sinabi niya ay parang tutol siya sa panliligaw sa akin ni Tyrone? Kahit
gulong-gulo ang isip ko ay nagmadali akong naglakad pabalik sa registrar office.

Hindi pa man ako nakakalapit du'n ay sinalubong agad ako nina Sab at Eunice.
Nagulat pa nga ako kasi patakbo silang lumapit sa akin at nagsipagtalunan. "KYAAAH!
MISTY!"

"Teka-"

"OMG! Congrats!"

"Saglit!" pigil ko sa kanila kaya napahinto sila kahit papaano. Ang lalaki ng ngiti
nila sa labi. Ano bang nangyari? "Anong meron?"

Nagkatinginan silang dalawa bago bumaling ulit sa akin. "Nakuha na namin ang grades
natin!"

Kumunot ang noo ko at bahagyang napalunok. Parang na-blur ang paningin ko dahil
bumalik sa akin ang kaba tungkol sa grades. Oh, my gosh. "So?"

"See for yourself," sabi ni Eunice saka niya inabot sa akin ang isang tila 1/2
crosswise na papel. Lumunok ulit ak bago ko tinignan ang papel and I was like. . .

Jawdrop.

"T...totoo ba 'to?"

Awtomatiko kasing hinanap ng paningin ko ang grade ko sa Math. Seriously? 1.50 sa


Math? Natulala tuloy ako saglit sa papel na hawak ko.

Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong nagtaka ang itsura nila Sab at Eunice.
"Misty, anong nangyari sayo? Ayos ka lang?"

And they got me like, "KYAAAAAHH!" Nagtatalon-talon ako sa tuwa. 1.50 sa Math? 1.75
ang GWA ko. Shemay! Magpaparty na ba ako? "KYAAAH! Naiiyak ako. Totoo ba 'to,
Eunice, Sab?"
Sab laughed. "Totoo yan, baliw."

Niyakap ko ang papel ng mahigpit. Sa wakas, nakahinga rin ako ng maluwag! Paid off
lahat ng iniyak ko this semester!

"O, eto na't parating ang taong naging dahilan kung ba't ka na-1.50 sa Math."

Mabilis kong nilingon ang sinasabi ni Eunice. Nakita ko si Tyrone na prenteng-


prenteng naglalakad papunta sa amin. Ngumiti siya sa akin. Ngumiti rin ako pabalik
at tumakbo palapit sa kanya. . .

"Whoa!" at saka siya niyakap. He froze in surprise. "Misty-"

"Thank you, Tyrone! Thank you! Thank you talaga!" Kung hindi dahil sa kanya, baka
lagapak na ako sa Math. "Isa yata itong himala, Tyrone!"

He slightly moved back his head to look at my face. Halatang clueless siya sa
nangyayari. "Ano bang meron? Anong himala?"

"Eehh! 1.50 ako sa Math!"

Lumawak ang ngiti niya sa sinabi ko. "Talaga? Wow," tapos niyakap niya ako pabalik.
"Congrats, Misty."

"Ehem!"

Nagtaka ako sa biglang tumikhim sa gilid namin. Pagkatingin ko, bumungad agad sa
akin ang seryosong mukha ni Zion. My initial reaction? Mabilis akong kumawala sa
pagkakayap kay Tyrone. Okay, fix composure, Misty. Nawala yata ako ng poise sa
ginawa ko.

Bumaling siya kay Tyrone na nakatingin pa rin sa akin at nakangiti. "Anong meron?
Free hug day ba ngayon?" sarkastikong tanong niya at natawa nalang sina Sab at
Eunice sa gilid.

Ngumuso ako dahil ini-spoil niya ang magandang araw ko. "Eto naman, nagsasaya lang
kami. 1.50 kasi ako sa Math!" energetic na sabi ko.

"Wow." Nagulat ako nang yakapin niya ako. "Congrats, Misty. You deserve it!" sabay
tap pa sa likod ko.

Natawa man ako pero tinulak ko siya. "Chansing!" At napakamot nalang siya sa ulo
niya. "All thanks to Tyrone talaga. Kung hindi dahil sayo, baka sinco ako sa Math!"
Tyrone smiled at me sweetly. "Wala yun. You hard work," sabi niya at bumalot ang
katahimikan sa paligid namin dahil sa sinabi niya.

"You hard work? Baka you've worked hard," mahinang sabi ni Zion kaya mabilis ko
siyang siniko. Sinamaan ko pa siya ng tingin kaya natawa siya ng palihim. Ito
namang sina Sab at Eunice ay napa-facepalm nalang. Err.

Napakamot sa ulo si Tyrone at awkward na natawa nalang. To spare him from the
embarrassment ay lumapit ako sa kanya at kumapit sa braso niya. "At dahil
successful ang semester na ito, ililibre ko kayo ng lunch!"

***

"Libre ko."

"Libre ko nga!"

"Misty, ako ang magbabayad."

"'Wag kang pa-impress. Ako nalang."

"Yabang nito. Porque't 1.50 lang sa Math. Bawal ba manlibre ang 2?"

Kumamot ako sa ulo ko sa frustration. I give up! Pati ba naman dito sa restaurant
ay magbabangayan pa kaming dalawa? 2 kasi siya sa Math. Not bad, right? Gusto ko
lang naman i-celebrate yung pagiging 1.5 ko. Ghaaad, sana maulit pa ito. Walang
pagsidlan ang kasiyahan ko ngayon. Naitext ko na nga agad kay Dad ang good news e,
at naiupload ko na rin agad ang photo ng GWA ko sa IG. Minsan lang 'to, pagbigyan
na!

"Ako na ang manlilibre ah?" hirit pa ni Zion nang makapag-order na kami.

Inirapan ko nga siya. "Oo na!"

"Tama na nga yan," sabi ni Eunice para pigilan kami. "Maiba tayo. Saan niyo balak
magbakasyon ngayong sembreak? Ako kasi, nag-iisip na baka sa Puerto Princesa. Ikaw,
Sab?"

"Ako? Baka mag-Bora kami," sagot ni Sab.

Nalipat ang tingin namin sa katabi niyang si Tyrone na mangyaring katabi ko rin.
"Baka umuwi ako sa Japan. Pinapauwi ako ni Mama kahit one week lang e," sabay ngiti
niya. "Ikaw, Misty?"
I was hung up for a moment. Hindi kasi ako nagbabakasyon. Sasagot na sana ako nang.
. . "Pupunta kami ng Tagaytay ni Misty," singit ni Zion.

Tinaasan ko nga siya ng kilay. "Sinong nagsabi?"

"Ako," sagot niya sabay ngisi.

"Pumapayag ako?" pinandilatan ko siya ng mga mata.

"Hindi. Ipagpapaalam nalang kita kay Tito Lucas."

Umirap ako at nagpangalumbaba sa mesa. "Hindi ako nagbabakasyon. Wala kasi akong
kasama at hindi ako pinapayagan ni Dad na pumunta sa malalayong lugar kaya. . ." I
looked to Zion and shot him a glare. "Don't you dare!"

"Okay lang yan. Kahit ako, kung may kapatid akong babae at magpapaalam sa akin na
aalis siya kasama ng lalaki, hindi rin ako papayag." Napatingin ako kay Tyrone nang
sabihin niya iyon. "Lalo na kung manliligaw niya."

"Dude," sabat ni Zion kahit na pinapagitnaan ko silang dalawa. "Kilala kasi ako ng
Dad ni Misty. Papayagan naman siguro ako."

Ngumisi si Tyrone. "-ng kayong dalawa lang? Imposible."

"Try me."

"Sige ba."

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Parang nag-iinit yata ang usapan sa
pagitan nila. Omo! "Err. . . guys-"

"Baka kung ikaw ang magpaalam, hindi ka papayagan. Hindi ka naman kilala ni Tito
Lucas e."

Siniko ko si Zion para patahimikin siya pero. . . "Edi magpapakilala ako," sagot ni
Tyrone.

"Guys-" 'Di ako makasingit!

"'Wag na. Umuwi ka nalang ng Japan, dude."

"Hindi na. Nagbago na ang isip ko."


"OKAY, STOP!" Eunice finally interfered. Thank you, Eunice! Kung hindi baka
nailapat ko na ang magkabilang palad ko sa bibig ng dalawang lalaking ito. Jusme,
naiistress ang long brown hair ko sa kanila.

"Ganito nalang, why don't we just go out of town together? Tutal naman, ayaw niyong
magkaungusan kayong dalawa kay Misty na abot Uranus ang buhok, pwes magsama-sama
nalang tayong magbakasyon. What do you think?"

Napaawang ang bibig ko sa suhestyon ni Eunice. Si Sab naman ay pumapalakpak dahil


sa excitement. I scratched the back of my head because it is too impossible that my
Dad will let me go with them. Walang pag-asa. As in, no chance!

Tumikhim ako. "Guys, I don't think-" but Zion cut me off quickly.

"Sure. Saan niyo ba gusto? HK? SoKor? SG? O pwede ring sa Japan para hindi unfair
kay Tyrone," sabi ni Zion na nagpabilog ng mga mata ko. Teka, nawiwindang ako sa
topic namin. Seryoso ba sila?

"Kahit saan, okay lang sa akin," sagot naman ni Tyrone.

"Good! Japan tayo!" Sab almost shrieked. Kung sila ay naeexcite, ako naman ay
nahahabag sa sarili ko. Hindi ako papayagan ni Dad!

Bumuntong-hininga ako. "Excuse me, hindi kasi ako papayagan ni Dad."

"Edi magpapaalam tayo kay Tito. Tara?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Zion.
Seryoso ba siya?

Marahil ay seryoso nga siya dahil dinala niya kaming lahat sa sarili kong
pamamahay. My feet were so cold I almost couldn't move them. Lalo na nang huminto
ang service car ni Zion sa driveway namin.

"Teka. Seryoso ba talaga kayo?" sabi ko sa kanila na hanggang ngayon ay nasa state
of shock pa.

"Oo nga. Magpapaalam lang e," sagot ni Zion. Bago pa siya makalabas ay lumabas na
si Tyrone para pagbuksan ako ng pinto. Agad akong lumabas kahit na ang bigat ng
pakiramdam ko.

"Err. Thanks, Tyrone." I said and he returned it with a smile.

"So, kami hindi pinagbuksan?" reklamo ni Eunice. Si Zion na ang nagbukas ng pinto
para sa kanila dahil nauna na akong pumasok sa doorstep.
Kumamot ako sa ulo bago ako bumaling sa kanila at saka ko hinawakan ang door knob.
"Promise, hindi talaga ako papayagan. Don't push your luck," sabi ko.

"We should at least try, Misty."

Ngumuso ako sa sinabi ni Sab bago ko binuksan ang pinto at kung tinamaan nga naman
ng swerte, nasa sala pa si Dad. Nagulat siya nang makita ako pati na rin ang mga
kasama ko kaya napabangon siya bigla.

"You're home," sabi niya nang lumapit ako sa kanya para bigyan siya ng mabilis na
halik sa pisngi. "At may mga bisita ka. Hi!" bati niya at tumayo na rin para
lapitan sila.

Habang lumalapit si Dad sa kanila ay napapakagat ako sa lower lip ko. Kinakabahan
ako hindi lang dahil sa ipapaalam nila kundi nagdala pa ako ng suitors sa pamamahay
namin. Geez. Dumadagundong tuloy ang puso ko.

"Hi po!" FC na bumati si Zion kay Dad kaya inirapan ko siya.

"Hey, France. How have you been?"

Ngumiti ang loko. "I'm good po and Tito, si Zion nalang po ang itawag mo sa akin,"
he corteously said that made Dad laugh.

Umeksena na ako sa kanila. Pinakilala ko sina Sab at Eunice maging si Tyrone.

"Siya ba yung Math tutor mo?" asked dad.

"Opo," I smiled proudly.

"Wow, you're good. Salamat sa pagpapasensya sa anak ko." Napangiti ako sa sinabi ni
Daddy kay Tyrone. That's what I've wanted to tell Tyrone.

"Wala po yun. Fast- uh. . . mabilis naman po siyang matuto." Napangiwi ako at
palihim na natawa si Zion sa hindi matuloy na salita ni Tyrone. That must 'Fast
learner' pero nauwi sa translation nitong Tagalog. Pfft!

"Magmiryenda muna kayo. Papaluto ako sa-"

Humarang agad ako sa dadaanan ni Dad. Busog pa naman kami at ayoko nang patagalin
pa ito. "Uh, Dad. Kumain na po kami sa labas."

"How about desserts?"


Ngumiti ako ng pilit. Nakita ko yung pag-mouth nina Sab at Eunice ng 'sabihin mo
na!' kaya napangiwi ako. "Dad, we're full. B...by the way, here's my grade!" sabay
abot sa kanya ng papel na kanina ko pa iniingatan.

His eyes bawled in surprise as he grimaced and turned to me. "Wow! Good job,
Misty."

"Thanks, Dad. Ang taas po ng grade ko, 'no?"

"Hmm," patuloy pa rin siya sa pagbasa ng grades ko.

Huminga ako ng malalim para bumwelo. "Dad-"

Pero pinutol ako ni Zion. "Ipagpapaalam po sana namin si Misty na kung pwede po
siyang sumama sa pagbabakasyon namin, Tito. Pwede po ba?" AAAAAH! Ba't mo binigla,
ZION!?!

Halos nahigit ko ang hininga ko nang makita ang seryosong facial expression ni Dad.
Dad must be cool but he's strict when it comes to this. "Where?"

"Sa Japan po," sagot ni Zion at napaawang ang bibig niya nang bumaling sa akin.

"Japan?" He asked in disbelief. "No. Masyadong malayo yun," mariin na sagot niya.

Bagsak ang balikat ko. I knew it but still, I am disappointed.

"Okay po pero pwede po bang magpaalam kung pwedeng manligaw kay Misty, Tito?"

Nanlaki ang mga mata ko sa biglang hirit ni Zion. Maging sina Sab at Eunice ay
napasinghap din. Ghaaaaaaad. What an aggressive move!

Napakurap ang mga mata ni Dad kay Zion at saka nalipat ang tingin niya sa akin.
Ibubuka sana niya ang bibig niya para sana magsalita pero. . .

"Ako rin po sana. Magpapaalam din kung pwedeng manligaw kay Misty, Sir." Si Tyrone.

Teka. Saglit. Wait. Wala sa usapan yung ganyang paalam ah!

Pero mas nagulat ako sa isinagot ni Dad. "Come with me, then," saka siya dumiretso
papunta sa pool area.
AAAAAAH! Maloloka na yata ako ng tuluyan!

=================

39. Nakakainis

Chapter 39

Nakakaloka ang mga pangyayari lately. Ni hindi nga ma-sink in sa utak ko ang
nangyari nung isang araw. Oo, dalawang araw na ang nakalipas nang mauwi sa
pagpaalam na manliligaw sina Tyrone at Zion na dapat ay pagpapaalam sana na sumama
ako sa out of town nila.

Hayy. . . Naalala ko na naman tuloy yung out of town na pinagplanuhan namin nung
Friday. Sigurado naman akong hindi ako papayagan ni Dad na sumama sa kanila kasi
hello! Japan kaya 'yon. Mabuti sana kung dyan dyan lang yun sa tabi pero alam naman
nating hindi lang simpleng out of town yun kundi out of the country!
Nakakadisappoint nga e. Alam ko naman 'di imposibleng payagan ako ni Dad pero
kahit papa'no ay 'di ko maiwasang hindi umasa ng kahit 5% probability lang. Huhu.
Kaso ayun nga, nganga. Waley chance.

Nagpakawala ulit ako nang malalim na buntong-hininga habang nanunuod ng Yahari Ore
no Seishun Love Comedy wa Machigatteiru sa PC ko. Walang kasawaang anime marathon
ang ginagawa ko nitong mga nakaraang araw. Nagtatampo kasi ako kay Dad.
Naiintindihan ko naman siya kung bakit niya ako hindi pinayagan pero. . . argh,
nakakasama pa rin kasi talaga ng loob. Kaya ayoko ng sembreak e, nakakulong lang
ako lagi sa bahay.

May kumatok bigla sa pinto. Hindi ako kumilos dahil alam kong yung isa lang yun sa
maid namin. Naka-focus lang ang mga mata ko sa PC nang marinig kong bumukas ang
pinto ng kwarto ko.

"Misty?" Ngumuso ako nang marinig kong boses yun ni Dad. Hindi pa rin ako kumilos,
nakatutok pa rin ang mga mata ko sa PC kahit na wala na dun yung concentration ko.
"Misty, did you take your lunch already?"

"Opo," walang ganang sabi ko.

Narinig kong palapit sa akin ang footsteps ni Dad kaya napatuwid ako nang upo.
"Nagtatampo ka ba sa akin?" Huminto siya sa likod ko.
Umiling ako kahit sa loob-loob ko ay gusto kong sumagot ng 'yes, I am!'. Gusto ko
na tuloy bumalik si Kuya Kurt dito sa Pinas. Kahit papaano kasi ay naisasama niya
ako noon sa pamamasyal. I miss my Kuya soooo much!

"Hindi? Then, why aren't you coming out of your room?"

Kumamot ako sa ulo. "Eeh... lumalabas naman po ako, Dad."

"Lumalabas ka nga pero kapag kakain ka lang. Hindi ka pa sumasabay sa akin sa


pagkain." Suminghap siya. Bumuntong-hininga naman ako. "Tell me, what's wrong?"

"Wala nga po."

Saglit siyang hindi nagsalita. Nagulat nalang ako nang silipin niya ang mukha ko.
"Dad!" He was poking my cheek endlessly. "Eeeh!"

Natawa siya sa pag-iinarte ko. Ganito talaga ako kay Dad kapag nagtatampo. Ayokong
i-pin point sa kanya ang dahilan ng pagtatampo ko dahil gusto ko, siya mismo ang
makaalam.

"Nagtatampo ka e," panunudyo niya. "Pinayagan ko naman sina Tyrone at Zion na


manligaw sayo kaya tama na ang pagtatampo. We have an agreement, right?" sabi ni
Dad kaya saglit akong natigilan. Expected ko namang papayagan niya sina Zion at
Tyrone na manligaw sa akin pero. . . geez! Akala ko, nagbago ang isip ni Dad sa
usapan naming pwede akong magpaligaw dahil since the day na nagpaalam ang dalawa
kay Dad ay hindi na sila nagparamdam sa akin. As in, wala.

I wonder what happened to the both of them. Kung kailan namang may permiso na sila
ni Dad na manligaw ay saka pa sila nawala. Hindi kaya nagbakasyon na sila? Argh,
bumalik tuloy sa akin ang sama ng loob ko. Iniisip ko palang na sembreak ngayon
pero heto ako't nasa bahay ay nadedepress na ako. Maybe I have to deal with it. Two
weeks lang naman ang sembreak, Misty. Tiisin mo nalang at magsisimula na agad ang
second semester.

Lumapat ang kamay ni Dad sa ulo ko kaya napasimangot ako. "Oh, won't you ask me
what I think about your suitors?"

Hindi ako sumagot. Instead, nilipat ko sa episode 3 ang pinapanuod ko. Ang daldal
naman ni Dad!

"Tyrone's a very polite guy. Sir ng Sir sa akin," tapos natawa siya. "Mukha pang
mabait." I mentally smiled at what he observed. Super bait talaga ni Tyrone, Dad.

"And about Zion?" Tumikhim siya habang natatawa. His laugh was different from what
he blurted out when he talked about Tyrone. Parang amused laugh, whatever.
"Lalaking-lalaki na siya. Yung kilos niya, parang si Wayne na. Anong ginawa mo dun
at naging ganun yun ka-maton, anak?"

Hinayaan ko lang magsalita si Dad. Halata naman kasing inaalis niya ang pagkatampo
ko sa kanya. But sorry to say, Dad, I'm still upset. I want to spend my sembreak
productively!

"Anak. . ."

Nagpangalumbaba ako sa Computer table at itinututok ang atensyon sa PC kahit wala


na akong ma-gets sa pinapanuod ko. Dad's voice is distracting me.

". . . sinong mas gusto mo sa kanila? Sabihin mo sa akin. Secret lang natin."

Napaawang ang bibig ko sa huling narinig ko mula kay Daddy. Seriously? Tinatanong
niya talaga yun? "Dad naman e!"

Natawa siya nang tumayo na ako at dumiretso sa kama. Tumalikod ako sa kanya at
ipinikit ang aking mga mata. Magtutulog-tulugan na nga lang ako! Napakakulit ni
Daddy e.

"Joke lang, baby." He said it with a chuckle. "Pinayagan ko silang dalawa dahil
nakikita kong disente sila. They seem to be serious too because they fearlessly
asked permission from me para lang maligawan ka. Isumbong mo lang sa akin kung may
hindi magandang gawin sila sayo, okay?"

Itinakip ko ang unan sa mukha ko. Napapangiti kasi ako e. Na-touch ako sa sinabi ni
Dad. Gusto ko man siyang yakapin para magpasalamat ay hindi ko magawa. Nagtatampo
pa rin ako sa kanya. Hmp.

I felt him pull the pillow away from my face so I tightened my grip on to it.
"Misty, kausapin mo naman ako," malambing na sabi niya.

"Eehh. Matutulog po ako." Kyeme ko lang yan. Tanghali na kaya akong nagising!

I could hear his footsteps coming towards the door. Mukhang sumuko na si Dad sa
wakas. Hayy!

"Hindi ka ba talaga lalabas?" he asked as though squeezing me to change my mind.


Hindi ako sumagot. Narinig kong binuksan niya na nang tuluyan ang pinto. "Misty,
magpasikat ka naman sa araw."

Bumuntong-hininga lang ako sa ilalim ng unan. No, thanks po. You didn't let me go
out of town with my friends, then might as well stay here for the rest of my
sembreak. I know, self-pity at its finest.
"Lalabas ka ba o hindi?" Ang kulit ni Dad! Alam ko na kung saan ako nagmana. "Sige
ka, I might change my mind." And then, I heard him close the door quickly.

Agad akong napabangon at napatitig sa pintong nilabasan ni Dad. Err. I find his
persistency really weird. I know, makulit si Dad, pero once na mangulit siya ay
hindi siya gumagamit ng tonong with finality.

I shrugged the thought off my mind anyway and laid back on my bed. This will be a
boring vacation again as usual. Hindi pa ba ako sanay?

Sigh. Kasabay ng pagbuntong-hininga ko ay may sunod-sunod na pagkatok sa pinto ng


kwarto ko. Agad akong nagbalot ng kumot sa katawan ko. Ilang saglit lang ay narinig
kong bumukas ang pinto at ang sumunod nalang na narinig ko ay dalawang pamilyar na
boses ng babae.

"Misty, bangon na!"

"Wakey! Wakey, Misty!"

Nalaglag ang panga ko nang sa paghila nila ng unan ko ay bumungad sa akin sina
Eunice at Sab. Teka. . . Na-freeze yata ang utak ko. "A...anong ginagawa niyo
dito?"

"Obvious ba?" sagot ni Sab tapos dumiretso siya sa walk-in closet ko. Hinalungkat
niya ang closet ko at nakitulong pa si Eunice. Bumangon na ako. Okaaaay, what's
happening?

Huminga muna ako ng malalim. Pinapakalma ang sarili kong lugmok na sa boredom these
past few days bago ako nagsalita. "ANONG MERON?!" No, it wasn't a simple question
but rather a panicking question.

"Pumapayag na ako." Bumaling ako sa boses na nanggaling sa doorstep. Si Daddy!


Teka, rewind ulit.

Pumapayag na ako.

Pumapayag na ako.

Pumapayag na ako.

Nanlaki ang mga mata ko't nailapat agad sa bibig ko ang palad ko dahil sa gulat.
"D-Dad?"

He smiled at me as he wiggled his brows. "But I made the terms and conditions,"
sabi niya kaya mabilis akong tumango. OMG, whatever it is, okay lang! The important
is, makakapunta na ako ng Jap- "You'll go not in Japan but in Quezon Province. Not
just with your friends but together with Butler Homer. Okay na?"

Mabilis kong isinara ang nakaawang kong bibig. From Japan, naging Quezon Province.
Okaaay. Okay na yun! AAAAH! Basta bakasyon lang with my friends.

"Oh my!" Tumakbo ako palapit sa kanya at saka ko siya niyakap ng mahigpit. "Thank
you, Dad!"

"And please behave," Dad told me as he patted my head. "I'll check you from time to
time."

"I will!" I raised my right hand as though pledging onto him.

MABILIS kaming nag-empake ng gamit ko with the help of Sab and Eunice. Binilisan na
namin dahil baka mahirap na, baka magbago pa angisip ni Dad at hindi na ako payagan
na magbakasyon.

"Behave ah. Kung may kailangan kayo, nandyan si Butler," paalala ni Daddy.

"Yes po!"

"And Tyrone. . ." Awtomatikong napalingon ako kay Tyrone na tumutulong na i-load sa
van ang bag ko. Kanina pa pala siya nasa baba na naghihintay. Napatagal pa naman
ang pag-eempake namin nila Sab at Eunice. "I trust you. Please don't take advantage
of my trust," sabi ni Daddy.

"Yes po, Sir."

Ngumiti si Dad. "Tito Lucas nalang."

Sumakay na kami nina Sab at Eunice sa van pati na rin si Tyrone. Si Butler ay
pumwesto na rin sa driver's sear. Isa nalang ang kulang. Nasaan na kaya siya?

"Mag-iingat kayo. Three days lang, Misty. Walang extension, okay?" I nodded my head
and gave a peck on Dad's cheek. "Sige na, enjoy your trip."

"Bye, Dad! Thank you!"

"Bye po, Tito!"

Sa pag-alis ng van ay nakaramdam ako ng excitement. Never pa akong nakapunta sa


Quezon. Ang balita ko ay magaganda raw ang beach dun. Sapat naman na siguro yung
three days para mag-enjoy dun, 'di ba?

Habang nagkakatuwaan sina Sab at Eunice sa middle seat ay katabi ko si Tyrone sa


backseat ng van. Actually, ako lang ang nasa backseat kanina katabi ng mga bag ko
pero tumabi siya sa akin.

"Kamusta?"

I flashed a small smile to him. "Ayos na. Akala ko, mabobore na ako sa bahay
ngayong sembreak. Buti nalang pumayag na si Dad," sabi ko at bigla nalang may
naalala. "Wait. Paanong napapayag bigla si Dad?" Isang malaking palaisipan sa akin
kung paano napapayag si Dad bigla-bigla. Ano kayang nangyari?

Nagulat ako nang dumungaw si Eunice sa amin mula sa middle seat habang umaandar ang
van. "Nagulat nga rin ako e. Basta kahapon, tumawag nalang sa amin si Zion. Sabi
niya, kung okay lang ba raw na sa Quezon nalang tayo magbakasyon. Napapayag niya na
kasi si Tito Lucas. Aba, syempre, umoo na kami!"

Si Zion ang nagpapayag kay Dad? Eh ni hindi nga nagparamdam sa akin yun ng dalawang
araw. Tch.

"Okay na rin ako sa Quezon, Misty. 'Di rin kasi ako pinayagan sa Japan. Ang
ambisyosa ko raw sabi ni Mama." Humalakhak si Sab.

Awtomatikong lumipat ang tingin ko kay Tyrone na kanina pa tahimik. Hindi rin siya
nagparamdam sa akin ng dalawang araw. Para tuloy pinagkaisahan nilang akong dalawa
ni Zion. "Ikaw, Tyrone? Paano na yung pag-uwi mo sa Japan?"

Umiling siya at ngumuso. "'Di na. Si Mama nalang daw ang uuwi dito."

Wala na ulit nagsalita pagkatapos ng usapan namin. Yung dalawa, busy sa kinakain
nila. Ako naman ay busy sa pinapanuod na movie na pinapalabas sa maliit na screen
ng van namin. Excited ako pero at the same time ay nangangamba. Si Zion ang
nagpapayag kay Dad pero bakit wala siya dito?

Bumaling ako kay Tyrone sa tabi ko pero nagbawi rin agad ako ng tingin dahil nahuli
ko siyang nakatingin sa akin. Gosh, nag-init tuloy ang pisngi ko. "Uh... Tyrone,
tayo-tayo lang ba ang pupunta sa Quezon?"

"Hindi. Kasama din sina-" Natigil siya sa pagsasalita and as if on cue ay tumigil
din ang van. Biglang bumukas ang sliding door at napatikhim ako nang makita ang
mukha ni Zion.

"Hello."

Napakagat ako sa labi ko nang makita ang porma niya. Naka-grey siyang sando na
pinatungan ng blue polo at puting shorts naman sa pang-ibaba. Simple lang ang get
up niya pero mapapa-'ooh-la-la' ka sa karisma niya lalo na't naka-Rayban shades pa
siya. Teka, summer na ba? Bakit ang hot yata niya?

"Oh, my gosh Zion! Ba't ang gwapo mo?!" puna sa kanya ni Eunice.

Natawa nang bahagya si Zion. "Syempre, ako pa ba?" and his eyes started to wander
inside the van until his eyes met mine.

Ehem. Natutuyuan yata ako ng lalamunan kaya napainom ako sa tumbler ko. Hoo! 17
years old lang ba talaga siya?

"Hi, Misty." And then he flashed the most ever charming smile of his. Pinagpatuloy
ko nalang ang pag-inom sa tumbler ko at poker-faced na tumango sa kanya. Kunwari,
no effect kagwapuhan niya sa akin. Ehem.

Nang mawala sa akin ang mga mata niya ay dun lang ako nakahinga ng maluwag.
Napansin ko tuloy si Tyrone na seryosong nakatingin sa labas ng van. Tinitignan
niya ba si Zion?

"Oo nga pala, guys. May kasama ako," anunsyo ni Zion at natanaw ko nalang na may
tumabi sa kanya sa sliding door.

My eyes bawled in confusion when I saw some girl beside Zion outside the van.
Nakangiti siya sa amin. Natahimik kaming lahat. Nabalot kami nang nakakailang na
katahimikan sa van.

". . . Si Reishel nga pala," Zion added to his introduction.

"Hello!" masiglang bati nito. Ngumiti kaming lahat sa kanya, a forced one though,
except kay Tyrone. Nakita ko kasing napailing si Tyrone at saka nito pinasakan ng
earpods ang tenga niya.

Geez, will this trip turn out to be a good one?

***

"Bakit mo naman siya sinama?!" bungad ko kay Zion nang magkaroon kami ng stop over
para magpagasolina si butler along the expressway. Nagpaalam ako na mag-CCR ako at
heto namang si Zion ay sinamahan ako. So, I took this chance to nag him off.

"Sino? Si Reishel?"

I rolled my eyes upwards. Isn't it obvious? "Malamang!"


Pagkatapos mag-CR ay dumiretso ako sa convenience store para bumili ng makakain.
Sinundan pa rin naman ako ni Zion hanggang dito. I could feel how uneasy Tyrone was
during the trip. Kahit naman ako ay hindi rin kumportable just the mere thought of
being with your suitor and his latest ex girlfriend na-mukhang-may-gusto-pa-rin-
kay-Tyrone inside the van. Nakakastress tuloy!

"Bakit? Anong masama dun?"

Sinimangutan ko siya at napailing nalang ng ulo. Ibang klase! Sinasadya niya ba


itong nangyayari? "Zion, kung anuman 'yang trip mo, please tigilan mo na," sabay
lagay ko ng Pringles sa hawak niyang basket.

"Anong pinagsasasabi mo dyan?"

Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Mag-ex yung dal'wa tapos pinagsama mo? Kita mo
na ngang hindi sila in good terms e," iritableng paliwanag ko at naglagay naman ng
Pic-A at Lays.

Imbes na sumagot sa akin ay pa-cool niya lang na inayos ang buhok niya. Ewan ko ba
kung pa-cool lang ba talaga o baka natural nalang sa kanya yun. Err.

"Zion!" I snapped out.

Huminga siya ng malalim bago niya binalik sa shelf ang Lays naa kinuha ko. "Ewan ko
sayo. Ang paranoid mo. Bilisan mo, baka hinihintay na nila tayo."

"E ba't mo tinanggal ang Lays?" asik ko at saka binalik sa dala niyang basket ang
Lays na tinanggal niya at nagdagdag pa ako ng Doritos at Cheetos.

"Puro ka Junkfoods e."

Umismid lang ako at nagmartsa papunta sa shelf ng chocolates. Kumuha ako ng


Reese's. Snickers, M&M's at Hersheys. "Misty, tama na nga yan. Puro junkies na o,"
sermon niya sa akin kaya humarap ako sa kanya at tinignan siya ng masama.

"Alam mo, Zion, inis na inis na inis na inis na ako sayo!" gigil na angil ko sa
kanya. Seriously, nahahighblood na ako.

Napakamot siya sa batok sa tinuran ko. "Bakit ba? Fine, kung gusto mong bilhin ito
lahat, pagbibigyan kita. Libre ko pa. 'Wag ka lang mainis sa akin," maamong sagot
niya.

Halos magsalubong na ang kilay ko. Kumukulo na talaga ang dugo. "Hindi yan. Basta
naiinis ako sayo!"
"Bakit ka ba-"

"Sinama mo kasi si Reishel," I cut him off in gritted teeth.

Suminghap siya. "Kaibigan ko naman siya."

Hinampas ko siya sa braso. Wala akong pake kahit pinagtitinginan na kami ng ilang
tao sa store. "Niyaya mo naman? Wow, what a nice friend," sarkastikong hirit ko.

"Syempre." Yung mukha niya parang nagtataka na sa sudden outrage ko.

"Hindi ko na maeenjoy ang bakasyon na 'to."

His face smoothened. "Ang gara nito mag-isip. Maeenjoy mo 'to. Kasama mo ako e," at
kumindat pa ang loko. Inirapan ko nga. Hindi ko magets ang sarili ko. Naiirita
talaga ako!

"Ewan ko sayo. Mag-enjoy kayong dalawa ni Reishel," I snapped out as I turned


around to leave.

Tinawag niya pa ako pero hindi ko na siya pinansin dahil lumabas na ako ng store.

Timing pang nakasalubong ko si Tyrone, "Misty, hinahanap na kayo ni-" kaya mabilis
akong humawak sa braso niya at saka siya hinila paalis dun. Bahala si Zion dyan.
Nakakainis! Edi sila na ang friends ni Reishel. Sila na ang close. Si Tyrone nalang
ang sasamahan ko!

Yhel's note: Ang bilis na nga ng update ko pero may ilan pa ring nagrereklamo. Ang
saya naman. *note my sarcasm* Labyu all sa mga nakakaappreciate ng bawat update ko.
:) Use the hashtag #WarningBawalMafall on twitter to share your feels and mention
me na rin para masaya ako (twiterrname: MarieliciousVIP). :)
=================

40. Move On

Chapter 40

Point deducted from Zion.

Hindi ko alam kung sinadya ba talaga ni Zion na isama si Reishel sa barkada getaway
namin. This is supposed to be a barkada trip pero ngayong nandito si Reishel, ewan
ko nalang kung maeenjoy namin ang bakasyong ito. Hmm, siguro maeenjoy ko naman ito
kahit papaano pero yung iniisip ko lang ay si Tyrone. Ayoko namang habang nagsasaya
ang lahat ay heto siya't hindi kumportable sa mga nangyayari. Tsk! Kasalanan kasi
talaga ni Zion 'to e. Gaano ba sila ka-close ni Reishel para isabit sa out-of-town
trip namin?

Speaking of, kanina pa siya palingon-lingon sa akin. Kaya heto ako't napapaismid
nalang. Sa totoo lang, pagkatapos naming magkasagutan kanina nung nag-stop over
namin ay mas lalo akong nabadtrip sa kanya. Badtrip na nga ako tapos trumiple pa.
Gusto niyang kasama si Reishel, edi fine. Magsama sila! Hmp!

Nilibang ko nalang ang sarili ko sa paglalaro ng Pou sa phone ko. Hindi ko alam
kung napatagal ba ang paglalaro ko dahil naramdaman ko nalang ang pagkalam ng tyan
ko. Tinanaw ko sina Sab at Eunice sa middle seat. Hihingi sana ako ng pagkain kaso
tulog pala yung dalawa. Napansin yata ni Zion ang pagtanaw ko dahil nilingon niya
ako. As usual, umismid ako at sumandal nalang sa kinauupuan ko.

Huminga ako ng malalim nang maramdaman ko ulit ang pagkalam nito. "Gutom na ako,"
bulong ko sa sarili.

"Gutom ka na?" Sa totoo lang, pinaparinig ko yun kay Tyrone since siya ang katabi
ko sa upuan pero hindi ko alam kung may sa daga ba ang tenga nitong si Zion dahil
mas nauna siyang nagreact.

Nakalingon pa siya sa akin kaya inirapan ko siya. "Ito oh, bumili ako ng sandwich
kanina," sabay abot sa akin ng sandwich. Argh, gusto ko sana 'yong kunin kaso
nakita ko si Reishel na lumingon din sa akin.

Poker faced, umiling ako. "Ayoko n'yan," pagsusuplada ko.

"Ito nalang, Misty. Pork Empanada," alok naman ni Tyrone sa tabi ko. Pagkabukas
palang niya sa food container nito ay nalanghap ko kaagad ang masarap na amoy nito.

Kumuha agad ako at ngumiti sa kanya. "Salamat, Tyrone."


"Ako ang gumawa n'yan," sabi niya kaya nag-form ng 'O' ang mga labi ko sa
pagkabigla. Kumagat ako ng kaunti at napa-'hmmm' ako sa sarap nito. "Ang sarap
naman!"

Narinig kong tumikhim si Reishel sa harapan namin, maging yung pagkalukot ng mukha
ni Zion ay nakita ko rin. Nagkatinginan kami saglit ni Tyrone. I eyed him as though
asking him 'aalukin ko sila, okay lang?' and he nodded his head right away. Buti pa
si Tyrone, mabait.

"Reishel," dumukwang ako at pinakita ko sa kanya ang food container ng empanada.


Nilingon niya naman ako kaagad. Para ngang nagulat siya e. "Gusto mo? Kuha ka."

"Ay, sige. Salamat nalang," nahihiyang sagot niya. "Busog pa ako." Nakita kong
pinamulahan pa siya ng pisngi. Napaisip tuloy ako. Dati rin ba siyang ginagawan ng
empanada ni Tyrone? Teka, bakit ko nga ba yun iniisip?

Lumipat naman ang tingin ko kay Zion na nakatingin din sa akin. Bumalik sa pagka-
poker face ang expression ko. Aalukin ko sana siya pero umatras ang dila ko nang
iabot niya kay Reishel ang inaalok niya sa aking sandwich kanina.

"Reishel, oh. Sayo nalang," sabi niya. Tumaas tuloy ang kilay ko.

Ngumiti si Reishel at hindi nagdalawang isip na tinanggap ang sandwich. Pabagsak


akong sumandal sa upuan ko at saka ako huminga ng malalim. Kalma, Misty. Kalma...

Kumagat ako ng malaki sa empanadang hawak ko. Dun ko nilabas yung inis ko kay Zion.
Naiinis ako sa kanya. Hindi ko ma-explain kung bakit, basta nakakainis siya!

"Sarap talaga," sabi ko nang bumaling ako kay Tyrone na nakatingin sa akin. Through
my peripheral vision, nakita kong gumalaw na naman ang leeg ni Zion para lingunin
ako. Ngumisi ako sa sarili. Inienjoy niyang kasama si Reishel, pwes ako din, 'no.

"Kain ka rin, Tyrone."

"Ha?— oomph!" Hindi ko na siya pinatapos na magsalita dahil sinubo ko na agad sa


kanya yung empanadang hawak ko.

Natatawa tuloy siyang nginuya yung kinagat niya. Natawa na rin ako dahil pulampula
ang mukha niya.

"Teka, 'wag mo na ako subuan, Misty."

Ngumuso ako pero agad ding kumagat ulit sa empanada. "Ang talented mo talaga.
Magaling ng kumanta, mag-gitara at magluto. Ang galing mo pa sa Math kaya bilib ako
sayo e," tapos sinubuan ko ulit siya pero iniwas agad niya ang mukha niya habang
natatawa. "Kagat na ulit!"

He laughed out loud. Na-relieve tuloy ako nang marinig ang pagtawa niya. Kanina pa
kasi siya tahimik. "Edi 'wag," natatawang sabi ko at inubos na ang empanada.

Naubos ko yung dalang empanada ni Tyrone. Solved na! Para tuloy akong napagod sa
ka-hyper-an kong pangungulit kay Tyrone. As much as possible kasi ay hindi ko
hahayaang maramdaman niyang uneasy siya. Gusto ko, mag-enjoy din siya katulad ko.

"Tubig," alok niya sa akin kaya ininom ko kaagad yun. Binalik ko kaagad sa kanya
nang makakalahati ako dun.

"Salamat."

Ang tahimik. Sobrang tahimik sa loob ng van. Busy si Butler sa pagdadrive. Sina Sab
at Eunice naman ay natutulog. Kamusta naman daw yung dalawang nasa harapan namin?
Nasa magkabilang window's side sila. . . nakadungaw, parang malalim ang iniisip.

Sa sobrang tahimik ay napahikab ako. Inantok ako bigla. Sumandal ako sa seat at
nakidungaw sa bintana. Sinandal ko ang ulo ko sa salamin at natulala sa bawat
dinadaanan naming lugar.

"Inaantok ka na?" tanong sa akin ni Tyrone sa tabi ko. Tumango ako nang hindi siya
tinitignan. Siesta time na kasi kaya siguro ako biglang inantok. Ewan ko ba.

"Haayy..." Humikab ulit ako.

Nilingon ako ulit ni Zion. "Gusto mo, lipat ako dyan?"

"At bakit?"

"W...wala. Para makasandal ka sa akin," sagot niya na nagpaningkit sa mga mata ko.
"Tyrone, 'tol, pwedeng palit tayo? Dito ka, dyan ako."

Nakita kong lumingon si Reishel. Si Tyrone naman ay tumingin sa akin. Argh, ano
bang kalokohan na naman ang iniisip ng isang 'to?

Sinimangutan ko si Zion. "'Wag na. Makakasandal din naman ako kay Tyrone," sagot ko
at tumabi sa kanya. Sinandal ko ang ulo ko't ipinikit agad ang aking mga mata.
"Pasandal, Tyrone ha?"

I felt his hand move to my head na para bang inaalalayan ang ulo ko. "Sige lang,"
malambing na sabi niya na nagpangiti sa akin.
Hindi pa man ako nakakatulog ng malalim ay naramdaman ko ang pagvibrate ng phone
ko. Pasimple kong chineck ito sa pag-aakalang si Dad ang nagtext kundi iba.

From: Zion

Beastmode na ako.

Napangisi nalang ako sa sarili ko. Ayan, quits lang kami. Beastmode ako, beastmode
din siya.

***

"Misty..."

Ngumuso at bahagyang kumilos. Ginalaw ko pa ang paa ko at isinandal sa malambot na


bagay ng yakap ko. It feels comfortable!

"Aish. Misty, gising."

Kumamot ako sa ulo ko at tinakip ang yakap-yakap ko sa mukha ko. Istorbo!

"MISTY!"

"AY!" Sa pagkabigla ko ay napamulat ako. Babangon sana ako kaso muntik na akong
mahulog sa kung anumang hinihigaan ko. Sheesh, para akong nabuhusan ng malamig na
tubig sa pagkataranta. Bumungad pa sa akin ang iritableng mukha ni Zion. Teka,
nasaan si. . .

"Si Tyrone?" kusa nalang iyong lumabas sa bibig ko.

Nalukot ang mukha niya at hindi pinansin ang tanong ko dahil umalis na siya. Tignan
mo yung taong yun! Kinakausap pa e.

"Misty."

Nagulat ako sa boses na tumawag sa akin. Pagkaangat ko ng tingin ay sumalubong sa


akin ang nakangiting si Tyrone. Teka, ba't siya nasa taas ko? Diba nakasandal ako
sa kanya? Hala, ba't nakahiga na ako ngayon? And then, it hit me. Nakaunan pala ako
sa lap niya.

"Ay! Sorry, Tyrone." Bumangon agad ako at conscious na inayos ang nagulo kong
buhok. Oh, my gosh. Nakakahiya. Ba't nakaunan na ako sa lap niya?! Not totally sa
lap. May unan sa lap niya at dun ako nakahiga. Argh! This is embarrassing!
Ngumiti lang siya sa akin sabay iling. "Ayos lang. Nakatulog ka ba ng maayos?"

"Ah, oo. Ba't 'di mo ako ginising? Nakakahiya. Baka nangalay—"

Naputol ang sinasabi ko dahil may biglang kumatok sa bintana sa side ko. Si Zion
pala na sinesenyasan kami na lumabas na. Ugh.

"Labas na tayo. Nandito na tayo," sabi ni Tyrone at naunang lumabas na ng van.

Huminga ako ng pagkalalim-lalim. Gusto kong tumakbo palayo dahil kahiya-hiya yung
ginawa ko. Nakasandal pa ako kanina pero anong nangyari at nakahiga na ako sa
kandungan niya?

Napa-facepalm ako saglit at kinuskos ang mukha ko sa kahihiyan nang tawagin ako ni
Tyrone.

"Misty, tara na."

Lumabas na ako ng van nang walang dala ni isang gamit. Wala na kasi sa seats yung
gamit. Siguro ay nailabas na rin. Si Tyrone naman ay sukbit sukbit na guitar bag sa
likod niya. Napangiti tuloy ako.

"May dala ka palang gitara," sabi ko.

Tumango siya sa akin. "Oo, jamming lang."

Lumakas ang simoy ng hangin kaya hinawi ko ang buhok kong tumatakip sa aking mukha.
Tumingin ako sa harap namin at dun ko lang napansin na isang bakuran ang pinasok
namin. May tatlong bahay na gawa sa kawayan ang nasa kanan at bukod dun ay may
duyan pa na nakasabit sa kaharap nitong puno. Puting buhangin ang tinatapakan namin
at kulay asul na dagat ang bumungad sa akin mula sa kinatatayuan ko. This is what
you called vacation!

"Kyaaah! Ang sarap!" sigaw ni Eunice na tumatakbo sa dalampasigan.

Humakbang na rin kami papasok at dumiretso dun sa bahay na gawa sa kawayan. Not
bad. . . simple man ang bahay pero mukhang kumportable naman. Ang importante ay
maganda yung beach!

Lumapit sa amin si Butler na bitbit ang gamit namin mula sa van. "Ma'am Misty, ito
pala yung nabili kong lupa 3 years ago. Dito ako nagbabakasyon paminsan-minsan."

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa kagandahan


nito. "Ang ganda po, Butler."

"Salamat. Okay lang ba kung dito kayo mamamalagi? Kung hindi, pwede kayong mag-
check in sa hotel na malapit dito."

"Butler, okay na po dito. Kung sa hotel tayo ay hindi natin masosolo ang beach,"
sabi ni Tyrone at bumaling sa akin. "'Di ba, Misty?"'

"Oo. At saka, maganda naman po dito. Saan nga pala po ang kwarto ko?"

"Dalawa lang ang kwarto dito. Okay lang ba na magkasalo kayo ni Sir Zion, Sir
Tyrone?"

Tumango si Tyrone tapos inayos niya yung naksukbit na gitara sa likod niya. "Wala
pong problema. Saan po ba?"

Tumuro si Butler sa kaharap naming pinto. Bale tatlong bahay na kawayan iyon na
magkakadikit. Probably, yung first door ay yung kusina.

"Dito ang mga lalaki at dito sa kaliwa ang mga babae," magiliw na sagot ni Butler.

Tumango si Tyrone at sumenyas sa akin na papasok siya saglit sa kwarto. Hinayaan ko


siya't papasok na rin sana sa kwarto namin nang may tumawag sa akin.

"MISTY! Tara dito!" Si Sab.

Mukhang nagkakasiyahan na sila sa dalampasigan kaya tumakbo na ako palapit dun.


Palubog na ang araw nung mga oras na 'yon kaya nafocus dun ang mga mata ko. Imbes
na kina Sab ako lumapit ay humakbang ako papunta sa bangka na nandun sa pampang.
Nilabas ko ang phone ko't tinapat agad sa magandang sunset ang camera nito. Pang-
instagram lang.

Tap!

"Ang ganda, 'no?"

Halos mapatalon ako sa gulat sa boses na narinig ko. Hindi ko na kailangan lumingon
dahil alam ko na kung sino siya. "Nambibigla ka naman, Zion!" Umirap ako sa hangin.

"Alam mo, kanina ka pa nagtataray sa akin." Lumapit siya sa tabi ko habang


nakapamulsa ang isang kamay sa shorts niya. "Tapos kay Tyrone, ang sweet sweet mo.
Si Tyrone pa talaga ang un among hinanap pagkamulat ng mga mata mo. How sweet
naman." Puno ng sarcasm ang boses niya.
I'll get along then. "Syempre, sweet ako e!" sabay sulyap sa kanya na nakatingin
din sa palubog na araw.

"Oo nga. Ang sweet niyo, kasing sweet ng leche. . ." ngumisi siya at saglit na
tumigil. Nagsalubong tuloy ang kilay ko. ". . . flan."

Pinanlisikan ko siya ng mga mata. Napansin niya yun dahil bumaling na siya sa wakas
sa akin na may innocent look. Mas lalo tuloy akong nainis.

"Oh? Ba't ka ganyan makatingin?" he said, laughing a bit.

"E kasi—" hinampas ko siya sa braso. "Nang-iinis ka dyan. Pa-leche leche ka pa!"

"Leche flan yun!" Humagalpak siya ng tawa kaya mas lalo akong napikon. Tumikhim
siya nang umiwas ako ng tingin. Saglit kaming nanahimik kundi lang siya ulit
nagsalita.

"You're jealous," deklara niya na nagpalaglag ng panga ko. What the. . .

"Hindi—"

"I told you we're just friends," diin niya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Siya
naman ay seryoso lang na nakangiti sa akin. Gusto kong sumabog sa kapreskuhan niya.

"Hindi ako nagseselos, 'no! What made you think about that?"

"Basta. I can sense that you are jealous of me and Reishel," his voice was sure.
Nag-init ang buong mukha ko. "Don't worry, quits lang tayo. Nagseselos ka sa amin
ni Reishel, nagseselos din ako sa inyo ni Tyrone."

Napaawang ang bibig ko. Gusto kong magsalita pero walang lumabas sa bibig ko.
Napapaypay tuloy ako sa sarili ko gamit ang palad ko. Kahit malakas ang hangin ay
nag-iinit ang buong mukha ko.

"A...ang kapal mo naman! Ha!" Argh! Yun lang ang nasabi ko. Defend yourself, Misty!

"Basta nagseselos ka," ngisi niya.

"Hindi nga sabi ako nagseselos!"

"Selosa," asar niya.

Humakbang ako paatras at tinignan siya ng matalim. "'Wag kang feeling, Zion. Hindi
tayo kaya hindi dapat tayo nagkakaselosan."

"Hindi pa. . . sa ngayon. Sooner or later, magiging tayo rin. Pinapatagal mo lang."

Napalunok ako. Nakakastress ang mga pinagsasabi niya, guys. OMG. Check ko lang ha,
yung hangin ba ay galing pa rin ba sa dagat o baka naman galing na sa lalaking
preksong nakatayo sa harapan ko.

"Alam mo kung anong tawag dyan, Zion?" Umiling ako at matalim siyang tinignan. ". .
. Panaginip. Bahala ka nga dyan."

Pumihit na ako at akmang maglalakad na pabalik sa bahay nang marinig ko ulit siyang
nagsalita.

"Kung panaginip man 'to, aba, ayoko nang gumising. Sweet dreams e," he said
laughing out loud.

Nilingon ko siya for the final wave. "Sweet dreams mong mukha mo! Tse!" At tuluyan
nang tumakbo paalis. Eeeh! Naiinis ako pero bakit parang. . . kinikilig ako?

"Nakita namin 'yon!" Nagulat ako nang salubungin ako ni Sab kasama si Eunice.

Lumingon ako kay Zion na ngayon ay nakaharap sa sunset at muli akong bumaling kina
Sab. "Ang alin ang nakita? Yung kay Zion? Pinipikon lang ako nu'n."

"Hindi," sagot ni Eunice na may mapang-asar na ngiti. "I mean, yung smile mo habang
tumatakbo ka. Yiheee."

I was taken aback with what Eunice has said. Nakangiti ba ako? Hindi ako aware.
"Uy, hindi ah," deny ko.

Sinundot naman ni Sab ang tagiliran ko kaya umiwas ako. Argh naman oh! "Kwento ka
naman. Anong sabi ni Zion habang palubog ang araw?" bulong niya.

Sinabi niya lang naman na nagseselos ako sa kanila ni Reishel pati na rin siya sa
amin ni Tyrone. Hindi ko naman sinasadyang pagselosin siya. Wala namang malisya
yung treatment ko kay Tyrone. Teka. . . ba't parang feeling ko ay naguguilty ako?
STOP IT!

"Uyyy. Namumula!" asar pa ni Sab.

Napangiti tuloy ako. Ewan ko ba pero natutuwa ako kapag nagseselos si Zion. "Ano,
lamang siguro si Zion kaysa kay Tyrone, 'no?"
Natamaan ako sa sinabi ni Eunice. Naalala ko tuloy yung imaginary scoreboard ko
kina Zion at Tyrone. One point si Zion pero nadeduct agad dahil sa ginawang niyang
pang-iinis sa akin ngayong araw.

"Hindi 'no. Wala pa silang puntos," I said defensively. Nagkatinginan ang dalawa
tapos nagtilian na parang baliw.

"Ang haba talaga ng hair mo! Maputulan nga habang natutulog ka mamaya," biro ni Sab
na nagpatawa sa akin.

Ganun lang kaming tatlo hanggang sa tuluyan nang dumilim sa paligid. We talked
about girly things under the tree. Ini-enjoy namin ang simoy ng hangin na galling
sa dagat. Everything is refreshing until someone barged into our talk.

"Hi!"

Sabay-sabay kaming lumingon. Si Reishel, palapit sa amin. Tumikhim si Eunice, si


Sab naman ay napilitang ngumiti.

"Ang ganda dito, 'no?" sabi niya. Mabilis akong tumango pero napakunot noo ako nang
sumenyas sa akin si Eunice.

"Misty, aayusin ko pa pala ang mga gamit ko. Tara, Sab."

"Okay."

Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Reishel nang makaalis na sina Sab at


Eunice. Halata kasing ayaw din nina Sab at Eunice sa pagsama ni Reishel sa out of
town trip namin. Sa aming lahat, mukhang si Zion lang ang may gustong nandito siya.
I can't help but feel guilty. Nakakaawa tuloy siya.

Tumikhim nalang ako at humarap sa madilim na dagat. "Ang ganda nga dito,"
nakangiting sabi ko. "First time mo rin ba dito sa Quezon, Reishel?"

Pero hindi niya sinagot ang tanong ko. "I don't want to ruin your trip," sabi niya
dahilan para bumaling ako sa kanya. "Pasensya na kung sumama ako."

Lumunok ako. "Ayos lang." Okaaaaay, and that was plastic. Hindi yun ayos lang,
Misty!

"Salamat, Misty." Yumuko siya at kitang-kita ko ang lungkot sa mukha niya. "Hindi
ko dapat ito sayo sinasabi dahil alam kong nililigawan ka na ni Tyrone pero. . ."
Huminga siya ng malalim at hinawakan niya ang kamay ko, ". . . gusto ko lang namang
mapalapit ulit sa kanya."
Suminghap ako. Hindi ko na talaga siya maintindihan. Alam kong labas ako sa issue
nilang dalawa pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi magtaka. Kung gusto niya ulit
mapalapit kay Tyrone, bakit niya ito pinagtabuyan sa simula palang?

"Reishel—" tawag ko pero naputol iyon nang may tumawag sa pangalan ko mula sa
likod.

"Misty." Lumingon ako at mabilis na napabitaw sa akin si Reishel nang makita si


Tyrone. "Kakain na raw."

I was silent over the dinner. Para akong spy na nag-oobserba kung ilang sulyap ang
nagawa ni Reishel kay Tyrone habang kumakain ito. Kahit masarap ang ulam na niluto
ni Butler ay hindi ako nakakain ng mabuti. Pagkatapos ng lahat na kumain ay
dumiretso agad ako sa labas para magpahangin.

Habang naglalakad-lakad ay napapaisip ako. Kung kanina ay concern lang ako kay
Tyrone, ngayon naman ay naging concern na rin ako kay Reishel. Tama nga siguro ang
sabi sa akin noon ni Zion. Hindi ko alam ang puno't dulo ng relasyon nila. Hindi ko
dapat i-judge si Reishel pero ano 'tong ginawa kongpinag-initan agad siya dahil
nasa side ako ni Tyrone. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit malapit si Zion kay
Reishel. He heard her side already and I heard Tyrone's too.

"Misty, ba't nag-iisa ka rito?" nabigla ako sa boses ni Tyrone sa likod ko.
Tinabihan niya ako't sabay na naupo sa troso.

"Nagpapahingin lang."

"Hinahanap ka ni Zion du'n."

Saglit na katahimikan. Napayakap ako sa katawan ko dahil habang tumatagal ay


lumalakas ang hagod ng hangin sa balat namin. Kumilos si Tyrone at hinubad ang suot
niyang jacket para iabot sa akin. Tinignan ko lang iyon at umiling. "No, thanks."

"Sige na," pagpupumilit niya. In the end, I let him wrap the jacket around my
shoulders. "Sisipunin ka dito, Misty. Ayaw mo pa bang pumasok?"

Umiling ako at tinignan ang mga paa ko. "Tyrone, may itatanong ako pero 'wag kang
magagalit."

"Hmm, ano yun?"

Kitang-kita ko yung curiousity sa mga mata niya sa pagtingin sa akin. "Ano ba


talagang dahilan kung ba't kayo naghiwalay ni Reishel?"

Umunat ang mga labi niya pero agad din itong kumurba sa itinanong ko. "'Di ba nga
nagsawa na siya sa akin? Naghanap siya ng iba. Ipinagpalit ako kahit kami pa,"
tapos tumawa siya. "Tapos na yun. Naka-move on na ako, Misty."

Tinitigan ko siya sa mga mata. Diretso ang tingin niya sa akin nang walang pag-
aalinlangan. "Talaga?" malambing na tanong ko at agad siyang tumango nang
nakangiti. "Kung talagang nakamove on ka na, anong nararamdaman mo ngayong
magkasama kayong dalawa sa isang barkada?"

"Wala..." mabilis niyang sagot. "Ano bang dapat kong maramdaman?"

"Hindi ko alam. Ikaw dapat ang sumagot n'yan."

Huminga siya ng malalim at mahinang natawa. "Wala naman kasi talaga. Bakit mo pala
natanong yan?" Humarap siya sa madilim na dagat at bumuntong-hininga. "Natatakot ka
ba dahil iniisip mo na ginagamit lang kitang panakip-butas?"

"Tyrone..." Naoffend ko ba siya sa tanong ko?

"Magiging panakip butas ka lang kung sana ay mahal ko pa rin siya pero
pinagtatakpan ko yun sa panliligaw ko sayo. Kaso hindi e. . . wala na talaga,
Misty. Na sayo na ang atensyon ko."

"Paano naman kung. . . kung gusto niyang makipagbalikan sayo? Na na-realize niyang
mahal ka pa rin niya? Anong gagawin mo?" Kinagat ko ang lower lip ko. I studied his
look but he still stayed smilling.

"Kung mangyayari man yun, wala siyang dapat gawin kundi tanggapin na iba na ang
gusto ko, Misty. 'Wag na niyang ipilit pa, wala na talaga kahit anong piga niya.
Ang maiooffer ko nalang siguro ay friendship."

Muli siyang bumaling sa akin nang nakangiti. His smile was so genuine. Hindi ko man
lang nakitang may bahid ng kalungkutan dun. "Dapat ang tinatanong mo ay kung bakit
ako nagkagusto sayo."

Napawi ang mabigat na atmosphere sa paligid dahil sa tanong niya. Nag-init ang
buong mukha ko sa kabila ng lamig ng hangin. "Fine. Bakit nga ba?"

Ngumuso siya at medyo umatras para tignan ako. "Hindi na dapat 'yan tinatanong. Una
palang kitang nakita, nakuha mo na ang atensyon ko. Mas lalo pa kitang nagustuhan
dahil sa paglapit ko sayo, nalaman kong mabuti kang tao."

Mas lalong nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Nakakaflatter naman. Una palang
ay nakuha ko na ang atensyon niya? Geez. Kung ganun ay parehas pala kami. Kung alam
mo lang, Tyrone. . .

"Anong tingin mo naman sa akin?" tanong niya.


Ibubuka ko na sana ang bibig ko para sumagot nang masilaw ako sa ilaw na nasa
harapan namin. Napatakip tuloy ako sa aking mga mata.

"Sa tingin ko, late na para magsolo pa kayo dito." Sino pa ba kundi si Zion.
Nakatapat pa ang flashlight sa mukha namin.

"Hindi pa naman masyadong late—"

"Isusumbong kita kay Tito Lucas, sige ka."

"Oo na!"

"Dapat kabitan ka ng CCTV sa katawan e."

Wala nga si Dad. Nandito naman si feeling Daddy. Hayyy... pero at least,
nagkaliwanagan na din kami ni Tyrone.

A/N: Babawi ako sa next updates.

=================

41. 1-1

Yhel's note: Hindi lahat nasa side ni Zion. Mayroon din nasa side ni Tyrone. So,
please do respect Tyrone's character. If it weren't for him, hindi magiging ganun
ka-interesting ang kwentong ito. Don't tell me to remove Tyrone's character or
lessen his exposure here dahil in the first place, isa siya sa main characters
nito. At isa pa, ayoko nang dinidiktahan ako sa dapat na gawin ko sa book na 'to.
Don't tell me to update dahil iuupdate ko ito dahil ako ang author. No need to
remind me, people. Leave it all to me. Just enjoy reading and wait patiently.
That's all I am asking. Yun lang, salamat. :)

Anyway, happy 1M reads W:BMF! :D Salamat sa mga nagtitiyagang mag-abang ng updates.


#WarningBawalMafall or #WBMF on twitter.

Chapter 41

"Nasaan si Reishel?"

Napatingin ako kay Eunice nang tinanong niya yun habang nag-aayos ako ng tutulugan
namin. Walang kama, just a mattress na halos sakop ang buong kwarto. Maliit lang
naman kasi ang kwarto, parang ginawa lang na tulugan. May bintana sa kaliwa ko at
may ceiling fan sa itaas namin.

Si Sab na ang sumagot sa tanong ni Eunice. "Wala. Nasa labas yata, kasama ni Zion."

Pinigilan ko ang sarili na hindi mapaismid. Mabuti na rin yung sinasamahan ni Zion
si Reishel kasi nafifeel na niyang hindi siya welcome sa trip na ito. Na-realize
kong masyado pala akong naging mean sa kanya.

Pinalo ako ng mahina ni Eunice sa braso gamit ang unan na hawak niya. "Hindi ka ba
nagseselos kay Reishel? Panay lang sila ang magkasama ni Zion."

Tumango naman si Sab. "Oo nga, Misty. Lagi nalang silang magkasama. Kanina nga,
silang dalawa pa ang naghugas ng pinagkainan natin."

Tinuon ko nalang yung attention ko sa pag-aayos ng cover sa mattress namin. "Hindi,


'no. Ba't naman ako magseselos? Siguro inis pwede pa pero selos? Hindi."

Eunice let out an exasperated sigh kaya tinignan ko siya. Nakasandal na siya sa
dingding habang pumipindot sa phone niya. "Ako rin, naiinis sa kanya. Tapos na siya
kay Tyrone pati dun sa VP ng SC. Don't tell me ang isusunod niya ay si Zion?"

Suminghap ako habang nakatingin kay Eunice. She doesn't know anything. Hindi
pwedeng magkagusto siya kay Zion dahil base palang sa sinabi niya sa akin kanina ay
gusto niyang mapalapit ulit kay Tyrone. That only means one thing. . . Reishel is
still into Tyrone.

"Hindi naman siguro," depensa ko at sumandal na rin sa dingding. Nakatuon sa akin


ang atensyon nilang dalawa. "Close lang talaga silang dalawa ni Zion dahil sa dance
troupe."
"Hindi naman siguro imposible yung sinasabi ni Eunice, Misty." Inilingan ko lang ng
ulo ang sinabi ni Sab.

"Sa tingin ko, hindi pa tapos si Reishel kay Tyrone." Bumaling ako sa kanilang
dalawa na mangyari namang nakatingin din sa akin. Hindi naman siguro masama kung
sasabihin ko sa kanila ang sinabi sa akin ni Reishel kanina, 'di ba?

"Paano mo naman nasabi yan?" pagtataka ni Eunice.

I beamed a little. "Sinabi sa akin ni Reishel na gusto niyang mapalapit ulit kay
Tyrone."

Sabay silang suminghap ni Sab. Natawa tuloy ako. Nakakabigla ba yung sinabi ko?

"Seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong ni Eunice. Her brows creased in annoyance.


"Eh shunga pala siya e'! Ba't niya hiniwalayan si Tyrone kung may gusto pa rin pala
siya dun?"

Mabilis akong kumilos para takpan ang bibig niya. "'Wag ka ngang maingay. Baka
marinig ka n'ya e! Secret lang natin 'to," bulong ko sabay alis ng palad ko sa
bibig niya. Masyado kasing napalakas yung sinabi niya.

Nagpanic din siguro si Sab kaya tumayo siya para silipin sa labas si Reishel. "Nasa
kabilang labas siya. Dun sa may upuan. Nakikipag-usap kay Zion. Sige, pagpatuloy mo
lang." Bumalik ulit sa pagkakaupo si Sab sa mattress.

"Nakakainis naman kasi talaga. Hindi niya alam kung paano nasaktan si Tyrone nung
pinagtabuyan siya nung bruhang 'yon. Kaibigan ko si Tyrone kaya alam ko 'yon,"
mahinang paliwanag niya. Bakas pa rin ang inis sa boses niya.

"Malay naman natin, baka may ibang dahilan si Reishel, Eunice." Sabi ni Sab

Umiling-iling si Eunice. "Hindi e. Kilala ko rin si Reishel. Selosa 'yan e.


Inggitera pa. Gusto niya, nasa kanya ang atensyon ng lahat. Gusto niya, siya ang
nagugustuhan." Tumawa siya ng sarkastiko habang nakatingin sa akin. "Natamaan lang
yung ego niya kasi hindi na siya yung dating apple of the eye ni Tyrone kundi ikaw
na."

Natahimik ako sa sinabi niya. I don't know anything about Reishel that much. We're
not even friends. Siguro may mutual friend kami pero hindi yun sapat para i-
consider siyang kaibigan ko na. Pero base sa sinabi ni Eunice, naalala ko tuloy
yung sinabi sa akin ni Reishel last time nang magkasabay kami sa powder room.

"Hindi ko alam kung bakit ka niya nagustuhan ng ganun kabilis..."


Sa totoo lang, naoffend ako nun. Hindi ba ako kagusto-gusto para magustuhan ni
Tyrone? Hindi ba imposible 'yon?

Naramdaman ko ang pagtapik ni Eunice sa braso ko kaya bumaling ako sa kanya. "Don't
believe her schemes. 'Wag ka na ring magtaka kung pati si Zion ay haharutin niya.
Inggit yun sayo, Misty. I've known her for years."

Bumuntong-hininga ako. Yung imbes na gusto kong maging kumportableng kasama siya ay
mas lalong napabigat ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi ko na tuloy alam kung sino
ang gusto kong paniwalaan.

I smiled to ease the heavy atmosphere among us. "Ayaw na rin naman makipagbalikan
ni Tyrone sa kanya gaya ng sabi niya sa akin kanina pero. . ." I stopped and smiled
to convince them. "Should we at least get along with her habang nandito tayo? Kaya
si Zion ang lagi niyang kasama dahil siya lang ang nalalapitan niya."

Nagkatinginan silang dalawa bago bumaling sa akin. Hindi ko tuloy mabasa ang
ekspresyon nila sa mukha.

"Please?" dagdag ko pa.

Tumango sila sa akin. And I felt relieved. Mamaya lang ay may kumatok sa pinto at
kasabay nito ay ang pagbukas nito. Si Reishel ang pumasok. Paang nahihiya pa dahil
hindi siya makatingin sa amin.

"Matutulog ka na?" tanong ni Sab sa kanya.

Para siyang nagulat dahil kinausap siya ni Sab pero agad ding ngumiti. "Oo, saan
ang pwesto ko?"

"Dun si Misty sa gilid. Dito ka nalang sa gitna namin," sabay tapik ni Eunice sa
gitnang parte namin ng mattress. Nagkatinginan kami saglit at nagngitian. Sapat na
yun para masabi ko sa kanya na-appreciate ko ang pagsunod nila sa pabor ko. Gaya
nga ng sabi ni Reishel sa akin kanina; I don't want to ruin your vacation.

Sabay kaming humiga sa manipis pero malambot na mattress. Si Reishel naman ay


nanatiling nakaupo.

"Goodnight, girls." Sinabi niya 'yon nang nakangiti.

We all turned to face her with a smile. "Goodnight din," we answered in


synchronized.

Pagkahiga niya ay tumalikod na rin ako sa direksyon niya. I was facing the bamboo
wall when I felt my phone vibrate under my pillow. Kinuha ko 'yon para i-check ang
message. Akala ko, si Daddy na.

From: Zion

Goodnight, future girlfriend. Tulog na.

. . . Yun pala yung feeling Daddy lang. Napangiti nalang tuloy ako. Future
girlfriend? Talagang lang ha.

***

"Psst. . . Misty!"

Nagising ako nang maramdaman kong may tumama sa braso ko na magaan na bagay. Unti-
unti kong minulat ang mga mata ko't bumaling sa nakaawang na bintana.

"Tara."

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita si Zion. Natatarantang tinakpan ko tuloy ang
katawan ko. What the! Wala akong bra kapag natutulog e. "Anong ginagawa mo d'yan?"
pabulong kong asik sa kanya. He just put his finger onto his lips to shush me.
Napatingin tuloy ako sa mga natutulog sa tabi ko.

"Tara, labas ka muna."

"Ayo— aish!" Bigla ba naman kasing umalis dun sa bintana. Nasara tuloy. Bumangon
ako nang nakabalot pa rin ng kumot sa katawan. Inangat ko nang bahagya ang bintana
para mabuksan. Nakita ko si Zion na inaalis yung monobloc chair sa labas. Iyon
marahil yung pinagpatungan niya para makasilip dun sa bintana.

"Good morning, Misty!" Malaki ang ngiti sa labi niya. Nakasuot siya ng puting v-
neck shirt at beach shorts. Parang ready to swim na yata ang isang 'to.

I glared at him. "Ang aga-aga, nang-iistorbo ka!" bulong ko ulit sa kanya. Baka
kasi magising sina Eunice e. Hindi pa nga yata totally umaangat ang araw. Sobrang
aga pa!

Natawa lang siya. "Mas cute ka pala kapag bagong gising."

Sinamaan ko lalo siya ng tingin pero ang totoo ay nagwawala na ang dragon,
elepante, dinosaurs, hippotamus at kung ano pang wild animals sa tyan ko.

Nilabas niya pa yung phone niya at mukhang pipiktyuran pa ako. WHAT THE! "Piktyuran
kita, Misty. Tapos itatag kita. . . Ang caption; Misty woke up like this." At ayan
na naman ang nakakaasar niyang tawa.

"Ewan ko sayo. Bahala ka dyan." Babalik na sana ako sa pagkakahiga nang pigilan
niya ako.

"Joke lang. Tara na, labas ka muna. Maganda ang view sa beach. Hihintayin kita dun
sa seashore," sabi niya bago binitbit ang monobloc chair paalis. Pinagmasdan ko
siya habang palayo. Ewan ko ba pero may pumasok na kalokohan sa isip ko.
Nagmamadali kong kinuha ang phone ko at tinutok sa kanya ang camera nito.

TAP!

Sinarado ko ang bintana at naupo sa mattress. Inupload ko kaagad sa Facebook ko ang


picture niya na may caption na. . .

'Beware: Akyat-bahay boy'

I giggled as I was about to put it inside my top's pocket pero napansin kong may
facebook unread message ako kaya binuksan ko iyon. Nabigla ako nang makitang si
Zion pala iyon. I quickly tapped it to open and was puzzled to see what his message
was.

Picture ko habang natutulog a few minutes ago with a caption; 'Good morning, future
girlfriend.'

AAAAAAH! Lagot ka sa 'kin, Zion! Ang pangit ko dito. Huhu.

Naghilamos agad ako at nagtoothbrush sa banyo. Hindi na ako nag-ayos ng buhok.


Basta I pulled my hair into a messy bun bago ako pumunta sa seashore. Naabutan ko
si Zion na nakaupo dun sa buhanginan kaya tumakbo ako palapit. Tahimik siyang
nakatingin sa palubog na araw.

"Nakakainis ka. Ano yung message mo sa facebook?" bungad ko sa kanya nang tabihan
ko siya. Sumulyap lang siya sa akin pero bumaling din agad sa sunrise.

"PM lang naman 'yon. 'Di ko naman tinag sayo," natatawang sabi niya.

Pinalo ko nga siya sa braso. "Tss. Mamboboso!"

He turned to face me, bewildered. "Hindi ah. Wala naman akong nakita sayo kundi
yung pagtulog mo."

"Kahit na—"
"Pati yung pagtulo ng laway mo."

Napasinghap ako. Tumakbo yata paakyat sa mukha ko ang lahat ng dugo ko sa katawan.
Hinampas ko siya sa braso pero mas lalong lumakas lang ang pagtawa niya.
"Nakakainis ka!"

"'Wag ka nang maingay. Tignan mo nalang yung sunrise," sabay turo niya sa pag-angat
ng araw.

Bumaling ako sa magandang view sa harapan ko. I could see the sun rising in
brilliant colors. The thin morning clouds pillowed through the sky and the deep
blue sea was peaceful. Kasabay pa nito ay ang mga ibon na lumilipad sa kalangitan.
It is what you called the beauty of horizon. It was breath-taking scenery. It's
like I couldn't bring myself to leave that spot.

"Ang ganda. . ." I couldn't help myself but to mumble.

He gave me a smile touch of genuinity. "Kaya nga kita tinawag e. Alam kong
magugustuhan mo 'to. Hmm, how was your sleep?"

"Ayos naman. Kung hindi mo sana ako ginising, baka mamaya pang alas-onse ang bangon
ko," I joked.

He snickered a bit. "Minsan lang naman 'to."

Naka-focus ang tingin ko sa magandang view ng dagat. Sayang lang at iniwan ko ang
phone ko para i-charge. Ang ganda sanang ipang-IG nito.

"Misty. . ." tawag ni Zion sa akin. His voice was sweet and soft. Pumwesto siya sa
likod ko at nabigla ako nang kalasin niya ang messy bun hair ko.

"Zion!" saway ko sa kanya pero naramdaman ko nalang na hinawakan niya ang buhok ko.
Sinilip ko ang ginagawa niya at mas lalo akong nabigla nang makitang tinitirintas
niya ang buhok ko sa likod. Napangiti tuloy ako. I just find him so cute.

Sige na nga. Binabalik ko na ang one point sa kanya. Zion 1, Tyrone 0.

"Misty?" tawag niyang muli nang matapos ang pagtirintas sa buhok ko.

"Hmm?"

Tumikhim siya. Hindi agad siya nagsalita kaya tinignan ko siya. "Uh. . . Kailan mo
ako sasagutin?"
This time, ako naman ang nagbawi ng tingin. Nayanig yata ang mundo ko sa tanong
niya. Wala man lang intro, at pasakalye. "Early in the morning, yan agad ang tanong
mo? Nagmamadali ka ba?"

Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko siyang ngumuso. Patagilid ko nga siyang


tinignan. Naiilang akong harapin ang mukha niya. Ugh. "Nagtatanong lang naman ako.
Uh. . . may pag-asa ba ako?"

Tinitigan ko na siya sa mga mata. Pag-asa? Sa totoo lang, naguguluhan ako sa


kanilang dalawa ni Tyrone. Inaamin ko, na-fall na ako kay Zion pero hindi ko rin
naman mapagkakaila na kagusto-gusto rin si Tyrone. I want to be sure whom to
choose. Hindi porque't gusto ko si Zion ay siya na ang pipiliin ko. I want to
choose wisely. . . Ayokong idaan sa kung sinumang nagpapakilig o nagpapa-impress sa
akin. Ang akin lang, ang pipiliin ko ay yung mararamdaman ko yung security.
Naninigurado lang ako. I'm in no hurry. Sa ngayon, ini-enjoy ko muna ang company
nila Tyrone at Zion.

I let out a deep sigh as I flashed a warm smile. "Nasa sayo naman yan, Zion e,"
sagot ko sa tanong niya.

"So, meron nga?" pangungulit niya. Hindi pa nakuntento, tumabi pa sa akin ng todo.

Tumayo na ako at nagpagpag ng sarili. "Secret!" sagot ko at humakbang na paatras.


"Tara na sa bahay!"

Ngumuso siya habang tumatayo. "Nagtatanong lang e. Misty!" sigaw niya pero tumakbo
na ako pabalik sa bahay. I am still testing his patience. Kung talagang gusto niya
ako, magtitiyaga siya sa panunuyo sa akin. Aba, dalagang Pilipina kaya ako! Hmp!

PAGBALIK ko sa bahay ay naabutan ko na nasa kusina sina Reishel at Tyrone kasama si


Butler. Nakaupo sina Butler at Reishel sa upuan habang nagkakape habang si Tyrone
naman ay nagluluto. Ang tahimik nila. Halatang nagkakailangan.

Huminga muna ako ng malalim bago ako masiglang pumasok sa kusina. "Good morning,
guys!"

Lumingon silang lahat sa akin kasabay nun ay ang pagsulpot ni Zion sa likod ko.
"Nandito na pala sila e. Saan ba kayo nanggaling?" tanong ni butler.

"Nagtaka ako, wala ka na sa tabi ko kanina, Misty." Si Reishel.

"Nanuod lang kami ng sunrise ni Zion." Lumapit ako kay Tyrone para tignan ang
ginagawa niya. Nagluluto siya ng fried rice. "Good morning, Tyrone."

Ngumiti siya sa akin. "Morning. Gusto mo ba ng cup noodle? Meron akong dala. Galing
sa Japan."
"Sure! Ako na muna dyan," prisinta ko. Inabot niya sa akin ang syanse bago umalis
para kunin yung cup noodle. Hahaluin ko sana yung fried rice pero inagaw sa akin ni
Zion yung syanse.

"Ako na."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Ako na. 'Wag ka nang umepal, Zion."

"Tutulong lang naman ako. Maupo ka na dun sa tabi ni Reishel." Hindi ako kumilos.
Nakatingin lang ako sa kanya ng masama. "Oh, dali na. Ako na dito."

"Ako na kasi!" Gusto ko pa namang magluto kahit taga-halo lang. Inagaw ko sa kanya
yung syanse at sinimulan nang haluin ang fried rice kaso. . .

"Hindi ganyan. Ganito o!" Nagulat ako nang humakbang sa likod ko si Zion at
hinawakan yung kamay kong may hawak sa syanse. Inalalayan niya akong maghalo habang
malapit ang katawan niya sa akin. Nanigas tuloy ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako
makakilos.

"Ganyan. Lambutan mo naman 'yang kamay mo." At ako'y nanghina. Ba't ang husky ng
boses niya sa tenga ko?

"Misty— uh. . ito na yung cup noodle."

Nabigla ako sa boses ni Tyrone kaya siniko kaagad si Zion at binitawan ang syanse.
Lumapit ako kay Tyrone at kinuha yung cup noodle. "Thanks!"

"Oh, tapos na 'to. Luto na," deklara ni Zion at isinalin na ang fried rice sa
lalagyanan.

Tahimik lang ako habang naghahain sila. Maging si Reishel ang ang phone niya ang
pinagkaabalahan niya. Nung tinanong ko siya kung tulog pa ba sina Sab at Eunice ay
simpleng pagtango lang ang sinagot niya sa akin. Wala yata siya sa mood ngayon.

"Kailangan ko ng kasama papunta sa mango plantation. Sinong gustong sumama?"


biglang sabi ni Butler nang maihain na ang lahat ng pagkain.

"Kami nalang po ni Misty, Butler." Tinaasan ko ng isang kilay si Zion. Anong ako?

"Ako rin po," sabat naman ni Tyrone. "Sasama ako."

Tumikhim si Reishel. "Baka pwede rin po akong sumama?"


Saglit na katahimikan. Sakto pang pumasok ng kusina sina Sab at Eunice. Sa wakas ay
gising na sila. "Good morning, guys. Ba't ang tahimik? Anong meron?" masiglang
bungad ni Eunice.

Pero walang sumagot sa tanong ni Eunice. "Dalawa lang ang kailangan kong sasama sa
akin sa plantation," sabi ni Butler. Naupo na rin sina Sab at Eunice sa tabi ko.

"Plantation? Ay, sama po kami dyan ni Sab!" sabi ni Eunice.

Uh oh. Lahat na kami sasama?

"'Di pwede. Kailangan may magbabantay nitong bahay. Meron ding pupunta sa palengke
para mamili ng lulutuin natin."

Nagtaas ako ng kamay na para bang magrerecite ako. "Sasama nalang po ako sa
palengke," prisinta ko dahil gusto kong makapamasyal dito sa Baler, Quezon. Now's
the chance!

Magsasalita sana si Zion pero pinutol agad ito ni Tyrone. "Sasama ako sa
pamamalengke. Tutulong din kasi po ako sa pagluluto e."

Err. . . Bumagsak ang balikat ni Zion. Malamang badtrip na yan.

"Sina Ma'am Reishel at Sir Zion nalang ang sasama sa akin sa plantation," anunsyo
ni Butler. Nagkatinginan kami ni Tyrone. Ngumiti siya sa akin na para bang
nagrereflect sa mata niya ang excitement.

"So, ibig sabihin, kami po ang maiiwan para magbantay ng bahay?" disappointed na
sabi ni Sab.

"Hayaan mo, Sab. Papasalubungan ka nalang namin ni Misty. 'Di ba, Misty?" Si
Tyrone.

I smiled back at him. "Oo naman."

"Bilisan niyo lang. Baka gumala pa kayo dun," singit ni Zion.

"Oo naman—"

"Mamalengke ah." Tumikhim pa si Zion. "Hindi date."

I looked at him pointedly. Bakas sa mukha niya ang pagkabadtrip. "Opo, Dad. Don't
worry, mabilis lang kami."
MABILIS lang sana kami kung hindi ko nakita na maraming pwedeng mapasyalan dito sa
Baler. Nag-tricycle lang kami papunta dito at bumungad agad sa akin ang Baler
Church.

"'Di ba historical 'to?" sabay turo ko dun sa maganda structure ng simbahan.

"Oo. Gusto mong picture-an kita?"

"Sige!"

Yung simple picture taking ay napunta sa pag-gala namin dun sa town. We learned
about its rich history. Nakita rin namin yung 'BALER' monument kaya nagpicture din
kami dun ni Tyrone. It was a monument na letters ng Baler ang nakadisplay.

Tyrone set his phone up in mid air at parehas kaming nagpose. Ang ganda ng kuha!

"Ang ganda pala talaga dito," manghang sabi ko.

Ngumiti rin siya sa akin bago niya tinanggal ang cap niya para isuot sa akin. "Tara
na? Bilhin na natin ang dapat na bilhin."

Pinigilan ko ang braso niya. "Nandito na rin naman tayo, might as well puntahan na
rin natin yung Bahay ni Aurora, yung museum at syempre ang souvenir shops."

"Pero Misty—"

Hinila ko na siya. Maaga pa naman e. Mabilis din naman ang byahe pabalik sa bahay.
"Let's go!"

Nung una, ayaw pumayag ni Tyrone na mamasyal pa kami pero dahil sa pangungulit ko
ay napapayag ko na rin siya. Nagpunta kami sa Bahay ni Aurora pati na rin sa
Museum. Namili na rin ako ng souvenirs para pampasalubong. Everything was worth it
despite the heat of the sun. Para ngang summer e.

"Nakakapagod din ah," sabi ni Tyrone nang mapagpasyahan na naming mamalengke sa


Baler Public Market. Nakakaamaze nga kasi walang listahan si Tyrone. Basta kung
anong makita niyang alam niyang gagamitin niya sa pagluluto ay binibili niya.

"Anong lulutuin natin, Tyrone?"

Medyo marami na kaming napamili. May bitbit lang ako ng plastic ng pinamili kong
souvenirs pero siya na yung nagbitbit ng pinamalengke namin. Oo na, naignorante ako
sa palengke. Kahit kasi sa Maynila ay never pa akong napadpad sa public market.
"Adobo, menudo, pancit, basta halo-halo. Namili na rin ako ng pang-ihaw natin. May
gusto ka bang ipaluto?"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. His height was towering me. "Ba't 'di ka nalang
nag-HRM?"

Natawa lang siya sa sinabi ko at pagkatapos ay hinigit na ako palabas ng palengke.


Pumara siya ng tricycle at pinauna niya akong sumakay bago siya.

Tahimik lang kaming dalawa sa byahe hanggang sa makarating kami sa bahay. Pagkaalis
ng tricycle ay tinanguan ko na siya para pumasok pero. . .

"Misty." Tinawag niya ako.

"Hmm?"

Humakbang siya palapit sa akin at pagkatapos ay inilapag saglit sa buhangin mga


plastic na pinamili namin. "'Di ba sabi ko sayo, kapag maganda ang grade mo sa Math
ay may ireregalo ako sayo?"

Ngumuso ako. Naalala ko nga iyon. Naexcite tuloy ako bigla. "Hmm." Ano kaya iyon?

"Ito yung isa sa ireregalo ko sa'yo."

Ngumiti siya bago may kung anong kinuha mula sa bulsa niya. Pagkaabot niya sa akin
nun ay nauna na siyang naglakad. Iniwan niya akong nakatitig dun sa nakatuping
papel na binigay sa akin. Dahan-dahan kong binuklat ito at nag-init ang puso ko
nang makitang isa itong anime sketch ng isang babaeng nakaupo sa sahig habang
nagbabasa. Nakakatuwa kasi parehas ng uniform ng E.H.U yung suot ng babae sa
sketch. And then I flipped its back. Nakita kong may nakasulat du'n. Unlike sa
usual na sulat na nakikita ko sa kanya ay napakaganda ng handwritten letter nito.
Pantay-pantay at malinis.

'Hi, Misty. Actually, ikaw 'to. Ikaw 'to nung una kitang makitang nakaupo sa sahig
habang nagbabasa ng manga na Tonari no Kaibutsu-kun. Iginuhit kita no'n pero 'di ko
kaagad natapos. Sana magustuhan mo. Kirei dayo. Daisuki dayo, Misty. - Tyrone'

Nag-init ang buong mukha ko sa nabasa ko. I was mistified. Napakagat nalang ako
salabi para pigilan ang pagngiti ko.

Zion, 1. Tyrone, 1.
=================

42. Oo

Chapter 42

'You're beautiful. I really like you a lot.'

Sa sobrang kahiligan ko sa panunuod ng anime ay naintindihan ko yung Japanese words


na isinulat ni Tyrone along with his sketch. Oo na, parang hinaplos ang puso ko sa
binigay niya sa akin. First time ko kasing makatanggap ng anime sketch lalo na't
sarili ko pa ang ginuhit niya. For an otaku like me, I really appreciate this kind
of gift.

I took few deep breaths to fix my composure bago ako pumasok sa loob ng bahay.
Nabungaran ko kaagad sina Tyrone na tinutulungan nina Sab at Eunice sa pag-aayos ng
pinamili namin. Napansin ko na tahimik ang buong bahay. Wala pa yata sina Butler,
Zion at Reishel.

"Wala pa rin sila?" Pumwesto ako sa tabi ni Sab. Nakita kong sumulyap sa akin si
Tyrone pero agad ding nagbawi ng tingin. Aww, ang cute niya tuloy. Parang nahiya
yata siya pagkatapos niyang ibigay sa akin yung sketch along with the letter.

"Wala pa. Ang tagal nga e. May pasalubong kang nabili?" tanong ni Eunice.

Inabot ko kaagad sa kanya yung plastic ng mga pinamili kong souvenirs at ilan pang
delicacies na nabili ko sa town.

"Wow, yema cake!" ani Sab nang makita yung maliit na box.

"Paborito ko 'to," komento naman ni Eunice. "Thanks!"


Ngumiti lang ako at bumaling ulit kay Tyrone. Nakita ko siyang dumiretso sa fridge
kaya sinundan ko siya du'n. Tinabihan ko siya at naramdaman kong nabato siya nang
mapansin ang presence ko. His eyes lingered mine and so I smiled sweetly at him.

"Arigatou gozaimasu. Nagustuhan ko. Ang ganda," pabulong na sabi ko. Nakita kong
bahagyang pumula ang pisngi niya. Napangiti tuloy ako lalo.

"Anata no Egao ga suki."

My lips parted. Una dahil ang cute ng pagkakasambit niya ng Japanese at pangalawa,
hindi ko na magets yung sinabi niya. "Ano 'yon? Basic lang ang alam ko," tapos
awkward na tumawa ako.

"Sabi ko, I like your smile." Napa-'oh' ako. Yun pala yung ibig sabihin nu'n. I
feel so flattered tuloy. He bit his lower lip to supress his smile. "Gusto ko yung
ngiti mo lalo na't ako yung dahilan," dagdag niya pa.

Sheez. Wala akong masabi. Nakaka-speechless. Nakaka-mindblown. Nakaka...AAAAAAH!


Okay. Hinga, Misty.

Naputol ang nakakabinging katahimikan nang marinig kong tumikhim sina Sab at
Eunice. Sabay tuloy kaming napatingin ni Tyrone sa kanila. May nakaukit na
makahulugang ngiti sa labi nila habang tumitikhim.

"Ehem!. . . Gutom na— ehem! kami." Si Eunice.

"Ehem! Magwalis ka nga, Eunice. Nakakalat ang langgam sa paligid," hirit naman ni
Sab.

This time, nagkatingin naman kaming dalawa ni Tyrone nang may ngiti sa labi. Tinuro
ko ang kalan sabay sabing, "Magluto na tayo?"

He grimaced like a kid. "Sige."

DALAWANG oras na ang nakalipas nang makarating kami galing sa market pero hindi pa
rin bumabalik ang team plantation. I mean, sina Butler, Zion at Reishel. Now, I'm
starting to get worried about them. Ba't 'di pa sila nakakabalik hanggang ngayon?

"Kumain na kaya tayo?" suggest ni Tyrone. Bumaling kaming lahat sa kanya. Actually,
kanina pa kami natatakam sa nakahaing chicken adobo na niluto niya. Hindi palang
kami makakain kasi hinihintay namin sina Zion. "Mukha kasing gutom na kayo," dagdag
niya.

"Oo nga, Misty. Kanina pa ako nagugutom. 'Wag na natin silang hintayin."
Sinunod namin yung sinabi ni Tyrone. Masarap yung Adobo kaso ewan ko ba pero wala
akong gana. Inaalala ko kasi sina Zion. Ano na kayang nangyari sa kanila? Kanina pa
sila nakaalis ah. May apat na oras na rin ang nakalipas. Gaano ba kalayo yun at
natagalan nalang sila du'n?

Tuluyan na akong nawalan ng gana kaya tumayo na ako. Umangat tuloy ang tingin nila
sa akin. "Tapos ka na?" tanong ni Tyrone.

"Oo, busog na ako."

Dumiretso ako sa labas at sinilip ang bakuran. Ilang minuto rin akong nakatayo du'n
pero hanggang ngayon ay 'di pa rin sila dumadating. Nafufrustratate na tuloy ako.
Ano ba kasing ginagawa ng mga 'yon? Dapat pala sumama nalang ako sa kanila.

Sinubukan kong tawagan si Zion pero hindi niya sinasagot. Nakadagdag tuloy yun sa
frustration ko. "Argh!" Pabagsak akong naupo sa sala at nakakunot noong natulala sa
naka-off na TV.

"Ayos ka lang, Misty?" nag-aalalang tanong ni Sab na tumutulong sa paglinis ng


lamesa.

Sumimangot ako. "Bakit wala pa sila? Kanina pa sila umalis diba?"

"Hindi ko alam," nagkibit-balikat siya. "Hayaan mo na sila. Kasama naman nila si


Butler 'di ba?"

'Kahit na!' I wanted to shout that pero mas pinili kong mag-cross arms nalang.
Hindi ko nga rin alam kung ba't ako nafufrustrate ng ganito. Baka kasi kung ano ng
nangyari sa kanila e. Just imagine, they've been away for almost 4 hours already.
Saang bundok ba nagpunta ang mga 'yon?

Lumapit si Eunice sa bintana at dumungaw du'n. "Ayan na pala sila o," sabi niya
kaya natataranta akong tumayo pero agad ding naupo. Hindi pwedeng ipahalata na nag-
aalala ako. Baka kung anong isipin pa ni Zion, at magpakapresko na naman siya.

Nakita kong ngumisi si Eunice nang mapansin niya yung ginawa kong 'yon. Ngumuso
lang ako at kunwaring nagtetext sa phone ko habang hinihintay ang pagpasok nila
Butler.

Unang pumasok si Butler na may dalang sako which I supposed ay mangga ang laman.
Padaskol niya 'yong inilapag sa sahig kasabay ng pagpasok ni Reishel. "Gamutin mo
na si Sir Zion," sabi nito na agad nagpakunot ng noo ko. Anong gamot? Anong
nangyari? Bakit may gagamutin?

Naputol ang pagpapanic ko sa loob-loob ko nang pumasok na si Zion. Hawak-hawak niya


yung right hand niya. Napatayo ako nang makitang nagdudugo iyon.

"Anong nangyari? Bakit ka may sugat? Napaano 'yan?" sunod-sunod na tanong ko nang
nilapitan ko siya.

Tinignan ko si Reishel pero nag-iwas siya ng tingin. Mas lalo tuloy kumunot ang noo
ko dahil hindi sila sumasagot. "Butler, anong nangyari?"

Inalis niya muna ang suot niyang cap bago nagpalipat-lipat ng tingin kina Reishel
at Zion. "Yan kasing dalawa. Naghaharutan dun sa bundok. Nahulog tuloy—"

"Aish! Ang harot mo kasi!" Hindi ko na pinatapos si Butler at agad na hinila ang
laylayan ng shirt ni Zion papunta sa kwarto naming girls. "Ako na ang gagamot
n'yan."

"Misty, ako na."

My eyes taunted at Reishel. "Ako na," sabi ko ng may diin. Yumuko lang siya at
hinila na si Zion papunta sa kwarto.

Natataranta kong hinanap yung dala kong first aid kit sa bag ko. Buti nalang dala-
dala ko yun ngayon. In case of emergency kasi ay kakailangan ko 'yon. May mga
nangyari kasing hindi inaasahan kagaya nalang ng kaharutan ng lalaking ito.

"Misty, hindi naman masakit."

Halos magkasalubong na ang kilay ko nang nilingon ko siya. "Shut up!" Nagulat siya
sa bulalas ko pero hindi pa rin nakaligtas sa akin ang aroganteng pagngisi niya.
Inirapan ko siya at bumalik na sa paghahanap. Mabuti nalang ay nakita ko na rin
agad.

"Akin na!" Naupo ako sa tabi niya sa mattress. Tinignan ko siya ng masama nang
hindi siya kumilos. "Akin na yung parteng may sugat."

He guffawed foolishly. "Malayo naman 'to sa bituka. Hindi naman masakit."

"I don't care. Basta akin na yung sugat!" Naiirita na talaga ako.

Lumawak ang ngisi niya nang i-extend niya sa akin ang right hand niya. May maliit
na cut pala siya dun sa may thumb niya. May nakabalot pang maliit na tela dun kaya
agad ko yung tinanggal. "Ang harot-harot kasi e!" Sinimulan ko na ang pag-gagamot.

"Nahugasan ko naman na— aray! Dahan-dahanin mo naman," tapos tumawa siya.


"'Wag kang pa-cool ka dyan. Alam kong nasasaktan ka pero hindi ka lang dumadaing.
Hindi naman yan magiging kabawasan sa pagkalalaki mo kuno." Inikutan ko siya ng mga
mata habang dinadampian ng gamot ang sugat niya.

He sniggered. "Hindi naman kasi talaga masakit. Gasino lang 'yan."

Pagkatapos nu'n ay wala nang umimik sa aming dalawa. Naka-focus lang ako sa
paggagamot sa sugat niya at siya naman ay naka-focus sa. . . akin. Argh, tagus-
tagusan naman kasi kung tumitig.

Pinanlisikan ko siya ng mga mata. ""Wag ka ngang tumingin!" asik ko.

He just eyed me with that not-so-innocent smile of his. "So, pipikit ako? Katulad
nito?" tapos pumikit nga siya habang nakatingala.

Napailing nalang ako ng ulo at pinagpatuloy nalang ulit ang pagdampi ko ng gamot sa
sugat niya nang bigla siyang. . .

"Aaahh."

Suminghap ako. Pakiramdam ko pa ay namula ang buong mukha ko sa pag-ungol niya. Oh,
my gosh. Ba't parang ang hot— este— ang laswa naman ng pagdaing niya!

Nabigla ako nang magmulat siya ng mga mata at tumingin sa akin. "Oh, why did you
stop?"

Sa inis ko ay binato ko sa mukha niya yung bulak. Nagulat siya pero natawa rin.
"Why did you stop mong mukha mo! Naku, Zion ah. 'Di na ako natutuwa sa'yo. Naging
lalaki ka lang, naging ganyan ka na."

"Anong naging ganyan?" He seemed to be confused of what I've said.

Bumuga ako ng bahagya at saka siya itinuro. "Yan... Kung dati, mapang-asar ka, pwes
ngayon naging triple na. Dati, nagmamaganda ka, ngayon naman, feeling pogi na."
Ngumisi siya sa sinabi kong 'yon kaya inirapan ko siya. "At saka, naging presko ka
pa. Para ngang naging manyak ka pa!"

Ipinatong niya ang isang kamay sa mattress sa bandang likod niya at saka siya
ngumuso sa akin. "Ano naman? Kung dati ay mapang-asar ako pero trumiple lang
ngayon. It's not a bad thing. Hindi ako si France Zion Madrigal kung hindi kita
inaasar. Ikaw lang naman ang inaasar ko e simula't sapul palang."

Tinikom ko ang mga labi ko para pigilan ang pag-outburst ko. Okay, may point siya
du'n. He always loves to tease me. That's the way he is eversince.
"Kung dati ay nagmamaganda ako, ngayon naman ay feeling pogi na." Umiling siya at
bahagyang natawa. "Aba, straight na ako, Misty. What can you expect from me?"

Oo nga naman. Eeeh! Kahit na. Feeling pogi pa rin siya kahit na. . . pogi naman
talaga siya. Ehem.

"Presko? Ganito lang naman ako kasi kumportable ako sayo. Pero yung manyak? Yan ang
hindi ko matatanggap." Umiling siya, mukhang naoffend yata sa sinabi ko.

Bumuntong-hininga ako. Bumigat bigla ang pakiramdam ko knowing that I offend him
unintentionally. Kumuha ulit ako ng panibagong bulak at inabot muli ang kamay niya
para gamutin.

"Sorry. . ." mahinang sambit ko.

Huminga siya ng malalim at hindi agad nakapagsalita. Kaya naman sinilip ko ang
mukha niya na nakatingin pala sa akin. "It's okay. Sana masanay ka na, Misty. Hindi
na ako yung dating bakla na lagi mong kasama. I'm Zion and I'm straight. Okay?"

I nodded and continued curing his wound quietly. Hindi ko alam kung bakit ang
bigat-bigat pa rin ng pakiramdam ko habang ginagamot ang sugat niya. Naiinis pa rin
ako sa kanya sa hindi ko malamang dahilan.

Maingat kong nilagyan ng band-aide ang sugat niya. "Masakit ba?" Gusto ko lang
basagin ang katahimikan dahil masyado nang nakakabingi. . . at nakakailang.

"Sabi ko naman sayo, Misty, hindi."

Maingat kong binalik sa lap niya ang kamay niya at saka ko siya tinignan. "Be
careful next time. At saka, 'wag ka nang. . . uh, maharot."

Ngumiti ang mga mata niya, or was it just me? "Kahit hindi mo sinasabi, alam kong
nagseselos ka."

I mentally rolled my eyes at him. Here we go again!

"Hindi, 'no. Ayan ka na naman e."

"Panay balik mo nung topic na naghaharutan kami ni Reishel kaya ako nasugatan e.
For the record, hindi kami naghaharutan. Sadyang tanga lang ako kaya nahulog ako
dun sa burol."

Umiwas ako ng tingin at inayos nalang yung first aid kit ko. "Pake ko naman 'di
ba?"
"At saka, kaya kami natagalan kasi nasiraan kami nung tricycle na inarkila namin.
Ang layo tuloy ng nilakad namin."

"So?" I asked in a straight face pero sa loob-loob ko ay napapangiti ako. Yun pala
ang nangyari. Unti-unti tuloy gumaan ang pakiramdam ko. Akala ko, forever silang
naghaharutan ni Reishel du'n. Don't get me wrong. napaparanoid lang ako sa sinabi
sa akin kagabi ni Eunice about sa babaeng 'yon. Hmp!

Natawa siya ng mahina. "Wala lang. I'm just explaining to clear all your doubts."

This time, napatingin na ako sa kanya. "Bakit? Girlfriend mo ba ako para i-explain
mo yan?"

"Hindi. Kaya nga sagutin mo na ako para maging girlfriend na kita at para mai-
report ko sayo ang mga ginagawa ko tuwing wala ako sa tabi mo," sabay kindat niya.
Suminghap ako.

"Wow, ha! Nagmamadali ka ba? Parang last week lang nang magsimula kang manligaw
ah."

He awkwardly scratched the back of his head. "Hindi ako nagmamadali. Binabakuran
lang kita. Lately, I've noticed that Tyrone's getting my way sa tuwing didiskarte
ako."

Tumaas ang isa kong kilay. "So, does it mean threaten ka sa kanya? Ganun ba?"

His eyes rounded na para bang nahuli siya sa sarili niyang bitag. "H-hindi ah!"
Tinitigan ko siya ng mabuti at agad naman siyang umiwas ng tingin. "Fine, fine. Oo
na. Threaten na kung threaten."

Wow, what a revelation. Si France Zion Madrigal na presko, threaten kay Tyrone John
Saavedra?

"Ano kasi. Hindi mo ako masisisi. Siya naman talaga yung gusto mo nung una palang
diba? Crush mo siya. Gaya nga ng sabi mo kahapon, nasa kanya na ang lahat. Mabait,
magaling sa Math, magaling magluto."

"God-centered pa tapos magaling magdrawing. Otaku pa gaya ko," dagdag ko kaya


sumimangot siya. Gusto ko tuloy matawa. Hindi ko akalain na insecure siya pagdating
kay Tyrone!

"See? Siya na ang magaling. Tss!" Hinawakan niya ang kamay niya na may sugat at
pinakatitigan iyon. "E ano lang naman ako? Isa lang naman akong dancer na dating
bakla na naging straight na ngayon ay gwapo na naghahabol sayo."
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. I was expecting na sasabihin niya yung flaws
niya pero hindi. Puro kapreskuhan na naman ang pinagsasasabi!

"Edi ikaw na ang gwapo!"

Ngumisi siya and I find that smirk so attractive. Inaamin ko yun. "Hakutin niya na
ang pagiging magaling sa lahat. Basta sa akin mapupunta ang kagwapuhan. . ." He
paused and pinched my cheek. "Pati syempre ang 'puso' mo."

Kung kumakain lang ako ay baka nabilaukan na ako. Hanep! Hindi uso sa kanya ang
timing. Laging nangbibigla e. "Alam mo, Zion, tapos na ang paggagamot ko sa sugat
mo. Labas na tayo."

"Teka," pigil niya sa pagtayo ko. "'Di ba may pag-asa ako sayo?"

"Ayan ka naman—"

"Misty, gusto ko lang naman malaman. Hindi mo ako masisisi na tanungin niya kasi
nanliligaw ako sayo. At kung nanliligaw ako sayo, ibig sabihin, gusto kitang maging
girlfriend. Kapag girlfriend na kita, akin ka na. Kapag akin ka na, pwede na tayong
magselos ng legal sa isa't-isa."

Natulala nalang ako sa kanya dahil sa pagkawindang. "Ano? Teka. Nakakaloka ka


naman!"

"Nagseselos nga kasi ako sa inyo ni Tyrone. Wala naman akong karapatan na
pagbawalan ka na lumapit sa kanya kasi hindi naman tayo. Nagseselos ka rin naman sa
amin ni Reishel kaya kahit na pwede mo akong pagbawalan ay hindi mo magawa kasi
wala tayong commitment sa isa't-isa— oomph!"

Tinaas ko ang kamay ko para patigilan siya sa pagsasalita niya. Parang na-brain
freeze yata ako sa conclusion niya. Jusme.

"For the record, hindi ako nagseselos kay Reishel," mahinahon kong sabi. Hindi.
Hindi. HINDI AKO NAGSESELOS!

"So, ano? Jealous lang?"

"Oo!" Lumaki ang ngisi niya sa isinagot ko. Teka, ano nga bang sinagot ko?

Oo...

Oo...
Oo...

AAAAAAAAAAAH! "H-HINDI!" bawi ko kaagad. Bakit ako umoo? Undo! UNDO! Delete!
FORMAT! BOOT! AAAAAAAAAAAH!

Tumayo ako at ganun din siya. Humakbang ako at lumapit din siya sa akin. "Naks,
nagseselos si Misty."

"Hindi ah!"

"Wala ng bawian. Okay lang yan. Sa lahat ng emosyon, selos ang pinakamahirap na
pigilan."

Sumimangot ako. Bagsak hanggang sahig ang nguso ko. Gusto kong sumigaw pero hindi
ko magawa. Oh, my gosh! Bakit ba kasi lumabas nalang bigla yun sa bibig ko?!

Lumapit siya sa akin at umatras ako. Gusto kong mag-disappear bigla nang sumayad
ang likod ko sa pader. Dead-end.

He smiled as he tapped my head. "May pag-asa ako diba?"

Kumagat ako sa labi ko. Hindi naman ako mamamatay kung aamin akong may pag-asa siya
diba kasi may pag-asa naman talaga siya! Sinusubukan ko lang kung hanggang saan ang
pagpapasensya niya sa akin.

Dahan-dahan kong tinango ang ulo ko. Feeling ko, anytime, sasabog na ang
naghuhuramentadong puso ko.

"Good," he smiled charmingly. "E si Tyrone? May pag-asa ba?"

Si Tyrone? Meron din naman. Kaya nga naguguluhan pa rin ako sa kanilang dalawa e.
Kinoconsider ko rin kasi siya. Ugh.

Dahan-dahan akong tumango kaya sumimangot siya.

"Bad," komento niya kaya lumunok ako. "Misty, hindi pwede yan. Dapat ako lang ang
may pag-asa!"

Huminga muna ako ng malalim para bumwelo. Hindi pwedeng wala akong sasabihin.
"Habang may buhay, may pag-asa. Parehas kayong buhay kaya parehas kayong may pag-
asa, Zion!"

Awkward silence. . .
Halos mapatalon ako nang may kumatok sa pintuan. Iritableng binuksan iyon ni Zion
at pumasok si. . . Reishel. This time, ako naman ang sumimangot.

"Excuse me lang ha? Kukunin ko lang yung panligo ko," sabi niya at may kung anong
kinuha sa bag niya. Hindi ko na alam kung ano yun dahil nadistract ako sa pagtitig
sa akin ni Zion.

"Zion, okay na yung sugat mo?" tanong ni Reishel. Gusto kong sagutin ang tanong
niya ng; 'Oo! Ako kasi ang gumamot. Now, shoo!' kaso syempre, 'di ko ginawa. Ayoko
nang dagdagan yung biglang pag-oo ko kanina kay Zion!

Suminghap si Zion bago hinarap si Reishel. "Oo, ayos na. Si Misty ang gumamot e."

Napaubo tuloy ako sa isinagot ni Zion sa kanya. Isinagot niya yung nasa utak ko.
Geez.

"Good. Sunod nalang kayo sa beach ha? Nandun na silang lahat. Nagsuswimming," sabi
ni Reishel nang nakangiti sa akin bago lumabas ng kwarto.

Naiwan tuloy ulit kaming dalawa ni Zion sa kwarto. Umiwas ako ng tingin nang
balingan niya ako ulit.

"Misty..." parang nagmamakaawa ang boses niya. "Ako lang ang may pag-asa 'di ba?"

"Ewan!" Kinuha ko ang towel ko na nakapatong sa mattress at akmang lalabas na nang


magsalita siyang muli.

"'Di pwedeng pati siya. Dapat ako lang, Misty. Paano ba kita mapapasagot?"

Tinapunan ko lang siya ng isang challenging look bago ko siya iniwan du'n. It's for
him to know and for me to find out!

DUMIRETSO ako sa beach pagkatapos nang nakakawindang na usapan namin ni Zion sa


kwarto. Medyo gumaan ang pakiramdam ko nang makitang nagsasaya na silang lahat sa
pagtatampisaw sa beach. Nakita kong naka-shirt at shorts lang sina Sab at Eunice
habang naglalaro ng volleyball sa dagat habang si Tyrone naman ay. . . teka ha.
Lulunok muna ako. Hindi man lang ako nainform na magtotopless pala siya habang
nakabeach shorts.

"Misty! Tara!" yaya ni Sab nang makita ako. Napalunok ulit ako nang makitang
bumaling sa akin si Tyrone. And shemay to the deepest pit of the earth. . . ang
swabe ng ngiti niya sa akin.

"Misty!" Kumaway siya sa akin.


Sumenyas ako na susunod nalang ako nang may mahagip ang mga mata ko. Umangat ang
isa kong kilay nang makita si Reishel na nakasuot ng red two piece. Mabuti nga ay
nahiya pa siya dahil thank God at nakashorts naman siya. Nahiya tuloy ang itim kong
t-shirt at short sa suot niya.

"Misty, tara. Ligo na tayo!" yaya ni Reishel sa akin nang magtama ang mga mata
namin. Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya bago siya tumakbo papunta sa dagat. And
what do you expect from a girl wearing two piece running towards the beach?

Syempre, nagka-earthquake ang dalawang bundok. Napansin kong may tumabi sa akin sa
kaliwa. Sino pa ba? Edi Zion. Halos lumuwa ang mga mata niya habang pinapanuod si
Reishel. Sinamaan ko nga ng tingin. Ngumiti lang siya sa akin nang makahulugan nang
bumaling siya sa akin. Iniwan ko nga't tumakbo na rin sa dagat.

ARGH! Boys will always be boys!

***

Sa pagsapit ng gabi, nag-set up ng bonfire si Butler Homer sa dalampasigan.


Nakakain na kami ng dinner kaya nagdecide kami na magstay muna sa labas. This is
going to be our last night here in Baler. Nakakabitin man pero mas pipiliin kong
umuwi nalang kaysa ang makasama pa si Reishel.

Speaking of, hindi ko alam kung nananadya ba siya o kung ano. Kanina, panay ang
lapit niya kay Zion considering na naka-two piece siya. Hindi pa nakuntento,
lumalapit-lapit pa kay Tyrone. Aba, edi sa kanya na lahat ng lalaki. Asar ah!

Kagaya nalang ngayon, nakaupo siya as gitna nila Tyrone at Zion. Dapat talaga ay si
Sab yung sa kaliwa ni Tyrone e, kaso sumingit itong taong singit na 'to. Tss.

"Okay na yung apoy," deklara ni Butler nang sumilab na ang bonfire. "Mamamasyal
muna ako sa town. Dito muna kayo, okay lang ba?"

"Okay lang po!" sagot nina Sab at Eunice.

Ako naman ay busy sa pagkain kong BBQ na si Tyrone mismo ang nag-ihaw.

"Babalik ako ng around 10PM. Basta sa pag-uwi ko, tigil na 'yang pagtambay dyan
ah?" paalala ni Butler at saka inayos ang bote ng Sprite sa buhangin. "Sprite lang
ang inumin ninyo. Bawal ang alak. Mga menor palang kayo."

"Si Eunice po, hindi na minor. Pwede na siya, Butler." Biro ni Sab kaya hinampas
siya ni Eunice.

"Hindi pwede ang mga babae. Siguro sina Sir Zion at Sir Tyrone, pwede pa. Pero ang
mga babae, hindi pwede."

May ilan pang paalala si Butler na hindi ko na narinig. Medyo napagod kasi ako sa
maghapon na pagtampisaw namin sa beach kanina. Sa katunayan ay basa pa ang buhok
ko. Nawalan tuloy ako ng energy.

"TJ, tugtog ka naman!" request ni Eunice. Sumulyap sa akin si Tyrone bago niya
kinuha yung gitara sa tabi niya.

"Sige. Ano bang kanta?"

Naubos na ang kinakain kong BBQ kaya nagulat ako nang may mag-abot naman sa akin ng
Hotdog. Pagkatingin ko ay si Zion pala. Padaskol ko yung tinanggap bago naupo sa
tabi ko at binigyan din ng isa si Reishel.

"Kahit ano," sagot ni Eunice.

"Kahit anong kanta ng Spongecola nalang. Medyo may pagkakaboses kasi kayo ni Yael,"
kinikilig na sambit ni Sab. Si Yael, kung hindi ako nagkakamali ay yung vocalist ng
Spongecola. Kunsabagay, may pagkakaboses nga sila. Rocker... hard yet deep voice.

Nagsimula nang tumipa si Tyrone sa gitara niya. Ako naman ay nakafocus sa mga
daliri niyang naglalaro sa strings ng kanyang gitara habang kumakain ng Hotdog. Ang
galing talaga ng mga daliri niya. Parang ang smooth lang tignan.

"Ngayo'y aking inuunawang pilit. Mga pagkukulang kong iyong ginigiit. Sana'y
malaman mo na tanging ikaw lamang ang aking iniintindi."

Umangat ang tingin ko sa kanyang mukha. Seryoso siya at nakatingin lang sa strings
ng gitara niya. Malungkot ang kanta. Parang may pinatatamaan o talagang may
tinatamaan?

"Nakatanim pa sa'king ala-ala. Pangako mong mananatili ka. Kaya't paglisan mo'y
naiwan ang pusong ito na ngayo'y bitin na bitin."

Pasimpleng lumipat ang tingin ko kay Reishel. Nakayuko lang siya habang
pinaglalaruan ang buhangin sa paa niya. Kumunot ang noo ko nang bumagsak sa
buhangin ang kinakain niyang hotdog. Now, I know. Sapul ba?

"'Di mo na mababawi iniwang sakit sa mga salitang binitiwan mo."

Napansin kong tatayo sana si Reishel pero pinigilan siya ni Zion. Ito namang sina
Sab at Eunice ay nakafocus lang kay Tyrone. Parang ako lang yata ang nagsisilbing
audience sa mga pangyayari ngayon.
"Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda at siyang unang umiwas. Bakit nga ba
ako 'yong pinaasa?"

Nagtaka ako nang tumayo si Zion. Natigil tuloy sa paggigitara si Tyrone. Oh, geez.
Don't tell me magkakaroon na naman ng scene dito?

Humakbang si Zion palapit sa bonfire habang hawak ang phone niya. "Masyado namang
senti yan. Sayaw nalang tayo?" tapos may pinatugtog siya.

Ngumiwi nalang tuloy ako. "Weh? 'Di ka lang kasi marunong maggitara e," bulong ko
na hindi ko inaasahan ay narinig niya. Nakita kong sumimangot siya at naglaho rin
yun nang tumugtog na nang tuluyan ang kanta.

Ain't another woman that can take your spot my-

Ngumuso ako. My Love by Justin Timberlake pa ang gustong sayawin. Gustong magpaka-
smexy? Edi wow. Napatungga nalang ako sa Sprite ko.

"Sayaw tayo," pag-encourage niya sa aming lahat pero 'di kami kumilos. Nadismaya
yata siya kaya hinawakan niya sa kamay ang kapwa niya dancer. "Tara, Reishel!"

If I wrote you a symphony,

Just to say how much you mean to me (what would you do?)

If I told you you were beautiful

Would you date me on the regular (tell me, would you?)

Napapatungga nalang ako sa Sprite ko habang pinapanuod sila. Eto namang si Reishel
mukhang nag-enjoy naman. Synchronized ang galaw nila na mukhang praktisado. Marahil
naisayaw na nila yan noon or something. Ewan ko. Bahala sila. Hmp!

Well, baby I've been around the world

But I ain't seen myself another girl (like you)

Sige. Giling pa more. Kaya naaaksidente e! Ang harot kasi ng lalaking ito. Kung
sila Sab at Eunice ay amused sa pinapanuod nila. Pwes ako, hindi. Napaparoll eyes
nalang tuloy ako na mukhang nakita ni Zion nang sumulyap siya sa akin.

This ring here represents my heart


But there's just one thing I need from you (say "I do")

Kaya naman nabigla ako nang saglit niyang iniwan si Reishel. Kung kaya't bumalik
ito sa pagkakaupo at ako naman ang nilapitan ni Zion. Nanlaki ang mga mata ko nang
sapilitan niya akong itinayo.

"Let's dance!" aniya. Hinawakan niya ang kamay ko ay ipinaikot. Imbes na mainis ay
natawa pa ako. What the.

Yeah, because

I can see us holding hands

Walking on the beach, our toes in the sand

Hindi ko mapigilang mapangiti nang ngumiti siya sa akin at inilagay niya ang kamay
ko sa dibdib niya. Narinig ko tuloy ang paimpit na tili nila Sab at Eunice.
Enebeyen.

I can see us on the countryside

Sitting on the grass, laying side by side

You could be my baby, let me make you my lady

Girl, you amaze me

Ain't gotta do nothing crazy

"Selos ka naman e," bulong niya nang aksidenteng dumikit ang bibig niya sa tenga
ko. Tinulak ko siya't sinimangutan kaso tumawa lang siya and I find it so. . .
smexy. Hala?

See, all I want you to do is be my love

(So don't give away) My love

(So don't give away) My love

(So don't give away) Ain't another woman that can take your spot, my love

(So don't give away) My love


(So don't give away) My love

Tila gumapang ang kuryente sa katawan ko nang hawakan niya ang likod ko't i-binend
ako. Halos mapatili ako sa swift move na yon. Nakita ko ang seryosong mukha ni
Tyrone na inililigpit ang gitara niya.

(So don't give away) Ain't another woman that can take your spot, my love

And then he let go of me. Niyaya niya ulit na sumayaw ang lahat. This time,
nagsitayuan na sina Eunice, Sab at Reishel. Nakisabay na sa pagsasayaw. Ilang kanta
ang nagdaan at nakiindak na kami. Wala ng hiyaan. Inenjoy lang naman ang kanta at
nakisabay sa ritmo. Kung hindi lang namin narinig ang boses ni Butler ay hindi kami
titigil.

"Tama na 'yan. Alas diyes na. Magsitulugan na kayo," deklara niya na nagpatawa sa
aming lahat. As I met Tyrone's eyes, he flashed a small smile. Nginitian ko siya
pabalik. I'm sorry to say but I'm giving another point to Zion.

Zion 2, Tyrone 1.

=================

43. Wide Awake

Chapter 43

Nakatulala kaming apat nina Sab, Eunice at Reishel sa kisame. Wait. Wala nga palang
kisame itong bahay na tinutuluyan namin dahil gawa ito sa pawid. So much for
that... Hindi pa kasi kami inaantok pero pinapasok na agad kami ni Butler sa kanya-
kanya naming kwarto to think na 10pm palang naman at ito na yung last night namin
dito sa Baler. Why can't we just make the most out of our last night here?

"Ang daya. Bakasyon naman na ah. Masyado pang maaga para matulog." Malungkot ang
boses ni Eunice.
Bumuga naman sa hangin si Sab na katabi ni Eunice. "Kaya nga. Dapat nga ay magsaya
tayo habang sembreak pa. Grabe kaya yung stress na na-experience natin nitong sem.
It's time to refresh."

Hindi ko sila masisisi sa reklamo nila. Kahit ako ay nadismaya rin sa pagpapapasok
sa amin ni Butler sa kanya-kanya naming kwarto. Yes, we're still minors pero hindi
naman na kami ganun ka-bata para sa ganitong treatment lalo na't we're on a
vacation. Si Butler talaga. . . hayyy.

Naramdaman ko yung pagbaling sa akin ni Reishel. "Ganyan ba ka-strict ang parents


mo sayo?" tanong niya.

"Medyo. . ." Kunsabagay, pinapatulog na ako ni Dad ng around 10pm. But still, iba
naman 'yon dahil may pasok no'n at sembreak naman namin ngayon.

"Kung ganu'n, bawal ka pa magboyfriend?"

This time, bumaling na ako sa kanya. Hindi lang ako kundi pati sina Sab at Eunice.
Ngumuso si Reishel at tinapunan ako ng knowing look.

"Kasi diba, sabi mo, strict ang parents mo. So, siguro hindi nila alam na
nagpapaligaw ka kina Zion at Tyrone?"

Bahagyang tumaas ang isang kilay ko na hindi rin naman niya halata dahil dim na ang
ilaw.

Ibubuka ko sana ang bibig ko para sumagot nang magsalita si Eunice. "No, Reishel.
Legal na nanliligaw si Tyrone at Zion kay Misty. Saksi pa kami ni Sab nang
magpaalam silang dalawa sa Dad ni Misty."

Hindi nakatakas sa paningin ko ang pasimpleng pag-irap ni Eunice na hindi naman


nakita ni Reishel dahil bumalik ang focus niya sa itaas. Ba't naman niya kasi in-
open ang tungkol du'n?

"Ah, gano'n ba?"

"Oo," proud na sagot ni Eunice. May halo nang sarcasm ang tono niya kaya I shot her
the 'calm down' look pero hindi niya ako pinansin. "Mabait kasi si Misty. Hindi
siya naglilihim sa parents niya."

Nakita kong napapakagat sa labi si Sab na para bang gusto niyang pigilan si Eunice.
I don't want this conversation to lead into something. Alam kong, nararamdaman na
rin iyon ni Sab.

Reishel just laughed wickedly on what Eunice has said. "Para mo namang sinabing
masama ako for not letting my parents know about my relationships."

"Ay, sorry. Wala naman akong pinapatamaan," hirit ni Eunice.

"Hindi ako natatamaan."

"Eh ba't ka defensive?" natatawang tanong ni Eunice sa sarcastic na sagot ni


Reishel.

Tumikhim na ako para maagaw ang atensyon nila. "Guys, matulog nalang tayo," I tried
to sound normal. Bumibigat na ang atmosphere sa pagitan namin. Kung palaban si
Eunice, palaban din pala itong si Reishel.

"Mabuti pa nga! Goodnight, guys." Sab greeted energetically and an ear-splitting


silence followed after.

Nakatalikod na ako sa direksyon nila at pinilit na ipikit ang mga mata ko para
tuluyan nang makatulog. . . pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Hindi ako
makatulog. Mayamaya lang ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa gilid ko
kaya nagtaklob ako ng kumot at sa ilalim nito ako nag-check ng phone ko.

Isang text message galing kay Zion.

From: Zion

Still awake?

Ngumisi ako. Pare-parehas siguro kaming hindi makatulog. Bahagya kong sinilip sina
Sab, Eunice at Reishel. Panay ang pagkilos nila. Mukhang hindi rin talaga
makatulog.

To: Zion

Yes.

Ilang segundo palang nang i-tap ko ang 'send' button ay nagulat ako nang makarinig
ako or rather kami ng pagkatok sa pinto ng kwarto namin. Nagkatinginan tuloy kaming
apat.

"Sino 'yan?" tanong ni Sab sa amin.

"Ewan ko." Nagkibit-balikat ako. Kahit sina Eunice at Reishel ay mukhang clueless
din. "Eunice, pagbuksan mo nga."
"Ayoko nga—" naputol ang sasabihin niya nang marinig kong nagsalita ang boses mula
sa pinto.

"Open the door, Misty."

Napakurap ako. Sheez! Si Zion. Natataranta tuloy akong nagsuot ng bra. Hindi lang
ako kundi sila. What the! Talaga 'tong lalaking 'to! Nangbibigla!

"Uy, bilis. Tulog na ba kayo dyan?" Another knock again.

"Saglit lang kasi!" sigaw ko.

Nang matapos sa pag-aayos ay tumayo na si Eunice. Ako naman ay bahagyang nag-ayos


ng buhok ko. "Okay na kayo?"

"Okay na!"

And then she finally opened the door. Nabigla ako nang makitang kasama ni Zion si
Tyrone. Nilakihan pa ni Eunice ang pagbukas sa pinto kaya unang pumasok si Zion.
"Papasok kami ah? Ang KJ ni Butler e."

Nagdadalawang-isip naman si Tyrone kung papasok o hindi dahil nanatili lang siya
dun sa doorstep. "Zion, baka matutulog na sila," mahinang sabi niya.

"Hindi pa. Hindi nga kami makatulog e." Si Sab na ang sumagot kaya pumasok na rin
si Tyrone na may dalang tacos. Ngayon ko lang din napansin na may dala namang
softdrinks si Zion. Ano 'to? Sleep over? Slumber party? Kasama ng mga lalaki? Eh?

Hindi na ako mapakali kaya nagtanong na ako. "Bakit kayo nandito? Ba't 'di pa kayo
natutulog?" And I remember what he asked me awhile ago. Kaya pala nagtatanong kung
gising pa kami. Tss.

Ngumiti siya sa akin bago naupo sa mattress at ganun din si Tyrone. "E ba't gising
pa rin kayo?" He returned the questione to me.

"E kasi 'di rin kami makatulog."

"Exactly. Hindi tayo makatulog kasi 'di pa tayo inaantok," mahinang sabi. Tinignan
ko ang time sa phone ko. Almost 11pm na rin pero wide awake pa rin kami. "Since
last night na natin dito, bakit 'di pa natin sulitin?"

"Pinapatulog na tayo ni Butler, Zion." Aba, masunurin kaya akong bata!


Ngumisi si Zion. Here goes his arrogant smirk again. "Edi 'wag tayo magpahuli. 'Wag
nalang tayo maingay," he guffawed like a kid.

"OMG!—"

"Sshh. . . Kakasabi lang na 'wag maingay e," sita ni Zion kay Eunice.

Narinig ko lang yung mahinhin na 'tee-hee' ni Eunice bago nag-peace sign para mag-
sorry. "Don't tell me we'll break the rules?"

Sumingit naman si Reishel. "We're sneaking out or something?" sabi niya na


nagpaawang ng bibig ko. Sneak out sa disi-oras ng gabi? No way! "I'm cool with it.
Siguro naman may bar or club dito sa Baler diba?"

"Bar? Club? Hindi pwede—"

She broke into my words. "Masaya 'to, Misty. Masaya ang nightlife." Naiirita na
talaga ako. Hindi pwedeng mag-sneak out kami para mag-party. Lagot kami kay Butler
nito at lalo na kay Dad!

"Hindi. Walang tatakas." Lahat kami ay napatingin kay Tyrone dahil sa seryoso
niyang boses. I could hear Reishel's loud sigh at Tyrone's disapproval. "Walang
iinom. Walang magpaparty. Dito lang tayo."

Isang nakakabinging katahimikan ang sumunod na sumakop sa amin. Nagkatinginan


kaming tatlo nila Sab at Eunice. Siguro naman pati sila ay hindi rin approve sa
sggestion kanina ni Reishel. Kung kaya niyang mag-party, pwes 'wag niya na kaming
idamay.

"Pinayagan si Misty na magbakasyon sa malayong lugar dahil may tiwala siya sa amin.
Ayoko namang masira yun," dagdag pa ni Tyrone na mukhang pasadya niya para kay
Reishel. Yumuko lang ito at napahawi ng buhok at hindi na nagsalita.

Napatingin naman ako kay Tyrone na seryoso pa rin. I tried to smile at him pero
hindi ko magawa. Ang seryoso niya kasi e. Bigla tuloy akong na-intimidate.

"Sino ba kasing nagsabing tatakas tayo? Dito lang tayo," Zion finally broke his
silence. He pushed the food they brought in our middle before he fixed his position
into an indian seat. "Dito lang tayo. We're gonna play a game 'till we feel
sleepy."

"Anong game naman?" tanong ni Sab. Ngumuso ako. Don't tell me walang kamatayan na
'Spin the bottle' na naman yan ah. Gasgas na yan nung highschool days ko kapag wala
ang teacher namin. Hmp!

"Hmm, Pinoy Henyo!"


"Ay, gusto ko yan!" sabi ni Eunice tapos masayang nag-high five pa sila ni Sab.
Napapailing nalang tuloy ako. Pinoy Henyo, really?

Zion leered at the sudden change of mood. Naging hyper na kasing muli ang dalawang
sa amin. "Pero 'wag kayong maingay. Tulog na si Butler. Baka magising natin. . ."

Everyone agreed on his suggested game. Pumwesto na ang lahat pabilog sa mattress.
Katabi ko si Zion at katabi niya naman si Tyrone. Next to Tyrone are Sab, Eunice
and then Reishel na kanina pa tahimik. Sa treatment sa kanya ni Tyrone? Hindi sila
civil o casual. Para bang may malaking pader na nakaharang sa pagitan nilang
dalawa. It was like Reishel wanted to get into him but the wall that Tyrone had
built wouldn't let her.

"Sinong mauunang manghuhula?" tanong ni Zion habang pumipindot sa phone niya.

Automatikong napatingin sina Sab at Eunice kay Tyrone. "Si TJ nalang," sabi ni
Eunice nang nakangisi. "Matalino yan sa ganito e."

"Hindi ah." Finally, napangiti rin si Tyrone.

"Sus, magaling ka kaya d'yan."

Zion interfered. "Fine. Let's try him then," sabi nito at idinikit ang phone niya
sa noo ni Tyrone na siyang hinawakan agad nito.

And the word to guess is. . . my name. Misty. What the fudge? Sinamaan ko nga ng
tingin si Zion pero ngumisi lang siya sa akin. Sa lahat naman ng ipapa-guess!

"Time starts now. . ."

"Tao ba 'to?" Si Tyrone.

"Oo!" Sina Sab at Eunice lang ang sumasagot.

"Babae?"

"Oo."

"Hmm, artista?"

"Hindi!"
"Politician?"

"Hindi!"

"Kilala ko?"

"Oo! Oo!" Natawa ako sa eager na pagsagot nina Sab at Eunice. Napapa-facepalm
nalang tuloy ako dahil pangalan ko 'yang pinapahulaan sa kanya.

"Hmm... Kilala ko ah. Nakikita ko palagi?"

"Of course!" "Oo!"

Lumaki ang ngiti ni Tyrone. "Babae. Nakikita ko palagi. Kilala ko. Maganda?"

"Oo naman," pabulong na sabi ko at nakita kong nag-make face si Zion. E maganda
naman kasi talaga yan e! Mwahaha. Now, I'm enjoying this game.

"Parte ng katawan ng tao?"

Mas lalong lumakas ang tawa ko nang hampasin ni Sab si Tyrone sa braso. "Lumayo ka
pa, tsong!"

"Ay, ano ba? Tao?" Natawa na rin siya.

"Oo! Oo!"

"Maganda? Nasa school?"

Eunice shrieked. "Oo!" And she was shushed immediately bu Zion. "Ay, sorry. Oo, TJ.
Oo."

I was taken aback when Tyrone's eyes met mine. Yung ngiti niya ay naging matamis.
Napakagat tuloy ako sa labi ko.

"Mabait?"

"Oo."

"Otaku ba siya?"
"Alam mo na yata e. Oo!"

Hindi nawawala ang ngiti sa labi't mga mata niya. Para tuloy kinikiliti ang insides
ko.

". . . gusto ko ba siya?"

Hindi ko alam kung tatawa ba ako sa pangingisay sa kilig nung dalawa o madidistract
sa titig sa akin ni Tyrone. . . pati na rin ni Zion sa tabi ko.

"Oo! Oo!"

"Ah, kilala ko na 'to. Mis—"

"Time's up," deklara ni Zion na nagpanganga sa aming lahat. Kinuha nito ang phone
niya at nagkibit-balikat. "2 minutes lang e. . ."

"Pero sasabihin na niya ang sagot," frustrated na sabi ko.

"Hindi naman siya nakaabot." Zion made a face.

Bumaling ako kay Tyrone na nakangiti't nakatingin pa rin sa akin. I mouthed him
'madaya siya 'no?' pero natawa lang siya. Kainis! Sasabihin na yung sagot, pinutol
pa.

"Next naman ako," volunteer ko sa kanya pero umiling siya. "Ayoko na. Pangit pala
ng game na yan. Spin the bottle nalang tayo." He hatefully commented. Bitter!

"Spin the bottle?" I gawked at him. "Cliché!"

"Eh anong lalaruin natin?" sabi niya.

Umirap ako at naghalukipkip ng mga braso. "Hmm. . . wansapanatym kaya?"

He burst out laughing. Weirdly, everyone looked at him in wonderment. "Wansapanatym


is a valentine. Anong pangalan ng first love mo?" kanta niya pa. "Gano'n? What the
hell, Misty?" tapos humagalpak na naman siya sa tawa. Gusto ko siyang batukan.
AAARGH! Masaya kaya 'yon!

"Edi 'wag!" Inikutan ko siya ng mga mata.

"Baka gusto mo rin ng 'I wanna be a tutubi na walang tinatagong bato—"


Tinakpan ko ang magkabilang tenga ko dahil hindi ko na ma-take ang mga sinasabi
niya. Fine, ako na ang most childish. Hmp! "Oo na, spin the bottle na!"

"O kaya mangga, mangga hinog ka na ba?— aray!" Kinurot ko kasi siya sa braso. Hindi
naman siguro masakit yun dahil tumawa pa siya lalo. "Fine, fine. Spin the bottle
na." Kaso tumatawa pa rin siya nang nakakaloko sa akin kaya kinurot ko ulit siya.
"Aray, Misty! Hahaha!"

"Sshh... Baka magising si Butler," paalala sa amin ni Tyrone kaya natigilan ako
saglit at umayos ng upo. Sinamaan ko pa ng tingin si Zion dahil 'di siya maka-get
over dahil natatawa pa rin siya habang nilalagay niya ang phone niya sa gitna
namin. Kainis!

"May bote ba tayo?" tanong ni Reishel. Napatingin pa nga kami sa kanya kasi nagulat
kami na nagsalita na siya. Kanina pa kasi siya walang kibo.

Nagpalinga-linga sina Sab at Eunice sa kwarto pati na rin ako. Wala naman akong
mahanap na bote. "May bote tayo kaso may laman pa," sabay turo niya sa 1.5 na bote
ng Sprite sa tabi ni Tyrone.

"No need. May app ako sa phone." Inginuso ni Zion ang phone niya na nasa gitna
namin. Ngayon ko lang napansin na naka-open pala sa app na may bote sa screen nito.
"Para fair ang game, ito nalang ang gamitin natin sa paglalaro. May automatic
questions na rin once na matapat kung kanino ang bote. Game?"

Tumango kami lahat.

"Who's gonna spin?"

Nagtaas ng kamay si Sab. Siya ang nagpaikot ng bote sa screen ng phone. Unang itong
tumapat kay Eunice. Napatakip pa siya sa bibig. It was followed by a question na
nag-appear sa screen kaya kinuha niya ang phone at binasa para marinig namin.

"When you were a child, what did you want to be when you grew up?" Ngumiti siya
nang matapos basahin ang question. Para nga siyang na-relieve dahil hindi masyadong
confidential ang tanong. "Nung bata pa ako, gusto kong maging cashier girl. 'Wag ka
tatawa, Tyrone. Totoo yun," sabi ni Eunice nang tumawa nang mahina si Tyrone.
"Gusto kong maging cashier girl kasi may laruan ako noon na cashier-chashier-an.
Wala lang. Ang saya lang."

She spun the bottle on the screen and it pointed to. . .

"Tyrone!" sabay na sambit namin ni Reishel. Awkward na nagkatinginan kami at nag-


iwas din ng tingin. Okaaaaay. Na-excite lang naman ako. Pfft.
His questions was; "What is the most bizarre encounter you have had in life?"
Ngumuso siya habang pakamot-kamot pa sa batok. He sighed as he looked on the
mattress. "Hmm, bizarre? 'Di ba pambira yun? Parang unusual?"

"Oo," sagot ko sa tanong niya. "Parang ridiculous, weird..."

Ngumiti siya sa akin at tagus-tagusan akong tinitigan. "Siguro, nung hinaranahan


kita nung CF Night, Misty."

Tumikhim sina Sab at Eunice na para bang kinikilig. Si Zion naman ay nakatingin
lang din sa akin. Ako? Wala. Speechless. No comment. Brain freeze.

"Kasi akala ko talaga, matutuwa ka nu'n. Siguro nga natuwa ka pero ang epic lang
kasi may surprise din pala si Zion sayo nu'n. Kinantyawan tuloy ako ng mga ka-banda
ko."

Narinig ko ang marahang nakakalokong tawa ni Zion sa tabi ko kaya siniko ko siya at
pasimpleng sinamaan ng tingin bago ko tinignan ulit si Tyrone. "Nagustuhan ko naman
talaga yung performance mo nu'n, Tyrone. Sana sa susunod, maka-jamming pa kita."

He smiled at me like a child. "Sige na. Anytime, Misty."

"Okaaaaay, next!" singit ni Zion kaya ini-spin na ni Tyrone ang bote sa screen at
tumapat ito kay. . .

"Sab."

The game went well. Random questions ang naitanong sa amin. Though, 'di naman
complicated ang mga tanong. Puro What was your favorite childhood injury?, Have
magical powers to save the world, or be the strongest person in the world?, What is
your hidden talent?, and such. Halos lahat kami ay natapatan na ng bote except for
one.

"Finally, Zion! Dinaya mo yata 'tong app kaya hindi matapat-tapat sayo," sabi sa
kanya ni Sab.

Ngumisi lang si Zion bago kinuha ang phone para basahin ang tanong. "What is
something you love doing? Why?"

At hindi ko alam kung bakit dumiretso ang tingin niya sa akin. Umiwas tuloy ako
agad ng tingin. Wala pa siyang sinasabi pero nag-iinit na agad ang buong mukha ko.
Seriously?

"... making Misty laugh, smile or anything to notice me," nakangiting sabi niya
bago niya sinundot ang tagiliran ko. "Kinikilig na yan si Misty."
"Ano ba!" Pinalo ko agad yung kamay niya. Nakakainis lang kasi napapangiti ako.
Argh.

"Seryoso, yun nga. Magsisinungaling pa ba ako kung halata naman. Okay, next. . ."

He spun the bottle again pero hindi ako tumingin. Parang naiinitan kasi ang buong
mukha ko at gusto kong magpahangin sa labas. Kaso alam ko namang bawal.

"Reishel." Si Reishel pala ang natapatan ng bote this time. Natanong na siya kanina
pero simple lang yung question. What two things do you consider yourself to be very
bad at? Sagot niya, singing. Baligtad kami, ako naman sa dancing. Hmm...

Binasa niya ang tanong. Lahat kami ay nakatutok sa kanya. Medyo matagal bago niya
binasa ng malakas. Ano kaya yung tanong para matigilan siya ng ganyan?

Tumikhim siya at bumuntong-hininga, pero agad ding nakabawi ng ngiti na halata


namang tensionado. "If given a chance, what would you tell to your ex-boyfriend?"

Ewan ko ba pero parang may dumaan na anghel dahil bigla nalang tumahimik ang lahat.
Sinulyapan ko si Tyrone na nakatingin kay Reishel. Hindi ko mabasa ang reaksyon
niya lalo na't nakatingin din sa kanya si Reishel.

"I would say. . ." she paused and breathed out. "Sorry. Gusto kong. . . gusto kong
mabalik yung dating tayo. Sorry dahil sinayang ko ang relasyon natin. I... still
love you." Halos pabulong na ang huli niyang sinabi. Ngumiti siya kahit na may
namumuo ng luha sa gilid ng mga mata niya. Pinahid niya agad iyon at saka tumawa ng
pilit. "Yun. Yun ang sasabihin ko."

Walang nagsalita matapos ng sinabi ni Reishel. Lahat tahimik. Parang


nagpapakiramdaman.

"Ano naman kaya ang isasagot mo, Tyrone?" tanong ni Zion kaya naningkit ang mga
mata ko sa kanya. He was looking straight at Tyrone who had to take the soda in one
gulp out of tension, I guess.

Ngumiti lang si Tyrone at nagkibit-balikat. "Hindi lang ako ang ex ni Reishel.


Diba?" sabi ni Tyrone habang nakatingin kay Reishel.

Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Reishel pero agad ding naka-recover. "Spin
ko na ulit ha?"

Now, I'm getting uncomfortable with this game. Nagkakapersonalan na e. Alam ko


namang si Tyrone ang tinutukoy ni Reishel. She wanted to get him back. That's
obvious. Pakiramdam ko tuloy, isa akong kontrabida sa kwento nila.
"Misty!"

Napakurap ako ng mga mata sa tawag nila sa akin. Pagtingin ko sa screen ng phone,
sa akin pala ito nakatapat. Gosh, sana naman hindi kasing hirap ng kay Reishel ang
tanong kundi... Grr.

I took the phone and read it right away. Natigilan ako matapos kong mabasa. Saglit.
Namalikmata lang yata ako e. Okay, binasa ko ulit. Basa ulit. Paulit-ulit hanggang
sa. . . lunok. Seryoso ba 'tong tanong na 'to?!

"Ano na yung tanong?" Zion asked impatiently. He attempted to snatch it from me


pero mabilis kong iniiwas ang phone niya. Nakakainis! Sa lahat naman ng tanong,
ba't ito pa?

"W-what's your favorite food daw?" sabi ko. Cross fingers! Sana hindi ako mabuko!

"Ang lame. Patingin nga!" sabi ni Zion at tuluyan nang naagaw ang phone mula sa
akin. I swear, kasing kulay na ng red apple ang pisngi ko. AAAAAAAH!

"Whoa. Well...well," sabi niya nang mabasa niya na ito. "Describe your first kiss.
Elaborate. Explain it in 500 words. Re-enact it with feelings."

Pinanlakihan ko siya ng mga mata kasabay ng paimpit na tili nila Sab at Eunice.
Actually, describe your first kiss lang yun.

"Grabe! In-edit yung question?"

Tumawa lang siya. "De joke lang. Sige na, sagutin mo na. 'Wag unfair."

Bumuga ako sa hangin at sumimangot. Nakatutok ang lahat ng mga mata sa akin kaya
mas lalo akong kinabahan. Anak ng! AAAAAH! Ayoko na. Kahiya-hiya 'to.

"Misty~"

Inirapan ko si Zion. "Oo na!" sabay buntong-hininga. "It was. . . it was. . ."
Sheez! Para akong nagliliyab sa kahihiyan.

"Ako na nga ang magdedescribe," Zion interfered, laughing his butt off.

"Zion!" Tatakpan ko sana ang bibig niya pero hinawakan niya lang ang kamay ko.
"Kasi naman e! That question is for me!"

"Her first kiss was. . .—ommp!" He cut off his words because I covered my lips into
his.
Joke! Palad ko lang ang itinakip ko. As if naman 'no!

"It was. . . disturbing. Yun lang yun," sabi ko at tinanggal na ang palad ko sa
bibig ni Zion. Here goes the wild animals inside my stomach again. Nagrurumble na
naman! Argh!

Mapanuksong tingin ang iginawad nina Sab at Eunice sa akin, samantalang si Tyrone
naman ay nakatingin lang sa bote ng soda na hawak niya. I was clueless then but
something hit me.

"It's not what you think!" defensive kong sabi. I knew they were thinking the same
thing. Na si Zion ang first kiss ko. Huhu. Nakakainis! Nakakahiya! Nakaka... argh!

"It is," sabay pa na sabi nila na sinabayan pa ng tawa ni Zion.

"It was burning, actually." Oh, heavens! Ang bibig po ni Zion.

"Saan?!" Si Sab.

"Kailan?!" Si Eunice.

Ang ingay nila. Gusto ko tuloy magwalk out. Napaka-kiss and tell pala ni Zion.
Ayoko na!!!

Naputol ang kantyawan nila nang biglang may kumatok sa pintuan kasunod ng malalim
na boses ni. . . "Sir Zion, Sir Tyrone. Bakit kayo nandyan? Sabi ko nang matulog na
kayo e. Lumabas na kayo dyan."

Natahimik tuloy kaming lahat. Ako na ang tumayo para pagbuksan si Butler na mukhang
kakagising lang sa mahimbing niyang tulog.

"Goodnight na, girls." Natatawang bati ni Zion habang tumatayo na sa mattress.


Ganun din si Tyrone na ngumiti lang sa akin ng tipid.

Pinisil lang ni Zion ang pisngi ko. "Goodnight, Misty." At saka siya lumabas
kasunod ni Tyrone. "Goodnight," bati rin niya.

"Goodnight din," bati ko pabalik.

Sinermonan lang kami saglit ni Butler bago ko isasarado na sana ang pinto nang
pinigilan ako ni Reishel.
"Saglit," sabi niya at bahagyang lumabas ng pintuan. "Tyrone!"

Lumingon si Tyrone sa amin nang walang nababakas na emosyon sa mukha. Napaatras ako
nang bahagya akong tinabig ni Reishel. "Please, can we talk?"

Hayy... Mabuti pa nga at mag-usap na kayo.

***

Kinabukasan, nagising ako nang mag-isa nalang sa kwarto. Pagtingin ko sa clock ay


napabalikwas ako sa higaan. Geez! 10:10AM na pala! Ba't 'di man lang nila ako
ginising?

Nag-ayos muna ako ng sarili bago ako lumabas ng kwarto. Naabutan ko silang tahimik
na nasa cottage kung saan minsan ay kumakain kami. Nagtaka ako dahil parang
problemado sila. Si Zion naman ay hindi mapakaling may tinatawagan sa phone niya.
Na-bother na tuloy ako.

"Guys, what's wrong?" bungad ko pagkapasok sa cottage at naupo sa tabi ni Sab.

Walang sumagot sa kanila. Tyrone was just staring out in the sea. Si Butler din ay
nasa tabi ni Zion na seryoso pa rin. Sina Sab at Eunice ay ganun din. Teka, nasaan
si Reishel?

"Si Reishel?"

Nagkibit-balikat si Eunice. "Paggising namin ni Sab, wala na siya e. Nag-iwan lang


siya ng letter sa pinto. Sabi niya, uuwi na raw siya."

"Ito oh." May inabot sa akin si Sab na maliit na papel.

Kunot noo kong binasa iyon.

Sorry kung hindi na ako nakapagpaalam. Mauuna na akong uuwi. Sorry too if I ruined
your vacation. Don't worry about me. I can handle myself.

- Reishel

As if on cue, narinig kong nagsalita si Zion. "Nagtext siya sa akin. Nasa Maynila
na raw siya," sabi niya at huminga ng malalim. "Damn that girl. Pasaway talaga."

Tumayo ako at nilapitan siya. Si Tyrone naman ay lumabas ng cottage at nagpunta sa


dalampasigan. "Ano bang nangyari? Ba't siya umalis?" Kahit naman naiinis ako kay
Reishel ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi mag-alala. Mahirap bumyahe lalo na't
malayo ang lugar at nag-iisa.

"Ewan ko du'n," nakatingin siya kay Tyrone sa malayo. "Nag-usap lang sila kagabi
e."

"Baka naman nag-away?" sabi ni Eunice.

"Kaya nga. Tingin mo, pinaalis kaya siya ni Tyrone?" tanong ni Sab.

Umiling ng mabilis si Eunice. "Hindi ganun si Tyrone."

"Ikaw kasi e!" untag ko kay Zion. Siya ang may puno't dulo ng lahat ng ito. Kung
hindi niya sinama si Reishel, hindi magkakaganito ang bakasyon namin.

"Anong ako na naman?" Umirap siya kasabay ng pagsuot ng aviator glasses niya.

"Sinama mo pa kasi siya dito. Alam mo namang—"

Natigilan ako sa pagsasalita nang dumampi ang palad niya sa mukha ko. As in, buong
mukha ko ah! Ang laki ng kamay e. "Ang totoo kaya ko siya sinama dahil nakiusap
siya sa akin na tulungan siyang makausap si Tyrone. She wanted a proper closure."

I stared at him in distrust. "Seriously? Gusto nga niyang makipagbalikan kay Tyrone
tapos proper closure pa kamo? Ano ba talaga?"

"'Yun ang sabi niya sa akin. Malay ko ba!"

"Sinungaling pala siya e," sabat ni Eunice.

Binalingan ni Zion si Eunice with that concerned look on his face. "Don't talk like
that, Eunice. Mabait si Reishel."

"I knew her from the very start," sabay irap ni Eunice.

"Kilala mo siya noon. Kilala ko naman siya ngayon."

"Noon at ngayon, parehas lang 'yon."

Napahawak ako sa sentido ko. Nakakastress ang sagutan nila. Hindi ko ma-take. Pero
ano nga kayang pinag-usapan nila Tyrone at Reishel?

"Hindi parehas. Hindi ba pwedeng magbago, Eunice? Gaya nalang ng estado ko. Noon,
bakla ako. Ngayon, straight na. Dati, asar ako kay Misty. Ngayon, gusto ko siya.
Hindi ba pwede 'yon?"

Natigilan ako sa hirit niya. Si Eunice na kanina ay beastmode na, ngayon naman ay
parang kinilig pa yata. "Pwede naman. . ."

"See? Pwedeng magbago ang tao. Hindi niyo lang binibigyan ng chance. When you get a
second chance, you'll make a new start." Napakurap ako nang bumaling sa akin si
Zion. Kitang-kita ko yung nakakalokong ngiti ni Butler sa gilid kaya mas lalo akong
nahiya. "Ako kaya, Misty? Ilang percent na ang chance ko sa'yo para naman
makapagsimula na tayo sa bagong relasyon natin?"

At. . . ngayon, may migraine na ako. Jusme.

=================

44. Decision

Chapter 44

"Welcome to the surfer's paradise!"

Sa gitna ng byahe namin ay napatingin kami kay Butler sa in-announce niya. Pauwi na
kami nu'n sa Maynila pero mukhang may sidetrip pa kami. Tinignan ko isa-isa ang mga
reaksyon nila. Sa aming lima, mukhang sina Sab at Eunice lang ang kinakitaan ng
excitement. Nilingon ko sina Tyrone at Zion sa likurang bahagi ng van— since sila
ang magkatabi –at ayun, nakapaskil ang isang malaking 'no comment' sa mukha nila.

"Butler, ano pong gagawin natin dito?" Ako na ang nagtanong. Tumingin ako sa
bintana at nakita kong puro may mga surfing board ang mga tao sa paligid.

"Mag-susurf," sagot niya na para bang sinasabing 'obvious naman'. Ngumuso nalang
ako. "Sulitin niyo na ang Baler. Sikat itong Sabang Beach sa mga surfers."

"Pero hindi naman kami surfers," natatawang sabi ni Sab.

"May magtuturo naman siguro dyan. Tara?" excited na yaya ni Eunice at saka binuksan
na ang pinto ng van.

Walang imik na lumabas kami ng van. Dumiretso sina Sab at Eunice patungo du'n sa
beach, samantalang ako ay pinapakiramdaman sina Zion at Tyrone. Since this morning,
wala na sa mood si Tyrone. Marahil dahil sa biglaang pagluwas ni Reishel. Sinubukan
na nga siyang kausapin ni Zion kanina e, pero mukhang wala namang nangyari dahil
hindi pa rin nababago ang mood ni Tyrone. I wonder what Reishel and him talked
about last night.

I was pulled from my own thoughts when someone bumped into my arm. "Bakit ang
tahimik mo?" Si Zion pala.

Sumabay siya sa akin sa paglalakad papunta sa beach. Malayo ang tingin ko sa dagat.
"Hmm, iniisip ko kasi si Reishel."

"She's fine now. Nakarating na raw siya sa bahay niya."

Tinignan ko siya. Nakatingin naman siya sa mga nagsusurf sa dagat kaya binalik ko
ang tingin ko dun. "Curious ako. Ano kayang pinag-usapan nila ni Tyrone kagabi?
Nag-away kaya sila?"

"Hindi ko alam. Ayaw magsalita ni Tyrone e."

Awtomatikong hinanap ng mga mata ko si Tyrone. Nasa dalampasigan siya habang


nakatingin ng malayo. Parang ang lalim ng iniisip.

Naramdaman ko na naman yung pagbangga ni Zion sa siko ko. "Lapitan mo si Tyrone.


Kausapin mo."

Lumabi ako sa kanya. "Bakit ako?"

"Alangan namang ako? Ako ba ang gusto niya?" sarkastikong sagot niya kaya agad ko
siyang tinignan ng matalim. "Joke. Kailangan niya siguro ng makakausap kaya lapitan
mo na."

Hindi ka ba magseselos? Gusto ko sana 'yong tanungin pero hindi naman ganun kakapal
ang face ko para sabihin 'yun. Napangiti nalang ako sa sarili ko. Hindi naman pala
ganun ka-seloso si Zion gaya ng iniisip ko.

Hahakbang na sana ako palapit kay Tyrone nang marinig ko na namang nagsalita si
Zion.

"Comfort lang ah. 'Wag mong sagutin ng 'oo'. I-reserve mo sa akin 'yon," sabi niya
sabay thumbs up at dumiretso na kina Sab at Eunice na namimili ng surfing board. I
just rolled my eyes at him. Masyado talagang presko ang isang 'yon. As if namang
nakareserve sa kanya ang 'oo' ko! Hmp!

Inayos ko muna ang buhok kong bahagyang ginugulo ng hanginmula sa dagat at dahan-
dahang nilapitan si Tyrone.
He flinched when I stepped beside him. "Tyrone, ayos ka lang?"

He broke out a smile from his lips. Yung ngiting parang tinatamad lang. Wala nga
siya sa mood. "Ayos naman ako."

Awkward silence. . .

"Pasensya nga pala sa ginawa ni Reishel. Kasalanan ko kung ba't siya umalis nang
walang paalam," mahinang sabi niya. Malayo pa rin ang tingin sa asul na dagat.

"Okay lang yun. Sabi ni Zion, safe raw siyang nakauwi sa bahay nila."

Sinubukan kong maging light ang atmosphere sa pagitan namin. My voice was cheerful
but it didn't give an effect on him. Bumuntong-hininga nalang ako. I think he needs
to be alone.

"Maiwan na muna kita dito ah? Makiki-surf lang din ako," sabi ko at akmang aalis na
nang pigilan niya ako sa kaliwang kamay.

"Misty, dito ka lang."

Napakagat ako sa labi bago tumango. Bumalik ako sa tabi niya. Ngayon ko lang yata
nakitang ganito ka-seryoso si Tyrone. Naiintimidate tuloy ako.

He cleared his throat kaya napatingin ako sa kanya. "Gusto niyang makipagbalikan sa
akin. . ."

Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Nauna nang sinabi iyon sa akin ni Reishel. She
wants him back. Ngayon, bilib ako sa tapang ni Reishel para sabihin yun sa kanya.
Siguro nga, mahal niya pa rin talaga si Tyrone.

"Nagkamali raw siya. . . nagsisi. Hindi niya raw dapat ako iniwan." He looked to me
with a smug. "Nakakagago lang. Kung kailan may gusto na akong iba, saka siya
babalik. Kung kailan may umayos na sa nasira niya, saka siya babalik."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sinasabi niya ba ito sa akin dahil may pag-asa pa
ring magkabalikan sila?

"Iniwan niya raw ako hindi dahil nagsasawa raw siya sa akin. Iniwan niya ako dahil
sinabihan daw siya ng Mama ko na lubayan na ako. Bad influence daw siya sa akin."

My mouth fell open at what he said. Ibig sabihin, ginawa lang dahilan ni Reishel
ang pagsasawa niya sa relasyon nila ni Tyrone noon? What the. . .
"Natakot daw siyang kumprontahin ng Mama ko ang mga magulang niya tungkol sa
relasyon namin kaya niya yun nagawa. Natatakot siyang lumabas ang mga kalokohan
niya dahil sa mga mata ng magulang niya ay perpekto siya." He laughed sarcastically
again. "At ngayon na nakikita niyang may iba na akong gusto, nasasaktan siya."

"Tyrone. . ." I don't know what to say. Naguguilty ako para kay Reishel. I hated
her for no reason.

"Wala na siyang babalikan," sabi ni Tyrone at humarap sa akin. "Kinausap ko siya ng


maayos kagabi pero hindi niya matanggap ang desisyon ko. Mali ba yung desisyon kong
pinili kita?"

Geez! Ba't ang bigat ng pakiramdam ko?

Ngumiti siya ng pilit. "Alam ko namang hindi pa sigurado kung ako yung pipiliin mo
sa aming dalawa ni Zion. Pero pinapili niya ako, ikaw ba o siya?" Nagpakawala siya
ng malalim na hininga. "Ikaw yung pinili ko dahil ikaw ang gusto ko."

Lumunok ako dahil mas lalo lang bumibigat ang dibdib ko. "Tyrone, paano si Reishel?
She's hurt. Baka hindi niya kaya—"

"Ayaw niyang maging magkaibigan kami." Nagkibit-balikat siya habang nakangiti.


"Siguro sa ngayon, hindi kami pwedeng maging magkaibigan. Hayaan muna natin siyang
maka-move on. Sa ngayon, pwede bang i-enjoy muna natin itong huling araw natin sa
Baler?"

Tinignan ko ang nakalahad niyang palad sa akin at pagkatapos ay tinignan ko ang mga
mata niya. Kung kanina ay matigas ang ekpresyon ng mga mata niya, ngayon naman ay
parang nabunutan na siya ng tinik si dibdib. He's smiling from ear to ear.

"Tara!" Tinanggap ko ang kamay niya at saka niya ako hinila sa dagat.

SURFING is really hard yet fun. Nakakafrustrate lang dahil halos lahat sila ay
nakapag-pop up na. Ako? Hanggang paddle nalang. Hindi ko kayang tumayo habang
dinadala ng alon.

"Ayoko na!" Natatawang hinampas ko yung board kaya hinawakan iyon ni Tyrone. All
throughout the surfing experience with our hired instructor ay kami lang ni Tyrone
ang magkasama. For the first time, hindi umepal si Zion. Busy din kasi siya sa
surfing lesson niya.

"Ayaw mo na?" He laughed hard. Tumakbo ako papunta sa pampang kung saan 'di umaabot
ang dagat at dun naupo. Sinundan niya ako pero tumigil din dun sa dagat. "Dali na.
Aalalayan kita, Misty."
"Ikaw nalang. Marunong ka nang mag-duck dive at pop-up. Papanuorin nalang kita."

Hindi niya agad ako tinantanan sa pagkumbinsi na ipagpatuloy yung surfing lesson
namin pero in the end ay hinayaan na rin niya ako. He's a fast learner. Ganun
siguro talaga kapag malakas ang katawan. For an 18 year old guy, he sure has a lean
body. Siguro kaunting work out lang, baka magkaroon na siya ng muscles.

"Boo!"

"Ay, muscles— aish!" Nabigla ako nang may tumapik sa braso ko. Sino pa nga ba?
"Naman, Zion!"

Tumawa lang siya habang pinapagpag ang beach hair niya. Hala, kahit ano sigurong
hairstyle ay bagay kay Zion. Ang cool niya pa ring tignan e.

"Anong muscles? Ikaw ah!"

Umirap lang ako sa kanya. Argh, 'to talagang bibig ko!

"Mukhang bumalik sa pagiging light ang mood ni Pareng Tyrone ah." Sabay abot niya
sa akin ng bottled juice. "Oh."

"Salamat."

Bukas na yung takip ng juice kaya ininom ko na ito ng diretso. Na-conscious ako
nang makitang pinapanuod ako ni Zion na uminom kaya tumingin ako sa ibang
direksyon. Parang ginawa niya akong entertainment. Sa lahat ng ginagawa ko, lagi
siyang naaaliw. Tss!

"Tara, maglakad-lakad muna tayo. Aalis na tayo mayamaya e," sabi niya at nilahad
ang kamay niya sa akin.

Walang pagdadalawang-isip ko yung tinanggap at hinayaan siyang hilain ako patayo.


Maganda ang weather ngayong araw. There's the clear sunny skies and the ocean
breeze na yumayakap sa amin. Sana ganito rin sa Maynila. Nakaka-relax. Parang ayoko
na tuloy umalis dito.

Naglalakad kami ng tahimik sa dalampasigan nang marinig kong nagsalita si Zion.


"Are you enjoying, hmm?"

"Oo naman," ngumiti ako at tinignan siya. Badtrip pa yung buhok kong humaharang sa
mga mata ko. Hinawi ko iyon at naramdaman kong tinulungan ako ni Zion.

"Buti naman nag-enjoy ka. Akala ko kasi, hindi e."


"Hindi ah. Nag-enjoy naman ako."

Pinagpagan na naman niyang muli ang basa niyang buhok kaya mas lalo itong naging
magulo. Magulo pero sa paningin ko, mas lalo siyang naging cool. "Kasi diba sinama
ko si Reishel. I know, it's not really a good idea. Humingi lang kasi siya ng pabor
sa akin."

Natahimik ako. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa likod ko't pinagsalikop ito.
Naalala ko tuloy yung sinabi sa akin ni Tyrone kanina. Naguilty tuloy ako.

"Zion. . ."

"Hmm?"

I could feel his stare at me so I did not look back at him. Dire-diretso lang ang
lakad kong sinasabayan naman niya. "I feel guilty towards Reishel," I sighed.

"Why so?"

Ngumuso ako. "Hindi ko dapat siya jinudge. Tama ka, hindi ko alam ang side niya."

Nakita kong nag-form ng kurba ang labi niya at pagkatapos ay ginulo niya ang magulo
ko ng buhok. "So, alam mo na pala ang dahilan?"

Tumango ako. Feeling ko, ako yung kontrabida sa kwento nila ni Tyrone. Nakakaguilty
tuloy lalo.

"Hayaan mo na. Labas na tayo dun, at mukhang tapos na rin naman kung anong meron sa
kanilang dalawa ni Tyrone. May proper closure na ba sila?"

Hindi ako sumagot. Siguro nga pwede nang i-consider na proper closure yung nangyari
sa kanila ni Reishel. Tinuldukan na ni Tyrone ang relasyon nila. Actually, matagal
naman na silang tapos e. Hayy... sumasakit tuloy ang ulo ko sa kanila. Basta, I'm
out of their issue.

Nagtaka ako nang tumawa si Zion nang nakakaloko. "Ang tibay ni Tyrone. Mukhang
tinamaan nga siya sayo 'no? Because he chose to stay here with you instead of
chasing after Reishel."

Oo, pinili niya ako. Will his decision be worth it?

He groaned aloud. "Haayy! Ano ba kasing meron ka at bakit kami nagkakaganito sayo,
Misty? Siguro, ginayuma mo kami, ano?"
Nalukot ang mukha ko sa litanya niya, pero ganunpaman, nag-init din ang pisngi ko.
Pakiramdam ko, kinabog ko si Rapunzel dahil dalawang lalaki ang nabihag ko.

"H-hoy! Kapal mo naman. As if naman, marunong akong manggayuma." Inirapan ko siya


habang naglalakad pa rin. "Ang sabihin mo, maganda talaga ako. . ."

"Oo naman. You're my definition of beautiful."

Umurong ang dila ko sa hirit niya. Okaaaaay, akala ko, katulad noon ay babarahin
niya ako. Sheez, iba na nga pala siya ngayon. He's not the gay whom always calls me
'Chararat'.

I could feel his warm hand clasped into mine. Hindi pa nakuntento, pinag-intertwine
niya pa ang mga daliri namin at ini-sway pa habang naglalakad kami. AAAAAAAAAH!

Napalunok tuloy ako ng bongga. Pinilit kong bawiin ang kamay ko pero hinigpitan
niya lang ang hawak dito.

"Z-Zion—"

"Okay, given na maganda ka but you're more than just a pretty face. Underneath your
beauty lies a prettier character. Simula nang mapalapit ako sayo, masyado akong
nahuhumaling sayo na kahit sa pagtulog at paggising ko, ikaw pa rin yung una't
huling pumapasok sa isip ko."

Hindi ako makahinga ng maayos. Walanghiyang puso ko, masyadong nagwawala sa loob
ko. Oh, my gosh. Calm down!

Huminto kami sa paglalakad at hinarap niya ako. This time, dalawang kamay ko na ang
hawak niya. Pati yata pulso ko sa wrist ay tumitibok. Masyadong naghuhuramentado
ang sistema ko.

". . . Misty, nakalimutan ko nga palang magpasalamat. Salamat kasi kung hindi dahil
sayo, hindi ako magiging ganito. Hindi ko makikilala yung tunay na ako. Shet, ayan
ka na naman. Ngumingiti ka na naman."

Ngumiti tuloy ako lalo. Hindi ko na kasi ma-contain yung nararamdaman ko. Oo na,
kinikilig na ako.

"Kasunod ng selos, kilig ang mahirap pigilan." Ngumiti ako lalo. I couldn't deny
the fact na kinikilig ako.

Tumawa siya. "E ako naman yung kinikilig kapag ngingitian mo ako ng ganyan. Dyan mo
ako nadale e."
"Hindi ba masyadong gay kapag inamin mong kinikilig ka din?" Tumaas ang isa kong
kilay para asarin siya.

"Hindi ah. Akala mo ba, kayong mga babae lang ang kinikilig? Bakit? Kayo lang ba
ang may puso?"

Hindi na ako nakasagot. Natameme nalang ako sa ngiti niya sa akin. I couldn't
believe that he would be as sweet as this. Parang kailan lang, halos sumpain ko
siya sa bawat pambubwisit niya sa akin. The world really spin upside down. . . at
hindi natin alam ang mga mangyayari sa susunod.

"MISTY! ZION!"

Sabay kaming napalingon ni Zion sa tumawag. Si Eunice pala. nakita kong may hawak
siyang phone at winawagayway niya yun sa ere. Uh oh.

"Tama na yan. Uuwi na raw!"

Nagkatinginan nalang kami ni Zion at natawa nalang sa isa't-isa bago niya ako
hinila patakbo pabalik sa direksyon kung saan kami nagmula.

Goodbye, Baler.

***

We're back in Manila! 9pm na rin nang makauwi ako sa bahay. Inuna kasing ihatid sa
kanya kanyang bahay sina Sab, Eunice, Tyrone pati na rin si Zion. Excited akong
lumabas ng van pagkarating at dumiretso papasok ng bahay. As usual, tahimik na
naman ang bahay. What's new? Kami-kami lang naman ang tao dito.

"DAD! I'm home!" sigaw ko nang pumanhik ako sa second floor. Tumakbo ako sa kwarto
niya at kumatok ng dalawang beses bago pumasok pero natigilan ako nang walang tao
dun.

"Hmm, wala pa si Dad?"

Bumaba ulit ako sa sala habang bitbit ang mga pasalubong ko para kay Daddy. Binili
ko siya ng 'I love Baler' shirt gaya ng suot ko. For sure, magugustuhan niya ito.

Naupo muna ako sa sofa at inayos ang mga pasalubong. Pinagbibigyan ko rin ang mga
kasambahay ko ng mga shirts at delicacies na binili ko. Nakakatuwa kasi nagustuhan
nilang lahat.

It's been almost an hour since I arrived home pero wala pa rin si Dad. Tinext ko
siya pero hindi man lang nagreply. Nasaan kaya si Dad nagpunta?

Aakyat na sana ako papunta sa kwarto ko nang marinig kong may bumusina sa gate.
Bumalik tuloy ang excitement ko at lumabas ng bahay para salubungin si Dad.

"Dad!" sigaw ko nang lumabas siya ng kotse sa driveway. He seemed to be looking


different right no but I shrugged it off and welcomed him with a hug. "I missed
you, Dad!"

"You're home," he seemed to be surprised. Sinabayan ko siya sa pagpasok sa bahay.

"Dad, saan ka ba galing? Kanina pa po kaya ako nakauwi."

Ngumiti siya sa akin at bahagyang tinapik ang ulo ko. "May inasikaso lang ako. Did
you enjoy your trip?"

"Of course, Dad! May pasalubong po ako sayo."

Binigay ko sa kanya yung paper bag pero sinilip niya lang iyon saglit bago niya
hinalik ang ulo ko. Wala yata sa mood si Dad. "Thanks, baby. Magpahinga ka na.
Goodnight."

Dumiretso ako sa kwarto ko at naglinis muna ng sarili bago ako nahiga sa kama ko.
Hindi ko maiwasan na hindi mag-alala kay Dad. Siguro may problema na naman siya sa
business niya kaya wala siya sa mood o baka naman pagod lang din siya.

Whatever it is, I hope he's fine.

Humikab ako at tumagilid sa kama. Pipikit na sana ako nang maalala ko si Zion.
Hindi pa nga pala ako nakakapagpasalamat sa kanya sa bakasyon namin. This would'nt
have been possible without him.

Kinuha ko ang phone ko at nagtype ng message sa kanya.

To: Zion

Thanks for making this trip possible! ^^

Wala pang isang minuto nang magreply siya. Napangiti tuloy ako.

From: Zion

Wala yun. Anything to make you happy. Mahal kita e. :)


LUMIPAS ang ilang araw nang nakakulong ako sa bahay. Wala naman masyadong nangyari
bukod sa pag-anime marathon ko pero hindi katulad noon, hindi na ako na-bored.
Madalas din kasing magtext sa akin sina Tyrone at Zion. Sabi ni Tyrone, dumating na
raw ang Mom niya nung isang araw. Si Zion naman daw ay sinama sa Bohol ng Mama
niya. Nagbakasyon yata. Sina Sab at Eunice naman ay mukhang busy din. Hindi kasi
nagpaparamdam e.

Mukhang ako lang yata ang free ngayon kaya mag-isa akong pumunta sa campus para
mag-enrol for the second semester. Parang kailan lang, first sem pa lang. Ang bilis
talaga ng usad ng araw.

Naglalakad ako nu'n palabas ng admin building dahil kakatapos ko lang magpa-enroll
nang magvibrate bigla ang phone ko. One message received.

From: Tyrone

Ba't nag-iisa ka? :)

Ngumiti ako at automatikong inilibot ang tingin ko sa paligid. For sure, nasa
paligid lang siya nagmamasid.

To: Tyrone

Wala e. Busy silang lahat. Wer r u?

"Nandito, sa likod mo."

Awtomatikong nilingon ko ang nagsalita. Nakapamulsa pa siyang lumapit sa akin. Same


old Tyrone, cool pa rin ang get-up. Parang living Mikorin pa rin ang dating kahit
itim ang buhok.

Nginitian ko siya at kinawayan. "Kamusta?"

"Ayos lang. Nakapagpa-enrol ka na?" Tumango ako. Mas lalong lumaki naman ang ngiti
niya. "Ayos lang ba kung yayayain kitang lumabas?"

"Ngayon?"

Napakamot siya sa batok niya at nahihiyang ngumiti. Ang cute tuloy. "Oo, pwede ba?"

As if on cue, nagvibrate muli ang hawak kong phone. Tinignan ko ang sms at
natigilan ako nang makitang galing iyon kay Zion.
From: Zion

Saan ka? Nandito ako sa campus, future girlfriend. :)

Hmm? Teka. Akala ko ba nasa Bohol ang isang 'to? Biglang mawawala, bigla ring
dumadating. Tss.

"Mukhang may lakad ka yata."

Agad akong bumaling kay Tyrone sa harapan ko. Why not go with him? Hindi naman
siguro masama kung sasama ako, tutal lately naman ay nakakulong lang ako sa kwarto.

"I'll go with you. Saan ba?"

He flashed me his charming smile. "Sa lugar na magugustuhan mo."

Ooh, sounds exciting. Ibinalik ko sa loob ng bag ang phone ko. I'm gonna spend my
time with Tyrone for today.

=================

45. A Date To Remember

Chapter 45

"Are you serious, Tyrone? Dito? As in?"

I surprisingly gaped at him. Hindi ko inaasahan na dadalhin niya ako sa ganitong


lugar. Just. . . just wow. Unexpected!
Ngumiti lang siya sa akin at saka niya ipinakita sa akin ang dalawang ticket na
hinugot niya mula sa kanyang bulsa. "Ayaw mo ba?" his voice was innocent I find him
so cute.

"Are you kidding me? This is A-OK!" Lalo tuloy lumaki ang ngiti sa labi ko sabay
okay sign ko sa kanya.

His brows lifted and his chuckled was deep and warm. He placed both of his hands
over my shoulders and gently pushed meand got squeezed into the crowd towards the
Anime convention.

And yes, nasa isang Anime Convention kami. Unexpected ito para sa akin dahil akala
ko ay pupunta lang kami sa isang mall para mamasyal at kumain. Just like normal
dating, right? Yun talaga yung nasa isip ko nang bumaba kami mula sa bus (The best
thing about Tyrone is I get to commute which I don't normally do with Zion) patungo
dito sa MOA. Akala ko talaga ay mag-i-skating kami o pupunta sa SM Discovery
(though, it's kind of childish move) pero hindi niya ako binigo dahil dinala niya
ako sa SMX.

It wasn't my first time being in an Anime Convention. In fact, thrice ko na itong


na-experience.

Nagpatangay or rather— nagpatulak lang ako kay Tyrone papasok sa convention. Grabe!
Naeexcite ako. Sa sobrang pre-occupied ko lately, hindi man lang ako updated na may
anime convention pala ngayon sa Pinas. Thanks to Tyrone!

After getting our stamps onto the back of our palms, I eagerly pulled Tyrone inside
the main convention. Ang daming stalls, mini boutiques na nagtitinda ng mga manga,
cosplay apparels at merchandise sa paligid. Mayroong ding mga seminars at naka-set
up na stage sa harapan. Over all, this would be a great experience indeed!

"Hindi ko alam na may anime convention ngayon. Akala ko nung September pa." Humawak
ako sa braso ni Tyrone dahil may grupo ng mga cosplayers ang mga pumapari't-
pumaparoon sa daanan. Crowded ang event, as usual. Nakakatakot na baka mawala ako
dito. Luh.

"Actually, first week of October palang may ticket na ako."

Nagtaka ako nang bumaba ang mga mata niya sa kamay kong nakahawak sa braso niya.
Nag-init tuloy ang pisngi ko dahil nakaramdaman ako ng pagkapahiya. Tatanggalin ko
sana pero nagulat ako nang hawakan niya ang kamay kong 'yon.

"Okay lang ba?" tanong niya habang nakahawak pa rin sa kamay ko. I just looked at
him with confusion marked all over my face. "Sabi ko, kung okay lang bang hawakan
yung kamay mo. Baka kasi mahiwalay ka sa akin dito. Responsibilidad kita ngayong
araw."

I nodded my head, feeling giddy as I gazed up at his smooth features. "O-okay."


Ngumiti siya at ibinaba ang kamay kong hawak niya. Ganito pala ang feeling kapag
ang kasama mo ay gentleman. Hindi agresibo. Tyrone is a man of calm demeanor.

Para tuloy akong nawala sa sarili simula nang hawakan niya ang kamay ko. I would
look at our hands locked together from time to time. Hindi ko maiwasang hindi
mapangiti dahil parang baby yung kamay ko kapag nadikit sa kamay niya. Ganito rin
ba yung feeling kapag naghoholding hands kami ni Zion?

Zion. . . Wait. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko si Zion. Oo nga pala! Hindi
ko siya na-replyan kanina. Geez, paniguradong beastmode na naman ang isang yun
dahil pinaghihintay ko siya sa campus. But on second thought, hindi ko siya
pinaghintay sa campus. As a matter of fact,bigla siyang sumulpot from his vacation
without telling me. Maybe he was going to surprise me. Uh oh—

"Aray!" daing ko nang may mabangga akong matigas na bagay— este kasuotan ng isang
cosplayer. He was almost half naked kung hindi lang dahil dun sa metal-like na
nakabalot sa kanang braso niya until I realized something.

"Edward Elric?" I blurted out. OMG! Kuhang-kuha niya si Edward Elric ng Full Metal
Alchemist.

Ngumiti lang siya sa akin at nag-pose ng bahagya. Bahagya kong niyugyog ang kamay
namin ni Tyrone para kunin ang atensyon niya. "Tyrone, papicture tayo!" At nilabas
ang phone ko.

Tyrone just gave me a small smile when I striked a pose beside Edward Elric. "Thank
you!" sabi ko sa kanya at aalis na sana nang marinig kong may mahina siyang sinabi.

"I think I met you before, Miss."

I just looked at him with my wondering eyes. "Ha?"

Ngumiti lang siya sabay iling ng ulo. Nagkatinginan kami ni Tyrone nang hilain ko
siya palayo du'n sa cosplayer na medyo weird. "Kilala mo 'yun?" tanong ni Tyrone sa
akin.

"Hindi, 'no."

Napa-'hmm' ako nang maramdaman kong hinigpitan ni Tyrone ang kapit niya sa kamay ko
at pagkatapos ay sinabing, "Tara. . ."

Marami pa kaming nakasalubong na mga cosplayers sa paligid ng convention. Nanliliit


nga lang ako tuwing napapadikit kami sa kanila e. Ang gaganda nila, sobra. Grabe
yung effort ang in-exert nila sa mga costumes nila. I could recognize other anime
characters while the others weren't familiar to me.
"Hmm, tignan ko kung bagay sayo 'to," sabi ni Tyrone nang tumapat kami sa
Lolitavirus and Perkee stall. Ang daming mga head dress, kawaii caps at headbands
ang tinitinda nila. Natawa ako nang kumuha si Tyrone nang isang headband na may
tenga ng pusa at saka niya ito sinuot sa akin. He stared at me and acted as though
checking me if it looks good on me.

"Bagay ba?" Nagpose pa ako para sakyan ang trip niya.

Ngumiti siya at nagulat ako dahil pinisil niya pa ang pisngi ko. "Kawaii, Misty-
chan. . ."

Nakatingin lang ako sa kanya habang nakangiti nang binayaran niya yung headband na
pinili niya para sa akin. Halata pa nga sa kanya ang pagtataka nang mapansin niya
iyon. "Oh, bakit?"

"Ang cute mo talaga kapag nag-Jajapanese ka. Marami ka pa bang alam na Japanese
words?"

Nagpatuloy kami sa pag-iikot-ikot sa convention. Nadaanan namin yung gamers section


kung saan naglalaro yung mga lalaki ng Computers. Our walk was slow pace. Hindi
nagmamadali. Kumbaga, inienjoy lang naman ang bawat segundo na nandito kami.

"Hmm, nag-aral ako ng tatlong taon sa Japan kaya medyo naka-adapt ako sa kanila
pero dito talaga ako lumaki sa Pinas."

I nodded my head at him. I find him so interesting. "So, marunong ka talaga mag-
Japanese?"

Nagkibit-balikat siya. "Medyo."

"Sample nga!" Siniko ko siya kahit na magkakapit pa rin ang mga kamay namin.

Kumunot naman ng bahagya ang noo niya at bahagyang tumingin sa itaas na para bang
nag-iisip. Sa totoo lang, hindi ako nagbibiro sa sinabi kong ang cute niyang
magsalita ng Japanese words. Ang sarap ngang pakinggan sa tenga e. Err. . . Naalala
ko na naman tuloy yung letter/sketch na binigay niya sa akin sa Baler.

"Anata wa watashi ni totte tokubetsu desu, Misty-chan. . ." I was stuck staring
into his eyes. Kung hindi lang siya tumawa ng mahina ay baka nakatulala nalang ako
sa kanya magdamag. Nang sinabi niya 'yon, napakalambing ng tono ng boses niya. I
wonder what does it mean?

"So. . . anong ibig sabihin nu'n?"

Nagkibit-balikat lang siya at naglakad na palayo. Hala, iwanan daw ba ako?


"Uy, Tyrone! Anong ibig sabihin nun?" Hinabol ko siya pero hindi niya ako
tinitignan. Nakakaloko lang kasi parang may kung ano sa ngiti niyang hindi ko
maintindihan. "Ang daya nito ni Tyrone. . ."

Humarap siya sa akin nang nakangiti pa rin at pagkatapos ay nilahad niya ang kamay
niya sa akin. "Te wo tsunaide."

"Ha?" Oo na, ang cute niya nang magsalita pero wala akong ma-gets!

He just chuckled at my confused expression. "Te wo tsunaide, hmm."

Tinignan ko ang kamay niyang nakalahad. Hindi ko man siya magets ay hinawakan ko
nalang ang kamay niya. "'Wag ka na nga lang mag-Japanese. Wala akong ma-gets,"
sabay kamot ko sa ulo ko.

"Kapag naging tayo na, tuturuan kitang mag-Japanese."

My mouth gaped open at his words. Na-shock lang ako sa sinabi niya dahil ngayon
lang siya nagsalita ng ganyan. Usually kasi, si Zion lang ang madalas na magpush sa
akin about future happenings na kesyo kapag sinagot ko siya, magiging ganito.
Hayy... Teka, ba't napasok si Zion dito?

Tumikhim si Tyrone at medyo yumuko. Marahil ay tumingin siya sa sapatos niya para
matanggal yung awkward silence sa pagitan namin. "'Wag mo sanang masamain, Misty.
Hindi naman ako nagmamadali e. Aish, 'di bale na nga."

Para tuloy siyang na-upset sa sinabi niya sa akin. I didn't take it seriously
naman. "Uy, Tyrone. Ayos lang naman. Sanay na ako kay Zion na sinasabi yan kaya
keri lang." Ngumiti ako sa kanya pero nanatili siyang nakasimangot.

He breathed out before he gave me a nod. Baka masira pa ang araw na ito sa pagka-
upset niya kaya niyaya ko na siyang maglibot-libot sa convention hanggang sa may
nakita akong stall ng mga wigs. And from that very moment, may pumasok na brilliant
idea sa utak ko.

"Tyrone!" I called his name loudly even though we're an inch apart. "May gusto
akong gawin. Okay lang ba sa'yo?"

Nagkibit-balikat siya. Favorite gesture niya yun e. "Okay lang. Kahit ano. Basta
ikaw. Ano ba yun?"

I smiled sheepishly at him and then pulled him towards the stall. This is going to
be fun!

***
"Yay, kawaii!" sigaw ko nang makita kong lumabas na finally mula sa comfort room si
Tyrone suot ang binili naming costume para sa kanya. It was just an ordinary school
uniform na usually na makikita sa mga anime. Kamukha niya na tuloy lalo si Mikorin!

"Okay lang ba?" Conscious na inayos niya ang suot na pulang wig. OMG! Bumalik tuloy
yun Mikorin vibes niya.

Mabilis akong tumango. "Oo naman! Ang gwapo mo, Mikorin-chan."

He was shyly smiling at me while looking at me from head to toe. "Ikaw din. Ang
ganda mo, Kouko-chan."

Yes, pati ako ay nag-costume rin. Nirequest kasi ni Tyrone na kung magcocostume daw
siya, dapat pati rin ako. Ewan ko ba, wala naman talagang school uniform si Kaga
Kouko sa Golden Time e, pero para partners kami ni Tyrone ay yun nalang ang binili
kong costume. Besides, ang cute naman e. Mukha kaming Japanese middle school
students. Hoho.

"So, ako si Kouko at ikaw naman si Mikorin." Inayos ko ang wig kong color light
brown na abot hanggang pwet. "Ang cute natin. Golden Time at Gekkan Shoujo."
Pinagpagan ko naman ang suot niyang long sleeve at inayos ng bahagya ang necktie
niya. Napahagikhik ako nang makitang may hawak din siyang red rose katulad ng
totoong Mikorin. Nakakatuwa talaga! "Perfect! Tara?"

"Saglit lang."

"Hmm?"

Nilabas niya ang kanyang phone at pinaharap sa akin. At dahil matangkad siya ay
medyo nag-duck siya para pantayan ako. "Picture tayo. . ." he whispered to me
before I smiled at the camera. Click!

"Come on!"

Hinila ko siya pabalik sa convention pero unlike kanina, naaagaw na namin or


rather, naaagaw na ni Mikorin si atensyon ng iba. Yay! Headturner ang peg niya.

"Kuya. . ." Nagulat kami nang may humarang sa aming tatlong babaeng naka-kimono.
"Pwedeng papicture, Mikorin?"

Tumingin sa akin si Mikorin este si Tyrone. Yung ganyang tingin parang nagpapaalam
lang sa akin. Kaya naman sinenyasan ko siya ng; 'go ahead!' at bahagya akong nag-
step aside.
"Kuya, please!"

Inayos niya muna ang pula niyang wig at halos magtilian yung mga babae sa ginawa
niya. Naku, kung nakita niyo sana yung red dyed hair niya noon, mas mawiwindang
kayo, girls. Hahaha.

"Hmm, sige—"

Nagtatalon ang tatlong babae sa tuwa. "Kyaaaaah!! Dali, picture-an mo na kami!" At


nag-unahan pa sa tabi ni Tyrone.

"Saglit lang. . ." Pero natahimik din agad nang magsalita si Tyrone. "Pero isama
natin siya," sabay tingin niya sa akin. Napaturo tuloy ako sa sarili ko. As in,
ako? "Siya si Kouko ng Golden Time. Tara, Misty."

"Hindi na. Kayo nalang."

Pero hindi nagpaawat si Tyrone dahil nilapitan pa ako at dinala sa pwesto nila.
Wala akong nagawa kundi ang maki-pose nalang.

"Thank you!" sabi ng mga babae bago umalis.

"Ikaw talaga. Sinali mo pa ako!" Sinimangutan ko siya nang pabiro.

Ngumiti lang siya sa akin bago inayos ang strands ng wig ko. "Nakakahiya. Simpleng
guests lang naman tayo dito at hindi talaga cosplayers."

I shot him a teasing grin. "Sabi sayo e! Kamukha mo si Mikorin."

He let out a amused laugh before he took a hold of my hand. "Sus, tara na nga!"
sabi niya at tinangay na naman ako kung saan.

We tried a lot inside the convention. There's this Capsule Station na sikat sa
Japan. We inserted a coin tapos may nakuha kaming toy. Alam kong simpleng toy lang
yun pero sobra talaga akong natuwa. Ganun siguro talaga kapag otaku. Anything that
involves about anime is happiness! Hahaha.

We even listened to the bloggers seminar at medyo nakinig din kami dun sa mga
professional dubbers. Ang believe it or not, we got to try how to dub the actual
anime like the professinals do! Bongga diba?

Sinulit namin ang Anime Convention. We boought lots of anime merchandise (mga
miniatures, pins, shirts and stuff) at syempre hindi mawawala ang mangas. All in
all, we made the most out of it!
"Grabe! Ang dami nating napamili, Tyrone." Palabas na kami nun nang convention nang
pigilan ako ni Tyrone sa wrist. "Bakit?"

Sinundan ko ang tinitignan niya. Now, I get it. . . Photobooth. "Subukan natin?"
suggest niya.

I willingly nodded at him before we squeezed inside the booth. Katulad din ito ng
mga photobooths sa Japan. Although, hindi pa naman ako nakakapunta ng Japan. Basta
alam ko, widespread ito sa Japan. Hoho.

"Five shots in a row?" basa ko sa caption sa inuupuan namin bilang translation ng


Japanese words sa screen. "Game!"

"Ichi ni tsuite, youi, don!" Tyrone exclaimed and we strike five consectuve kawaii
poses.

Pagkakuha namin sa copy ng photo namin ay lumabas na kami agad ng booth. Sobrang
cute ng kuha namin! This is indeed a date to remember.

"Saan mo gustong kumain?" tanong niya habang tumatawid kami sa kalsada papunta sa
mall.

Ngumuso ako at hindi nakasagot. Nag-iisip kasi ako kung saan masarap kumain since
nagugutom na rin ako. "Hmm, what about a Japanese Restaurant?"

"Sige."

Nahuli niya ang kiliti ko. I realized that we clicked so well. So, he deserved a
point for making me smile.

Zion 2, Tyrone 2.

MADALI kaming nakahanap agad ng Japanese Restaurant sa mall na 'yon dahil gumamit
kami ng Directory nung mall. We ended up in Watami Japanese Restaurant which is a
nice place dahil walang masyadong tao. Yun nga lang, medyo pricey yung menu.
Nakakahiya naman dito kay Tyrone.

"Tyrone," I called him out. Mula sa menu ay tinignan niya ako. "Mahal pala dito,"
bulong ko sa kanya. Hindi naman sa sinasabi kong hindi niya afford dito. It's just
that we spent a lot in the Anime Convention earlier. Mabigat na masyado sa bulsa.

"Okay lang," he chuckled as he picked something for us. "Watami Special Deep Fried
Chicked on Hot Pan, please."
Todo sulat naman sa papel yung waiter. Ugh, ang mahal pa ng pinili niya. "What
else, Sir?" tanong ng waiter.

"Misty, gusto mo ng soup?" tanong niya sa akin habang nakaturo dun sa menu na
tinutukoy. At nanlaki ang mga mata ko nang makitang isa pa iyong mahal! It looks
delicious but the price is tastier. Geez.

Ngumiwi lang ako. "Mahal. . ."

"Masarap 'to," sabi niya sa akin at bumaling ulit sa waiter. "Sumo Wrestler Hot Pot
with Miso Soup. Sa drinks, we'll have Bottomless Lemon Iced tea. Ano pang gusto mo,
Misty?" tapos tumawa siya.

"Bakit?" Anong nakakatawa diba?

Umiling lang siya. "Iced tea. Misty. Magkatunog."

Oo nga, 'no. Natawa na rin tuloy ako. "Ewan ko sayo. Okay na yan," sabay sarado ko
ng menu.

"Hmm, for desserts, we'll have maccha parfait and chocolait parfait."

Laglag ang panga ko nang tinignan siya. Mukhang hindi na yata ako maghahapunan
mamaya at mag-uumagahan bukas dahil sa in-order niya.

"Ang dami naman!" sabi ko sa kanya nang makaalis na yung waiter. "Mauubos ba natin
'yon?" Nagkibit-balikat siya habang inaalis ang wig sa ulo niya. "'Wag mo munang
alisin 'yan. Ang cute kaya."

He chuckled. "Sabi mo e," tapos inayos niya nalang ito sa ulo niya. "Nag-enjoy ka
ba sa date natin?"

Natahimik ako bigla, pero hindi maalis ang matamis na ngiti sa labi ko. "Oo naman,
ang saya. Salamat, Tyrone."

"Walang anuman."

Awkward silence. . . Inalis ko ang tingin sa kanya at nilabas kunwari ang phone ko
para mailihis ang atensyon namin. At. . . gusto kumawala ng mga mata ko nang makita
ang 30 unread messages and 37 missed calls ko. All of them were from the one and
only Zion. ASDFGHJKL!

From: Zion
Where are you?

From: Zion

Misty, saan ka ba?

From: Zion

Dito na ako sa campus. Saan ka ba? :(

From: Zion

Nandito ka pa ba?

From: Zion

Answer my call.

And so on and so forth. Hindi kinaya ng konsensya ko kaya nagtype agad ako ng
reply. Nawala sa isip ko na replyan siya. Masyado akong nalibang sa convention.
OMG! Kamusta na kaya yun?

To: Zion

Zion, sorry! Niyaya kasi ako ni Tyrone na lumabas. Nakalimutan ko magreply.

Wait. Hindi dapat ganito ang reply ko. Paano kung magalit na naman yun kay Tyrone?
Mainit pa naman ang dugo niya dito. Argh, delete message!

To: Zion

Sorry, Zion. Ngayon ko lang chineck ang pho

Hindi ko na natapos ang pagtatype ng message dahil narinig kong nagsalita bigla si
Tyrone sa harap ko. Pagtingin ko sa kanya, may kausap pala siya sa phone.

"Hello, Ma. . . MOA po. Bakit?. . . Ha?" tapos lumilingon siya sa paligid. Du'n sa
glass wall exactly at may kung sinong kinawayan du'n. "Wait lang po," he said and
hung up. He faced me with a worried expression on his face. "Misty, nandyan si
Mama."

"What?" Nataranta tuloy ako. Inilagay ko muli sa bag ko ang phone ko at inayos ang
buhok ko. "Anong gagawin ko? Nakakahiya, Tyrone."

He just snickered at my distress. "'Wag kang mag-alala. Mabait si Mama." Nalaglag


ang panga ko nang umalis siya sa table para lumabas ng restaurant.

Hindi tuloy ako mapakali sa table namin. Para akong aso hindi mapaanak. AAAAAAHH!
Hindi ako ready. Mabait? Yung Mama niya? E kailan lang nung malaman kong siya ang
dahilan kung ba't naghiwalay sila ni Reishel. Now, I'm stereotyping that she's a
villain type mother.

"Is she the one you're talking about?" Malakas na boses ng babae ang nagpaangat ng
ulo ko. Lumunok ako nang makita ang nasa mid 40's na babaeng kasama ni Tyrone
habang papasok na restaurant. Yung stereo-typing na nasa utak ko, biglang naglaho
nang makita ko na ang Mama ni Tyrone.

"Kon'nichiwa," she gracefully greeted me and so I stood up politely. Hindi ko alam


kung yuyuko ba ako o makikipagkamay. Nagulat nalang ako nang yakapin niya ako. My
heart stopped for a split second. Jusmio.

"O genki desu ka?" tanong niya na mabuti nalang ay nagets ko dahil basic Japanese
phrase lang iyon.

I flashed a smile. "I'm fine po. Thanks." I swear, nanginginig sa kaba ang mga
kamay ko.

Mmay binulong si Tyrone na kahit narinig ko ay hindi ko naman nagets dahil nag-
Japanese chuchu na naman sila. The woman smiled warmly as she sat down on one of
the chairs. Ang ending tuloy ay nagkatabi na kami ni Tyrone.

"Sorry for my poor English, Misty. Tyrone told me you're no understand Japanese.
So, I try my best to speak in English. Okay?"

Ngumiti ako sa sinabi niya. Saglit din kaming nagkatinginan ni Tyrone na cool pa
rin ang expression.

"Sorry to disturb your date. I just accidentally saw Tyrone here, so I called him
on phone. I was really gonna eat in Jollibee but I couldn't find one," and then she
laughed inwardly. Did I mention that she's wearing a simple shirt and a pair of
pants? Mukhang bata ang nanay ni Tyrone. Akala ko pa naman, very sophisticated ang
dating nito pero I was wrong. She was so beautifully simple. And her smile, it
reminds me of Tyrone's.

"Kung gusto mo, Ma, bilhan nalang po kita ng pagkain sa Jollibee. Gusto mo po ba?"
alok ni Tyrone.

Ngumiti lang ang ginang at tumango. "Sure. Thanks, TJ. Alam mo na favorite ko."
Tyrone gestured something to me which I quickly understood. Kumaway siya sa akin
bago lumabas ng restaurant. Nakakaintindi naman pala ng Tagalog ang Mama niya. Err.

"So, Misty, right?" She asked and I nodded with a smile. "I'm no confident speaking
Tagalog and English either."

"It's okay, Ma'am. No problem," I replied sincerely.

"Ako nga pala si Chiharu. You may call me Tita Chiharu," sabay bow niya. Naki-bown
na rin tuloy ako. "Kamusta ka?"

Aww, ang cute ng accent ng Tagalog niya. Sure ba talagang ina siya ni Tyrone? Para
lang silang magkapatid e. "Ayos lang po ako. Ikaw po?"

"Okay lang din. I shopped around kanina mag-isa. 'Di ko alam na nandito rin pala si
TJ." She stopped for some seconds and stared at me. "TJ told me a lot about you on
Skype."

"Ako po?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Kinabahan tuloy ako lalo.

Ngumiti siya sabay tango. "Oo. He's courting you, am I right?" Tumango ako. "Siya
tutor mo sa Math. Am I right?"

"Opo."

Lumaki lalo ang ngiti sa labi niya. "Alam mo, si TJ, he is such a nice boy. I'm
happy kasi bumalik na yung dating siya."

Kumunot nang bahagya ang noo ko. Ano ba ang dating siya? Nagtataka tuloy ako.

"I really missed my son. You brought him back to us," she said and it became more
confusing. Nabasa niya yata ang pagtataka sa mukha ko dahil bumuntong-hininga siya.
"You know, Reicel?"

"Reicel?" Sinong Reicel? And then I realized, was it Reishel?

"Reicel. . . She was his girlfriend. She ruined him. Natuto siya mag-skip ng class
para sundin ang sinasabi ni Reicel. He had low grades and even learned how to
smoke. He was wasted with her. I don't like that woman for TJ."

Pinanindigan ako ng balahibo nang abutin niya ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw
ng lamesa. I felt my own breath hitch in my throat.
"Will you promise me to stay by his side, Misty?"

Hindi ako makatagal sa pagtitig sa mga mata ni Mrs. Chiharu. Ayokong magbitaw ng
pangako dahil para sa akin, mas mabuti pang hindi nalang umimik kaysa ang umoo sa
mga bagay na walang kasiguraduhan.

"Ma'am, here's your order. . ." Mabuti nalang ay dumating ang waiter para dalhin
ang order namin dahil yun ang pagkakataon ko na bumitaw sa kamay ng ginang.

"Mrs. Chiharu, let's eat?" I cut off the awkward silence between us and just smiled
it off.

"Thank you. I'll just wait for TJ to come."

NATAPOS ang dinner namin nang matiwasay. Mabuti nalang ay bumalik din si Tyrone
agad ilang minuto matapos ihatid ang order namin ng waiter. Mrs. Chiharu wanted
something new kaya siya nag-Jollibee. She was nice that I couldn't help but to feel
uncomfortable around her. Feeling ko kasi ay may mali.

"Nandito na tayo, Misty."

Tumingin ako sa bintana pagka-anunsyo nu'n ni Tyrone. Binayaran niya muna ang taxi
driver bago ako pinagbuksan ng pinto. Siya na rin ang nagdala ng lahat ng pinamili
namin.

"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tahimik e," he worriedly asked. Humarap ako sa kanya
at ngumiti ng maliit.

"I'm fine. Napagod lang ako."

"May sinabi ba sayo si Mama?"

Umiling lang ako ng dahan-dahan. "Wala, 'no. Na-consume lang talaga ang energy ko
ngayong araw kaya lowbat." Tumawa ako ng pilit.

"Okay," he replied with a smile before he touched my head. "Salamat sa araw na 'to.
Sana napasaya kita. Para sa'yo. . ." sabi niya nang iabot sa akin ang rose na
ginamit niyang prop kanina sa pagcosplay.

I smiled lazily as I received the rose. "Oo naman. Salamat din." Tumango ako at
inabot na ang mga paperbags na pinamili namin at pagkatapos ay pumasok na sa loob
ng gate. Bago ko sinarado ang gate ay kumaway ako sa kanya.

I felt so worn out I wanted to go straight in my bed but that idea brushed off my
mind when someone called my name, stopping me from getting on the stairs.
"Misty." Lumunok ako ng bongga. Oh, no. Not now. "Saan ka galing?"

I groaned aloud. "Pagod ako, Zion. Please lang. Not now." Oo, sino pa ba? Ang
fatherly suitor ko. Si Zion!

"At ano namang ginawa niyong dalawa ni Tyrone para mapagod ka ng ganyan?"

Para siyang imbestigador magtanong kaya hinarap ko siya't tinignan ng masama. "We
went to an Anime Convention. Nagshopping. Naglaro. Nagphotobooth. Nakinig ng
seminar. Naglakad. Huminga. Kumain. Uminom ng bottomless iced tea. Nagtaxi pauwi.
So, nandito na ako. Nasa bahay. Ngayon, paakyat nasa kwarto. Pwede na po ba akong
magpahinga? Pagod na ako, Dad." Puno ng sarkasmo ang sagot ko. E sa pagod na nga
ako tapos iinterrogate pa!

Naglakad siya palapit sa akin nang nakahalukipkip at mataman akong tinitigan. "So,
in short, you went out on a date. Hmm?" Umirap ako. Obvious naman kasing date yun.
"Kung ako ang ka-date mo, uuwi ka ng pagod pero hindi ganyan kabusangot ang mukha.
So, tell me. What happened?"

Inikutan ko lang siya ng mga mata. "Pwede bang akin nalang 'yon? Baka kasi kapag
kinuwento ko ay kiligin ka pa. Goodnight!"

Kumaway na ako at akmang aakyat na sa stairs nang. . .

"Ang daya mo. Hinintay kita ng apat na oras sa campus, hoping that you were there
pero wala ka. Ni isang reply, hindi magawa. Paano kasi nakipagdate sa iba. Oh, ito
na yung pasalubong mo galing Bohol. Goodnight na nga."

Nilingon ko siya at naabutan kong paalis na siya. Pero alam niyo yung palingon-
lingon pa? Halatang nagpapapigil. Nag-iinarte na naman ang isang 'to at nakakainis
kasi hindi ko matiis!

"Sorry na!" Kinuha ko yung basket sa lapag ng stairs na pasalubong niya at saka ko
siya nilapitan. "Nawala kasi sa isip ko na magreply e."

Humarap siya nang nakanguso. "Kasama mo lang siya, nawala na agad ako sa isip mo?
Ba't nung nasa Bohol naman ako, kahit anong gawin ko du'n, hindi ka mawala sa isip
ko?"

Sinapak ko siya sa braso. Ayan na naman yang mga hirit niyang hinugot sa ilalim ng
dagat. Tss.

"Ewan ko sa'yo. Ikaw lang ang kilala kong suitor na napakaseloso." Sinilip ko yung
laman ng basket. Natakam ako sa laman. "Anyway, salamat dito. Umuwi ka na para
makapagpahinga ka na."
Hindi siya kumilos at aroganteng nakangisi lang sa akin. "Ako? Seloso? Misty, ang
pagiging seloso ay tanda lang ng pagiging seryoso. Kaya sige, tawagin mo na akong
seloso."

I looked at him with a mocked smile. "Seryoso agad? Hindi ba pwedeng seloso lang
talaga? As in, just a jealous type and nothing else? FYI, hindi pa tayo kaya sana
timbangin mo muna yang selos mo, ano po?"

Nagkibit-balikat siya sabay nagpamulsa. "Nah, ang selos nararamdaman yan kahit wala
kayong relasyon. Basta nasanay ka lang na nasayo ang atensyon. Binabalewala mo kasi
ako." Bumuntong-hininga siya at kumaway na. "Sige na. Aalis na ako. Goodnight."

Hindi ko alam kung bakit nafrustrate ako sa sinabi niya na tipong ginulo-gulo ko pa
ang buhok ko nang makatungtong siya sa doorstep.

"Fine!" Pahabol ko. Lumingon siya. "Sa Saturday, tayo naman ang mag-date." Sabay
irap ko at tumakbo na paakyat ng hagdanan pero hindi pa man ako tuluyang
nakakatungtong sa second floor ay narinig ko ang boses niya.

"YES!"

Napangiti't napailing nalang ako sa sarili ko.

Yhel's note: 'Yan yung itsura ni Mikorin kapag kinosplay, though hindi yan yung
imaginary face ni Tyrone. Ano lang, just imagine Tyrone na ganyan yung itsura niya
nang i-cosplay niya si Mikorin. ;)
=================

46. Urgent

Yhel's note: On the photo are Misty (Park Chorong), Eunice (Eunji) and Sab (Bomi).
Lahat sila ay from Apink. :)

Chapter 46

"Ang tagal..." Kanina pa akong nagngitngit sa inis dito sa kinauupuan ko.


Kasalukuyan akong nasa isang cafe na located sa labas ng mall. Sinuggest ko kasi
kay Zion na 'wag na akong sunduin sa bahay at dito nalang magkita para maiba lang.
Lagi niya lang kasi akong sinusundo. At least kapag dito na kami magkita sa mall ay
diretso na kami sa kung anong dapat puntahan namin.

Today is Saturday. November 2. Sa makalawa na ang first day ng second semester kaya
naman ay nilulubos ko na ang nalalabing araw ng sembreak. Kahapon, kami ang lumabas
ni Dad. We went to visit my grandfather's tomb since undas naman. Pagkatapos nun ay
saglit kaming namasyal ni Dad at kumain sa labas. Masaya naman pero pakiramdam ko
ay may kulang pa rin.

'Nuff said. . . Ngayong araw na ang date namin ni Zion pero heto ako ngayon at
halos magdadalawang oras na siyang hinihintay. Inuunti-unti ko nga lang yung
pagsimsim ko sa milktea ko na halos walang lasa dahil kanina pa ito natutunaw. Ugh.

"Saan na ba yung lalaking 'yon?" inis kong sambit sa sarili at kung pwede nga lang
matunaw sa tingin ang phone ko ay baka naglaho na ito.

Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Okay, I'll wait for him
for another 15 minutes. Baka na-traffic lang o baka naman may pakulong hinahanda.
Stay optimistic, Misty girl. Hindi ka iindianin ng lalaking 'yon. No, never. Not
ever.

Ngunit kalahating oras na ang nakalipas at kahit ni anino niya ay wala akong
nakita. "Ugh!" Nilukot ko ang tissue na nakalagay sa ibabaw ng mesa at du'n nilabas
ang inis ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid pero. . . ugh, wala pa ring akong
nakikitang lalaking nagngangalang France Zion Madrigal.

Halos mapaigtad ako sa pagkabigla nang biglang tumunog ang phone ko. Hoping that it
was Zion, I quickly took a hold of it and checked on the message. It was really him
but my hopes failed when I read what's written on it.

From: Zion

Sorry, can't make it today. I'll make it up to you next time. Urgent lang. :(

Okay, Misty. Kalma. . . Urgent daw. Be considerate. Urgent daw e. Malamang


importante yung gagawin niya dahilan para ipagpalit niya ang date ninyo sa kung
anumang 'yon. Just smile and leave. Ganyan nga, kalma lang.

Pero. . . Hindi ko kaya. "Ugh, paasa!" bulalas ko. Pinagtinginan tuloy ako ng ilang
customers dahil medyo napalakas ang sabi ko nu'n. I just hastily grabbed my body
bag and left the cafe. Walang direksyon, basta naglakad lang ako palayo sa lugar na
iyon.

Two hours akong pinaghintay tapos hindi naman pala dadating. Sa susunod nga, dapat
siya na ang mauna sa location! Nakakainis e. Maaga pa naman akong umalis sa bahay.
Nagbihis pa naman ako ng maganda ngayon tapos. . . tapos...

"ARGH!" Nagpapadyak ako sa gitna ng daan. Hina-highblood ako kay Zion. Ano ba kasi
yung 'urgent' thing na gagawin niya para indianin lang ako?

Magrereply sana ako sa kanya pero naisip ko na huwag nalang. Para saan pa? Wala na.
He ditched me. He ruined my mood. Excited pa naman ako sa magiging date namin— ugh,
don't get me wrong. Kung nag-enjoy ako sa date namin ni Tyrone nung nakaraan, for
sure maeenjoy ko ring kasama si Zion. Ngayon ko lang naranasan na makipag-date.
Sinira niya pa!

Hayyy. I took a deep breath and closed my eyes in the middle of the path walk. So,
what if he ditched me? Hindi naman kawalan yun sa akin. Aba, blame himself for
taking me for granted today. Tama... Smile, Misty. There are lots of ways to enjoy
this day without him. Nagmulat ako ng mga mata at nagpatuloy na sa paglalakad.
Naupo ako sa una kong nakitang outdoor lounge.

"Hmm, si Tyrone kaya?" tanong ko sa sarili, hoping if he could come to keep me


company today. Hinanap ko kaagad ang contact niya sa phone ko at tinawagan siya.

He picked it up after three rings.

"Moshi-moshi, Tyrone-kun." I greeted him warmly. Ito talagang si Tyrone, sigurado


akong always on the go siya para sa akin. I'm sure of that. Hmp!
"Hi, Misty. Kamusta? Napatawag ka?"

Lumunok ako para bumwelo. "Hmm, may gagawin ka ba ngayon?"

Nangamba ako nang hindi siya kaagad nakasagot. Hindi naman Sunday ngayon 'di ba?
So, wala siyang Church duties ngayon. So, I presume na free siya ngayon.

"Ngayon? Actually, meron e. May lakad ako. Pasensya na. Babawi nalang ako, Misty."
I fell flat on my face. Pati siya, hindi pwede ngayon? What's with people today?

A horse laugh came out from my mouth. It was more of a sarcastic and less than of
an amused laugh. "Ganu'n ba? Okay lang. Tinanong lang naman kita. Sige, Tyrone.
Have fun on your whereabout today." Nakakadisappoint. Huhu.

"Ikaw din, Misty. See you," he replied and I was the one to hang up the call.
Laglag ang balikat kong natulala sa phone ko. Busy silang lahat. Uuwi na ba ako?

And then, I remembered Sab and Eunice. Busy din kaya sila? With a hopeful
expression on, I phoned Sab tentatively.

"Hi, Sab!" Energetic kong bati. This is going to be my last try. Kapag hindi sila
pwede ni Eunice, uuwi na talaga ako.

"Hi, Misty. What's up?"

Tumikhim ako at nag-corss finger. "Nothing much. Free ka ba today? Nasa mall kasi
ako. Baka pwede mo akong samahan."

"Ay, hindi pwede e." No way. Wala na!

I jutted my lower lip in a pout. "Ganu'n ba?"

"Hmm, oo. Nandito kasi kami sa campus ni Eunice ngayon—"

Nabuhay ang natitirang pag-asa sa katawan ko. "Sa campus? Alright! I'm coming...
See you!"

With my friends around, this wouldn't be a bad day after all.

***

"Inindian ka ni Zion?!" Hindi makapaniwalang reaction ni Eunice nang ikuwento ko sa


kanila ang pangyayari. Nasa cafeteria kami ng E.H.U ngayon. It turned out na ngayon
palang pala magpapaenrol sina Sab at Eunice kaya nandito sila. Kaya naman afet
nilang magpaenrol ay niyaya ko na agad sila dito sa cafeteria. And because they'll
keep me company today, I will be the one treating them for their late lunch.

"Oo, inindian ako ng paasang 'yon. Two hours kaya akong naghintay dun sa mall," I
said, throwing them my sullen look. Sa itsura nila, mukhang nadismaya sila sa
ginawa ni Zion.

"Bakit naman yun magagawa ni Zion? Ka-chat pa namin yun sa groupchat namin kagabi
e. Hindi ba, Eunice?" May kasama pang pagsiko si Sab kay Eunice.

"Oo!" Eunice eagerly answered. "Nagpapasuggest pa nga siya sa amin kung ano ang
date na gusto ng mga babae. Kung saan ka dapat dalhin, kung anong dapat ibigay. Mga
gano'n..." Napanguso nalang ako sa sinabi niya. Siya naman ay nagpangalumbaba sa
mesa habang sumisimsim sa fruitshake niya. "Imposible. Ano naman ang
pinagkakaabalahan ng lalaking yun ngayon?"

"Kung sino pang excited, siya pa ang wala. Ibang klase." Halos mapatalon ako sa
biglang paghampas ni Sab sa akin sa braso. "Basta, huwag kang matuturn off kay Zion
ha? Baka nga may importante lang talagang gagawin yung tao."

Napailing nalang ako sa sinabi niya. Halata kasing biased ang dalawa kay Zion.
Hindi ko tuloy gets kung bakit. Ano kayang pinakain ng lalaking 'yon sa dalawang
ito?

Sumubo ako ng isang fries sa bibig ko bago ko sila pinukulan ng makahulugang


tingin. "Tell me, bakit botong-boto kayo kay Zion? Mabait din naman si Tyrone. He's
close to being perfect pa nga."

Nagkatinginan na naman silang dalawa. Para bang nag-uusap ang mga mata nila.

Bumaling si Eunice sa akin nang nakangisi. "Hmm, ganito kasi yun, Misty. Nilalagay
lang namin ang sarili namin sa sitwasyon mo. Sige, given the fact na crush nga
namin si Zion pero hindi lang iyon ang dahilan. Alam mo bang malaking challenge sa
buhay ang pagkakaroon ng identity crisis?"

Halos tumalon ang puso ko sa paghampas ni Sab sa mesa. Hindi siya masyadong
manghampas in fairness. "Oo nga, Misty. Ganun kalakas ang epekto sayo ni Zion." She
paused a little. Medyo naguluhan naman ako sa sinabi niya. "Ay, baligtad pala.
Ganun kalakas ang epekto mo kay Zion. In that case, he's seriously in love with
you. Hindi mo ba nararamdaman yun?"

Ngumuso ako. Point taken naman kasi. Ramdam kong seryoso siya sa akin. Siguro nga,
presko lang siya pero kahit ganun ay seryoso pa rin siya.

"Misty, sumagot ka. Nararamdaman mo ba yun?" Si Eunice na ang nagtanong. Bumuntong-


hininga ako sabay tango. I couldn't deny that. "Ayun naman pala e. Matalino ka,
Misty. Siguro naman alam mong mahirap yung ginawa niyang pag-amin dahil hindi lang
yung friendship niyo ang at stake kundi yung katauhan niya. Hindi pa ba sapat na
dahilan yun para maniwala kang sincere siya sayo?"

Sab threw me her knowing look. "Kung ako nga siguro ikaw, baka hindi ko na
papatagalin ang panliligaw nung dalawa. Sasagutin ko na agad si Zion para matapos
na."

Napasimangot ako sa litanya niya. Pakiramdam ko ay natuyuan ako ng lalamunan kaya


naman ay sumipsip muna ako sa juice ko. "Hindi naman siguro tama yun," I almost
choked on my words. "Ika nga diba? He that would eat the kernel must crack the
nut."

Tinapunan niya lang ako ng tinging 'clueless ako sa sinabi mo, 'teh' at saka siya
confident na tumingin sa akin. "Anuman ang ibig sabihin n'yan, hayaan mo akong i-
google nalang yan mamaya. Basta ang akin lang, you have to choose between Zion and
Tyrone very soon."

Natahimik nalang ako. It's as if I lost some words to say. Siguro nga, tama sila
pero may iba pa akong hinahanap. Hindi ko alam. Naguguluhan pa ako.

"Don't take this the wrong way. Ang mahirap sa'yo Misty, you're indecisive."
Tumikhim sa Sab at tinitigan ako ng mabuti sa mga mata. "Make up your mind, girl.
Sige ka, baka marealize nalang nilang dalawa na nakakapagod pala. Lalo na't parang
naghihintay sila sa wala."

Bumuntong-hininga ako at inubos ang juice na kanina ko pa iniinom. Badtrip tuloy


akong sumandal sa kinauupuan ko at sinalubong ang seryosong tingin nilang dalawa.
"Okay, just give me some time. I'll decide very soon..."

Ngumiti sila sa akin at tumayo para bigyan ako ng quick hug. Now, I realize that
this phase called Young Adulthood is quite hard that what I expected.

Pagkatapos naming maubos ang pagkain ay dumiretso kami sa powder room. Kanya-kanya
kaming pasok nina Sab at Eunice sa cubicles and did our thing until I heard some
familiar voice.

"Really? Tyrone rejected you? Akala ko ba, patay na patay yun sayo?" sabi ng boses
sa labas saka ito tumawa ng nakakaloko. "Well, siguro nga patay na patay pero sa
ibang babae na."

"Shut up, okay?"

Nanlaki ang mga mata ko. Gusto ko siyang silipin sa labas pero hindi ko alam kung
sa ibabang parte ng pinto o sa itaas ako sisilip. Boses kasi ni Reishel yun!

"Wake up, Reishel. He's over you already. 'Di ba nga may hinaranahan siya nung
college day? Yung taga-Business Department? 'Wag ka nang umasa."
Nakarinig ako nang kalabog mula sa labas. Mukhang may kung anong bagay na binato si
Reishel.

"Hindi. Pinagseselos niya lang ako! Hindi pwedeng magkagusto siya sa iba. Just
no... Si Misty? Yung babaeng yun? Ha-ha-ha! Ginagamit niya lang yun para pagselosin
ako. Sinaktan ko ng sobra si Tyrone kaya niya lang yun ginagawa sa akin, pero in
the end, I'm sure he'll run back to me."

Nanghina ako sa sinambit niya. I shut my eyes off and pretended not to hear a thing
pero hindi ko maloloko ang sarili ko lalo na't naririnig ko pa ang nakakalokong
tawanan nila.

"'Kita mo namang kaunting kibot lang, kinikilig na agad ang batang yun. Maganda
nga, tanga naman kaya nauuto ni Tyrone e."

BAM!

Nabigla ako sa narinig ko. Parang tunog ng padabog na pagbukas ng pinto. Nanlaki
ang mga mata ko nang may naalala ako. Geez! Nasa ibang cubicle nga rin pala sina
Sab at Eunice!

"Alam mo kung anong tawag dyan? BITTER!" Napakagat labi ako at walang nagawa kundi
ang buksan na ang pinto nang marinig ang nanggagalaiting boses ni Eunice. Naabutan
kong nanlalaki ang mga mata ni Reishel nang makita sila. . . pati na rin ako.

"Lahat ng lumalabas sa bibig mong patama kay Misty ay pumupukol lang sa'yo. Hmm,
uto-uto? Check. Tanga? Check. Alam mo kung bakit? Alam mo naming wala na kayo ni
Tyrone pero inisiksik mo pa rin sa utak mo na may pag-asa pa rin. Katangahan na
yan, girl. Maganda? Hmm. . . Leave that fact to Misty nalang."

"Eunice, tama na yan..." pigil ko sa kanya.

Nanlilisik ang mga mata ni Eunice nang saglit niya akong tinignan. "No, I can't let
this pass. Sabi na e, kaya pala pinaninindigan ako ng balahibo nung magbait-baitan
ka sa Baler."

Lumapit na ako sa kanya at hinawakan siya sa braso. Si Sab naman ay nakahalukipkip


din ang mga braso at nakatitig ng masama kay Reishel. Oh, no.

"Ganyan pala ang sinasabi mo kapag nakatalikod kay Misty ah. Ngayong kaharap mo na
siya, why don't you continue your tirade against her?" tuloy-tuloy na bulalas ni
Sab.

Startled, she stared at us with bated breath. Hindi siya makapagsalita. Hinihila na
nga siya nung kabigan niyang namumutla na rin.
"Oh, ba't 'di ka makapagsalita, Reishel?" mariing tanong ni Eunice. Sarkastikong
tumawa si Sab. Nakatulala lang ako sa pangyayari.

I was stoned to my feet when I saw Reishel smile wickedly yet nervously. "So, what?
Totoo naman e. Inuuto lang ni Tyrone si Misty. Ngayon, magsusumbong ka, Misty? Go
ahead. Confide!" She burst out laughing. "Hindi siya maniniwala pero sige, push
your luck, baby girl. Let's go," yaya nito sa kaibigan at naglakad na papunta sa
pinto nang may marinig akong recorded voice ng sinabi ni Reishel kanina.

Natigilan tuloy kaming lahat, lalo na si Reishel at nilingon ang nakangising si


Eunice.

"Sure, Reishel. Sasamahan pa namin si Misty..." Napanganga nalang ako sa sinambit


ni Eunice lalo na nung hilain niya ako palabas ng powder room.

UMUWI ako nang nakatulala sa bahay. Nag-insist sina Sab at Eunice na sasamahan ako
pauwi dahil nag-aalala sila sa akin. Palaban akong tao pero hindi ko alam kung ba't
ako tumiklop sa sinabi ni Reishel. Siguro, nadisappoint lang ako kasi kabaligtaran
pala ng pakikitungo niya sa akin ang ugali niya.

Nasa backseat kaming dalawa ni Sab samantalang si Eunice naman ang nagmamaneho ng
kotse. Tahimik kaming lahat at napapansin ko ang pasulyap-sulyap nilang dalawa sa
akin.

"Okay ka lang, Misty? Nakakainis talaga yung babaeng yun. Napakaplastic!" Naiinis
na sabi ni Eunice. "Isusumbong ko talaga kay Tyrone 'yan."

"'Wag na..." bulong ko.

Hinampas ako ni Sab. Para tuloy akong nagising sa lakas nun. "Ano ka ba! Dahil sa
ka-bitter-an niya kay Tyrone, nadamay ka pa. He has the right to know about it."

I sighed deeply. "Please, huwag na. Keri lang..." I smiled weakly.

Huminto ang kotse. Nasa tapat na pala kami ng bahay namin. Nilingon ako ni Eunice
nang nag-aalala. "Sure ka?"

"Oo. Salamat kanina ha?" Ngumiti lang sila sa akin kaya kumaway na ako sa kanila.
Lalabas na sana ako ng kotse nang magsalita si Sab.

"Si Zion ba 'yon?" Napatingin ako sa direksyon nang tinitignan ni Sab. Sa harapan
namin ay may kotseng nakaparada at lumabas dito si Zion... at si Tyrone. Teka,
kotse ni Dad yan ah? Anong ginagawa nila dyan?
Out of wonderment, I stepped out of the car. Lumabas din naman sina Sab at Eunice
at sinundan ako.

"Dad..." tawag ko nang si Dad naman ang lumabas mula sa driver's seat. Nilagpasan
ko ng tingin sina Tyrone at Zion kahit na sobrang curious na ako kung ba't sila
magkakasama. Kaya pala. Kaya pala parehas silang busy ngayon.

"Oh, Misty." I gave him a quick hug before I looked at the two guys infront of me.
"Ano pong meron? Saan kayo galing?"

"Wala. Niyaya ko lang na mag-bowling silang dal'wa para makilala ko naman sila.
Masama ba 'yon?" Dad asked with a smile and I just shook my head. "Sige na.
Kausapin mo muna silang dalawa. Papasok na— Oh, nandito pala ang dalawa mo pang
kaibigan. Pasok muna kayo." He was pertaining to Sab and Eunice. "Mauuna na ako sa
loob. Magmiryenda muna kayo."

Nang makaalis na si Dad, du'n ko lang hinarap ang dalawang lalaki. Binalingan ko si
Zion na preskong nakangiti sa akin. Naalala kong inis pa ako sa kanya pero sige,
I'll let this pass anyways. Ito pala ang tinutukoy niyang 'urgent'.

"Gusto niyo bang pumasok?" tanong ko sa kanila habang nakaturo sa bahay.

Nakita ko ang pagngisi ni Zion. Kapag ganyan pa naman, tiyak na mapapa-roll eyes na
naman ako. "Saan? Sa puso mo?" At ayan na nga, naparoll eyes na ako.

"Ewan ko sa'yo, Zion. Hinintay pa naman kita, hindi ka pala sisipot. Sana sinabi mo
ng maaga. Nasira tuloy ang araw ko," pagtataray ko kaya napakamot siya sa batok.
Nakita ko naman ang pagngiti ni Tyrone kaya pati siya ay hindi ko pinalagpas sa
sermon ko. "Pati ikaw, Tyrone, hindi mo man lang sinabi na ito pala yung lakad mo."
Pati siya ay napakamot din sa batok. Napailing nalang ako sa sarili.

"Papasok na ako kung ayaw niyong pumasok," pumihit na ako paharap sa gate namin.
"Sab, Eunice, yung usapan natin..." Na huwag nang magsumbong kay Tyrone. Ngumuso
lang sila at hindi umimik. "Bye. Ingat sa pag-uwi."

"Anong usapan yan?" Narinig kong tanong ni Zion nang papasok na sana ako pero
tumigil ako at nilingon sila.

"Sab, Eunice, ha?" banta ko sa kanila sabay aktong zinizipper ang bibig.

"Ano ba 'yon??" Ang kulit din ng lahi nitong Zion na 'to e.

Kinabahan ako nang ilabas ni Eunice ang phone niya, at naningkit ang mga mata ko
nang patakbong hinila nina Sab at Eunice sina Zion at Tyrone patungo sa kotse niya
sabay sigaw ng;
"Hindi ako umoo sa'yo, Misty!" That sneaky girl. Ayoko pa naman ng gulo. Tsk!

15

=================

47. Adventure

#WBMF

Chapter 47

From: Tyrone

Ako na ang humihingi ng pasensya sa inasta ni Reishel. Sorry, Misty.

Umagang-umaga ay 'yong text message agad ang nabungaran ko pagkacheck ng phone ko.
Nagdadalawang-isip ako kung ano ang irereply ko. Pakiramdam ko kasi, ang pagsumbong
nina Sab at Eunice tungkol sa nangyari nung isang araw sa amin ni Reishel ang
magiging simula ng gulo sa pagitan namin. Hindi ko naman masisisi si Reishel kung
ganu'n nalang siya umasta against me. She must be still so much in love with
Tyrone.

Ganun nga siguro talaga kapag sumobra sa pag-ibig, 'no? Nakakabaliw.

In the end, hindi ko nalang ni-reply-an ang message ni Tyrone at ibinalik ko nalang
ang phone sa bag ko. Kakausapin ko nalang siguro siya mamaya. Mas mabuting
magkausap nalang kami sa personal.

Monday na ngayon. Dalawang araw na rin ang nakalipas nu'ng na-cancel ang date namin
ni Zion. Second semester is officially starting today. Back to reality na, kaya
naman ay maaga akong gumising para maghanda sa unang araw ko sa second semester.
Fully-dressed na akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa kitchen nang maabutan kong
nag-uusap ang tatlo sa mga kasambahay namin. They must have not noticed my presence
dahil tuloy-tuloy lang sila sa pag-uusap. Hindi ko alam kung ano'ng nagtulak sa
akin para magtago sa pader na malapit sa doorstep at nag-eavesdrop sa kanila.

"Hindi ko nga rin alam kung bakit ayaw sabihin ni Sir kay Ma'am Misty e. Aba, hindi
biro 'yon ah."

Napakagat ako sa labi nang banggitin nila ang pangalan ko. Sir? They must be
pertaining to my father. Nangangamba tuloy ako. Anong 'yong ayaw sabihin ni Dad sa
akin?

"Kaya nga e... Wala tuloy kaalam-alam si Ma'am Misty pagkauwi niya galing sa
bakasyon."

"Kayo talaga. Tama na nga 'yang pagchichismisan niyo. Baka marinig pa kayo ng mga
amo natin! Hala, sige. Maglinis na kayo sa garden!"

"Manang naman. Ikaw ba, hindi mo ba sasabihin kay Ma'am Misty?"

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Gusto
ko sana silang harapin para itanong kung ano ang pinag-uusapan nila. Para bang sa
loob ng pamamahay na ito ay ako nalang ang walang alam tungkol sa kung anumang
'yon.

"Good morning, baby!"

Nabigla ako sa boses na narinig ko. Si Dad pala, kakapasok lang ng dining area.
Nakangiti ito at masiglang dinaluhan ako para bigyan ako ng mabilis na yakap saka
niya ako pinaghila ng upuan sa dining table.

"Anong ginagawa mo dyan? Maupo ka na dito. Join me for breakfast," he said and so I
sat down on the chair he pulled for me. Naupo rin naman siya sa head ng table. As
if on cue, nagmamadaling nagsilabasan mula sa kitchen ang mga kasambahay.

Pasimple kong tinitigan si Dad. Nababahala tuloy ako sa narinig kong usapan kanina.
Ano bang problema kay Daddy? Mukha namang wala siyang tinatago sa akin e.
Everything is normal. Pinagmasdan ko pa ng mabuti ang mukha ni Dad. I've just
noticed that his eyes were sunken and he seemed to be looking tired. Was it just me
or his skin was a bit pale?

"Hey, Misty. Kain ka na..."

Napakurap ako nang magsalita si Dad. He was giving me an eye-smile while sipping on
his coffee. I shook the thought off my head. Napaparanoid lang siguro ako. Lagi
namang stress si Daddy tungkol sa pagiging shareholder niya. Hayy..

I coughed so as to attract Dad's attention na nagawa ko naman dahil tumingin siya


sa akin. "Kamusta po yung bowling time niyo nina Tyrone at Zion? Did you have fun?"
I took this chance to ask about it right now. Hindi ko kasi nakausap si Dad
kahapon. He was out all day.
"Yes, we did. Mga wala pang experience kaya puro lame, hindi man lang maka-strike."
And then he let out a hearty laugh. "Hindi ko alam na may date pala kayo ni Zion.
Napostpone tuloy."

Kung ano-ano pa ang kinuwento sa akin ni Dad. Tawa siya ng tawa habang proud na
kinukwento sa akin kung paano siya nagsilbing trainer nina Zion at Tyrone sa
bowling. Pagkatapos daw nun ay kumain sila sa labas.

"Ikaw Dad, ah. Nakipagdate ka pala sa kanila," natatawang biro ko sa kanya kaya mas
lalo lang siyang humalakhak.

"Maiba tayo, your birthday is coming up. What's your plan for your 17th birthday,
Misty?"

Natigilan ako sa tanong ni Dad. Oh my! Nawala sa isip ko ang birthday ko. Ano na
nga bang araw ngayon? November 4 na pala. A week from now ay birthday ko na.

"I almost forgot about my birthday," I awkwardly laughed. Sa lahat ba naman ng


makakalimutan ay bakit sariling birthday ko pa? Masyado na yata akong pre-occupied
lately.

Na-realize ko tuloy na baka tungkol lang dun ang pinag-uusapan ng mga kasambahay
kanina. Maybe Dad's cooking up something for my birthday. Napangiti nalang tuloy
ako sa sarili ko.

"Do you want to throw a party?" suggest ni Dad na mabilis na inilingan ko ng ulo.
"So, anong gusto mo?"

"Gusto ko po ng simple lang. Kahit tayo-tayo nalang. Just a simple dinner will do,"
I sincerely said with a smile.

He just scowled at me. "Simple dinner?"

"Yes, dad." I expelled out a sigh as my smile turned into a hopeful one. "Yung
tayo-tayo lang po. I want our family to be complete on my birthday."

Silence filled the four corners of the room. Nakatitig lang sa akin si Dad at hindi
ko mabasa kung ekspresyon sa kanyang mukha. I badly miss my family. Sa loob ng
isang taon ay isang beses lang kami nakukumpleto. Kung minsan ay hindi pa nga. I
miss my mom and Kuya Kurt. I miss being with my whole family.

"Namimiss mo na ba talaga sila?" he asked reassuring me. Tumango lang ako at hindi
na umimik pa. "Okay. Ako ang bahala..."

SI Dad na ang naghatid sa akin papasok sa E.H.U. Kahit papaano ay na-relieve ako sa
sinabi sa akin ni Dad kanina na gagawa siya ng paraan para matupad ang request ko.
I trust my Dad so much. Hindi naman siguro malabong mangyari iyon hiling ko 'di ba?

9am nang makuha ko ang schedule ko mula sa office. Unlike last semester, hindi na
ako nahirapan na hanapin ang first subject ko. Gamay ko na rin naman ang buong
building ng Business College e.

Pagkarating ko sa classroom ay hinanap agad ng mga mata ko sina Sab, Eunice... at


sige na nga, pati si Zion. Sila lang naman kasi ang friends ko na classmates ko.
Wala pa sila kaya naupo na ako sa third row sa may tabi ng pader at naglaro nalang
muna ng app sa phone ko nang...

"Bakit malungkot ka yata ngayon?"

Napaangat ang ulo ko sa nagsalita. Si Zion pala kaya naman ay ibinaba ko ang phone
ko at tinignan siya. "Mabuti naman dumating ka na. Loner ako oh."

Nagtaka ako nang hawakan niya ang kamay ko at parang hinihila ako na tumayo. "Let's
go?"

"Saan?"

Ngumiti siya. "Walang klase. First day palang naman daw e."

My face fell at his words. Agad-agad? "In-announce na?" tanong ko at tumango siya.
Tumayo na rin ako at kinuha ang backpack ko. "Nag-attendance na?"

"Oo. Don't worry, naipirma na kita. Tara na." Naku naman! I-forge daw ba ang pirma
ko. Wala na akong choice kundi ang magpatangay sa kanya. Nagulat pa nga ako nang
umatras kami nang makalabas na kami nang tuluyan sa Business department.

Hinila niya ako sa kabilang direksyon at pinayuko ang ulo ko. "Zion, bakit?" Parang
may pinagtataguan kami! May utang ba ang isang 'to?

"Sshh... Huwag kang maingay. Tara." Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko at
nabigla ako nang tumakbo siya. Syempre, kapit niya ang kamay ko kaya nakitakbo na
rin ako.

"A...ano... bang nangyayari?!" sigaw ko at lilingon na sana nang...

"Huwag kang lilingon!" Natatawang sambit niya at mas lalong binilisan ang pagtakbo
namin, pero dahil sadyang matigas ang ulo ko ay nilingon ko ang direksyong
pinanggalingan namin. Now, I get it. Si Tyrone lang naman ang nandun.

Hingal na hingal kami nang makarating kami sa parking lot. Pinagbuksan niya agad
ako ng pinto sa backseat at itinulak ako pasakay du'n.
"Saan... saan tayo pupunta?" Geez, habol-habol ko pa rin ang hininga ko.

"Isang subject lang tayo ngayon. May pupuntahan tayo. Sakay na."

"Ayoko nga!" There was hardly a breath of protest in my voice. "Uuwi nalang ako."

"Dali na. 'Pag tayo, nakita pa ni Tyrone dito. Tsk!" He had no choice but to
forcedly push me inside the backseat. Sinenyasan niya agad ang driver na umalis.
"Sa Subic po."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Subic? As in sa Zambales? "Zion!" protesta
ko at hinarap si Kuyang driver. "Kuya, sa bahay nalang po namin."

"Kuya, basta sa Subic."

"'Wag, kuya!"

Napakamot nalang sa ulo yung driver habang pinapaandar ang kotse. Tinignan ko naman
ng masama si Zion dahil pangisi-ngisi pa siya. "Anong sa Subic ka dyan? Anong
gagawin natin du'n?"

He smiled at me mischievously. "'Di ba babawi ako sa pagka-postpone ng date natin


nung Saturday? O, eto na yun."

"Bakit naman sa Subic pa? Ang layo!" Oo, nagpapanic ako. Ang layo kaya nu'n! Out of
town na ang gagawin namin e.

Natawa lang siya sa pagpapanic ko at kung may anong kinuha sa tabi niya. Isa 'yong
red medium box. Binuksan niya iyon at bumungad sa akin ang chocolate aroma ng
cupcakes mula du'n.

"Chill lang, Misty. With me by your side, you're 100% safe." He said reassuringly
and gave to me a cupcake. "Kain muna tayo? Ako ang nagbake nito."

Natahimik ako. Mayamaya pa ay tinanggap ko ang cupcake dahil natatakam ako sa


frosting nito. Masarap mag-bake si Zion. Noon pa man, lahat ng binibigay niya sa
akin ay masarap. You can't even resist it. Siya na ang maraming alam sa buhay.

"Nagpaalam ka ba kay Dad na pupunta tayo ng Subic?" mahinahon kong sambit sa kanya.

He just plastered an arrogant smile on his face and said, "Ako pa ba? Syempre
naman. Sabi pa nga ni Tito Lucas, huwag na raw kitang iuwi e."
Pinanlisikan ko siya ng mga mata. "Subukan mo talaga!" Nakakaasar dahil sabay pa
silang humagalpak ng tawa ng driver niya. Hmp!

***

Zoobic Safari.

Nakatulala lang ako sa welcome signboard ng lugar. Hmm, pwede na rin. Matagal ko
nang gustong pumunta dito e, kaso ngayon lang akong pinalad na makarating dito. All
thanks to Zion. Teka, nasaan na ba ang lalaking iyon? Nagpalinga-linga ako sa
paligid hanggang sa may nakita akong kumakaway sa akin.

"Misty!"

Tumakbo ako palapit sa kanya. Bumili pala siya ng ticket para sa aming dalawa.
"Thanks," sabi niya pagkaabot sa akin ng ticket. "Ba't naman dito mo naisipan na
mag-date tayo?"

Nagkibit-balikat siya. "Wala lang. Para malayo sa Maynila. Tara?" Hinawakan niya
agad ang kamay ko. Hindi ko alam pero napatitig nalang ako sa kamay naming
magkakapit. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. I felt like I'm blushing all
over. Hala, naconscious ako bigla na baka magpawis ang kamay ko. Unlike kay Tyrone,
napaka-smooth ng palad niya na parang palad ng isang babae.

Oh, well. Isa naman talaga siyang feeling babae nun e— natigilan ako nang lingunin
niya ako— okay, binabawi ko na. Kung dati ay feeling babae siya, ngayon naman ay
maaari na siyang habulin ng mga babae sa angking karisma niya. ASDFGHJKL!

"Narinig mo 'yon?"

"Ha?"

"'Yung sinabi ng ibon." May tinuro siya sa harapan ko. Dun ko lang napansin na may
ibon na nakapatong dun sa sanga ng puno. Napaatras pa nga ako kasi wala siya sa
loob ng kulungan. Aba e, baka lumipad yan sa ulo ko. Mahirap na!

Lumipat ako sa likod ni Zion at kumapit sa laylayan ng uniform niya. "Bakit wala
yan sa kulungan?"

"Misty, baka mapunit ang uniform ko!" Natawa pa ng malakas si Zion kaya hinampas ko
siya.

"Ma'am, ang ibang animals po dito ay malayang lumilipad sa loob ng vicinity ng


Zoobic. Ang mga nakakulong lang po ay yung mga mababangis," sagot ng tour guide sa
tanong ko kaya mas lalo akong nangamba. Ibig sabihin, maraming hayop ang hindi
nakakulong dito? AAAAAAH!

Nagulat ako nang hilain ako ni Zion at saka ako inakbayan. Tinuro niya pa ang ibon
kaya nagkandangiwi-ngiwi ako sa kaba. "Pakinggan mo ang sasabihin niya, Misty."
Tumikhim muna siya saglit at. . . "Sino ang chararat?"

Napakurap ako ng mga mata at saka sinamaan ng tingin si Zion pero nalipat ang
tingin ko sa ibon nang magsalita ito.

"Misty! Misty! Misty!" Ang liit pa ng boses nito.

Kung pwede lang maglabas ng black aura sa paligid ko ay baka dumilim na ang buong
zoo na ito. "Ano raw? Walangya 'tong ibon na 'to ah. Ako? Chararat?!" At sinamahan
pa ng nakakaasar na halakhak ni Zion. "Recorded lang yata 'to e."

Nagkibit-balikat lang si Zion at pagkatapos ay bumaling ulit sa ibon. "Hmm, let's


try again. Sino ang gwapo?"

Katahimikan... Tanging tunog lang ng mga hayop sa paligid ang naririnig namin.

"Zion! Gwapo! Zion! Gwapo!" basag ng ibon sa katahimikan. Halos magbuga ng apoy ang
ilong ko sa narinig ko lalo na't mayabang nag-pose pa sa harapan ko si Zion na
parang siya na ang pinakagwapong lalaki sa balat ng kahayupan.

"Truth has been told, my love. Alam mo na," sabay kindat pa nito at tumakbo palayo.
Napanganga nalang ako. Teka, guys. Kinabagan yata ako sa tindi ng hangin na dala
niya. Pambihira!

Maganda ang Zoobic. Nakakamangha dahil hindi mukhang kulungan ang kinalalagyan ng
mga hayop kundi para silang nasa wild. Huminto kami ni Zion sa isang parte kung
saan malayang nagsisiliparan ang maliliit na ibon. It's called the bird feeding
station.

"Gusto mong i-try?" tanong sa akin ni Zion na inilingan ko ng mabilis. "Bakit?


Tara!"

Hinila niya ako paloob ng fence at sabay kaming nilagyan ng pagkain ng ibon.
Inakbayan ako ni Zion habang naka-extend ang kamay namin sa ere.

"OMG!" Tawa ako ng tawa nang maraming dumapong ibon sa palad ko. Sa bawat pagtuka
nila ay nakikiliti ako.

"Sabi sayo e!"

Nakakagat ang labi kong tinitigan siya. Ang lapit ng mukha niya sa akin. Du'n ko
lang na-realize na enjoy na enjoy siya sa pag-akbay sa akin.

"Ah, ganyan pala ah! Etong sayo!" natatawang sambit ko at nilagyan siya ng kaunting
pagkain sa ulo niya dahilan para lumipad sa ulo niya ang mga ibon.

"MISTY!!!!"

Humagalpak lang ako sa tawa habang kinukuhanan siya ng picture sa phone ko sabay
sabing, "Bleh! Galawang breezy ka ah!"

WALANG pagsidlang ang saya ko ngayong araw. Siguro kasi, sobrang kumportable ako
kay Zion. Feeling ko, bumalik ako sa pagkabata. Ang dami naming na-experience sa
loob ng Zoobic Safari. Syempre, nandun ang Aeta Trail & Show, Croco Loco, Savannah,
Serpentarium at iba pa.

Ngayon nga ay kakatapos lang namin sa Tiger Safari kung saan nakasakay kami sa
isang enclosed jeep papasok sa lugar kung saan nakakawala ang mga tigers.
Nakakatuwa kasi pinakain namin sila ng chicken meat.

"Nakakatakot 'yon!" sigaw ko nang makababa kami sa jeep. Did I mention na kanina pa
nagvivideo si Zion sa kung anumang pinaggagagawa namin? Hindi uso sa kanya ang
picture taking e.

Binaba niya ang phone at saka siya humarap sa akin. "So, anong next?" tanong niya
at inikot ang tingin sa buong paligid. Dumako ang tingin niya sa isang bagay na
halos magpalaglag ng puso ko. No. . . not that one. Iba nalang, huwag lang yan.

"D'un tayo!"

Mabilis akong umiling. "Ayoko nga. Ikaw nalang!"

Ngumisi siya't hinuli ang kamay ko. "Dali na. Minsan lang 'to, Misty."

"NO WAY!" Nilakihan ko pa ang boses ko. Masindak ka, please.

Lumipat ang kamay niya sa magkabilang balikat ko at saka siya nag-duck para maki-
eye level sa akin. He stared at my eyes. . . my soul. "With me, you are safe. Hindi
kita bibitawan. Okay?"

Nag-pout ako sabay iling ko ng todo. Ayoko talaga e. Bumuntong-hininga siya at tila
sumuko na. "Okay, if that's what you want. Kain nalang tayo."

Hinawakan niyang muli ang kamay ko at naglakad na patungo sa parking lot. Hindi ko
alam pero biglang bumigat ang pakiramdam ko. I don't want to spoil this moment with
him. Gusto ko ay masaya lang kami. . . lalo na siya.
"Zion," I called him and so he looked to me, still walking. "Sige na nga. Just
don't let go of my hand. Okay?"

SKY SAFARI or better yet called as the zip line. Halos malula na ako nang i-set up
na sa katawan namin ni Zion ang bagay na iyon. Padapang posisyon kasi ang pinili
namin para kita namin ang buong nature. Pagkatapos kong mag-sign of the cross ay
pinagsalikop ni Zion ang mga kamay namin. Our eyes met and then, we couldn't help
but smile.

"Sagot mo ako dito ah. Naku, Zion!" banta ko sa kanya.

He laughed out loud and said, "Sagot kita. Hindi naman bawal sumigaw kaya if you
feel like screaming, then scream. Okay?"

Nagpanic ako nang pakiramdam ko ay kumilos ako. "AAAAAAH!"

"Wala pa!" Humagalpak sa tawa si Zion and as if on cue, bumilang na nga ang crew.
"3...2...1!!!"

"AAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!!" Ako ang unang sumigaw. ANAK NI SAITAMA!! Nabigla ako.


"WAAAAAAAAHH!" tili ko pa at naramdaman kong hinigpitan ni Zion ang kapit sa kamay
ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Tignan mo sa baba, ang ganda."

Despite the fear, I did what I was told. Hindi nga ako nagsisi na tumingin sa
ibaba. Ang ganda ng mga puno. Nakakarelax ang kulay nito. Ang lamig pa ng hangin na
sumasalubong sa amin. Sa isang ilap ay nawala ang takot ko.

"I LOVE YOU, MISTY!" Nabigla ako sa isinigaw ni Zion. Malamig man ang hangin, nag-
init pa rin naman ang pisngi ko sa gitna ng pagzizipline. "Sagot naman dyan!"
natatawang sigaw niya.

Tumikhim ako bago pa matapos ang zipline. "THANK YOU, ZION!"

BAM!

Du'n nagtapos ang adventurous zipline namin. Inalalayan agad kami ng crew na alisin
ang bagay na iyon bago ako hinarap ni Zion.

"Aww, na-thank you zone ako? Ayos lang. Sa susunod, yung thank you mo, magiging
kiss na," sabay kindat niya at hinila na ako paalis dun.
Kasabay ng pagngiti ko ay ang pagngiti rin ng mga crew du'n. Minsan tuloy
napapaisip nalang ako. Hindi ko alam kung bakit pero imbes na mainis ako ay
nadadala na rin ako sa kapreskuhan ng lalaking ito.

***

"Nag-enjoy ka ba?"

Sa S&R sa may Puregold Dutyfree kami dumiretso after ng Zoobic Safari experience
namin ni Zion. Sa sobrang gutom namin ay nag-order siya ng Bavarian Cream Filled
Churro, Pizza Pepperoni Whole at tig-2pc na fried chicken. Solved na!

"Oo naman, 'no. Ngayon ko lang na-experience 'yon. Thanks to you, Zion." Nagthumbs
up pa ako at ngumiti.

Ngiting tagumpay naman ang loko sa sinabi ko. "Good. I thought you'd find it corny.
Sa totoo lang, na-pressure ako nang malaman kong sa isang anime convention kayo
nag-date ni Tyrone. Sabi ko sa sarili ko, 'Paano ko malalagpasan 'yon?'."

Napangiti nalang ako't napailing. Na-speechless ako bigla. Masyado talagang seryoso
sa panliligaw si Zion. He sees Tyrone as his best competitor.

"Speaking of, Tyrone." Uminom muna siya sa soda niya bago tumingin sa akin.
"Nakausap niya na raw si Reishel kahapon."

Kumunot ang noo ko sa pag-aalala. "Anong nangyari?"

He shrugged and wiped his lips with a tissue. "Hindi ko alam. Nakausap ko rin si
reishel nung Saturday night. Hindi ako natuwa sa narinig ko mula sa recorded audio
na 'yon. Screw our friendship. Hindi ka dapat niya pagsalitaan ng ganun."

"Pero Zion, hindi mo siya masisisi—"

Natigilan ako nang sumeryoso ang tingin niya sa akin. Para tuloy umatras ang dila
ko sa matigas niyang tingin na 'yon.

His jaw tightened and his eyes flashed a warning. "No one messes with my girl
without going through me or else, the demon is unleashed..."

Napalunok nalang tuloy ako at isinubo ang malaking tipak ng pizza sa bibig ko.
Okaaaay. Nakakatakot siya, in fairness. Suddenly, there was a terrible silence
between us until I heard my phone rang. Nagmamadali ko tuloy yung kinuha at
sinagot.

Lumunok ako bago ako nagsalita. "Hello?" Number ni Butler. Nakatingin pa sa akin si
Zion habang may kausap ako kaya naman. . . "Yes, Butler?" Mahirap na, baka kung
sino pang isipin niyang kausap ko.

"Ma'am Misty. . ." Natigilan ako sa urgency ng boses ni Butler.

Napatuwid tuloy ako sa pagkakaupo. "Bakit po?"

"Ang Daddy mo, sinugod sa ospital!"

Yhel's note: Merry Christmas, everyone! Pamaskuhan niyo naman ako ng comments.
Salamat! :D

=================

48. Tama Na

#WBMF Last 3 updates before we bid goodbye. :)

Chapter 48

Tila nagising ako nang maramdaman kong may palad na humaplos sa likod ko. Kagat-
kagat ko ang ibabang labi ko na sumandal sa balikat ni Zion at du'n ay bumagsak na
naman ang mga luha mula sa mata ko.

"Everything's going to be alright, Misty. Magpahinga ka na. Sasamahan kita."

Umangat ang tingin ko sa kanyang mukha. Sobrang bigat ng pakiramdam ko na halos


nahihirapan na akong huminga. "Zion, what if malubha yung sakit ni Daddy? Hindi ko
kakayanin. Kaming dalawa lang pa naman ang nandito sa Pinas. Wala si Mommy. Wala si
Kuya—"

"Sshh..." He silenced me bu placing his thumb across the thin line of my lips.
"'Wag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano. Ano bang sabi ng doktor sa'yo?"

Ngumuso ako at inalala ang mga sinasabi sa akin ng doktor kanina nang pahangos-
hangos kaming dumating dito sa Jimenez General Hospital. Nakaka-frustrate lang kasi
hindi ko ma-gets yung sinabi ng doktor na nakausap ko kanina. Ang haba ng paliwanag
but in the end, he said that Dad is now recovering.

"Sabi niya may recovering na raw si Dad. Basta ang alam ko... ang alam ko..." Hindi
ko masabi. Hindi ko kasi sigurado kung tama ba yung narinig ko kanina. "Heart
failure daw. Kay mommy niya nalang daw ipapaliwanag."

"Oh? Natawagan mo na ba ang mommy mo?"

Dahan-dahan akong tumango. Tinawagan ko siya kanina pero ang secretary lang nito
ang sumagot sa tawag ko. I tried to call Kuya Kurt also but the line was busy. 'Yan
ang dahilan kung ba't sobrang bothered ako ngayon.

"'Yun naman pala e," he caressed my back again in a comforting motion. "Uuwi na
'yun panigurado dito. Ang mabuti pa ay umuwi ka muna at nang makapagpahinga ka na.
I know you're tired, I am too. Tara, iuuwi na kita."

Tumayo siya. Hindi ako kumilos. Sinapo ko lang ang mukha sa aking palad at hindi na
umimik.

"Ganito talaga siguro kapag sobrang saya mo, 'no? May kapalit na kalungkutan."

Narinig ko ang mabigat na pagbuntong-hininga niya. Bumalik siya sa pagkakaupo sa


tabi ko at ramdam ko ang pagtitig niya sa akin.

"Misty, your Dad's not going to be happy if you'd stay here and be in your silent
resentment overnight."

Hindi ako sumagot. Sa totoo lang, pagod na pagod na pagod na ako galing sa mahabang
araw na ito pero hindi ko magawang magpahinga dahil hindi ko maipikit ang mga mata
ko.

"Umuwi ka na, Zion. I'm fine here. Sasamahan ko si Daddy."

He let out another deep sigh again before he took my hand in his. Dahil dun ay
tinignan ko siya. "Hindi nalang ako uuwi. Sasamahan nalang kita. Du'n na tayo sa
kwarto ng Daddy mo."
Inalalayan niya ako papunta sa kwarto ng Dad ko. Parang kinurot ang puso ko nang
makita ang kundisyon ni Daddy. Hindi ako sanay na makita siyang nakahiga sa isang
hospital bed na maraming apparatus na nakakabit sa kanya. I am used to my Dad being
a strong and energetic man.

Tumulo na naman tuloy ang mga luha sa mga mata ko. "Misty..." alo sa akin ni Zion.
Humila siya ng upuan at pinaupo ako sa gilid ng kama ni Daddy.

"Naaawa ako sa itsura ni Daddy e. Bakit maraming nakakabit sa kanya?" Nagdulot yun
sa akin ng matinding kaba. Naalala ko kasi si Kuya Kurt nang ma-comatose ito ng
ilang buwan. Marami ring nakakabit sa kanyang aparato gaya nito.

"It's for his own good."

Huminga ako ng malalim at ibinagsak ang ulo ko sa kama. Tinitigan ko si Daddy at


naghari na naman ang katahimikan. Nasabag lang ito nang marinig kong nag-ring ang
phone ni Zion.

"Yes, Ma. . . Nasa ospital po ako. . . Don't worry, hindi ako. Si Tito Lucas
po. . . Yeah, I'm not going home. I'll stay with Misty. Wala siyang kasama. . .
Okay, thanks. Mom. . ."

Pagkatapos nun ay nilingon ko si Zion nang hindi pa rin inaalis ang ulo ko sa kama.

"Si Mama, tumawag."

I looked to him worriedly. "You can go home. Kaya ko naman mag-isa dito e."

Mariin siyang umiling bago humila ng upuan at tumabi sa akin. "Dito lang ako. Hindi
kita iiwan."

I stared at him, and I felt my heart beating faster. "Sure ka?"

"Oo naman. Ngayon pa ba kita iiwan kung kailan kailangan mo ng masasandalan?"

Despite the worries, I still managed to smile anyway. "Thank you, Zion. . ." With
him, I feel safe and protected.

"O sige na. Tulog ka na. Hindi ako aalis..."

And with that, I fell into a deep slumber soon after I closed my eyes.
***

The next day, I tossed my head back because I felt a bit uncomfortable. Malambot
naman ang hinihigaan ko pero bakit kakaiba? Kumilos pa ako pero nabigla ako nang
bumagsak ako sa malamig na sahig. My eyes blinked and opened, slowly focusin on the
white ceiling. Naalarma ako dahil puti ang kisameng nakikita ko. Hindi puti ang
kisame sa kwarto ko kundi beige. Nasaan ako?

And then, I remembered what happened last night. Nasa ospital nga pala ako!
Tumingin agad ako sa direksyon ng kama ni Daddy, and there, I saw him. His solemn
gaze roved over my face. He seems weak, and his eyes are dull.

"Daddy!" I got up and ran into him. Niyakap ko siya at narinig ko ang tawa niyang
parang nanggaling sa kailailaliman ng katawan niya. "I hate you! Bakit hindi mo
sinabing may sakit ka palang iniinda?"

He just laughed his heart out like what he normally does. "I'm good. Ano ba...
Over-fatigue lang."

I frowned, my gaze at him an unspoken question.

"Oo nga. Over-fatigue lang. Hindi ba sinabi sa'yo ng doktor kagabi?"

Ngumuso ako, still inconvinced. "Pero sabi niya po, heart failure."

He laughed and I don't know why I didn't feel any humor in it. "Over-fatigue nga.
Baka nagkamali lang si Doc. Anyway, don't worry about me. I'm all good."

I frowned, still perplexed. "Are you sure?" Hindi ako convinced. Why would that
Doctor tell me that he's got a heart failure when the truth's not? Ano yun,
nagkamali lang? I breathed out in relief. Sana nga nagkamali lang talaga siya or
else, I wouldn't know what to do.

"Yes, I am. Katawan ko 'to, Misty. Bagets pa ako," he joked and I couldn't help but
laughed along. He studied my look and he instantly frowned. "Wait. Hindi ka pa ba
umuuwi sa bahay? Why are you still wearing your uniform?"

Hindi ako sumagot. Napakamot nalang ako gulo-gulo kong buhok. And then, Zion
flashed into my mind. Oo nga pala. Where is he?

"Si Zion po?"

And as if on cue, bumukas ang pinto. Pumasok si Zion na may dala-dalang pagkain.
Lihim tuloy akong napangiti. Hindi nga talaga siya umuwi para samahan ako dito.
"Ayan na pala ang hinahanap mo e."

Sumimangot ako sa sinabi ni Dad kasabay nun ay ang pag-init ng mukha ko. Ewan ko ba
pero conscious kong inayos ang sarili ko.

"Hindi ko po siya hinahanap 'no!"

Dad just laughed at my remark. Baka lumaki pa ang ulo ni Zion. Though, I am really
thankful for having him by my side overnight.

"Hmm, good morning everyone. Tamang-tama, gising na pala si Misty." Nilingon ko si


Zion pagkasabi niya nu'n. A slow smile worked its way across his face and into his
eyes. And from that moment, I know that he's up for something.

Hindi siya umaalis sa pinto. Sa katunayan, nakahawak lang siya sa door knob nito.
"Anong meron?" I asked cluelessly.

He did not answer but instead, he wrapped his hand around the doorknob, and pushed
the door open. Nalaglag ang panga ko nang makita ko ang taong nasa labas nito.

"MOMMY!" I cried in joy as I ran into her to give her a tight hug. "I miss you!"

I felt her hug me back as tight as I did. Nakita ko rin ang matamis na ngiti ni
Zion habang nakatingin sa amin.

"I miss you too, Misty. How's your dad?"

Awtomatikong nilingon ko si Dad. He was all smiles as though he hasn't been sick.
"Nagsakit-sakitan lang talaga ako para makauwi ka, Hon." I knew it was a joke but
geez, I'm still my Mom's finally here. Nasaan kaya si Kuya Kurt?

***

Dad insisted me to go home and get some rest. Nilaglag kasi ako ni Zion na hindi
raw ako nakatulog ng maayos kagabi sa ospital. Sinesenyasan ko na nga siya to shut
him up pero wala e. Hindi ko siya masisisi. Actually, super bangag ako ngayon.
Nahihilo pa nga ako dahil medyo hindi ako nakatulog ng maayos.

Hinatid ako ni Zion sa bahay para makabawi na ng tulog pero ewan ko ba kung bakit
hindi ako mapakali at mas pinili ko nalang na pagkatapos maligo ay pumasok sa
E.H.U. Pangalawang araw palang ng second semester tapos aabsent na ako? No way.
Sayang ang attendance.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa College of Business nang maramdaman ko ang


pagguhit ng kirot sa sentido ko. Napakurap ako dahil sa sakit. Sheez, bigla tuloy
akong nahilo. Pagmulat ko, parang umiikot ang paligid ko. Mabuti nalang ay may
natanaw akong malapit na upuan kaya naglakad ako palapit du'n pero. . .

"Misty!" Bigla akong bumagsak. Hindi. Hindi sa lupa kundi sa taong sumalo sa akin.
Pagtingin ko sa mukha nito ay natigilan ako. "Ayos ka lang ba?" Si Tyrone.

Ngumiti ako ng pilit at saka ako tumayo ng tuwid, sapo-sapo pa rin ang ulo ko. "Oo,
ayos lang. Nahilo lang ako. Puyat e. Sige na, Tyrone. Una na ako sa klase ko."

"Ihahatid na kita."

"Uh... Sige."

Patuloy pa ring gumuguhit ang kirot sa sentido ko kaya naman ay pasimple akong
napapapikit. "Hindi ka ayos, Misty. Tara, dadalhin kita sa clinic."

"Tyrone— AH!" Nabigla ako nang buhatin niya ako sa mga braso niya. Gusto ko mang
promotesta pero nangibabaw sa akin ang pagkahilo.

DINALA ako ni Tyrone sa clinic gaya ng sabi niya. He laid me on the cot and covered
me up with a blanket. Humingi siya ng gamot at ointment sa nurse at nag-volunteer
na bibigyan niya ako ng head massage.

"Makakabuti 'to para mawala ang sakit ng ulo mo," sabi niya habang nilalagyan niya
ng ointment and sentido ko.

"Tyrone, salamat. Ayos na ako dito. Baka mahuli ka pa sa klase mo."

Nakafocus lang siya sa pagmamasahe ng sentido ako. "Dinismiss na kami ng maaga ng


prof. Ano bang nangyari? Bakit napuyat ka?"

I sighed deeply. "Galing kasi ako sa byahe kahapon tapos ayun, napuyat na rin."

"Kumain ka na ba? Baka nagpalipas ka ng gutom."

Hindi ko alam pero imbes na sagutin ang tanong niya ay ibang salita ang lumabas sa
bibig ko. "Tyrone, tama na. . ."

Natigilan siya sa pagmamasahe at pinakatitigan ako sa aking mga mata. "Bakit?


Masakit ba ang pagmasahe ko? Sorry, dadahan-dahanin ko ba?"

"Hindi, Tyrone. Mabuti pa siguro kung tigilan mo na ang panliligaw sa akin."


Bumagsak ang palad niya sa kama dahil sa sinabi ko. He stared at me in mute
silence. "B...bakit? Tungkol ba 'to kay Reishel, Misty?"

Hindi ako sumagot. Umiwas lang ako ng tingin at pinaglaruan ang sarili kong mga
daliri. My heart was heavy I couldn't take it.

"Misty, ikaw na yung gusto ko. Wala na siyang magagawa kung ikaw na talaga.
Kinausap ko na siya. Siguro hindi niya pa tanggap ngayon. At wala naman siyang
ibang choice kundi tanggapin nalang at irespeto ang nararamdaman ko dahil hindi ko
na pwedeng ipilit pa sa kanya."

He reached for my trembling hand, drew it toward him, and gave in a kiss.

"Hindi ako titigil sa panliligaw sayo. Naumpisahan ko na, at kung may tatapos man
nito, ako yun." He said in a tenderly sad voice. "Bakit naman ako magpapakatanga sa
kanya kung alam ko naman talagang ikaw na at hindi siya?"

=================

49. No Wonder

#WBMF

Chapter 49

Naninibago ako kay Tyrone. Simula kasi nung araw na nagkausap kami ng masinsinan sa
clinic ay mas lalo siyang nagpurisge sa panliligaw sa akin. Sa pagtulog at pag-
gising ko ay message agad niya ang bumubungad sa akin. Kung minsan pa ay sinusundo
niya ako kapag dismissal, kapag hindi conflict sa schedule niya. One week. . . It's
been a week since I told him to stop wooing me. Ngunit wala yata sa bokabularyo
niya ang sumuko. Mas lalo pa nga yata siyang nagseryoso ngayon.

Kasalukuyan kaming nasa labas ng Business College ngayon. Kasama kong nakaupo sa
stair steps ng building sina Sab at Eunice. Pangalawang week na namin sa second
semester at heto kami, wala pang masyadong ginagawa. Sa katunayan, absent pa nga
ang prof namin sa Finance kanina. Si Zion naman ay hindi ko alam kung saan
nagpunta. Bigla nalang kasing nawala iyon nang maglabasan na kami sa classroom
kanina.

"Wala yata si Tyrone, 'no? Conflict siguro sa schedule," puna ni Sab nang
nakatingin sa akin. "Naninibago na talaga ako du'n kay Tyrone. All of a sudden,
bigla nalang siyang nagseryoso sa panliligaw. Ano bang nangyari?"

Tila nag-aabang din si Eunice sa sasabihin ko. Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang
nangyari last week. Ni 'yong tungkol sa nangyari kay Dad ay hindi ko na nasabi. I
don't think I should tell them that anyway. Besides, tapos na rin naman iyon at
nalagpasan ko na kasama si Zion.

Umiwas ako ng tingin at pinaglaruan nalang ang sarili kong mga daliri. "Pinatigil
ko na kasi siya sa panliligaw." Suminghap sila. Bumuntong-hininga naman ako. "Pero
sabi niya, hindi raw siya susuko."

"Oh, my gosh! Pinatitigil mo na siya? So, ibig sabihin. . ." Sab paused and then
they both looked at each other with gaping mouth. "Sasagutin mo na ba si Zion?"

Mabilis akong umiling sa kanila. "Hindi. It's not that."

Eunice pursed her lips into a pout. "Ay. So, ano?" Mukhang nadismaya yata siya.

Hindi agad ako nakasagot agad. Sa totoo lang, bigla nalang lumabas sa bibig ko 'yon
nung araw na kausap ko si Tyrone. It wasn't even in my mind nor even planned out.
Hindi ko alam! Naguguluhan na talaga ako.

"Eh kasi. . . tsk!" I growled in frustration. "Nag-aalala lang naman ako dahil kay
Reishel. Ayoko namang may masaktan habang nasa akin ang atensyon ni Tyrone."

Eunice's sigh was a mixture of dismay and amusement. "Ikaw talaga, halatang wala
pang alam sa pag-ibig. Hello! Talagang may masasaktan at masasaktan talaga, Misty."
She scooted beside me, and touched my arm. "Sabi nga sa nabasa ko, 'Being hurt is
always a part of being in love'. Normal nalang yun. There will come a time na
magigising din sa katotohanan si Reishel."

Narinig ko ang mahinhing pagtawa ni Sab sa tabi ko. "Kaya nga! Hindi naman siguro
siya magiging forever tanga diba? Sabi nga ni Mama sa akin, darating daw talaga ang
panahon na magpapakatanga tayo sa pag-ibig. Yan ay dahil nagmamahal tayo."
Napangiti ako nang mas lalo siyang tumawa kasabay ni Eunice. "Hugot yun!"

Nag-apiran pa sina Sab at Eunice kahit na pinapagitnaan ko silang dalawa sa bench.


Wala akong maisagot dahil kahit saang anggulo ay tama sila.

"Narinig mo yung sinabi ni Sab, Misty? So, cheer up. Hayaan mo na si Reishel.
Mauuntog din yung tao. Ang isipin mo nalang ay yung sitwasyon mo," she said with a
big smile and eventually turned into a suspiscious one kaya naman ay kumunot ang
noo ko. "Siguro kaya mo pinatigil si Tyrone sa panliligaw kasi na-realize mo nang
si Zion na dapat, ano?"

Ngumuso ako. Naramdaman ko pa ang pagsiklab ng init sa pisngi ko. "Hindi ah. Tyrone
is good. Close to perfection pa nga, pero feeling ko, may mali e. Hindi ko lang
alam kung ano. Kaya nga siguro bigla nalang lumabas sa bibig ko yun. . . na tigilan
niya na ako."
Ngumiwi sa akin si Sab, para bang hindi siya pleased sa sinabi ko. "At si Reishel
yung sinasabi mong mali?"

"Hindi ko talaga alam," bumuntong-hininga ako't yumuko.

"Gusto mo ba si Tyrone?"

Napaangat ang ulo ko sa tanong ni Eunice. Seryoso siyang nakatitig sa mga mata ko.
"Hindi ko alam. . ." Oo na! Ang labo ko. Maski sarili ko ay hindi ko na rin
maintindihan!

"Eh si Zion?"

Natahimik ako. Ibubuka ko sana ang bibig ko para sumagot pero itinikom ko rin agad.
Ang hirap pala talaga ng ganitong sitwasyon. Sa totoo lang, gusto ko naman talaga
silang dalawa e. May lumalamang nga lang na isa at hindi ko pwedeng itanggi yun sa
sarili ko.

"Ayokong masaktan si Tyrone. . ." I sighed, gazing up at them.

Halos mapatalon ako sa gulat nang pumalatak si Eunice. Si Sab naman ay mukhang na-
frustrate sa sagot ko. And then, a realization lifted my brow. Ang layo nang
naisagot ko sa tanong ni Eunice.

"Gotcha'! Nagegets ko na ang takbo ng magulo mong utak, Misty. Gets na gets ko na!
You're starting to admit the truth to yourself." Eunice clapped her hands slowly.
"May napili ka na pero natatakot ka lang i-reject yung isa."

"OMG! Sabi na e. Saluhin mo nalang kaya si Tyrone, Eunice?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sab. Para bang na-pause ng 3 seconds ang mundo
sa sinabi niya kundi lang siya binatukan ni Eunice.

"Sira! Ano'ng connect n'yan? Susko po. Kinikilabutan ako. Para nalang kaming
magkapatid, ano! Anyway. . ." Eunice turned to face me. "Congrats! May napili ka
na."

"Hindi ko pa siya pinipili," nakangiwing bulong ko sa kanya. Halata naman kasi na


si Zion ang tinutukoy niya.

"Ganun na rin 'yon!"

Tumayo ako at naglakad nang ilang hakbang palayo sa kanila. Hinalukipkip ko ang mga
braso sa dibdib ko at tumingin sa malayo. "Ayokong masaktan si Tyrone. Naging
mabuti siya sa akin, at hindi niya deserve na masaktan ulit siya sa pangalawang
pagkakataon."

Nagulat ako nang maramdaman kong may kumurot sa braso ko kaya napa-'aray!' ako.
"Hindi naman ikaw yung nanakit sa kanya sa unang pagkakataon ah!" Si Eunice lang
pala. Hinimas ko ang parteng kinurot niya habang si Sab ay natatawa nalang. "Alam
mo kung anong problema sayo, Misty? Masyado kang concerned sa feelings ng iba. Why
don't you focus on yourself?"

"Eunice, hindi lang kasi siya selfish," depensa ni Sab.

Eunice then rolled up her eyes. "Well, let me tell you that love is selfish. Ikaw
ba, gusto mo nang may kahati ka sa mahal mo, Misty?" Umiling ako. Ayoko nga. "See?
Ganun lang yun."

Mas lalo lang tuloy akong na-frustrate sa sinasabi ni Eunice. Sa totoo lang, nitong
mga nakaraang araw ay napapaisip na ako. Gusto ko nang sagutin si Zion pero naiisip
ko rin si Tyrone. Ayoko siyang masaktan. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na bigyan
siya ng pagkakataon pero. . . mas pinapagulo ko lang ang isip at puso ko e.

Lumapit sa akin si Sab at inakbayan ako. Sa kanilang dalawa, si Sab ang mas sweet
sa akin. Si Eunice kasi, ma-realtalk which is a good thing naman. Balanced lang ang
friendship namin.

"Tama na nga, Eunice. Naguguluhan na si Misty. Baka magbigti na siya, friend..."


Kahit mabigat ang pakiramdam ko ay nagawa ko pa ring tumawa. Ibang klase talaga si
Sab.

"Wow! So, ang mafa-flash sa News. Isang babae, nagbigti dahil hindi makapili sa
dalawang manliligaw niya. Bongga! Kung yung iba. nagbibigti dahil BH, ikaw naman
nagbigti dahil sa haba ng hair mo."

Humalakhak si Sab. "Tapos hair niya yung ipapangbigti niya."

I laughed along with them. "Mga baliw!" Hindi naman ako shunga para gawin yun, ano.
Mahal ko pa ang buhay ko!

"Kidding aside, Misty. . . Hindi ko alam kung bakit naghahanap ka pa ng iba, kung
alam mo na pala ang sagot sa tanong. Girl. . ." Inakbayan niya ako at pinisil ang
kaliwang pisngi ko. "Life is like a multiple choice question. Sometimes, the
choices confuse you, not the question itself. So, sino ba talaga sa dalawa?"

"Parang love expert 'to si Eunice!" Sab laughed at her meaty lines. Kahit ako ay
nagtataka sa mga linyahan niya. Kunsabagay, never pa siyang nag-open up ng lovelife
sa amin. Baka nga may experience na sa pag-ibig.

"Sira! Kakabasa ko lang yan ng novel. Osya, papiliin na natin ang bida natin..."
Sab just shook her head while laughing. "Yung isang baluktot na naging straight
dahil sayo?" Nakangiting tanong ni Sab. ". . . O si almost perfect guy na ayaw mong
masaktan?"

My stomach fluttered, my heartbeat fast. I closed my eyes upon the question and my
memories started to invade my system. My heartbeat seemed too loud in my ears when
I saw the clear face of him playing through my mind.

Ang pipiliin ko ay. . . "Si—"

"Hey."

Shoot.

I immediately looked around to see where the voice came from. And when I saw who it
was, my knees started to tremble. Geez! Nag-init tuloy ang dalawang pisngi ko.

"Ba't namumula ka?" Si Zion. Lumapit siya sa akin at halos magtilian ang dalawang
kasama ko nang ilapat ni Zion ang palad niya sa noo ko. "Wala ka namang sakit ah."

"W...ala nga!" Inalis ko ang kamay niya at bumalik ulit sa bench para umupo. "Ba't
nandito ka pa? Akala ko ba umuwi ka na?"

Naupo rin siya sa tabi ko habang nakatitig pa rin sa akin. "Hindi ah. Hinanap ko
nga kayo pagkadismissal e. Saan ba kayo nagpunta?" Wow, siya nga 'tong biglang
nawala e.

"Dito," Sab replied with a big smile. I know that look! Jusko po. Mas lalo tuloy
akong kinabahan. "I mean, nag-CR lang kami kanina tapos dumiretso dito."

"Ahh," Zion nodded his head slowly and looked to me. "Natanaw ko kayo mula dun sa
corridor ng 3rd floor. Parang ang seryoso ng pinag-uusapan niyo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Naalala ko tuloy yung pinag-usapan namin
kanina. No, there's no way he could join that talk. "Wala yun," I quickly rebuked.
Tumayo ako at kinuha ang bag ko. "Pauwi na rin kami e. Ikaw ba?"

As if on cue, biglang nag-ring ang phone niya. Nag-excuse muna siya sa akin kaya
tumango ako. Sina Sab at Eunice naman ay pasimpleng nagpaalam sa akin bago umalis.
I sucked in a deep breath in relief.

"Yes, Mom. . . Okay. . . Magluluto? . . . Okay. . . Bye." he hung after few words
before he stood up and went to me. "Uuwi na rin pala ako. Pinapagluto ako ni Mommy
e."
Kinuha niya ang bag ko at siya ang nagbitbit. Just like the usual. Side by side, we
walked to the parking lot with my crazy heartbeat.

"Ano bang dapat kong iluto? Suggest ka naman," sabi niya nang nakatingin sa harapan
namin.

Nagkibit-balikat naman ako. "Ano nga bang magandang lutuin?" Nag-pause ako para
mag-isip pero. . .

"So, lulutuin kita?"

My eyes blinked at him. "Ha?"

"Sabi mo, kung anong MAGANDAng lutuin e." He burst out laughing afterwards.

Inirapan ko lang siya nang nakangiti saka ko siya sinapak sa braso. "Baliw! Magluto
ka nalang ng kahit anong masarap. Masarap ka namang—"

"Masarap ako? Edi lulutuin ko nalang ang sarili ko."

"Ay, nako! 'Wag ka na ngang humingi sa akin ng suggestion. Masasapak lang kita!"
Natatawang sambit ko at nauna nang maglakad.

"Joke lang. Eto naman, Misty!"

Napahinto ako nang biglang may tumigil na Toyota Camry sa harapan ko. Kasunod nito
ay bigla ring bumukas ang pinto sa passenger's side nito.

"Mom?" I gasped when I saw Mom on the driver's side. Nakita ko pa si Dad sa
backseat na nakangiti sa akin. Apat na araw na rin ang nakalipas nang ma-discharge
siya sa ospital at ito siya't back to normal na. Thank God.

"We came here to fetch you. Hop in. . ."

From: Zion

Dadalhin sana kita sa bahay kaso sinundo ka ng Dad mo.

Napangiti nalang ako sa sms ni Zion sa akin. Sayang, mapaaga pa naman para umuwi e.
Masaya siguro kung kasama ko pa siya. Nagtype agad ako ng reply sa kanya.

To: Zion
We see each other everyday naman. Anyway, anong niluluto mo?

Wala pang isang minuto nang magreply siya.

From: Zion

Pork Curry.

"Hindi mo sinasabi sa akin na nanliligaw pala sayo si France, Misty." Nagitla ako
sa biglang pagsasalita ni Mommy sa driver's seat. Katabi ko kasi si Dad sa
backseat. Actually, kanina pa kami tahimik kaya naisipan kong magreply nalang sa
text ni Zion kanina. USabi ni Dad, galing daw sila sa isang convention kanina kaya
naisipan nilang sunduin ako.

Anyway, ano nga ba ang tanong ni Mommy?

"Po?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya. "You didn't tell me that he's straight now." Obviously he's referring
to Zion. Ngumuso ako sa tanong niya. Yun ba yung sinabi ni Mom sa akin kanina?
Parang hindi naman.

"Ah—"

"Kailan lang yan, hon'. Mag-iisang buwan palang," sabi ni Dad sabay kindat sa akin.

"At nanliligaw pa siya sayo?" Her voice was fierce. Napalunok tuloy ako.

"What's wrong with that? Kilala naman natin ang batang iyon. Even his parents. . .
Teka." Nagtaka ako nang huminto si Dad at saka binuksan ang bintana sa side niya.
Nasa harap na pala kami ng bahay namin. "Speaking of, si Sandra ba 'yan?"

Naningkit ang mga mata ko nang banggitin ni Dad ang pangalan ng Mommy ni Zion. To
check if it's really her, I scooted my head out from the window mischieviously.
Siya nga!

"Yes. When I found out that you're dating France, I decided to invite Sandra for
dinner. Tara na. . ." sabi ni Mom bago lumabas nang kotse. Naiwan tuloy kaming
magkatinginan ni Dad, parehong speechless.

KABADO ako. Hindi ako mapalagay na iniisip ko palang kung anong pag-uusapan asaya
over dinner. Sa kaba ko nga ay dumiretso muna ako sa kwarto para magbihis, pero may
kalahating oras na rin pala at heto ako't hindi pa bumababa.
I composed a message for Zion. Aba, involve siya asay e.

To: Zion

Your Mom's here. Alam na ni Mommy na nanliligaw ka sa akin. :<

1. . . 2. . . 3. . . 4 . . seconds.

From: Zion

Edi masaya. Wahaha

"Aba, at masaya ka pa?" I growled at my phone. And then seconds later, my phone
rang, its jangling tune startling me out of my thoughts. "Hello?" I greeted
quickly, panic evident my voice.

Mas lalo akong naasar nang marinig ang tawa niya. "Tatawa-tawa ka pa dyan!"

"Relax. Ano bang kinakatakot mo? Wala naman tayong ginagawang masama. Nanliligaw
palang naman ako. Though, parang tayo na nga. Kulang nalang yung sagot mo."

Lihim akong napangiti. "Kahit na!"

"At hindi mo pa naman ako sinasagot kaya relax lang. 'Wag mag-panic. As if I got
you pregnant, dyan ka kabahan," he said, a laugh bubbling free.

Umirap lang ako sa kanya at narinig ko na naman yung tawa niya. "I can imagine you
rolling your eyes at me right now. Loosen up, Misty!"

"Ewan ko sayo."

Napabangon ako nang biglang may kumatok sa pinto. Pagbukas nito ay sumilip si Dad
mula sa maliit na awang nito. "Misty, baba na. Dinner's waiting."

"Yes po," I said and the moment Dad left, I turned to my phone again. "Pinapababa
na ako."

"Okay. I love you."

I paused for a second to squeeze my eyes off. Yung ngiti ko, halos mapunit na ang
labi ko. "I know you do..." Mabilis kong tinapos ang tawag at tumakbo-takbo sa loob
ng kwarto ko.

"Kaya mo 'to, Misty!!" mantra ko sa sarili bago lumabas ng kwarto nang nakachin up
at stomach in.

Bumaba ako sa first floor nang inuulit-ulit sa isip ang mantra ko. Kaya ko 'to...
Kaya ko 'to... Kaya ko 'to. So what kung nalaman na ni Mommy? Maganda naman ang
grades ko at alam ko sa sarili ko na wala naman akong ginagawang masama. I've been
a good girl too, so I don't think I should worry, right?

Huminto ako malapit sa doorstep patungo sa dining room at dun huminga ng malalim.
Keri ko 'to. Kering-keri.

"Good evening po," bati ko nang tuluyan na akong pumasok sa dining room. Lumingon
silang lahat including Tita Sandra. Napalunok tuloy ako.

"Nandito na pala si Misty. Maupo ka na dito," sabi ni Dad kaya dinaluhan ko siya.
Bineso ko muna si Tita Sandra bago ako naupo.

"Ang ganda talaga ng anak mo, Elizabeth. No wonder why my son is so in love with
her," sabi ni Tita Sandra kaya naramdaman ko kaagad ang panlalamig ng mga palad ko.
Nakita ko kasing bumaling sa akin si Mommy at hindi ko makuha kung ano ang tingin
at. . . ngiti na 'yon.

"Mana sa akin, Sandra." Humalakhak si Dad kaya ngumiwi ako. Si Mom naman ay umiling
lang.

"Kinausap niya ako nu'n sa ospital. He said he's courting my daughter," said Mom in
her most serious tone and shrugged before sipping on her wine. "Okay na rin. Kilala
ko si France. He's a nice kid."

Napanganga ako sa sinabi ni Mommy. Ni hindi ko nga pinapansin si Dad na


kasalukuyang pinagseserve ako ng pagkain e. Ibig sabihin ba nun ay hindi siya
kontra sa panliligaw ni Zion sa akin?

"He prefers to be called Zion, Elizabeth." Tita Sandra chuckled. "Miski ako ay
nagulat din nang malamang straight na siya. He didn't actually admit it to me.
Napapansin ko lang lately at nakumpirma ko lang nung tinawagan mo ako for dinner na
nanliligaw na pala siya kay Misty." He turned to me and gave a light slap on my
arm. "Ikaw namang bata ka, hindi mo sinabi sa akin."

I just smiled shyly at her and started with my food. Sa sobrang kaba ko ay hindi ko
manguya ng maayos ang kinakain ko. Jeez.

"I almost gave up on our deal, you know." She added in amusement.
"What deal?" tanong ni Mommy. Natigilan tuloy ako sa pagkain.

"Deal?" pagtataka ni Dad. "Ito ba yung deal about Zion?"

"Yes," Tita Sandra replied quickly.

Dad smiled slightly. "I knew it. Napag-usapan na namin 'yan ni Anton." He was
reffering to Zion's Dad. Naku naman. Nawala na nga sa isip ko yang deal na yan.
Matagal na.

"We talked about it too last time. In fact, we have prepared Misty's rewards
already," sabi ni Tita Sandra na siyang ikinalaglag ng panga ko. Is she serious?

Mabilis kong pinunasan ang labi ko gamit ang napkin at hinarap si Tita Sandra.
"Tita, about the deal—" I didn't take it seriously... was I about to say but Mom
interfered.

"Can you tell me what that deal is? Wala akong maintindihan."

Tita Sandra gazed at Mom, a wry smile on her lips— her eyes taunting her. "Ganito
kasi yun, Elizabeth. We had a deal earlier of their first sem. Masyado akong
frustrated tungkol sa kasarian ng anak kong si Zion. Napansin kong naging close
sila ni Misty nu'n, so I took the chance to make a deal with her and that is to
make my son straight."

Kumuyom ang palad ko. Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong umalis sa mga oras
na iyon.

"I'm sorry but please don't get mad at Misty, Elizabeth. Part of the deal is to
make Zion fall for her. Kapag nagawa niya iyon ay bibigyan namin siya ng reqards.
At ito na nga, she made it! Thanks talaga, Misty."

Three pairs of piercing gaze went to me, and I felt compelled to speak nor move.
Pakiramdam ko ay ginigisa ako sa sarili kong mantika.

I wanted to rise on my feet but I felt numb all over. "Sorry. . ." was all I could
say. Nagtataka tuloy silang tumingin sa akin. "Wala na po sa akin yung deal na yun,
Tita."

She met my hopeful gaze. "Sa totoo lang po, hindi ko naman sineryoso yung deal e.
Kaya huwag na po kayong mag-abala na magbigay ng rewards."

I felt Dad's warm hand on mine kaya tinignan ko siya. "Misty, pinaghandaan namin
yun."
"Dad," I shook my head to him and then turned back to Tita Sandra. "Salamat nalang
po."

Tita Sandra beamed to me. "But Misty, a deal is a deal..."

I felt my phone vibrate inside my pocket. Good timing it is! Gusto ko na ring
makaalis dito. Nilabas ko ang phone ko at bahagyang yumuko. "Tita, thank you nalang
po talaga. Excuse po..." sabi ko at walang tingin-tinging sinagot ang tawag habang
palabas ng dining room.

Tumakbo ako palabas sa garden at kinausap na ang sinumang nasa kabilang linya. I
felt my heavy heart thumping against my chest.

"Hello."

"Misty?"

Tumaas ang kilay ko sa boses. Tinignan ko ang number nito sa screen at dun ko lang
napansin na unregistered number pala ito. "Yes? Sino 'to?" sagot ko.

"Misty, si Reishel 'to. Can we talk?"

Natigilan ako. Surprised and confused, I took out a breath. "Sige. Saan?"

"Nandito ako sa may playground sa loob ng subdivision niyo. Salamat, Misty."

***

"Reishel..." tawag ko at agad siyang lumingon.

Hindi na ako nagdalawang isip na puntahan siya dito. Madilim na at alam kong nag-
iisa siya kaya nagmadali na ako. She was still wearing her uniform. marahil
kagagaling lang niya sa E.H.U.

"Salamat at pinagbigyan mo ako, Misty."

Humakbang pa ako palapit sa kanya at hinigpitan ang hawak sa phone ko. Tumayo siya
sa inuupuan niyang slide at pinagmasdan ako nang mabuti.

"Anong pag-uusapan natin, Reishel?"

Nagtaka ako nang makita ang panginginig ng mga labi at pangingilid ng mga luha
niya. "Tungkol kay Tyrone. I'm sorry kung napagsalitaan kita ng masama. Dulot lang
naman yun ng. . . selos at inggit."

"Reishel—"

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya. "Sorry talaga. Tanggap ko na. Hindi na ako
mahal ni Tyrone. Pinaniwala ko lang ang sarili ko na pinagseselos niya ako sayo
dahil ayokong masaktan. Mahal ko siya e. Sobra..."

Pinahid niya ang tuloy-tuloy na luhang bumabagsak sa pisngi niya at pinilit na


ngumiti sa akin. "Okay na rin ito. Mas maganda naman yung pinalit niya sa akin e.
No wonder kung bakit siya nahulog sayo. Maiinsulto ako kung alam mo na..."
Humakbang pa siya palapit sa akin at tinitigan ako sa mga mata. "Sorry for being a
b1tch. Friends?" sabi niyang nakalahad ang kamay sa akin.

I glanced first at her before accepting her hand for a hand shake. "Friends..." I
smiled and took out the hanky from my pocket and gave it to her.

Her eyes sparkled as her lips arched into a wide smile. "Salamat, Misty. Maswerte
ka. Two nice guys are chasing you. No wonder, you're a wonderful girl after all."

Ngumiti lang ako sa kanya. "It's not luck, really." If you only knew how hard it
is.

She pulled into a friendly hug and I felt so comfortable in his embrace. "Failing
to choose might lose both, Misty. So, be careful..."

I pulled away to give her a proud smile. "Nakapili na ako..." And I know it's a
best choice for me.

"Good. Tawagin mo akong Ate Reishel. Thank you ulit."

HINDI agad ako umuwi ng mga oras na iyon. Sinamahan ko pa kasi si Reishel na
lumabas. I even invited her to dine out with me pero sabi niya ay uuwi na siya
dahil hinihintay na raw siya sa kanila. Soon after I grabbed my dinner out dahil
hindi ako nakakain ng maayos sa bahay ay umuwi na rin ako.

I plunged into my bed with a light heart and thought over what had happened this
day.

Everything is turning into the way it should be. It is a relief! At least, wala na
akong problema.

Touching a hand to my mouth, I stifled a feigned yawn of tiredness. Matutulog na


sana ako nang sumagi sa isip ko si Zion. I should tell to him what happened
earlier.
Tinawagan ko agad siya kahit na half-sleepy na ako, but to my dismay, panay ring
lang ito and soon after, voice message na ang nagsalita. Napangiti nalang tuloy
ako. Nakatulog na rin siguro.

"Zion, bati na kami ni Reishel! Tulog ka na ba agad? Hmm, goodnight na nga. See you
tomorrow." I said before I shut my eyes close.

=================

50. 17th Birthday

#WBMF

Chapter 50

Saturday night. Ito yung araw na pinakaayaw ko sa schedule ko ngayong second


semester. Nung first sem kasi ay wala kaming pasok every Saturday. Siguro, nanibago
lang ako. Sunday lang ang tanging pahinga namin at bukod dun ay 4:00-7:00pm pa ang
klase. Ngayon lang kami nagkaroon ng klaseng inaabot ng gabi sa campus.

For the nth time of this period ay napahikab na naman ako. I didn't know that
Accounting class would be this boring. Hindi ko alam kung boring lang ba yung
subject o baka naman yung prof namin. Either way, gusto ko nang lisanin nalang ang
klaseng ito.

"... Study chapter 3. We'll be having a recitation next meeting. Class dismiss!"

"Yes!" malakas na bulong ni Sab sa kanang tabi ko. Napailing nalang tuloy ako dahil
narinig pa ng iba naming kaklase. "Kanina pa ako inaantok."

"Sinabi mo pa," pagsang-ayon naman ni Eunice sa kaliwa ko. She shot me her stern
look and I just looked away and fixed my stuff. "Hey! Ba't lugmok na lugmok ka
ngayon, Misty?"

Hindi ko siya pinansin at isinukbit nalang sa magkabilang braso ko ang straps ng


bag ko at dire-diretsong lumabas ng kwarto. Syempre, sinundan naman nila ako.

"Ang gara ng mood mo ngayon, Misty. Be happy!" energetic na sambit ni Sab at


humakbang sa harap ko habang naglalakad pa rin. "Come on, Misty. Today's your 17th
birthday!"

Bigla tuloy akong napatigil sa paglalakad at matamang tinitigan si Sab sa mukha.


Maging si Eunice ay tumabi sa kanya sa harapan ko at nagpameywang.
Oo na, birthday ko na ngayon. Dapat masaya ako e. Dapat ay nasa mood ako para mag-
celebrate. . . pero hindi e. Hindi ko magawa dahil pakiramdam ko ay may kulang.
Hindi lang ito simpleng pakiramdam lang dahil may kulang talaga!

Ngumuso ako't naglakad palapit sa brick seat wall at dun ay pabagsak na naupo.
"Paano ako magsasaya kung hindi siya nagpaparamdam?" I whined like a child. Alam
kong alam nila kung sino ang tinutukoy ko.

Eunice's eyes were twinkling with humor, and something else. Napabuga tuloy ako sa
nakaharang na bangs sa mukha ko. "Sus, 'yon lang pala. Hello! Two days lang naman
siyang absent. Mag-panic ka na kung lumagpas ng dalawang araw siyang wala."

Sa inis ay napahampas ako sa inuupuan kong brick at saka ko sila tinignan ng


masama. "Ngayon lang 'to nangyari, Eunice. Hindi man lang siya nagsabi!'

Oo, hindi siya nagsabi. Ang huli niyang paramdam ay nu'ng sinundo ako ng parents ko
dito sa campus. Pagkatapos naming magtext ng gabing iyon ay hindi na siya
nagparamdam. Sino ba namang hindi mag-aalala dun?

Sab looked down to me, with a large grin splitting her face. "Why would Zion let
you know about everything he does? Kayo na ba? May commitment na ba sa pagitan
niyong dalawa?"

Natigilan tuloy ako sa hirit ni Sab. Gusto ko sanang idepensa ang sarili ko pero
paano? Tama siya. Bakit nga naman ipapaalam ni Zion sa akin ang bawat gagawin niya
sa buhay? Argh! Mas lalo tuloy akong nafrustrate.

"Ah, basta! Hindi man lang siya nagsabi sa akin kahit bilang kaibigan lang. Paano
kung may sakit pala siya?" The whine in my voice made them both cringe.

Mas lalo akong nabadtrip nang sabay silang tinawanan ako. "Ewan ko ba sa'yo, Misty.
Masyado nang halata sa'yo na in love ka sa lalaking 'yon. Why don't you make it
official anyway?" Eunice said, witfully.

"Kaya nga. Kaysa naman yung pinapaasa mo ang isa sa kanila..."

Sabay-sabay naming nilingon kung saan nanggaling ang boses. Kumunot ang noo ko
hindi dahil sa nakita kong si Reishel iyon, kundi dahil sa mismong sinabi niya.

"Happy birthday," she said as she walked towards me, handing me a small gift box.

Napilitan akong ngumiti sa kanyang nang tanggapin iyon. Tinanggap ko man ang regalo
niya ay hindi ko naman magawang tanggapin ang sinabi niya.

"I saw on your facebook na birthday mo pala ngayon. So yeah, happy birthday!" said
Reishel beaming, before she took step close and gave me a hug.
"Uh... Thanks," bulong ko at hindi nakaligtas sa tenga ko ang side comment ni
Eunice.

"Plastic."

At dahil dun ay pasimple kong siniko si Eunice nang tumabi ako sa gitna nila ni
Sab. "Uh, girls. I for got to tell you na nagkaayos na kami ni Reishel nung
nakaraang gabi. We're good now," nakangiting sabi ko.

Reishel just chuckled and waved her hand on us. "Yeah. I better get going. Dumaan
lang ako dito sa building niyo to give you that. Happy birthday ulit, Misty."

I waved a hand on her as I smiled. "Sige, ingat. Thank you ulit."

The moment she left, I heard Eunice snort at herself as she made faces. "I saw on
your facebook na birthday mo pala ngayon..." Eunice mimicked Reishel's voice. "Psh!
Plastic."

Ngumuso lang ako sa sinabi nito. Si Sab naman ay patawa-tawa lang. "Ano ka ba,
Eunice. Bati na kaya kami. She even insisted me to call her Ate."

"Sus," she said, rolling her eyes. Naglakad na siya palabas ng building kaya naman
ay sumabay na kami sa kanya. "Ang sabihin niya, nagpapalinis lang siya ng
pangalan."

"Eunice is right. Ang bilis naman. Bati agad?" segunda ni Sab.

I smiled at their sarcastic words. Whatever it is, at least, wala nang catfights na
mangyayari sa pagitan namin dahil lang kay Tyrone. . . because it's over.

"Kayo talaga. Tama na nga yan. I-celebrate nalang natin ang birthday ko."

With a huge grin on their faces, they both looked at me. "Sure! Bet namin yan!" was
all they said before we ran into the parking lot.

***

Sa bahay ko dinala sina Sab at Eunice. Simpleng salo-salo lang naman at walang
party ay idadaos ngayon kaya piling mga kaibigan lang ang in-invite ko. Sa
katunayan ay in-invite ko rin ang mga high school friends ko na sina Dahlia, Daisy
at Lily kaya naman ngayon ay abala ako sa pagpili ng susuotin.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng kwarto ko. Gaya ng sabi ko ay nagpapatulong ako sa
kanilang pumili ng susuotin kong damit para sa dinner na gaganapin mayamaya, pero
nakakaloka lang dahil ni isa sa kanila ay walang tumulong sa akin. Abala kasi sila
sa pagtingin sa mga throwback pictures ko.

"Ang cute mo dito, Misty!" komento ni Sab nang makita niya yung picture ko noong
Grade 4 palang ako.

Inagaw ko iyon mula sa kanya dahil ang epic ng bangs ko dun. "Cute nga, ang bangis
naman ng bangs ko," naiilang na sagot ko.

Humagalpak naman ng tawa si Sab. "Ako nga nun e, apple cut!"

"Eh kamusta naman yung akin noon?" sabat ni Eunice bago nahiga sa kama ko. "Bob
cut! Nahiya ang hairstyle ko kay Dora."

Natawa nalang ako sa mga sinabi nila. Actually, hindi naman ganun ka-epic ang buhok
ko nung bata pa ako. Lagi kasi akong long hair. I had never cut my hair short.
Gusto ko kasing maging kamukha ni Bloom ng Winx Club noong bata pa ako.

Tinamad ako sa pagpili ng isusuot ko kaya naman ay tumabi ako kina Sab at Eunice sa
kama. Parehas kaming nakatitig sa beige color na ceiling namin.

I took a deep sigh. "Darating kaya si Zion?" I asked, gravely.

"Oo naman, 'no! Why wouldn't he? Baka nga may surprise pa yun sayo," mabilis na
sagot ni Eunice.

"Kaya nga! Dapat ang inaalala mo ngayon ay kung anong surprise niya sa'yo. Yieee!"
Napahagikhik ako nang sinundot ako ni Sab sa tagiliran. Argh, ang lakas pa naman ng
kiliti ko du'n.

Oo nga... tama si Sab. Why would I worry about impossible things? Si Zion, hindi
sisipot sa birthday ko? Aba, hindi pwede 'yon, 'no. Baka nga may inaasikaso lang.
And then suddenly, my phone rang. Napabangon tuloy ako sa pagkabigla at nataranta
sa paghahanap ng phone ko.

"Yung phone ko?!" I asked, panicking. Nakitulong naman sina Sab at Eunice sa
paghahagilap ng phone ko. "Okay, I got it!" sabi ko nang makita ito sa loob ng bag
ko.

"Hello?" Due to excitement, I wasn't able to view my phone's screen. I wa expecting


kasi na si Zion yun pero. . .

"Hi, Misty. Happy birthday."


I almost dropped my phone at the voice. Napa-second look tuloy ako sa screen bago
ako napatili. "KYAAAAH! Kuya Kurt!!"

Sa sobrang saya ko ay nagpatalon-talon ako sa harap nila Sab at Eunice habang


nagsesenyasan sila sa akin kung sino ang kausap ko. I mouthed them; 'my kuya!'.

Kuya chuckled on the line. "Hey, how are you?"

"I'm good! OMG! Kuya, kailan ka uuwi dito?" How I miss his voice!

"I still don't have plans of coming back. When will you visit me?"

Napasimagot ako pero kinalaunan ay ngumiti rin. "I don't know. Kuya, I missed you
so much!" I was speechless. Sa sobrang saya ko ay nangingilid ang mga luha ko.
Almost half of my life ay si Kuya Kurt ang nakasama ko. He'd been with me whenever
our parents are around. Kapag napapasabak ako sa Principal's office ay siya ang
tumatayong guardian ko. How I miss him!

"... Study hard, Misty. Just give me a beep when you get troubled. I swear, I'm
gonna fvcking haunt down whoever tries to mess up with you," he said in his usual
gangster tone. "Take care."

I pouted my lips a bit. Shucks, hindi ko ma-contain yung emotions ko ngayon. I want
to be with my Kuya so bad. "Take care din, Kuya..."

"Huwag munang magpaligaw."

Ngunit doon ay tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig ko. "Huh?"

"I said don't get yourself involved with boys yet. Huwag munang magpaligaw."

Nalukot ang mukha ko't napalunok ako nang bongga. "Kuya, I can't hear you. Hello?!"

"Misty—"

"Huh? Kuya, choppy!"

"Your voice is still clear—"

"I can't really hear you," I said before I intentionally hung up. Idinikit ko sa
dibdib ko ang phone bago ko hinarap ang dalawa kong kaibigan sa kama.

They were as though looking at me like some piece of a weird stuff dahil marahil sa
reaksyon ng mukha ko.

"What happened?" tanong ni Sab.

Ngumuso ako at sabay na umiling. I felt really guilty upon Kuya's reminder. Huhuhu!
Sorry, Kuya. Wala ka naman dito e. Kung nandito ka sana, hindi ako maiinvolve sa
dalawang. . . AAAAH! Bahala na.

My thoughts were interrupted by a sudden knock at the door. Before I could open it
up, Mom came in with the bright smile on her face.

"Hi, girls. Can I have Misty for a while?" she politely asked and my friends
obliged.

Nang maiwan kaming dalawa ni Mommy sa kwarto ay pinaupo niya ako sa tapat ng aking
vanity table. From there, she showed me what she brought for me— a medium sized
paperbag.

"I don't if it will fit you but I hope you'd still appreciate it," aniya nang
ilabas niya mula sa paper bag ang isang red pleated skirt at long sleeve white
blouse.

Lumawak ang ngiti sa labi ko. Siguro nga ay baka nagningning din ang mga mata ko
pagkakita rito. "Wow, ang ganda po... Thank you, Mom!"

She just smiled at me and gestured me to wear it on right away, kaya naman ay
tumakbo na ako sa loob ng walk-in closet ko at isinuot ito. Ilang minuto lang ay
lumabas agad ako at sinalubong ako ng matamis na ngiti ni Mommy.

"You look so beautiful!" she complimented. Pinaupo niya akong muli sa harap ng
vanity table ko at sinimulang suklayan ang buhok ko. Whenever our eyes met through
the mirror, she would smile me.

"You look so pretty. Parang kailan lang nung ipinanganak kita. Ngayon, 17 years old
ka na. Am I getting older already?"

Ngumiti lang ako kay Mommy. Gusto ko sanang sumagot pero naalala kong conscious nga
pala siya sa edad niya. She wouldn't want to admit that she's already 44.

"I have something else to give up," she said with a hint of excitement in her
voice. Nagningning muli ang mga mata ko nang makita ang isinusuot niya sa akin ang
isang solitaire diamond necklace sa leeg ko. I felt goosebumps all over when I felt
through my skin.

"Treasure this gift of mine. Now that you're all grown up, I'm giving you this
necklace. Regalo rin sa akin yan ng Mommy ko noong 17th birthday ko..." Nilapat
niya ang kanyang dalawang palad sa magkabilang balikat ko at pagkatapos ay
pinakatitigan ako sa salamin. "I could still remember what happened during my 17th
birthday. Sinagot ko ang Daddy mo..."

My mouth gaped open. "Talaga po?" Nabigla ako. Hindi kasi palakwento ang parents ko
on how they ended up being together.

"Yes. He made me ditch all the strict rules of my parents. We eloped," sabi niya na
nagpalaglag ng panga ko. Seryoso? Nagtanan sila?

She chortled at my shocked reaction. Sino ba namang hindi magugulat? Ang bangis
pala ng tatay ko! "But I didn't tell you to do the same thing. It's just that I
believe overprotective parents raise the best liars." She turned me around to face
her. Inayos ni Mommy ang bangs ko at hinaplos ang aking mukha. "Ayokong matulad ka
sa akin. Your grandparents used to be very strict to me kaya madalas akong gumawa
ng kalokohan. Kaya nga natutuwa ako sayo dahil napaka-open mo sa amin ng Dad mo.
Well, not as much as to your dad, but at least, open ka sa akin."

She reached out to me to touch my cheek softly. Her eyes held with a glint of joy.
"You're only 17; still not a debutante though, but you are trustworthy. So, I'm
letting you to have a boyfriend."

Napanganga ako sa sinabi ni Mommy. My expression went from confusion to surprise,


then back again. Wala akong masabi.

"You gain my trust but please don't lose nor abuse it, Misty. I know you're a smart
girl. You know your limitations," she said gravely and I immediately assured her
with a nod.

"Of course, Mom!"

Niyakap ko siya ng mahigpit. Her arm tightened around me in a light hug. Indeed,
relief brought a smile to my lips. Isa ito sa mga bagay na ikinakabahala ko noon. I
wanted both of my parents' consent bago ako pumasok sa isang relasyon. And now
this. . . finally.

"Thanks, Mom!"

Humiwalay siya sa yakap at pinisil ang pisngi ko. "Make a good choice, Misty."

Tinitigan ko ng mabuti si Mommy. It was thought she knew something. At nakumpirma


ko iyon sa kanyang ngiti.

"Mom—"

"Your Dad told me every single detail since day 1..." She replied. Hindi ko tuloy
alam ang irereact ko. Oh, my gosh! Si Daddy talaga! Akala ko pa naman secret namin.

A knock on the door drew me away from thoughts. Dad entered and so we both looked
at his way. Nakangiti itong nakatingin sa amin. I really love my Dad.

"Having your Mom-Daughter moment?" tanong nito na nagpatawa sa amin ni Mommy.


"Pasali naman," sabi nito kaya naman ay magiliw kaming lumapit sa kanya ni Mommy at
binigyan siya ng mahigpit na yakap.

The hug lasted for a few seconds before Dad pulled away and said, "C'mon. Gutom na
ang mga bisita..."

Magkasama kami nina Dad at Mom na lumabas ng kwarto. With Mom on my left and Dad on
my right side, we descended the long stairway. Halos mapatili ako sa gulat nang
biglang may pumutok na kung ano sa ere. Sheez, party poppers lang pala!

"Happy birthday, Misty!"

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga bisita. There are only few of them; sina
Dahlia, Daisy, Lily, Sab, Eunice, Butler, Tita Sandra, Tito Anton. . . Habang
kumakanta sila ng birthday song para sa akin ay nilibot ko ang tingin sa paligid.
May kulang pa rin kasi...

"... Happy birthday to you," pagtatapos ng kanta at pagkatapos ay lumapit sa akin


si Eunice para ipaihip sa akin ang candle sa birthday cake. "Happy birthday, Misty!
Make a wish!"

The smile came slowly across my face as I squeezed my eyes close...

Wish? Hmm. . . My wish is I hope I'll make the best choice without hurting anyone.
Sana masaya lang ang lahat. And with that, I opened my eyes and blew the 17 candles
off, followed by a loud applaused from my special visitors.

THE dinner was good. Nakakatuwa dahil kahit na hindi masyadong marunong magluto si
Mommy ay nakapaghanda pa rin siya ng ilang putahe sa tulong ni Tita Sandra.
Dumating din ang bagong asawa ni Tito Anton para makisaya. Even my high school
friends hung out well together with my Sab and Eunice. Everyone seemed happy... but
I still felt there was still missing.

I was pulled from my own thoughts when I heard a sound of a glass clinking kaya
naman ay nilingon naman ang direksyon ng gazebo sa garden only to see Tita Sandra.

"May I call on the attention of everyone," masiglang sabi nito. Halata dito na
medyo nakainom na siya. Kunsabagay, mukhang malakas ang tama ng iniinom niya buhat
pa kanina.
We all turned to face her while we were seated on the lounge. Humiwalay kasi kami
ng mga kaibigan ko kina Mommy kanina.

"Now that today is Misty's birthday—" she said and gestured me to come closer to
her and so I did. "– Come here, Misty. There... I'd like to take this precious
moment to give her something."

Hesitant, I looked at the box over the table. Binuksan niya iyon at may iniabot sa
aking susi. I eyed her questioningly and she just giggled. "That key is for your
Ford Mustang..." It came as though a bolt from the blue. Nalaglag ang panga ko nang
iabot niya sa akin ang pangalawang susi. "And this one's for your condo unit."

The party was filled with loud gasps. Nasundan ito ng nakakabinging palakpakan.
Nakita ko pang cheer ng cheer sina Sab at Eunice sa upuan nila. Wala silang alam.
At this very moment, I felt like I am a traitor. Naninikip ang dibdib ko habang
nakatitig sa dalawang susi na nasa palad ko.

"Congrats!" sabi ni Tita Sandra at niyakap ako ng mahigpit. "Thank you for doing
the deal with me."

"Tita—"

Pagkahiwalay sa yakap ay nakita kong abot tenga din ang ngiti ng parents ko sa
akin. Lahat sila ay masaya para sa akin. But for me, it was a sinking feeling...

Mabilis kong ibinalik sa mesa ang dalawang susi at tumango kay Tita Sandra. "Sorry
po, Tita. Hindi ko po matatanggap yan. Thank you nalang po," sabi ko at
nagmamadaling pumasok ng bahay. Para tuloy nagkaroon ng dead air sa party nang
umalis ako.

I feel like I've screwed up everything. I shouldn't have agreed on that deal in the
first place. Kaya ngayon tuloy ay naguguilty ako para kay Zion.

Paakyat na sana ako nu'n sa hagdanan nang may tumawag sa akin.

"Ma'am Misty..." Nilingon ko siya. Si Butler. "Pinapabigay niya," sabi niya bago
inabot sa akin ang isang kapiraso ng papel.

My heart was racing so fast upon reading the note.

'Misty, meet me outside.'

Hindi ko alam pero walang pag-aalinlangan akong tumakbo palabas ng bahay. I have so
much to tell him. I have so much of explaining to do. Ayoko nang patagalin pa. Tama
sila... Bakit ko pa nga ba pinapatagal kung alam ko na sa sarili ko ang kasagutan?
Sa pagkakataong ito, hindi ko na itatanggi.

As soon as I stepped out of the gate, I saw him turn around, giving me his boyish
smile.

"Misty, happy birthday..."

... and my heart lurched it brought me to tears.

Yhel's note: Kalma, may epilogue pa.

=================

Epilogue

#WBMFEpilogue <--- use this hashtag on twitter, please!

Epilogue

"...T-Tyrone?"

Ngumiti siya sa akin. Hindi ko magawang ngumiti pabalik. Ang hirap palang mag-
expect, 'no? Mahirap umasa lalo na't ibang tao ang inaasahan kong makita. Parang
ang bigat ng pakiramdam ko na tipong kinukurot ng pino ang puso ko. Ngayon ko lang
yata naranasan ang ganitong pakiramdam.

Masakit pala...
Nung araw din na 'yon, para pa rin akong tangang naghihintay kay Zion; naghihintay
na batiin niya ako sa special day ko, na kahit hindi nalang siya makapunta dito sa
bahay ay ayos lang. I swear I waited for him. I waited for him to greet me... pero
lumipas nalang ang dalawang araw ay wala pa rin.

Lunes na. Wala akong ganang pumasok sa E.H.U nung araw na 'yon. Pakiramdam ko
talaga ay may kulang sa akin. I feel so incomplete without him. Ganun siguro talaga
kapag nasanay ka na sa presence ng tao. Hindi ako mapakali lalo na't ilang araw na
siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Ni hi, ni ho ay wala man lang akong narinig
mula sa kanya.

Galit ba siya sa akin?

Wala ako sa huwisyong kumuha ng libro sa shelf. Kasalukuyan akong nasa libray nu'n.
Napaaga kasi ang pasok ko. See? Wala na rin ako sa sarili. Nakalimutan kong 9:30am
pala ang first period pero pumasok ako ng 10am. So, instead of attending my class,
I ditched it. Dumiretso ako dito sa library.

I flipped the book open pero hindi ko magawang basahin ito. Scanning lang ang
ginawa ko and that's it, binalik ko rin agad sa shelf.

Bumuntong-hininga ako at pagkatapos ay naupo sa sahig. Naging hobby ko na nga yata


ang pagtitig sa phone ko, hoping that he would text or call me... pero lumipas
nalang ang birthday ko ay wala pa rin. I wanted to visit him in his house pero
nahihiya ako sa Mom niya. Jeez, what is going on with Zion now?

With a heavy sigh, I called Zion again. Gusto ko nang maiyak nang marinig na naman
ang recorded voice mail nito.

"Zion, galit ka ba sa akin?" tanong ko na kahit hindi niya ito sinagot. "Ang daya
mo. Hindi ka man lang nagparamdam nung birthday ko."

Padabog kong ibinulsang muli ang phone ko. I growled in frustration. Kung ginagawa
niya lang ito para magpa-miss sa akin, pwes panalo na siya. I miss him so much!!

"Misty?"

I was stiffened and looked up at where the voice came from. Conscious tuloy akong
tumayo at inayos ang sarili ko.

"Anong ginagawa mo dyan? Ba't ka nag-iisa?" Si Tyrone. He looked so puzzled as he


reached for me but I quickly avoided him and gave him a small smile.

"Na-late kasi ako. Nagpapalipas lang ako ng oras dito. Ikaw ba? Wala ka bang
klase?"
Nagkibit-balikat siya. Nagtaka ako nang hubarin nito ang kanyang jacket at iniabot
iyon sa akin. "Suotin mo. Namumutla ka na yata sa lamig," sabi niya na agad ko
naming ginawa. Sa totoo lang, may bagyo nung araw na iyon. Nakalimutan kong magdala
ng jacket o paying kaya naman ay nabasa ako at dumiretso nalang dito sa library
para magpatuyo.

"Salamat. Sige. Maiwan na muna kita dito ha? Pupunta lang ako ng canteen."

Hindi ko na siya hinayaan na magsalita dahil tumalikod na ako't akmang aalis na


nang mabilis siyang humarang sa dadaanan ko.

"Iniiwasan mo ba ako, Misty?"

Hindi agad ako nakasagot dahil una, iniiwasan ko talaga siya at pangalawa, dahil
nakakaramdam na rin ako ng guilt sa kanya. Nung gabi ng birthday ko, alam kong alam
niyang na-disappoint ako na siya ang nakita ko sa labas at hindi si Zion. Alam kong
napansin niya yun dahil buhat nun ay hindi ko magawang ngumiti sa gitna ng
celebration sa bahay. Nung gabi ring 'yon, naisip kong dapat ay tumigil na siya
dahil ayoko na siyang paasahin.

"Misty..."

Humakbang siya palapit sa akin at natigilan ako nang maramdaman kong lumapat ang
likod ko sa shelf. Halos higitin ko na ang hininga ko nang hawakan niya ang tali ng
jacket sa leeg ko't pinakatitigan ako sa mga mata.

I met his accusing gaze with a cold stare. "Iniiwasan mo ako," he stated and
sighed. "Bakit, Misty?"

Pumikit ako at lumunok ng dalawang boses. Ayoko nang patagalin pa ito. Mas lalo ko
lang siyang masasaktan kung hahayaan ko pa siya.

"Sorry, Tyrone..." bulong ko at pagkatapos ay yumuko ako. "Itigil mo na 'to. Si


Zion ang mahal ko."

There I said it. Para akong nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan ko, pero may
natitira pa ring tinik sa dibdib ko. Matatanggal ko lang ito kapag tinanggap ko na
si Zion sa buhay ko— na siya ang pinili ko.

"So, siya pala?"

Umangat ang tingin ko sa kanya nang unti-unti siyang bumitaw sa tali ng jacket ko.
His jaw tightened and his cold and cruel eyes were filled with sadness.

"Kung ganun, nasaan siya, Misty?" His voice became ragged. Mas lalo tuloy bumibigat
ang pakiramdam ko. "Bakit ngayon palang ay wala na siya sa tabi mo?"
Napayuko ako at tuluyan nang bumuhos ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan na
bumagsak sa mga pisngi ko. "Hindi ko alam, Tyrone. Basta hahanapin ko siya.
Nagpapamiss lang yun sa akin! Makakatanggap talaga ng sapak yun sa akin kapag
nakita ko siya," hikbi ko na nagpatawa sa kanya.

"Tara nga dito," he said and then snaked his arms around me. Hindi ko na tuloy
napigilan ang sarili ko na iiyak lahat ng hinagpis ko sa dibdib. "Sshh... Medyo
hinaan mo, Misty. Mahuhuli tayo ng librarian."

Hinampas ko siya sa dibdib. Natawa lang naman siya. "Ikaw kasi e. Kinocomfort mo pa
ako, mas lalo lang tuloy akong naiiyak."

Bahagya niyang hiniwalay ang ulo niya para tignan ang mukha ko. "Hindi ba dapat ako
ang i-comfort mo dahil ako yung nabasted dito habang ikaw ay may boyfriend na?"

I pouted my lips guiltily to him. "Tyrone..." Ito na nga ba ang sinasabi ko e.


Ayoko talagang may nasasaktan nang dahil sa akin which is ironic dahil mahilig
akong manakit sa pisikal!

"'Wag ka ngang ma-guilty," he said and finally released me from the hug. He pinched
me lightly on the nose and gave me a small smile. "Okay lang. Okay lang na binasted
mo ako sa libray na 'to. Parang ayoko na tuloy pumunta ulit dito..."

"Tyrone naman e..." Mas lalo akong ngumuso.

He let out a soft chuckle as he stared at me. "Joke lang. I just want you to be
happy. If that's with me or with someone else or with nobody, I just want you to be
happy," sabi niya na nagpalaglag ng panga ko.

Natawa siya sa gulat na ekspresyon ko kaya hinila niya ulit ako't ikinulong muli sa
mga bisig niya.

"'Wag ka. Inaral ko yan," he said and caressed my back. "I love you, Misty. Mahal
kita kaya kung paiiyakin ka ni Zion, tumakbo ka lang sa akin— ihahampas ko ang
paborito kong gitara sa kanya. Subukan lang niya."

I laughed along and gave him a light smack on his arm. "Ikaw talaga! So, friends pa
rin tayo?"

Inabot ko sa kanya ang aking kanang kamay for a handshake pero tinitigan niya lang
iyon at bumuntong-hininga. Magsasalita sana ako nang biglang mag-vibrate ang phone
ko.

Natataranta ko tuloy 'yong sinagot nang hindi inaalis ang tingin kay Tyrone.
"Hello?"
"Misty, bakit hindi ka pumasok? Parang anez 'to!" Si Eunice. Parang natataranta ang
boses niya at naririnig ko rin boses ni Sab sa background.

"Anez?" What on earth does that word mean?

"Aish, forget it. Bakit hindi ka pumasok?"

"Na-late ako—"

"At ngayon ka pa na-late. Pumasok kaya ang soon to be boyfriend mo!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Si Zion? Geez! Mabuti naman at pumasok na
siya! "Nasaan siya?? OMG! Thank you. Pumasok na siya..." The last words I said was
what I told myself na mukhang napalakas yata dahil umakto si Tyrone na
pinapatahimik ako.

"Teka. Nawala e," sabi ni Eunice at parang may kinausap pa yata. "Sab, nasaan na ba
si Zion? Ayun! Langya ka, Misty. Pumasok ka na nga dito nang makausap mo na
siya..."

"Okay!" I said, hung up and grinned up at Tyrone. "Pumasok na si Zion..."

Ngumiti lang siya at tumango. "Ano pang hinihintay mo? Puntahan mo na siya..."

Kinagat ko ang ibabang labi ko't nagdadalawang-isip kung tatakbo na palabas ng


library o kung ano. Naguguilty kasi ako na iwanan si Tyrone. Hindi ko alam... I
just can't bear seeing those sad set of eyes of his.

"Tyrone, sorry talaga."

"Gusto mo pa bang samahan pa kita?" Natatawang sabi niya kaya naman iyon na ang
hudyat ko para tumakbo na palabas ng library.

DUMIRETSO ako sa classroom namin at hinanap agad ng mga mata ko sina Sab at Eunice.
Wala kaming vacant time kaya alam kong dito sa room na rin ito sila didiretso.
Hingal na hingal ako nang tuluyan na akong makapasok.

Nang makita ko ay sinalubong agad ako nina Sab at Eunice. One thing's for sure.
Wala roon si Zion. "Nasaan siya?" tanong ko.

"Bigla nalang nawala e," natatarantang sagot ni Sab. Kaya naman ay napabuga ako sa
hangin dahil sa inis at nagmamadaling tumakbo na palabas ng classroom.
Before I could finally storm off, I heard Eunice shout something. "Try mo sa dance
studio, Misty!"

Ngumiti lang ako at tumango sa kanila bago ako tumakbo na paalis.

Pakiramdam ko, it's a matter of life and death. Kung hindi ko pa sasabihin kay Zion
ngayon ang tunay na nararamdaman ko— na siya ang mahal ko ay ito na siguro ang
magiging pinakamaling desisyon na gagawin ko sa buhay ko.

Sa bawat pagtakbo ko patungo sa dance studio ay kung ano-anong pumapasok sa isip


ko. Naalala ko yung mga panahong lagi niya akong inookray, yung mga panahong
tinatawag ko siyang Badaf at siya naman ay tinatawag akong Chararat. I used to hate
him but now, I'm in love with him.

Hindi ko lubos maisip na sa isang bakla pa ako na-fall. He used to be a gay and
now, he's not anymore. Ni hindi nga ako makapaniwala na nauna pala siyang na-fall
kaysa sa akin. Hindi na rin naman importante kung sino ang nauna o ang nahuli.
Basta ang importante ay parehas kaming na-fall sa isa't-isa.

Sa pagtapak ko sa admin building ay dumiretso na ako sa 2nd floor, sa tapat ng


dance studio. Habol-habol ko ang hininga ko sa layo ng itinakbo ko pero parang
nawala ang pagod ko nang, finally, nakita ko na siya sa glass wall. He moved to the
sway of the music. I stopped for awhile and watched him dance.

Base sa bawat galaw na ginagawa niya ay mukhang slow music ang isinasayaw niya.
When our eyes met, his dance became rigid. Mayamaya lang ay lumapit siya sa music
player at mukhang pinatay ito.

'Yon na ang signal ko na pumasok kaya huminga ako ng malalim... ng paulit-ulit bago
ako pumasok nang nakangiti sa kanya.

"Zion."

I miss this guy so much that I wanted to run to him and gave him a bear-hug.

Hindi siya nag-abalang lingunin ako dahil mas pinili niyang uminom sa bottled water
niya. Humakbang ako palapit sa kanya. My heart was beating like crazy. Kinakabahan
ako. Nanginginig pa ang mga labi ko...

But I guess it's about time...

Nakita ko ang pawis niya sa mukha kaya naman nilabas ko ang aking panyo at
nilapitan siya. "Nakakainis ka. Alam mo ba 'yon? Hindi ka man lang nagparamdam sa
akin," sabi ko at sinimulan nang punasan ang pawis niya sa kanyang mukha pababa sa
kanyang leeg. "Ni nung birthday ko, hindi ka nagparamdam. Nakakatampo ka pero keri
lang, nandyan ka naman na e."
Natameme ako nang bigla siyang umiwas at nilapitan ang backpack niya na nasa sulok.
May inayos siya dun at hindi pa rin ako nililingon.

"Anong ginagawa mo dito?" malamig na tanong niya.

Nakaramdam ako ng matinding kaba nang marinig ang malamig niyang boses. Nanatili
lang akong nakatingin sa kanya habang mahigpit kong hinahawakan ang panyo ko. May
problema ba kami?

"W-wala naman. Nag-aalala lang ako kasi dahil ilang araw ka nang—"

He cut off my words by turning on the music player again. "May klase ka pa."

Lumapit ako sa music player at pinatay iyon, at dahil dun ay nilingon ako ni Zion.
His stare was dark and hard.

"May pasok ka rin naman ah?" sabi ko. Huminga ako ng malalim. Siguro, wala lang
siya sa mood. Siguro, napagalitan lang siya sa bahay nila kaya siya nagkakaganito.

Naupo siya sa sahig at tinignan ang kanyang repleksyon sa salamin. "I shifted to
another course, Misty."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "Huh?" Humakbang ako palapit sa kanya.
"Hindi mo man lang sinabi sa akin?"

He gave out a long sigh of weary, perhaps. He seemed to be annoyed. "Look, Misty.
Kung may sasabihin ka pa, sabihin mo na nang makaalis ka na. I want to be alone."

My brows creased into a frown. Naglakas loob ako na lapitan siya't maupo sa harapan
niya. I cupped his face and stared into his eyes.

"Zion, bakit ka ba nagkakaganyan? May problema ba sa bahay niyo?" Kumilos ako


papunta sa tabi niya't sumandal sa kanyang braso. I caught his eyes through the
mirror and gave him a smile. "I miss you. Effective 'yang pagpapamiss mo dahil
namiss talaga kita."

Say it, Misty. Now.

"I love you," halos pabulong na sabi ko. Nakakabingi ang pagtibok ng puso ko.
Sobrang bilis. Ngayon ko lang naramdaman ito. "It is my fault that you have not
known it all the while."

I smiled, though my lips were trembling like crazy.


"... Sinasagot na kita."

Katahimikan.

Hindi ko alam pero may halong kaba at takot ang tibok ng puso ko. He didn't move.
He didn't say anything at all. Tila tumigil ang tibok ng puso ko nang tanggalin
niya ang pagkakayakap ko sa braso niya at saka ito tumayo na para bang walang
nangyari.

"That's it?"

Umangat ang tingin ko sa kanya. Nangingilid na naman ang mga luha ko.

"Zion—"

I was stoned when I saw his arrogant smirk towards me. "Thank you..." sabi niya at
kinuha na ang kanyang backpack.

Naguguluhan ako sa inaasta niya. I pulled myself together to stand up and walk
after him.

"Zion! Ano bang problema mo?"

Huminto siya sa doorstep. Nilingon niya ako nang nakangiti... but there wasn't a
glint of humor through them.

"Wala akong problema. It's just that the game is over. You made me fall for you,
and I did. Now that you fell for me too, we're even," he eyed me darkly and gave me
a nod.

"By the way, congratulations on your new car and unit. You deserve it... You did a
great job. Ginago mo ako."
Napapikit nalang ako ng mariin kasabay ng pag-agos ng luha sa aking pisngi. Para
akong nanghina sa mga sinabi niya. Ni hindi niya man lang ba ako hahayaan na
magpaliwanag? Napaupo ako sa sahig dahil nanginginig ang mga tuhod ko sa kakaiyak,
at hindi ko alam kung anong sumagi sa isip ko para kunin ang phone ko at tawagan
si....

"Tyrone..." I called as I let all my sobs out.

... And that was the first time I got my heart broken into thousand tiny pieces.

Akala ko masarap ang ma-in love. Yung tipong na-fall ka at may sumalo sayo...

Pero hindi man lang ako nainform na sa pagkasalo niya sa akin ay bibitawin niya rin
pala ako.

Ang sakit.

Sobrang sakit.

My life's so ironic. I've haven't given my heart to him yet but still he went ahead
and broke it into pieces. New car? new condo unit? No, I don't deserve any of
those. Siguro nga deserve ko na masaktan ako ng ganito.

This must be my karma...

Nagsisisi tuloy ako. I shouldn't have let myself fall for him. I shouldn't have let
ourselves fall for each other. Pero wala e, nangyari na... and it's literally
tearing me apart.
Yhel's note: Oo na. ito na ang pinaka-cliff hanger na epilogue na ginaw ako sa
tanangbuhay ko. Bago niyo ako batuhin ng tantrums (lol), kalma again. May special
chapter pa. Pagbibigyan ko kayo sa POV ni Zion.

=================

Special Chapter

Special Chapter

"Hi, I'm France Zion Madrigal, but you can call me Paris. The city where Eiffel
tower lies, the city of Fashion. Basta bonggang city just like the beautiful lady
standing infront of you."

I was once a gay and now, I'm straight.

Ang gulo ng identity ko, ano? Kasing gulo lang din ng utak ko. Bayaan niyo na ako.
Ganun talaga. Hindi ko naman ginusto 'to e, pero dahil sa kakaudyok niya sa akin,
tumagilid ang dati kong tuwid na landas.

From Paris to Zion...

Siya ang naging dahilan kung bakit ako nagkaganito. Sa kakaasar niya sa akin na
bakla ako ay para bang may umihip na masamang hangin sa sistema ko kaya naman ay
naging 'ganun' ako. Nung una, masaya si Daddy. Paano nga naman daw, sa wakas ay
nagkaroon na siya ng anak na babae. At eto naman ako, gustong mapalapit ang loob sa
kanya kaya naman ay sumabay nalang ako sa agos.

Napalapit ako sa mga batang tagilid din ang kasarian. Ang aga kong nagkaroon ng
identity crisis, mga 7 years old palang. Oo, inaamin ko, malambot akong magsalita't
kumilos pero isa lang ang maisisigurado ko. Mula pa nung tuwid ako hanggang sa
naging tagilid ay nasa kanya lang ang atensyon ko.

Nursery, elementary, high school... Lagi nalang kaming magkaklase. Bonus pa nga
'yong lagi kaming magkasunod sa class record dahil sa surname kong 'Madrigal' at sa
kanya nama'y 'Lee'. Dahil dun, lagi kaming magkatabi lalo na't alphabetical ang
seating arrangement. Nakakatawa mang sabihin pero 13 years siyang pikon sa akin.
Kapag pikon pa naman siya, nanapak siya sa mukha. Pero ayos lang, yun nga ang
nagustuhan ko sa kanya e. I know it's weird but that's the way I've liked her.
Aaminin ko, ang gusto ko talagang course sa college ay BS in Psychology, pero nang
malaman kong BA in Management ang kukunin niya ay hindi na ako nag-atubiling yun
nalang ang kunin ko sa college. At that point in my life, I felt like I was
homesick. Hindi niyo ako masisisi. For the past 13 years ay siya ang kasama ko.
Nasanay na ako sa presensya niya. Hindi man kami magkaibigan pero masasabi kong
hindi kumpleto ang araw ko nang hindi ko siya nakikita. Iniisip ko palang na sa
apat na taon ko sa college ay wala siya sa loob ng classroom na papasukan ko ay
nalulungkot na ako. I felt so empty, idagdag pa ang nangyari sa pamilya ko. My Dad
married another woman.

I took up the same course as hers. Naalala ko pa ang reaksyon niya nang makita ako.
Nakakatuwa... Natutuwa talaga ako kapag naaasar siya. Dun niya lang kasi ako
napapansin. Mang-aasar ako, mapipikon naman siya. Kahit paulit-ulit lang ay wala
akong pakielam. Malungkot ako sa bahay pero kapag nasa campus naman ako ay
napapasaya niya ako.

Nung mga panahon na yun, lagi na akong sinesermonan ni Mama. Na kesyo bakit ba ako
naging bakla. Na bakit ako naging ganito ang kasarian ko. I wanted to stay that
way. Akala ko kasi, dito ako magiging kumportable at masaya. Naguguluhan ako. Hindi
pa ako sigurado sa buhay ko.

Dumating pa nga sa punto na parang ayaw ko nang umuwi sa bahay. Sa kakasermon kasi
sa akin ni Mama ay mas lalo lang akong naguguluhan. I also didn't expect that
college life would be this tough. Mahirap makipagkaibigan lalo na't takot pa yata
sila sa amin. Kasalanan 'to nung prof e. Never mess with us daw dahil may mga kuya
kaming siga. Hindi naman kami katulad nila e. Siguro siya, pwede pa... pero ako?
Malabo.

Hanggang isang araw, nakita ko siyang nag-iisa sa canteen. Walang kasama sa table.
I swear I swallowed a few times before I went to her. Naglakas-loob na akong
kausapin siya.

"Oy, chararat."

Nag-angat siya ng tingin sa akin at pustahan tayo, sasamaan ako ng tingin nyan.
"Diba sabi ko strangers tayo? Ba't nakikiupo ka dyan?" Nagbibiro lang naman ako
nung sabihin ko yun sa kanya nung unang araw ng klase. Pwede ba namang maging
stranger siya sa akin? We've been together for almost half of our lives. Hindi pa
nga kami. Magmula pa nung naka-diapers pa kami ay magkakilala na kami.

"Arte much, 'teh? Eh sa walang bakanteng table e. Ayaw pa-share?"

"Sa iba ka maki-share!"

And the rest is history— a history that was far beyond from what I expected. Naging
magkaibigan kami. Ni hindi nga lilipas ang araw nang hindi kami magkasama. Halos
hindi na kami mapaghiwalay dahil kahit nakauwi na kami sa bahay ay nagkakausap pa
rin kami sa pamamagitan ng Facetime o phone call.
And then, she met some guy. Kamukha raw ng crush niyang anime character. Hindi ko
alam kung bakit pero nainis ako. Nainis ako dahil... hindi ko alam. Shet, basta
nakakainis! Nakakarinding pakinggan ang bawat kwento niyang may halong kilig
tungkol sa crush niya. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko kaya naman isang
gabi, bago ako matulog, napaisip ako.

'Bakit naman ako naiinis? Nagseselos ba ako?'

Sinakyan ko siya, sinuportahan pa nga sa lalaking nagpahanga sa kanya. I tried to


tease her about telling her that I also got a crush on her crush. Ang wirdo ko
talaga, ano? Wala naman talaga akong gusto dun sa lalaki dahil may gusto akong
iba...

Nakumpirma ko iyon nang i-celebrate ko ang 17th birthday ko. Walang ibang bisita.
Siya lang ang nagpaunlak sa imbitasyon ko.

"Misty, glad you came."

Honestly, I was really glad upon seeing her arrive at my birthday party. Nung mga
oras din na 'yon, imbes na ma-disappoint ako dahil wala man lang nagpuntang bisita
ay mas natuwa pa ako. Naisip ko pa nga na sana ay wala nalang pumuntang iba. Sapat
ng siya ang kasama ko. From that very moment, I learned to value and appreciate
her... more than a friend.

More than a friend? Oo. Simula nun, gusto ko siyang ma-solo palagi. Sinusuportahan
ko siya sa lahat ng bagay. Masama ba kung sabihin kong gusto ko siyang ipagdamot sa
iba? Gusto ko kasi, sa akin lang ang atensyon niya.

"I love you na talaga 5ever. Thank you, soul sister!" Hindi ko makakalimutan nang
bigla niya akong yakapin nang tulungan ko siya noong time of the month niya. I
really fvcking flinch at her embrace for some seconds. Nag-init ang buong mukha ko
sa ginawa niya pero hindi ko in-acknowledge ang pakiramdam na iyon at itinulak
siya.

"Aray!"

"Gosh, makalayas na nga dito. You're harrassing me!"

I felt so appeased being her soul sister. Kahit na soul sister lang ay masaya na
ako. In that way, secured ako sa friendship naming. Kahit na naguguluhan na ako sa
kasarian ko nung mga panahon na iyon ay mas pinili kong itago nalang ito. Natatakot
akong baka mailang siya sa akin kapag nalaman niyang nasa punto na ako nang pag-
amin...

Pag-amin na tuwid na ako... Na gusto ko siya.


Pero nakakatawa lang dahil pilit ko 'yong itinatanggi sa sarili ko. I even made a
golden rule for the both of us just to cover up my feelings at para na ring
maiwasan at mapigilan nang mangyari iyon...

Warning: Bawal Ma-fall

Gusto ko naman talaga siya e. As days went by, I realized that I've fallen for her.
And then, he came. Hindi ko alam ang gagawin ko nang malaman ko na 'yong crush
niyang kamukha ng paborito niyang anime character ay naging kaibigan niya na and
what's worst is... tutor pa niya.

I tried my best to get on his crush' way. Sa isip ko, dapat nandun ako palagi
tuwing magkasama sila. 'Langya! Hindi pwedeng mapalapit si Misty sa kanya. I made
certain ways to get on their way. Nag-bake ako ng cupcake nu'n para magkaroon ako
ng dahilan na puntahan si Misty. I even lied to her upon giving the cupcake. Sabi
ko, si Mama ang nag-bake. Sabi ko, pinaliligawan ako ni Mama sa kanya.

Pero ang totoo, ako lang talaga ang may sabi nu'n.

Pero shet lang, mukha namang walang nangyayari sa bawat kilos ko. Mas lalo pa nga
yata silang nagkakalapit. Nag-ala-stalker na nga ako sa kakasunod sa kanya... sa
kanila. Naiinis na ako sa sarili ko. Nahihirapan na ako. I tried to get away from
for awhile and think things over.

"Argh! Ba't ka ba ganyan kung umasta? It's as if you're gripping me. The last time
I checked, bestfriend kita. Soul sister pa nga. Anong nangyari ngayon, France?
Bakit parang lumalagpas?" Yun ang sinabi niya sa akin noong mapuno na siya noong
outbound tour namin.

"Shet, hindi ko na rin alam! Lumayo ka nga sa akin!" Gusto ko nang umamin pero
naduduwag ako. "Naguguluhan ako e! Please, Misty! Please get out of my mind."

And then, one day, I couldn't hold my sh1ts anymore. Umamin ako sa isang taong
pinagkakatiwalaan ko.

"I think I am in love."

"Sa babae o lalaki? Kung sa lalaki, aba, peste ka—"

"Sa babae."

Nabulunan siya sa kinakain niyang cookie na ako ang nag-bake. Practice ako ng
practice e. Si Kuya Wayne ang food taster ko.

"Francisco, hindi nga?"


Namula ako. Hindi pa rin kasi ako sanay. "Oo nga. Ano bang gagawin ko, Kuya?"

"Anak ng! Sasabihin ko 'to kay Mama! Kay Papa! kay bunso! Sa buong barangay! Sa
buong Pilipinas!" Tinapik niya pa ng malakas ang dibdib ko. Naubo ako. "Zion!
Lalaki ka na!"

"Kuya, secret lang natin 'to! Gusto ko, kapag umamin ako, maging girlfriend ko muna
siya."

"Sino?" Kumunot ang noo niya. "'Wag mong sabihing si—"

"Siya nga."

Nanlaki ang mga mata niya, parang hindi makapaniwala, hangang-hanga. Halo-halong
emosyon. "Imba ka! You're the man! Fine, ganito ang gawin mo..."

He taught me a lot of things on how to get her, pero paano ko ba yun magagawa kung
hindi ko pa nahahanap ang lakas ng loob para umamin? Naduduwag ako. Pakshet. Pero
ang sarap naman manapak tuwing nakikita ko siyang kasama ang taong gusto niya.
Pakiramdam ko, wala ring saysay kung aamin pa ako. Sa umpisa palang, alam ko nang
iba ang gusto niya. Paano ko pa ilalaban ang isang bagay kung alam ko nang dehado
ako? Ang hirap sumugal. Ang hirap pumusta.

"Paano kung sa kakalayo mo ay mapalapit naman siya sa iba?" Isang araw ay nasabi
nalang iyon sa akin ni Reishel, kaibigan ko. Kaibigan ko na mangyari namang dating
girlfriend ng lalaking gusto ni Misty. She became so close to me when I joined the
dance troupe. Ang liit talaga ng mundo para sa amin. Paikot-ikot nalang.

Bumuntong-hininga lang ako at hindi sumagot. My mind went blank. Marahil ay


nahalata na rin niya ang pinagdadaanan ko. Sa bawat araw nalang kasi na lumayo ako
sa kanya ay tinatanaw ko nalang siya mula s malayo. Ginusto ko naman ito e. Ginusto
kong pahirapan ang sarili ko.

"Zion, walang mangyayari kung mananatili ka nalang na patingin-tingin sa kanya mula


sa malayo."

"Paano kung mailang siya sa akin? Paano kung sa pag-amin ko ay masira ang
pinagsamahan namin? I'd rather keep this as a secret than ruin our friendship..."

Naupo siya sa harapan ko at tinitigan ako. "So, forever stuck ka na sa ganyang


level? Ikaw din. 'Wag kang umamin. Magsisisi ka sa bandang huli. Mas pinili mong
itago yan kaysa ang magpakalalaki't umamin sa kanya. Pinatunayan mo nga sa akin na
men are cowards but are too cowardly to admit it."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Nung mga oras din na 'yon
ay gusto ko na siyang harapin... para kausapin pero muli akong naduwag nang
makaharap na siya. Sab and Eunice set us up in a lunch. "Ano ba kasi 'yon? Sabihin
mo nalang, hindi yung pinapatagal mo pa."

She was kicking me to say it but I chose not to. Hindi ko kaya. Siguro nga ay hindi
ko pa kayang magpakalalaki.

"Itetext ko nalang."

Nag-walk out siya. Nag-walk out din ako. I was so frustrated I wanted to give
myself a hard punch on the face. Tangina, ayun na e. Dapat sasabihin ko na... hindi
ko pa nagawa. Kung hindi ko masabi, gagawin ko nalang sa ibang paraan. And so, I
texted her.

To: Misty

Misty, nahulog na yata ako sayo. May balak ka bang saluhin ako? :(

Kung alam lang nila kung ano ang nararamdaman ko nang i-send iyon. Para akong
mamamatay sa kaba. I was expecting her to reply pero lumipas nalang ang 24 oras ay
wala pa rin. Shet! Shet! SHEEET!

"Basted na ba ako?" tanong ko kay Kuya Wayne. Niyaya niya akong mag-inom. First
time ito dahil lalaki na raw ako.

"Hindi ah. Nahihiya lang 'yan o baka lowbat, tsong. Think positive."

Think positive? Shet, sa kaka-think positive ko ay pinapaasa ko lang ang sarili ko.
Nakakatanga lang lalo na nang maabutan ko pa sina Sab at Eunice... pati na rin yung
lalaking kinaiinisan ko sa library. Malamang kung nandito sila, mamaya maya lang
din ay nandito na rin siya.

Nabadtrip ako lalo na nung hindi man lang niya ako dinapuan ng tingin. Na sa lalaki
kasing iyon ang atensyon niya. Rinig na rinig ko pa ang malambing na boses nila sa
isa't-isa. Kung ito lang din pala ang magiging resulta ng paglayo ko e dapat pala
ay lumapit na ako. Pakshet.

"Pwede ba tayong mag-usap sa labas?" sabi ko sa lalaking iyon nang umalis siya
saglit. I did it really in the right timing. Gusto ko, usapang lalaki sa lalaki
lang.

Tumango siya. Gusto pa ngang sumama nina Sab at Eunice pero umiling ako at nagpunta
sa isang lugar na hindi matao. I'll get this over now.

"Leave her alone," I said firmly as I stared at his eyes darkly.


Ngumiti lang siya, medyo tumagilid pa nga ang ulo. "Ano?"

Shet. Ito ba talaga ang nagustuhan ng babaeng gusto ko? Hindi nga pala maalam sa
English ang isang 'to.

"Ang sabi ko, layuan mo na siya."

Ngumisi lang siya. Nakakaasar. Bwisit. "Hindi naman ako ganun kabobo sa English.
Nakakaintindi naman ako. Ang akin lang, bakit mo ako pinapalayo? Kaibigan ka lang
niya diba?"

My jaw clenched and so did my fists. E langya pala 'to e!

"B-Basta... Layuan mo lang siya," kalmadong sambit ko. There's no damn way I'm
gonna admit to him my feelings for the girl I've fallen in love with.

"Bakit nga?" Ngumisi siya ulit. This time, it's broader. "Nagseselos ka ba?"

Hindi ako sumagot, pero otomatikong umiling ang ulo ko.

"P're, 'wag mo sanang masamain pero... may gusto ka ba sa akin?"

Walang sabi-sabi ay sinapak ko siya. Gag0 siya! Kung may gusto o mahal man ako,
hindi siya iyon kundi si Misty Kirsten Lee...

Timing pang nasaksihan ni Misty ang pagsapak ko kay sa lalaking iyon. Pangalanan na
natin ang gag0— Tyrone John Saavedra. Sa totoo lang, hindi ako nag-alala na nakita
ako ni Misty na sinapak si Tyrone. Pakiramdam ko nga ay isang malaking achievement
iyon. Ang pinag-aalala ko lang ay si Tyrone ang nilapitan niya't hindi ako.
Nasaktan din naman ako. Shet, ang sakit ng kamao ko! Ito ang unang beses na
nakasapak ako.

"Kuya, ang sakit..." daing ko. Tinext ko kaagad si Kuya Wayne. Pinapunta niya ako
sa restricted area ng X10 nun.

"Isa ka nang ganap na lalaki! I'm so proud of you!"

Sinapak niya pa ako sa braso kaya dumaing ako. "Masakit nga! Lagyan mo ng ointment
o ng cold compress o basta kahit ano!"

Biglang may nag-buzz sa kwarto. Binuksan ni Kuya ang pinto. Muntik na akong mahulog
sa kinahihigaan ko nang makita si Misty. Magkasalubong ang kilay. Galit na naman
ito. Sinaktan ko ba naman ang Mikorin niya e. Tss.
"Anong ginagawa mo dito?" pagsusungit ko.

"Kakausapin ka!"

And that conversation led to something. Nung araw na 'yon, napatunayan ko ngang
100% ngang lalaki na ako. I kissed her...

Sinimulan ko ang panliligaw sa kanya. Nakipagsabayan ako kay Tyrone. Iba talaga ang
tama ko kay Misty. Para akong lasing... Siguro kasi, unang beses akong nahulog.

Warning: Bawal Ma-fall

Natatawa nalang ako sa golden rule naming iyon. Ako pa man din ang nagpasimuno nun
pero ako rin ang unang bumuwag nito. Ano pa nga ba? Nandyan na e. Nabuo na. Nahulog
na. At pakiramdam ko ay nasa alapaap ako. Mapipigilan pa ba yun?

Hindi...

O baka naman oo. Dumating yung araw na nabuko ako ni Mama. Narinig kasi niya ang
usapan namin ni Kuya Wayne sa phone. Nagpapatulong ako kung ano ba ang magandang
iregalo kay Misty sa birthday niya.

Of course, she was happy. The news spread like a wild fire. Nalaman din ni Dad.
Sobrang proud siya sa akin. Pero hindi pa sapat 'yon para maging proud naman ako sa
sarili ko.

I want her to be my girl...

"France, Elizabeth invited us for dinner sa bahay nila. Sumunod ka nalang after
maluto nyan. Okay?"

Kaya pala isang araw ay tumawag sa akin si Mama na magluto raw ako ng pagkain
pagkatapos ng dismissal ko. Parang mamanhikan lang... Kinabahan tuloy ako.

I made sure I looked presentable. Nagbihis ako ng maayos— yung hindi matuturn off
sa akin si Tita Elizabeth, yung Mommy ni Misty. Habang nasa byahe ako, na-receive
ko ang sms niya. Napangiti tuloy ako.

From: Misty

Your Mom's here. Alam na ni Mommy na nanliligaw ka sa akin. :<

Hindi ko alam pero nawala ang kaba ko. She's really cute.
To: Misty

Edi masaya. Wahaha

Tumawag agad ako sa kanya noon. I told her calm down.

"... I love you," seemed the last words I told her since that night.

I took few deep breaths before I entered Lee's residence. Ang laki pa ng ngiti ko
sa labi nu'n nang pumasok ako pero natigilan ako sa pagpasok nang marinig ko ang
pinag-uusapan nila.

"Ito ba yung deal about Zion?" said Misty's father.

"Yes."

Butil-butil ang pawis sa noo ko habang nag-eeavesdrop sa pinag-uusapan nila.


Tahimik akong nagtago sa pader at pinakinggan pa sila.

"Ganito kasi yun, Elizabeth. We had a deal earlier of their first sem. Masyado
akong frustrated tungkol sa kasarian ng anak kong si Zion. Napansin kong naging
close sila ni Misty nu'n, so I took the chance to make a deal with her and that is
to make my son straight. I'm sorry but please don't get mad at Misty, Elizabeth.
Part of the deal is to make Zion fall for her. Kapag nagawa niya iyon ay bibigyan
namin siya ng reqards. At ito na nga, she made it! Thanks talaga, Misty."

Nung mga oras na 'yon ay para akong nabingi sa narinig ko. I felt betrayed.
Pinaglaruan nila ako. Pakiramdam ko ay sasabog ako ng mga oras na iyon kaya naman
ay umalis na ako. Ayokong umuwi. Shet, hindi ko alam kung saan ako pupunta pero
naisip ko si Kuya Wayne. I went to his condo.

Hindi ko siya kinausap. Basta ang sabi ko ay huwag niyang sabihin kung nasaan ako.
I wanted to be damn alone. Hindi ko akalain na gagawin yun ni Misty sa akin.
Pinaniwala niya ako. Fvck! Halos mabaliw na ako bago ko na-realize sa sarili kong
mahal ko siya tapos isang deal lang pala ang lahat ng ito?

Nagkulong ako ng dalawang araw sa condo ni Kuya Wayne. I'm glad he didn't ask me
what happened. Hinayaan niya lang ako... pero hindi niya ako kinunsinti sa pag-
absent.

"Pumasok ka nga! 'Wag kang gumaya sa akin na bulakbol, Zion. Kung anuman yang
pinagdadaanan mo, isantabi mo muna. Hindi lang dyan umiikot ang mundo mo.
Asikasuhin mo rin ang pag-aaral mo..."
MONDAY. Pumasok ako ng maaga para magpa-shift ng course. Pwede pa naman yun dahil
two weeks palang nang mag-umpisa ang second semester. Tama si Kuya Wayne. Hindi
lang kay Misty umiikot ang mundo ko. Siguro, it's about time to focus on myself. At
hindi ko yun magagawa habang nasa iisang classroom kami.

I shifted to another course the same day. Hindi nga lang agad na-aprubahan dahil
walang parents' consent kaya naman ay napilitan akong pumasok sa klase ko sa
Management. Thank heavens because she wasn't around.

Sinubukan akong kausapin nila Sab at Eunice pero umiwas ako. Hindi ko alam pero
nagkaroon na ako ng inis sa mga babae sa paligid ko. Pare-parehas lang sila. Mga
mapaglaro.

Nagpunta ako sa library para sana magpalipas ng oras. Nawalan na kasi ako ng drive
para pumasok pa sa Management class. Ngunit sa pagpunta ko sa isang shelf,
natigilan ako.

Nakita ko sina Misty at Tyrone... magkayakap.

Pakshet! Mas lalo tuloy akong nawalan ng ganang pumasok. Hindi pa yata sapat na
lumipat ako ng course. Siguro ay dapat sa ibang university nalang ako lumipat.
Tuwing nakikita ko siya... pakiramdam ko, ang tanga-tanga ko. Hindi ko man lang
napansin na binibilog na pala niya ang utak ko. Pwes... she did a great job.

Pumunta ako sa dance studio para maglabas ng sama ng loob. Ito ang paraan ko para
ma-release ang emosyon ko sa katawan, pero sa tuwing pipikit ako ay naalala ko lang
kung paano niya ako binilog para mahulog sa kanya...

At nagtagpo ang mga mata namin sa glass walls. Napahinto ako. She was there
standing while staring straight at me.

"Zion."

Gusto kong lumakad paalis nung mga oras na iyon. yung malambing niyang boses...
shet.

"Nakakainis ka. Alam mo ba 'yon? Hindi ka man lang nagparamdam sa akin. Ni nung
birthday ko, hindi ka nagparamdam. Nakakatampo ka pero keri lang, nandyan ka naman
na e."

"Anong ginagawa mo dito?"

Tila nabigla siya sa reaksyon ko. Hindi niya pa rin ba alam na alam ko na lahat ang
pambibilog niya sa ulo ko? Kunsabagay, malakas pa rin ang loob niyang harapin ako
e.
"W-wala naman. Nag-aalala lang ako kasi dahil ilang araw ka nang—"

"May klase ka pa."

Kung ano-ano pang sinabi niya sa akin. Hindi ako makatingin sa mga mata niya dahil
kapag ginawa ko iyon ay hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari.

Words rushed like a wind from her mouth... Nabigla ako.

"I miss you. Effective 'yang pagpapamiss mo dahil namiss talaga kita."

Napapikit ako ng mariin. Huwag kang magpadala sa kanya, Zion.

"I love you. It is my fault that you have not known it all the while."

'Wag kang maniwala sa kanya.

"... Sinasagot na kita."

And there was silence.

I stood and acted like I didn't hear anything from her when the truth is I heard it
loud and clear... Sa sobrang linaw ay tagos pa sa akin.

"That's it?"

"Zion—"

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kaya. "Thank you..." Kinuha ko ang backpack ko at
walang lingon-lingon na naglakad palabas ng studio.

"Zion! Ano bang problema mo?"

Huminto ako sa doorstep. Tinibayan ko ang loob ko't nilingon siya nang nakangiti...
isang pilit na ngiti.

"Wala akong problema. It's just that the game is over. You made me fall for you,
and I did. Now that you fell for me too, we're even."

Napaawang ang bibig niya. Kitang-kita ko ang pangingilid ng mga luha niya. Tumango
ako sa kanya.
"By the way, congrats on your new car and unit. You deserve it... You did a great
job. Ginago mo ako."

Mabilis akong umalis ng mga oras na iyon. Days passed by and I got my approval of
shifting. Hindi muna ako umuwi sa bahay kahit na kinukulit ako ni Mama. Naiinis ako
sa kanila. Naiinis ako sa kanilang lahat dahil pinaglaruan nila ako.

Naging mailap ako sa mga tao. Pinilit din naman nilang kausapin ako; sina Sab,
Eunice at maging si Misty, pero napagod din naman sila kaya hinayaan na nila ako.

Isa lang ang naging karamay ko bukod kay Kuya Wayne. Si Reishel... Naging mabait
siya sa akin. As much as possible, she never opened up about things that would
remind Misty.

Until one day...

"Zion, please mag-usap tayo." Misty showed up in our building. Araw-araw naman
siyang ganyan e. I was with Reishel that time. Iisa lang kasi ang building namin.
Her eyes were hopeful. "Please..."

Kasama niya si Tyrone. Para akong binging dinaanan lang siya.

"Kausapin mo na kaya, Zion? Let her explain," sabi ni Reishel nang makalayo na
kami. Alam niya na ang lahat. Bawat detalye sa amin.

Hindi ako kumibo kaya humarang siya sa harapan ko.

"Zion, you're being unfair. Hindi lang naman ikaw ang nasaktan diba? Hahayaan mo
bang masira yung pinagsamahan niyo dahil sa pesteng deal na yun?!"

I breathed out, and calmed myself. "Hindi ko pa kaya."

"So, kalian ka magiging handa?"

"Nagpapalamig pa ako."

Nagpapalamig lang ako ng ulo. Sa totoo lang, hindi ko na rin naman kayang magpigil.
Gusto ko na rin siyang kausapin pero sa tuwing nakikita ko si Misty, naaalala ko
lang yung narinig kong usapan nila nina Mama. Damn those car and unit. Hindi ko
alam na materialistic pala siyang tao.

I still love her, yes... Gusto ko lang magpalamig. Hindi naman niya ako masisisi e.
Hindi biro yung ginawa niya. I just needed time and space to forget about it
somehow.
HANGGANG isang araw, nagulat ako nang sinalubong ako ni Tyrone sa labas ng building
namin. Nagtaka ako dahil wala si Misty at siya lang ang nandun.

"Zion, pwede ba tayong mag-usap?"

Hindi ako kumibo. Sa halip ay umiwas ako ng tingin at aalis na nang bigla siyang
magsalita.

"Hindi ko alam kung bakit ikaw ang pinili niya. 'Di hamak naman na mas karapat-
dapat ako sa kanya kaysa sayo."

My jaw tightened. Gusto kong makasapak ng tao.

"Pinangako ko sa kanya na kapag sinaktan mo siya, ihahampas ko sayo ang


pinakapaborito kong gitara para makabawi naman..."

Nilingon ko siya at tinignan ng matalim. Nandito lang ba siya para sabihin yan?

"Pero masyadong mahalaga sa akin ang gitara ko para ihampas sayo kaya eto
nalang..."

Sa bilis ng pangyayari ay tumama nalang ang kanyang kamao sa mukha ko't bumagsak
ako sa sahig. Nagsitilian tuloy ang mga kaklase ko sa paligid. Napasapo ako sa
parteng sinapak niya. Nagdudugo iyon... pero wala akong maramdaman.

Ngumisi siya habang hinihimas ang kamao niya. Lumapit siya sa akin at may inabot sa
akin na papel.

"Puntahan mo siya. Last shot mo na 'yan..." he said and left me with no words.

Tinignan ko ang papel. Hindi ko alam kung bakit nagawa ko pang ngumiti nang makita
ang magulo niyang penmanship. I can't deny the fact that I miss her so much...

'Last na 'to, Zion. Kapag hindi ka pumunta, hindi na ako mangungulit. I just wanted
to apologize and explain my side. Why won't you let me? I am really sorry. --
Misty'

And from that very moment, I didn't let myself to think twice. Forget about the
deal. Sh1t! Wala na akong pakielam. Mahulog na kung mahulog basta ang importante...

I love her so much...


Yhel's note: I won't leave you hanging! See you on book 2! Entitled: Warning: Bawal
Pa-fall. :>

So, yeah... Thank you for coming this far. Yey! Tapos na ang book 1! Actually,
malaking achievement sa akin na madurog ang inyong mga puso. Ibig sabihin kasi nun
ay effective ang story line nito. But uh uh! Pikit mata nalang din ako sa mga nag-
iwan ng offensive comments. Nangblock nga ako ng iba e. Kung nagtataka kayo kung
hindi kayo makacomment, alam na! Karapatan ko naman 'yon diba?

Sa lahat ng stories na nagawa ko, ito ang pinakapaborito kong i-backread dahil most
of the scenes dito ay parang pagrereminisce lang noong first year college ko
tungkol kay anime... (slip of the tongue). Hahaha! 'Di ko alam na papatok kaya...
salamat sa inyo at kay Anime. Nagka-inspiration ako. Lol.

So, 'nuff said...

May book 2! OO! May book 2. Pipitikin ko po sa ilong ang magtatanong kung may book
2 dahil mayroon po! Anong title?? Sagot! *pakicomment sa inline. Hahaha!*

Basta, maraming maraming salamat po sa pagsuporta. Thanks for making it one of the
'Talk of the Town' stories sa Wattys awards. At syempre, thanks din dahil first
kong mag-rank 1 sa teen fiction.

THANK YOU!! Sana ay suportahan niyo rin ang book 2 gaya ng pagsuporta dito, iyon ay
kung gusto niyo pang malaman ang mga susunod na mangyayari. Hoho.

Kailan ipopost ang book 2? Bukas din po. January 1. Be updated nalang po sa twitter
ko (marieliciousvip) or sa facebook page ko (marielicious wattpad). Ngunit subalit
datapwat... prologue with a sneak peak lang po ang ipopost ko. I'll official start
the book 2 on June 12, 2016. May tatapusin pa kasi akong ibang stories. June 12...
Sinadya ko yan para matandaan ninyo. Independence day. Holiday!

ANYWAY... HAPPY HAPPY NEW YEAR!!! HAPPY 2016! I love you, mga ka-warnings!

Ended: December 31, 2015 (9:35pm)

You might also like