Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Banghay- Aralin sa Filipino G-10 Faith Disyembre 13-15, 2016

Ni: Ricky C. Arabis

I- Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naiuugnay ang mga pangyayari sa akda sa mga


nangyayari sa lipunan
2. Natutukoy ang mga pagkakasunod-sunod ng pangyayari
3. Naihahanay ang mga kaisipang nakapaloob sa
mitolohiya batay sa suliranin ng akda, at kilos, gawi,
at desisyon ng tauhan

II- Paksang –Aralin


1. Paksa: Panitikang metolohiya mula sa Africa, Lionggo isanalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
2. Sanggunian: Filipino Modyul para sa Mag-aaral
3. Kagamitan: mga larawan, led Tv, manila paper

III- Pamamaraan

A. Paghahanda
a. Panalangin
b. Pagbati ng guro sa mga mag-aaral
c. Pagganyak
B. Paglalahad

Magpapakita ng mga larawan ang guro sa led tv. Magtatanong sa mga mag-aaral tungkol
saan ang mga larawan.

C. Paglalahat
Pagkatapos matatalakay ang salaysay, magtatanong uli ang guro, kung anu-ano ang mga
suliranin ng desisyon, kilos, gawi atbp ng pangunahing tauhan
D. Paggamit
Hatiin sa dalawa ang klase. Iulat sa isang grupo ang mga nakikita nilang balakid at suliranin ng
tauhan. Ipasulat sa kabilang grupo ang mga pangyayaring kaugnay ng mga kaisipang nakapaloob sa
mitolohiya batay sa akda, kilos, at gawi ng tauhan gamit ang story board.

IV- Pagtataya
Sagutin ang mga tanong sa gawain 3: Isalaysay ang nangyari.
V- Takdang aralin

Basahin ang sunod na uri ng mitolohiya ang Maaring Lumipad ang Tao..Pahina 247..

You might also like