Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

SURING PELIKULA

Anica Eunice C. Palisoc

10 – Aristoltle

I. Panimula

Ang "Hello, Love, Goodbye" ay isang pelikulang Pilipino na nagtatampok kina Joy at
Ethan, na nagtatrabaho sa Hong Kong. Ipinapakita ng pelikula ang kanilang mga buhay
at paglalakbay sa pagnanais na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang
mga pamilya sa Pilipinas. Ang kuwento ay nagtatampok ng mga pangarap, pag-ibig, at
sakripisyo sa gitna ng kahirapan at pangarap na magtagumpay sa ibang bansa.

II. Suliraning pang-ekonomiya

Ang "kawalan ng job security" ay naging malaking isyu sa kuwento ng pelikulang "Hello,
Love, Goodbye." Ito ay nagbigay-diin sa pangunahing tauhan na si Joy Fabregas, isang
Overseas Filipino Worker (OFW) sa Hong Kong. Sa kanyang pagtatrabaho bilang
domestic helper, ipinakita ang kahirapan at kawalan ng katiyakan sa trabaho ng
maraming OFWs, lalo na ang kawalan ng permanenteng trabaho at ang mga hamon ng
pang-araw-araw na buhay sa ibang bansa.

III.Paglalahad at Pagsusuri ng Datos

Muntik na matanggal sa trabaho ni Joy dahil naghihirap na rin ang kaniyang amo ngunit
na kumbinsi niya ito na kahit kalahati na lang ang kaniyang isahod. Dahil kaunti na lang
naman ang natitira niyang panahon bago lumipat ng bansa, napag tiisan niya ang
kalahating sahod.

IV. Konklusyon

Sa pagtatapos ng pelikula ipinakita nito na mahalaga rin na mahalin natin ang sarili at
maging “maka-sarili” minsan.

V. Solusyon
Malinaw sa kaniya na maaari siyang mawalan ng trabaho anumang oras, kaya dapat
mayroon na siyang natabing pera kung sakaling mawalan siya ng trabaho.

VI. Kalakasan

Ang pelikula ay nag pakita ng makatotohanang buhay ng isang OFW. Pinakita rito ang
hirap na pinag daanan ni Joy bago niya matupad ang kaniyang pangarap.

VII. Kahinaan

Ang kahinaan ng pelikula ay ang pagkikita o ang love story nina Ethan at Joy dahil kung
ikaw ay magiging isang OFW malayo na makaranas ka ng ganito lalo kung trabaho lang
naman talaga ang habol mo.

VIII. Pagsusuri ng mga Tauhan

Bawat karakter ay may sariling kuwento at nagbibigay kulay at damdamin sa pelikulang


“Hello, Love, Goodbye.” Tulad nina Joy at kaniyang mga kaibigan, pinakita ang kanilang
mga pagsubok at paglalakbay bilang mga OFWs na nagtatrabaho upang suportahan ang
kanilang pamilya. Pati si Ethan, siya ay nagdala ng interesanteng dinamika sa kwento
dahil sa kanyang pangarap at kung paano ito nakipagtagpo sa mga pangarap ni Joy. Ang
kanyang karakter ay nagbigay daan sa mga pag-usbong at paglalakbay ng mga
pangunahing tauhan, lalo na sa usaping personal at propesyonal na buhay.

You might also like