Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAPURI ( Awitin o dasalin- Maliban kung panahon ng adbiyento at kwaresma)

A. PAMBUNGAD NA PANALANGIN (Basahin ang Sambuhay..)


Lay Minister: Manalangin tayo….
Commentator: Umupo po ang lahat at makinig sa salita ng Diyos
B. LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS

*MGA PAGBASA /SALMO


Commentator: Tumayo po ang lahat
Lay Minister: Babasahin ang Mabuting Balita
Commentator: Maupo po ang lahat at makinig sa homilya
*HOMILYA
Commentator: Tumayo po ang lahat
*DADASALIN ANG SUMASAMPALATAYA
*PANALANGIN NG BAYAN
Commentator: Maupo po ang lahat
*PAG-AALAY
Commentator: Tumayo po ang lahat
C. BANAL NA KOMUNYON

CYCLE B
Lay Minister: Napakinggan natin at pinagnilayan ang salita ng Diyos. Bago natin tanggapin
ang banal na komunyon, magpasalamat tayo sa Panginoong Diyos, dahil sa kanyang
kabutihan sa lahat ng nilalang.

Bayan: Pinupuri Ka namin, sinasamba Ka namin, pinasasalamatan Ka namin

Lay Minister: Diyos naming Ama, nagpapasalamat kami sa Iyo! Nilalang Mo kami upang
mabuhay nang maligaya sa Iyong piling. Sa pamamagitan ni Hesukristo ay binigyan
Mo kami ng landasing tatahakin. Pinagkalooban Mo ng kahulugan ang aming buhay
at pagkatao. Pinupuri Ka namin Panginoon.

Bayan: Pinupuri Ka namin, sinasamba Ka namin, pinasasalamatan Ka naming

Lay Minister: Binigyan Mo kami ng kanya-kanyang angkan at pamilya bilang tanda ng


Iyong pagmamahal. Para sa lahat ng tao na humubog at nag-aruga sa amin:
para sa pagkakaugnay ng aming mga buhay: para sa pag-ibig at pagkakasunduan,
pinupuri Ka namin, Panginoon
Bayan: Pinupuri Ka namin, sinasamba Ka namin, pinasasalamatan Ka naming

Lay Minister: Binigyan Mo kami ng sarling kapasyahan, pag-iisip at pagnanais na magsikap


para sa sarili at sa aming mga minamahal. Binigyan Mo kami ng talino’t kakayahan
na gamitin ang daigdig para sa kabutihan at maghanda para sa isang mas Magandang
kinabukasan. Pinupuri ka namin, Panginoon.

Bayan: Pinupuri Ka namin, sinasamba Ka namin, pinasasalamatan Ka namin

Lay Minister: Kalooban Mong mamuhay kami sa Lipunan, sa isang bansa, sa isang
sambayanan. Para sa lahat ng pagsisikap ng tao na paghariin ang pag-ibig at itaguyod
ang katarungan, pinupuri Ka namin Panginoon,

Bayan: Pinupuri Ka namin, sinasamba Ka namin, pinasasalamatan Ka namin

Lay Minister: Tinipon Mo kami sa iyong Santa Iglesya at binigyan ng pananagutan para sa
isa’t isa, upang maipahayag namin sa lahat ang hiwaga ng iyong pagmamahal. Sama-
sama naming hinubog ang santinakpan na bibigyan Mo ng kaganapan sa Iyong
kaharian. Pinupuri Ka namin Panginoon.

Bayan: Pinupuri Ka namin, sinasamba Ka namin, pinasasalamatan Ka namin

CYCLE C
Lay Minister: Nagpapasalamat kami sa Iyo. Panginoon naming Diyos, sapagkat
ipinagkaloob Mo sa amin ang daigdig na ito. Walang sawa Mo itong bibigyan ng
buhay at sa pamamagitan ng iyong gawa ay hinahangad Mong lalo pang pagbutihin.
Bayan: Luwalhati sa Diyos sa Kaitaasan
Lay Minister: Nilikha mo ang tao na Iyong kawangis. Ang bawat isa sa amin ay nagtataglay
ng Iyong anyo at may kakayahang makilala Ka sa buhay ng aming kapwa.
Bayan: Luwalhati sa Diyos sa Kaitaasan
Lay Minister: Ayaw Mong mawalay kami sa Iyo. Kaya’t tinuruan Mo kaming kilanlin Ka sa
pamamagitan ng mga banal na Kasulatan at ng mga Propeta, na naglalahad sa amin ng
kahang-hangang kasay-sayan ng Iyong pagmamahal.
Bayan: Luwalhati sa Diyos sa Kaitaasan
Lay Minister: Sa pamamagitan ng Iyong Anak na si Hesukristo ay lalo Ka pang
sumasaamin. Sa Kanyang katauhan ay tinahak Mo ang aming mga lansangan,
minasdan kami ng Iyong mga mata at sa maraming bagay ay namuhay Kang katulad
namin. Dinulutan Mo kami ng kagalakan sa mga hindi malilimutang pakikipagniig sa
Iyo.
Bayan: Luwalhati sa Diyos sa Kaitaasan
Lay Minister: Papakinabangin mo kami ng iyong buhay sa pamamagitan ng kamatayan at
muling pagkabuhay ng iyong Anak. Kung kaya’t ngayon sa pakiki-isa namin sa
Kaniya ay nabubuhay kami sa Iyo sa kapangyarihan ng Espirito Santo na sa ami’y
kaloob Mo.
Bayan: Luwalhati sa Diyos sa Kaitaasan

Lay Minister: Kaya kasama ng lahat naming kapwa Kristiano sa buong mundo at kaisa ng mga
banal, nananalangin kami sa Iyo bilang iisang angkan Mo.
*AMA NAMIN
Lay Minister: Magbatian tyao at maghangad ng kapayapaan sa isa’t-isa
*ANG BANAL NA KOMUNYON
Lay Minister: Tatangapin natin ang banal na komunyon, at sa ganitong paraan ay nakiki-isa tayo
kay Hesukristo at sa kanyang pag-aalay ng sarili sa Ama. Ang banal na pagkaing ating
tatanggapin ay kinonsagra na ng ating kura paroko sa misang ipinadiwang sa ating
simbahan. Makiisa tayo mga kapatid sa sakripsyo ni Kristo at ng kanyang inang simbahan.
Commentator: Lumuhod po ang lahat
( Luluhod ang kanang tuhod ng Lay Minister. Tatayo at itataas ang Hostiya at sasabihin:
Lay Minister: Narito si Hesus, ang kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan,
pinagpala ang tinawag sa kanyang piging.)
Bayan: Panginoon, hindi ako karapatdapat na magputuloy sa Iyo, ngunit sa isang salita mo
lamang ay gagaling na ako.

*PANGWAKAS NA PANALANGIN
(BABASAHIN ANG ANNOUNCEMENT KUNG MAYROON)
Commentator: Tumayo po ang lahat
Lay Minister: Manalangin tayo (Babasahin sa Sambuhay)
Lay Minister: Pagpalain nawa tayo ng makapangyarihang Diyos, Ama, Anak at Espirito Santo
Bayan: Amen
Lay Minister: Humayo kayo sa kapayapaan upang ibigin at paglingkuran ang Panginoon
Bayan: Salamat sa Diyos !

You might also like