Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Art 1

Pinagsanib na Aralin sa Literacy, Numeracy, Music, Health


Ikalawang Kuwarter

I- Layunin:
Natutukoy ang mga pangunahing kulay at pangalawang kulay
II- Paksang Aralin:

A. Paksa: Pangunahing kulay, pangalawang kulay,

B. Sanggunian: MELC A1EL-lla

C. Mga Kagamitan: Power point, Tsarts, Pictures, Videos

D. Values: Pangangalaga sa Kalusugan

III-Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Pag awit: “Mga Hugis” (Tune: Are you Sleeping)
2. Balik aral: Tukuyin ang pangalan ng bawat hugis na ipinapakita sa larawan.
3. Pag ganyak:
Tingnan ang mga larawang nasa ibaba.
Hayaan ang mga batang ilarawan ang mga ito.
Itanong: Ilang larawan ang inyong nakikita? Anu anong kulay ang mga ito?, Masasarap ba
ito?
Ito ba’y mga masusustansya? ((Numeracy & Health integration)
Mahalaga ang pagkain ng mga gulay at prutas dahil ito ay masusustansya at nakakatulong
sa ating immune system lalo na sa batang katulad ‘nyo.

B. Paglalahad/Pagtatalakay
Pagmasdan ang dalawang larawan. Ano ang inyong napapasin? Alin sa dalawa ang mas magandang
tingnan at bakit? Sa inyong palagay ano kaya ang itsura ng paligid natin kung wala itong mga kulay?

Ang Kulay- ay mga katangiang bahid ng mga bagay sa ating paligid na nakikita ng ating mga mata. Maaari
itong maging matingkad o mapusyaw.
Ipakilala ang ibat- ibang mga kulay sa pamamagitan ng mga larawan.
Magbigay ng mga halimbawa ng mga bagay o pagkain na kulay pula.
puso dugo mansanas
Magbigay ng mga halimbawa ng mga bagay o pagkain na kulay dilaw.
araw keso saging
Magbigay ng mga halimbawa ng mga bagay o pagkain na kulay asul.
dagat blueberry

Ipakita ang paghahalo ng mga pangunahing kulay upang mabuo ang pangalawang kulay.
Dilaw + Pula = Kahel
Asul + Pula = Lila
Dilaw + Asul = berde
IV. Paglalapat:
A. Gawain
I. Kulayan ang banderitas gamit ang krayola na may panguhahing kulay.

II. Kulayan ang mga krayola gamit ang panaglawang kulay.

B. Paglinang sa Kabihasaan: Pagsasanay


Isulat sa patlang ang bilog kung ito ay pangunahing kulay at puso naman kung ito ay
pangalawang kulay .

___________1. Pula
___________2. Berde
___________3. Dilaw
___________4. Lila
___________5. Asul

C. Paglalahat: Anu-ano ang mga pangunahing kulay?pangalawang kulay? at pangatlong kulay?


Tandaan: Ang mga pangunahing kulay ay: pula,dilaw,asul
Ang mga pangalawang kulay ay: lila,berde, kahel
V. Pagtataya:
Isulat sa tamang pangkat ng mga kulay ang mga kulay na nasa loob ng kahon.

Asul Kahel Lila


Dilaw Pula Berde

Pangunahing Kulay Pangalawang Kulay


1. __________ 1. __________
2. __________ 2. __________
3. __________ 3. __________

VI. Karagdagang Gawain: SLM pahina 14

Inihanda ni :

ANGELICA N. ALIPIO
Teacher I

Ipinasa kay:
EVELYN G. REGALA
School Principal III

You might also like