Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

8

Araling Panlipunan
Quarter 2 – Module 2
Pag-usbong at Pag-unlad ng mga
Klasikong Kabihasnan sa Africa,
America at mga Pulo sa Pacific
Araling Panlipunan - Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 2 – Module 2: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikong Kabihasnan
sa Africa, America at mga Pulo sa Pacific
First Edition, 2020

Republic Act 8293, Section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such
work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition
the payment of royalty.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials
from their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent
nor claim ownership over them.
Published by the Department of Education – Division of Gingoog City
Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI
Development Team of the Module

Writer: Krisha Faith M. Pit

Reviewers: Norebel A. Balagulan, PhD Elvira Ruvi U. Camocamo


Corazon A. Lituaňas, PhD Lila C. Quijada

Evaluator: Arniel Canales

Illustrator & Layout Jay Michael A. Calipusan


Artist:

Management Team

Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI


Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Conniebel C. Nistal, PhD


Assistant Schools Division Superintendent

Pablito B. Altubar
CID Chief

Members: Norebel A. Balagulan, PhD, EPS – Araling Panlipunan


Himaya B. Sinatao, LRMS Manager
Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Mercy M. Caharian, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Gingoog City
Office Address:Brgy. 23, National Highway, Gingoog City
Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
8
Araling Panlipunan
Quarter 2 - Module 2
Pag-usbong at Pag-unlad ng mga
Klasikong Kabihasnan sa Africa,
America at mga Pulo sa Pacific
Tala ng mga Nilalaman

Paunang Salita .................................................................................................. i


Alamin ............................................................................................................... i
Pangkalahatang Panuto: ................................................................................. i
Mga Icon ng Modyul na ito ....................................................................................................... ii
Subukin ........................................................................................................... iii
Panimulang Pagtataya: ....................................................................................................... iii

Aralin 1 Kabihasnang Klasikal sa America ................................................... 1


Alamin ..................................................................................................................................... 1
Tuklasin .................................................................................................................................. 1
Gawain 1: Larawan Ko, Hula Mo ....................................................................................... 1
Suriin ...................................................................................................................................... 3
Kabihasnang Olmec ........................................................................................................... 3
Kabihasnang Maya ............................................................................................................. 4
Pagyamanin ........................................................................................................................... 6
Gawain 2: Data Information Chart...................................................................................... 6
Suriin ...................................................................................................................................... 7
Kabihasnang Aztec............................................................................................................. 7
Kabihasnang Inca ............................................................................................................... 8
Isaisip ..................................................................................................................................... 9
Gawain 3: KKK (Kaugnayan ng Kabihasnan sa Kasalukuyan) ......................................... 9

Aralin 2 Mga Kaharian at Imperyo sa Africa ............................................... 10


Alamin ................................................................................................................................... 10
Suriin .................................................................................................................................... 10
Heograpiya ng Africa ........................................................................................................ 10
Ang Kalakalang Trans-Sahara ......................................................................................... 11
Ang Pagpasok ng Islam sa Kanlurang Africa .................................................................. 11
Mga Kabihasnan sa Africa ............................................................................................... 11
Ang Axum Bilang Sentro ng Kalakalan ............................................................................ 11
Pagyamanin ......................................................................................................................... 12
Gawain 1: Fill Me Up! ....................................................................................................... 12
Suriin……………………………………………………………………………………………….12
Ang Imperyong Ghana………………………………………………………………………..12
Ang Imperyong Mali…………………………………………………………………………...12
Ang Imperyong Songhai………………………………………………………………………13
Isagawa ................................................................................................................................ 14
Gawain 3: Alternating Flow Chart .................................................................................... 14

Aralin 3 Mga Kabihasnan sa Pulo ng Pacific .............................................. 15


Alamin ................................................................................................................................... 15
Suriin .................................................................................................................................... 15
Polynesia .......................................................................................................................... 15
Micronesia ........................................................................................................................ 16
Melanesia ......................................................................................................................... 16
Pagyamanin ......................................................................................................................... 17
Gawain 1: Fill Me Up! ....................................................................................................... 17
Isagawa ................................................................................................................................ 18
Gawain 2: Noon at Ngayon .............................................................................................. 18

Buod ............................................................................................................... 19
Pagtatasa ....................................................................................................... 20
Susi sa Pagwasto .......................................................................................... 21
Sanggunian .................................................................................................... 22
Paunang Salita

Ikaw ba ay may nalalaman na tungkol sa America, Africa o mga pulo sa Pacific?


Naririnig mo ba ito sa balita sa telebisyon o nababasa sa mga aklat?
Maaaring ang mga kabihasnang ito ay makakakatulong sa atin upang mainitindihan
natin ang ating sariling kasaysayan, maaaring tungkol sa ating pinagmulan o mga pangyayari
na magbibigay kahulugan sa ating mga kaugalian.
Mapag-aaralan mo sa modyul na ito ang pag-usbong at pag-unlad ng mga imperyo sa
America, Africa at mga pulo sa Pacific. Masusuri mo rin kung paano nakaimpluwensiya ang
mga pangyayari at ang mga tugon sa hamon ng mga sinaunang mamamayan sa mga
nabanggit na kontinente tungo sa pagbuo ng sariling pagkakakilanlan.

Alamin

Lahat ng bagay dito sa mundo ay nagbababago, kahit ikaw sa iyong sarili ay


nagbababago rin. Upang mas lalong maintindihan ang pinagmulan ng mga pagbabago sa
iyong paligid, mas mainam na malaman mo ang kasaysayan nito.
Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa pagkakatatag at mga kontribusyon
ng Kabihasnang Griyego at Romano sa mundo. Tatalakayin naman sa susunod na aralin ang
pag-usbong at pag-unlad ng mga kabihasnan sa Africa, America at mga Pulo sa Pacific.
Sa bahaging ito, inaasahang masusuri mo ang pag-usbong at pag-unlad ng
kabihasnang America, Africa, at mga Pulo sa Pacific sa daigdig. Inaasahan ring masusuri
mo ang kahalagahan ng mga kontribusyong ito sa kasalukuyang panahon. Sikaping suriin
ang nilalaman ng bahaging ito ng aralin at sagutin ang mga gawain upang lalo pang
mapagyaman ang iyong kaalaman sa paksa. Simulan na!

Pangkalahatang Panuto
Ito ang magiging gabay sa paggamit ng modyul na ito:
1. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang mga
direksiyon o panuto habang binabasa ang materyales.
2. Sagutin ang lahat ng mga katanungan.
3. Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan.
4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.

i
Mga Icon ng Modyul na ito

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin
mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


Subukin
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
Tuklasin
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o
isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
Suriin
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay upang
Pagyamanin
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa.

Naglalaman ito ng mga katanungan upang


Isaisip maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
Isagawa
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

ii
Subukin

Panimulang Pagtataya
Panuto: Ngayon, subukang sagutin ang paunang pagtataya na magtatakda kung ano na
ang iyong alam sa mga aralin. Bigyang-pansin ang mga katanungan na hindi mo
masasagutan nang wasto at alamin ang sagot sa mga aralin sa modyul na ito.
Handa ka na ba? Simulan mo na ang pagsagot.
1. Pinalawig ng mga pinunong tinatawag na halach uinic ang mga pamayanang urban
na sentro rin ng kabihasnang Maya sa pagsamba ng kanilang mga diyos. Ano ang
ibig sabihin ng halach uinic?
A. tunay na lalaki C. tunay na pinuno
B. tunay na kakaiba D. tunay na tagapaglingkod

2. Nahahati sa tatlong malalaking pangkat ang mga pulo sa Pacific: ang Polynesia,
Micronesia at Melanesia. Ano ang kahulugan ng Micronesia?
A. maraming isla C. maitim na mga isla
B. maliit na mga isla D. maitim ang mga tao sa isla

3. Naniniwala ang mga Aztec na kailangang laging malakas ang mga diyos upang
mahadlangan ng mga ito ang masasamang diyos sa pagsira ng daigdig. Ano ang
kadalasang ginagawa ng mga Aztec para mapasaya ang kanilang mga diyos?
A. Nag-aalay ng tao.
B. Nag-aalay ng hayop.
C. Nagsasagawa ng ritwal.
D. Nagkakaroon ng piyesta.

4. Ang sumusunod ay mga paraan upang mapangalagaan ng mga Polynesin ang


kanilang mana maliban sa isa?
A. Dapat ay mag-alay ng dugo ng hayop sa kanilang diyos
B. Bawal pumasok sa isang banal na lugar ang karaniwang tao.
C. Ang mga lalaking naghahanda sa pakikipaglaban o para sa isang
mapanganib na gawain ay dapat nakabukod.
D. Bawal ang mga kalalakihan na makihalubilo sa babae at pili lang ang dapat
nilang kainin upang hindi mawala ang kanilang mana.

5. Ang kabihasnang ito ay tanyag sa kanilang malawak at maayos na kalsada at rutang


patubig ng mga lungsod-estado.
A. Aztec C. Maya
B. Inca D. Olmec

iii
Aralin

1 Kabihasnang Klasikal sa
America

Alamin

Nagsimula ang mga mamamayan sa Mesoamerica sa pag-unlad habang sumusulong


at nagiging malakas ang mga sinaunang kabihasnan sa Mesopotamia, China at India. Ito ay
nag-umpisa sa kabihasnang Olmec at Maya at sinundan ng kabihasnang Aztec at Inca.
May sariling pamamaraan sa pagtataguyod ng kanilang politikal, espirituwal at sosyal
na aspeto ng lipunan ang nasabing mga kabihasnan. Sa araling ito ay mas maiintindihan mo
ang kaibhan at pagkakapareho ng kabihasnang Olmec, Maya, Inca at Aztec.

Tuklasin
Gawain 1: Larawan Ko, Hula Mo
Panuto: Piliin sa Hanay B ang tamang salita na nagbibigay katawagan sa mga larawan na
nasa Hanay A. Isulat ang titik ng inyong sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1.

A. Larong Pok-a-
tok

https://assets.atlasobscura.com/media/
W1siZiIsInVwbG9hZHMvcGxhY2VfaW1hZ2VzL0NoaWNoZW4tSXR6YS1DYXN0aWxsby1TZWVuLUZyb20tRWFzdC5KUEciXSxbInAiLCJ0aHVtYiIsIngzOTA-
Il0sWyJwIiwiY29udmVydCIsIi1xdWFsaXR5IDgxIC1hdXRvLW9yaWVudCJdXQ/Chichen-Itza-Castillo-Seen-From-East.JPG

1
2.

B. Halach Uinic

https://www.nationalgeographic.com/content/dam/archaeologyandhistory/rights-exempt/history-magazine/2018/07-08/jaguar/llp-mac-10531.adapt.1900.1.jpg

3.

C. Jaguar

https://cdn.thinglink.me/api/image/
cyxkESqYz1VasaPcuoK8DnccCjT7tWuaUeNHkcgrf34ctWHDZMbJweBQKdKZbJqY8
8yiSJ6ZjFDV5A2ay3LLqiSyLkPB9fNF73Nbe861V8dfjPX4dKezSNhx1PVnH7bR77L/
320/320/scaledown

4.

D. Mga Lilok na
Bato

http://4.bp.blogspot.com/-zTc5L-o6qEg/VhDqwJ6nipI/AAAAAAAAAyQ/
jv2L4KgOP2U/s320/IMG_20151004_142018_626.JPG

5.

E. Pyramid of
Kukulcan

https://arsartisticadventureofmankind.files.wordpress.com/2017/02/53-e1487522818346.jpg?w=863&h=369

2
Suriin

Kabihasnang Olmec (1500-500 B.C.E)

Ang kabihasnang Olmec ang kauna-unahang pangkat na umusbong sa gitnang


America. Tinawag silang Olmec, na nangangahulugang “rubber”, dahil sila ang unang
gumamit ng dagta ng punong rubber o goma.

https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcSjwJRbpbW5ynceY1eI3JM_RfMlkTiWn-
oXWw&usqp=CAU

Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Olmec ay pagsasaka. Upang masaka ang


kanilang lupain, nagtayo sila ng sistemang irigasyon. Ang sistema ng pagsulat na ginamit ng
mga Olmec ay may pagkakatulad sa hieroglyphics ng mga Egyptian, Sila rin ay nakagawa ng
kalendaryo at nakalinang ng mga akda ng sining na katangi-tangi. Ang konsepto ng zero sa
pagkukuwenta ay kanilang nauunawaan. Ngunit hanggang ngayon ang kanilang sulat ay hindi
pa lubusang nauunawaan ng mga iskolar. Ito ang dahilan na limitado lang ang maibibigay na
impormasyon tungkol sa ibang pangyayari sa kanilang kasaysayan. Hango mula sa iba pang
labi ng kanilang panahon ang mga kaalaman sa Olmec at iba pang mga sinaunang tao sa
America. May malaking impluwensiya sa kultura ng mga sumunod na kabihasnan, tulad ng
Maya at Aztec ang paniniwalang Olmec.

Kulturang Olmec
Larong Pok-a-tok Ang larong ito ay isang rituwal
na ukol sa paniniwala ng mga
Olmec. Ito ay kahalintulad sa
larong basketbol ngunit hindi
maaaring hawakan ng manlalaro
ang bola, sa halip ay gagamitin nila
ang kanilang siko at baywang
upang maipasok ang bola na yari
sa goma sa isang maliit na ring na
http://4.bp.blogspot.com/-zTc5L-o6qEg/VhDqwJ6nipI/AAAAAAAAAyQ/
gawa sa bato at nakadikit sa
jv2L4KgOP2U/s320/IMG_20151004_142018_626.JPG
mataas na pader. Naniniwala ang
mga arkeologo na ginagawang
sakripisyo pagkatapos ng laro ang
ilang mga manlalaro. Ang larong ito
ay ginagamit na rin ng mga ibang
kabihasnan sa Mesoamerica.
Lilok ng anyong ulo mula sa mga bato Sila ay kilala sa paglililok mula
sa mga bato ng mga anyong ulo.
Sa katunayan, ang pinakamalaking
ulo ay may taas na siyam na
talampakan at may bigat na 44
libra. Pwede rin na ang mga lilok na
ito ay base sa anyo ng kanilang
mga pinuno. Gumawa rin sila sa
ibabaw ng mga umbok ng lupa ng
mga templong hugis-piramide.
https://arsartisticadventureofmankind.files.wordpress.com/2017/02/53-e1487522818346.jpg?w=863&h=369 Nagsilbing mga lugar-sambahan
ng kanilang mga diyos ang mga
estrukturang ito.
Hayop na jaguar
Sa paniniwala nila, mahalaga
ang hayop na jaguar. Ito ay
nagpapakita ng lakas at katusuhan
at pinakakinatatakutan ng maninila
(predator) sa Central America at
South America. Ito rin ay may
kakayahang manirahan saan mang
lugar dahil sa angking agresibo at
tapang. Ang espiritu ng jaguar ay
https://www.nationalgeographic.com/content/dam/archaeologyandhistory/rights-exempt/history-magazine/2018/07-08/jaguar/llp-mac-
sinasamba rin ng mga Olmec.
10531.adapt.1900.1.jpg

Kabihasnang Maya (250 C.E. – 900 C.E.)


Ang Kabihasnang Maya sa Yucatan Peninsula ay namayani sa rehiyon sa Timog
Mexico hanggang Guatemala. Ang Uaxactun, Tikal, El Mirador at Copan na mga pamayanang
lungsod ng Maya ay nabuo rito. Sa pagitan ng 300 C.E. at 700 C.E. ay nakamit ng Maya ang
rurok ng kanyang kabihasnan.

Ang Halach uinik o halach uinic


(Yucatec Maya: 'totoong tao') o tunay na
lalaki, ang tawag sa kataas-taasang
pinuno, panginoon o pinuno, dahil tinawag
sila sa panahon ng kolonyal ng isang Maya
kuchkabal. Karamihan sa kuchkabal ay
pinatakbo ng isang halach uinik, na
namuno sa ngalan ng isa sa mga diyos ng
kanilang pantheon, na bumubuo ng isang
teokrasya.
Halach uinik
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.deviantart.com%2Fkamazotz%2Fart%2FPostclassic-
Maya-Halach-Uinic-298946007&psig=AOvVaw0ndc2neanRiAV4V7W3t0KF&ust=1605146529119000&source
=images&cd=vfe&ved=2ahUKEwiSw9v2svnsAhUEdJQKHXT4DqkQr4kDegUIARCnAQ

4
Nang lumaon, naitayo ng mga Maya ang mga lungsod-estado. Ang mga lungsod-
estado ay nag-uugnay sa pamamagitan ng maayos na kalsada at rutang pantubig. Ipinapakita
ng kabihasnang Maya ang kaayusan ng kanilang lugar. Nahahati ang lipunan ng tao,
magkahiwalay ang tirahan ng mga mahihirap at mga nakaririwasa. Mayroong pyramid na ang
itaas na bahagi ay may dambana para sa mga diyos ang sentro ng bawat lungsod-estado.
Nangungunang produktong pangkalakal ay pinatuyong isda, tapa, kahoy, pulot-
pukyutan, mais, asin, at balat ng hayop. Sila rin ay nagtatanim sa pamamagitan ng
pagkakaingin. Ang kalabasa, mais, sili, pinya, patani, papaya, abokado, at cacao ay mainam
nilang pananim. Dahil sa agrikultura ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Maya, mahalaga
sa kanila ang magsamba sa kanilang diyos na may kaugnayan sa pagtatanim at ang tungkol
sa ulan.
Matapos ang 600 C.E., nakamit ng Maya ang tugatog ng kabihasnan. Ngunit sa
pagtatapos ng ikawalong siglo C.E., ang paggamit ng kalendaryo ay itinigil. Ang mga
estrukturang panrelihiyon at estado ay bumagsak habang ang ilang mga sentro ay nilisan.
Ang karamihan sa mga sentrong Maya ay tuluyang inabandona o iniwan sa pagitan ng 850
C.E. at 950 C.E. Ang pagbagsak ng Kabihasnang Mayan ay maaaring dahil sa patuloy na
digmaan, pagkasira ng kalikasan o paglaki ng populasyon. Ang pagbagsak sa produksiyon
ng pagkain ay maaari rin na sanhi ng panghihina nito. Batay sa mga nahukay na labi ng tao
na nagpapakita ng kakulangan sa sapat na nutrisyon, manipis ang mga buto nito at hindi
gaanong kataasan.

Pyramid of Kukulcan
https://assets.atlasobscura.com/media/W1siZiIsInVwbG9hZHMvcGxhY2VfaW1hZ2VzL0NoaWNoZW4tSXR6YS1DY
XN0aWxsby1TZWVuLUZyb20tRWFzdC5KUEciXSxbInAiLCJ0aHVtYiIsIngzOTA-
Il0sWyJwIiwiY29udmVydCIsIi1xdWFsaXR5IDgxIC1hdXRvLW9yaWVudCJdXQ/ Chichen-Itza-Castillo-Seen-From-East.JPG

Ang Pyramid ng Kukulcan, na parangal kay Kukulcan, na tinaguriang “God of the


Feathered Serpent” ay kasingtulad ng pyramid ng Egypt. Ang itaas na bahagi nito ay patag at
sa loob ay may altar kung saan isinasagawa ang pag-aalay. Ito ay gawa mula sa malalaking
bato. May apat na panig na may mahahabang hagdan ang pyramid. Upang pagdausan ng
mga seremonyang panrelihiyon, kaya ipinagawa ang templo. Ito ay patunay na ang mga
Mayan ay may mataas na kaalaman sa arkitektura, inhenyeriya, at matematika.
Nabuo ng mga Mayan ang isang maunlad na kabihasnan. Sa diyagram sa ibaba
makikita ang mga sanhi ng kanilang paglakas at pagbagsak.

5
Paglakas at Paghina ng Imperyo ng Mayan
Imperyong Mayan Paglakas Paghina
Pamahalaan at Tapat ang mga nasasakupan Para makahuli ng mga alipin na
Relihiyon sa pinuno. Siya ay namumuno iaalay sa kanilang mga diyos, ang
sa pamahalaan at relihiyon. mga pinuno at kanyang
Dahil sa iisang paniniwala nasasakupan ay palagiang
nagkaisa ang mga nakikidigma.
mamamayan.
Ekonomiya at Nagdudulot ng sobrang Pagkawala ng sustansiya ng lupa.
Kabuhayan produkto ang mahusay na Nagdulot ng suliranin sa suplay ng
sistema ng pagtatanim. pagkain ang paglaki ng populasyon.
Mga Lungsod- Mayayaman at maunlad ang Nagdulot ng kaguluhan at kahirapan
Estado mga lungsod-estado ng ang madalas na digmaan sa pagitan
Mayan. ng mga lungsod-estado.

Tandaan mo!
Ang mga Olmec ang kauna-unahang kabihasnan na umusbong sa Mesoamerica.
Tinawag silang Olmec o “rubber people” dahil sila ang kauna-unahang gumamit ng dagta
ng punong goma. Mayroon na silang mga diyos na sinasamba at mahilig silang maglilok ng
mga bato na hugis ulo.
Ang mga Maya naman ay sumusunod sa kanilang pinuno na tinatawag na “halach
uinic” o nangangahulugang tunay na lalaki. Maayos na ang kanilang lipunan dahil
nakapagtatag na sila ng mga lungsod-estado at mayroon ng malawak na kalsada at rutang
pantubig. Sila ay mas naniniwala sa diyos ng kanilang pananim at ulan. Sinasamba nila ang
kanilang diyos sa mga temple at nag-aalay sila sa itaas na bahagi ng pyramid. Maraming
naging dahilan ng pagbagsak ang kabihasnang Maya tulad ng palagiang digmaan,
pagkawala ng sustansiya ng lupa at ang labis na kaguluhan at kahirapan.

Pagyamanin
Gawain 2: Data Information Chart
Panuto: Ipakita sa pamamagitan ng chart na ito ang pagkakaiba ng kabihasnang Olmec at
Maya pagdating sa kanilang lokasyon, lipunan, ekonomiya, relihiyon at paniniwala
at ang dahilan ng pagbagsak. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
Batayan Kabihasnang Olmec Kabihasnang Maya
A. Lokasyon

B. Lipunan

C. Ekonomiya

D. Relihiyon at
Paniniwala

E. Dahilan ng
pagbagsak

6
Suriin
Kabihasnang Aztec (1200 – 1521)
Ang mga Aztec ay naging makapangyarihan sa gitnang bahagi ng Mesoamerica
habang ang mga Maya ay nagtatag ng kanilang Kabihasnan sa timog na bahagi nito.
Umusbong ang sinaunang Kabihasnang Olmec sa bahagi ring ito. Dahil dito,
naimpluwensiyahan ng mga Olmec ang pamumuhay at paniniwala ng mga Aztec. Sila ay
nagpalawak ng kanilang teritoryo hindi katulad ng mga Olmec. Pinaunlad nila ang kanilang
kabihasnan at nagtatag ng sariling imperyo mula sa dating maliliit na pamayanang agrikultural
sa Valley ng Mexico at kinontrol nila ang mga karatig lupain sa gitnang bahagi ng
Mesoamerica.

Mapa ng Kabihasnang Aztec


https://aztecprojectempire.files.wordpress.com/2012/11/1-aztec_empire_map3.png?w=584

Mga nomadikong tribo ang mga Aztec na ang orihinal na pinagmulan ay hindi tukoy.
Sa ika-12 siglo C.E., pumunta sila sa Lambak ng Mexic. Ang salitang Aztec ay hango sa isang
mitikong lugar sa Hilagang Mexico, “Aztlan”.
Noong 1325, doon sa Tenochtitlan, isang maliit na isla sa gitna ng lawa ng Texcocona
nasa sentro ng Mexico Valley, itinatag nila ang isang pamayanan na sa kalaunan, ay naging
mahalagang sentrong pangkalakalan. Dahil sa matabang lupa nito, angkop ang Tenoctitlan
sa pagtatanim na siyang pangunahing ikinabubuhay ng mga Aztec ngunit hindi sapat ang
malawak ng lupain para matugunan ang kanilang pangangailangan.
Upang mas lalo pang lumawak ang lupang tinataniman, tinabunan ng lupa ng mga
Aztec ang mga sapa at lumikha ng mga chinampas, mga artipisyal na pulo na kung tawagin
ay mga floating garden. Kahit na wala silang kasangkapan para sa pagbungkal ng lupa
nakapagtanim sila gamit ang matulis na kahoy.
Sila ay sumasamba at umaasa sa mga pwersa ng kalikasan. Ang diyos ng araw na si
Huitzilopochtli ang pinakamahalagang diyos nila dahil ang sikat ng araw sa pananim ng mga
magsasaka ay mahalaga kaya sinusuyo at hinahandugan nila ito. Naniniwala sila na upang
mahadlangan sa pagsira ng daigdig ang masasamang diyos, kailangang laging malakas ang
mga diyos kaya ang mga Aztec ay nag-aalay ng tao. Kadalasang bihag sa digmaan ang mga
iniaalay nila ngunit may mga nagkukusang-loob na mandirigmang Aztec na nag alay ng sarili.
Nagsimula ang malawakang kampanyang militar at ekonomiko ng mga Aztec sa
pagsapit ng ika-15 siglo. Si Tlacaelel, isang tagapayo at heneral, ang isa sa mga dahilan sa
7
mga pagbabagong ito. Ilan sa mga naging kaparaanan upang makontrol at mapasunod ang
iba pang mga karatig-lugar nila ay sa pamamagitan ng paninindak at pagsasakripisyo ng mga
tao. Nagbigay ng tribute o buwis ang mga nasakop na lungsod. Mula sa Pacific Ocean
haggang Gulf of Mexico at mula sa hilagang Mexico hanggang sa Guatemala, ang
Tenochtitlan ay naging sentro ng pangkabuhayan at politikal sa Mesoamerica dahil sa mga
tribute at mga nagaping estado.
Ang mga estruktura tulad ng mga kanal o aqueduct, mga dam, sistema ng irigasyon,
liwasan, at mga pamilihan ay ipinatayo din ng mga Aztec na mahuhusay na mga inhenyero.
Dulot ng epidemya ng bulutong, pang-aalipin, digmaan, labis na paggawa, at
pagsasamantala biglaang nagbaba ang populasyon ng mga Aztec. Ang kabuuang katutubong
populasyon ng Mesoamerica, mula 85 hanggang 95 bahagdan, ay naubos sa loob lamang ng
160 taon.
Natigil ang pamamayani ng mga Aztec sa Mesoamerica nang dumating si Hernando
Cortes at mga Espanyol sa Mexico noong 1519. Ang ekspedisyong Espanyol na nanakop sa
Mexico ay pinamumunuan ni Cortes. Inakala ng pinuno ng mga Aztec na si Montezuma II
na bumalik na ang kanilang diyos na si Quetzalcoatl dahil sa mapuputing kaanyuan ng mga
Espanyol. Tuluyang bumagsak ang Tenochtitlan noong 1521.
Kabihasnang Inca (1200-1521)
Sa hilagang-kanlurang bahagi ng Lake Titicaca sa matabang lupain ng Lambak ng
Cuzco isang pangkat ng mga tao ang naninirahan na sa pamumuno ni Manco Capac, bumuo
ng maliliit na lungsod-estado noong ika-12 siglo.
Hango sa pangalan ng pamilyang namuno sa isang pangkat ng tao na nanirahan sa
Andes, ang salitang “Inca” ay nangangahulugang “imperyo.” Nasakop nito ang 3,220 kilometro
kuwadrado na kahabaan ng baybayin ng Pacific sa pagpalawig ng mga Inca sa kanilang
teritoryo. Ang kasalukuyang lupain ng Peru, Ecuador, Bolivia at Argentina ay saklaw ng
imperyong ito.
Ang lipunang Inca sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang sentralisadong estado
ay pinatatag ni Cusi Inca Yupagqui o Pachakuti noong 1438. Ang imperyo umabot hanggang
hilagang Argentina, bahagi ng Bolivia at Chile sa pamumuno ni Topa Yupanqui (1471-1493).
Ang estado ng Chimor o Chimu na pinakamatinding katunggali ng mga Inca sa baybayin ng
Peru ay napasailalim din sa kanyang kapangyarihan. Nasakop ng imperyo ang Ecuador sa
ilalim naman ni Huayna Capac.

Ang lupain ng Imperyong Inca ay sumasaklaw mula sa hilaga sa kasalukuyang


Colombia hanggang sa katimugan sa bahagi ng Chile at Argentina sa pagdating ni Francisco
Pizarro, ang Espanyol na mananakop ng Inca noong 1532. Ang kawalang kapanatagan sa
mga nasakop na bagong teritoryo at tunggalian tungkol sa pamumuno ang dahilan kung bakit
humina ang imperyo.
Nagkaroon ng epidemya ng bulutong na dala ng mga conquistador o mananakop na
Espanyo at ito ang nagpalubha sa kaguluhang politikal ng imperyo. Si Huayna Capac, isa sa
8
mga pinuno ng Inca, ay namatay sa isang epidemya noong 1525 na nagdulot ng tunggalian
sa kanyang mga anak na sina Atahuallpa at Huascar. Si Atahuallpa, nanaig, at nakilala si
Pizarro habang naglalakbay ito patungong Cuzco. Sa kalaunan, binihag ni Pizarro si
Atahuallpa at pinatubos ng napakaraming ginto. Pinapatay si Atahuallpa noong 1533, at
makalipas ang isang taon, gamit ang maliit na hukbo, sinakop ng mga Espanyol ang Cuzco.
Matapang man ang mga Inca, hindi nila nagawang manaig sa bagong teknolohiya
tulad ng mga baril at kanyon na dala ng mga dayuhan. Kaya, nagtungo sa kabundukan ng
Vilcabamba at nanatili rito nang halos 30 taon ang ilan sa mga Inca. Hindi nagtagal, si Tupac
Amaru, ang huling pinuno ng mga Inca ay pinugutan ng ulo noong 1572. Hindi nagtagal, ang
pinakadakilang imperyo sa Andes ay tuluyang nagwakas.
Tandaan Mo!
Ang mga Aztec ay kilala sa kanilang pagiging magsasaka. Nagtayo sila ng mga
chinampas sa mga lawa upang lumawak ang lupang kanilang sinasaka. Sagana sila sa
mga tanim na mais, patani, kalabasa, abokado, sili, at kamatis. Mahalaga sa mga Aztec
ang kanilang diyos ng kalikasan. Naniniwala sila ang pag-aalay ng tao ay nagbibigay-
kasiyahan sa kanilang diyos. Kadalasan sa kanilang inialay ang mga bihag ng digmaan.
Ang dahilan ng pagbagsak ng mga Aztec ay ang sa pananakop ng mga Espanyol sa
pangunguna ni Hernando Cortes na kusang tinanggap nila dahil sa pag-aakala nila na ito
ang kanilang diyos na si Quetzalcoatl, ang kanilang diyos ng ulan, dahil sa maputing
kaanyuan nito.
Ang salitang Inca ay nangangahulugang “imperyo”. Mabilis na napalawak ng mga Inca
ang kanilang imperyo sa Mesoamerica na naging dahilan rin ng kanilang pagbagsak sa
kamay ng mga mananakop na Espanyol sa pamumuno ni Francisco Pizarro. Nahirapan
ang mga Inca na pigilan ang mga mananakop dahil sa makabagong teknolohiya na ginamit
sa pakikipagdigmaan.

Isaisip
Gawain 3: KKK (Kaugnayan ng Kabihasnan sa Kasalukuyan)
Panuto: Kilalanin ang mga ambag ng kabihasnan sa kasalukuyan sa bawat aytem na
nakasaad ayon sa chart. Isulat sa sagutang papel.

KABIHASNAN PAMAHALAAN EKONOMIYA RELIHIYON KONTRIBUSYON

OLMEC

MAYA

AZTEC

INCA

9
Aralin

2 Mga Kaharian at Imperyo sa


Africa

Alamin

Malawak ang mundo at karaniwang hindi nabibigyan ng tuon ang Africa at ang mga
pulo sa Pacific. Maliban sa kaharian ng Egypt, hindi na natatalakay pa ang ibang sentro ng
kabihasnan sa Africa. Samantala, halos walang pagbanggit naman sa mga pulo sa Pacific.
Tunghayan sa araling ito ang mga kaganapan sa dalawang rehiyong ito noong sinaunang
panahon.

Suriin

Heograpiya ng Africa
Ang heograpiya ng Africa ay nakatulong kung bakit huli itong pinasok at huling nahati-
hati ng mga kanluraning bansa. Dark continent ang tawag nito ng mga kanluranin dahil hindi
nila ito nagalugad kaagad.
Dahil sa lawak nito, ang mga lugar malapit sa equator ay pinakamainit at
pinakamaulang bahagi ng Africa. Matatagpuan ang isang uri ng kagubatan kung saan sagana
ang ulan o rainforest, ang isang bukas at malawak na grassland o damuhan na may mga puno
o savanna, at ang pinakamalaki at pinakamalawak na disyerto sa daigdig, ang Sahara, dito
sa Africa. Hindi natitirhan ang Sahara na malaki pa sa Europe maliban sa mga oasis nito. Ito
ay lugar sa disyerto kung saan may matabang lupa at tubig kaya may maliliit na pamayanan
sa Sahara namumuhay dito.

https://scottkaciuba.weebly.com/uploads/3/7/0/3/37033819/9035161_orig.png

10
Nakarating sa Europe at iba pang bahagi ng Asya ang mga produktong African dahil
sa Kalakalang Trans-Sahara na namamayani sa rehiyon na malapit sa Sahara.

Ang Kalakalang Trans-Sahara


Isang masaganang kalakalan sa pagitan ng Hilagang Africa at Kanlurang Sudan, ang
Trans-Sahara, ay umusbong noong 3000 B.C.E. Ito ay tinawag na Trans-Sahara dahil tinawid
ng mga nomadikong mangangalakal ang Sahara sa pamamagitan ng caravan, dala-dala ang
iba’t ibang uri ng kalakal at tumagal hanggang ika-16 na siglo. Kadalasang gamit sa mga
caravan o pangkat ng mga taong magkakasamang naglalakbay ay ang kamelyo.

Ang Pagpasok ng Islam sa Kanlurang Africa


Ang Islam ay unti-unting nakilala at kalaunan ay namayani sa mga kultura at
kabihasnang nananahan sa Kanlurang Africa nang makapagtatag ng mga pamayanang
Muslim sa Morocco. Pinalaganap ng mga Berber, mga mangangalakal sa Hilagang Africa,
ang Islam. Kapalit ng mga aklat, tanso, espada, seda, kaldero, at iba pa, ang mga Berber ay
pumupunta sa Kanlurang Africa upang bumili ng ginto.

Mga Kabihasnan sa Africa


Ang Egypt kung matatandaan, ay isa sa mga pinakaunang lunduyan ng kabihasnan
sa daigdig. Napatanyag din dahil sa naging sentro ito ng kalakalan ang Axum, ang
kasalukuyang Ethiopia sa Silangang Africa.
Naging tahanan din ng mga unang kabihasnan ang Kanlurang Africa, ang mga
imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai.

Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Araling Panlipunan – Modyul ng Mag-aaral, Unang Edisyon 2014, ISBN:978-971-9601-67-8

Ang Axum Bilang Sentro ng Kalakalan


Dahil sa lawak ng pakikipagkalakalan nito, nagging sentro ng kalakalan ang kaharian
ng Axum, noong 350 C.E. Ang karaniwang kinakalakal sa Mediterranean at Indian Ocean ay
mga elepante, ivory (ngipin at pangil ng elepante), sungay ng rhinoceros, pabango, at
pampalasa o rekado kapalit ng mga tela, salamin, tanso, bakal, at iba pa.
Tinanggap ng Axum ang Kristiyanismo bunga nga kanilang pangangalakal at ito’y
naging opisyal na relihiyon ng kaharian noong 395 C.E.

Tandaan Mo!
Tinawag na dark continent ang Africa dahil hindi ito nagalugad agad ng mga
kanluranin. Naging kilala ang Africa dahil sa kanilang pakikipagkalakalan na tinawag na
Kalakalang Trans-Sahara saan binebenta sa kalakalan ay mga hayop tulad ng unggoy,
leon, elepante, at mga mamahaling hiyas.

11
Sa Kanlurang Africa umusbong ang relihiyong Islam. Ang kaharian ng Axum ay
naitatag din dahil sa pakikipagkalakalan. Isa mga naging resulta ng pakikipagkalakalan ng
Axum ay ang paglaganap ng relihiyong Kristiyanismo.

Pagyamanin
Gawain 1: Fill Me Up!
Panuto: Punan ng maikling paglalarawan tungkol sa kontinente ng Africa ayon sa hinihingi
ng chart. Isulat sa sagutang papel.
Kontinente ng Africa

Heograpiya ng Kalakalang Trans- Pagpasok Kabihasnan sa


Africa Sahara ng Islam Africa

Suriin

Ang Imperyong Ghana


Ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa, ang Ghana ay sumibol dulot ng
lokasyon nito sa timog na dulo ng kalakalang Trans-Sahara. Mayroon itong malaking
pamilihan ng iba’t ibang produkto tulad ng ivory, ebony, at ginto na ipinagpalit ng mga katutubo
sa asin, tanso, sandatang yari sa bakal, katad, at iba pang produktong wala sila.
Mataba ang lupa kaya mayroong sapat na pagkain at sagana rin ang tubig upang
punan ang pangangailangan kaya lumaki ang populasyon dito.

Ghana
Si Haring Al-Bakri ay nag-utos na ibigay sa kanya ang mga butil ng ginto at
para mapanatili ang mataas na halaga ng ginto sa Ghana, tanging mga gold dust
lang pinayagang ipagbili sa kalakalan.

Ang Imperyong Mali


Simula sa estado ng Kangaba, isa sa mahalagang outpost ng Imperyong Ghana,
namana ng Mali ang Ghana. Sa pamumuno ni Sundiata Keita nagsimula sa pag-akyat ng Mali
sa kapangyarihan, kung saan, noong 1240, sinalakay niya at winakasan ang Imperyong
12
Ghana. Lumawak pakanluran ang imperyo, patungong lambak ng Senegal River at Gambia
River, pasilangan patungong Timbuktu, at pahilaga patungong Sahara Desert sa pananalakay
niya. Pinakamalaki at pinakamakapangyarihan sa buong Kanlurang Sudan ang imperyong
Mali sa kanyang pagkamatay noong 1255.
Ang Imperyong Mali, katulad ng Ghana, ay yumaman sa pamamagitan ng kalakalan.
Noong 1312, sa pamumuno ni Mansa Musa, mas napalawak ang teritoryo ng imperyo at sa
pagsapit ng 1325, ang Walata, Djenne, Timbuktu, at Gao ay naging bahagi ng Imperyong
Mali.
Bantog din si Mansa Musa sa pagpapahalagang ibinigay niya sa karunungan gaya ng
pagpatayo ng mga mosque o pook-dasalan ng mga Muslim at paghikayat ng mga iskolar na
pumunta sa Mali. Sa kanyang paghahari, naging sentro ng karunungan at pananampalataya
ang Gao, Timbuktu, at Djenne.

Mali
Noong 1325, ipinagawa ang Sankore Mosque ni Mansa Musa. Ang Timbuktu
ay nagging sentro ng kalakalan at lumaganap ang relihiyong Islam. Dulot ng
impluwensiya ng mga iskolar na Muslim, tumaas ang antas ng kaalaman.

Ang Imperyong Songhai


Ang Songhai ay nakikipagkalakalan na sa mga Berber, na dala ang
pananampalatayang Islam, at taon-taon ay dumarating sa mga ruta ng kalakalan sa Niger
River simula pa noong ikawalong siglo. Tinanggap ni Dia Kossoi, hari ng mga Songhai, sa
pagsapit ng 1010, ang Islam.
Sinalakay at binihag ng Imperyong Mali ang Songhai noong 1325. Subalit noong
1335, ang Sunni ay matagumpay na binawi ang kalayaan ng Songhai mula sa Mali. Sa ilalim
ni Haring Sunni Ali, mula 1461 hanggang 1492, ang Songhai ay naging isang malaking
imperyo mula sa mga hangganan ng kasalukuyang Nigeria hanggang sa Djenne. Hindi niya
tinanggap ang Islam ngunit iginalang at pinahalagahan niya ang mga mangangalakal at
iskolar na Muslim sa loob ng kanyang imperyo.

Ghana, Mali at Songhai


Ang pakikipagkalakalan ang dahilan na ang mga imperyong ito ay naging
makapangyarihan. Ang ginto at ang asin ang pangunahing produkto na kinakalakal
nila dahil ginagamit ng mga African ang ginto upang ipambili ng asin at mapreserba
ang kanilang mga pagkain.

Tandaan Mo!
Ang Imperyong Ghana ay naging sentro ng kalakalan sa Kanlurang Africa. Bumili sila
ng mga kagamitang pandigma na yari sa bakal at mga kabayo. Sumunod sa imperyong
Ghana ang mga Mali. Mas pinalawak nila ang teritoryo at ipinagpatuloy ang
pakikipagkalakalan. Isa rin ang Imperyong Songhai na umusbong dahil sa
pakikipagkalakalan sa mga Berber.

13
Isagawa
Gawain 3: Alternating Flow Chart

Panuto: Gamit ang Alternating Flow Chart, isulat ang ilan sa mga pagbabago ng kontinenteng
Africa mula sa sinauna nitong pamumuhay hanggang sa kasalukuyan. Isulat sa
sagutang papel.

Kasalukuyang
Africa

Sinaunang
Africa

14
Aralin
Mga Kabihasnan sa
3 Pulo ng Pacific

Alamin
Ang sinaunang kasaysayan at kultura ng mga pulo ng Pacific at Timog-Silangang Asya
ay magkaugnay dahil ang nandayuhan at nanahanan sa dalawang rehiyong ito ay mga
Austronesian. Sila ang mga taong nagsasalita ng mga wikang nabibilang sa Austronesian o
Malayo-Polynesian na pinakamalaking pamilya ng wika sa daigdig.
Nagmula sa Timog China ang mga Austronesian ayon sa teorya ng iskolar na si Peter
Bellwood. Umalis sila ng China at nandayuhan simula noong 4000 B.C.E.sa hangaring
makahanap ng mga bagong teritoryo na masasaka kagaya ng kilala ngayon bilang Taiwan,
Pilipinas, Malaysia, Brunei, at Indonesia. Ang mga Austronesian ay nagtungo rin pakanluran
at narating ang Madagascar sa Africa at may mga tumungo pasilangan, tinawid ang Pacific
Ocean at nanahanan sa mga pulo ng Pacific noong 2000 B.C.E.
Ang New Guinea, Australia, at Tasmania ang unang narating ng mga Austronesian at
noong 1,000 B.C.E. nanahanan sila sa Vanuatu, Fiji at Tahiti.
Sila ay nakarating din sa Tonga, Samoa, at Marquesas at noong 100 B.C.E.,
tinatayang nasa mga pulo ng Hawaii sila. Isang pulo sa Pacific na bahagi na ng South
America, ang Easter Island, ang pinakamalayo nilang naabot.
Nahahati sa tatlong malalaking pangkat – ang Polynesia, Micronesia, at Melanesia -
ang mga pulo sa Pacific o Pacific Islands. Ito ang tawag ng mga pulong ito matapos makita
ng mga Kanluranin ang kaayusan ng mga pulo at ang anyo ng mga katutubo nito.

Suriin
Polynesia
Polynesia ang tawag sa maraming isla na makikita sa gitna at timog na bahagi ng
Pacific Ocean na nasa silangan ng Melanasia at Micronesia. Higit na malaki kaysa
pinagsamang lupain ng Melanasia at Micronesia, ito ay binubuo ng Hawaii, New Zealand,
Tonga, Easter Island, Austral Islands, Tuvalu, Tuamotu, Wallis at Futuna, French Polynesia,
Tokelau, Samoa, American Samoa, Marquesas, Niue, Cook Islands, Society Islands, at
Pitcairn.
Ang isang pamayanan ay aabot hanggang 30 pamilya. Tohua ang tawag ng sentro
nito na kadalasang nasa gilid ng mga bundok. Sa tohua tinatanghal ang mga ritwal at
pagpupulong at napapaligiran ito ng tirahan ng mga pari at mga banal na estruktura.
15
Pagsasaka at pangingisda ang pangunahing kabuhayan ng mga Polynesian.
Naniniwala rin sila sa banal na kapangyarihan o mana na nangangahulugang “bisa” o “lakas”
at maaaring nasa gusali, bato, bangka, at iba pang bagay.
Upang hindi mawala o mabawasan ang mana, sinusunod ang mga batas. Halimbawa,
ang pangkaraniwang tao ay bawal pumasok sa isang banal na lugar. Nakabukod at bawal
makihalubilo sa babae at pili lang ang dapat kainin upang hindi mawala ang mana ng mga
lalaking naghahanda sa pakikipaglaban o para sa isang mapanganib na gawain. Ang tawag
sa mga pagbabawal o prohibisyong ito ay tapu at maaring patawan ng kamatayan ang
paglabag nito.
Micronesia
Ang Micronesia ay binubuo ng mga maliliit na isla ng Marshall Islands, Caroline
Islands, Gilbert Islands (ngayon ay Kiribati), Marianas Islands, at Nauru. Matatagpuan sa
hilaga ng Melanesia at sa silangan ng Asya ang maliit na pulo at atoll ng Micronesia.
Matatagpuan malapit sa mga lawa o dagat-dagatan pero sa bahaging hindi gaanong
tinatamaan ng bagyo o malalakas na ihip ng hangin ang mga sinaunang pamayanan para
madali silang lumabas at maglayag sa karagatan.
Pagsasaka at pangingisda ang ikinabubuhay ng mga Micronesian. Ang mga lipunan
ng Marianas, Palau, at Yap ay may kaalaman din sa paggawa ng simpleng palayok.
Malimit din ang kalakalan ng magkakaratig-pulo. Bato at shell ang ginagamit bilang
paraan ng palitan sa Palau at Yap at mga batong ginawang pera (stone money) ay ginagamit
din ng Palau. Nagpapalitan ng turmeric na ginagamit bilang gamot at pampaganda ang
matataas (high-lying islands) at nakipagpalitan ng mga shellbead, banig na yari sa dahon ng
pandan, at magaspang na tela na galing sa saging at gumamela ang mabababang pulo (low-
lying coral atolls). Ang tela ginawang palda ng kababaihan at bahag ng kalalakihan.
Ang sinaunang relihiyon ng mga Micronesian ay animismo. Nag-aalay sila ng unang
ani sa isang rituwal para sa mga makapangyarihang diyos.
Melanesia
Matatagpuan sa hilaga at silangang baybay-dagat ng Australia ang Melanesia, hango
sa “maiitim ang mga tao na nakatira dito“ na kasalukuyang binubuo ng Vanuatu (dating New
Hebrides), New Guinea, Papua New Guinea, Fiji Islands, New Caledonia, Solomon Islands,
at Bismarck Archipelago.
Kadalasan nasa baybaying-dagat o sa dakong loob pa ang mga sinaunang
pamayanan na pinamumunuan ng mga mandirigma. Ang mga Papuan ay nahubog sa
katapangan, paghihiganti, karahasan, at karangalan na mga alituntunin ng mga mandirigma.
Nagtatanim din sila ng sago palm na pinagkukunan ng sago at pandan maliban sa taro
at yam na pangunahing sinasaka sa Melanesia. Nabubuhay din sila sa pangingisda, pag-
aalaga ng baboy, at pangangaso ng mga marsupial at ibon. Mga baboy, palayok, apog, yam,
asin, kahoy, at ang mga gawang bangka ang karaniwang kinakalakal ng mga taga pulo.
Laganap sa Solomon Islands at Vanuatu ang paniniwala sa mana. Ang mga sinaunang
Melanesian ay naniniwala rin sa animism kung saan ipinababatid ng diyos ng kalikasan ang
mga kaganapan tulad ng tagumpay sa labanan, sakuna, kamatayan, o pag-unlad ng
kabuhayan.
May sariling katangian at kakayahan ang mga isla sa Pacific at namumuhay sila sa
pakikipagkalakalan sa iba-ibang isla at kontinente.

16
Sa kasalukuyan, nakaimpluwensiya sa mga mamamayang naninirahan sa mga isla sa
Pacific at sa mga karatig bansa nito sa Timog-Silangang Asya ang Melanesia bagama’t hindi
ito kasing-unlad, kasing-tanyag at kasing-yaman ng mga kabihasnan at imperyo sa Europa,
America at Africa.

Tandaan Mo!
Ayon sa teorya ni Peter Bellwood, nagmula sa China ang mga Austronesian. Nilisan nila
ang China dahil sa paghahanap ng bagong teritoryo na masasaka hanggang sa marating nila
ang mga Pulo sa Pacific. Ang mga Pulo sa Pacific ay nahahati sa tatlong pangkat, Polynesia o
maraming isla, Micronesia o maliliit na mga isla, at Melanesia o maiitim ang mga tao dito.
Pangunahing ikinabubuhay ng mga Polynesian ay pagsasaka at pangingisda.
Naniniwala ang mga Polynesian sa mana na nangangahulugang “bisa” o “lakas”. Mayroon
silang mga batas na sinusunod para hindi mawala ang kanilang mana, tulad na lang ng bawal
pumasok sa banal na lugar ang karaniwang tao.
Ang unang pamayanan ng mga Micronesian ay nagsimula malapit sa lawa upang mas
madali ang paglayag sa karagatan. Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga
Micronesian. Ang mga Melanesian naman ay mayroong pananim na taro at yam. Animism ang
relihiyon ng mga Melanesian.

Pagyamanin

Gawain 1: Fill Me Up!


Panuto: Punan ng kinakailangang impormasyon ang talahanayan. Isulat sa sagutang papel.
Lugar na
Kahulugan ng
Isla makikita ang Kabuhayan Paniniwala
Pangalan
pamayanan

Polynesia

Micronesia

Melanesia

17
Isagawa

Gawain 2: Noon at Ngayon


Panuto: Gamit ang chart isulat ang pagkakaiba batay sa pamumuhay, paniniwala o kaugalian ng
mga kabihasnan sa Pulo ng Pacific at sa kasalukuyang panahon. Isulat sa sagutang
papel.

NOON NGAYON

Sa larangan ng pananampalataya ng mga Sa kasalukuyan, paano mo ipinapakita


Polynesian, naniniwala sila sa banal na ang iyong pananampalaya?
kapangyarihan o mana.

Sa Palau at Yap, bato at shell ang ginagamit Sa kasalukuyan, ano ang systema ng
bilang paraan ng palitan. Gumagamit din kalakalan sa ating bansa?
ang Palau ng batong ginawang pera (stone
money).

Pinamumunuan ang mga Melanesian ng Sa kasalukuyan, paano pinipili ng mga


mga mandirigma kung saan tagumpay sa Pilipino ang magiging pinuno ng bansa?
digmaan ang pangkaraniwang batayan ng
pagpili sa pinuno.

18
Buod
Nagsimula ang mga mamamayan sa Mesoamerica sa pag-unlad habang sumusulong
at nagiging malakas ang mga sinaunang kabihasnan sa Mesopotamia, China at India. Ito ay
nag-umpisa sa kabihasnang Olmec at Maya at sinundan ng kabihasnang Aztec at Inca.
Ang mga Olmec ang kauna-unahang kabihasnan na umusbong sa Mesoamerica.
Tinawag silang Olmec o “rubber people” dahil sila ang kauna-unahang gumamit ng dagta ng
punong goma. Mayroon na silang mga diyos na sinasamba at mahilig silang maglilok ng mga
bato na hugis ulo.
Ang mga Maya naman ay sumusunod sa kanilang pinuno na tinatawag na “halach
uinic” o nangangahulugang tunay na lalaki. Maayos na ang kanilang lipunan dahil
nakapagtatag na sila ng mga lungsod-estado at mayroon ng malawak na kalsada at rutang
pantubig. Sila ay mas naniniwala sa diyos ng kanilang pananim at ulan. Sinasamba nila ang
kanilang diyos sa mga temple at nag-aalay sila sa itaas na bahagi ng pyramid. Maraming
naging dahilan ng pagbagsak ang kabihasnang Maya tulad ng palagiang digmaan, pagkawala
ng sustansiya ng lupa at ang labis na kaguluhan at kahirapan.
Ang mga Aztec ay kilala sa kanilang pagiging magsasaka. Nagtayo sila ng mga
chinampas sa mga lawa upang lumawak ang lupang kanilang sinasaka. Sagana sila sa mga
tanim na mais, patani, kalabasa, abokado, sili, at kamatis. Mahalaga sa mga Aztec ang
kanilang diyos ng kalikasan. Naniniwala sila ang pag-aalay ng tao ay nagbibigay-kasiyahan
sa kanilang diyos. Kadalasan sa kanilang inialay ang mga bihag ng digmaan. Ang dahilan ng
pagbagsak ng mga Aztec ay ang sa pananakop ng mga Espanyol sa pangunguna ni
Hernando Cortes na kusang tinanggap nila dahil sa pag-aakala nila na ito ang kanilang diyos
na si Quetzalcoatl, ang kanilang diyos ng ulan, dahil sa maputing kaanyuan nito.
Ang salitang Inca ay nangangahulugang “imperyo”. Mabilis na napalawak ng mga Inca
ang kanilang imperyo sa Mesoamerica na naging dahilan rin ng kanilang pagbagsak sa kamay
ng mga mananakop na Espanyol sa pamumuno ni Francisco Pizarro. Nahirapan ang mga
Inca na pigilan ang mga mananakop dahil sa makabagong teknolohiya na ginamit sa
pakikipagdigmaan.
Tinawag na dark continent ang Africa dahil hindi ito nagalugad agad ng mga
kanluranin. Naging kilala ang Africa dahil sa kanilang pakikipagkalakalan na tinawag na
Kalakalang Trans-Sahara saan binebenta sa kalakalan ay mga hayop tulad ng unggoy, leon,
elepante, at mga mamahaling hiyas.
Sa Kanlurang Africa umusbong ang relihiyong Islam. Ang kaharian ng Axum ay
naitatag din dahil sa pakikipagkalakalan. Isa mga naging resulta ng pakikipagkalakalan ng
Axum ay ang paglaganap ng relihiyong Kristiyanismo.
Ang Imperyong Ghana ay naging sentro ng kalakalan sa Kanlurang Africa. Bumili sila
ng mga kagamitang pandigma na yari sa bakal at mga kabayo. Sumunod sa imperyong Ghana
ang mga Mali. Mas pinalawak nila ang teritoryo at ipinagpatuloy ang pakikipagkalakalan. Isa
rin ang Imperyong Songhai na umusbong dahil sa pakikipagkalakalan sa mga Berber.
Ayon sa teorya ni Peter Bellwood, nagmula sa China ang mga Austronesian. Nilisan
nila ang China dahil sa paghahanap ng bagong teritoryo na masasaka hanggang sa marating
nila ang mga Pulo sa Pacific. Ang mga Pulo sa Pacific ay nahahati sa tatlong pangkat,
Polynesia o maraming isla, Micronesia o maliliit na mga isla, at Melanesia o maiitim ang mga
tao dito.
Pangunahing ikinabubuhay ng mga Polynesian ay pagsasaka at pangingisda.
Naniniwala ang mga Polynesian sa mana na nangangahulugang “bisa” o “lakas”. Mayroon
silang mga batas na sinusunod para hindi mawala ang kanilang mana, tulad na lang ng bawal
pumasok sa banal na lugar ang karaniwang tao.
Ang unang pamayanan ng mga Micronesian ay nagsimula malapit sa lawa upang mas
madali ang paglayag sa karagatan. Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga
Micronesian. Ang mga Melanesian naman ay mayroong pananim na taro at yam. Animism
ang relihiyon ng mga Melanesian.
19
Pagtatasa
Ngayon ay sagutan ang pagtatasa na magtatakda ng inyong natutunan sa mga
aralin. Isulat ang titik ng inyong sagot sa sagutang papel.
1. Bakit mahalaga ang asin para sa mga African?
A. Dahil marami ito sa kanilang lugar.
B. Dahil ito ay ginagawa nilang gamut.
C. Dahil ito ay nagsisilbing pampalasa sa kanilang mga pagkain.
D. Dahil ginagamit ito upang mapreserba ang kanilang mga pagkain.

2. Ang sumusunod ay mga paraan upang mapangalagaan ng mga Polynesian ang


kanilang mana maliban sa isa?
A. Dapat ay mag-alay ng dugo ng hayop sa kanilang diyos.
B. Bawal pumasok sa isang banal na lugar ang karaniwang tao.
C. Ang mga lalaking naghahanda sa pakikipaglaban o para sa isang mapanganib
na gawain ay dapat nakabukod.
D. Bawal ang mga kalalakihan na makihalubilo sa babae at pili lang ang dapat
nilang kainin upang hindi mawala ang kanilang mana.

3. Naniniwala ang mga Aztec na kailangang laging malakas ang mga diyos na ito
upang mahadlangan ng mga ito ang masasamang diyos sa pagsira ng daigdig. Ano
ang kadalasang ginagawa ng mga Aztec para mapasaya ang kanilang mga diyos?
A. Nag-aalay ng tao.
B. Nag-aalay ng hayop.
C. Nagsasagawa ng ritwal.
D. Nagkakaroon ng piyesta.

4. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali at Songhai


sa pag-unlad nito?
A. Nagsilbing natural na proteksyon ng imperyo ang malawak na disyerto ng
Sahara
B. Napalilibutan ito ng mga anyong-tubig na nagbigay-daan sa pag-unlad ng
pagsasaka
C. Nakatulong ang kanilang lokasyon upang mapanatili ang kalayaan at
kaligtasan mula sab anta ng mga mananakop
D. Nagsilbi itong tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin, at iba pang produkto
sa pagitan ng kaloob-loobang bahagi ng Africa at ng mga Arab sa Sahara.

5. Alin ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific?
A. Ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa pulo ng Pacific ay Animismo.
B. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga lawa o
dagat-dagatan.
C. Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific ay
pagsasaka at pangingisda.
D. Ang mga sinaunang mamamayan ng mga pulo ng Pacific ay naniniwala sa
banal na kapangyarihan o mana..
20
21
Lugar na
Kahulugan makikita ang Kabuhayan
Isla Paniniwala
ng Pangalan pamayanan
Naniniwala sa banal
Maraming Gilid ng Bundok Pagsasaka at
Polynesia na kapangyarihan o
isla Tohua pangingisda
mana
malapit sa mga
Maliliit na Pagsasaka at
Micronesia lawa o dagat- Animismo
mga isla pangingisda
dagatan
baybaying-dagat Pagsasaka at
Maiitim ang
Melanesia o sa dakong pakikipagkala Animismo
mga tao dito
loob pa kalan
Aralin 3- Gawain 1: Fill Me Up! Posibleng Sagot
Batayan Kabihasnang Olmec Kabihasnang Maya
Rehiyon ng Gulf Coast sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon
katimugang Mexico sa Timog Mexico
Lokasyon
Nakagawa ng kalendaryo, gumamit Nabuo ang mga lungsod-
ng isang sistema ng pagsulat, at estado.
Lipunan
nakalinang ng akdang sining.
Agrikultura Pangangalakal at pagtatanim
Ekonomiya Kauna-unahang taong gumamit ng
dagta ng punong goma.
Relihiyon at Sinasamba ng mga Olmec ang May mga temple at palasyo sa
Paniniwala espiritu ng jaguar. tabi ng pyramid.
Dahilan ng Humina at bumagsak Pagbagsak ng produksyon sa
Pagbagsak pagkain
Aralin 1 - Gawain 2: Data Information Chart- Posibleng Sagot
Aralin 1- Gawain 1: Subukin:
Pagtatasa: Larawan Ko, Hula
D 5.
A 4.
Mo 1. A
1. D B 3.
2. B
C 2.
2. A 1. E E 1.
3. A 2. C 3. A
4. D 3. B 4. A
5. C 4. A 5. C
5. D
Susi sa Pagwasto
Sanggunian
A. Aklat

Antonio, Eleanor D., “Pana-Panahon III. Worktext para sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon.
Kasaysayan ng Daigdig”. Rex Bookstore. 856 Nicanor Reyes St. St. Manila
Philippines. 1999.

Banks, James A. et. al. “World History. Adventures in Time and Place”. Macmillan/McGraw-
Hill 1221 Avenue of the Americas New York, New York 10020. 1997.

Beck, Roger B. et. al. “A Modern History of the World. World History Patterns of Interaction”.
McDougal Little Inc. P.O. Box 1667, Evanston Illinois 60204. 1999.

Blando, Rosemarie C., Michael Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De
Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo and Kalenna Lorene S.
Asis. Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of Education, 2014.

Boehm, Richard G. “Our World’s Story”. Harcourt Brace & Company, 6277 Sea Harbor
Drive, Orlando Florida 32887-6777.1997.

Camagay, Ma. Luisa T. et. al. “Kabihasnan ng Daigdig Kasaysayan at Kultura”. Vibal
Publishing House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City. 2010.

Farah, Mounir A. & Karls, Andrea Berens. “World History: The Human Experience”.
Glecoe/McGraw-Hill, 936 Eastwind Drive, Westerviell, Ohio 43081. 1999.

Mercado, Michael M. “Sulyak sa Kasaysayan ng Daigdig”. St. Bernadette Publishing House


Corporation. 173 Rodriguez S. Ave. Kristong Hari, 1112 Quezon City. 2009.

McCannon John. “AP World History”. Barrons Educational Series Inc. 250 Wireless
Boulevard Hauppage New York 11788. 2010.

Millard, Anne. “The Usborne Book of World History”. Usborne Publishing Ltd, 20 Garrick
Street, London WC2E 9BJ. 1995.

Perry, Marvin. “A History of the World”. Houghton Miffin Company Boston, Massahusetts USA.
1989.

B. Module

Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 6: Sinaunang Aprika


Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 7: Kabihasnang Klasikal sa Amerika at Pacifico
Modyul ng Mag-aaral Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig- Aralin 2: Pag-usbong at
Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific
22
C. Sanggunian mula sa Internet

Khan Academy, “Olmec,” Accessed June 1, 2020, https://www.khanacademy.org/


humanities/world-history/world-history-beginnings/ancient-americas/a/the-olmec-
article
Famsi.org, “Maya Writing,” Accessed June 2, 2020, http://www.famsi.org/mayawriting/
codices/index.html
Britannica, “Moche,” Accessed June 2, 2020, https://www.britannica.com/topic/Moche
LRMDS, “Sinaunang Africa,” Accessed June 2, 2020, https://lrmds.deped.gov. ph/detail/6049
World Documents, “Sibilisasyon ng Mesoamerica,” Accessed June 2, 2020, https://
vdocuments. net/sibilisasyon-ng-mesoamerica.html?h=vdocuments.com.br
Khan Academy, “Moche Culture,” Accessed June 5, 2020, https://www.khanacademy.org/
humanities/art-americas/south-america-early/moche-culture/a/moche-culture-an-
introduction
Assets.atlasobscura.com, “Pyramid of Kukulcan,” Accessed June 19, 2020, https://assets.
atlasobscura.com/media/W1siZiIsInVwbG9hZHMvcGxhY2VfaW1hZ2VzL0NoaWNo
ZW4tSXR6YS1DYXN0aWxsby1TZWVuLUZyb20tRWFzdC5KUEciXSxbInAiLCJ0a
HVtYiIsIngzOTA-Il0sWyJwIiwiY29udmVydCIsIi1xdWFsaXR5IDgxIC1hdXRvLW
9yaWVudCJdXQ/Chichen-Itza-Castillo-Seen-From-East.JPG
National Geographic, “Jaguar,” Accessed June 22, 2020, https://www.nationalgeographic.
com/content/dam/archaeologyandhistory/rights-exempt/history-magazine/2018/07-
08/jaguar/llp-mac-10531.adapt.1900.1.jpg
Thinglink, “Halach Uinic,” Accessed June 22, 2020, https://cdn.thinglink.me/api/image/
cyxkESqYz1VasaPcuoK8DnccCjT7tWuaUeNHkcgrf34ctWHDZMbJweBQKdKZbJq
Y88yiSJ6ZjFDV5A2ay3LLqiSyLkPB9fNF73Nbe861V8dfjPX4dKezSNhx1PVnH7bR7
7L/320/320/scaledown
Blogspot.com, “Pok-a-tok,” Accessed June 25, 2020, http://4.bp.blogspot.com/-zTc5L-
o6qEg/VhDqwJ6nipI/AAAAAAAAAyQ/jv2L4KgOP2U/s320/IMG_20151004_142018
_626.JPG
Wordpress.com, “Stone Heads,” Accessed June 25, 2020, https://arsartisticadventureof
mankind.files.wordpress.com/2017/02/53-e1487522818346.jpg?w=863&h=369
Wordpress.com, “Aztec Empire Map,” Accessed June 25, 2020, https://aztecprojectempire.
files.wordpress.com/2012/11/1-aztec_empire_map3.png?w=584
Gstatic.com, “Olmec Civilization,” Accessed June 25, 2020, https://encrypted-tbn0.gstatic.
com/images?q=tbn%3AANd9GcSjwJRbpbW5ynceY1eI3JM_RfMlkTiWn-
oXWw&usqp=CAU
Deviantart.com, “Halach Uinic,” Accessed June 25, 2020, https://www.google.com/url?sa
=i&url=https%3A%2F%2Fwww.deviantart.com%2Fkamazotz%2Fart%2FPostclassi
c-Maya-Halach-Uinic-298946007&psig=AOvVaw0ndc2neanRiAV4V7W3t0KF&ust=
1605146529119000&source=images&cd=vfe&ved=2ahUKEwiSw9v2svnsAhUEdJQ
KHXT4DqkQr4kDegUIARCnAQ
23
24

You might also like