Bilang pagtupad sa kanilang misyon, tinungo ni Isagani
ang tanggapan ni Ginoong Pasta. Kilala si Ginoong Pasta sa talas ng kaniyang isip at angking katalinuhan. Sa kaniya lumalapit ang mga pari upang manghingi ng payo kung nasa isang gipit na sitwasyon.
Nakipag-usap si Isagani sa Ginoo tungkol sa kanilang
balak. Nais niyang kausapin ni Ginoong Pasta si Don Custodio at mapasang-ayon ito.
Naisalaysay ni Isagani kay Ginoong Pasta ang misyon ng
kanilang kilusan. Nakinig naman ang Ginoo ngunit akala mo ay walang alam at walang pakialam sa kilusan ng mga mag-aaral. Nakiramdam naman si Isagani kung naging mabisa ba ang mga salita niya sa Ginoo.
Pagkatapos ng ilang sandali, sinabi ng Ginoo ang kaniyang
pasya. Ayaw niya raw makialam sa plano ng mga mag- aaral dahil maselan daw ang usapin at mas makabubuti raw na ang pamahalaan na lamang ang kumilos hinggil dito. Malungkot naman si Isagani sa naging pasya ng Ginoo. KABANATA 14
Pag-aari ni Makaraig ang bahay na tinutuluyan ng mga
mag-aaral. Marangya ang pamumuhay niya at nag-aaral ng abogasya. Siya rin ang pinuno ng mga mag-aaral na may kilusan para sa nais nilang Akademya sa wikang Kastila.
Inanyayahan niya sina Sandoval, Pecson, Pelaez, at
Isagani sa isang pagpupulong. Positibo ang pananaw nina Isagani at Sandoval na papayagan ang kanilang panukala. Habang si Pecson naman ay duda kaya nagkaroon sila ng pagtatalo.
Ibinunyag ni Makaraig na ipinagtatanggol daw sila ni
Padre Irene sa kanilang plano. Kailangan na lamang daw nilang mapapayag si Don Custodio, isa sa mga bahagi ng lipon ng paaralan, sa pamamagitan nina Ginoong Pasta na isang manananggol at si Pepay na isa namang taga-aliw. Malalapit daw kasi ang mga ito sa pari.
Napagkasunduan ng mga mag-aaral na kay Ginoong Pasta
sila hihingi ng tulong dahil marangal itong tao at tiyak na magiging maayos ang paraan at proseso ng pagkumbinsi sa prayle. KABANATA 13
Ang silid sa pisika ay maluwag at parihaba ang sukat.
Malalaki rin ang mga bintana na mayroong rehas na bakal. Sa magkabilang panig ng kuwarto ay mayroong upuang kahoy na aabot sa tatlong baitang ang taas. Doon umuupo ang mga mag-aaral na nakaayos batay sa titik ng kanilang apelyido.
Kahit malaki ang silid, makikita namang wala itong
anumang palamuti. May mga kagamitan at instrumento para sa pag-aaral sa pisika ngunit nakasalansan naman sa isang aparador na nakakandado.
Si Padre Millon ang maestro sa Pisika na tanyag sa
paaralan ng San Juan de Letran. Isa-isa niyang tinatawag ang mga mag-aaral upang tanungin ng aralin. Ang magkaibigang Pelaez at Placido ay nagsesenyasan na magturuan. Inapakan ni Pelaez ang paa ng kaibigan bilang hudyat ngunit napasigaw si Placido.
Siya tuloy ang napagbalingan ng inis ng guro at tinanong.
Utal-utal siyang sumagot at nagalit ang pari at binigyan siya ng mababang marka habang nakatanggap pa ng lait at mura mula sa pari. Nainis si Placido at biglang umalis sa klase na ikinagulat ng lahat. KABANATA 12
Si Placido Penitente ay nag-aaral sa Unibersidad ng Santo
Tomas at nasa ikaapat na taon na siya ng kolehiyo. Ngunit, malungkot ang binata at nais na niyang tumigil sa pag-aaral.
Pinakiusapan siya ng kanyang ina na kahit tapusin nalang
ang natitira niyang taon sa eskwelahan. Ang ideyang tumigil sa pag-aaral ay naisipan ni Penitente dahil sa mga kasamahan niya sa Tanawan. Siya ang pinakamatalinong studyante at bantog sa paaralan ni Padre Valerio noon.
Isang araw nagulat si Penitente nang tinapik siya ni
Juanito Paelez, isang anak ng mayamang mestizong Kastila.
Kinamusta siya ni Paelez sa bakasyon nito kasama si
Padre Camorra at saka kinuwento naman ito ng binata.
Isang araw nagulat si Penitente nang tinapik siya ni
Juanito Paelez, isang anak ng mayamang mestizong Kastila.
Kinamusta siya ni Paelez sa bakasyon nito kasama si
Padre Camorra at saka kinuwento naman ito ng binata. KABANATA 11
Noo’y ika-31 ng Disyembre. Ang Kapitan Heneral kasama
si Padre Sibilya at Padre Irene ay naglalaro ng tresilyo sa bahay-aliwan sa Los Banos.
Nagpatalo ang dalawang kura dahil ang nais lamang nila
na mangyari sa panahon na iyon ay kausapin si Kapitan tungkol sa paaralan ng Kastilang balak ng kabataan. Ngunit maraming iniisipan Kapitan, kagaya ng papeles ng pamamahala, pagbibigay biyaya, pagpapatapon, at iba pa.
Ang paaralan ay hindi ganoon ka-importante sa Kapitan.
Nagalit naman si Padre Camorra dahil sa sinadyang pagkatalo ni Padre Irene, at hinayaang manalo si Kapitan.
Pinalitan naman ni Simoun si Padre Camorra. Biniro
naman ni Padre Irene ang binata na ipusta ang kanyang mga brilyante. Pumayag naman ito sapagkat wala namang maipupusta ang kura. Subalit sinabi ni Simoun na kapag siya ang nanalo, bibigyan nila siya ng pangako.
Sa kakaibiang kondisyon ng binata ay lumapit si Don
Custodio, Padre Fernandez, at Mataas na Kawani. Tinanong nila ang binata kung para saan ang kanyang mga hiling. Sinagot naman ng binata ay para ito sa kalinisan at kapayapaan ng bayan.