Talambuhay Ni Gabriela Silang

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Talambuhay ni Maria Josefa “Gabriela”

Silang

Dati rati tahanan lamang ang maaaring galawan ng mga kababaihan. Isang babaeng namuno sa digmaan
ang lumabas sa nabanggit na kalakaran. Siya si Gabriela Silang. Ipinanganak si Maria Josefa Gabriela
Silang sa Santa, Ilocos Sur noong Marso 19, 1731. Ang ama niya ay isang magsasaka na taga- Ilocos Sur
at ang ina niya naman ay isang maybahay na taga-Abra. Sa di malamang kadahilanan, napahiwalay sa
mga magulang si Gabriela noong bata pa lamang. Inampon at pinalaki siya ni Padre Tomas Milan. Bente
anyos si Gabriela nang sapilitang ipakasal sa isang mayaman subalit matanda nang manliligaw. Nang
mamatay ang asawa ay naiwan kay Gabriela ang malaking kayamanan. Dumatig sa buhay ng balo ang
isang makisig, mabait at makabayang binata sa katauhan ni Diego Silang. Limang taon ding nanligaw ang
binata bago napasagot si Gabriela. Noon ay may malaki nang problemang panlipunan ang mga Ilocano.
Pwersahan silang pinagtrabaho at sinisingil ng pagkatataas na buwis ng mga mananakop na Espanyol.
Sapagkat taglay ni Diego Silang ang lahat ng katangian ng isang lider, siya ang naging puno ng mga pag-
aalsa laban sa mga mananakop. Sa lahat ng labanang pinamunuan, kasa-kasama ni Diego si Gabriela sa
pagtatanggol sa Kalayaan.Nang ipapatay ng mga kastila si Diego ay naiwang lungkot na lungkot si
Gabriela. Pilay ang liderato ng mga Ilocano na nawalan ng isang matapang na pinuno . Si Gabriela,
kasama ang mga kabig ay nagtatakbo sa Abra. Pamuling nakuha ng Espanyol ang Vigan. Kahit wala na ang
asawa, hindi naduwag si Gabriela. Inisip niyang malaking responsibilidad ang kaniyang pinasimulan
nilang pag-aalsa. Kung tatalikod siya ay lalong malilibing sa kamatayan ang mga sundalo niya.
Nagdesisyon si Gabriela. Itinuloy niya ang labang naiwan ng kanyang asawa. Si Gabriela na isang babae
ang sumakay sa kabayong pandigma ni Diego. Pinalakpakan siya ng lahat sa pagiging tunay na Henerala
ng labanan, nagpapakagiting sa digmaan. Upang maparami pa ang mga sundalo niya, nananawagan si
Gabriela sa mga kababayang naninirahan sa bulubundukin ng Abra. Sa dahilanang mapagkakatiwalaan
siyang Henerala, lahat ay lumabang kahilera niya.Kung naitindig ng asawa niya ang kalayaan sa Vigan,
itinayo ni Gabriela ang kalayaan sa Abra na bayan ng kaniyang ina. Sa pagnanais na muling makuha ang
Vigan, pinamunuan ni Gabriela ang pagsalakay sa mga Kastila noong Setyembre 10, 1763. Sa kasamaang
palad, ang 2000 kawal niya ay hinarap ng 6000 Kastila. Matapos makipagsagupaan, nagdesisyon si
Gabrielang paatrasin ang humigit kumulang sa walumpung natirang kababayan. Bagama't talunan,
hangang-hanga pa rin sa katapangan ng henerala ang bawat Espanyol na dinigma niya.Nakatakbo sa mga
kasukalan ng Abra hanggang sa lalawigang bulubundukin si Gabriela. Ngunit natunton pa rin siya ng mga
Espanyol sa pamumuno ni Don Manuel de Arza.Isa-isang binitay ang mga sundalong Pilipino sa tabing
dagat mula bayan ng Candon hanggang Bantay. Bilang taluktok ng tagumpay ng mga Kastila, ipinamalita
sa lahat na publikong isasagawa ang pagbitay sa henerala. Kalmadong hinarap ni Gabriela Silang ang
kamatayan noong Setyembre 20, 1763. Iyan si Maria Josefa Gabriela Silang, maipagkakapuring Pilipina na
nag-alay ng buhay sa ikadadakila ng bansang kaniyang sinilangan.
Ang Talambuhay ni Gabriela Silang ay nagustuhan o naibigan ko dahil sa
Angking katapangan niya Siya ang unang Pilipinong babae na namuno sa isang paghihimagsik noong
kolonisasyon ng mga Kastila laban sa Pilipinas.
Kahanga hanga ang ginawa ni Gabriela dahil kahit babae siya ay hindi na naduwag para
ipaglaban ang kaniyang sinilangan. Naging Maganda rin ang desisyon na huwag tumalikod sa kaniyang
nasimulan. Ipagmalaki natin ang katapangan ng isang babae.

You might also like