Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: _________________________________ Baitang & Seksyon: _________________ Iskor:_____________

Pangalan at Pirma ng Magulang o Tagapag-alaga: ________________________________________________

Ikaapat na Markahan –Modyul 1


Unang Summative Exam sa Araling Panlipunan 9
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Maraming bansa sa kasalukuyan ang sinasabing progresibo. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi naglalarawan nito?
A. may sapat na edukasyon at mataas na antas ng kalusugan
B. maraming modernong gusali ang naitatayo
C. maraming korporasyon ang kumikita ng malaki
D. mas malaking bilang ng dayuhang namumuhunan sa mga papaunlad na bansa kesa mauunlad na bansa
2. Anong organisasyon ng United Nation (UN) na naglalayong mabuo ang mga patakaran na may kaugnayan sa lahat ng aspeto
ng pag-unlad kabilang ang kalakalan, tulong, transportasyon, pananalapi at teknolohiya?
A. United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD)
B. United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO)
C. United Nations Children’s Fund (UNICEF)
D. United Nations Industrial Development Organization (UNIDO)
3. Malaki ang naitulong ng mga likas na yaman sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa. Anong likas na yaman ang mayroon
sa Gitna ng Silangang Asya na nakatutulong para mapabilis ang paglago ng ekonomiya nito?
A. niyog B. ginto C. langis D. asin
4. Mas maraming output ang nalilikha sa isang bansa kung maalam at may kakayahan ang mga ______________nito.
A. politiko B. yamang-tao C. kabataan D. manggagawa
5. Sa pamamagitan ng salik na ito, nagagamit ng episyente ang ilan pang pinagkukunang-yaman upang mas marami pa ang
malilikhang produkto at serbisyo. Ano ito?
A. yamang-tao B. teknolohiya at inobasyon C. capital D. likas na yaman
6. Anong pamagat ng aklat na sinulat nina Todaro at Smith na nagpapahayag na ang pag-unlad ay isang multi-dimensiyonal na
prosesong kinapapalooban ng malaking pagbabago sa istruktura ng lipunan, gawi ng mga tao at mga pambansang institusyon,
gayundin ang pagpapabilis ng pagsulong ng ekonomiya, pagbawas sa di pagkakapantay- pantay at pag-alis ng kahirapan?
A. Principles of Economics
B. The End of Alchemy: Money, Banking and the Future of the Global Economy
C. Capital in the Twenty-First Century
D. Economic Development
7. Ang Human Development Index (HDI) ay sumusukat ng
A. dami ng ari-arian na mayroon ang isang tao C. nakapamuhunan sa stock market
B. nakapag-abroad sa iba’t ibang bansa D. kalusugan, edukasyon, at antas ng pamumuhay
8. Pinasimulan ni Mahbub ul Haq noong 1990 na may pangunahing hangarin ng pag-unlad ay palawakin ang pamimilian (choices)
ng mga tao sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan, ano ito?
A. Global Foreign Direct Investment (FDI) inflows C. Human Development Report
B. Concept and Choices (2008) D. Human Development Index
9. Ang Human Development Report Office (HRDO) ng United Nations Development Programme (UNDP) ay gumagamit ng mga
karagdagang palatandaan ng pag-unlad. Ano ang sumusukat sa puwang o gap sa pagitan ng mga lalaki at babae?
A. paggamit ng GNP at GDP C. inequality – adjusted index
B. multi-dimensional poverty index D. gender inequality index
10. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tama tungkol sa pag-unlad ng isang bansa?
A. ang pag-unlad ay tunay na masusukat sa epekto nito sa pamumuhay ng mga tao
B. sapat nang may trabaho ang tao upang maging maunlad ang bansa
C. sapat na maging masaya ang tao
D. sapat na ang paglago ng ekonomiya upang umunlad ang isang bansa
11. Nakatulong ang mga likas na yaman tulad ng yamang – lupa, tubig, kagubatan, at mineral sa pagsulong ng ekonomiya. Pero
bakit sinasabing wala itong kasiguruhan sa aklat na Concepts and Choices (2008)?
A. ang mga likas na yaman ay may nauubos at di nauubos
B. lahat ng mga lugar ay biniyayaan ng likas na yaman
C. naaapektuhan ito ng iba’t ibang klima
D. inaabuso ng tao ang paggamit ng likas na yaman
12. Sa pagsulong, sinusukat ang halaga ng mga produkto at serbisyong na likha sa loob ng isang panahon. Sa papaanong paraan
ito sinusukat?
A. pamamahagi ng kita at yaman ng bansa
B. ginagamit ang Gross Domestic Product (GDP), Gross National Product (GNP), GDP/ GNP per capita at real GDP/ GNP
C. pagkakaroon ng makabagong teknolohiya at nagtataas ang gusali
Prepared by:
D. hindi na umaasa sa foreign aid
Ludy Grace B. Libato, LPT
Guro, AP 9

You might also like