Panuto: Basahin ng mabuti ang pangungusap. Isulat sa patlang ang
tamang antas ng pang – uri kung itoy Lantay, Pahambing o Pasukdol.
_______ 1. Ang pangkat ni Rico ay mas mabilis magtrabaho kaysa
sa pangkat ni Nonoy. _______ 2. Ang larawan na nagawa ni Amorsolo ay makulay. _______ 3. Ubod ng linis ang bahay ni ate Rosy. _______ 4. Si Jupiter ang nanalo sa eleksiyon dahil siya ay may pinakamataas na botong natanggap. _______ 5. Pinakamaganda ang Gaisano Grand sa lahat ng mall sa bayan ng San Francisco. _______ 6. Maganda ang tanawin na makikita sa bayan ng Rosario. _______ 7. Mas kaaya-aya ang dagat ng Cagwait kaysa sa dagat ng Pugad. _______ 8. Sina Robert at Rex ay magkasintaas. _______ 9. Pinakamahal ang Nike Lebron 6 na sapatos na nabili ko sa Mall. _______ 10. Higit na mabagal ang pag-unlad ng ating bansa sa buong mundo.