Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Name: _________________________________Grade & Section: 6 Score: ____________

School: ____________________________Teacher: ___________________ Subject: Araling Panlipunan 6


LAS Writer: ROSELYN C. SABIO Content Editors: Bert Caesar Castillo, Emilia C. Binghoy
Lesson Topic: Proklamasyon ng Batas Militar Q4 Week 1 LAS.2
LearningTargets: Nakikilala ang mga layunin sa proklamasyon ng batas military
AP6TDK-IVb-3)
Reference(s): Domingo, F., Cruz, M., and Delos Santos, E., 2017. Araling Panlipunan sa Bagong Panahon 6.
Makati City, Philippines: SC Mardison Corporation, pp. 295-296.
Antonio, E., Banlaygas, E., and Dallo, E., 2016. Kayamanan 6. Quezon City Philippines:
Rex Bookstore Inc, pp. 234-237.

Proklamasyon Bilang 1081


Idineklara noong September 21, 1972 ang Martial Law na kung saan ipapatupad sa bansa ang Batas
Militar. May layunin itong mailigtas ang republika laban sa mga rebeldeng nais manggulo dito at bumuo ng
bagong lipunan. Ipinatupad ito ayon sa probisyon ng batas artikulo VIII, Seksyon 10, Talata 2 noong 1935.
Ayon dito ang pangulo ng Pilipinas ay may karapatan at kapangyarihang magdeklara ng Batas Militar kung
may nagbabantang panganib tulad ng rebelyon, paghihimagsik, paglusob at karahasan.

Ang Saligang Batas ng 1973


Ang Saligang Batas na pinagtibay noong panahon ni Pangulong Marcos ay nabuo noong 1973. Ito ay
isang uri ng parlamentaryo na ginamit ng pangulo upang ipairal ang sariling pamamahala. Ang pangulo ang
naging pinuno at simbolo ng estado at ang punong ministro ang pinuno ng pamahalaan. Ang Korte Suprema
naman ang may kapangyarihan ng paghuhukom at ang lehislatura o Batasang Pambansa ang gumagawa ng
batas at tuntunin ng pamahalaan. Samantala ang Sangay Tagapagpaganap ang nagpapatupad sa mga batas
na pinagtibay nito.

Mga Probisyong Isinasaad sa Saligang Batas ng 1973


1. Masiguro ang pangmatagalang kapakinabangan ng Sambayanang Pilipino at makabuo ng
isang bagong lipunan na may tiyak na kaunlaran.
2. Pag-alis sa karapatan ng Kongreso.
3. Baguhin ang uri ng pamahalaan mula sa Pangulo upang maging isang parlamentaryo.
4. Pagbibigay kapangyarihan sa pangulo sa pagpapatawag ng Interim Batasang Pambansa.

Gawain 1
Isulat sa patlang ang dalawang layunin ng proklamasyon ng Batas Militar.
1.________________________________________________________
2.________________________________________________________

Gawain 2
Lagyan ng ( ⁄ ) tsek kung ang pahayag ay tama at ( × ) ekis kung mali. Isulat ang sagot sa patlang.
_____ 1. Ang bansa ay napasailalim sa batas Militar o Martial Law noong September 21, 1972.
_____ 2. Ang Artikulo VIII Seksyon 10 Talata 2 ng Saligang Batas 1935 ang naging basehan ng
pagdeklara ng Batas Militar o Martial Law.
_____ 3. Ginamit ni Pangulong Duterte ang Batas Militar upang ipairal ang sariling pamamahala.
_____ 4. Ang lehislatura ang may kapangyarihang magdeklara ng Batas Militar.
_____ 5. Nabuo ang Saligang Batas noong 1973.
_____ 6. Ang kapangyarihan ng paghukom ay nasa Korte Suprema.
_____ 7. Sangay tagapagganap ang nagpapatupad sa mga batas na pinagtibay.
_____ 8. Hindi opisyal ang pagpapawalang-bisa sa kongreso.

You might also like