Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Ikalawang Markahan

IKAPITONG LINGGO

Pangalan: _______________________________________
Baitang at Pangkat: _____________________________
Guro: __________________________________________

Page | 1
Alamin Natin
1. Naipapaliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan
ng kahalagahan ng diliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng
moral na pasiya at kilos.
2. Nakapagsusuri ng sariling kilos at pasiya batay sa mga yugto ng
makataong kilos at nakagagawa ng plano upang maitama ang kilos o
pasya. Ang mga kilos at pasiyang nagawa na umaayon sa bawat yugto
ng makataong kilos.

Subukin Natin

Para sa may access sa internet ay i-click ang link sa sagutan. Huwag kalimutan na iscreenshot ang
nakuhang score at ipadala sa inyong guro.

https://forms.gle/518HAe9dEgZrsXkz5
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang
sagot. (15 puntos)
1. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto.
Tomas de Aquino?

A. Sanhi at bunga
B. Isip at kilos – loob
C. Intensiyon at layunin
D. Paghuhusga at pagpipili

2. Habang naglalakad sa mall si Mary Rose ay nakakita siya ng sapatos. Matagal na niya
gustong magkaroon ng ganoong klaseng sapatos. Tumigil siya sandali at nag-isip kung saan
siya kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa anong yugto ng makataong kilos si Mary Rose?

A. Nais ng layunin
B. Intensyon ng Layunin
C. Pagkaunawa sa layunin
D. Praktikal na paghuhusga sa pagpili

3. Gamit ang halimbawa sa bilang 2 . Pinag-isipan ni Mary Rose ang iba’t ibang paraan
upang mabili niya ang sapatos? Hihingi ba siya ng pera sa kaniyang magulang ,mag-iipon, o
nmagnanakaw ng pera upang mabili ito. Nasan na kayang yugto ng kilos si Mary Rose?

A. Intensyon ng layunin
B. Pagkaunawa sa layunin
C. Masusing pagsusuri ng paraan
D. Paghuhusga sa nais makamtan

Page | 2
4. Bakit kailangang isa-isip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya?

A. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan


B. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang araw-araw na buhay
C. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kaseguruhan sa kaniyang pagpili.
D. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.

5. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasya ng tao?

A. Upang magsilbing gabay sa buhay.


B. Upang magsilbing paalala sa mga gawain.
C. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.
D. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.

6. Alin sa mga sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasya?

A. Magkalap ng patunay.
B. Isaisip ang posibilidad.
C. Tingnan ang kalooban.
D. Maghanap ng ibang kaalaman.

7. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinaka huling hakbang na iyong
gagawin?

A. Isaisip ang posibilidad


B. Tingnan ang katotohanan
C. Umasa at magtiwala sa Diyos
D. Maghanap ng ibang kaalaman

8. Niyaya ni Alfred ng kaniyang mga kamag-aral na huwag pumasok at pumunta na lamang


sa isang computer shop. Hindi kaagad sumagot ng oo si Alfred bagkus ito ay kaniyang
pinag-isipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at ano ang sakaling magiging epekto nito
kung sakaling sumama siya. Anong proseso ng pakikinig ang ginamit ni Alfred?

A. Magkalap ng patunay
B. Tingnan ang kalooban
C. Isaisip ang mga posibilidad
D. Maghanap ng ibang kaalaman

9. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at binibigyang halaga


mo kung ang iyong pasiya, makapagpapagpapasaya sa iyo o hindi. Anong bahagi kaya ito
ng Hakbang sa Moral na Pagpapasiya?

A. Magkalap ng patunay
B. Tingnan ang kalooban
C. Umasa at magtiwala sa Diyos
D. Maghanap ng ibang kaalaman

10. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Amir ang pagpapasiya palagi niyang tinatanong ang
kaniyang sarili kung ito ba ang nais ng Diyos o naaayon sa Kaniyang kautusan? Sa iyong
palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang ng pagpapasiya si Amir?

A. Tingnan ang kalooban


B. Isaisip ang posibilidad

Page | 3
C. Umasa at magtiwala sa Diyosit
D. Maghanap ng ibang kaalaman

11. Kailan natatapos ang isang moral na pagkilos?

A. Ika-6 na yugto
B. Ika-8 na yugto
C. Ika-10 na yugto
D. Ika-12 na yugto

12. Ito ay resulta ng napili na paraan.

A. Utos C. Pagpili
B. Bunga D. Paggamit

13. Ito ay hakbang sa moral na pagpapasiya na kung saan kailangan mo pa ri ng


maghanap ng mga magagandang kaalaman na maari mong inspirasyon upang
makagawa ng tamang pagpapasiya.

A. Magkalap ng patunay
B. Tingnan ang kalooban
C. Isaisip ang mga posibilidad
D. Maghanap ng ibang kaalaman

14. Dito nagtatapos ang isang moral na pagkilos

A. Utos
B. Pagpili
C. Paghuhusga sa paraan
D. Masusing pagsusuri ng paraan

15. Ito ay nais ng ating kalooban.

A. Bunga
B. Intensyon ng layunin
C. Pagkaunawa sa layunin
D. Paghuhusga sa nais makamtan

Balikan Natin

Tulad ng isang nagmamaneho ng sasakyan, siya ang may hawak


ng manibela at siya ang nagdadala kung saang direksyon niya nais pumunta.
Gayon din ang tao, ang bawat kilos at pasiya na kaniyang gagawin ay may
epekto sa kaniyang sarili at kapuwa kung kaya’t kailangan na ito ay isagawa
nang maingat gamit ang talino at taglay na binigay ng Diyos. Kung iyo lamang
titingnang mabuti sa bawat araw na nagsasagawa ka ng kilos, ay may mga
kilos na hindi mo kailangang pag-isipan at pagnilayan tulad halimbawa
paghinga, pagbahin kung ikaw ay sinisipon, paglakad at iba po. Ngunit
mayroon ka rin mga kilos na kailangan mong pag-isipan at pagnilayan tulad

Page | 4
halimbawa ng : Kung papasok ka ba sa paaralan; makikinig ba sa tinuturo
ng guro; kakain ba ng almusal bago pumasok; susunod ba sa utos ng
magulang; gagawa ka ba ng takdang-aralin at marami pang iba. Mahalaga na
makita mo kung pipiliin mo ba ang nakabatay sa makataong kilos.

Tuklasin Natin

I. Panuto: Ano ang kahulugan ng makataong kilos para sa iyo? Isulat sa loob ng parisukat
ang iyong sagot.

Makataong Kilos

II. Matapos ang Gawain ay sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang mga
sagot sa “Conversation Ballooons.”

a. Bakit iyan ang mga kahulugan mo sa salitang makataong kilos? Ipaliwanag.

Page | 5
b. Kailangan ba na palaging isagawa ang makataong kilos sa lahat ng oras o
pagkakataon? Bakit?

c. Paano ito makatutulong sa iyo sa raw-araw na pamumuhay?

Talakayin Natin

Mga Hakbang Sa Moral Na Pagpapasiya

Sa moral na pagpapasiya ang bawat kilos ng isang tao ay may


dahilan, batayan at pananagutan. Sa anumang isasagawang pasiya,
kinakailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang idudulot nito.
Ang mabuting pagpapasiya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala
o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. Sa anumang
isasagawang proseso sa pagpapasiya, mahalaga na mabigyan ito ng sapat na
panahon. Malaki ang maitutulong nito sapagkat mula rito ay mapagninilayan
ang bawat panig ng isasagawang pagpili. Ang mga hakbang sa moral na
pagpapasiya ay ang mga sumusunod:
Page | 6
1. Magkalap ng patunay (look for the facts) Mahalaga na sa unang
hakbang pa lamang ay tanungin mo na agad ang iyong sarili

2. Isaisip ang mga posibilidad (imagin possibilities). Mahalaga na


tingnang Mabuti ang mga psibilidad na mga pagpipiliang magagawa
para sa sitwasyon. Dito ay kailangang Makita kung ano ang Mabuti at
masamang kalabasan nito hindi lamang sa sarili kundi para sa ibang
tao.

3. Maghahanap ng ibang kaalaman (seek insight beyond your own).


Hindi sa lahat ng oras o pagkakataon ay alam mo ang Mabuti.
Kailangan mo pa ring maghanap ng mga magagandang kaalaman na
maaaring makapagbigay inspirasyong makagawa ng tamang
pagpapasiya.

4. Tingnan ang kalooban (turn inward). Ano ang sinasabi sa iyo ng


iyong kalooban tungkol sa sitwasyon? Ano ang sinasabi ng iyong
konsensiya? Ano ang personal mong nararandaman ukol sa sitwasyon?

5. Umasa at magtiwala sa tulong sa Diyos ( expect and trust in god’s


help) Ito ang pinakamabisang paraan upang malaman kung nano ang
magandang plano niya para sa atin. Ito rin ang magsisilbing lakas na
magagamit sa sandaling dumaranas sa mahirap na sitwasyon.

6. Magsagawa ng pasiya (name your decision). Dito ay magsasagawa ka


na ng pagpapasiya. Makatutulong ang mga taong na ito upang kung
mayroon ka pang agam-agam o pagkalito sa iyong pipiliin, ay
mapagpanilayan mo itong mabuti.

Gabay na Tanong: (10puntos)


1. Ano ang kahulugan ng mabuting pagpapasiya? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
2. Bakit kailangan ang paglalaan ng sapat na panahon bago magsagawa
ng pasiya?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Page | 7
Pagyamanin Natin

Narito ang link para sa gawain sa pagyamanin.


https://forms.gle/MHuyNe1SBV7PJ8DSA

PANUTO: Mag-isip ng mga sitwasyon sa buhay na hindi mo makalimutan. Isulat kung


paano ka nagpasiya at nagpakita ng makataong kilos sa bawat sitwasyon. Punan ang
hanay sa ibaba. Gabay mo ang halimbawa.

Sitwasyon sa buhay na Kilos na isinigawa Epekto ng Mga realisasyon


nagsagawa ng pasya isinagawang pasiya
Halimbawa: Hindi sumama at Naunawaan ang Ang realisasyon ko
1. Niyaya ng kaibigan na pinili na pumasok tinalakay ng guro at ay mas makabubuti
mag-cutting classes. sa klase. nakakuha ng pasang na piliin ang
marka sa pagsusulit sa pagpasok sa klase
araw na iyon. dahil may mabuti
itong maidudulot sa
pag-abot ko ng aking
pangarap at tunguhin
sa buhay.
2.

3.

4.

Page | 8
Tandaan Natin

Moral na Pagpapasiya

➢ Ang bawat kilos ng isang tao ay may dahilan, batayan, at


pananagutan. Sa anumang isasagawang pasiya kanakailangang
isaisip at timbangin ang mabuti at masamang idudulot nito.
➢ Ang mabuting pagpapasiya ay isang proseso kung saan malinaw na
nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-
bagay.
➢ Sa anumang isasagawang proseso ng pagpapasiya, mahalaga na
mabigyan ito ng sapat na panahon. Malaki ang maitutulong nito
sapagkat mula rito ay mapagninilayan ang bawat panig ng
isasagawang pagpili.

Ayon kay Fr. Neil Sevilla Pari sa Parokya sa Bulacan

➢ Simula nang magkaroon ng isip ang tao hanggang sa kaniyang


kamatayan, nagsasagawa siya araw-araw ng pagpapasiya. Ngunit ang
malaking tanong ayon sa kaniya; naiaayon ba ang pagpapasiyang ito
sa kalooban ng Diyos?
➢ Ibig sabihin, naisasama ba ng tao and Diyos sa bawat pagpapasiya ng
kaniyang ginagawa? Marahil nakikita mo ngayon sa bawat gagawin
mong pasiya kinakailangan mo ba ang gabay ng Diyos.

Isabuhay Natin

https://forms.gle/zDVvWDJuBc1F8nh79
PANUTO: Ibigay ang hinihingi ng bawat tanong at ipaliwanag ang mga ito ayon sa iyong
pagpapasiya.
A. Bumuo ng tatlong plano sa pagpapasiyang gagawin sa mga susunod na araw. Isulat ay
iyong tatlong plano sa ibaba.
1.

2.

3.

Page | 9
B. Paano mo isasabalikat ang mga pananagutan?

C. Ano ang mangyayari kung hindi magiging mapanagutan sa gagawing pasiya?

Tayahin Natin

Buksan ang link para sa gawain sa pagtataya.


https://forms.gle/K2LuLwQeZsZWRmBGA

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang tamang sagot.
1. Anong yugto ng makataong kilos ang sitwasyong ito: Matagal na niyang nais magkaroon
ng cellphone na bago sapagkat ang ginagamit niya ay luma na?

A. Nais ng Layunin
B. Paghuhusga sa paraan
C. Pagkaunawa sa layunin
D. Paghuhusga ng Nais Makamtan

2. Ang pagsusuri ng paraan na kaniyang gagawin ay nagpapatuloy at ang pagsang-ayon


niya sa mga nasabing pagpipilian ay anong bahagi ng yugto ng makataong kilos?

A. Nais ng Layunin
B. Paghuhusga sa paraan
C. Pagkaunawa sa layunin
D. Masusing Pagsusuri ng paraan

3. Ito ang resulta ng kaniyang pinili?


A. Bunga
B. Nais ng Layunin
C. Pagkaunawa sa layunin
D. Masusing Pagsusuri ng paraan

4. Sa sitwasyong ito mauunawaan mo kung angkop ba ang iyong isinagawang kilos. Anong
yugto ng makataong kilos ito?

A. Bunga
B. Paggamit
C. Pagkaunawa sa layunin
D. Praktikal na paghuhusga sa pinili.

Page | 10
5. Sa tuwing nagpapasiya si Ally palagi niyang tinatanong ang sarili kung ito ba ang nais ng
Diyos o naaayon sa kaniyang kautusan? Sa iyong palagay, nasaan kayang bahagi ng
hakbang ng pagpapasiya si Ally?

A. Tingnan ang kalooban


B. Isaisip ang posibilidad
C. Umasa at magtiwala sa Diyos
D. Maghanap ng ibang kaalaman

6. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya?

A. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.


B. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay
C. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kaseguruhan sa kaniyang pagpili
D. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.

7. Ito ay isa sa mga hakbang sa moral na pagpapasiya kung saan mahalaga na tingnang
mabuti ang mga posibilidad na mga pagpipiliang magagawa para sa sitwasyon. Dito ay
kailangang makita kung ano ang mabuti at masamang kalalabasan nito?

A. Magsagawa ng pasiya
B. Tingnan ang kalooban
C. Isaisip ang mga posibilidad
D. Maghanap ng ibang kaalaman

8. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto.
Tomas de Aquino?

A. Sanhi at bunga
B. Isip at kilos –loob
C. Intensiyon at layunin
D. Paghuhusga at pagpipili

9. Niyaya ni Alfred ng kaniyang mga kamag-aral na huwag pumasok at pumunta na lamang


sa isang computer shop. Hindi kaagad sumagot n goo si Alfred bagkus ito ay kaniyang
pinag-isipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at ano ang sakaling magiging epekto nito
kung sakaling sumama siya. Anong proseso ng pakikinig ang ginamit ni Alfred?

A. Magkalap ng patunay
B. Tingnan ang kalooban
C. Isaisip ang mga posibilidad
D. Maghanap ng ibang kaalaman

10. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at binibigyang halaga
mo kung ang iyong pasiya, makapagpapagpapasaya sa iyo o hindi. Anong bahagi kaya ito
ng Hakbang sa Moral na Pagpapasiya?

Page | 11
A. Magkalap ng patunay
B. Tingnan ang kalooban
C. Umasa at magtiwala sa Diyos
D. Maghanap ng ibang kaalaman

Gawin Natin

Buksan ang link para sa pagninilay ng mga natutunan mula sa araling ito.
https://forms.gle/agEdEPZRRQN7K8VLA
PANUTO : Isipin ang mga maling pasiya na naisagawa sa sumusunod : pamilya, kaibigan,
pag-aaral, barangay, at simabahan. Isulat sa unang hanay. Isulat naman sa pangalawang
hanay kung paano mo ito iwawasto.

Maling Pasiyang Naisagawa Paano Ito Iwawasto


1. Pamilya-

2. Kaibigan-

3. Pag-aaral-

4. Barangay-

5. Simbahan-

SANGGUNIAN
K-12 Edukasyon sa Pagpapakatao 10: Modyul para sa Mag-aaral pp.
42-64

Page | 12
Mga Bumuo ng Modyul para sa Mag-aaral

Manunulat: Hideliza G. Hagos, UBNHS ESP Teacher

Mga tagasuri: Aaron John M. Lachauna, EsP Department Head


Frisa Navarro, EsP Master Teacher
Vincentius Invictus Tanora, EsP Teacher

Victoria A. Contreras
Mary Ann Martinez
Leonida Goma
Nympha Decorina

Nag Iayout: Jasper T. Aguilar


Sharon B. Lacara

Management Team: Dr. Margarito B. Materum, SDS


Quinn Norman O. Arreza, J.D., OIC ASDS
Dr. George P. Tizon, SGOD Chief
Dr. Ellery G. Quintia, CID Chief
Ferdinand Paggao, Focal Person EsP
Dr. Daisy L. Mataac, EPS LRMS

For inquiries, please write or call:

Schools Division Office of Taguig City and Pateros, Central Bicutan, Taguig City.

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

Page | 13

You might also like