Professional Documents
Culture Documents
Kaligirang Pangkasaysayan NG Alamat
Kaligirang Pangkasaysayan NG Alamat
Ang tema at nilalaman ng mga alamat noong panahong bago dumating ang impluwensiya
ng mga dayuhan ay umiikot sa paniniwala sa mga bathala, anito at mga ispiritong supernatural.
Nang dumating ang mga Kastila, nagbago ang tema at nilalaman ng mga alamat. Ito ay nakatutok
na sa mga karaniwang karanasan at pangyayari sa buhay ng mga Pilipino. Ang mga tauhang
gumaganap ay kumakatawan sa mga makatotohanang pangyayari sa lipunang ginagalawan ng
mga tao nang panahong iyon.
ALAM MO BA...
Ang Alamat o Legend ay mula sa salitang Latin na LEGENDUS na ibig sabihin ay upang
mabasa.
Noon pa man ang mga PILIPINO ay mahilig na sa pagbuo ng mga kuwento sa pagsagot nila sa
katanungan ng pinagmulan ng mga bagay-bagay sa kanilang paligid.
Subalit dumating ang mga ESPANYOL at ipinakilala ang KRISTIYANISMO. Dahil dito ang
mga babasahing nakaukit sa mga kawayan, mga dahon at iba pang pinag-ukitan ng mga
karunungang bayan ay SINUNOG sapagkat ito raw diumano ay gawa ng demonyo.
Subalit nanatili ang mga karunungang bayan na ito tulad ng alamat dahil sa SALINDILA kaya
ang bawat kuwento ay maaaring nagtataglay ng iba-ibang banghay at bersyon.