Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Jongo National High School

Summative Test 2- Moyul 1-Karapatan at


Tungkulin Quarter 2 - Week 1and
2
Edukasyon sa Pagpapakatao-9

Pangalan: Pangkat:______________

I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.


Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa
isang malinis na papel.

1. Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na nasa ibaba?


• Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain
• Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib
• Maging mabuting halimbawa ng pagsasabuhay ng mga birtud
• Pag-iwas sa eskandalo
A. Karapatang C. Karapatang pumunta sa ibang lugar
maghanapbuhay D. Karapatan sa buhay
B. Karapatang magpakasal

2. Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pag-aaral


upang umangat ang karera at maitaas ang antas ng pamumuhay?
A. Karapatan sa pribadong ari- C. Karapatan sa buhay
arian D. Karapatang maghanapbuhay
B. Karapatang pumunta sa ibang
lugar

3. Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyang kapuwa?


A. Karapatan B. Dignidad C. Isip at Kilos -loob D. Kalayaan

4. Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan.


A. Karapatan sa pribadong ari-arian C. Karapatang sumamba
B. Karapatang magpakasal D. karapatan sa buhay

5. Ito ay obligasyong moral ng tao na gawin o iwasan ang isang gawain.


A. Karapatan B. Pag-aari C. Pagpapahalaga D. Tungkulin

6. Ang Karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa sumusunod ang hindi


nagpapahiwatig nito?
A. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral
na kilos.
B. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na
igalang ito.
C. Hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa
kaniya nang sapilitan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay.
D. Hindi nito maaapektuhan ang buhay-pamayanan .

7. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o


iwasan ) ang isang gawain. Alin sa sumusunod ang hind kabilang dito?
A. Nakasalalay ang tungkulin sa isip.
B. Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral.
C. Ang moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan .
D. May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng mga
tungkulin

8. Ang pagiging may pananagutan, mapagpalaya at may pagpapahalaga sa dignidad ay .


A. lnaasahang magawa at maisakatuparan ng tao para sa
sarili at sa lipunang kanyang kinagagalawan.
B. Maaring maging hadlang upang maging isang mabuting mamamayan.
C. Magpapatunay na ikaw ay karapat-dapat na mabuhay.
D. Ang magdadala nang isang masaganang pamumuhay.

9. Bakit sinasabi na obligasyong moral


ang tungkulin ng tao?
A.dahil nakasalalay ito sa malayang kaisipan ngtao.
B. dahil ang suheto ng tungkulin ay karapatan lamang.
C. dahil nakasalalay ito sa malayang kilos-loob ng tao
D. Lahat ng nabanggit.

10. Sa paanong paraan natin mapangalagaan ang ating buhay?


B. Pagsasali sa mga mapanganib na isports.
B. Pagkuha ng kurso para makatulong na umamngat ang karera .
C. Palagiang pag-iwas sa pagsagawa ng mga bagay na
makatulong para mawala ang pansariling kahinaan.
E. Pagpa-unlad sa kaniyang talent at kakayahan pag may oras lamang.

You might also like