Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Iskrip – Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula.

Gumaganap o aktor – Ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip.

Tanghalan – Tinatawag na tanghalan ang anomang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula.

Direktor – Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip.

Manonood – Tumutukoy ito sa mga taong makakapanood ng dula. Pangunahing layunin ng dula na
maitanghal sa mga manonood.

Panimula – Sa bahaging ito ipinakikilala sa mga mambabasa ang mga tauhan at tagpuan.

Pataas na Aksyon – Sa bahaging ito, tumitindi o tumataas ang galaw o kilos ng mga tauhan hanggang sa
kasukdulan.

Kasukdulan – Sa bahaging ito ipinakikita ang mataas na bahaging bunga ng damdamin ng mga tauhan, ito
ang pinakamaaksyong pangyayari sa buhay ng mga karakter ng dula.

Pababang Aksyon – Ipinapakita sa bahaging ito ang unti-unting pagbibigay-linaw sa mga pangyayari sa
akda.

Wakas – Ang kinahihinatnan ng mga tauhan at ng mga pangyayari sa akda ay inilalahad nito.

You might also like