Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

KABANATA 2

Disenyo ng Pag-aaral

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong

metodolohiya ng pananaliksik. Maramaing uri ng deskriptibong pananaliksik,

ngunit napili ng mananaliksik na gamitin ang “Deskriptive Survey Research

Design”, na gumagamit ng talatanungan (survey questionnaire) para

makalikom ng mga datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang

disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap

ng datos mula sa maraming respondent.

Pook ng Pag-aaral

Instrumento ng Pag-aaral

Ang paunang yugto ng pamamaraan ng pananaliksik ay nagsasangkot

ng pangangalap ng mahahalagang datos na nauukol sa mga indibidwal na

kalahok sa pag-aaral. Upang makamit ito, ang pangkat ng pananaliksik ay

lumikha ng mga talatanungan at binuo ang mga ito. Ang mga talatanungan na

ipinamahagi sa pamamagitan ng google at online form. Ang instrumento ay

nahahati sa dalawang bahagi:

Ang unang bahagi ng instrumento ng pananaliksik ay ang pagkuha ng

mahahalagang detalye ng demograpiko ng mga respondente, kabilang ang

impormasyon tungkol sa edad at kasarian.

Ang ikalawang bahagi ng instrument ng pananaliksik ay mga tanong ukol

sa “Epekto ng Youtube sa Pagkatuto ng mga mag-aaral sa baitang 12 HUMSS

ng Westbridge Institute of Technology Inc. Sta Ana Branch”. Ang mga


mananaliksik ay lumikha ng mga talatanungan, mayroon itong anim na tanong

at may pagpipilian na ‘Sang-Ayon’ at ‘Di Sang-Ayon’.

Pamamaraan ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay lumikha ng close ended questionnaire, na sinang

ayunan ng kanilang guro sa pananaliksik. Isinasagawa ng mga mananaliksik

ang pananaliksik sa sangay ng Sta ana ng Westbridge Institute of Technology

sa pamamagitan ng survey form. Ipinaliwanag ng mananaliksik sa mga

respondente ang kahalagahan ng kanilang pagtugon sa aming pag-aaral.

Nilinaw ng mananaliksik ang ilang termino sa mga respondente upang masagot

ng mga respondente ang talatanungan nang buong kaalaman sa kanilang

responsibilidad bilang paksa ng pag-aaral. Hiniling ng mananaliksik sa mga

respondente na sagutin ito nang buong katapatan. sa pag-aaral na ito dahil ang

layunin ng mga mananaliksik ay tukuyin and "Epekto ng Youtube sa pag-aaral

ng mga mag-aaral sa grade 12 HUMSS ng WITI Sta. Ana branch". matapos

sagutin ng mga respondente ang talatanungan, ang mga mananaliksik ay

nangalap at nagtala ng mga datos para sa interpretasyon.


Lokasyon

Ang mga mananaliksik ay isinagawa ang pag-aaral sa Westbridge

Institute of Technology Inc. Sta. Ana Branch. Matatagpuan ito sa 8 P Burgos

St, San Mateo, 1850 Rizal.

Pigura 2. Lokasyon
Estadistikong Pagtrato ng Datos

Ang bawat tugon ng mga respondente ay tutukuyin sa pamamagitan ng

pormula ng percentage o porsyento.

P=Fx100 P = Porsyento
N F = Frequency
N = Kabuuang bilang ng mga respondent
Kabanata 3
Propayl ng mga mag-aaral

Ang unang suliranin sa pag-aaral ay ang propayl ng mga mag-aaral ayon

sa kasarian at edad. Makikita sa Tsartang Pai o Tsartang Pambilog ang

nakalap na datos tungkol sa propayl ng mga mag-aaral ayon sa kasarian.

Pigura 3. Tsartang Pai

Inilalahad sa Pai ang propayl ng mga respondente ayon sa kasarian.

Ang bilang ng mga babae ay walo (8) na may porsyentong (53.33%) at ang

bilang ng mga lalaki ay may pito (7) na may porsyentong (46.67). Ayon sa datos

na nalikom ayon sa kasarian ay mas lamang ang mga babae kaysa sa mga

lalaki.
Pigura 4. Tsartang Pai

Inilalahad sa pangalawang Pai ang propayl ng mga respondent ayon sa edad.

Ange dad na (17) ang may pinakamataas na bilang na may walo (8) at may

porsyentong (53.33%). Kasunod nito ang edad na (18) at (19) na tatlo (3) at

may porsyentong (20%) at ang may pinakamababang bilang ng edad ay (16)

na may bilang na isa (1) at may porsyentong (6.67%).


Mga Tugon ng Respondente sa Talatanungan

Pigura 5. Tsartang Pai

Inilalahad sa Pai na ito ang sagot ng mga respondente ukol sa tanong na “Ang

pag-aaral sa pamamagitan ng YouTube ay kawili-wili”. Mas marami ang mga

sumang-ayon na may bilang na walo (8) at may porsyentong (53.33%) kaysa

sa mga di sumag-ayon na may bilang na pito (7) at may porsyentong (46.67%).

Pigura 6. Tsartang Pai.


Inilalahad sa pai na ito ang sagot ng mga respondente ukol sa tanong na

“Naiintindihan ko kung ano ang pinapanood ko sa YouTube ng maayos”. Mas

marami ang sumang-ayon na may bilang na labing-apat (14) at may

porsyentong (93.33%) kaysa sa mga di sumang-ayon na may bilang na isa (1)

at may porsyentong (6.67%).

Pigura 7. Tsartang Pai.

Inilalahad sa Pai na ito ang sagot ng mga respondente ukol sa tanong na

“Dapat gamitin ng mga guro ang Youtube sa silid-aralan bilang kasangkapan

sa pagtuturo”. Mas marami ang sumang-ayon na may bilang na siyam (9) at

may porsyentong (60%) kaysa sa di sumang-ayon na may bilang na anim (6)

at may porsyentong (40%).


Pigura 8. Tsartang Pai.
Inilalahad sa Pai na ito ang sagot ng mga respondente ukol sa tanong na “Mas

mainam na kumuha ng mga tala habang nanonood ng isang video sa Youtube”.

Mas marami ang sumang-ayon na may bilang na walo (8) at may porsyentong

(53.33%) kaysa sa di sumang-ayon na may bilang na pito (7) at may

porsyentong (46.67%).

Pigura 9. Tsartang Pai.


Inilalahad sa Pai na ito ang sagot ng mga respondente ukol sa tanong na

“Maaaring gawin ng Youtube ang mga tungkulin ng guro”. Mas marami ang di

sumang-ayon na may bilang na labing-dalawa (12) at may porsyentong (80%)

kaysa sa sumang-ayon na may bilang na tatlo (3) at may porsyentong (20%).

Pigura 10. Tsartang Pai.

Inilalahad sa Pai na ito ang sagot ng mga respondente ukol sa tanong na “Mas

may matutuhan sa isang specific youtube video kumpara sa pinrisinta ng guro”.

Mas marami ang di sumang-ayon na may bilang na labing-dalawa (12) at may

porsyentong (80%) kaysa sa sumang-ayon na may bilang na tatlo (3) at may

porsyentong (20%).

You might also like