ESP-7 Exam 2nd

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

qa

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
Lingayen, Pangasinan
Second Quarter Examination
SY 2023-2024
Edukasyon sa Pagpapakatao 7

Pangalan: _________________________________Baitang at sek: __________________Petsa: __________Marka:_______


MARAMIHANG PAGPIPILIAN:
Panuto: Basahin at unawain ang pahayag. Piliin at isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang
bilang.
____1. Ano ang kapangyarihan ng tao na pumili, magpasiya at isakatuparan ang napili?
A. Isip B. Kilos-loob C. Kalayaan D. Dignidad
____2. Patuloy at walang katapusan ang paghahanap ng tao sa katotohanan. Ano ang kahulugan ng
pangungusap?
A. Hindi perpekto ang isip ng tao kaya wala siyang kakayahang malaman ang katotohanan.
B. May limitasyon ang isip ng tao kaya siya nakadarama ng kakulangan.
C. Patuloy ang hilig ng tao na matuklasan ang kaniyang kapaligiran.
D. Walang katapusan ang pag-aaral ng tao hanggat siya ay buhay.
____3. Ang isip at kilos-loob ay kailangang sanayin at linangin sa pagkamit ng
A. Kaganapan ng tao C. Magandang buhay ng tao
B. Kasiyahan ng tao D. Tagumpay ng tao
____4. Ang tao ay may tungkuling _____________, ang isip at kilos-loob.
A. Kilalanin, sanayin, at gawing ganap C. Sanayin, paunlarin at gawing ganap.
B. Kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing ganap D. Wala sa nabanggit
____5. Nahuli ka ng iyong guro na nagpapakopya sa iyong kaibigan sa oras ng pagsusulit. Nagawa mo
lamang ito dahil sa patuloy na pangungulit niya at panunumbat. Nang ipatawag ka ng inyong guro
ang sinisisi ay ang iyong kaibigan at ito ang dapat sisihin. Ano ang nakaligtaan mo sa pagkakataong
ito?
A. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito sa sarili.
B. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapwa ng akuin ang
pagkakamali.
C. Walang anumang pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos para sa sarili.
D. Lahat ng nabanggit.
____6. Analohiya: Isip: kapangyarihang mangatwiran; kilos-loob: _____________
A. Kapangyarihang magnilay, sumangguni, magpasya at kumilos.
B. Kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili.
C. Kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya.
D. Kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama.
____7. Sa paanong paraan tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?
A. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina.
B. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob.
C. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili.
D. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan.
____8. “Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensyahan ang kilos-
loob: Ano ang kahulugan nito?
A. Kailangang maging matalino ang isip para tama ang maibigay sa kilos-loob.
B. Hindi maaring maghiwalay ang sip at kilos-loob dahil magkakaugnay ang mga ito.
C. Nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
D. Walang sariling paninindigan ang kilos-loob.
____9. Ang tunguhin ng isip ay:
A. Katuwiran B. Katotohanan C. Kapangyarihan D. Kabutihan
____10. Ang mga sumusunod ay katangian ng isip maliban sa:
A. Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala.
B. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran.
C. Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya.
D. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay.
____11. Ang paghahanap ng isip sa kaniyang tunay na tunguhin ay hindi nagtatapos. Ang pahayag
ay:
A. Mali, dahil nagtatapos na ito sa pagkamatay ng tao
B. Mali, dahil kapag naabot na ng tao ang kaniyang kaganapan ay hihinto na ang kanyang
paghahanap sa kanyang tunay na tunguhin.
C. Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang nagpapahinga
D. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong hangganan
____12. Alin sa sumusunod ang itinuturing na kapangyarihan ng tao upang pumili, magpasya at
isakatuparan ang napili?
A. Dignidad B. Kalayaan C. Isip D. Kilos-Loob
____13. Bakit walang katapusan ang paghahanap ng tao sa katotohanan?
A. Hindi perpekto ang isip ng tao kaya wala siyang kakayahang malaman ang katotohanan.
B. May limitasyon ang isip ng tao kaya siya nakadarama ng kakulangan.
C. Patuloy ang hilig ng tao na matuklasan ang kaniyang kapaligiran.
D. Walang katapusan ang pag-aaral ng tao hanggat siya ay buhay.

Para sa bilang 14-16, ang mga sagot ay makukuha sa talata na nasa loob ng kahon.
Ang kilos-loob ay umaasa lamang sa nalalaman at nauunawaang impormasyon
na binibigay ng isip. Pipiliin lamang nito ang isang bagay o kilos kung ito ay
naunawaan ng isip bilang mabuti para sa kaniya. Pinipili lamang nito ang mabuti
at hindi naaakit sa masama.
____14. Alin sa sumusunod na pahayag ang ibig sabihin ng talatang nasa loob ng kahon?
A. Hindi gugustuhin ng kilos-loob ang isang bagay o kilos na hindi alam o nauunawaan ng isip.
B. Mahalagang maunawaan ng isip ang lahat ng bagay upang gabayan ang kilos-loob.
C. Kung mali ang impormasyong binigay ng isip, hindi pipili ng kilos ang kilos-loob.
D. Naiimpluwensiyahan ng isip ang pagpili na ginagawa ng kilos-loob.
____15. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi ipinahahayag ng talatang nasa loob ng kahon?
A. Hindi gugustuhin ng kilos-loob ang isang bagay o kilos na hindi alam o nauunawaan ng isip.
B. Mahalaga ang pag-unawa ng isip sa kabutihan ng isang bagay o kilos upang piliin ito ng
kilos-loob.
C. Mahalagang maunawaan ng isip ang lahat ng bagay upang gabayan ang kilos-loob.
D. Naiimpluwensiyahan ng isip ang pagpili na ginagawa ng kilos-loob.
____16. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang hindi nagpapahayag ng mensahe ng talatang
nakapaloob sa kahon?
A. Kahit sobrang lakas na ng ulan at hanging dala ng bagyo, hindi pa rin inalis ni Efren ang
mga dahon sa lagusan ng tubig, kaya pinasok ng baha ang kanilang bahay.
B. Sinigurado ni Joseph kung tama ang impormasyon sa website para sa kanyang sagot sa
modyul bago niya isinama ang website sa kanyang sanggunian.
C. Hindi sinunod ni Arla ang payo ng kaibigan na uminom ng pampabawas ng timbang;
bagkus, nag-ehersisyo siya at binawasan ang kanin sa kanyang diet.
D. Hindi sinagot ni Liza and text message ng taong hindi niya kilala.
____17. Ano ang batayan ng konsensiya sa paghusga ng mabuti at masama?
A. Batas panlipunan C. Mga turo sa simbahan
B. Likas na Batas Moral D. Mga aral ng magulang
____18. Ang Likas na Batas Moral ay hindi naiimpluwensiyahan ng anumang bagay lalo na ng
pagtingin ng tao rito: Ang batas na ito ay nangangahulugang:
A. Di nagbabago B. Obhektibo C. Unibersal D. Walang hanggan
____19. Alin sa sumusunod ang tama tungkol sa Likas na Batas Moral?
A. Ito ay batas na binuo ng lipunan upang magkaroon ng gabay ang bawat isa sa pagiging
mabuti.
B. Ito ang nagbibigay ng kakayahan sa konsensya na kilalanin ang mabuti at masama.
C. Ito ay pamantayan na dapat sundin ng lahat ng nilikha ng Diyos na may buhay.
D. Ito ang batayan ng paghusga sa kung ano ang tama at maling pasiya at kilos.
____20. Ano ang magandang epekto sa konsensya kung gagamiting gabay ang Likas na Batas Moral?
A. Matutukoy ng konsensiya ang mabuti o masama at magagabayan ang ating mga pasiya at
kilos.
B. Magkakaroon ng pamantayan ang ating konsensiya sa pagtukoy ng ating mga pangarap.
C. Magiging handa tayo sa mga mahihirap na sitwasyon na darating sa ating buhay.
D. Malalaman ng kilos-loob ang kaibahan ng tama sa mali sa mahirapna sitwasyon.
____21. Nakita mo ang iyong matalik na kaibigan na kumokopya ng takdang-aralin sa isang kamag
aral. Hinikayat niyang kumopya ka rin dahil sa wala ka ring takdang-aralin. Sinasabi sa iyo ng iyong
konsensiya na dapat maging tapat ka sa mga gawain pang-akademiko sa paaralan. Ano ang iyong
dapat gawin?
A. Makikinig sa iyong konsensya at hindi na gagawa ng takdang-aralin.
B. Magpapasalamat ka sa iyong matalik na kaibigan at pakokopyahin mo na lang siya sa
susunod na ikaw naman ang may ginawang takdang-aralin.
C. Susundin mo ang iyong konsensya at gagawa ka ng sariling takdangaralin upang maging
tapat ka sa paggawa ng takdang aralin.
D. Sasabihin mo sa iyong guro na wala kang takdang-aralin at gagawin mo na lang ang
susunod na takdang-aralin.
____22. Ang Likas na Batas Moral ay para sa lahat ng tao. Ito ay nauunawaan at katanggap-tanggap
sa lahat. Dahil ito ay nakaukit sa kalikasan ng tao, sinasaklaw nito ang lahat ng tao. Ito ay
nangingibabaw sa lahat, anuman ang lahi, kultura, sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon.
Anong katangian ng Likas na Batas Moral ang ipinahahayag dito?
A. Ang Likas na Batas Moral ay laging obhektibo.
B. Ang Likas na Batas Moral ay unibersal.
C. Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral.
D. Walang hanggan ang Likas na Batas Moral.
____23. Anong konklusyon ang mabubuo sa sitwasyong kinakaharap ni Kardo?
A. Kumikilos ang ikalawang elemento ng konsensiya: ang paghatol kung ang isang pasiya o
kilos ay mabuti o masama at ang pakiramdam ng obligasyong piliin ang mabuti.
B. Kumikilos ang unang elemento ng konsensiya: ang pagninilay upang maunawaan ang
mabuti at masama sa isang sitwasyon
C. May pinagbabatayan na mas mataas na pamantayan ang konsensiya: ang Likas na Batas
Moral.
D. Pangunahing gamit ng konsensiya ay tukuyin ang dapat gawin sa isang sitwasyon.
____24. Sa pamamagitan ng Likas na Batas Moral, nakikilala ng tao ang mabuti at masama. Ngunit
mayroon ding malayang kilos-loob ang tao na may kakayahang piliin ang mabuti o masama. Ano ang
mabubuod mula sa mga pangungusap na ito?
A. Nakikilala ng tao ang mabuti o masama dahil sa Likas na Batas Moral ngunit dahil malaya
siya, maaari pa rin niyang piliin ang masama.
B. Laging mabuti ang pipiliin ng tao dahil alam niya at ng konsensya niya ang pamantayang
Likas na Batas Moral.
C. Hindi kailanman pipiliin ng malayang kilos-loob ang gumawa ng masama dahil alam nito
ang mabuti at masama.
D. Dahil sa Likas na Batas Moral, nalalaman ng konsensya ang tamang batayan ng mabuti at
masama.
____25. Sa tanong na “Kapag pinili niya ang mas mataas na mabuting kilos, uusigin kaya siya ng
kaniyang konsensiya? Aling katwiran ang ayon sa Likas naBatas Moral?
A. Hindi, dahil ang pagsunod sa utos ng magulang lalo na kung makabubuti ito sa sarili ang
mas mataas na mabuti (higher good) kaysa sa hiling ng kaibigan sa sitwasyong iyon.
B. Hindi, dahil ang pagsunod sa utos ng magulang lalo na kung makabubuti ito sa sarili ang
mas mataas na mabuti (higher good) kaysa sa paglabas ng bahay kahit emergency.
C. Oo, dahil inisip niyang mahalaga na makasama niya ang mga kaibigang matagal nang hindi
nakikita kaysa ang pagsunod sa utos ng mga magulang.
D. Oo, dahil ang pagsaalang-alang sa hiling ng mga kaibigan kaysa sa utos ng magulang ay
paglabag sa Likas na Batas Moral.
____26. Ang likas na batas moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay
pangkalahatang katotohanan na may makatwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na batas
moral ang tinutukoy sa pangungusap?
A. Di-nagbabago B. Obhektibo C. Unibersal D. Walang hanggan
____27. Ang likas na batas moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar at sa
lahat ng pagkakataon. Ito ay nangangahulugan na nag Likas na batas moral ay:
A. Di-nagbabago B. Obhektibo C. Unibersal D. Walang hanggan
____28. Ano ang magandang epekto sa konsensya kung gagamitin nitong gabay ang Likas na Batas
Moral?
A. Matutukoy ng konsensiya ang mabuti o masama at magagabayan ang ating mga pasiya at
kilos.
B. Magkakaroon ng pamantayan ang ating konsensiya sa pagtukoy ng ating mga pangarap
C. Magiging handa tayo sa mga mahihirap na sitwasyon na darating sa ating buhay.
D. Malalaman ng kilos-loob ang kaibahan ng tama sa mali sa mahirap na sitwasyon.
____29. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensiya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
A. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
B. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakakaalam ng tama at mali, mabuti o masama.
C. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao.
D. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura, at kapaligiran ng tao.
____30. “Ang pinili ko ay masama kaya ako nagsisi”. Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito?
A. Ang kasamaan ay bunga ng kalayaan ng tao.
B. Ang kasamaan ay kaakibat ng mabuti.
C. Kalayaan ang pinanggalingan ng masama.
D. Nagsisi ako dahil may kalayaan ako.
____31. Ayon kay Ester Esteban, ang sumusunod na pahayag ay ang palatandaan ng mapanagutang
paggamit ng kalayaan maliban sa:
A. Hindi sumasalungat ang kilos sa Likas na Batas Moral.
B. Nakahandang harapin ang anumang kahihinatnan ng pagpapasya.
C. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.
D. Nakahandang magsisi sa resulta ng pipiliing kilos
____32. “Nagsisisi ako dahil ginawa ko ang masama na hindi ko dapat ginawa.” Ano ang kahulugan ng
pangungusap na ito?
A. Ang tao ay may tungkuling iwasan ang tukso sa paligid.
B. Ang kasamaan ay dapat pinagsisisihan.
C. Nagsisisi lamang ang tao sa mga pansariling kilos na ginawa niya
D. Pagsisisi ang resulta ng hindi paggamit ng kalayaan nang tama.
____33. Ang mga sumusunod na kilos ay nagpapakita ng mapanagutang paggamit ng kalayaan
maliban sa:
A. Nasaksihan ni Dong ang ginawang pagsisinungaling ng kanyang kapatid sa kanyang
magulang. Ang alam ng mga ito, pumapasok siya araw-araw sa paaralan. Sa halip, nagpupunta ito sa
computer shop kasama ang mga barkada. Dahil alam niyang labis na mapagalitan ang kaniyang
kapatid, hindi niya sinabi ito sa kaniyang magulang. Ayaw niya itong mapagalitan o masaktan.
B. Nasaktan ni Rica ng kanyang ina dahil sa kanyang pagsisinungaling dito. Inihanda niya ang
kanyang sarili sa magiging reaksiyon ng kaniyang mga kapatid. Dahil dito, siya na mismo ang
gumawa ng paraan upang itama ang kaniyang pagkakamali. Humingi siya ng kapatawaran sa
kaniyang ina.
C. Nagsikap si Tony na makatapos ng pag-aaral upang maiahon ang kanyang pamilya sa
kahirapan at upang maibahagi niya sa kapuwa ang kanyang mga kakayahan.
D. Saksi si Rachelle sa pandarayang ginagawa ng kaniyang matalik na kaibigan sa report ng
kinita ng kompanya. Sa kabila ng pakiusap nito na manahimik na lamang siya, sinabi pa rin niya ito
sa kanilang boss. Natanggal ang kaniyang kaibigan sa trabaho.
____34. Ano ang kalayaang magnais o hindi magnais?
A. Kalayaang tumukoy C. Panlabas na kalayaan
B. Kalayaang gumusto D. Panloob na Kalayaan
____35. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino ang Kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang
kanyang kilos tungo sa maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito. Ito ay
nangangahulugang:
A. Ang Kalayaan ng tao, katulad ng kilos loob ay nakabatay sa dikta ng isip.
B. Ang hantungan ng kilos ay itinatakda ng tao batay sa kanyang pagiging mapanagutan sa
paggamit ng kanyang kalayaan.
C. Malaya ang taong gamitin ang kaniyang kilos-loob upang pumili ng partikular na bagay o
kilos.
D. Lahat ng nabanggit.
____36. Ang mga sumusunod ang palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa:
A. Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral.
B. Nakahandang harapin ang anumang kahihinatnan ng mga pagpapasya.
C. Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito.
D. Naisasaalang -alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.
____37. Nakikilahok sa isang pag-aalsa laban sa pamunuan ng kompanyang kaniyang
pinagtatrabahuhan. Nangyari ito dahil sa hindi sa hindi makataong pagtrato ng may-ari ng kompanya
sa lahat ng mga empleyado. Dahil dito, siya at ang ilan pang mga kasama na itinuturing na pinuno ng
mga mangagawa ay hinuli at ikinulong. Sa sitwasyong ito, nawala ang kanyang ____________.
A. Dignidad bilang tao C. Panlabas na Kalayaan
B. Karapatang pantao D. Panloob na kalayaan
____38. Hindi mo naisumite ang nasagutang modyul sa deadline na itinakda ng iyong guro. Tinanong
ka niya sa Group Chat tungkol dito. Aling kilos ang nagpapakita ng kalayaan at bakit?
A. Ipagtatapat ko na hindi ko nasagutan ito at makikiusap na bigyan ng isa pang pagkakataon.
Ang pagiging handa sa kalalabasan ng kilos ay indikasyon ng kalayaan.
B. Magsusumite ako kahit lampas na sa deadline. Mas nagpapakita ito ng kalayaan kaysa
hindi na magsumite.
C. Sasabihin ko sa guro sa private message na nagsisisi ako sa hindi pagsumite sa deadline. Ito
ay dahil may kaugnayan ang kalayaan at hindi pagtupad sa tungkulin.
D. Sasagutan ko na lang ang mga susunod na modyul upang maging mas malaya ako sa
susunod na pagkakataon.
____39. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
A. Sa paningin ng Diyos at ng Lipunan
B. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya.
C. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito.
D. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig.
____40. Bakit mahalaga ang paggalang sa dignidad ng kapwa habang nabubuhay?
A. Dahil ito ang inaasahan at makabubuti para sa sarili at kapwa.
B. Dahil ito ang paraan upang maging matagumpay sa buhay.
C. Upang maging mabuting halimbawa sa kapwa.
D. Upang makilala sa lipunang ginagalawan.
____41. Ano ang batayan ng paggalang sa dignidad ng tao?
A. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at
pagpapahalaga.
B. Maging tapat sa lahat ng ginagawa at sa pakikitungo sa kapwa.
C. Ang kakayahang mag-isip at pagiging malaya.
D. Ang pagkakaroon ng tao ng isip lamang.
____42. Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?
A. Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya
B. Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng talento at kakayahan
na biyaya ng Diyos sa iilang mga tao.
C. Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan tayong magsikap at
magpunyagi para sa pag-unlad ng ating pagkatao.
D. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa dahil sa kanila natin
matatanggap ang ating mga pangangailangang material at ispiritwal.
____43. Ang tao ay may taglay na dignidad. Ano ang nararapat ibigay sa tao?
A. Pagmamalasakit at pag-unawa C. Pagkalinga at paggalang
B. Pagpapahalaga at paggalang D. Pagkilala at pagtulong
____44. Kailan maaaring bumaba ang dignidad ng isang tao?
A. Kapag siya ay nagging masamang tao.
B. Kapag itinuring siyang kasangkapan ng isang tao.
C. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao.
D. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kaniyang pagkatao.
____45. Bakit may pagkakaiba-iba ang tao kahit matalino, talentado at magaling siya sa maraming
bagay?
A. Dahil sa pagkakapantay-pantay ng lahat C. Dahil sa kalayaang ipinagkaloob
B. Dahil sa paggamit ng isip at kilos-loob D. Dahil sa pagiging angat sa iba
____46. Alin sa mga sumusunod ang HINDI paraan ng pagpapakita ng paggalang sa dignidad ng tao?
A. Ipakita ang pagkilala sa dignidad ng kapwa habang may pagkakataon.
B. Mahalin mo ang tao bilang tao.
C. Pahalagahan mo ang tao ng batay sa kung ano ang kakayahan niya.
D. Tingnan mo ang tao sa paraan ng pagtingin ng Diyos sa kaniya.
____47. Hindi ipinagkakalat ni Lea ang mga negatibong sinasabi ng kaniyang kaibigan sapagkat alam
niya na hindi ito makakatulong sa ugnayan ng bawat isa. Anong obligasyon sa kapwa ang
naisasaalang-alang ni Lea?
A. Pagpapahalaga sa ugnayan.
B. Paggalang sa sariling buhay at buhay ng kapwa.
C. Pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa bago kumilos.
D. Pakikitungo sa kapwa ayon sa nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.
____48. Dapat tumulong ang lipunan upang maiangat ang dignidad ng lahat ng tao dahil sa lipunan
ito nagmumula. Ang pangungusap ay:
A. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.
B. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na mas mataas ang
katungkulan sa pamahalaan.
C. Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-pantay ng
lahat ng tao sa lipunan.
D. Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkilala sa karapatan at
dignidad ng lahat ng tao.
____49. Paano maipapakita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng ng isang tao?
A. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.
B. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito.
C. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at
pagpapahalaga.
D. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.
____50. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad bilang tao?
A. Humanap ng isang institusyon na maaaring kumalinga sa kanya at mabigyan siya ng
disenteng buhay.
B. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang konsepto sa kanyang
sarili.
C. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw.
D. Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may mag-aruga sa kanya.

Quality Assurance Team:

LEAH V. SORIANO NOE S. PERALTA


ESP/AP Teacher ESP/TLE Teacher

Inihanda ni: Iniwasto at binigyang-pansin ni:

LYN LYN O. OWEL MICHAEL G. DOMONDON


Guro sa ESP Head Teacher III

Pinagtibay ni:

MYLENE E. RANOY
Principal IV
Inihanda nina:

JENNIFER P. GARCIA
Luciente National High School

MARLA JOY P. OPOLENCIA


Balingasay National High School
MGA SAGOT SA PAGWAWASTO:

1. D 11. C 21. C 31. B 41. A


2. B 12. A 22. D 32. D 42. C
3. B 13. A 23. D 33. B 43. A
4. D 14. A 24. B 34. C 44. B
5. A 15. B 25. C 35. C 45. D
6. D 16. D 26. A 36. D 46. D
7. A 17. A 27. C 37. D 47. D
8. A 18. B 28. D 38. C 48. C
9. A 19. D 29. D 39. D 49. A
10. B 20. D 30. C 40. A 50. B

You might also like