Si Pagong at Si Matsing

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Si Pagong At

Si Matsing
(Pabula)

Sina Pagong at Matsing ay matalik na


magkaibigan. Mabait at matulungin si
Pagong, subalit si Matsing ay tuso at
palabiro. Isang araw sa kanilang
paglilibot sa kagubatan, nakakita si
Pagong ng isang puno ng saging.
Nagpasya ang magkaibigan na paghatian
ang puno. Kinuha ni Matsing ang
parteng itaas ng puno dahil iniisip niya
na sapagkat may maraming dahon na ang
bahaging kanyang nakuha ay madali
itong mamumunga. Kinuha naman ni
Pagong naiwang ibabang bahaging may
ugat.

Inalagaan ni Pagong ang kanyang


halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito
at nilalagyan ng pataba ang lupa. Ganoon
din ang ginawa ni Matsing. Subalit
makalipas ang isang linggo, nalanta ang
tanim na saging ni Matsing. Si Pagong
naman ay natuwa nang makita ang
umuusbong na dahon sa puno ng saging.
Lalo nitong inalagaan ang tanim
hanggang sa mamunga ito nang hitik na
hitik.

Nainggit si Matsing nang makita ang


bunga ng saging sa halaman ni Pagong.
Di naglaon nagyaya na si Matsing na
kainin na ang saging na tumubo sa puno
ni Pagong at pumayag naman ito. Ngunit
hindi makakaakyat si Pagong kung kaya
nangako si Matsing na siya na lamang
ang aakyat sa puno at lalaglagan na
lamang niya ng saging si Pagong.
Pumayag si Pagong sa alok ni Matsing.
Subalit nang makarating na si Matsing sa
taas ng puno kinain niya ang lahat ng
bunga ng puno. Wala itong itinira para
kay Pagong nanatili sa taas ng puno si
Matsing at nakatulog ito sa sobrang
kabusugan. Galit na galit si Pagong kay
Matsing sa ginawa nito sa kanya. Kung
kaya habang natutulog ito sa sobrang
kabusugan naglagay ng mga tinik sa
ilalim ng puno si Pagong. Nang magising
si Matsing ay nakita niya ang tinik kaya’t
humingi ito ng tulong kay Pagong.

Ngunit tumangging tumulong si Pagong


at iniwan na lamang doon si Matsing.
Makalipas ang sandali nagsimulang
bumuhos ang malakas na ulan. Walang
nagawa si Matsing kundi bumaba sa
puno ng saging. Nasaktan ito sa mga
tinik na nakatusok sa puno ng saging sa
kanyang pagbaba. Kaya nangako siya sa
sarili na gaganti siya kay Pagong.

Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin ang


mga sugat ni Matsing, ay hinanap niya si
Pagong. Nakita niya itong naglalakad sa
may kakahuyan. Kinuha ni Matsing si
Pagong na takot na takot. Nagtanong si
Pagong kung anong gagawin nito sa
kanya, at sinabi ni Matsing na tatadtarin
siya nito ng pinung-pino. Nag-isip ng
paraan si Pagong para maisihan ang
tusong Matsing. Kaya ang sambit nito
kay Matsing na kapag tinadtad siya nito
ay dadami siya at susugurin siya ng mga
ito at kakainin. Nag-isip nang malalim si
Matsing at naisip nito na sunugin na
lamang si Pagong, ngunit nangatwiran na
naman si Pagong na hindi naman
tinatablan ng apoy ang kanyang makapal
at matibay na bahay. Kaya muling nag-
isip si Matsing, hanggang sa maisipan
niyang pumunta sa dalampasigan at doon
na lamang itapon si Pagong. Lihim na
natuwa si Pagong. Nagpanggap itong
takot sa dalampasigan.

Tuwang-tuwa si Matsing sa pag-aakalang


magagantihan na niya si Pagong. Todo
lakas niya itong itinapon sa
dalampasigan. Nagulat ito nang makitang
marunong lumangoy si Pagong. Ang
bilis-bilis ng pagkilos ni Pagong sa tubig.
Kung mabagal ito sa lupa, ay parang ang
gaan ng katawan nito sa tubig. At
naghalakhak si Pagong na sabihin kay
Matsing na naisahan din kita matsing
dahil gustung-gusto ko na lumangoy sa
dalampasigan. Malungkot na umuwi si
Matsing. Naisip niya na napakasakit pala
na maisahan ng isang kaibigan.
Naramdaman niya kung paano masaktan
kapag naloloko ng isang kaibigan.

Mula noon nagbago na si Matsing. Hindi


na sila muling nagkita ni Pagong.

ARAL:
Huwag gamitin ang dunong o talino
upang makalamang sa kapwa. Ang iyong
mga masamang gawi ay babalik din sa
iyo kaya't huwag gagawa ng mga bagay
na ikakapahamak ng iba. Kahit gaano
tayo kagaling ay darating ang panahong
kakailanganin natin ang tulong ng iba.
Tandaan, tuso man ang matsing ay
napaglalalangan din.

You might also like