Ang Piyudalismo: Araling Panlipunan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

8 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan: Modyul 8

Ang Piyudalismo

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Bumuo ng Modyul

Manunulat: Lorinda F. Elumba


Editor: Florence S. Gallemit,
Julito H. Abne
Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr.
Florence S. Gallemit
Dr. Jephone Yorong
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:
Tagalapat: Peter Alavanza, Name of layout artist
Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres, CESO III
Dr. Eugenio B. Penales
Sonia D. Gonzales
Dr. Ella Grace M. Tagupa
Dr. Jephone P. Yorong
Florence S. Gallemit
Jr simed Joseph B. Saguin

Name of District Supervisor/PICD


JR Simed Joseph Saguin-School Principal
Alamin

Sa mudyol na ito, pag-aaralan ang sistemang Piyudalismo sa Europa noong


panahong Medieval.
Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang nasusuri ang tungkol
sa pagkakabuo ng sistemang piyudalismo at nauunawaan ang mga patakarang
nakapaloob ditto.

Balikan

Panuto: Piliin ang titik lamang para sa inyong sagot. Isulat sa kwaderno.
1.) Sa iyong palagay, sinong personalidad ang pinakamahalaga sa pagtatag ng Holy
Roman Empire?
A. Pope Leo III
B. Charlesmagne
C. Louis
D. Charles Martyl
2.) Bakit kaya pinahalagahan ang simbahang katoliko sa “Roman Empire”?
A. Dahil nagiging isa sa tagapangalaga ng imperyo ang kristiyano.
B. Dahil nabuhay ito sa panahon ng Holy Roman Empire C.
Dahil sa pagkasilang ng kristiyanismo sa pagturo’t pagsanay
ng mga pari at opisyal ng pamahalaan
D. lahat tama

3.) Paano umusbong ang simbahang katoliko?


A. sa pamamagitan ng pagkakaugnay ng simbahan at
pamahalaan sa panahong medieval.
B. sa pamamagitan ng pamumuno ni Charlesmagne
C. sa pamamagitan ng isang sentralisadong pamahalaaan
D. sa pamamagitan ng tagapangalagang kristiyano.

4.) Ano ang panawagan ni Pope Urban II noong 1095?


A. ekspedisyon
B. krusada
C. labanan
D. relihiyon
5.) Ano kaya ang layunin ng ating pagtatalakay tungkol sa mga
pangunahing wika at relihiyon ng daigdig?
A. mapaphalagahan ang mga natatanging rehiyon ng mga kultura,
wika at lahi.
B. mapag-aralan ang iba’t ibang kultura, wika at lahi.
C. bigyang-halaga ang mga kultura, wika at lahi
D. pansinin ang mag kultura, wika at lahi.

Lesson
4 Ang Piyudalismo

Suriin

Mula sa ika-9 hanggang ika-14 na siglo, ang pinakamahalagang anyo ng


kayamanan sa Europe ay lupa. Kinakailangang pangalagaan ang pagmamay-ari ng lupa.
Pangunahing nagmamay-ari ng lupa ang hari.

Dahil sa hindi niya kayang ipagtanggol ang lahat ng kanyang lupain, ibinabahagi
ng hari ang lupa sa mga nobility o dugong bughaw. Ang mga dugong bughaw na ito ay
nagiging vassal ng hari. Ang hari ay isang lord o panginoong may lupa. Ang iba pang
katawagan sa lord ay liege o suzerain. Samantala, ang lupang ipinagkaloob sa vassal ay
tinatawag na fief. Ang vassal ay isa ring lord dahil siya ay may-ari ng lupa. Ang kanyang
vassal ay maaaring isa ring dugong bughaw.

Ang homage ay isang seremonya kung saan inilalagay ng vassal ang kanyang kamay
sa pagitan ng mga kamay ng lord at nangangako rito na siya ay magiging tapat na tauhan
nito. Bilang pagtanggap ng lord sa vassal, isinasagawa ang investiture o seremonya kung
saan binibigyan ng lord ang vassal ng fief. Kadalasang isang tingkal ng lupa ang ibinigay
ng lord sa vassal bilang sagisag ng ipinagkaloob na fief. Ang tawag sa sumpang ito ay oath
of fealty.

Kapag naisagawa na nga lord at vassal ang oath of fealty sa isa’t isa, gagampanan
na nila ang mga tungkuling nakapaloob sa kasunduan. Tungkulin ng lord na suportahan
ang pangangailangan ng vassal sa pamamagitan ng pagkakaloob ng fief. Tungkulin din
niya na ipagtanggol ang vassal laban sa mga mananalakay o masamang-loob at maglapat
ng nararapat na katarungan sa lahat ng mga alitan. Bilang kapalit, ang pangunahing
tungkulin ng vassal ay magkaloob ng ilang kaukulang serbisyong pangmilitar. Tungkulin
din ng vassal na magbigay ng ilang kaukulang pagbabayad tulad ng ransom o pantubos
kung mabihag ang lord sa digmaan. Kailangan din niyang tumulong sa paghahanap ng
sapat na salapi para sa dowry ng panganay na dalaga ng lord at para sa gastusin ng
seremonya ng pagiging knight ng panganay na lalaki ng lord. Ang knight ay isang
mandirigmang nakasakay sa kabayo at nanumpa ng katapatan sa kaniyang lord.

Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat


sa Araling Panlipunan nina Mateo et al. pahina 192-
193

Ano ang ibig sabihin ng Piyudalismo?

Paano mo mailalarawan ang ugnayan o relasyon ng lord at vassal?

Ang Pagtatag ng Piyudalismo

Ang piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati ng Banal na


Imperyo ni Charlemagne batay sa kasunduan ng Verdun. Napunta kay Charles the Bald
ang France, Louis the German ang Germany at Lothair ang Italy. Mahihinang
tagapamahala ang mga tagapagmana ni Charlemagne kaya ang mga opisyal ng
pamahalaan at mga may-ari ng lupain ay humiwalay sa pamumuno ng hari. Naibangon
muli ang mga local na pamahalaanna ngayon ay pinatakbo ng mga maharlika katulad ng
mga konde at duke.
Sa sitwasyong ito pumasok ang mga barbarong Viking, Magyar, at Muslim.
Sinalakay nila ang iba’t ibang panig ng Europe lalo na sa bandang France. Ang mga Viking
na kilala rin sa tawag na Normans ay nabigyan ng lupain sa bandang France kapalit ng
pagtanggap nila ng Kristiyanismo. Ang lupaing napasakanila ay kilala ngayon sa tawag
na Normandy.

Ang madalas na pagsalakay na ito na mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga


mamamayan ng Europe. Dahil ditto, hinangad ng lahat ang pagkakaroon ng proteksiyon
kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo.

Halaw mula sa: Araling Panlupunan III, EASE


Module 9, Sistemang Pyudal sa Gitnang Panahon

sa Europa

Isang magandang alaala ng Piyudalismo ang sistemang kabalyero (knighthood).


Kinapapalooban ang kodigo ng kagandahang asal ng mga kabalyero o (chivalry) ng
katapangan, kahinahunan, pagiging marangal at maginoo lalo na sa kaibigan.
Nagpapalaganap din ng mga saloobing Kristiyano ang sistemang kabalyero tulad ng
pagtatanggol sa mga naapi at paggalang sa kababaihan.

Banal at isang propesyon na pinagpalang Simbahan ang pagiging kabalyero.


Kalakip nito ang tungkuling ipagtanggol at itaguyod ang Kristiyanismo.

Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig Batayang


Aklat para sa Ikatlong Taon nina Vivar et al., p.50

Ano ang kahinatnan ng mahinang uri ng pamumuno, batay sa tekstong binasa?

Bakit itinatag ang sistemang Piyudalismo?

Lipunan sa Panahong Piyudalismo


Nahahati sa tatlong pangkat ang lipunang Europeo sa panahong Piyudalismo –
ang mga pari, kabalyero o maharlikang sundalo, at mga alipin (serf).
Mga Pari.Hindi itinuturing ang mga pari na natatanging sector sapagkat hindi
namamana ang kanilang posisyon dahil hindi sila maaaring mag-asawa. Maaaring
manggaling ang mga pari sa hanay ng maharlika, manggagawa at mga alipin.

Mga Kabalyero. Noong panahon ng kaguluhankasunod ng pagkamatay ni


Charlemagne, may matatapang at malalakas na kalalakihan na nagkusang-loob na
maglingkod sa mga hari at sa mga may-ari g lupa upang iligtas ang mga ito sa mga
mananakop.Dahil sa hindi umiiral and paggamit ng salapi, ang magigiting na sundalo o
kabalyero aypinagkalooban ng mga kapirasong lupa bilang kapalit ng kanilang
paglilingkod. Ang mga kabalyero ang unang uri ng mga maharlika, tulad ng mga
panginoon ng lupa, na maaaring magpamana ng kanilang lupain.

Mga Serf. Ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Medieval Period. Nanatili silang
nakatali sa lupang kanilang sinasaka.Kaawa- awa ang buhay ng mga serf. Nakatira sila
samaliit at maruming silid na maaaring tirahan lamang ng mga hayop sa ngayon.
Napilitan silang magtrabaho sa bukid ng kanilang panginoonnang walang bayad. Wala
silang pagkakataon na umangat sa susunod na antas ng lipunan tulad ng maharlika at
malayang tao. Makapag-aasawa lamang ang isang serf sa pahintulot ng kaniyang
panginoon. Lahat ng kaniyang gamit, pati na ang kaniyang mga anak, ay itinuturing nap
ag-aari ng panginoon. Wala silang maaaring gawin na hindi nalalaman ng kanilang
panginoon.

Halaw sa: Kasaysay ng Daigdig Batayang Aklat


para sa Ikatlong Taon nina Vivar et al., p. 148-
149

Ano-ano ang uring panlipunan noong panahon ng Piyudalismo? Ilarawan ang bawat isa.

Suriin
Sagutin ng mga sumusunod:

1. ano ang ibig sabihin ng salitang Piyudalismo?

_________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________.
2. Paano mo mailalarawan ang ugnayan o relasyon ng ng Lord at vassal?

_________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________.

3. Ano ang kahihinatnan ng mahinang uri ng pamumuno sa sistemang Piyudalismo?

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________.

4. Ano ang kahalagahan ng lupa sa sistemang Piyudalismo?

_________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________.

Pagpapayaman
Ibigay ang hinihingi:

Ano ano ang uring panlipunan noong panahon ng Piyudalismo?

Ilarawan ang bawat isa.

a. _______________________________________

Paglalarawan:
_________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________.

b. ______________________________________

Paglalarawan:

_________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________.

c. ______________________________________

Paglalarawan:

_________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

_____________________________________________.

Pagtataya

Piliin ang titik tamang sagot at isulat ang titik sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang nagmamay-ari ng pinakamalawak na lupain sa sistemang


piyudalismo?
A. Knight B. Hari
C. Baron D. Villein

2. Ito ay isang sistemang political, socio-ekonomiko, at military na nakabase sap ag-


mamay-ari ng lupa.
A. piyudalismo B. sosyalismo
C. merkantilismo D. komunismo

3. Ang taong tumatanggap ng lupa mula sa Lord.


A. Villein B. Fief
C. Vassal D. Baron

4. Sila ang pangkat ng mga taong bumubuo ng masa na nanatiling nakatali sa lupang
kanilang sinasaka.
A. Fief B. Vassal
C. Knight D. Serf

5. Sila ang mga taong nagkusang-loob na manilbihan upang iligtas ang may-ari ng lupa
mula sa mga manananlakay.
A. Pari B. Kabalyero
C. Baron D. Vassal

Para sa pang-anim hanggang ika-siyam na bilang.

I Villein II Baron III Hari IV Knight


6. Alin sa mga nakatala sa itaas ang katumbas sa isang alipin?
A. I B. III
C. II D. IV

7. Sino sa kanila ang may tungkuling magsanay ng mga magiging Knight?


A. I B. III
C. II D. IV

8. Alin sa apat ang binibigyan ng Hari ng bahagi ng kaniyang lupain katumbas ng


pagiging tapat sa kanya?

A. I B. III
C. II D. IV

9. Sino ang itinuturing na amo ng mga Villein?


A. I B. III
C. II D. IV

10. Ito ang lupang ipinagkaloob para sa isang vassal.


A. gift B. fief
C. Thief D. serf

Karagdagang Gawain

Basahin ang tungkol sa Sistemang Manoryal at gawin ang sumusunod.

1. Ilarawan ang sistemang manoryal.


___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________.

2. Ano ang ipinahiwatig ng kastilyo sa isang manor?

_________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
___________________________________________________.
3. Ano ang pangunahing ikinabubuhay sa isang manor at ano ang kahalagahan
ng mga magbubukid?
_________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
___________________________________________________________.

4. Sa iyong palagay, naipagkaloob bas a isang manor ang mga pangangailangan


ng mga mamamayan nito?
_________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
____________________________________________.

5. Ano ang ginagampanan ng mga kababaihan sa sistemang manoryalismo?


Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________.
Batayan ng Pagwawasto

10. B
9. D
5. C 8. C
7. C
4. B 6. A
3. A 5. B
4. D
2. A 3. C
2. A
1. C 1. B
Balikan Assessment

Sanggunian:
1. Modyul ng Mag-aaral
Araling Panlipunan (Kasaysayan ng Daigdig pahina 248-255)
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach A poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing
of footprints – one belong to me and breast;
the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;
noticed only one set of footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? Why?
A nest of robins in her hair;
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
Upon whose bosom snow has lain;
And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain.
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me,
sand, because it was then that I But only God can make a tree.
CARRIED YOU!

You might also like