Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

FILIPINO IV

Pangalan:_____________________________________________Lebel:_________________
Seksiyon: ____________________________________________Petsa:_________________
GAWAING PAGKATUTO
Paglarawan ng Elemento ng Kuwento
Panimula (Susing Konsepto)
Ang kuwento ay binubuo ng mga elemento o sangkap tulad ng
tagpuan, tauhan banghay at pangyayari.
Ang tauhan ay ang mga gumaganap o kumikilos sa kuwento.Ang
tagpuan ay tumutukoy sa lugar ,atmospera at panahon kung san naganap ang
kuwento. Ang banghay ay binubuo ng mahahalagang pangyayari ayon sa
tamang pagkakasunud-sunod.
Kasanayang Pampagkatuto at koda
Nailalarawan ang elemento ng kuwento (tagpuan,tauhan,banghay, at pangyayari)
Koda:F4PN-IIe12.1
Gawain 1
Basahin at unawaing mabuti ang kuwento.Tandaan ang mga elemento nito.
Ang Nawawalang Prinsesa
ni:Joseph Yap
Nawawala ang prinsesa gabi-gabi ngunit, walang makapagsabi kung saan siya
pumupunta.
Nagpabalita na ang hari na ang sinumang makapagtuturo kung saan tumitigil
ang anak tuwing hating-gabi ay bibigyan ng kalahati ng kaharian at, kung
binata, ay ipakakasal sa prinsesa. Ngunit, kapag nabigo ang nagprisintang
magbabantay, pupugutan siya ng ulo
Marami ang nagtangkang makipagsapalaran hindi lamang dahil sa kayamanang
matatamo kundi dahil sa napakaganda raw ng prinsesa. Ang lahat ng mga ito ay
nabigo. Wala pa ring makapagsabi kung bakit nawawala ang prinsesa sa hatinggabi.
Sa kalagitnaan ng gubat na malapit sa palasyo, may isang dampang tinitirhan ng
isang matandang mangkukulam. Isang araw ay dinalaw ang matanda ng
binatang napamahal sa kanya dahil madalas siyang tulungan nito.
Ngayon naman, ang binata ang humihingi sa kanya ng tulong. “Maganda pong
talaga ang prinsesa kaya tulungan po ninyong magtagumpay ako sa kanya.”
Binigyan siya ng matanda ng isang balabal na kapag kanyang isinampay sa mga
balikat niya ay hindi siya makikita ninuman. Binindisyunan siya ng matanda at
pinagbilinang magpakaingat bago siya nagpaalam.
Nang gabi ring iyon, nasa labas na nga siya ng silid ng prinsesa at handang
magbantay. Biglang nabuksan ang pinto at tumambad sa kanyang paningin ang
napakagandang binibini.
May iniabot sa kanyang isang basong inumin na noong makatalikod ang
prinsesa ay kanyang itinapon sa isang masitera ng halaman. Naluoy agad ang
mga dahon ng halaman.
Nagkunwaring natutulog, ang binata sanhi ng tinunggang inumin. Nang
maramdaman niyang lumabas sa silid ang prinsesa, isinoot niya ang mahikang
balabal at sinundan niya ito. May dinaraanan palang tagong pintuan ito na
palabas sa palasyo.
Sumakay sa isang naghihintay na karwahe ang prinsesa. Di nito alam ay kasama
ang binata dahil hindi niya nakikita ito.
Nagtuloy sa isang malayong gubat ang karwahe. Sa gitna ng mga kahuyan
huminto ito at bumaba ang prinsesa. Nakipag sayaw siya sa mga gitanong
nagkakaipon doon at nagsasaya.
Sa likod ng isang puno, tinanggal ng binata ang kanyang balabal at naglagay ng
maskara.Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. 76
Nilapitan niya ang prinsesa at sila’y nagsayaw. Nagsayaw sila nang nagsayaw
hanggang mapagod ang dalaga at halos mabutas ang mga suwelas ng sapatos.
Muling isinoot ng binata ang balabal nang paalis na ang karwahe at sila’y
bumalik sa palasyo.
“Masasabi mo ba kung bakit nawawala ang prinsesa sa hating-gabi?” tanong ng
hari nang humarap sa kanya ang binata kinaumagahan.
“Opo, Mahal na Hari! Nakikipagsayaw po siya sa mga gitano sa gubat gabigabi. Ito po ang
katunayan-itong halos warak nang sapatos na kinuha ko sa kanyang pinagtapunan matapos na
makasayaw siya.”
Ipinatawag ng hari ang prinsesa at hindi naman ito makatanggi sa amang nagpakita ng
katunayan. Balak pa sana ng prinsesa na umayaw na maging asawa ang binata, ngunit nang
ilagay nito ang maskara, nakilala niya ang kasayaw na kinagiliwan nang nagdaang gabi.
Tumugtog ang banda at masuyong niyaya ng binata na magsayaw sila ng
prinsesa na masaya namang yumakap sa kanya.
Gawain 1
Ibigay ang elemento ng kuwento na iyong binasa at ilarawan ang mga ito.

Ang Nawawalang Prinsesa


Tauhan ________________________________________________
Tagpuan________________________________________
Pangyayari________________________________________________
Simula_________________________________________________
Kasukdulan___________________________________________________
Wakas_________________________________________________

Gawain 2
Basahin ang kuwento.
Isang Tagpo sa Buhay ni Ramon Magsaysay
Maghahating gabi na noon. Tahimik na ang buong paligid. Handa nang matulog ang
pamilya ni Sen. Cipriano Primicias.
Ngunit hindi pa gaanong nagtatagal nang biglang may kumatok. Halos mag-iika-12 na
ng hatinggabi. Narinig ito ng drayber na doon lamang natutulog sa ibaba. Sinilip niya kung
sino ang taong kumakatok sa tarangkahan.
Sinabi ng tsuper kay Gng. Primicias na tila o parang si Pang. Ramon Magsaysay ang
nakita niyang kumatok.
Hindi nga nagkamali ang drayber. Pinasundo ni Gng. Primicias ang Pangulo sa
kanilang drayber.
Dali-dali naming ginigsing ni Gng. Primicias si Sen. Primicias.
Tumagal nang mahigit dalawang oras ang pag-uusap ng dalawa. Habang sila’y
naguusap,kumalat ang balit sa buong kapitbahayan ng mga Primicias na nroon sa kanilang lugar
ang Pangulo.
Nagulat si Pang. Magsaysay nang sa kniyang paglabas ay napakaraming tao ang
nakaabang sa kaniya sa tarangkahan.

Panuto: Punan ang tsart ng mahahalagang elemento ng kuwentong binasa.


Gawain 3
Basahin ang kuwento at tandan ang mga element nito.
Ang Batang si Rica
Si Rica ay palakaibigang bata. Isang araw, gumising siya na masama ang pakiramdam.
Sinamahan siya ng kanyang ina upang magpasuri sa doctor.Ineksamen ng doctor ang kanyang
dugo at napag-alaman niyang may mababang bitamina at mineral ang dugo ni Rica. Pinayuhan
siya ng doctor ng kumain ng prutas at gulay at bilang karagdagan ay pinag-eehersisyo siya ng
tatlong beses kada isang lingo sa loob ng isang buwan.
Gustong gumaling ni Rica, kaya sinunod niya ang payo ng doctor. Tuwing umaga
ginagawa niya ang mga itinala ng doctor. Una, kumakain siya ng prutas at umiinom ng isang
basong tubig. Pagkatapos ay naglalakad siya ng dalawang kilometro. At ang panghuli, nag-
iistretsing siya at papasok sa kanyang paaralan gamit ang kanyang bisikleta.
Pagkalipas ng isang buwan maayos na ang pakiramdam ni Rica. Natutulungan narin niya
ang kanyang ina sa paghahalaman tuwing hapon. Nilulutuan naman siya ng kanyang ina ng
masarap at masustansiyang hapunan.
Punan ang graphic organizer ng tamang elemento ng kuwentong binasa.

Gawain 4
Magsaliksik tungkol sa kuwentong “Ang Tipaklong at ang
Langgam”.Gumawa ng talaan tungkol sa elemento ng kuwento at ilarawan ang
bawat isa.

You might also like