Filipino Iv-Q2-#4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

FILIPINO IV

Pangalan:_____________________________________________Lebel:_________________
Seksiyon: ____________________________________________Petsa:_________________
GAWAING PAGKATUTO
PAGHULA NG MGA MAAARING MANGYARI SA TEKSTO GAMIT ANG DATING
KARANASAN/KAALAMAN

Panimula (Susing Konsepto)

Sa paghihinuha(inferring)ay magagawa lamang ng mambabasa kung tunay na
nauunawaan niya ang kaniyang binabasang artikulo o seleksiyon.
Sa bawat seleksiyon,nagbibigay ng mga pahiwatigang manunulat na hindi tuwirang
sinasabi o ipinahahayag sa halip ay ibinibigay na implikasyon.
Kung ang bawat pahiwatig at implikasyong ibinigay ay uunawaing mabuti at buhat dito
ay makakayanang bumuo ng isang makabuluhang hinuha,ganap ang naging pag-unawa
niya sa nabasa.
Sa hinuhang ito makabubuo ng prediksyon o paghuhula.Kadalasan nagaganap ang
paghuhula kung ang naging wakas ng akdang binabasa ay nakabitin.
Hinuhulaan ng mambabasa kung ano ang nangyayario posibleng nangyari sa akda sa
pammagitan ng mga pahiwatig at implikasyong ginamit sa paghihinuha.
Hindi makagagawa ng paghinuha at paghuhula ang mambabasa kung hindi ganap ang
naging pag-unawa niya sa binasang akda.
Halimbawa:
Maraming isda ang nahuhuli ng mga mamamayan ng barangay Baculod.
Maaring kalabasan: Maunlad ang buhay ng mga mamamayan.

KASANAYAN SA PAMPAGKATUTO
Nahuhulaan ang maaring mangyari sa teksto gamit ang dating karanasan/kaalaman.
(F4PB-IIa-17)

Gawain I
Panuto: Basahin ang bawat kalagayan. Bilugan ang titik ng maaaring mangyari o magiging
kalabasan nito.
1. Si Rita ay palaging pinaaawit ng guro sa klase. Sa araw ng Linggo, ang kanilang
palatuntunan kung saan naatasan si Rita na umawit. Naiibigan ng mga tagapakinig
ang kanyang boses.
a) Ang magandang si Rita
b) Ang mahusay umawit na si Rita
c) Ang palatuntunan ng pag-awit
d) Ang pag-awit at pagsayaw na si Rita
2. Ang mga bata ay pinaghiwa-hiwalay ng upuan ng guro. May mga lapis at papel sa
ibabaw ng sulatan ng kanilang upuan. Pinagbalik-aral sila sa kanilang mga
natutuhan nang nakaraang mga araw.
a) Mga batang susulat ng kuwento
b) Mga batang magbabasa
c) Mga batang kukuha ng pagsusulit
d) Mga batang maglalaro ng kompyuter

3. Malakas ang hangin at ulan, kumukulog at kumikidlat pa. Ang mga magsasaka ay
naglalagay ng suhay sa kanilang bahay. Ang mga hayop ay inilagay nila sa silong
ng bahay.
a) Ang pagsapit ng gabi
b) Ang masungit na panahon
c) Ang biyaya ng tag-ulan
d) Ang pagtatanim ng mga magsasaka

4. Ang mga babae ay patungo sa ilog. Sila ay may sunong na batya sa ulo na may
maraming damit, may sabon at palu-palo.
a) Ang mga naliligo sa ilog
b) Ang mga maglalaba sa ilog
c) Ang mga mangingisda sa ilog
d) Ang mga babaeng magpipiknik sa ilog

5. Iyak nang iyak si Nina. Hawak-hawak niya ang kanyang pisngi. Magang-maga ito.
Pinainom siya ng gamot ng Nanay niya.
a) Ang paghihirap ni Nina
b) Ang pagkakapalo kay Nina
c) Ang pagsakit ng ngipin ni Nina
d) Ang gutom na si Nina

6. Nakasakay ka sa dyipni na napakalakas ang tugtog ng stereo.

a. Hindi magkakarinigan ang mga tao.
b. Magsasalita nang malakas ang mga tao.
c. Magagalit ang mga pasahero.
d. Hindi maririnig ng drayber ang pagpara ng pasahero
7. Tumakbo nang mabilis ang isang bus at bumuga ang pagkaitim-itim na usok.
a. Maluluha ang mga tao.
b. Makalalanghap ng maruming hangin ang mga tao.
c. Maaaring magkakaroon ng sakit sa balat ang mga tao.
d. Magkakasakit sa baga ang mga tao
8. Nakatira ka sa may tambakan ng basura. Araw at gabi wala kang nakikita
kundi basura.
a. Dudumi ang paligid.
b. Mangangamoy ang buong paligid.
c. Dadami ang langaw.
d. Maaaring magkasakit ang mga bata.

9. Si Kadyo ay nakahiga sa kama. Binabantayan siya ng Nanay. Marahang hinaplos

ng nanay ang noo ni Kadyo. Pinainum siya ng Nanay ng gamot.
a. Si Kadyong nagpapahinga
b. Si Kadyong may sakit
c. Si Kadyong paburito ni Nanay
d. Si Kadyong nakikinig sa kwento ng Nanay

10. Si Nina ay laging kumakain ng mga masustansyang pagkain, natutulog sa tamang

oras at laging nag-eehersisyo tuwing umaga.
a. Si Nina ay magkakasakit
b. Si Nina ay may malusog na katawan
c. Si Nina ay laging dinadala sa doktor
d. Si Nina ay masunuring bata

Gawain II.
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa patlang ang maaaring mangyari sa
bawat bilang.
1. Sumabog ang Bulkang Mayon_______________________________.
2. Malimit magkasakit si Nitoy __________________________________.
3. Nakipag-away si Mario sa kanyang kaklase _______________________.
4. Araw-araw ay nagbubunot ng sahig si Ruben _________________________.
5. Nabuwal ang bahay _________________________________.
6. Nasira ang mga pananim ____________________________________.
7. Nasira ang mga halaman ____________________________________.
8. Naalis ang bubong ng maraming bahay __________________________.
9. Walang pasok sa paaralan ______________________.
10. Maraming nagkasakit ____________________________.
11. Nanalo ang kanilang koponan ______________________________.
12. Nakalimutan niya ang sinaing_________________________________.
13. Masayang-masaya si Mario __________________________________.
14. Hindi kumain ng agahan si Nilo ___________________________.
15. Mataba ang lupa sa bukid ni Mang Tomas _________________________.

Gawain III
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang angkop na maaring mangyari sa
bawat bilang.
1. Biglang sumara ang pinto kaya .
a. nagtaka ang mga panauhin
b. napagsarhan ang mga natitirang pumapasok
c. tumigil ang mga kasayahan
d. naiyak ang mga tao

2. Si Nena ay niregaluhan ng isang malaking manika ng kanyang Ninang kaya .

a. napaiyak siya nang tuluyan
b. nagtago siya sa silid
c. natuwa siya at nagpasalamat
d. nahiya siya sa kaniyang ginawa

3. Mahilig magbasa si Nestor kaya

a. lumalawak ang kanyang kaalaman
b. natuto siyang magsalita ng Ingles
c. lagi siyang nahuhuli sa klase
d. lagi siyang napapagod

4. Pagod na pagod sa paglalaro ng basketball si Nestor kaya.

a. mabilis siyang naligo
b. madali siyang nakatulog
c. lumiksi ang kanyang paglalaro
d. mataas ang kanyang paglundag sa laro
5. Nagtrabaho sa ibang bansa si Mang Nardo kaya .
a. dumami ang kaibigan
b. nakapagpatayo siya ng malaking bahay
c. napalakas ang gastos niya
d. dumami ang kanyang ari-arian
Gawain IV.
Panuto: Sumulat ng tatlo o mahigit pang pangungusap tungkol sa mga paksang nasa
kahon. Salungguhitan ang pangungsap na nagsasaad ng bunga o maaaring
mangyari sa bawat talata na iyong ginawa.

Halimbawa:
Tungkol sa pagdating ng malakas na bagyo.

May darating na bagyo kaya nilagyan ng mga taga-barangay San

Simon ng suhay ang kani-kanilang bahay. Nang dumating ang
bagyo, walang nagibang bahay sa kanilang barangay. Ito ay dahil sa
paglalagay ng mga tao ng suhay.

1. Tungkol sa pagkasira ng kalikasan

______________________________________________________________________________

2. Tungkol sa magandang ani ng mga magsasaka

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Tungkol sa pagtaas ng halaga ng presyo ng langisNote: Practice Personal Hygiene protocols

at all times 49

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Tungkol sa pagkalulong sa barkada ni Edna

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. Tungkol sa pag-iingat laban sa mga magnanakaw o isnatser

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Gawain V
Panuto: Magbigay ng limang (5) bunga o maaaring mangyari dulot ng pandemyang
COVID-19 sa ating bansa.
1. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
________________________
2. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
________________________
3. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
________________________
4. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
________________________
5. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
________________________
PANGWAKAS
Madalas tayong magtanong kung bakit ganito o ganuon ang nangyayari sa iyong
paligid. Hindi ka nasisiyahang tanggapin ang mga nangyayari hangga’t hindi mo nababatid
ang mga dahilang nito. Kung batit na natin ang sanhi, maaring maintindihan natin ang naging
bunga nito
REPLEKSYON
Isulat ang iyong repleksyon sa mga gawain mo ngayon.
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________

You might also like