Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PANUTO: Basahing mabuti ang talumpati sa ibaba at ibigay ang iyong mga

saloobin tungkol dito.

Wika
Talumpati ni Farah Grace Jimena
“Makahihigit ay wala, kahit anumang sandata, makapagtitibay sa bansa, paggamit
ng sariling wika, ang ating tanging tanikala.”
Malaya na tayong mga Pilipino sa pang-aalipin ng ibang bansa. Masasabi na nating
ganap na ang ating pagkabansang Pilipino. May sarili na tayong watawat,
mayroon na ring pambansang awit at mayroon pang pambansang wika… ang
Wikang Filipino.
Wikang Filipino? Ginagamit ba ito?
Hindi na lingid sa ating kaalaman na halos wikang Ingles na ang nagmamanipula
nitong ating bansa. Hindi ba’t natatawag na malaya ang isang bansa kapag
ginagamit ang sariling wika? Nawawalan ng kabuluhan ang wikang pambansa
kapag hindi naman ginagamit sa lipunan, sa paaralan at maging sa pamahalaan. Sa
kalagayan ngayon ng mga bagay- bagay sa ating bansa at sa sistema ng ating
edukasyon, lumilitaw na tila wala pa tayong wikang sarili sapagkat
nagpapamanipula tayo sa mga wikang banyaga.
Sinasabing wika ang sagisag ng pagkalahi… tatak ng isang bansang malaya. Ang
mga bansang malaya ay yaong mga gumagamit sa sariliing wika. Sa wikang Filipino
naipakikilala ang lahing pagka- Pilipino. Larawan ito ng pagiging matapang,
matatag at makatarungan ng mga Pilipino. Ating ibalik sa panahon ng ating mga
bayani, kanilang ipinaglaban ang ating bansa sa mga pananakop ng mga
mapangaping mga dayuhan. Ibinuwis nila ang kanilang mga buhay, para lamang
makahulagpos tayo sa mga manlolokong dayuhan. At ang Filipino ay ginamit
bilang simbolo na isa na tayong malayang bansa.
Sinasabing, kapag walang wika, walang kultura.
At kapag walang kultura, walang wika. Kultura ang kabuuan ng mga paniniwala at
lahat ng kaugalian ng mga tao. Kung kaya’t kultura ang pinanggagalingan ng wika.
Wika ang nagiging midyum para maipahayag ang kultura ng isang pangkat ng mga
tao. Ito ang paraan para mapayabong o mapaunlad ang kultura. Sinasabing wika
ang matibay na tanikala sa pagkakaisa ng isang bansa. Kung sariling wika ang
ginagamit sa ating bansa, mawawala ang “communication gap” sa pagitan ng
masa ng mga nagsasalita ng sariling wika at mga pinuno na nagsasalita sa wikang
Ingles. Sa ganito tayong mga Pilipino’y lagi nang kikilos at gagawa na parang iisang
tao sa paghanap ng kaunlaran, kadakilaan at pagkakakilanlan. Sa pamamagitan ng
ating wika, nagkakaintindihan tayo. Dito tayo nagkakaisa at nagtutulungan. Kapag
nagkakaunawaan, magkakaroon ng kaunlaran itong ating bansa.
Aanhin natin ang wikang dayuhan kung iilan lamang sa atin ang nakaiintindi? hindi
ba’t ang pagiging makabuluhan ng isang wika ay yaong naiintindihan, nagagamit
at napapakinabangan ng lahat? Oo nga’t Ingles ang wikang ginagamit sa
pandaigdigang kalakaran at ito’y hindi natin maiwawalang- bahala lang. Hindi rin
naman masama ang panghihiram dahil nakatutulong ito na mapanatiling buhay
ang isang wika. Nagiging midyum ito sa pakikipagkomunikasyon sa ibang bansa.
Ngunit paano kaya kung ang wikang Filipino ang ginagamit natin sa mga
panayam, pakikipag- ugnayan at pakikihalubilo sa kapwa Pilipino? Hindi ba’t mas
mainam dahil naiintindihan ito ng lahat ng tao sa Pilipinas? At kung gamitin kaya
ito sa mga inilalathala sa pahayagan, hindi ba’t mas madali nating maaabot ang
mga hinanaing, mga naisin o kaya’y mga pangyayari sa ating bansa?
Wikang Filipino ang sentro ng Pilipinas na pinanggagalingan ng lakas para
mapatatag ang ating bansa. Ito ang bumibigkis sa mga Pilipino upang magkaisa
para sa ikauunlad nitong bansa.
Wika; sagisag ng kabansagan, sagisag ng kalayaan, sagisag ng karangalan, susi sa
pagkakaunawaan, tungo sa kaunlaran, nitong ating Lupang Tinubuan.
Hango mula sa : https://pinoycollection.com/talumpati-tungkol-sa-wika/

Panuto:Ipaliwanag ang mga sumusunod na mga katanungan.Isulat ito sa


sagutang papel
1.Sang-ayon ba kayo sa pahayag na umuunlad ang ating wikang Filipino?
2. Tama ba na isa sa mga dahilan ng pag-unlad ng ating wika ay ang paglipas ng
panahon.

3. Nakaaapekto ba ang wikang Ingles sa pag-unlad ng ating bansa sa kasalukuyan?


(Pangatuwiranan)

4.Dapat bang kalimutan ang mga lumang salitang minana mula sa ating mga
ninuno?
(Pangatuwiranan)

5. Bilang mag-aaral, may maitutulong ba kayo sa pag-unlad ng wika?

You might also like