Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Tech-voc reviewer

Flyers at Leaflets
Flyers
- Aart Design (2013)
- matatawag din na handbill o leaflet at may sukat na 8 ½” x 11”

Dalawang uri ng flyers


a. Business - Ginagamit sa paglunsad ng produkto o serbisyo at ng kumpanya
Matatawag din na “professional flyer”
b. Club - Ginagamit sa pag anunsyo ng mga okasyon gaya ng pista, pagtitipon, party
- Gumagamit ng makulay at magandang papel

3 lugar na pwedeng ikalat ang flyers (Taradel, 2008)


a. Matataong lugar - paaralan, pamilihan, lugar na madaming dumadaan
b. Pahayagan - mahal pero madaming maaabot na demograpiko. Minsan ay naka
stapeler lang o newspaper insert
c. Kainan - Community boards sa mga kainan gaya ng Starbucks

5 Kumbensyunal na pamamahagi ng flyers at leaflets (Digitalpress, 2013)

a. Inserts - nilalagay sa pahayagan o dyaryo o magasin


b. Mailers - inilalagay ng mga kumpanya sa sobre ng bayarin
c. Imbitasyon - ginagamit ng ahente ng produktoo real estate
d. Price sheets - ginagamit ng fastfood restaurants at nagsisilbi na din na menu
e. Gift certificates at coupons - “ang pao” na binibigay ng mga fastfood restaurants
- epektibo sa paglunsad ng mga diskwento at mga promo

Feasibility study
- Ito ay ginagamit upang malaman kung ang isang proyekot na gagawin ay magiging
patipid, gagana sa lugar, tatangkilikin, at kung meron bang kakayahan kumita ng pera
sa pang matagalan

Nilalaman:
- Kapital
- Target na mamimili
- Patakaran
- Balakid sa negsyo at mga solution
Gawing pundasyon
- Nagiging ligtas ang isang kumpanya sa biglaang pagbabago
- Unti-untiin ang pagpalit ng sistema magmula sa luma papunta sa bago
- isaalang alang ang proseso sa pagnenegosyo
- buksan ang isip sa alternatibong solusyon

Mga sinasaklawang paksa


- Market issues
- Technical at organizational requirements
- Financial overview

Uri ng feasibility study


- Operasyunal
- Teknikal
- Iskedyul
- Ekonomik

Manwal: Gabay at tulong


(StackExchange, 2015)
Manwal - detalyadong lathalain kadalasan ginagamit sa makina o pag gamit ng
produkto
Guide - Pangkaraniwang katawagan o generic. Ginagamit pag di gaanong kabigat ang
pagka teknikal

Mga uri ng manwal

1. Manwal na pamamaraan - dapat gawin sa isang trabaho


2. Manwal ng mga patakaran - batas at polisiya ng organisasyon
3. Manwal ng pamantayan - nagsasabi kung ano ang dapat pag basehan sa mga
produktong bibilhin ng isang kumpanya. Karaniwang ginagamit ng mga inhinyero
4. Guidebook - gabay sa mga alituntunin
5. User’s Manual - dapat gawin ng isang konsyumer ukol sa nabiling produkto
6. Manwal ng batayan - ginagamit sa software o hardware ng kompyuter. Halos
parehas ng user’s manual
7. Manual ng pagsasanay - ginagamit ng mga bagong empleyado sa isang
organisasyon o kumpanya
8. Manwal ng operator - Ito ay isang detalyadong manwal ukol sa pagpapagana
ng isang makina, instrument, o gadyet
9. Serbis manwal - Karaniwang ginagamit ng mga teknisyan at inhinyero para
ayusin ang mga sirang makina o preventive maintenance
10. Field guide - gabay sa mga teknisyan na rumoronda at nagbibigay serbisyo
sa mga kliyente

Alituntunin sa pagsulat ng manwal


1. Ilagay ang sarili bilang isang konsyumer
2. Gumagamit ng “active voice” o tinig tahasan
3. Bigyan lagi ng pansin ang mambabasa
4. Magsulat ng malinaw na direksyon
5. Bumuo ng pamantayan (laki ng mga titik at istilo ng text)

Paunawa, babala, at anunsyo

Paunawa - Isang akto ng pagbibigay-alam o pansin sa isang kaganapan


Babala - Pahiwatig, pananakot at nagbibigay pananda ng isang parating na
peligro.
- Karaniwang binibigay kasama ng mga pahayagan at makikita sa mga
website ng gobyerno
Patalastas o anunsyo - sinusulat sa iba’t ibang rason gaya ng:
1. Pag-iisang dibdib ng magkasintahan (kasal)
2. Paghahanap ng otoridad (wanted poster)
3. Binyagan
4. Mga kunukumpuning daan
5. Anunsyo ng kapulisan laban sa tulisan
6. Obitwaryo at iba pa

Pagsulat ng paunawa, babala, at anunsyo


1. Simple, maikli, pero kumpleto sa mahahalagang impormasyon
2. Ang tono ay dapat positibo at naangkop sa mga anunsyo (obitwaryo ->
nakikiramayna tono, paghahanap sa tulisan -> seryosong tono)
3. Madaling intindihin at hindi teknikal ang terminolohiyang ginamit

You might also like