Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

RADIO BROADCASTING SCRIPT STATION ID:

_________________________________________________ ( SFX )

PROGRAM ID: ________________________________________________

( SFX )

ANCHOR 1 (Pat):: NARITO NA NAMAN PO ANG __________________ UPANG MAGHATID


NG MGA MAIINIT NA BALITA NGAYONG UMAGA.

( NEWS REPORTING SFX )

ANCHOR 1(Pat): SA ULO NG MGA NAGBABAGANG BALITA: PHASE-OUT NG JEEP,


TULOY

( NEWS REPORTING SFX )

ANCHOR 1 (Pat) ( BALITA ) w/ SUSPENSE SFX – BACKGROUND

Itutuloy na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang


pag phase out sa mga kakarag karag at mga luma ng pampasaherong jeep na may
edad 15 taon na. Sa press conference, sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra na
kinakailangan na matanggal na sa pagpasada ang mga lumang jeep upang
makapagbigay ng mas maayos na serbisyo sa riding public. Tanging ang mga jeep na
lamang umano ang hindi pa naisasailalim sa 15 year old phase out ng mga sasakyan
at nauna nang isailalim sa modernization program ang mga taxi units, bus units at
AUVs. Sinabi ni Delgra na handa namang tumulong ang ahensiya upang makautang
ang mga operator ng jeep sa pagkakatiwalaang bangko upang sila ay makabili ng
bagong sasakyan na pampalit sa maapektuhan ng phase out. “Handa naman kaming
tulungan sila hanggat makakaya namin upang hindi naman maapektuhan ng matindi
ang kanilang kabuhayan,” paliwanag ni Delgra. Iniulat din ni Delgra na sa gagawing
pag aayos ng mga rumurutang jeep sa bawat lansangan ay aalamin ang kaukulang
bilang sa bawat ruta upang ang mas maraming sasakyan ay mailalagay sa mas higit
na maraming mananakay at upang makatulong din sa pagsugpo ng traffic sa bawat
lugar.

( NEWS REPORTING SFX )

ANCHOR 2 (Leian): 3 KARNAPER BULAGTA SA SHOOTOUT

( NEWS REPORTING SFX )

ANCHOR 2 (Leian): ( BALITA ) w/ SUSPENSE SFX - BACKGROUND

Tatlong notoryus na motorcycle thieves ang napatay makaraang manlaban sa mga


pulis sa naganap na shootout sa Sitio Taguan, Barangay Bagolibas sa bayan ng
Aleosan, North Cotabat kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mga napatay na sina
Dante Cadalum Lingagawang, 37; Bukari Dimanalao, 24 kapwa nakatira sa Brgy.
Macabual sa bayan ng Pikit, North Cotabato; at si Tikboy Mando Abu, 30, ng
Barangay Fort sa bayan ng Pikit. Base sa police report na isinumite kay P/Senior
Supt. Emmanuel Peralta, inireklamo ang tatlo kaugnay sa dalawang motorsiklo na
ninakaw sa bayan ng Aleosan malapit lamang sa munisipyo Kaagad na naglataga ng
checkpoint ang mga pulisya kung saan namataan ang tatlo na lulan ng motorsiklo
kaya tinangkang parahin subalit tumakas. Gayunman, nagkahabulan at nanlaban ang
tatlo kaya nagkaputukan mula sa Barangay San Mateo hanggang sa mapatay
pagsapit sa Sitio Taguan. Isinugod pa sa Aleosan District Hospital subalit
ideneklarang patay ang tatlo. Narekober ang cal. 45 pistol, cal. 38 revolver at da-
lawang motorsiklo na sinasabing ninakaw.

COMMERCIAL BREAK / PAALALA

( NEWS REPORTING SFX )

ANCHOR ( SPORTS ) (James) : NAGBABALIK PO ANG __________________________ ETO


PO ANG INYONG TAGAPAGLIGKOD NA SI ______________________ PARA SA SPORTS
NGAYON!

( NEWS REPORTING SFX )

ANCHOR ( SPORTS ) (James): CELTICS NAISAHAN: WESTBROOK BUMIDA ULI SA


PANALO NG THUNDER ANCHOR ( SPORTS ) (James): ( BALITA ) w/ SUSPENSE SFX –
BACKGROUND

Sports

Nagwakas na ang pagtatala ni Russell Westbrook ng sunud-sunod na triple-double sa


pito, ngunit tinapos ang gabi na nakamit ang dalawang mahalagang bagay sa kanya
--ang panalo at ang pagbabalik ng shooting stroke. Umiskor si Westbrook ng 23 sa
kanyang 37 points sa second half para banderahan ang 99-96 pagtakas ng Thunder
laban sa Boston Celtics. Nagtala rin siya ng 12 rebounds at 6 assists na tumapos sa
pinakamahabang triple-double streak sa NBA matapos ang pito ni Michael Jordan
noong 1989.Sa naturang pitong sunod na paglilista ng triple-double ay hindi naging
kuntento si Westbrook sa kanyang 38 percent fieldgoal shooting. Laban sa Celtics ay
nagtumpok siya ng 14-of-26 shots.Hindi rin nag-alala si Westbrook sa pagtatapos ng
kanyang triple-double streak. Tumipa naman si Steven Adams ng 16 points mula sa
7-for-8 shooting kasunod ang 14 markers ni Enes Kanter para sa Thunder, naipanalo
ang pito sa huli nilang walong laro. Pinamunuan naman ni Al Horford ang Celtics sa
kanyang 19 points kasunod ang tig-18 nina Jae Crowder at Avery Bradley. Kinuha ng
Boston ang first half, 43-39 hanggang palobohin ito sa 13-point lead sa third quarter.
Nakatabla ang Oklahoma City sa 94-94 bago isinalpak ni Westbrook ang kanyang
driving layup sa huling 30.6 segundo para sa kanilang 96-94 abante. Sa jump ball ay
natapik ni Westbrook ang bola na nagresulta sa dunk ni Jerami Grant na naglayo sa
Thunder sa 98-94 sa nalalabing 14.4 segundo. Sa Minneapolis, kumamada si Klay
Thompson ng 30 points at bumangon ang Golden State Warriors mula sa kabiguan
para kunin ang 116-108 panalo laban sa Timberwolves. Nagdagdag si Stephen Curry
ng 22 points at 9 assists para sa Warriors na pinalawig ang kanilang NBA-record
streak sa 111 regular-season games nang hindi natatalo ng dalawang sunod.
Kumolekta naman sina Karl-Anthony Towns at Andrew Wiggins ng tig-25 points para
sa Timberwolves (6-18), nalasap ang kanilang ikaapat na dikit na kamalasan
ANCHOR ( SHOWBIZ ) (Daniel): DUMAKO NAMAN PO TAYO SA SHOWBIZ BALITA!
AKO PO ANG INYONG TAGAPAGLINGKOD ____________________ PARA SA BALITANG
SHOWBIZ!

( EXCITING SOUND FX)

ANCHOR ( SHOWBIZ ) (Daniel) : KAHIT NASA ERE, LUIS NAGLABAS NG


PAGMAMAHAL KAY JESSY ANCHOR ( SHOWBIZ ) : (BALITA) w/ EXCITING SOUND FX
– BACKGROUND

Showbiz

Maraming kinilig sa ka-sweetan ni Luis Manzano sa girlfriend niyang si Jessy


Mendiola nang kasama itong mag-guest sa Family Feud last Sunday ng grupo ng
Chinoy, Mano Po 7. Pagka-intro pa lang ni Richard Yap kay Jessy ay nilapitan na
agad siya ng host ng programa at niyakap na tamang pag-welcome raw. At sa next
level ng round kung saan turn na ni Jessy ay binati ni Luis ang girlfriend ng belated
happy birthday. Pero may sundot itong tanong kung ano ba ang best gift na
natanggap niya (Jessy) last birthday. At sagot nito “ikaw” na obvious na sobrang
ikinakilig ni Luis. Sa follow up question ni Luis “paano mo nasabi na ako ‘yung best
gift mo?” “Kasi pinasasaya mo ako,” sagot naman ni Jessy.Hindi lang ‘yun. Tinanong
pa on air ng TV host kung mahal ba siya ni Jessy nang makarating na sa jackpot
round. “Ang unang tanong ay… mahal mo ba ako?” Mabilis na ‘oo’ ang sagot ng
aktres na kasama sa pelikulang Mano Po 7 na palabas na sa mga sinehan simula sa
MiyerkulesObvious din namang kilig-kiligan si Jessy though parang may kasamang
gulat ang reaction niya.

( NEWS SFX )

ANCHOR 1 (Pat, Leian): ORAS NG HUDYAT __________________________

ANCHOR 1 (Pat):: AT IYAN PO ANG MGA NAGBABAGANG BALITA SA ARAW NA ITO!

( NEWS FX )

ANCHOR 1 (Pat):: ITO PO ANG INYONG LINGKOD _________________________

ANCHOR 2 (Leina): AT ________________________________

ANCHOR 1&2 (Pat): : AT ITO ANG _______________________________

(NEWS FX)

You might also like