Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

BATIANCILA, JEA MAE G.

August 20, 2022


MW (10:30-12:00nn) PANITIKAN NG PILIPINAS GAWAIN 1

Ang panitikan ay naging mahalagang parte sa buhay at kultura nating mga Pilipino. Ito ay nagbigay
paglalarawan at representasyon sa mga karanasan, kultura, paniniwala, tradisyun at mga kathang
isip ng mga sinaunang Pilipino. Ito’y nagbigay daan upang ating mapag-aralan ang mga
pangyayari sa ating kasaysayan at maisabuhay ang mga aral na hatid nito, nagbigay daan din ang
panitikan upang magkaroon tayo ng tinatamasang kalayaan sa kasalukuyang panahon.

Ayon kay Miguel Bernard, S. J. (1954:146), ang panitikan ay kaisipan at pagpapahayag: di-
malilimot na kaisipan sa di-malilimot na pagpapahayag kung kaya’t ito ay isang masining na
pagpapahayag batay sa paggamit ng mga salita at wika na parehong nakasulat at sinasalita. Sa
kasaysayan, ang salitang panitikan ay nagmula sa salitang Latin na literatura na ang kahulugan
ay titik o letra. Ang terminong ito ay tumutukoy din sa isang hanay ng mga pampanitikang
produksyon, tulad ng mga aklat na isinulat ng isang bansa, wika, o panahon. Maaari din itong
gamitin upang sumangguni sa isang hanay ng mga gawa na nakatuon sa isang partikular na
paksa. Ang panitikan ay isang paraan ng pagpapahayag ng mga karanasan, damdamin, kaisipan,
at kwento. Minsan ito ay makatotohanan, minsan ito ay ginawa para sa isang layunin na maghatid
pangaral sa bawat indibidwal.

Ang panitikan ay nahahati sa dalawang pangunahing anyo. Ito ay ang “tuluyan o prosa” at
“patula o panulaan” o prose at poetry sa Ingles. Ang prosa ay ang paggamit ng mga salita sa
isang pangungusap na walang pagtutugma o pasukat kung kaya’t ang isang manunulat ay
malayang naipapahayag ang kanyang damdamin sa pamamagitan ng patalata. Ang alamat,
nobela, kathambuhay, anekdota, pabula, parabula, maikling kwento, sanaysay, dula, at kwentong-
bayan ay ilan lamang sa mga halimbawa nito. Ang patula naman ay ang pagbubuo ng
pangungusap sa pamamagitan ng pasukat at patugma-tugma sa isang saknong at taludtod na
kung saan ang isang manunulat ay limitasyong sinunsunod upang mas maging epektibo ang
kanyang akda para sa mga mambabasa at tagapakinig. Ilan sa mga halimbawa nito ay awit at
korido, epiko, balad, sawikain, salawikain, bugtong, tanaga, at iba pa. Marahil ang mga
halimbawang ito ay may pagkakatulad ngunit mayroon din itong pagkakaiba batay sa mga
elementong ginagamit at paraang ng pagsulat nito. Ang pinaka tanyag na prosang binabasa para
sa mga kabataan ay ang kwentong bayan at alamat.

Ang Kwentong–Bayan o folklore sa Ingles ay isang akdang pampanitikan na likhang-isip ng tao


at kapupulutan ng maraming aral at mensahe. Ito ay malayang nagsasalaysay ng mga paniniwala,
tradisyon, kultura at kaugalian ng isang komunidad o lugar. Ito ay isang kwentong nagsasalaysay
ng mga tradisyong Pilipino. Karamihan sa kwentong-bayan ay tungkol sa kanilang mga diyos at
Espiritu na siyang nagtatakda ng kapalaran ng tao. Ang kwentong bayan ay naglalarawan din ng
mga kaugalian, pananampalatay at mga suliraning panlipunan. Ito din ay mga kwento at salaysay
na hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhang kumakatawan sa mga uri ng mamamayan.
Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o
lupain.

Ang Alamat o legend sa Ingles ito ay isang uri ng kwentong bayan at panitikan na nagkukuwento
ukol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Isang kwento nag naglalayong
magbigay paliwanag sa pinagmulan ng mga bagay. Ito ay karaniwang pinapasa o sinasalaysay sa
pamamagitan ng pagkukwento sa mga kabataan gamit ang pakikipagtalastasan o direktang
pagkukwento o ito din ay ang tinatawag nating saling dila. Karaniwan, ito ay may iniiwang aral o
moral lesson sa mga mambabasa na makakatulong sa pang araw-araw na pamumuhay.

Ayon kay Cuasay, (1973) ang Alamat ay kwentong nagpapaliwanag ng pinagmulan ng unang
bayan, bulaklak, halaman, bunga, hayop at karaniwang bagay. Kung kaya’t masasabi natin na
nakabatay sa paligid natin ang pag sulat ng isang alamat. Inspirasyon nito ang mga pinagmulan ng
mga bagay-bagay, at bunga ng malikhaing isipan ng mga manunulat upang magbigay aral sa
mambabasa.
Gayunpaman, ang kwentong bayan ay maaaring hango sa mga totoong pangyayari sa buhay. Ang
alamat, sa kabilang banda, ay uri ng isang kwentong bayan na base sa imahinasyon ng isang tao
o manunulat. Ang alamat ay produkto ng kanyang isipan samantalang ang kwentong bayan ay
produkto ng kanyang karanasan sa buhay na may aral na maibabahagi sa mambabasa. Gayun
paman, ang alamat at ang kwentong bayan ay may layuning magsalaysay. Pareho rin silang uri ng
literatura na ginagamit natin upang magkaroon ng kalaaman at. karunungan na kakikitaan ng aral
o moral lesson na magagamit sa ating pamumuhay.

Sanggunian:

https://www.scribd.com/document/437461165/Literatura-at-Panitikan

http://panitikangpnoy.blogspot.com/p/mga-kwentong-bayan-folktales.html

https://proudpinoy.ph/alamat/alamat-kahulugan-ano-ang-kahulugan-ng-alamat-tagalog-2021

You might also like