Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

DAILY LESSON LOG Paaralan Sto.

Niño National High School Baitang/Antas 8


(Pang-araw-araw na Guro KRIZEL E. WARDE Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Unang Markahan
UNANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamilya bilang natural na institusyon ng lipunan.

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng pagmamahalan
at pagtutulungan sa sariling pamilya.

1. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o may
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto Positibong impluwensya sa sarili. EsP8PB-Ia-1.1
(Isulat ang code ng bawat 2. Nabibigyang halaga ang kontribusyon ng bawat kasapi ng pamilya sa loob ng tahanan at sa
kasanayan) lipunang kinabibilangan nito.
3. Nakabubuo ng iba’t ibang pakahulugan tungkol sa pamilya gamit ang iba’t ibang malikhaing
pamamaraan.

II. Nilalaman Modyul 1: Ang Pamilya bilang Natural na Institusyon


A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p. 2-9
Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p.1-18
Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng
http://lrmds.deped.gov.ph/detail/24/5532
Learning Resource
5. Iba pang Kagamitang Mga Larawan mula sa internet
Panturo
https://www.google.com.ph/search?
q=clipart+marriage&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwi007rGyP
_RAhXFX5QKHSbB9oQ_AUIBigB#tbm=isch&q=clipart+wedding&imgdii=DC3tkxJsEmjguM:&imgr
c=IW9BIqGVtPF0KM:

https://www.google.com.ph/search?
q=clipart+marriage&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwi007rGyP
_RAhXFX5QKHS-bB9oQ_AUIBigB#tbm=isch&q=clip-art+family&imgrc=7q2wVgTF1RKOLM:

Mga pangkulay at makukulay na papel


Panturong Biswal: LCD projector, laptop, ESP 8 Modyul para sa Mag-aaral

III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin A. Gamit ang flash cards ipabasa ang mga konsepto sa ibaba. Tumawag ng ilang mag-aaral na
at pagsisimula ng bagong magpapaliwanag ukol dito. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
aralin. Hilig Pamilya Pagpapasiya
Talento Sekswalidad Pagpapahalaga sa pag-aaral

B. Pasagutan ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin.


(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

Paunang Pagtataya
Panuto: Isulat sa notbuk ang titik lamang ng mga sagot sa sumusunod na pagsusulit.

1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sector. Alin sa mga institusyon sa
lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
a. Paaralan
b. Pamilya
c. Pamahalaan
d. Barangay
2. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na pahayag
ang dahilan?
a. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan.
b. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag sa pagdami ng pamilya.
c. Nabuo ang pamilya dahil sa pamamagitan ng dalawang taong nagpasiyang
magpakasal at magsama nang habambuhay.
d. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa
kapwa.

3. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving).
Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa nasabing batas?
a. Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng
kaniyang pamilya.
b. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng
panahon sila naman ang maghahanapbuhay sa pamilya.
c. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng
karagdagang baon sa iskwela.
d. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung
kaya’t inaaruga nila nang mabuti ang kanilang mga anak.

4. “Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa.” Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng
pamilya ganoon din sa lipunan.
b. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
c. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa
lipunan.
d. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin ang
lipunan.

5. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa sumusunod


na pahayag ang hindi nagpapatunay nito?
a. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao.
b. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak, gayundin ang
magiging pakikitungo nito sa iba.
c. Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang-loob at maayos na pakikitungo
sa kapwa.
d. Kapwa wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na
gagabay sa mga bata.

6. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang


maayos na pamilya?
a. Pinagsama ng kasal ang magulang
b. Pagkakaroon ng mga anak
c. Pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
d. Mga patakaran sa pamilya

7. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat
ang pagsisimba ng magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na
dapat mong tularan?
a. Buo at matatag
b. May disiplina ang bawat isa
c. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
d. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman

8. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy na
pundasyon ng edukasyon para sa panlipunang buhay (social life)?
a. Ang pamilya ang siyang may katungkulan napag-aralin ang mga anak.
b. Ang mga magulang ang unang naging guro, gumagabay, at nagtuturo ng
pakikitungo sa kapwa.
c. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo sa loob
ng tahanan.
d. Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ngating buhay.
9. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?
a. Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong
pamilya.
b. Dahil wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya.
c. Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng
kanilang makakaya.
d. Sapagkat natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita ang suporta
ng bawat isa.

10. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao.”


Ano ang ibubunga nito sa isang tao kung ito ang kanyang isasabuhay?
a. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kanyang
pakikipagkapwa tao.
b. Nakatutulong ito sa kanyang suliranin sa buhay upang masolusyunan ang
problema.
c. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa
pakikipagkapwa tao.
d. Madaling matanggap ng kapwa ang isag tao na maayos ang pamilyang
kinabibilangan.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang layunin ng aralin.
at pagganyak
1. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o
may positibong impluwensya sa sarili.
2. Nabibigyang halaga ang kontribusyon ng bawat kasapi ng pamilya sa loob ng tahanan
at sa lipunang kinabibilangan nito.
3. Nakabubuo ng iba’t ibang pakahulugan tungkol sa pamilya gamit ang iba’t ibang
malikhaing pamamaraan.
B. Tingnan at suriin ang bawat larawan. Magbigay ng isang salitang mahihinuha mula sa mga
larawan sa ibaba. (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Integrative/Constructivist Approach)

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa


sa bagong aralin Ipamahagi sa mga mag-aaral ang kopya ng tula at ipabasa ng sabayan. Pasagutan ang
katanungan sa ibaba. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective approach)

Ang Aking Pamilya


ni: Julie Ann F. Rosario
Sa mundong ito, simula nang ako’y mabuhay,
Ang mga magulang ko ang aking taga gabay.
Sa mundong puno ng lungkot at problema,
Hindi nila ko hinayaang mag-isa at walang kasama.

Sa loob ng labing-anim na pagkabuhay ko sa mundo,


Nagpapasalamat ako sa mga magulang ko.
Mula sa araw ng aking pagsilang, sila’y nasa tabi.
Hindi nila ko hinayaan hanggang sa ako’y lumaki.

Laking pasasalamat ko sa kanilang pag-aalaga


Pagkat ako’y lumaki nang maayos at may kuwenta.
Kapag may problema, laging nariyan para umalala
Dahil sa ako’y mahal at anak nila.

Bilang isang anak, hindi man ako perpekto.


Ayos lang dahil sila nama’y mahal ko.
Hindi ko man ipakita ang pagmamahal na ito
Alam kong nararamdaman ito ng kanilang puso.

Salamat sa inyo, aking ama’t ina.


Sa walang sawa niyong pagsuporta.
Alay ko sa inyo ang matatanggap na medalya,
Kapalit ng inyong maayos na pag-aaruga.

1. Anong mga katangian ng isang pamilya ang isinasabuhay sa tula?


2. Ano-ano ang mga gampanin ng mga magulang ang isinasabuhay sa tula? Ano-ano ang mga
gampanin ng mga anak?

D. Pagtalakay ng bagong Hatiin ang klase sa apat na grupo at isagawa ang gawaing “Ang Aking Pananaw tungkol
konsepto at paglalahad ng sa Pamilya”. Sundin ang sumusunod na gawain sa paglalarawan ng inyong pamilya. Gamitin ang
bagong kasanayan #1 rubric sa susunod na pahina sa paglalarawan ng pananaw o pakahulugan ng pamilya. Bigyan ng

apat (4) na minuto ang bawat pangkat sa pagbabahagi sa klase ng kanilang gawain. Matapos ang
gawain, tumawag ng ilang mag-aaral upang sagutan ang katanungan sa ibaba. (Gawin sa loob
ng 20 minuto) (Collaborative Approach)

Pangkat I
Gumuhit ng larawan o di kaya’y gumupit ng mga larawang maaaring magamit sa paglalarawan ng
inyong pamilya.

Pangkat II
Pumili ng isang Tagalog o Ingles na awiting naglalarawan sa inyong pamilya. Ipaliwanag ang
kaugnayan nito.

Pangkat III
Sumulat ng dalawang saknong na tulang naglalarawan sa inyong pamilya.
Pangkat IV
Lumikha ng isang maikling dula ng paglalarawan ng inyong pamilya.

1. Anong isang salita ang maaari mong gamiting paglalarawan sa pamilya? Bakit mo napili ang
salitang ito?
2. Anong karanasan sa pamilya ang nagbunsod sa iyo upang magkaroon ng ganitong pananaw
tungkol sa pamilya?
3. Anong mahalagang mensahe ang nais mong ipaabot sa iyong sariling pamilya?

Kraytirya 4 3 2 1
Komprehensibo Gumamit ng May 1-2 salitang May 3-4 salitang May 5 o mahigit
ang ginawang simple ngunit hindi hindi pang salitang
paglalarawan malinaw na mga maunawaan ang maunawaan ang hindi
salita tunay na tunay na maunawaan ang
kahulugan kahulugan tunay na
Maiksi ngunit kahulugan
sapat ang Masyadong May kahulugan
ginawang mahaba at sa ginawang Hindi malinaw
paglalarawan maligoy ang paglalarawan ang mensahe o
ginawang nilalaman ng
paglalarawan paglalarawan
Tugma ang mga Lahat ng May isang May dalawang May 3 o mahigit
ginamit na simbolong simbolong hindi simbolong hindi pang simbolong
simbolo sa ginamit ay tugma tugma sa tugma sa hindi tugma sa
paglalarawan sa paglalarawan paglalarawan paglalarawan paglalarawan
Naipakita ang Nakita ang Nakita ang Hindi nakita ang Hindi nakagawa
pagkamalikhain pagkamalikhain pagkamalikhain pagkamalikhain ng malikhaing
ng sariling sa kabuuan ng ngunit hindi sa ginawang paglalarawan
pakahulugan sa paglalarawan at gaanong paglalarawan
pamilya tunay na nakapupukaw ng
nakapupukaw ng pansin
pansin ang
kabuuan ng
paglalarawan
May kalakip na Maikli ngunit Hindi naging Hindi Walang kalakip
maikling malinaw ang tuwiran ang naipaliwanag nito na paliwanag
paliwanag paliwanag paliwanag ang nilalaman ng ang malikhaing
malikhaing paglalarawan
paglalarawan
Isagawa ang gawaing “Ang Gampanin ng bawat Kasapi ng Pamilya”. Isa-isahin ang mga
E. Pagtalakay ng bagong naiambag ng mga kasapi ng iyong sariling pamilya para sa sarili, sa mga kasapi ng pamilya at sa
konsepto at paglalahad ng pamayanan. Sundin ang sumusunod na hakbang sa pagsasagawa ng gawain. (Gawin sa loob
bagong kasanayan #2 ng 15 minuto) (Integrative approach)

1. Gumuhit sa notbuk ng isang bahay na nagpapakita ng mahahalagang bahagi nito.


2. Gamitin ang istruktura ng bahay at ang ilang kagamitang naririto upang ilarawan mo ang
bawat kasapi ng iyong pamilya at ang mahahalagang kontribusyon nila sa iyo, sa iba
pang kasapi ng pamilya o sa buong pamilya.
Halimbawa:
Ang aking ama ang _____________________ Ang aking ina ang _____________________
dahil ________________________________. dahil ________________________________.

Ang aking kuya ang _____________________ Ang aking ate ang _____________________
dahil ________________________________. dahil ________________________________.

3. Tiyaking mailalarawan mo ang lahat ng kasapi ng pamilya at ang iyong sarili.


4. Matapos ito ay humanap ng isa pang kapwa mo mag-aaral o kaibigan na
pagbabahaginan mo ng iyong ginawa.
5. Itala sa iyong notbuk ang mahahalagang pangyayaring naganap sa iyong ginawang
pagbabahagi.
6. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod natanong:
a. Ano ang iyong mga natuklasan sa natapos na gawain? Ipaliwanag.
b. Bakit mahalagang magampanan ng bawat kasapi ng pamilya ang kanilang
tungkulin? Ipaliwanag.
c. Paano mo napahahalagahan ang kontribusyon ng bawat kasapi ng iyong pamilya
sa iyo at sa iyong pamilya?
d. Anong mga katangian ang taglay mo ngayon ang namana mo sa iyong pamilya?

F. Paglinang saKabihasahan Sagutan ang sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa notbuk. (Gawin sa
(Tungo sa Formative loob ng 2 minuto) (Reflective Approach)
Assessment)
1. Ano ang iyong nahinuha sa nakaraang gawain tungkol sa iyong pamilya?
2. Anong isang salita ang maglalarawan sa iyong pamilya? Ipaliwanag.
3. Bakit mahalagang magampanan ng bawat miyembro ng iyong pamilya ang kanilang
kontribusyon o gampanin?

G. Paglalapat sa aralin sa pang- Bilang isang anak na bahagi ng isang pamilya, magtala ng limang gampanin o
araw-araw na buhay kontribusyon sa loob ng iyong tahanan na lubos na nakatutulong upang mas mapalago ang
samahan ng iyong pamilya. (Gawin sa loob ng 2 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
1. ___________________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________________
3. ___________________________________________________________________________
4. ___________________________________________________________________________
5.___________________________________________________________________________

H. Paglalahat sa aralin Ang pamilya ay binubuo ng isang lipunan na magkakasama at pinamamahalaan ng ama’t
ina na siya ring gumagabay sa mga anak. Ang bawat kasapi ng pamilya ay may mga bahaging
ginagampanan na makatutulong upang mapalago at mapanatiling matatag ang kanilang
samahan.

I. Pagtataya ng Aralin Kumpletuhin ang sumusunod na pangungusap hinggil sa iyong pananaw sa pamilya. Isulat
ito sa isang papel. (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Constructivist Approach)

1. Ang aking pananaw tungkol sa pamilya ay ________________________________________.


2. Maihahalintulad ko ang aking pamilya sa __________________ sapagkat _______________.
3. Ang gampanin o tungkulin ng pamilya ay _____________________________________.
4. Mahalagang magampanan ng bawat kasapi ng pamilya ang kanilang tungkulin sapagkat
5. Mas mapapatibay ang samahan ng pamilya kung __________________________________.
Magtala sa iyong notbuk ng 5-10 karanasan sa pamilya na nagkaroon ng positibong
J. Karagdagang gawain para sa
impluwensiya sa iyong sarili.
takdang-aralin at remediation

IV. Mga Tala


V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial?


Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punong-guro at
superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Inihanda ni: Binanggit ni:

KRIZEL E. WARDE DANIEL R. PRUDENCIANO


Guro ng Paksa Punong-Guro I

DAILY LESSON LOG Paaralan Sto. Niño National High SchoolBaitang/Antas 8


(Pang-araw-araw n Guro KRIZEL E. WARDE Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Unang Markahan
IKALAWANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamilya bilang natural na institusyon ng lipunan.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng pagmamahalan at
pagtutulungan sa sariling pamilya.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan at pagtutulungan sa isang pamilyang
Isulat ang code ng bawat nakasama, namasid o napanood. EsP8PBIa-1.2
kasanayan
2. Naibabahagi ang mga karanasan tungkol sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o
nagkaroon ng positibong impluwensiya sa sarili.

3. Naiuugnay ang mga karanasan sa sariling pamilya sa pagpapaunlad ng pakikipagkapwa


tao.

II. Nilalaman Modyul 1: Ang Pamilya bilang Natural na Institusyon


A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p. 9
Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p. 9-10
Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/detail/24/5532
mula sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Larawan ng sariling pamilya
Panturong Biswal: LCD projector, laptop
III. Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin Ipakita ang Concept Web, tumawag ng ilang mag-aaral upang isulat sa loob ng kahon ang
at pagsisimula ng bagong tungkulin ng bawat kasapi o miyembro ng pamilya. Ipabasa sa klase ang nabuong kasagutan.
aralin. (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)

AMA
INA

MGA
ANAK

B. Paghahabi sa layunin ng aralin A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang layunin ng aralin.
at pagganyak
1. Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan at pagtutulungan sa isang pamilyang
nakasama, namasid o napanood.
2. Naibabahagi ang mga karanasan tungkol sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o
nagkaroon ng positibong impluwensiya sa sarili.
3. Naiiugnay ang mga karanasan sa sariling pamilya sa pagpapaunlad ng pakikipagkapwa
tao.

B. Paguhitin ang mag-aaral ng isang bagay na sumisimbolo sa pagtutulungan at pagmamahalan


ng kanilang pamilya. Ibahagi sa klase ang iginuhit na simbolo at ipaliwanag ito. (Gawin sa loob
ng 3 minuto) (Reflective Approach)
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Makinig sa maikling sawikain ni dating Kalihim Jesse Robredo tungkol sa kanyang mga aral
sa bagong aralin na natutuhan sa kanyang pamilya na babasahin ng guro. Magbahagi ng sariling karanasan na
natutuhan mo mula sa iyong pamilya na patuloy na isinasabuhay mo sa kasalukuyan. Tumawag ng
ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang sariling karanasan. (Gawin sa loob ng 3 minuto)
(Reflective Approach)

“Sa aking mga magulang ay natutuhan ko ang pagmamalasakit sa


kapwa, ang pagiging matipid, at ang pamumuhay ng simple. Sa aking ama,
natutuhan ko na ang pangangalaga sa integridad ng aking pagkatao at ang
karangalan ang pinakamahalaga sa lahat.”

- Dating Kalihim Jesse Robredo

D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng Humanap ng kapareha at isagawa ang Think-Pair-Share sa pagpapakilala ng sariling
bagong kasanayan #1 pamilya. Gamitin ang larawan ng iyong pamilya sa pagpapakilala. Tumawag ng isa hanggang
tatlong pareha upang magbahagi sa klase. Sa paglalarawan gamitin ang mga gabay na
pangungusap sa ibaba. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative Approach) a. Pagpapakilala sa
bawat miyembro o kasapi ng iyong pamilya b. Pagbabahagi ng mga katangian na maipagmamalaki
mo sa iyong pamilya c. Pagbabahagi ng mga kaugalian na iyong natutuhan sa iyong pamilya d.
Paglalahad ng mga karanasang hindi malilimutan kasama ang iyong pamilya.
E. Pagtalakay ng bagong Isagawa ang gawaing “Ako ay Ako dahil sa aking Pamilya”. Sundin ang sumusunod na
konsepto at paglalahad ng hakbang sa pagsasagawa ng gawain. Gamitin ang rubric sa susunod na pahina para sa paglikha ng
bagong kasanayan #2 scrap book. (Gawin sa loob ng 25 minuto) (Reflective/Integrative Approach)

1. Isa-isahin mo ang iyong karanasan sa pamilya na iyong kapupulutan ng aral o nagkaroon ng


positibong impluwensiya sa iyong sarili.
2. Suriin mo kung paano ka inihanda o inihahanda ng iyong pamilya sa mas malaking mundo
ng pakikipag-kapwa. Isa-isang itala sa iyong notbuk ang lahat ng mahahalagang
reyalisasyon mo tungkol dito.
3. Lumikha ng isang scrap book. Maaaring gumupit ng mga larawan mula sa lumang magasin
at gamitin ang mga ito upang ipahayag ang bunga ng ginawang pagsusuri.
4. Ibahagi sa klase ang ginawang scrapbook. Gamiting gabay ang halimbawa sa ibaba.

F. Paglinang sa Kabihasahan
(Tungo sa Formative
Assessment) Sagutin ang sumusunod na katanungan. (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)

1. Bakit mahalaga ang pagtutulungan sa loob ng tahanan?


2. Paano napapayabong ng pagmamahalan ang samahan ng isang pamilya?
3. Ano-anong karanasan kasama ang iyong pamilya ang nagpapakita ng pagmamahalan at
pagtutulungan?

G. Paglalapat sa aralin sa pang-


araw-araw na buhay Gumawa ng family log na nagpapakita ng masasaya at malulungkot na karanasan kasama
ang iyong pamilya. Sundin ang katulad na pormat sa ibaba. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
(Reflective/ntegrative Approach)

Petsa Masasayang Karanasan Petsa Malulungkot na Karanasan

H. Paglalahat sa aralin
Ang pamilya ang pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang pundasyon ng lipunan at
patuloy na namamagitan sa mag-asawa na nakakapagbigay-buhay dahil sa pagmamahalan. Ang
pagtutulungan ay natural ding dumadaloy sa pamilya sapagkat kaligayahan ng bawat kasapi ang
makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya.

I. Pagtataya ng Aralin Tukuyin kung ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng pagmamahalan at
pagtutulungan. Lagyan ng tsek kung ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng
pagtututlungan at pagmamahalan at ekis naman kung hindi. (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective
Approach)

__________1. Sama-samang gumagawa ng gawaing bahay ang buong pamilya.


__________2. Nagtatalo ang mga anak dahil sa hindi pagbibigayan.
__________3. Pagpapatuloy sa sariling tahanan sa mga kaapitbahay na nasunugan ng bahay.
__________4. Pag-unawa sa kakaibahan ng isang anak sa ibang kasapi ng pamilya.
__________5. Pagsasawalang bahala ng mga anak sa mga tungkuling iniatas ng mga
magulang.
__________6. Pagsisinungaling ng anak sa kanyang mga magulang.
__________7. Paghingi ng payo ng anak sa kanyang magulang hinggil sa kanyang problema.
__________8. Pagtulong ng panganay na anak sa kanyang bunsong kapatid sa paggawa ng
takdang-aralin.
__________9. Sama-samang pagsimba ng buong pamilya.
__________10. Pagpapakita ng kawalan ng galang ng mga anak sa kanilang mga magulang.

J. Karagdagang gawain para sa


takdang-aralin at remediation

IV. Mga Tala


V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punong-
guro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Inihanda ni: Binanggit ni:

KRIZEL E. WARDE DANIEL R. PRUDENCIANO


Guro ng Paksa Punong-Guro I

DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/Antas


(Pang-araw-araw na Guro Asignatura
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan
IKATLONG ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamilya bilang natural na institusyon ng lipunan.
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng pagmamahalan at
pagtutulungan sa sariling pamilya.
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto. Isulat ang code 1. Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at
ng bawat kasanayan pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang
pakikipagkapwa. EsP8PBIb-1.3
2. Natatalakay ang mga dahilan kung bakit itinuturing na institusyon ang pamilya.
3. Naibabahagi nang wasto ang mga dahilan kung bakit itinuturing na intitusyon ng lipunan ang
pamilya.
II. Nilalaman Modyul 1 : Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p. 10-12
Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p. 11-22
Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/detail/24/5532
mula sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Mga larawan mula sa internet

https://www.google.com.ph/search?q=clipart+marriage&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=is
ch&sa=X&ved=0ahUKEwi007rGyP_RAhXFX5QKHSbB9oQ_AUIBigB#tbm=isch&q=ang+pamilya+
bilang+institusyon&imgrc=K7vkcSyIBEvmCM:

https://www.google.com.ph/search?q=clipart+marriage&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=is
ch&sa=X&ved=0ahUKEwi007rGyP_RAhXFX5QKHSbB9oQ_AUIBigB#tbm=isch&q=ang+pamilya+
bilang+institusyon&imgrc=zaQqEgt8uTdU_M:

https://www.google.com.ph/search?q=clipart+marriage&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=is
ch&sa=X&ved=0ahUKEwi007rGyP_RAhXFX5QKHSbB9oQ_AUIBigB#tbm=isch&q=ang+pamilya+
bilang+institusyon&imgrc=CQ9vGN1k5ZVf5M:

https://www.google.com.ph/search?q=clipart+marriage&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=is
ch&sa=X&ved=0ahUKEwi007rGyP_RAhXFX5QKHSbB9oQ_AUIBigB#tbm=isch&q=ang+pamilya+
bilang+institusyon&imgrc=A8gNgSOeR59rSM:

https://www.youtube.com/watch?v=abchPjTCLac Larawan ng kotse na may stiker ng pamilya


Panturong Biswal: LCD projector, laptop
III. Pamamaraan
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Magbigay ng isang natatanging karanasan kasama ang iyong pamilya na sa kasalukuyan ay
at pagsisimula ng bagong patuloy na nakaiimpluwensiya sa iyong pagkatao tungo sa pakikipagkapwa. Ibahagi ito sa harap ng
aralin. klase. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
at pagganyak A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang layunin ng aralin.

1. Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at


pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang
pakikipagkapwa.
2. Natatalakay ang mga dahilan kung bakit itinuturing na institusyon ang pamilya.
3. Naibabahagi nang wasto ang mga dahilan kung bakit itinuturing na intitusyon ng lipunan
ang pamilya.

B. Ipapaskil ng guro ang katulad na larawan sa pisara at itatanong ang sumusunod na katanungan.
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

1. Nakita mo na ba ang katulad na larawang nasa likod ng kotse?


2. Nagkaroon ka ba ng katulad na karanasan?
3. Ano ang iyong naisip matapos mong makita ang katulad na larawan?
4. Ano ang iyong naramdaman nang ito ay una mong makita?
5. Ano ang ipinahihiwatig ng mga ito?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Panoorin ang maikling video tungkol sa kuwento ng isang pamilya
sa bagong aralin (https://www.youtube.com/watch?v=abchPjTCLac).

Sagutan ang katanungan sa iyong notbuk. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

1. Paano ipinakita ang pagmamahalan at pagtutulungan sa kuwentong inyong napanood?


2. Ano ang mga suliranin sa kuwentong nakahahadlang upang maisabuhay ang pagmamahalan
at pagtutulungan?
3. Anong aral tungkol sa pamilya ang ipinapahayag sa kuwento?

D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng Gamit ang powerpoint presentation, ilalahad at tatalakayin ng guro ang iba’t ibang kahulugan
bagong kasanayan #1 ng pamilya at ang pitong dahilan kung bakit itinuturing na institusyon ng lipunan ang pamilya.
Pangkatin sa pito ang mga mag-aaral at magtalaga ng isang lider at tagapag-ulat. Atasan ang bawat
pangkat na gumawa ng slogan na may 10-15 salita gamit ang itinalagang dahilan. Bigyan ng 2
minuto ang bawat pangkat upang ilahad ang kanilang ginawang islogan. Gamitin ang rubric sa
kasunod na pahina para sa pagsasagawa ng slogan. (Gawin sa loob ng 20 minuto) (Collaborative
Approach)

Pangkat I - Ang Pamilya ay Pamayanan ng mga Tao na kung Saan ang Maayos na Paraan ng Pag-
iral at Pamumuhay ay Nakabatay sa Ugnayan
Pangkat II - Nabuo ang Pamilya sa Pagmamahalan ng isang Lalaki at Babaeng Nagpasiyang
Magpakasal at Magsama nang Habangbuhay
Pangkat III - Ang Pamilya ang Una at Pinakamahalagang Yunit ng Lipunan. Ito ang Pundasyon at
Patuloy na Sumusuporta rito dahil sa Gampanin nitong Magbigay-Buhay
Pangkat IV - Ang Pamilya ang Orihinal na Paaralan ng Pagmamahal
Pangkat V - Ang Pamilya ang Una at Hindi Mapapalitang Paaralan para sa Panlipunang Buhay
Pangkat VI – May Panlipunan at Pampolitikal na Gampanin ang Pamilya
Pangkat VII – Mahalagang Misyon ng Pamilya ang Magbigay ng Edukasyon, Paggabay sa Mabuting
Pagpapasya at Paghubog ng Panamampalataya.

Kraytirya 10 7 5 2
Mensahe Ang mensahe ay Di gaanong Medyo magulo Walang
mabisang ipinakita ang ang mensahe mensaheng
naipakita mensahe naipakita
Pagkamalikhain Napakaganda at Maganda at Maganda ngunit Di maganda at
napakalinaw ng malinaw ang di gaanong Malabo ang
mga titik pagkakasulat ng malinaw ang pagkakasulat ng
mga titik pagkakasulat ng mga titik
mga titik
Kahalagahan May malaking Di gaanong may Kaunti lang ang Walang
kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan sa
paksa ang paksa ang paksa paksa ang
islogan islogan islogan
Kalinisan Malinis na malinis Malinis ang Di gaanong Marumi ang
ang pagkakabuo pagkakabuo malinis ang pagkakabuo
pagkakabuo
E. Pagtalakay ng bagong Sagutan ang katanungan batay sa mga dahilan kung bakit itinuturing na institusyon ang
konsepto at paglalahad ng pamilya. Isulat ang iyong mga kasagutan sa notbuk at maghanda sa malayang talakayan. (Gawin sa
bagong kasanayan #2 loob ng 15 minuto) (Reflective Approach)

1. Mahalaga ba ang pamilya para sa isang indibidwal? Sa lipunan? Bakit? Ipaliwanag.


2. Anong mga pagbabago ang kinakaharap ng pamilya kasabay ng modernisasyon?
3. Ano ang pinakamahalagang misyon ng pamilya? Ipaliwanag.
4. Bakit mahalagang bumuo ng magandang ugnayan sa pamilya? Ipaliwanag.
5. Paano napatitibay ng kasal ang isang pamilya? Ipaliwanag.
6. Bakit itinuturing ang pamilya bilang pundasyon ng lipunan? Ipaliwanag.
7. Paano iiral ang isang pamilya bilang orihinal na paaralan ng pagmamahal?
8. Paano magagawa ng pamilyang makatao at mapagmahal ang lipunan?
9. Paano matuturuan ng pamilya ang mga kasapi nito na taos-pusong gampanan ang
panlipunan at pampolitikal na tungkulin nito?
10. Ano-ano ang mahalagang gampanin na dapat isakatuparan ng magulang bilang unang guro
sa tahanan? Ipaliwanag.
F. Paglinang sa Kabihasahan
(Tungo sa Formative
Assessment) Gamit ang graphic organizer buuin ang mahalagang konseptong nahinuha mula sa mga
nagdaang gawain. Isulat ito sa isang buong papel. Gamitin ang rubric sa kasunod na pahina sa
pagpapaliwanag ng graphic organizer. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

Batayang konsepto:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Kraytirya 4 3 2 1
Paghinuha ng Nahinuha ang Nahinuha ang Nahinuha ang Nahinuha ang
batayang konsepto batayang konsepto batayang konsepto batayang konsepto batayang konsepto
nang hindi nang may kaunting ngunit kailangan ng sa paggabay ng guro
ginagabayan ng paggabay ng guro labis na paggabay sa kabuuan nito
guro ng guro
Pagpapaliwanag ng Malinaw na Mayroong isang Mayroong dalawang Mayroong tatlo o
batayang konsepto naipaliwanag ang konsepto na hindi konsepto na hindi higit pang konsepto
lahat ng malinaw na naipaliwanag na hindi
mahahalagang naipaliwanag naipaliwanag
konsepto
Paggamit ng graphic Nakalikha ng Ginamit ang graphic Nakalikha ng sariling Ginamit ang graphic
organizer graphic organizer na organizer na nasa graphic organizer organizer na nasa
ginamit upang modyul at maayos ngunit hindi modyul ngunit hindi
maibigay o na naibigay ang malinaw na naibigay malinaw na naibigay
maibahagi ang batayang konsepto o naibahagi ang o naibahagi ang
batayang konsepto gamit ito batayang konsepto batayang konsepto
gamit ito gamit ito

G. Paglalapat sa aralin sa pang- Sagutin ang sumusunod na katanungan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
araw-araw na buhay 1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?
2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito?

H. Paglalahat sa aralin Ang pamilya ay maituturing na isang likas na institusyon sapagkat (1) Ang pamilya ay
pamayanan ng mga tao na kung saan ang maayos na paraan ng pag-iral at pamumuhay ay
nakabatay sa ugnayan, (2) Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng
nagpasyang magpakasal at magsama nang habangbuhay, (3) Ang pamilya ang una at
pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang pundasyon at patuloy na sumusuporta rito dahil sa
gampanin nitong magbigay-buhay, (4) Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal, (5)
Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay, (6) May
panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya at (7) Mahalagang misyon ng pamilya ang
magbigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasya at paghubog ng pananampalataya.
I. Pagtataya ng Aralin
Suriin ang mga larawan sa hanay A at tukuyin ang dahilan kung bakit tinuturing na institusyon
ang pamilya sa hanay B. Isulat ang letra ng iyong kasagutan sa patlang bago ang bawat bilang.
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

HANAY A HANAY B
A. Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao
(community of persons) na kung saan
ang maayos na paraan ng pag-iral at
_____1.
pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan.

B. Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan


ng isang lalaki at babaeng nagpasyang
_____2.
magpakasal at magsama nang
habambuhay.

C. Ang pamilya ang una at


_____3. pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito
ang pundasyon ng lipunan at patuloy na
sumusuporta rito dahil sa gampanin
nitong magbigay-buhay.
_____4.
D. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng
pagmamahal.

E. Ang pamilya ang una at hindi


_____5. mapapalitang paaralan para sa
panlipunang buhay (the first and
irreplaceable school of social life).

_____6. F. May panlipunan at pampolitikal na


gampanin ang pamilya.
G. Mahalagang misyon ng pamilya ang
pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa
_____7. mabuting pagpapasiya, at paghubog ng
pananampalataya.

J. Karagdagang gawain para sa


takdang-aralin at remediation Magdala ng mga sumusunod na kagamitan para sa gawain: a. Bond paper b. Sinulid, yarn o
makukulay na lastiko

IV. Mga Tala


V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba 30
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag -
aaral na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag -aaral na
magpapatuloy sa
remediation ?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliraninang aking
naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punung -
guro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Inihanda ni: Binanggit ni:

KRIZEL E. WARDE DANIEL R. PRUDENCIANO


Guro ng Paksa Punong-Guro I

DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/Antas


(Pang-araw-araw na Guro Asignatura
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan

You might also like