Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Title: Paaralang Panghimpapawid sa Grade 1 MTB-MLE

Topic: Karaniwang Ekspresyon at Magalang na Pananalita


Format: School-on-the-Air
Length: 30 minutes
Scriptwriter: Camille Kaye M. Villamera
Objective: Pagkatapos mapakinig ang episode na ito, ang mga mag-aaral ng Grade 1
MTB-MLE ay inaasahang nagagamit ang karaniwang ekspresyon at
magalang na pananalita.

1 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

2 BIZ: MSC UP AND UNDER

3 RADIO TEACHER: Ako ay bumabati ng isang mapagpala at magandang araw sa mga

4 mabubuting mag-aral sa unang baitang! Ito ang inyong paaralang

5 panghimpapawid sa MTB-MLE! Natutuwa ako na makasama kayo ngayong

6 umaga para sa ating talakayan sa pamamagitan ng radyo. Ako ang inyong guro,

7 Binibining Camille Kaye M. Villamera mula sa Alicia, Isabela.

8 BIZ: MSC UP AND UNDER

9 RADIO TEACHER: Ilang paalala lamang ang nais kong ibahagi bago tayo tuluyang

10 magsimula. Una, siguraduhing handa na ang iyong sarili sa panibagong talakayan

11 na ating pag-uusapan. Pangalawa, siguraduhing nasa tamang lugar ka upang

12 malinaw at maayos na mapakinggan ang ating broadcast. Pangatlo,

13 siguaraduhing komportable ka sa iyong pwesto ng sa gayo’y mas maunawaan

14 ang ating talakayan. Pang-apat, siguraduhing nakakain ka na ng iyong pang

15 umagahan, dahil ang pagkain ng umagahan ay nagbibigay lakas at enerhiya sa

16 buong araw.

17 BIZ: MSC UP AND UNDER

18 RADIO TEACHER: Paniguradong naaalala nyo pa ang mga pinag aralan natin sa

19 nakaraang talakayan. Ang kwentong binasa nuon ay pinamagatang, “Malikot si

-MORE-
Magalang na Pananalita… 222
1 Mingming” ang kwento ay tungkol sa isang malikot na muning na pinaglaruan

2 lahat ng laruan ng kanyang amo na si Alex, anak ni Mang Berto at Aling Ana.

3 Dahil sa kakulitan at hindi pagsunod ni MingMing sa kanyang ina, siya ay

4 nahulog sa patibong ni Mang Berto. Ngayon naman ating sasagutin ang ilang

5 katanungan tungkol sa kwento ni Mingming. Handa na ba kayo? (PAUSE)

6 “Opo” Kaninong laruan ang pinaglaruan ni Mingming? (PAUSE) “Alex” Tama!

7 “Kay Alex.” Sino-sino naman ang magulang ni Alex? (PAUSE) “Mang Berto at

8 Aling Ana” Mahusay! “ Si Mang Berto at si Aling Ana.” Bakit kaya nahulog sa

9 patibong si Mingming? (PAUSE) “Dahil sa kakulitan at hindi pagsunod ni

10 Mingming sa kanyang ina.” Magaling! “Dahil sa kakulitan at hindi pagsunod ni

11 MingMing sa kanyang ina.”

12 Dumako naman tayo sa pagsagot sa nakaraang pagsusulit. Ilabas ang inyong

13 kwaderno sa MTB at sabayan ako. Ano ang sagot sa tanong na: Ano ang

14 pamagat ng kuwento? (PAUSE) “C” Mahusay! Ang tamang sagot ay Malikot si

15 Mingming. Pangalawang katanungan: Sino ang may ari ng laruan? (PAUSE)

16 “A” Magaling! Ang tamang sagot ay si alex. Pangatlong katanungan: Saan

17 nakalagay ang mga laruan ni alex? (PAUSE) “B” Magaling! Ang tamang sagot

18 ay eskaparate. Pang-apat na katanungan: Bakit nagalit si mang Berto kay

19 Mingming. (PAUSE) “A” Mahusay! Ang tamang sagot ay dahil ikinalat ni

20 Mingming ang mga laruan ni Alex. Huling katanungan: Paano natuto si

21 Mingming sa patibong ni Mang Berto? (PAUSE) “ A “Magaling! ang tamang

-MORE-

Magalang na Pananalita… 333


1 sagot ay nadala si Mingming sa patibong na ginawa ni mang Berto.

2 Napakahusay mga bata dahil nasagutan nyo lahat ng katanungan sa inyong

3 pagsususlit. Ipagpatuoy ang magandang gawain.

4 SFX: AUDIENCE CLAPS

5 RADIO TEACHER: Kapag ikaw ay nakakuha ng mataas na marka, pumalakpak ng

6 limang beses at sumigaw ng “Ako ay magaling” kung ikaw naman ay

7 nakakuha ng mababang marka pumalakpak din ng limang beses at sumigaw ng

8 “Kaya ko ito, hindi ako susuko.” Mga bata, laging tatandaan na lahat kayo ay

9 magagaling at may kanya kanyang talento kaya dapat maging maligaya tayo.

10 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

11 INFOMERCIAL 1 (Focus on advocacy of learning continuity and the different modalities in

12 learning delivery under the new normal)

13 BIZ: MSC UP AND UNDER

14 RADIO TEACHER: Bago tayo magsimula sa ating aralin ngayong araw. Tayo ay

15 maglalaro. Gusto nyo ba yun? (PAUSE) “Opo” Ako din, gusto kong makipaglaro sa

16 inyo. Makinig lamang kayo sa aking panuto upang masundan ang laro. Ako ay

17 magpapanggap na nanay. Ang inyong gagawin ay mamili ng naaangkop na pagsagot

18 sa iyong nanay. Mga bata, naintindihan ba? (PAUSE) “Opo” Magaling! Masgsimula na

19 tayo. Unang bilang: “Sinabi kong mag ingat ka sa paghuhugas ng mga pinggan anak.

-MORE-

Magalang na Pananalita… 444


1 Pati ba naman yung paborito kong pinggan nabasag mo.” Ano ang isasagot mo?

2 Sa letrang A. Pasensiya na po, hindi ko po sinasadya. Sa letrang B.Hindi ko alam

3 kung sino nakabasag niyan. At sa letrang C. Bahala kayo diyan. Mga bata, mamili

4 na kayo ng inyong sagot. (PAUSE) “A” Magaling! Ang tamang sagot ay letrang

5 “A. Pasensya na po, hindi ko sinasadya.” Dumako naman tayo sa pangalawang

6 senaryo: “Anak, dumating na ang lolo at lola mo. Puntahan mo namn sila,

7 tatapusin ko lang itong niluluto ko.” Ano ang gagawin mo? Sa letrang

8 A.Palayasin sila agad. Sa letrang B. Magmano at papasukin sila at sa letrang C.

9 Huwag silang kausapin. Mga bata, mamili na kayo ng inyong sagot. (PAUSE) “B”

10 Mahusay! Ang tamang sagot ay letrang “B. Magmano at papasukin sila.” Mga

11 bata, ano ang ipinapahiwatig ng nilaro natin? (PAUSE) “Pagbibigay galang at

12 respeto” Magaling! Tandaan na ang pagiging magalang at may respeto ay

13 mahalaga sa pang araw araw na pamumuhay.

14 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

15 RADIO TEACHER: Muli, ako ang inyong guro, Binibining Camille Kaye M. Villamera.

16 Alam kong handang handa na kayong matuto ng panibagong aralin. Inaasahan

17 natin na pagkatapos ng leksyong ito kayo ay matututong gumamit ng karaniwang

18 ekspresyon at magalang na pananalita. Sabayan ako at isigaw ang “Handa na

19 ako.” (PAUSE) “Handa na ako.”

20 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

-MORE-

Magalang na Pananalita … 555

1 RADIO TEACHER: Ang pag-aaralan natin ngayong araw na ito ay tungkol sa


2 paggamit ng karaniwang ekspresyon at magalang na pananalita.Sa araling ito ay

3 matutukoy mo ang mga magagalang na mga pananalita na magagamit mo sa

4 inyong sarili, kapwa, sa paaralan man o sa pamayanang iyong kinabibilangan.

5 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

6 RADIO TEACHER: Ngayon, ako ay babasa ng isang tula. Nais kong ako ay inyong

7 sundan sa pagbabasa. Makinig ng mabuti at intindihin ang aking sinasabi

8 sapagkat tatanungin ko kayo ng ilang katanungan matapos ang pagbabasa.

9 Maliwanag ba mga bata? (PAUSE) “Opo” Magaling! Ang tulang ito ay

10 pinamagatang, “Ang Batang Magalang ni Rinald L. Bacani” Simula noong kami

11 ay bata pa lamang. Magulang natin ang nagturong gumalang. Kaya nararapat

12 lamang ito’y isaalang-alang. Sa paglaki mo sila ang iyong naging katuwang.

13 Pagsabi ng po at opo ay kanilang itinuro. Sa mga bata na handang pang matuto.

14 Magagamit niyo ito saanmang dako. Huwag niyo sana hayaan itong maglaho.

15 Mga bata sa ngayon ay kinalulugdan. Kaya dapat lamang na sila ay tularan.

16 Humingi ng paumanhin sa kasalanan. Walang pinipili bata o matanda pa man.

17 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

18 RADIO TEACHER: Maganda ba ang tula? (PAUSE) “Opo” Handa na ba kayo sa aking

19 mga katangungan? Isigaw ang “Handa na po” (PAUSE) “Handa na po.” Unang

20 katanungan para sa unang saknong: Sino ang nagturong gumalang sa atin nuong

bata pa tayo? (PAUSE) “Mga magulang” Mahusay!

-MORE-

Magalang na Pananalita … 666

1 Panagalawang katanungan para sa pangalawang saknong: Ang mga katagang ito

2 ay magagamit natin saan mang dako. Ano ito? (PAUSE) “po at opo” Magaling!

3 Huling katanungan, para sa pangatlong saknong: Dapat tayong humingi ng ____


4 sa ating mga kasalanan. Ano ito? (PAUSE) “Paumanhin” Tama! Ako’y nagagalak

5 dahil napakagaling nyo! Bigyan ng limang palakpak ang sarili.

6 SFX: AUDIENCE CLAPS

7 RADIO TEACHER: Sa puntong ito, atin namag alamin kung ano ang ibig sabihin ng

8 Magalang na Pananalita. Pero bago yan, itanong nyo muna sa inyong sarili kung

9 kayo ay magalang at laging gumagamit ng po at opo. (PAUSE) “Opo” Magaling!

10 Marapat lamang na tayo ay maging magalang at gumamit ng po at opo sa lahat

11 ng bagay.

12 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

13 RADIO TEACHER: Ang magalang na pananalita ay mga salitang ginagamit sa

14 pakikipag-usap sa mga matatanda bilang pagbibigay galang o respeto. Mga bata,

15 paano kayo bumabati ng may pag galang? (PAUSE) “Pagsasabi ng Magandang

16 Umaga po” Magaling! Huwag kalilimutan ang “po” sa tuwing kayo ay babati. Sa

17 paghingi naman ng paumanhin, ang halimbawa ay “Humihingi po ako ng tawad

18 sa aking nagawang kasalanan.” Sa pagtanggap naman ng paumanhin, ang

19 haimbawa ay “Tuloy po kayo sa aming munting paaralan o tahanan” Sa paghingi

20 ng pahintulot at pakiusap ang halimbawa ay “Pasensiya na po at ngayon lang

21 kami nakarating.”

-MORE-

Magalang na Pananalita … 777

1 Mga bata, kapag kayo ay magpapakilala ng isang bagong kaibigan ano ang

2 nararapat nyong sabihin? (PAUSE) “Siya po si Vic, ang bago kong

3 kaibigan.”Mahusay! “Siya po si Vic, ang bago kong kaibigan.” Mga minamahal

4 kong mag-aaral, laging isapuso at isaisip ang pagbibigay galang ay hindi lamang
5 sa mga nakakatanda kundi sa lahat ng tao, hayop at bagay na nilalang ng Diyos.

6 At tandaan, Ang natatanging kilos at ugali ay itinuturo sa atin ng ating mga

7 magulang. Naintindhan ba mga bata? (PAUSE) “Opo.”

8 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

9 RADIO TEACHER: Ngayon, ay subukin natin ang ating kakayahan sa paggawa ng

10 pangungusap na ginagamitan ng mga magalang na pananalita. Napakadali lang

11 nito, sundan nyo ako sa pagbabasa ng mga magalang na pananalita, pagkatapos

12 ay mamimili kayo ng tatlong magalang na pananalita at gamitin nyo ito sa

13 pangungusap. Maliwanag ba mga bata? “Opo” Halina at basahin natin! Una,

14 makikiraan po, Pangalawa, walang anuman, Pangatlo, maraming salamat, Pang-

15 apat, binabati kita, at Pang-lima, maaari po bang lumabas. Sa pangalawang

16 pagkakataon, sundan nyo ako sa pagbabasa mga bata. Makikiraan po, walang

17 anuman, maraming salamat, binabati kita, at maaari po bang lumabas. (PAUSE)

18 Napakagaling! Ako ay natutuwa sa pinapakita nyong kagalingan at pagiging

19 aktibo sa klase. Bibigyan ko kayo ng tatlong minuto para makagawa ng tatlong

20 pangungusap na ginagamitan ng magalang na pananalita. Handa na ba kayo mga

21 bata? (PAUSE) “Opo” Magaling! Maaari na kayong magsimula.

-MORE-

Magalang na Pananalita … 888

1 SFX: TIMER BEEPS

2 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

3 RADIO TEACHER: Mga bata, laging tatandaan na ang pagiging magalang ay ang

4 pagbibigay ng respeto sa mga nakatatanda. Mahalagang maalala at magamit ang

5 magalang na pananalita sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Maaaring simulan


6 ito sa tahanan, paaralan at maging sa mga kaibigan. Huwag kalilimutang gamitin

7 ang mga katagang “po at “opo.” Mga bata, tayo ay maglalarong muli, ihanda na

8 ang sarili sapagkat tayo ay magsisimula na. Inaanyayahan ko ang lahat na tumayo

9 sa kinauupuan. Makinig ng mabuti sa aking babanggitin, pumadyak ng isang

10 beses kapag ito ay hindi nagpapakita ng magalang na pananalita, pumadyak

11 naman ng dalawang beses kung ito ay nagpapakita ng magalang na pananalita.

12 Handa na ba kayo mga bata? (PAUSE) “Handa na po” Mahusay! Unang

13 halimbawa, Pakiabot ang aking bag. (PAUSE) Ito ay isang halimbawa ng hindi

14 magalang na pananalita. Pumadyak ba kayo ng isang beses mga bata? (PAUSE)

15 “Opo” Magaling! Pangalawang halimbawa, Bilisan mong tumayo (PAUSE) Ito ay

16 isang halimbawa ng hindi magalang na pananalita. Pumadyak ba kayo ng isang

17 beses mga bata? (PAUSE) “Opo” Mahusay! Pangatlong halimbawa, Magandang

18 umaga po (PAUSE) Ito ay isang halimbawa ng magalang na pananalita.

19 Pumadyak ba kayo ng dalawang beses, mga bata? (PAUSE) “Opo” Magaling!

20 Pang-apat na halimbawa, Makikiraan po (PAUSE) Ito ay isang halimbawa ng

21 magalang na pananalita.

-MORE-

Magalang na Pananalita … 999

1 Pumadyak ba kayo ng dalawang beses, mga bata? (PAUSE) “Opo” Magaling! At

2 pang huling halimbawa, Alis diyan lalabas ako! (PAUSE) Ito ay isang halimbawa

3 ng hindi magalang na pananalita. Pumadyak ba kayo ng isang beses mga bata?

4 (PAUSE) “Opo.”

5 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

6 RADIO TEACHER: Magaling mga bata! Bigyan ng limang palakpak ang sarili! Talaga
7 nga namang naintindihan ninyo ng mabuti ang ating talakayan ngayong umaga.

8 SFX: AUDIENCE CLAPS

9 INFOMERCIAL NO. 2 (Focus on localized advocacy)

10 BUMPER IN THEN CROSSFADE WITH MSC

11 BIZ: MSC UP AND UNDER

12 RADIO TEACHER: Mga bata, alam kong handa na kayo para sa maikli nating

13 pagsusulit. Tama ba ako? (PAUSE) “Opo” Magaling! Maglabas ng isang buong

14 papel at lapis. Gumuhit ng tsek (/ ) kung ang aking babanggitin ay nagpapakita

15 ng magalang na pananalita at ekis (x ) naman kapag hindi. Naintindihan ba, mga

16 bata? (PAUSE) “Opo” Mahusay! Magsimula na tayo, mga bata.

17 SFX: IDEA POPS

18 RADIO TEACHER: Unang bilang: Lola, mano po! (PAUSE) naiguhit na ba ang tamang

19 sagot, mga bata? (PAUSE) “Opo” Magaling! Pangalawang bilang: Ikaw, bata ka!

20 Wala ka ng ginawa kundi matulog. (PAUSE) Mga bata, Nagpapkita ba ito ng

21 magalang na pananalita o hindi? (PAUSE) Iguhit ang tamang sagot sa sagutang

papel.

-MORE

Magalang na Pananalita … 101010

1 Pangatlong bilang: Aking kaibigan, tanggapin mo ang munti kong regalo para

2 sa’yo. (PAUSE) Naiguhit na ba ang tamang sagot, mga bata? (PAUSE) “Opo”

3 Magaling! Pang-apat bilang: Ang dumi at ang baho mo ayaw kitang makalaro.

4 (PAUSE) Mga bata, Nagpapakita ba ito ng magalang na pananalita o hindi?

5 (PAUSE) Iguhit ang tamang sagot sa sagutang papel. Pang-limang bilang:

6 Kamusta ka kaibigan? Nagagalak akong Makita ka muli. . (PAUSE) naiguhit na ba

7 ang tamang sagot, mga bata? (PAUSE) “Opo” Magaling! Mga bata, muli kong
8 babasahin ang mga halimbawa, making ng mabuti at tignan ang sagutang papel.

9 Bibigyan ko kayo ng pagkakataong palitan ang inyong mga kasagutan. Handa na

10 ba kayo? (PAUSE) “Opo” Magaling! Magsimula na tayo. Unang bilang: Lola,

11 mano po! (PAUSE) Pangalawang bilang: Ikaw, bata ka! Wala ka ng ginawa kundi

12 matulog. (PAUSE) Pangatlong bilang: Aking kaibigan, tanggapin mo ang munti

13 kong regalo para sa’yo. (PAUSE) Pang-apat na bilang: Ang dumi at ang baho mo

14 ayaw kitang makalaro. (PAUSE) Pang-limang bilang: Kamusta ka kaibigan?

15 Nagagalak akong Makita ka muli. . (PAUSE). Nakuha ba mga bata? (PAUSE)

16 “Opo” Mahusay!

17 BIZ: MSC UP AND UNDER

18 RADIO TEACHER: Para naman sa karagdagang Gawain. Nais kong isulat nyo sa

19 inyong kwaderno ang mga magalang na pananalitang aking babanggitin.

20 Babasahin ko ito ng dalawang beses. Una, “Magandang umaga po Bb. Perez”,

21 wika ni Gina.(ULITIN) Pangalawa, “Maraming salamat po sa regalo,” sambit ni

22 Julia.(ULITIN) Pangatlo, “Ano po ang pangalan mo?, ang tanong ni Gil.”(UITIN)

-MORE-

Magalang na Pananalita … 111111

1 Pang-apat, “Opo, Inay!”, ang magalang na tugon ni Marilyn. .”(ULITIN) Pang-

2 lima, “Maligayang kaarawan Arnold” ang bati ni Ella. (ULITIN) Tapos na ba mga

3 bata? (PAUSE) “Opo” Mahusay!

4 BIZ: MSC UP AND UNDER

5 RADIO TEACHER: Mga minamahal kong bata, may inihanda akong isang awitin.

6 Napili ko ang awiting ito dahil alam kong makapagbibigay ito ng saya sa inyong

7 mga puso. Ang awiting ito ay pinamagatang “You Are My Sunshine” Tara!

8 sabayan nyo ako sa pag-awit!


9 BIZ: MSC UP AND UNDER

10 RADIO TEACHER: Dito na nga nagtatapos ang ating talakayan ngayong umaga. Nag

11 enjoy ba kayo mga bata? (PAUSE) “Opo” Ako ay labis na nagagalak at naibahagi

12 ko na naman ang aking kaalaman. Sana ay marami kayong napulot na aral at

13 gamitin niyo ito sa pang araw araw na paumuhay ng sa gayo’y pangmatagalang

14 manatili lahat ng ating pinagaralan sa inyong puso at isipan.

15 BIZ: MSC UP AND UNDER

16 RADIO TEACHER: Mga bata, huwag kalilimutang basahin ang mga leksyong pinag-

17 aralan natin ngayong umaga. Basahin muli ito bago matulog at isabay na ding

18 basahin ang susunod na aralin upang makasabay sa ating diskasyon sa susunod.

19 Muli, ako si binibining Camille Kaye M. Villamera ang inyong gurong

20 panghimpapawid. Aking paalala para sa mga minamahal kong mga bata, huwag

21 mawawalan ng pag-asa at maging masaya. Maglaan ng oras sa pagbabasa upang

22 talino’y mahasa. Magandang umaga at Mag ingat mga bata.

23 BIZ: MSC UP AND UNDER

24 CLOSING BILLBOARD -END-

You might also like