Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Second Periodical Test in ESP 6

2023-2024

ITEM PLACEMENT
EASY AVERAGE DIFFICULT No. of
COMPETENCY CODE
Remember / Understand/ Apply/ Analyze / Evaluate / Create / Items
Knowledge Comprehension Application Analysis Synthesize Evaluation
1. . Naipakikita ang kahalagahan ng pagiging EsP6P- IIa-c–30 15,21,22,2 6-8,10,11- 16-18,27- 1-5,9,26 13-14,31- 23,24 30
responsable sa kapwa: 5, 12,19-20 30 35
4.1 pangako o pinagkasunduan;
4.2 pagpapanatili ng mabuting
pakikipagkaibigan;
4.3 pagiging matapat
2. . Nakapagpapakita ng paggalang sa ideya EsP6P- IId-i-31 36-38,40 41-45 39 46-50 20
o suhestyon ng kapwa
TOTAL NUMBER OF ITEMS 8 13 8 12 7 2 50
Pangalan:____________________________________Baitang: ________________Score:_____
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Nahuli mong binubuksan ng isa mong kamag-aral ang bag ng inyong guro. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi ka dapat makialam.
b. Tulungan ang iyong kamag-aral sa pagbubukas ng bag.
c. Sabihin sa guro ang nangyari.
d. Kunwaring wala kang nakita.
2. Natutulog ang nanay mo at narinig mong umiiyak ang nakababata mong kapatid. Naisip mong gutom na
siya. Alin ang mainam mong gawin?
a. Ipagtitimpla mo siya ng gatas upang tumahan.
b. Hindi mo papansinin ang pag-iyak niya.
c. Aantayin mong gumising si nanay.
d. Aawayin mo siya at papaluin.
3. May pagsusulit kayo sa EsP ngunit wala kang bolpen. May nakita kang bolpen sa ilalim ng upuan mo.
Ano ang dapat mong gawin?
a. Kukunin at sasagutan ang pagsusulit.
b. Tatanungin ang tunay na may-ari bago hiramin.
c. Hihiramin muna bago hanapin ang tunay na nagmamay-ari ng bolpen.
d. Kunin ang bolpen at itago sa bag.
4. Ikaw ang lider ng inyong pangkat at nangako kang ikaw ang magdadala ng mga kagamitan para sa
pangkatang gawain. Ano ang gagawin mo?
a. Tutuparin ang pangako.
b. Magdadala ng para sa sarili lamang.
c. Manghihiram na lamang sa ibang kamag-aral.
d. Magkunwaring nakalimutan mo.
5. Kasalukuyang nanonood ka ng paborito mong palabas sa telebisyon nang may tumawag na matandang
babae na humihingi ng tubig na maiinom. Hindi mo siya kilala. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi mo siya papansinin.
b. Itatanong mo muna kay nanay kung maari mo siyang bigyan ng tubig.
c. Bibigyan mo siya ng maiinom na tubig.
d. Hayaan lang siya hanggang sa umalis.
_____6.Nagpasya kayo ng mga kaibigan mong manood ng sine sa mall. Nakatakda kayong magkita- kita sa
hintayan ng sasakyan malapit sa simbahan ng ika-3 ng hapon. Pero hindi dumating ang mga kaibigan mo.
Nalaman mo na nauna na pala sila sa mall. Ano ang magiging reaksyon mo?
A. Hindi ko sila papansinin.
B. Aawayin ko sila at hindi na makipagkaibigan.
C. Uuwi nalang ako dahil hindi sila tumupad sa usapan.
D. Kakausapin sila ng mahinahon tungkol sa nangyari at pagsasabihan na hindi tama ang
ginawa nila.
____7. Magkakaroon ng paligsahan sa pagguhit ang inyong paaralan. Gustong-gusto sanang sumali ng
kaibigan mo ngunit wala siyang gamit. Pinahiraman mo siya ng gamit. Nangako siya na ibabalik niya agad
ito pagkatapos ng paligsahan. Lumipas ang ilang araw at natapos na ang paligsahan ngunit hindi pa rin
niya ibinabalik ang kanyang hiniram. Ano ang magiging reaksiyon mo rito?
A. Hindi ko siya papansinin.
B. Iiyak at hindi na papahiramin ng gamit.
C. Kakausapin at sabihin ang totong naramdaman sa nangyari.
D. Papagalitan ko siya dahil hindi pa niya binalik sa takdang oras ang gamit mo.
_____8. Si Sarah at Pat ay nagkasundong magsisimba tuwing Linggo. Sa di inaasahang pangyayari hindi
nakasimba si Pat, ano ang mararamdaman ni Sarah sa pagkakataong ito?
A. Magagalit kay Pat dahil hindi siya nagsimba.
B. Aalamin ang dahilan kung bakit hindi nakasimba si Pat.
C. Matutuwa si Sarah dahil hindi niya makakasama si Pat sa pagsimba.
D. Kakalimutan na niya si Pat dahil sa hindi pagtupad sa napagkasunduang pagsisimba.
_____9. Pinayagan ka ng iyong nanay na dumalo sa kaarawan ng kaibigan mo at nangakong uuwi sa
takdang oras. Ngunit pinipilit ka ng mga kaibigan mo na huwag munang umuwi. Ano ang gagawin mo?
A. Mag-eenjoy ako hanggat gusto ko.
B. Hindi ko nalang pansinin ang nanay kapag magalit sa akin.
C. Hindi ako uuwi sa takdang oras kahit mapagalitan ng nanay.
D. Ipapaliwanag ko sa mga kaibigan ko na nangako ako sa aking nanay na dapat ko itong
tuparin at upang hindi ako mapagalitan.

2|P a g e
_____10. Ipinangako ng kapatid mo na bibilhan ka ng damit. Tinupad niya ito ngunit hindi mo nagustuhan
ang kanyang binilin dahil mumurahin lamang ito. Ano ang magiging reaksyon mo?
A. Maaawa sa aking ate.
B. Hindi ko tatanggapin ang kanyang binili.
C. Hindi na ako masyadong aasa sa aking ate.
D. Tatanggapin ko ng buong-puso ang damit anuman ang halaga nito.

Panuto: Basahin at suriin ang sitwasyon sa ibaba at bilugan ang titik na may tamang sagot.

Nagsimula ang pagkakaibigan nina Lolit at Lita sa paaralang kanilang pinapasukan.


Nagustuhan ni Lita ang pagkamasayahin, makwento at maalalahanin ni Lolit. Masaya sila sa kanilang
relasyon bilang magkaibigan at magkaklase. Habang tumatagal mas nakilala ng dalawa ang isa’t isa; ang
mabubuting katangian pati na rin ang ilang kapintasan. Para kay Lita, lubos at walang kondisyon ang
kanyang pagmamalasakit sa kaibigan. Subalit ng tumagal, napansin niya na kapag natataasan niya ng iskor
si Lolit sa kanilang pagsusulit, ay naiinis ito. Kapag pinupuri ng kanilang guro si Lita dahil sa magagandang
gawaing naipasa niya, sa ibang kaklase sumasama si Lolit.
Sa huli, nasasaktan si Lita pero wala siyang lakas ng loob sabihin ito kay Lolit. Ang lahat ng kaniyang
saloobin ay sinasarili na lamang niya.

11. Kung ikaw si Lita, ano ang pinakamakatwirang hakbang upang maging malinaw ang katayuan ng
kaniyang pakikipagkaibigan kay Lolit?
a. Ipakita kay Lolit na hindi siya apektado sa negatibong kilos at asal na ipinamamalas sa kanya.
b. Ipagpatuloy ang pananahimik hanggang kaya pang tiisin ang ugali ng kaibigan.
c. Makipagkaibigan sa iba at balewalain ang kaibigan na naiinggit sa kaniya.
d. Maglaan ng sapat na panahon sa pakikipag-usap nang matapat kaugnay sa negatibong asal o
ugali ng kaibigan.
12. Ano ang pangunahing dahilan ng hindi magandang pakikitungo ni Lolit sa kanyang kaibigan na si Lita?
a. Hindi niya mahabol ang kanyang kaibigan.
b. May nabubuong kumpetisyon sa kanilang dalawa.
c. Nagsasawa na siya sa kabaitang pinapakita ng kaibigan.
d. Isa lang sa kanila ang sumisikat at napapansin sa klase.
13. Mula sa kwentong pagkakaibigan nina Lolit at Lita, alin sa mga sumusunod na konsepto ang angkop
dito?
a. Lahat ng pagkakaibigan ay may mabuti at di mabuting naidudulot sa tao subalit ang mga ito’y
maaaring dahilan ng ating paglago.
b. Sa pagpili ng kaibigan, kailangan nating bumuo ng pamantayan at inaasahan sa kanila na
makatutulong sa pagpapabuti ng pagkatao.
c. Ang pagkakaibigan ay pagbabahagi ng sarili na hindi naghihintay ng anumang kapalit sa mga
bagay na hatid ng pakikipag-ugnayan sa kapwa.
d. Ang tunay at mabuting pagkakaibigan ay bunga ng pagsisikap na pagdalisayin at patatagin
ang ugnayang namamagitan.
14. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng mabuting pakikipagkaibigan MALIBAN sa isa.
a. Ang pakikipagkaibigan ay hindi lamang isang pakikitungo sa kapwa kundi isang pagbabahagi
ng sarili.
b. Ang pakikipagkaibigan ay nakatutugon sa personal na intensiyon ng tulong o pabor na
makukuha sa iba.
c. Ang pakikipagkaibigan ay bunga ng pagsisikap na patatagin at palawakin ang ugnayan sa
pangmatagalang panahon.
d. Ang pakikipagkaibigan ay nararamdaman mula sa inspirasyong nagmumula sa taong
naniniwala at nagtitiwala sa atin.
15. Sa panahon ng kabataan likas na umuusbong ang pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian kagaya sa
kaparehong kasarian. Upang maingatang hindi mabuwag ang mabuting layunin sa pagkakaibigan sa
katapat na kasarian nararapat na isaalang-alang ang:
a. Pagsuporta sa mga mithiing nais makamit mula sa pakikipagkaibigan.
b. Paglilinaw sa kanilang mga limitasyon ng ugnayang maingat na binuo.
c. Paggalang sa mga katangian at kahinaang taglay sa kanilang seksuwalidad.
d. Pagkontrol sa posibleng atraksiyon na makamit mula sa pakikipagkaibigan.

16. Ang iyong kaibigan ay lumiban sa klase sa kadahilanang siya’y nagkasakit. Ngunit nakita mo siyang
naglalaro sa loob ng “internet café”. Ano ang gagawin mo?
A.Pagsasabihan ko siya na mali ang kanyang ginawa.
B. Aawayin ko siya kasi hindi niya ako sinama.
C. Isusumbong ko siya sa pulis.
3|P a g e
D. Hayaan ko siya kasi ginusto niya iyon.
17. Nakita mong umiiyak ang kaibigan mo dahil may problema siya. Ano ang gagawin mo?
A. Pabayaan ko siyang umiyak.
B. Awayin ko siya para lalong umiyak.
C. Tanungin ko siya kung ano problema at kung ano maitutulong ko.
D. Ipagsabi ko sa mga kamag-aral ko na may problema siya.
18. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa kaibigan?
A. Pabayaan siya mag-isa kung may suliranin siya.
B. Magtutulungan kami upang pareho kaming umunlad.
C.Iiwasan ko siya kapag nakakuha siya ng mas mataas na marka kaysa sa akin.
D. Hindi ako makikipagkaibigan sa iba dahil kaya ko naman ang sarili ko.
19. Sa pagpapanatili ng pagkakaibigan, ano ang nararapat isaalang-alang?
A. Mapagmataas sa isa’t isa.
B.Tumitingin sa estado ng buhay.
C. Mapaglihim sa isa’t isa.
D. May paggalang at pagbibigayan ang bawat isa.
20. Lumipat ng lugar sina Liza sa probinsya at doon na siya mag-aaral. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagpapanatili ng pagkakaibigan?
A. Kakalimutan ko na siya.
B. Hahanap na uli ako ng bagong kaibigan
C. Ipagpapatuloy ko ang pakikipagkomunikasyon sa kanya sa pamamagitan ng facebook at
messenger .
D. Magagalit ako sa kanya kasi lilipat na sila.
21. Anong pag -uugali ang pinakamagandang nakasanayan ng tao base sa sanaysay?
a. mapagkumbaba b. masipag c. masunurin d. matapat
22. Ang pagsasabi ng katapatan ay naglalayo sa atin sa kapahamakan.
a. Oo b. Hindi c. Maari d. Siguro
23. Oras ng klase ninyo sa Edukasyong Pampalakas, dahil sa sobrang init, naamoy mong may hindi kaaya-
ayang amoy ang iyong kaklase, ano ang iyong dapat gawin?
a. Pababayaan ko siya.
b. Magkukunwaring walang naamoy.
c. Hindi ko siya sasabihan para pagtawanan ng aking mga kaklase.
d. Palihim ko siyang kakausapin at maayos kong sasabihin na may kakaiba siyang amoy upang
malaman niya ang dapat niyang gawin.
24. Si Aling Tesa na nagtitinda ng isda ay nagpositibo sa sakit na COVID – 19, ano ang dapat niyang
gawin?
a. Magtatago na lamang.
b. Patuloy na makisalamuha sa iba
c. Ipagkibit balikat na lamang ang nalaman
d. Agad na ihiwalay ang sarili at magsabi sa mga kapamilya niya.
25. Sa panahon ng pandemya, kailangang ang bawat tao ay ___________.
a. Tumahimik b. Magkibit balikat
c. Huwag pansinin d. Maging matapat sa lahat ng oras
26. Paano mo maipapakita ang paggalang sa suhestiyon ng iyong magulang hinggil sa iyong mababang
marka?
a. Balewalain ko ang kanilang sinasabi.
b. Magalit ako dahil pinagbawalan na gumamit ng cellphone.
c. Pakinggan ko ang kanilang suhestiyon pero di ko gagawin.
d. Papakinggan at gagawin ang kanilang suhestiyon.
27. Para makaiwas ang inyong pamilya sa COVID-19 pinagbawalan kang lumabas ng bahay. Ano ang dapat
mong gawin?
a. Susundin ko sila dahil ito ay makakabuti sa aming lahat.
b. Tatakas ako habang wala ang aking mga magulang.
c. Susundin ko ang aking mga magulang kung andyan sila.
d. Susundin ko sila kahit labag sa aking kalooban.
28. Kalahok kayo sa isang patimpalak ni James ngunit magkaiba kayo ng naisip. Ano ang iyong gagawin?
a. Ilihim ko nalang kay James ang ideya ko.
b. Sabihin ko kay James at pilitin siya na ito ang aming gagawin
c. Banggitin ko kay James ang aking konsepto ngunit hindi ko ipipilit.
d. Lahat ng nabanggit.
29. Mahigpit na bilin ng iyong kapatid na huwag mong pakialaman ang kanyang gamit. Ano ang gagawin
mo?
a. Kuhanin ko ang gamit at ibalik ko na lang bago siya dumating.
4|P a g e
b. Hayaan ko siyang magalit ang mahalaga ay nakuha ko ang gusto ko.
c. Antayin ko ang aking kapatid na dumating bago ito kunin.
d. Balewalain ko dahil mga magulang naman namin ang bumili nito.
30. Nagbigay ng mga suhestiyon ang mga kagrupo mo sa dula-dulaan sa Edukasyon sa Pagpapakatao.
Bilang lider may naisip ka ngunit hindi nila ito nagustuhan. Ano ang gagawin mo?
a. Gagawin ko ang nais ko dahil ako ang lider.
b. Hindi ko sila susundin at gagawin ko ang nais ko.
c.Sasabihin ko sa kanila na kung ayaw nila sumunod ay umalis sila sa grupo.
d. Pakinggan ko ang kanilang mungkahi at ito ang gagawin.
____31. Pinagsabihan si Arman na limitahan ang paglaro ng cellphone dahil ito ay nakasisira sa kanyang
mata. Kung ikaw si Arman ano ang gagawin mo?
a. Pakinggan ko ang kanilang sinabi ngunit hindi ko ito susundin.
b. Pakinggan ko ang kanilang payo at susundin ko ito.
c. Pakinggan ko lamang ang kanilang sinabi.
d. Pakinggan ko pero gagawin ko pa rin ang nais ko.
____ 32. Pinaalalahanan mo ang iyong ate dahil laging puyat sa pagbabasa ng wattpad. Kung ikaw ang
ate, ano ang iyong mararamdaman?
a. Magagalit ako sa kapatid ko kasi pinapakialaman niya ako.
b. Sasabihin sa kapatid ko na mas nakatatanda ako kaya alam ko ang ginagawa ko.
c. Maiinis ako kasi matanda ako sa kanya.
d. Magpapasalamat ako sa aking kapatid sa kanyang paalala
___ 33. Tinuruan mo si Kizzia maglinis ng maayos dahil hindi ito sanay sa gawaing bahay. Kung ikaw si
Kizzia ano ang mararamdaman mo?
a. Magpapasalamat ako dahil natuto akong gawin ng tama.
b. Magagalit ako dahil nagmamagaling siya sa akin.
c. Sasabihin ko sa kanya na siya na lang ang gumawa.
d. Sasabihin ko sa kanya na tulungan niya ako.
___ 34. Pinagsabihan ka ng isang taong hindi mo kilala dahil nakalimutan mong sundin ang alituntunin sa
pagsusuot ng face mask. Ano ang sasabihin mo?
a. Sabihin ko na wala siyang karapatang mangialam sa akin.
b. Pasalamatan ko siya kahit wala siyang pakialam.
c. Sabihin ko na manahimik na lang siya at di ko naman siya kilala.
d. Pasalamatan ko siya dahil pinaalalahanan niya ako.
___ 35. Pinapayuhan ng pamahalaan ang mga tao na magsuot ng face mask at huwag lumabas ng bahay
para makaiwas sa pandemya. Ano ang dapat gawin ng mga mamamayan?
a. Balewalain ang payo ng pamahalaan.
b. Sumunod kung may awtoridad na nakakakita.
c. Sundin ang mga payo ng pamahalaan.
d. Sundin ang sariling kagustuhan.
36. Nais ninyong makatulong sa mga naapektuhan ng COVID-19 kaya naisipan ng kapatid mo na humingi
ng donasyon. Bilang panganay, paano ka magpapasya?
a. Hindi sila papakinggan dahil ikaw ang nakatatanda.
b. Pakinggan ang iyong mga kapatid at suportahan ang nais nila.
c. Sasabihin mo sa kanila na ang pasya mo dapat ang masusunod.
d. Susundin mo ang iyong mga kapatid kahit mabigat sa iyong kalooban.
37. Paano napananatili ang mabuting paggalang sa suhestiyon ng kapwa?
a. suhestiyon b. ugnayan c. paggalang d. pakikipagkapwa
38. Alin sa mga sumusunod ang karaniwang dahilan upang magkaroon ng pagkakaunawaan ang isang
grupo?
a. Hindi makikinig sa ideya ng iba.
b. Iniisip na sarili ang tama.
c. Nakikinig at iginagalang ang suhestiyon ng iba.
d. Ipinipilit ang sariling kagustuhan sa iba.
39. Paano mo maipakikita ang mabuting pakikipagkapwa sa panahon ng pandemya?
a. Ipagdadasal ko ang mga frontliners at tutulong sa abot ng aking makakaya.
b. Hindi ako mangingialam para hindi ako mahawa sa sakit.
c. Mananatili sa bahay at tutulong kung sino ang nais ko lamang tulungan.
d. Sasali ako sa pila sa mga nagbibigay ng donasyon kahit hindi kinakailangan.
40. Iminungkahi ng iyong magulang na ibigay mo ang iyong ipon sa mga taong nasunugan upang
makatulong ngunit may binabalak kang bilhin, ano ang iyong gagawin?
a. Hindi ko pakikinggan ang mungkahi ng aking mga magulang.
b. Ibibigay ko ang aking ipon ng maluwag sa aking kalooban.
c. Magbibigay ako ng aking ipon pero magtitira ako sa aking sarili.
5|P a g e
d. Hindi ko kailangang tumulong sa aking kapwa.

Panuto Piliin sa Hanay B ang katangiang tinutukoy ng pagiging responsable sa sarili na


matatagpuan sa Hanay A. Isulat ang letra sa patlang.

Hanay A Hanay B

___ 41. Si Rica ay nagsauli ng sobrang sukli a. matipid


sa tindera.
___ 42. Nilinis ni Juan ang lugar kung saan b. may paggalang at
siya gumawang kanyang proyekto. pang-unawa sa kala-
____43. Binigyan ng ulam ng kapitbahay ang gayan ng ibang tao
mag-anak ni Mang Pedro nang panahong wala c. malinis
silang makain. d.tapat
____44. Hindi pinakinggan ni Rex ang kanyang e. may sariling pagtitimpi
kaklase nang sinabihan siyang tumingin
sa kanyang notbuk noong sila’y nagsusulit.
____ 45. Inilalagay ni Karen sa kanyang alkansya
ang sobrang baon na binibigay ng kanyang
Nanay.

Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Isulat sa patlang ang wastong titik ng bawat
larawan base sa kanilang ipinakikitang paraan ng pagpapanatili ng mabuting uganayan sa
kapwa.

___ 46. Sinisikap unawain ang ideya o pananaw ng kanyang kapwa.


___47. Magalang na nagbibigay ng reaksiyon sa ideya ng kanyang kapwa.
___ 48. Nagtatanong upang maunawaan ang nais ipahayag na ideya ng kapwa.
___ 49. Lubos na nakikinig sa mga ideyang ibinabahagi ng kapwa.
___ 50. Iniisip at inuunawa ng maigi ang pananaw ng iba.

6|P a g e
ANSWER KEY FOR ESP 6

No. Answer No. Answer

1 C 20 C

2 A 21 D

3 B 22 A

4 A 23 D

5 C 24 D

6 C 25 D

7 D 26 D

8 B 27 A

9 D 28 C

10 C 29 C

11 D 30 D

12 B 31 B

13 D 32 D

14 B 33 A

15 C 34 D

16 A 35 C

17 C 36 B
18 B 37 D
19 D 38 C

39 A

40 B

41 D

42 C

43 B

44 E

45 A

46 D

47 C

48 B

49 A

50 D

7|P a g e
8|P a g e

You might also like