Professional Documents
Culture Documents
Anim Na Sabado NG Beyblade Pagsusuri
Anim Na Sabado NG Beyblade Pagsusuri
Maikling Kuwento
Nagsuri: Khlin M. Pregunta
I. Panimula
a. Pamagat: Anim na Sabado ng Beyblade
b. May Akda: Ferdinand P. Jarin
- Isang manunulat, musikero at guro si Ferdinand P. Jarin na
nakatira sa Cembo, Makati na kasalukuyan nagtuturo ng
asignaturang Agham Panlipunan at Filipino. Kabilang sa
samahang The Writters lock, KATAGA at Neo-Angono Artist
Collective. Natanggap n’ya ng tatlong ulit ang Don Carlos
Memorial Award Literature bilang parangal sa mga akdang;
Dulang may Isang Yugto (Sardinas 2001), maikling kwento
(Anim na Sabado ng Beyblade 2005) at Sanaysay (D’Pol
Pisigan Band, 2010).
II. Buod
Sa unang Sabado, hiniling ng batang si Rebo na magdiwang
ng kaniyang kaarawan kahit hindi pa mismo araw ng kaniyang
kapanganakan.
a. Mga Tauhan
i. Rebo – isang batang mahilig maglaro ng beyblade.
Bagama’t natatalo sa mga kalaro ay hindi nawala ang
interes nito.
ii. Tatay ni Rebo – isang kahanga-hangang ama na talagang
kakikitaan ng totoong pag-aaruga sa anak.
b. Tagpuan
i. Tindahan ng Beyblade – tuwing sabado ay bumibili sina
Rebo at tatay nito ng Beyblade.
ii. Bahay ni Rebo
iii. Ospital – Dito lumaban si at nagpagaling si Rebo.
c. Banghay
i. Simula – Nakikipagkita si Rebo sa kaniyang tatay tuwing
araw ng sabado. Habang buhat-buhat siya ay tinatahak nila
ang daan patungo sa isang tindahan ng beyblade.
ii. Saglit na Kasiglahan – Pagbaba ng bata mula sa bisig ng
ama ay siyang pagpili nito sa bagong beyblade. Kahit na
natatalo sa mga kalaro ay hindi nawawala ang interes nito
sa laruang beyblade.
iii. Tunggalian – Nilagnat si Rebo at wala ni isa sa mga doctor
at klinika ang makapagsabi ng tiyak na kalagayan ng bata.
Kasukdulan – Nagtanghal ang isang mascot nang libre para
kay Rebo. Bagaman hirap na, ipinakita pa rin niyang masaya
siya.
iv. Kakalasan - Tuluyang nang nanghina si Rebo. Hindi na niya
mapaikot ang laruan.
v. Wakas - Natapos ang lahat ng paghihirap ni Rebo sa Ika-
anim na sabado. Hindi na muling malalaro pa ni Rebo ang
kaniyang beyblade. Ngunit sa kinaroroonan niya ngayon,
wala mang beyblade, wala naman doong sakit, hirap, at
gutom.
d. Mga Pahiwatig
i. Para sa akin, nagsilbing pahiwatig ang beyblade ni Rebo.
Kahit na mailing ulit natatalo ang bata ay patuloy pa rin siya
sa paglalaro dahil dito niya natatagpuan ang kasiyahan
bilang bata. Tulad ng beyblade, sinubukang lumaban ni
Rebo na mabuhay. Ngunit sa huli, binawian din ang bata ng
buhay na siyang talaga namang nakakalungkot.
e. Magandang Pahayag
i. Ngunit Ngunit sa kinaroroonan niya ngayon, wala mang
beyblade, wala naman doong sakit, hirap, at gutom.
Pinapakita lamang nito na ang batang si Rebo ay maaari
nang maranasan ang buhay na walang sakit, hirap, at gutom
ngunit hindi lamang sa lupa ngunit maaaring sa tabi ng mga
anghel.
f. Teoryang Pampanitikan\
i. Teoryang Realismo – Sapagkat tulad ng karanasan ni
Rebo ay marami tayong mga kuwento ng buhay ng mga
taong lumalaban din sa kabila ng kanilang kasakitan.
Ipinapakita rin dito kung gaano kahalaga ang ating buhay at
kung gaano kasaya mabuhay.
ii. Teoryang Moralistiko – Sapagkat nakita natin kung gaano
kamahal ng kaniyang tatay si Rebo.
V. Panlahat na Reaksyon
- Ang kuwentong “Anim na Sabado ng Beyblade” ay isang
magandang kuwento na may halo-halong emosyon na
maipadarama sa mambabasa. Talagang naantig ang aking
damdamin sa mga pangyayari at labis akong nalungkot sa
katapusan ng kuwento. Ngunit, naghahatid ito ng mensahe
na ating pahalagahan ang buhay dahil hindi natin alam kung
ano ang kahihinatnan natin sa bawat araw.
VI. Sanggunian:
Valencia, A. J. (2017) Anim Na Sabado NG Beyblade
https://www.scribd.com/document/366705804/Anim-Na-Sabado-Ng-
Beyblade